Chapter 37 part 1 

Nathaniel POV



Habang nagaganap ang laban ng heneral at ng mga tauhan ng Halloween ay kasalukuyan na itinatakas ako ng mga sundalo sa lugar.

 Alinsunod ito sa utos ng kanilang kapitan na kasama kong tumatakas sa lugar na iyon.


Isinakay nila ako sa isang halimaw na may karwahe sa likod na ginagamit ng eskapa bilang sasakyan at wala itong preno na bumubulusok pa alis sa lugar.


Libo libo parin ang nakikita kong mga sundalo ng eskapa sa ibaba na patuloy na tumatakbo papunta sa dereksyon ng labanan upang tulungan ang kanilang heneral.


Habang nasa loob ako ng karwahe ay kitang kita ko ang mga tensyunadong reaksyon sa mukha ng mga sundalong kasama ko sa loob.


Mararamdaman mo ang takot at pagkalito ng ibang naroon at walang gustong umimik sa kanila sa mga oras na iyon.


Ilang sandali pa ay biglang tumayo ang isang binatang sundalo at nagdabog na nagagalit.


" Kapitan, hindi ko maintindihan bakit tayo tumatakas? Tayo ang first Unit ng pwersa ng heneral hindi ba dapat tayo ang mga kasama nito sa laban?" Sigaw nito.


Dahil sa kagaspangan ng ugali nito ay bigla syang hinila paupo ng isa sa mga kasamahan nya upang patigilin sa pag tataas ng boses.


" Wag kang sumigaw sa harap ng kapitan, Malinaw sa utos ng Heneral na tayo ang magdadala sa taong ito sa ligtas na lugar." Sambit nito.



Hindi tinangap ng binata ang nasabi ng kasamahan nya at nagtataka dahil maraming unit ang pwedeng utusan upang madala ako sa ligtas na lugar.


Para sa binata ay hindi magandang desisyon na umalis sila sa hanay ng heneral gayong sila ang pinakamalakas na pwersa na inaasahan ni Agane sa mga labanan.


" Hoy Fero, kahit na malapit ka sa heneral ay wala kang karapatan kwesyunin ang desisyon ng kapitan. Tandaan mo isa ka lang baguhan dito." 


Dahil sa nagiging tensyon sa pagitan ng ilang sundalo ay biglang itinaas bahagya ng kapitan nila ang kamay nito upang patigilin sila.


" Alam ko ang nararamdaman mo, hindi biro ang kalaban ng ating heneral, napakalakas nila at sa tingin ko maging ang heneral ay tiyak na mahihirapan talunin ang mga ito."


" Kung ganun mas dapat na naroon tayo, ang first unit ang pinili ng heneral na maging tauhan nya sa mga laban kaya bakit natin sya iiwan lugar na iyon ng nag iisa?" 


Ramdam ko ang matinding galit ng binatang ito at pag nanais na matulungan ang heneral pero gayumpaman ay walang naisagot ang kanilang kapitan kundi ang pag buntong hininga.


Ilang saglit pa ay bigla itong tumingin saakin ng masama. Nanlilisik ang mga mata nito na tila ba nagagalit saakin.


" Hindi ko maunawaan kung bakit mas mahalaga pa ang isang taong kagaya nya kesa ang tulungan ang ating heneral." Sambit nito.


" Kahit anong mangyari ay dapat sundin ang utos ng heneral at wala tayo ibang gagawin ngayon kundi dalhin sya sa kasunod na bayan bago tayo bumalik." 


Napapikit ang binata at nagtitimpi ng galit dahil alam nya na kung magmamatigas pa sya na bumalik ay maaari syang lumabag sa utos ng kanyang heneral.


Ilang saglit pa ay bigla itong tumayo at pumunta saakin, sa pagkakataon na iyon ay kwinelyuhan nya ako at galit na hinila.


" Wala akong paki kung isa kang bayani o isang malahimalang tao pero kapag may nangyari saaming heneral na masama ay sisiguruhin kong pagbabayaran mo iyon." 


Dahil sa pagiging marahas nito ay dali dali syang pinigilan ng mga kasamahan nya at pinapahinahon.


