Chapter 21 part 1


Habang nagaganap ang pagsusulit sa loob ng tore ay abala naman ang lahat ng sundalo upang paghandaan ang pagdating muli ni Sei sa base ng kanyang militar.


Apat na kilometro lang ang layo nito sa kanyang palasyo kaya madalas syang nagpupunta dito upang makita ang mga ulat.


Sinalubong si Sei ng mga sundalo kabilang na si Agane at binati sa pagdating.


" Kamahalan, hindi po ba sa lingo pa kayo naka schedule na magpunta rito, may emergency po ba?" 


" Hmm.." 


Hindi ito sinagot ni Sei at dumeretso lang sa pagpasok sa gusali.


" Kung inaalala nyo ang bihag natij na Soul eater ay wag kayong mag alala dahil halos limang patong ng sealing spell ang nilagay namin sa kanyang kulungan." 


Napahinto si Sei at humarap kay Agane. Ilang segundo rin itong walang kibo at dahil sa hindi maunawaan ni Agane ang ikinilos nito ay kusa na syang nagtanong.


" Anong problema kamahalan?"


" Nagtitiwala ka ba saakin agane?" 


Nagulat si Agane sa tanong ni Sei at walang pagdadalawang isip na lumuhod sa harap nito.


" Opo naman Kamahalan simula nung umpisa naging tapat at buong puso ko na kayo pinaglilingkuran at hindi po ito magbabago hangang kamatayan." Sagot nito.


" Natutuwa akong marinig yan, Sumama ka saakin." Sambit ni Sei.



Dahil sa natanong ni Sei ay biglang kinutuban si Agane ng masama dahil alam nya na may balak nanaman si Sei na gumawa ng mga desisyon na maaari nyang ikapahamak kagaya ng mga ibang desisyon nya sa mga panahon na lumipas.

Nagpatuloy ang paglalakad ni Sei patungo sa basement at kahit na nagtataka sa tunay na layunin nito ay walang nagawa si Agane kundi tahimik na sumunod sa kanyang kamahalan.


Nag siyukuan ang bawat sundalong nagbabantay na nadadaanan nila hangang sa makarating na sila sa huling selda.


Humarap sila sa pinto kung saan nakakulong si Suwi at pinapabuksan agad ito sa mga kawal.


" Masusunod po" 


Agad na binuksan ito at pumasok ang mga sundalo sa loob para alalayan si Sei.


Sa loob makikita si Suwi na naka upo at nakadena kagaya ng dati nyang sitwasyon. Wala itong ginagawa dito kundi maghintay at manatili lang sa pwesto nya buong araw.


" Magandang araw sayo miss Suwi, Tama ba ?." 


Nagulat si Suwi ng tawagin sya sa pangalan nya at biglang humiyaw.


" Wala kang karapatan ang kagaya mong bangitin ang pangalan ko, Isa ka lang tuta ng pekeng santo ng Eskapa." 


Dahil sa ikinilos ni Suwi ay tinangka ni Agane na umamba ng pag atake at bumulusok palusob sa nakagapos na si Suwi .


" Lapastangan kang salot ka !" 


Pero bago pa makaabot ang kamao ni agane kay Suwi ay bigla itong napahinto na tila isang istatwa.


" Anong nangyayari?" Pagtataka ni Agane.


" Return" sambit ni Sei.


Sa isang kisap mata ay nagbalik si Agane sa dati nitong kinatayuan sa tabi ni Sei na parang walang nangyari.


Nagulat ang lahat ng naroon maging si Suwi at agad na naisip na maaaring dahil ito sa kapangyarihan ng columbus na kaharap nya.


Batid nya na kilala ito bilang Time keeper na sinasabing may kakayahan na kontrolin ang oras sa paligid nya.


" Huminahon ka Agane, gusto kong maging payapa at malinaw ang lahat ng magaganap sa kwartong ito." Sambit ni Sei.


" Patawad po sa inasal ko pero hindi ko kayang tiniisin na pinagsasalitaan kayo ng salot na yan." Sagot nito.


