Chapter 23 part 2
Pagkatapos makakuha ng medalyon ay dumeretso na kami sa kagubatan at namangha ako at talagang iniiwasan kami ng mga gagamba.
Ipinaliwanag ni Isay na may presensya ang medalyon na kinatatakutan ng mga insekto kaya sila umiiwas dito.
Patuloy ang pakikipaglaban ng mga aplikante sa mga gagamba habang kaming dalawa ni Isay ay patuloy lang sa pagtakbo palayo sa kanila.
Gayumpaman kahit na hindi kami inaatake ng mga gagamba ay may malaking problema parin kami.
" Kung pwede lang tayo lumipad ngayon para makakaakyat sa napakalaking puno na yan ay mas madali matatapos ang pagsubok na ito." Pagbibiro ko.
" Hm.. pero hindi nakakalipad ang pagong."
Napangisi na lang ako sa pagbibiro nya pero kanina ko pa naiisip na talaga nga kayang isa syang ispirito ng pagong? Napakaganda nya para sa isang pagong.
Habang nag uusap kami ay may narinig kaming mga hiyawan ng mga sundalo at dahil doon hindi namin maiwasang hindi silipin ito.
Nagmadali kaming kumilos at pag punta namin sa lugar na kung saan nag mula ang pagsigaw ay nakita namin ang ilang mandirigma na lumalaban sa mga gagamba.
Ang ilan sa kanila ay hindi na makaalis sa mga sapot habang ang iba naman humihiyaw sa takot dahil unti unti na silang binabalotan ng mga gagamba.
" Umalis na tayo, hindi natin sila kaya." Sigaw ng isa sa mga ito.
" Ano? Hindi natin sila pwedeng iwan dito " sagot ni Wild fox habang nakikipaglaban sa gagamba.
Nakita ko ang parehong babaeng wild fox na nakikipagbuno sa isang napakalaking gagamba.
Unti unti na ring nauubos ang mga kasama nya kaya naman ang iba sa kanila ay tumakbo palayo at iniwan sila na pagpyestahan ng mga halimaw.
" Mga duwag! Hindi kayo karapatdapat na maging mga sundalo ng Eskapa !"
Umilaw ang mga cristal sa noon nito at naglabas ng napakalakas na enerhiyang bumabalot sa buong katawan nya.
Nagawa nitong maibato ang gagambang hawak hawak nya at sipain ang iba pang nasa paligid nya.
Nagagawa nila na palakasin ang mga pisikal na lakas gamit ang enerhiya ng kalikasan.
May kinuha sya sa kanyang bag sa bewang na isang maliit na bumerang at ibinato ito at habang lumilipad naman ito sa ere ay unti unti itong lumalaki.
Tinamaan ng bumerang ang mga gagamba sa taas ng mga puno at bumalik sa kanyang kamay.
" Isang crimson item."
Dahil sa ginawa nya ay nakuha nya ang atensyon ng lahat ng gagamba sa lugar at nagsimulang lusubin sya.
Alam nya na hindi nya kayang makipag sabayan sa dami ng mga ito kaya tumakbo sya habang isa isang pinapatumba ang mga gagamba.
Sa bilis nyang kumilos ay nagagawa nyang umiwas sa mga sapot at makabwelo ng pag bato ng bumerang.
" Wag nyo akong maliitin mga insekto!"
Nagagawa man nyang mapatalsik ang mga ito ay hindi ito masyadong napupuruhan dahil sa tibay ng mga balat nitong nagsisilbing baluti kaya agad naman itong tumatayo at lumulusob ulit sa kanya.
Nagsimula ang mga itong mag pakawala ng mga sapot para atakehin ang babae, alam nito na mahihirapan makawala dito at matutulad sa mga kasamahan nya kaya patuloy syang tumatalon palayo.
Gayumpaman kahit may pagkakataon na makalayo at makaalis ay hindi nya iniiwan ang lugar dahil sa determinado itong iligtas ang mga kasamahan nyang nababalot ng mga sapot.
" Hindi ko sila kakayanin mag isa."
Habang umiiwas sa mga sapot ay natalisod sya at dumaosdos sa lupa. Dito ay napunta sya sa mismong harap namin kung saan kami nakatayong dalawa ni Isay.
Pilit itong kumikilos at bago pa ito makatayo ay tinamaan na sya ng mga sapot ng gagamba.
Sinubukan nya pang tangalin ang mga ito pero dahil sa dami ng naglalagay sa kanya nito ay tuluyan na syang hindi makagalaw.
Unti unti na syang nababalot dito hangang bumaksak na lang sya sa lupa. Sinusubukan nya parin wasakin ang mga sapot pero hindi sya tinitigilan ng mga gagamba kahit bumagsak na sya.
" Hindi, wag! Hindi ako pwedeng bumagsak dito."
" Hindi ko pwedeng biguin ang mga kababayan ko sa pagbabalik ko bilang myembro ng Eskapa !" Sigaw nito
Lalong lumakas ang ilaw ng cristal sa noo nya at nagpakawala ng napakalakas na enerhiyang pumunit sa mga sapot.
" Babalik ako dala ang tagumpay! Ililigtas ko ang bayan ng mga wilid fox! "
Matagumpay nyang nalusaw ang mga sapot na nakabalot sa katawan nya gamit ang nag uumapaw na enerhiya at tumayo para maghanda sa pag atake.
" Yahhhhh !!"
Halos madurog ang lapag at mabaon sa lupa ang mga paa nya sa pagbwelo nya palang ng pag atake dahil sa nag uumapaw na lakas.
Hawak ang bumerang ay buong pwera nyang ibinato ito kung nasaan ang bahay ng mga gagamba at habang nasa ere ay lalo pa itong lumalaki at nababalot ng enerhiya.