" Tama na yan, walang maitutulong sa sitwasyon natin ang ginagawa mo." Sambit ng kasamahan nya.


" Nag iisip ka pa ba? Hindi mag uutos saatin ang heneral na unahin ang kaligtasan nya kung hindi sya mahalagang nilalang." 


Habang pinipigilan ng mga kasamahan nya ang binata ay biglang may sumagot sa isa sa mga sundalo kasama namin.


Isa itong babaeng may mahabang buhok at may tenga ng fox. Matalim ang mga mata nito at kagaya nung binata ay hindi rin ito natutuwa sa pag liligtas saakin.


" Mahalaga? Totoo nga ba na isa syang espesyal na tao? " 


" Wala akong maramdamang malakas na kapangyarihan sa katawan nya at base sa ikinilos nya kanina ay wala syang nagawa para pangalagaan kahit man lang ang sarili nya.


Natahimik ang lugar sa hindi pagtugon ng mga kasamahan nya habang ang babaeng fox naman na nagsasalita ay nilalaro ang kanyang patalim na hawak.


" Sa pag kaka alala ko ikaw yung baguhan aplikante na pilit na isinasali ni heneral Ataparag sa eskapa at nagawang iligtas ang lahat sa warlord?" 


" Tsk, hindi ko alam ang totoong nangyari at kung paano mo natalo ang warlord na si Serenity pero sa nakikita ko isa ka lang naman normal na tao." Dagdag nito.


" Mahalaga saamin na tulungan ang heneral na ipagtangol ang bayan namin kaya kung sakali man na totoo na isa kang mapag himalang tao ay nakiki usap kami na wag kang maging pabigat saamin." 


 " Fumiko itigil mo na yan. " sambit ng kapitan nila.


Gayumpaman kahit na pinagsabihan ito ay hindi ito nag papigil na magsalita at muli sinabi na kung may naitatago man akong kung anong kapangyarihan ay kahit mailigtas ko lang ang sarili ko ay malaking utang na loob nila saakin.


Nasabi nya yun upang magawa nilang makabalik sa kanilang heneral at matulungan ito dahil alam nila na hangat hindi sila nakakasiguro na kaya kong iligtas ang sarili ko ay hindi papayag ang kapitan na bumalik kung nasaan ang labanan.


Alam ko ang ibig nyang sabihin gayumpaman hindi ko magawang makasagot sa kanya, siguro dahil hindi ko na alam din ng gagawin ko.


Wala ng enerhiyang natitira sa katawan ko dahil naubos na ito ng subukan kong isara ang mga sugat at pinsala ko sa katawan.


Iniisip ng karamihan ngayon na isa akong bayani at may natatagong kapangyarihan pero kahit alam ko na taglay ko ang kapangyarihan ni Kula ay hindi ko magawang magsalita at sabihin na kaya ko ang sarili ko.


Tama, hindi ko magawang magsalita dahil kailangan ko ng tulong, kailangan ko ng makakapagligtas saakin. May kapangyarihan akong pagalingin ang sugat ko pero sobra na ang kapagoran ng katawan ko at alam ko ano mang oras ay maaari akong sumuko.


Wala akong nagawa kundi ang mapailing at nung makita ko ang tingin ng lahat saakin kasama ang kanilang kapitan ay lalo akong nanlumo sa kahihiyan dahil tila nag aantay sila na may sabihin akong maganda na makakatulong sa sitwasyon namin.


" Pasensya na pero kagaya ng hinala nyo ay hindi ko kayang iligtas ang sarili ko. Ang kapangyarihan ko ay nakadepende sa taglay kong enerhiya at  dahil naubos na ito kanina ay wala na akong maitutulong sa heneral para matalo ang kalaban nya."  Nakayukong sambit ko.


Natahimik ang buong lugar sa hindi pagtugon ng kapitan at dahil na rin sa nasabi ko ay lalong nainis ang ibang mga sundalo.


Napabuntong hininga ang kanilang kapitan at sinabihan ako na wag mag alala dahil kahit anong mangyari ay itutuloy nila ang pagdadala saakin sa ligtas na lugar.