" Normal lang na pagsalitaan nya ako ng masama dahil iniisip nya na kalaban ako at ganun ka rin naman sa kanya hindi ba Agane?" 


" Nagagalit ka sa kanya at tinatawag na salot kahit na wala naman syang ginagawa laban sayo hindi kaya masyado kang malupit sa kanya?" Dagdag nito.


Napagtanto ni Agane ang pinupunto ni Sei pero hindi nya kayang tangapin iyon dahil para sa kanya ay nararapat lang ang kanyang ikinikilos para sa isang salot na nagdadala ng sakuna.


" Patawad po kamahalan pero kasi..." 


Bago pa makapagsalita si Agane ay sumabat na agad si Sei at binangit na higit limang taon ng nakakalipas ng magtiwala sila sa mga katulad ni Suwi at ginamit ng mga ito para makakuha ng maraming kaluluwa na makakain.


Ipinaliwanag nya na isa si Agane sa nawalan ng mga tauhan dahil sa trahedyang iyon, mga kasamahan na itinuring na kaibigan at kapatid.


" Malaki ang nawala sa kanya noon kaya naman hindi mo sya masisisi kung nasusuklam sya sa lahi mo." Sambit ni Sei.


" Gayumpaman hindi ka naman kasama sa mga umatake sa bayan ko. Tama ba ang kutob ko ?" 


" Tsk, Paano ko naman malalaman ang bagay na sinasabi mo, unang una wala akong ibang kasama dahil pinatay ng Eskapa ang mga natitira kong mga tagapaglingkod at pangalawa maraming angkan ang mga soul Eater at hindi kami basta sumasama sa hindi kasapi ng alyansa." 


Bumuntong hininga si Sei at ilang sandali pa ay naglakad palapit kay suwi.


Sinubukan syang pigilan ni Agane para sa kanyang kaligtasan pero hindi ito nakinig.


" Wag kang mag alala Agane, Siguro naman hindi nya aatakehin ang tulad ko sa loob ng aking nasasakupan." 


" Nalaman ko kay Xxv noon na isa kang maharlikha kaya naman gusto kong makausap ka na may pag galang at respeto, pwede ba yun?"


Patuloy syang naglakad hangang sa makarating sa sa mismong harap ni Suwi at ipinakita ang sulat.


Ang sulat na ito ay nagmula kay Magdalena at nakasaad dito na pinapatawag sila kasama si Suwi para sa isang tribunal meeting.


" Ang paghahatol ay magaganap sa isang lingo mula ngayon at kinalulungkot kong sabihin na maliit lang ang tyansa mong mabuhay sa oras na magsimula ang pag husga sayo." 


" Ibig sabihin ilang araw mula ngayon ay mamamatay ka." Seryosong sambit nito.


Walang ibang naging reaksyon si Suwi kundi ang pang gigigil at humiyaw.


" Arhhh!!!!" 


Kahit nang gigigil ay tila pinipigilan ni Suwi na gumawa ng maling aksyon sa harap ni Sei. 


Sumuntok ito sa sahig at pinipilit na kumalma. Hindi naman inaasahan ni Sei ang naging aksyon nito ng tila pigilan nito na saktan sya kahit na nasa gitna ito ng hindi magandang sitwasyon.


" Hindi mo ba ako susubukang saktan para lamang gumaan ang pakiramdam mo?" Sambit nito.


Umiling lang si Suwi at sinabing hindi naman ito makakatulong para mabuhay pa sya at hindi nya inaasahan na may magagawa pang pinsala sa isang makapangyarihang nilalang na nasa harap nya.


" Mali ka, tatangapin ko ang gagawin mong suntok kung yun ang makaka alis sa iyong galit na nararamdaman." 


Nagulat ang lahat sa sinabi ni Sei at maging si Suwi dahil hindi nya maintindihan kung bakit ito gagawin ni Sei para lamang sa kanya.


Biglang lumuhod si Agane at naki usap dito na wag ituloy ang binabalak dahil isa itong kalapastanganan sa kanyang katayuan bilang reyna.


