Chapter 2 part 1"

 Wish come true"

NATHANIEL'S POV.

 Sa isang normal na araw ng buhay ko ay hindi ko inaakala ns may hindi pangkaraniwang nilalang ang nakatakdang bumago sa normal at boring kong buhay.

Sa hindi ko inaasahang tagpo ng mga sandaling ninanais ko ng lisanin ang mundo ay nagpakita ang isang mahiwagang batang babae na ayon sa kanya ay isa daw syang anghel ng Diyos
.Hindi ako madaling maniwala sa mga ganung bagay ngunit ano ang pwede kong gamiting logical na dahilan sa sarili upang ipaliwanag ang ginawa nyang pagkawala sa harap ko at mapunta sa ibang pwesto.

Isang anghel, diwata o baka engkante ay hindi ko sigurado ngunit pakiramdam ko hindi ako dapat matakot sa kanya lalo pa at maganda sya at mukhang hindi naman nya ako sasaktan.
Gayumpaman ay tinanong ko ito sa mga nais kong malaman tungkol sa pagkatao nya at dala na rin ng duda sa pagbanggit nya na isa syang anghel.

" Seryoso ka ba? "" Sinasabi mo ba na isa kang totoong anghel? " Tanong ko rito.Kagaya ng nauna nyang reaksyon ay kalmado lang syang nakikipag usap at giniit na totoo ang sinabi nya ngunit nabanggit na hindi raw sya katulad ng mga anghel na kilala ng mga tao na nagdadala ng kaluluwa sa langit.

Sa mga sandaling iyon ay natanong ko kung bakit hindi kagaya ng anghel ay wala syang pakpak at sobrang kakaiba ang panlabas na anyo sa isang anghel.

Napakunot ito ng kilay dahil sa pagdududa ko sa kanya at pumamewang kasabay ng pag sasabi na.

" Kung ganun manuod ka, kaya ko rin magpalit anyo base sa pagkakakilala nyong mga tao saamin."

Muling naglabasan ang mga nagkijislapang mga maliliit na bagay sa paligid nya kasabay ng pag wasiwas ng kanyang mga braso.Isang hindi kapani-paniwalang liwanag ang unti unting bumalot sa batang babae at ani-mo'y parang usok ito na humuhugis sa katawan nito.
Hindi nagtagal ay unti unti itong nawawala at sa pagkawala nito ay bumulaga ang ibang kaanyuan ng batang babae.

"Pambihira"

Ayan na lang ang nasabi ko sa pagkamangha sa ginawa nyang pagpapalit anyo sa mismong harap ko.

" Taaadddaahhh !!!! " Sambit nya.

" Kumbinsido ka na ba? mukha na ba akong anghel? " Sa sobrang kakaiba ng mga nasaksihan ko ay hindi ko na naiisip kung paano nya ito ginagawa basta ang alam ko may mali sa nakikita ko.Dahil sa pagtatanong nya saakin sa ano ang tingin ko sa kanya ay unti unti kong napagtanto na ibang iba ang anyo nya sa isang normal na anghel.

Suot ang isang manipis at hapit na hapit na kasuotan, lumitaw ang sungay sa kanyang noo sabayan pa ng pakpak at buntot na lalong nagpawerdo sa kanyang anyo bilang anghel." Hindi yan isang angel! isa kang demonyo!! " Sigaw ko rito.

Sa pagkakataon na iyon ay parang bula na naglaho ang kaanyoan nya bilang demonyo sa isang kislap kasabay ng halakhak nya sa pagbibiro." Niloloko lang kita."
" Ang totoo ay ginawa kami bilang mga bolang enerhiya na walang anyo "

Dito nya sinabi na wala silang eksaktong anyo sa pinangalingan nila at inamin na hindi yun malaking bagay dahil ginawa lang sila para lang sumunod sa utos ng Diyos.

" Tinatawag kaming Divine Alphabets."

Pinakilala nya ang uri nya saakin bilang taga gabay ng mga napili ng dakilang lumikha at dahil nga sa kadahilanan na iyon kaya sya nasa aking harapan .Hindi maalis sa isip ko ang pagdududa sa kanya at bilang isang malas na tao ay talahang napaisip ako kung ang totoong Diyos na binabanggit nya na gumawa sakanya ay ang kilala kong diyos na sinasamba ng marami.

Ang Diyos na tila kinalimutan ako at nagbalewala sa napakarami kong dasal sa bawat araw na minamalas ako.
Napansin nito na nagdududa ako sa Diyos nya kaya tapatan nya akong binara.