Sa pagkakataon na iyo nagpakilala ito saakin bilang si Derovia, ang kapitan ng pangunahing pwersa ni Heneral Agane at syang pangalawang pinuno ng hukbo.



" Nabangit saakin ng heneral na nakikita mo ang hinaharap, sa totoo lang hindi yun kapanipaniwala pero kung totoo nga iyon ay malaking bagay iyon para sa eskapa." Dagdag nito.


Sinasabi nito na malaki ang pagpapahalaga saakin ng heneral dahil sa natatangi kong abilidad kaya naman nakakasiguro silang may silbi ang pag sasakripisyo nila at unahin ang kaligtasan ko alang alang sa buong bansa nila at sa eskapa.



" Huh? Hindi, hindi ko nakikita na ganun ako kaimportanteng tao dahil hindi ko eksaktong nalalaman ang hinaharap at ang totoo ay hindi lahat ng alam ko ay may naitutulong sa kasalukuyan " 


Bigla akong napaisip kung bakit naitanong saakin ng heneral ang bagay na iyon at naitanong sa kanya kung iniisip ba nito na maaari kong magamit ang kakayahan ko para makatulong sa sitwasyon namin?


Agad naman nitong itinangi iyon at dinahilan na sadya lang syang interesado dahil nagpakita ang kanyang heneral ng pag hanga sa kakayahan ko lalo na nung magawa kong mailigtas ang eskapa kay serenity.


Hindi ko alam kung dapat ko ba sa kanya ikwento ang kakayahan ko o ang nalalaman ko pero dineretso ko na agad ito na hindi ganun kapambihira ang nalalaman ko sa hinaharap.


Inamin ko sa kanya na hindi maganda ang mga bagay na nalalaman ko sa nakaraan at isa na roon ang mga kamatayan ng mga nilalang.


" Kung nag aalala kayo kay Heneral Agane sa laban na nagaganap ngayon ay ako na ang nagsasabi sainyo na hindi sa lugar na ito mamamatay ang heneral." Sambit ko.


Nagulat ang lahat sa narinig nila saakin at tila nabuhayan ng loob.

" Totoo ba yan?" 


" Tama, hindi pa sa ngayon pero gayumpaman hindi ko alam ang mangyayari sa inyo o kung ilan ang makakaligtas na mga sundalo na nasa ibaba ngayon." 


Sandaling natahimik ang lugar sa hindi namin pagsasalita at sa sandaling yun ay biglang lumabas sa hood ko si melon at pumatong sa ulo ko.


Dito ay bigla syang nagsalita at hindi kagaya ng alam ko ay narinig ito lahat ng mga sundalo.


" May magagawa pa kayo para makatulong sa inyong heneral at mailigtas ang mga kasamahan nyo sa tiyak na kamatayan." 


Nagulat ang lahat sa biglaang paglitaw at pagsasalita ni Melon sa harap nila at nagtataka sa sinasabi nito. 


Dito ay ipinakilala nya ang sarili bilang isang espesyal na ispirito na katuwang ko sa pakikipaglaban.


Hindi nakikitaan ng malakas na enerhiya si melon kaya naman alam ko na maaaring maduda ang mga ito sa mga sinasabi nya kaya naman ginawan nya ito ng paraan.


" Ang kapangyarihan na pinagkaloob ko kay Nathaniel ang dahilan kung paano nya nagapi ang warlord na si Serenity at kung makikipagtulungan kayo ay maaari nya rin magapi ang anak ng warlord na si halloween sa laban." 


Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip nito pero hindi nya ako hinayaan na komontra sa pinaplano nya at hinihiling na hayaan syang gawin ang tungkulin nya.


" Sinasayang mo ang kakayahan na pinagkaloob ko sayo dahil sa pagdududa mo sa kung ano ang tama o mali."


Dito ay ipinaliwanag nya sa lahat na may kakayahan ako na kumuha ng enerhiya ng mga nilalang at gawin itong power source para magamit sa pakikipaglaban.


Ang enerhiya na ito ay naiipon lang at sinigurado nya na kung mas marami akong mahigop na enerhiya ay mas malakas ang tataglayin kong kapangyarihan upang magamit sa laban.