" Kung talagang seryoso kayo sa gusto nyong mangyari hayaan nyo ako ang tumangap ng atake, handa ko pong tangapin iti ng paulit ulit oara sainyo nakiki usap ako kamahalan." Dagdag ni Agane.


Hindi naman ito tinugon ni Sei at itinaas lang ng bahagya ang kamay nya upang patahimikin si Agane.


Ipinaliwanag ni Sei na sa bilang na sampu ng mga Espada ay kahit bumuto pa sya ng kontra sa pagbitay kay suwi ay matutuloy parin paghahatol at dahil sa kanyang simpatya ay nais nya magbigay ng tulong dito kahit na sa maliit na bagay.


" Ano bang sinasabi mo?


Ipinaliwanag ni Sei na nais nya maging makatwiran at patas pero mayroon sinusunod silang batas na kailangan nilang sundin ano man ang mangyari.


Pumikit si Sei at inalok ang sarili nyang katawan para tangapin ang atake ni Suwi na gagawin.



Lalong nairita si Suwi sa ginagawa ni Sei dahil batid nya na iniisip nito na makakatulong na mapakalma at lunuwag ang nararamdaman nyang galit sa kalooban.

" Ano bang gusto mong palabasin, hindi ako ganun kababang nilalang para gawin ang bagay na yan." 


Nagsimulang umagos ang luha sa mga mata ni Suwi habang binabangit na isa syang maharlika na may dangal at wala syang ibang hinahangad kundi ang mabuhay ng payapa kasama ng asawa nito. 


Sinubukan nya ang kabutihan ni Sei at binangit na ang tanging awa lang na tatangapin nya mula dito ay ang pakawalan sya doon upang makasama nya ang kanyang asawa.


Hindi naman ito tinugon ni Sei at bakas ang pag ka awa kay suwi at ilang sandali pa ay binangit ni Sei ang tungkol kay Xxv at sa hinaharap nitong mga kasunduan.


Nabangit nito kay Suwi ang determinasyon ni Xxv sa kanyang pangarap at hindi nya kailan man itinakwil si suwi bilang asawa kapalit ng mga bagay na pwede nya pang makuha sana.


Isa si Sei sa nakasama ni Xxv nung nag uumpisa palang ito bilang kahilingan ni Magdalena na turuan si Xxv kung paano maging pinaka mahusay na sundalo.


Nabangit ni Sei na napalapit sya sa binata at nakikita ang malaking potensyal nito sa hinaharap bilang isang dakilang tao kaya naman kinalulungkot nya ang sitwasyon ni Xxv.


" Kinalulungkot ko ngunit tila napaka imposible na makasama mo si Xxv at mamuhay ng payapa sa mundong ito." 


Binangit nito na hindi pakakawalan ni magdalena si Xxv bilang sundalo ng eskapa at lalong hindi sya kayang tangapin ni Yuki sa kanyang bansa upang magkasama sila sa iisang lugar.


Hindi makapag salita si Suwi at napayuko na lang habang naghihinagpis sa lapag dahil batid nya ang katotohanan na wala na syang kontrol sa mga nangyayari at hindi nya kayang tangapin na marinig ito mula sa iba.


Ipinaliwanag ni Sei na maraming nagmamahal kay Xxv dahil sa kabayanihan at mabuting puso nito ngunit sa oras na malaman ng lahat ang tungkol sa kaugnayan nya jay suwi ay masisira ang lahat ng bagay na meron sya ngayon.


Nababahala si Sei na katatakutan ang binata ng mga nilalang at iiwasan na makahalubilo, Hindi na magiging buo ang tiwala ng mga nakapaligid sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sya pinapayagan ni Yuki na makita si Xxv at inilagay na lang sa isang isla na malayo sa iba.


Walang imik si Suwi habang nakikinig sa mga sinasabi ni Sei hangang sa bigla syang hawakan ni sei sa buhok para himasin.


Nagulat ang lahat sa ginawang paghawak ni Sei kay Suwi na tila isang batang paslit na pinapakalma.


" Kamahalan!" Sigaw ni Agane.