" Oo ang Diyos na gumawa sa lahat, Hindi ka ba naniniwala sa kanya? " tanong nito saakin.

Nagbago bigla ang reaksyon nya at tila dismayadong nagbubuntong hininga sa harap ko.Harapan nyang inamin saakin na hindi na sya nagugulat sa reaksyon ko dulot ng pagdududa sa tinatawag nyang Diyos.

Nilahat nya ang mga tao bilang mga balimbing na naaalala lang ang Diyos tuwing may binibigay itong pagpapala at kung nasa gitna ng mahirap na pagsubok at kawalan ng pag asa ay walang ibang ginagawa ang tao kundi kwesyunin ang plano ng Diyos para sa lahat.
Napangiwi ako sa narinig ko dahil tila tinamaan ako sa sinabi nya nung sumagi sa isip ko na nagagalit ako sa Diyos dahil sa kinahangungan ng buhay ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako tunay na nagagalit sa diyos pero siguro naiinis lang ako sa katotohanan na hindi nya ako kayang pagpalain kagaya ng ibang tao.Bakit nga ba hindi sya patas sa mga pagbibugay ng pagpapala?
Nakakapagtaka na kahit nagsusumikap ako ay talunan parin ako habang ang iba ay ineenjoy ang buhay dahil yaman,talino at ano pang magagandang bagay.

Sa mga ganung pagdadahilan ko sa sarili kaya hindi ko naiwasan na mainis kay koko at sa tila panghuhusga nya.Normal lang sa tao ang mainggit at kahit sabihin natin na isa syang anghel ng Diyos ay wala syang karapatan na husgahan ako dahil hindi nya ako kilala.

hindi nya alam ang nangyari saakin at wala syang ideya sa kung paano ako nagtitiis sa araw araw na lumilipas." Oh .. sa tingin mo hindi kita kilala? " Sambit nya saaking mga sigaw.

Sa pagkakataon na iyon ay may kung anong bagay ang lumilitaw sa kanang kamay nya.Isa itong gintong libro na nababalutan ng gintong usok na animoy awra nya at sa pagkakataon na iyon ay giniit nyang kilala nya ang pagkatao ko.Kasabay nito ay ang paglitaw rin ng salamin nya sa mata upang mabasa ang librong misteryosong limitaw sa mula kawalan.

Lumutang ang mahiwagang libro na ito habang binabasa nya ito na tila hinahamak ako.Sinabi nya na ayon sa libro na iyon na tinawag nyang Book of life ay wala raw akong masasabing mahalagang ginawa sa buhay ko.Harapan nyang sinabi saakin na ang tangi ko lang ginawa sa buhau ko ay mga walang kabuluhang bagay.

" Nagpapangap ka lang na hinaharap mo ng mag isa ang problema habang iniisip na napaka misirable mong tao." Sambit nya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil unang beses kong mapagsalitaan ng ganung bagay pero lalo ako nainsulto sa paraan nya ng pagsasalita habang sinasabi na nakakaawa ang pinag gagawa gawa ko." Alam mo ang totoo, Nakakairita kang tignan at wala kang ibang binigay saakin kundi pagjadismaya. "

Para akong tinamaan ng palaso sa puso o kung anong matulis na bagay sa mga pang iinsulto nya.Hindi ako manhid para hindi masaktan at kung nagkataon lang na hindi sya isang batang babae ay sinaktan ko na sya.

Patuloy nya akong pinagsasalitaan ng masasakit na salita habang nagbubuntong hininga habang binabanggit na wala syang magagawa kundi bantayan ako dahil sa ako ang napili ng Diyos upang pagpalain.
Napakasama ng bibig nya kahit na isa syang anghel kaya lalo akong nagdududa sa pagkatao nya at sa tunay na intensyon nya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi sya sigawan at pahintuin sa mga panghuhusga nya.

" Wala akong paki sa sinasabi mo at talaga bang pumunta ka lang ba dito para insultohin ako? "
Sa pagkakataon na iyon ay muli syang tumawa at pilit akong pinapakalma.

" Relax ka lang"

" Nandito ako para ibigay sayo ang Banal na libro, para sa ganun ay maging medyo interesante naman ang buhay mo." Sagot nya saakin.

Hindi ako matapang na tao at ayaw ko nang nananakit ng iba kaya pinikit kong huminahon sa mga oras na iyon dahil wala rin akong pwedeng gawin sa kanya upang makaganti.