" Ayaw ni Nathaniel na nakawin ang kapangyarihan ng mga nilalang dahil sa sariling mapantayan nito sa kung ano ang tama o mali kaya naman kung nais nyo makatulong ay hinihiling kong ibigay nyo na lang ang mga enerhiya nyo sa kanya."


" Ibigay sa kanya ang enerhiya namin?" 


" Teka Melon hindi ako sigurado sa binabalak mo." Biglang singit ko sa usapan.


Hindi pinansin ni Melon ang sinabi ko at nagtanong sa kapitan kung handa ba itong ibigay ang enerhiya nila.


Ipinaliwanag nya na ang tinataglay nilang enerhiya ay limitado lang na syang dahilan kung bakit wala silang binatbat sa anak ng halloween na kayang mag cast ng level 3 magic at ibang iba iyon sa kayang tangapin ng katawan ni nathaniel. 


Napaisip ang Kapitan at hindi na nagdalawang isip pa na itanong kung ano ang mga detalye ng kakayahan ko pero seryoso nitong sinabi na humahanga sya sa abilidad ko kung sakaling totoo ito. 


" Gayumpaman kung sakaling kunin mo nga ang enerhiya namin maipapangako mo ba na matulungan ang aming heneral." 


Bigla akong napatigil at napayuko na lang dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa bagay na iyon.


Naranasan ko magkaroon ng malakas na kapangyarihan pero nung naubos lang ito sa pag protekta sa katawan ko ay naisip ko na bale wala ang pagkakaroon ng maraming enerhiya kung wala akong alam sa pakikipag laban.


" Totoo na maaari akong magtaglay ng maraming enerhiya galing sa iba pero hindi ako mahusay sa pakikipaglaban at sa tingin ko hindi ko kayang talunin ang anak ni halloween." 


Ipinaliwanag ko rin na sa oras na ibigay nila saakin ang kapangyarihan nila ay makakatulog sila at mauubusan ng lakas.


Dahil sa sinabi ko ay biglang lumabas sa bibig ni Melon ang malaking martilyo na kahoy at ipinukpok sa ulo ko dahilan para mapaluhod ako upang matauhan ako.


" Hangal! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo nathaniel hangang kailan ka ba magiging negatibo sa buhay?  Hindi importante kung hindi ka mahusay sa pakikipaglaban ang mahalaga may mailigtas ka." 


" Hindi ko inaasahan na matatalo mo ang anak ng halloween sa laban pero kailangan ng tulong ng heneral sa mga oras na ito at iyon ang dapat mong gawin." dagdag nito.


Ipinaliwanag saakin ni Melon na hindi ko kailangan maging magaling para maging bayani at ang tanging magagawa ko lang sa mga oras na ito ay maging kapakipakinabang sa heneral. 


Ipinaalala nya rin saakin na walang magbabago sa itinakda kung walang magbabago nito at hindi ko kailangan matakot sa kamatayan dahil hindi ito mangyayari saakin.


" Tandaan mo ito nathaniel, hindi ka mamamatay sa araw at lugar na ito tumakas ka man sa lugar na ito o hindi gayumpaman, Kung nais mo mabawasan ang masasawi sa laban na ito ay kailangan mong may gawin." 


" Nakakalimutan mo na ba ang sinabi sayo ni koko? Hawak mo ang kanilang mga tadhana at kung hindi ka kikilos na baguhin ang kanilang hinaharap ay mabibigo ka sa misyon mo dito sa endoryo." 


Dito ay napaisip na lang ako at nag flashback ang mga ala ala ng mga nilalang na namatay sa harap ko at wala akong nagawa kundi panuorin ito.


Ang tanging bagay na pwede ko lang magawa ngayon ay tangapin ang ibinibigay na pagkakataon ni Melon saakin upang mabago ang itinakda.


" Ewan ko kung hangang saan ang kakayahan ko pero gusto kong baguhin ang nakatakda at gagawin ko iyon ano mang mangyari." Matapang na sambit ko.


Tumayo ako at humarap aa kapitan habang itinataas ang kanang kamay.


" Paki usap magtiwala kayo saakin, pahiramin nyo ako ng kapangyarihan nyo para makapagligtas."