Gayumpaman kahit na walang intensyon na masama si Sei ay biglang hinawi ni Suwi ang kamay nya palayo sa kanya.


" Nasisiraan ka na ba? Gusto mo bang mamatay?" Sambit nito.


" Ang sabi nung Taong kasama mo ay hindi mo raw kailangan kumain ng kaluluwa upang mabuhay, kung ganun ayos lang naman kung hawakan kita." Sambit nito.


" Nagkakamali ka, totoo na nabibigyan ako ni Serphia ng spirit energy pero hindi nangangahulugan na pwede mo akong hawakan." 


" Bakit mo ba talaga ito ginagawa? Kung nandito ka para sabihin lang saakin ang araw ng pagbitay saakin ay nagawa mo na  kaya umalis ka na."Sigaw ni Suwi.


Tumahimik sandali ang paligid sa hindi pagtugon ni Sei at nanatiling nakatingin sa mga mata nito.


" Tama ka, tapos na nga ang isinadya ko rito pero may gusto lang akong linawin na bagay." 


Tinanong ni Sei dito kung paano sya nabuhay ng higit limangpung taon na hindi kumakain ng kaluluwa at kung bakit wala kahit isa ang may kakayahan na gawin ito.


Tinanong nya rin kung ano ang espesyal sa spirit pet nya para makuhanan nya ng spirit energy.


Nabangit ni Sei na marami na rin syang nakilalang soul eater pero hindi nila alam ang bagay na sinasabi ni nathaniel tungkol sa spirit pet.


" Tsk,  Sa inaakala mo ba talaga sasabihin ko ang nalalaman ko sa isang myembro ng Eskapa? Kayo na umubos sa angkan ko. "  Pagmamaldita ni Suwi.


" Sa tingin ko dahil kaya kitang iligtas sa kamatayan kung mapapatunayan natin na posible ang mga bagay na yan." 


" Handa akong protektahan ka sa lahat ng Sandata." 


Nagulat si Suwi sa narinig nya gayumpaman hindi na nagdalawang isip na lumapit si Agane at lumuhod sa tabi ni Sei para paki usapan na pag isipan ang mga desisyon nito.


" Nakiki usap ako kamahalan, minsan na kayong nagtiwala sa mga soul eater at isa pa kapag kinampihan nyo sya baka maging kalaban kayo ng mundo. " Pagsusumamo ni Agane.


Nilingon ni Sei si Agane at pinatayo sa kanyang kinaluluhuran.


" Agane kaya mo bang magtiwala saakin ?" Sambit nito.


Hindi nagdalawang isip na sumagot si Agane ngunit kontra parin ito sa desisyon ni Sei dahil nag aalala sya sa kaligtasan ng kanyang reyna kung sakaling mabaling sa kanya ang galit ng lahat.


" Handa kong ialay ang buhay ko para sainyo kamahalan gayumpaman hind ako sang-ayon sa binabalak nyo dahil hindi ko nakikita na may magandang bagay na maidudulot ang pag panig sa isang soul eater." Dagdag nito.


Walang duda  si Agane sa lakas ng kapangyarihan ni Sei ngunit hindi ganun kalaki ang impluwensya nya para mapanatili ang proteksyon nya laban sa ibang mga bansa at grupo.


Ipinaalala nya na milyon milyong mamamayan nila ang madadamay kung sakaling balakin ng iba na pabagsakin ang kanyang kaharian dahil lang sa pag protekta sa isang soul eater.


Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Agane at bigla ng sumabat si Suwi at pinapahinto ito.


" Tama na, hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa ulo mo pero ayaw kong mandamay ng ibang nilalang sa problema ko lalo na kung totoong naging mahalaga ka para sa asawa ko. " 


" Sinabi ko na kanina kung nais mo talaga akong tulungan ay pakawalan mo ako at hayaan na lumayo sa lugar na ito." Dagdag nito.


Nangako si Suwi na hindi na muling magpapakita at binangit na wala silang dapat alalahanin dahil hindi magbabago ang paninindigan nya na hindi kumain ng kaluluwa ng ibang nilalang habang buhay.


Alabngapoy Creator

Episode 21