Walang nakapigil sa higanteng bumerang at isa isang pinagpuputol ang mga sapot na nakaharang. Bumulusok ito patungo sa kanilang bahay at tumama dito.
Nagawa nyang mawasak ang bahagi ng bahay ng mga ito at mahulog ang ilang mga itlog.
Muli namang nagbalik sa dating anyo ang bumerang habang ito pabalik sa kanyang kamay.
" Ayos, nagawa ko. Isa pang beses."
Binalak nyang bumwelo ulit pero biglang napuno ang bumerang nya ng mga sapot at dumikit sa kanyang kamay dahilan para hindi nya maibato ito.
Muli syang pinaulanan ng mga sapot na syang bumabalot sa kanyang katawan.
Alam nya na hindi maganda kung mababalot ulit sya ng mga sapot kaya naman muli nyang ginamit ang kapangyarihan ng cristal sa ulo nya.
" Hindi ako matatalo ng mga insektong kagaya nyo !" Sigaw nya.
Nag umapaw ang enerhiya nya at nabalot ng napakalakas na enerhiyang tumutunaw sa mga sapot.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang gumalabog ang kalupaan sa pagbagsak ng isang napakalaking bagay sa kanyang likuran.
Nanlaki ang mata nya ng magdilim ang kinatatayuan nya dahil sa anino na tumakip dito. Alam nya sa sarili na may kung anong dambuhalang nilalang ngayon sa likuran nya at kinakailangan nyang kumilos para makita ito.
Gustuhin man nya umalis at iwasan sana ito ay pinangunahan sya ng takot dahil sa matinding presensya nito.
" Nakakatakot ang presensya nya, anong klase syang nilalang?" Bulong nya sa isip.
Paglingon nya sa likod ay sinalubong sya ng isa sa mga galamay nito at hinawi sya na parang isang maliit na bagay lang.
Kahit nababalot ng proteksyon ay nagawa syang patalsikin nito at tumama sa isang puno.
Napasuka sya ng dugo at unti unting nahihilo habang tinitignan ang dugo sa kanyang kamay na nagmula sa hinawakang tyan.
" Anong nangyari? Napakalakas nya."
Natulala sya ng makita ang dambuhalang gagamba na halos sampung metro ang laki at naiiba ang itsura sa ibang naroon.
" Isang red star giant tarantula?bakit meron dito ng isang prime tarantula? Hindi ba dapat nasa pusod ng gubat ang mga tulad nya?" Bulong nito.
Dahan dahan lumapit ang dambuhalang tarantula sa kanya at dahil sa pinsala ay alam nya na hindi nya kakayanin na makipaglaban dito.
Sinubukan nyang tumayo pero muli lang syang bumagsak dahil sa hilo dulot ng pagdaloy ng dugo sa kanyang tyan. Nahihirapan din syang kumilos dahil sa kirot at sakit na nararamdaman nya.
" Hindi maaari ito, hindi ako pwedeng mamatay dito."
" Ako lang ang pag asa ng aking mga kababayan kaya hindi ako pwedeng mamatay sa lugar na ito." Sambit nito.
Pinilit nyang bumangon at humarap sa gagamba habang hingal na hingal na nag hahabol ng hininga.
Dahil sa determinasyong mabuhay pa ay nagawa nyang makatayo at muling naglabas ng napakalakas na enerhiya
" Hindi ang insekto na kagaya mo ang magpapahinto saakin na magtagumpay!
Babalik ako saamin dala ang tagumpay!! "
Sinubukan nyang tawagin ang kanyang bumerang at nagbalik sa kanyang kamay at muli syang buwelo sa pag atake sa gagamba sa harapan nya.
Gayumpaman hindi nya inaasahan ang mga susunod na pangyayari. Sa gitna mg kanyang binabalak na pag atake ay biglang may sumaksak sa likuran nya dahilan para mabitawan nya ang kanyang bumerang.
" Anong?"
Pinilit nyang lingunin ito at nakita ang isa pang Red star Giant tarantula sa likod nya.
Winasiwas lang sya ng gagamba para maalis sya sa galamay nito, dumaosdos naman sya sa lupa pag katapos syang iwasiwas at gumulong gulong.
Halos maghabol na sya ng hininga at nanlalata dahil sa panghihina ng katawan. Nanlalabo na rin ang kanyang pangin at unti unti ng sumusuko ang katawan
" Bakit? Bakit nangyari ito?"
Pinilit nyang ikilos ang katawan nya upang kahit papaano ay makaluhod sya sa pagkakadapa nya sa lupa.
" Hindi ko na kayang magpatuloy, wala na akong lakas para lumaban pa."
Nagsimula syang mapaluha habang iniisip ang pagkabigo nya at sinisisi ang sarili dahil sa taglay na kahinaan.
Nanlulumo sya at kinahihiya ang sarili dahil binigo nya ang mga umaasa sa kanya. Napupuno sya ng depresyon at kawalan ng pag asa kaya naman tinatangap nya na ang kamatayan na nag hihintay sa kanya.
Lumapit ang isang gagamba sa kanya at kahit nakikita nya ang pag bwelo ng mga galamay nito ay wala na syang balak pa na iwasan ito.
" Patawad sainyo, nabigo ako ." Sambit nito habang nakapikit.
Kasabay ng pag baba ng kanyang mga kamay na senyales na pagsuko nya sa kanyang buhay ay umatake ang gagamba para kitilin ang kanyang buhay.
" Paalam "
Sa mga oras na iyon, bago pa tumama ng tuluyan ang galamay ng gagamba ay biglang may humarang sa kanyang harapan upang salagin ang atake ng sarili nyang katawan.
Part 2