Sa kasalukuyang nagaganap na labanan sa pagitan ng pwersa ni Agane at ng anak ni halloween ay unti unti ng nauubos ang mga sundalo na lumalaban sa mga ito at walang magawa si agane upang tulungan ang mga tauhan nya.


Hindi kaya ng mga ito ang bawat atake na ginagawa ng mga tauhan ng siren gayumpaman ay wala sa mga ito ang tumatakbo at umaatras sa laban.


Buo ang loob nilang labanan at tulungan ang kanilang heneral na ngayon ay mano manong nakikipag laban kay juggernaut.


Halos yumayanig ang lupa sa bawat pag tama ng kanilang mga suntok at pag sasabayan ng atake.


Alam ni Agane na nagagawang iabsorb lang ng katawan ni Juggernaut ang mga suntok nya at hindi rin ito napipinsalaan gamit ang hangin.


Napakatibay ng baluti nito sa katawan at ang tanging magagawa lang ni agane ay makipag sabayan hangang sa maubusan ang kalaban nya ng enerhiya upang suportahan ang pang depensa nito.


Gayumpaman kahit si agane ay hindi nakakasiguro kung kaya bang tumagal ng katawan nya sa pagtangap ng maraming atake at kung sino sa kanila ang unang mauubusan ng enerhiya.


Pumasok din sa isip nya na hindi magandang ideya ang maghintay sa pang hihina ng kalaban nya dahil sa sitwasyon nya sa laban at patuloy na tumatakbo ang oras.


Alam nya na kapag hindi sya nakagawa ng paraan para talunin si juggernaut ay mauubos ang kanyang mga tauhan sa kamay ng iba pa nilang kalaban.


Sa kabilang banda habang abala si Agane sa pakikipag laban kay juggernaut ay naghahanda naman ang siren ng isang magic circle para mag cast ng spell.


" Masyado ng nauubos ang oras ko, kung ganun wala na akong magagawa pa kundi tuluyan ng wasakin ang lahat sa bayan nyo." Sambit ng siren


Nagliwanag ang napakalaking magic circle sa kalupaan at biglang lumitaw ang nakataas na pader ng tubig na halos may taas na dalawampung talampakan.


Nagulat ang lahat sa nakita nilang pader ng tubig na uni unting nagkakakorte bilang isang napakataas na gate.


Kasabay ng pag kumpas ng baston ng siren ay bumukas ang higanteng pinto na gawa sa tubig. 


Ilang sandali pa ay maririnig ang kalabog at padyak ng mga paa. Nagulantang ang lahat maging si agane ng makita ang libo libong slender na naglalakad palabas sa gate.


Ang mga ito ay mga halimaw na isda na may matitipunong pangangatawan at may taas na syam na pulgada. Kilala sila bilang mga nilalang ng karagatan.


Nakakaramdam ng takot ang mga sundalo dahil alam nila kung gaano kababangis at kalalakas ang mga nilalang na nasa harap nila.


" Kayo ng bahala dito, kailangan kong makuha ang tao." Sambit nito habang sumasakay sa isang pagi paalis ng lugar.


Agad naman nakita ni Agane ang pag alis nito at nabahala sa binabalak nitong pag alis papunta sa dereksyon ng susunod na bayan.


" Inaakala mo bang papayag akong makaalis ka dito?" 


Nagpakawala ng napakalakas na awra si Agane at halos mawasak ang tinatapakan nung bumwelo sya ng pagtalon.


Bumulusok sya papunta sa siren ngunit bago pa sya makaabot ay biglang sumalubong ang napakalakas na dagok ni juggernaut dahilan para mapatalsik sa lupa at bumakat sa mga bato.


" Hindi mo na kailangan pang paki elaman pa ang prinsesa sa gagawin nya dahil ako ang kalaban mo." 


Yumanig ng napakalakas ang kalupaan at lumabas mula sa butas na kinalalagyan ni Agane ang napakalaking buhawi.


Dito ay unti unting umaangat ang mga bagay bagay sa paligid paikot sa dambuhalang ipo ipo habang lalong kumakalat ang napakalakas na enerhiya.


" Walang pwedeng makatakas sa wind dragon ." 