Sinasabi nya na isa syang anghel pero sa paningin ko ay isa lang syang sampung taong batang babae kaya malabong maisip kong saktan sya.
Pero ano nga ba ang sinasabi nyang libro at pagpapala na ibinigay saakin ng Diyos?
Marami akong gustong malaman kaya Imbis na makipagtalo ay sinubukan kong magtanong dito

" Pwede mo bang ipaliwanag muna kung ano ang banal na libro na yan? "

Dito ay ipinaliwanag nya na ang libro ng buhay ay banal na kasangkapan na nagtatala ng mga mahahalagang detalye sa isang nilalang simula ng isilang sila hanggang sa mamatay.
" Pero ang totoo ay ginawa ito para mapadali ang trabaho ng isang soul keeper sa oras na may kaluluwang magawi sa opisina nila." Sambit nito.

Hindi ko alam kung tunay o biro pa ba ang mga sinasabi nya saakin dahil napakacasual nya magsalita lalo pa napakaweird ng topic namin.

Pero kung iisipin mabuti base sa mga sinasabi nya ay parang ang tagpong ito ay madalas ko makita sa Anime.Tama, napakaweird nito na tila isang kalokohan.

" Sandali! ang sabi mo kanina ay nandito ka para tuoarin ang nais ko, paano mo naman gagawin iyon?
Natanong ko sa kanya kung posible ba talaga na matupad ang hiling ko at hanggang saan ang kaya nyang ibigay saakin.
Hindi naapektuhan ng sinabi ko ang lakas ng loob nyang ipagyabang ang kakayahan ng libro at pinagmalaki nya na higit pa sa pwede kong maisip ang kakayahan ng libro na hawak nya.

" Kaya kong gawin lahat ng posibilidad at baguhin ang iyong kapalaran."

Ilang saglit din kaming nagtitigan dahil sa hindi pumapasok sa utak ko na may ganung bagay na umiiral sa realidad na sa totoo lang ay makikita mo lang sa mga fantasy movie.
Sa sandaling iyon nagbago ang reaksyon ng mukha nya, ngumiti ito na tila may masamang iniisip.
Dahan dahan syang lumakad ng pasulong saakin habang muling ngumigiti na akala mo mabait na bata.

Pero iba sa mga inaasahan kong salita na marinig sakanya ay biglang tila may gusto syang mangyari.

Isang bagay na talagang babago ng malaki sa buhay ko at kahit sinong tao ay makakaisip ng masama sa susunod na alok nya.
Nagbago ang tono ng pananalita nya na tila ba isang rebeldeng anghel na tumutukso sa isang tao na magkasala.

" Hindi ba kinukwesyon mo ang Diyos sa pagiging hindi makatarungan sa mga tao? "

" Dahil nga inaalok ko saiyo ang pagkakataon na ito at hindi sa ibang tao ay totoo nga ito."

" Hindi pantay pantay ang tingin ng Diyos para sa lahat." Sambit nya.


" Gusto mo ba itong baguhin? "

Nagulat ako hindi dahil sa nasabi nya kundi dahil sa pagkacasual ng pagsasabi nya ng mga salitang derektang humuhusga sa Diyos na gumawa sa kanya.Napapa isip ako kung paano nya nagagawang sabihin ang bagay na iyon na para bang isang masamang nilalang.

Masamang nilalang? Pero kung tutuusin walang ganap na paliwanag kung mabuti o masama ang mga nasabi nya laban sa diyos para husgahan ko sya.

Unti unti pa syang lumapit saakin habang binabanggit na hindi ko kailangan sayangin ang buhay ko para lamang takasan ang mga problema ko.
Sa pagtigil nya sa paghakbang ay bigla nyang hinawakan ang talim ng kutsilyo na hawak ko at sa hindi maipaliwanag na bagay ay unti unti itong naglalaho na tila isang hologram.

" Ngayon mismo, Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ang inaalok ko." Sambit nito.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang tuluyang pagkalaho sa kamay ko ang hawak ko at napatingin sa mga matatalim na ngiti ng misteryosong anghel na nasa harap ko.

" Interesante, hindi ba? " Sambit nito.

" Ito na ang huli mong tyansa upang baguhin ang buhay mo, kaya naman."

Sa muli nyang paghakbang ay tumingkayad sya upang bulungan ako habang nakangiti na tila may binabalak na masama.

" Mr. Nathaniel. Gusto mo bang maging Diyos? "

END OF PART 1

 

undefined

pwede nyong rin mabasa ang KOMIKS nito sa Komiks Category, isearch lang ito sa Website

Alabngapoy Creator

chapter 2 part 1