Kasabay ng pag angat ng kamay ni Agane ay umangat mula sa lupa ang ipo ipo. 


" Tornado strike!" 


Sa pagwasiwas ng kanyang mga kamay ay bumulusok ang dulo ng tornaido sa dereksyon ni Juggernaut.


Hindi naman ito kinabahala ni jaggernaut at nakangiting umaamba habang naglalabas ng napakatinding awra.


Sinabayan nya ang bumubulusok na tornaido strike gamit lang ang kamay at gumawa ito ng napakalakas na impact.


Gayumpaman sa tindi ng pag atake ni Agane ay hindi nagawang matapatan ito ng iisang suntok lang ni juggernaut .


Patuloy na kinakaladkad at itinutulak si juggernaut palayo ng tornaido strike hangang sa hindi nya na ito nakayahan at tuluyang tangayin patalsik sa lugar.


Bumuntong hininga si Agane at patuloy na naglabas ng napakalakas na awra kasabay ang pag buka ng kanyang pakpak.


Hindi na ito nag aksaya pa ng oras at lumipad palayo para sundan ang siren.


Isa sa katangian ng wind dragon ay ang paglipad nito ng sobrang bilis sa kalangitan kaya naman madali lang para sa kanya na maabutan ang pagi na sinasakyan ng Siren.


" Hindi kita hahayaan na makalayo dito. " 


Napansin ng siren ang pag dating ni Agane kaya naman agad syang nag cast ng magic circle kung saan lumabas ang tubig na promotekta sa kanya.


Sumalpok ang kamao ni agane sa tubig na ginawang proteksyon ng siren. 

" Hindi mo ako kayang pigilan! " 


Habang nakadikit ang mga kamao ni Agane ay nagpakawala ito ng ipoipo na syang halos lumalon sa kabuan ng pananga at naging dahilan para mapatalsik ang siren pababa sa lupa.


Tumalsik man ito ay nagawa ng tubig na pangalagaan ito at dahan dahang ibinaba ang siren sa lupa.


" Nag uumapaw ang enerhiya nya sa katawan kaya alam kong hindi sya basta kayang wasakin ng ordinaryong atake lang." 


Habang nag iisip ito ay nakita nya na lumapag sa lupa si Agane at naglakad pasulong papunta sa kanya habang patuloy na napapaligiran parin ng asul na awra.


" Sa susunod na atake ko ay sisiguruhin kong mamamatay ka." 


Umamba ng paglusob si Agane at nagpakawala ng napakalakas na enerhiyang halos nag paangat sa bitak na bato sa lapag.


Pero bago pa sya makagawa ng pag atake ay nabalot na ang paligid nya ng itim na bagay na tila anino na nagkulong sa kanya.


" Ano naman ang bagay na ito?" 


Lumapag sa harap nya ang isa sa mga mage na tauhan ng Siren.


" Masyado kang mabangis kaya mabuti pa matulog ka muna sa mundo ng kadiliman " 


Unti unting nilalamon ng anino ng bilog na bagay na ito pababa na tila isang kumunoy. 


Agad naman napansin ito ni agane at nalaman na sinusubukan syang ilagay sa isang hindi pangkaraniwang demensyon para ikulong.


Kaya naman sinubukan nya na wasakin ang bumabalot sa kanya gamit ang hangin pero tila ba hindi nito kayang maapektuhan ng atake nya at lalo lang lang lumulubog ang kinalalagyan nya sa anino.


" Hahaha, Ang bagay na yan ay kayang mag absorb ng ano mang uri ng oag atake kaya bale wala ang ginagawa mo. Mas mabuti pang sumuko ka na lang at maghintay ng kamatayan mo sa loob." 


Tumayo lang si Agane at ngumisi habang minamaliit ang kanyang kalaban sa paraan nito upang talunin sya.


" Tsk, iniisip mo ba talaga na sa ganitong klaseng teknik mo magagapi ang isang dragon ? " 


Kumalat ang asul na kuryente sa paligid ni Agane na halos bumalot sa buong katawan nya at tuluyang nagliwanag.


" Anong binabalak nya gawin? Hindi, kahit naman umatake sya ay hihigupin lang ng Shadow cage ko ang kanyang enerhiya." 


Nagulat na lamang ito ng unti unting lumalaki ang bilog na bagay na pinagkulungan nya kay agane at tila nagkakakorte.


Lumaki ito ng halos dalawampung talampakan at unti unting nabubutas kung saan naglalabasan ang asuo na kuryente na nalikha ng enerhiya ni Agane.


" Imposible."


Tuluyan nawasak ang kulungan at halos tangayin palayo ang lahat sa pag sabog ito kasama na ang mage.


Nagukat sya at nasindak ng makita sa harap nya ang napakalaking puting dragon na ngayon ay naka nganga sa harap nya.


Habang nakanganga anga dragon sa harap nito ay nagbuga ito ng isang tornaido strike na syang tumama sa ginawang pang depensa ng mage at nag pabaon dito sa lupa.


Pagkatapos ng pagsabog ay unti unting nabalot ng liwanag ang dragon at nagbalik si Agane sa dati nitong anyo.


Agad naman na itinaas ng Siren ang baston at gumawa ng napakalaking magic circle sa kalangitan.


Sanpagkakataon na iyon lumabas mula sa loob ng dambuhalang magic circle ang daan daang pating na gawa sa tubig na ngayon nakalutang sa ere.


Walang imik na nakatingin lang si Agane habang pinagmamasdan ang daan daang pating. Alam nya sa sarili na isang napakalakas lang na mage ang makakapag palitaw ng napakaraming water shark ng sabay sabay at hindi nya inaasahan ito na makita sa isang siren.


Gayumpaman ay bigla syang ngumiti at patuloy pa lalong nagpalabas ng nag uumapaw na enerhiya. 


" Mukhang hindi nyo pa talaga alam kung hangang saan ang kakayahan ng dragon na kagaya ko." 


" Pwes ipapakita ko kung sino ako at ipaparamdam ko sainyo ang pagsisisi kung bakit nyo pa hinamon ang prime dragon na kagaya ko sa isang laban." 


Umilaw ang mga mata nito at huminga ng malalim. Bumwelo ito at biglang sumigaw ng napakalakas.


" Dragon roar!!! " 


Isang napakalakas na tortaido ang lumabas sa bunganga nya na halos lumusaw sa mga pating at sumira sa magic circle sa kalangitan.


Nagawa namang maka alis ng siren at magtungo sa mas ligtas na lugar upang iwasan ang tornaido.


" Nagawa nyang maubos ang ginawa kong white shark ng isang atake lang." 


Nagawa mang makalapag ng maayos sa lupa ng siren ay hindi nya namalayan ang pag bulusok ni Agane palusob sa kanya.


" Napaka bilis nya." 


Dito ay kitang kita ng siren ang atake na tila ba bumagal ang oras sa paligid na. Alam nyang tatamaan sya ng atake ni Agane kaya kinakailangan nyang gumamit ng spell para maiwasan ito.


Pero bago pa man tumama sa siren ang kamao ni Agane ay nabalot na ang braso nya ng itim na bagay na tila slime.


Nagmula ito sa sarili nyang anino at nagawa nitong pahintuin ang pagkilos ni agane.


" Imposible, nagawa nyang mapahinto ang atake ko gamit lang ang anino?" 


Ilang sandali pa ay lumitaw mula sa isang anino ang mage na tauhan ng siren.


" Nagulat ako sa ginawa mo, dapat lang nga na hindi ka namin maliitin sa laban na ito." 


Pinilit ni Agane na kumilis at labanan ang pagkakatali nya sa anino hangang sa tuluyan nya itong maputol at lumipad sa himpapawid gamit ang pakpak.


" Tsk, shadow magic , napakainteresante, Inaamin ko bihira akong makakita ng katulad ng paraan mo pero alam ko ang limitasyon ng kayang mong gawin." 


" Alam ko na hangat nailalayo ko ang sarili ko sa anino na kontrolado mo ay hindi mo ako magagawang masaktan." 


Hinangaan nito ang katalunuhan ni Agane ng ipaliwanag nito ang kondisyon at nagsisilbing kahinaan ng kanyang teknik gayumpaman ay nag babala ito na kahit nalalaman ni Agane ang bagay na iyon ay hindi nangangahulugan na matatalo sya ni agane.


" Kailan man hindi mo matatakasan ang anino dahil bahagi ito ng lahat ng bagay.


Nag angatan ang itim na bagay sa mga anino ng puno, bato at ibat ibang bagay.


Sa pag tipon tipon ng itim na bagay na tila slime ay unti unting nabuo ang higanteng halimaw na may taas na higit tatlompung talampakan.


" Subukan natin kung magagawa mong talunin ang aking tauhan na si darkness." 


" Isang shadow beast? Ayan na ba ang pinagmamalaki mo? 


Sinubukan ni Agane na patapaan ito ng wind strike pero tila pumasok lang sa katawan nito ang atake. Kahit na naguluhan sa nangyari ay muli syang naglabas ng ilan pang mga wind strike pero patuloy nitong nilamon ng katawan nito.


" Pumapasok lang sa loob ng katawan ng halimaw ang mga atake ko." Bulong nha sa isip.


Agad naman pinagtawanan ng Mage si Agane sa ginawa nito at ipinaliwanag na kagaya ng naunang anino ay inaabsorb lang ng katawan ng halimaw ang bawat atake papunta sa isang dimensyon.


Ang kakayahan ng shadow magic ng mage ay isa sa mga rare na abilidad kung saan kaya nitong komonekta at maging daan papunta sa isang dimensyon.


Kinutuban ng masama si Agane sa nangyayari dahil alam nya na kung kayang higupin lang ng halimaw ang bawat wind strike nya ay bale wala ang pag atake dito at maaaring magsasayang lang sya ng enerhiya. 


Dahil isa itong natural na abilidad ay wala itong magic circle na pwede nyang wasakin at makontra, alam nya rin na hindi nya alam kung hangang saan ba talaga ang kakayahan ng abilidad ng mage lalo na minsan na syang naigapos nito kaya kailangan nyang mag ingat sa pag atake sa alaga nito.


Nagdududa rin sya na mawawasak nya ang halimaw gamit ang mano manong pakikipaglaban gamit ang kamao kaya naman patuloy ayang nag iisip ng pwedeng gawin..


" Pwede ko ulit gawin ang dragon strike pero kahit na mawasak ko ang halimaw na yan ay napakalaking enerhiya ang mawawala saakin."


Nagdadalawang isip syang magtransform ulit sa pagiging dambuhalang dragon para muling tumira ng dragon roar dahil na rin sa maraming enerhiya ang magagamit nya sa laban.


Hindi iyon maganda para sa kalagayan nya gayong hindi lang iisa ang kalaban nya sa mga oras na ito.


Ilang sandali pa ay biglang may bumulusok at bumaba mula sa kalangitan. Halos sabog ito at gumawa ng pagyanig sa kalupaan.


Dito ay lumabas mula sa usok si juggernaut na tila wala man lang naging pinsala sa katawan pagkatapos tamaan ng atake ni agane.


" Matagal tagal na rin mula nung nakaranas ako ng sakit ng katawan, lalo tuloy akong ginaganahan sa laban." Sambit nito habang nakangiti na tila nasasabik.


Bakas sa mukha ni Agane ang pag alala dahil alam nya na hindi ito magiging madali para sa kanya lalo na nararamdaman nya na may ipapakita pang lakas ang mga kalaban nya.


" Lahat sila ay hindi pangkaraniwang mga mandirigma lamang hndi ko sila kaya kung mag isa lang akong haharap sa kanilang lahat." Bulong nya sa isip nya.


Sa gitna ng pag dududa kung magagawa nya bang matalo ang mga ito ay hindi nawala ang tapang nito na magpatuloy. Hinanda nya na ang sarili sa posibilidad na mamatay sa laban dahil sa tungkulin nya bilang heneral ng galica.


" Handa akong mamatay para sa galica at sa kapakanan ng aking reyna." 


Naglabas ito ng napaka tinding awra na humugis bilang asul na dragon .

" Lumapit lang kung sino ang gustong maunang mamatay." Seryosong sambit nito.

Alabngapoy Creator

Ep37 part 1