Chapter 29 part 1


Limang oras bago ang kaganapan sa Galica kung saan nagmamadali ang mga sundalo na maghanda para sa pagbibigay ng tulong sa ilang malilit na nayon na inaatake ng sibilyan.


Habang nagaganap iyon ay naka alis na si Agane sa bayan ng galica gamit ang portal sa tore patungo sa kinaroronan ng mga opisyal ng eskapa.


Si Agane ay isang Senior 1star commander ng eskapa at katumbas ng ika apat pinakamataas na ranggo sa pwera militar nito.


Kapag nasa pagtitipon at mga mahahalagang kaganapan ay sinusuot ng mga ito ang badge nila upang malaman ang kanilang katayuan sa eskapa.


Agad naman na pinapasok si Agane sa mga pinto na walang pagsisiyasat ng mga bantay papasok sa mga kwarto at sa espesyal na portal.


Sa pagpasok nya ay pinagtinginan sya ng mga naroon kabilang na ang mga Sandata na nakaupo lang sa harap ng mga screen.


Agad naman na humingi ng pasensya at bumati si Agane sa lahat habang binabangit ang importanteng bagay na sinadya na alin sunod sa utos ni Sei.


Agad na lumapit si Agane kay Vice commander Aoi at inulat dito ang gustong mangyaring pagpapabalik kay Nathaniel sa lalong madaling panahon sa galica para sa importanteng bagay.


" Nais ng kamahalan na bumalik si Nathaniel sa galica ng hindi tinatapos ang paligsahan?" 


" Dahil iyon sa soul eater na kasama ng tao at sa tingin ko gusto ng kamahalan na malaman sa tao ang tungkol sa nalalaman nya sa nakaraan at sa solusyon sa pag kain ng mga kaluluwa ng mga ito ." 


Dahil sa may malinaw na pandinig ang mga opisyal kagaya nila yuki ay hindi naiwasan ni Pyun na sumabat sa usapan  at tinanong kung ano naman ang nalalaman ng isang tao tungkol sa mga soul eater.

Nagtinginan sila aoi na tila ba nag aalinlangan na sumagot gayumpaman alam nila na wala silang kakayahan na hindi sumagot sa tanong ng matataas na myembro ng eskapa.


" Oh.. ipag paumanhin nyo lady Pyun pero kahit kami ay hindi parin kami tiyak kung totoo nga iyon at ang totoo tanging nalalaman lang namin base sa sinabi ng tao ay ang kakayahan ni nathaniel na may kakayahan syang makita ang nakaraan at hinaharap ng lahat." Sagot ni Aoi.


" Walang kasiguruhan kung totoo nga ito kaya hindi nyo kailangan problemahin ang tungkol sa tao." 


" Isang tao na nakakakita ng nakaraan at hinaharap? Wala pa akong nakitang tao na nagtataglay ng ganung kapangyarihan at kung meron man syang ganung kapangyarihan ay sigurado naman na mararamdaman natin ang presyensya ng enerhiya nito sa katawan." Sabat ni Rei.


Biglang nagdabog si Pyun sa hawakan ng upuan nito at nagalit sa pagkakaroon ng espesyal na trato sa isang tao na may kaugnayan sa isang soul eater.



Para sa kanya ay kaduda duda ang tao at lalo na kung may koneksyon ito sa itinuturing nyang salot at kaaway ng mundo kaya nagtataka sya kung paanong hinahayaan na makalaya ang tao kung alam ni Sei ang kaugnayan nito sa isang soul eater.

" Wag kayong mag alala lady Pyun ang taong iyon ay hindi tauhan ng soul eater at hindi masamang nilalang na maaaring makasakit ng sino man at sinigurado namin ang bagay na yan." Sagot ni Aoi.


Hindi maiwasang hindi magtaka ni Pyun kung bakit hindi sinusunod ni Sei ang patakaran na kailangan mapatay ang sino mang soul eater na makakapasok sa bayan na sakop ng eskapa. 


" Hindi ko gusto ang ginagawa ni Reyna sei tungkol sa bagay na yan gusto nya ba ulit maganap ang trahedya sa bayan nya, wala ba syang paki sa mga nasasakupan nya?" Galit na tanong ni Pyun.


Hindi sinagot ni Aoi ang tanong nito at hinayaan na lang na matapos ang galit ni pyun hanggang sa kumalma ito. Si pyun ay isang black magic user at lumalakas ang kapangyarihan nito gamit ang negatibong emosyon kaya sanay itong magalit at alam ni Aoi na hindi nya pwedeng ituloy ang pakikipag usap tungkol sa soul eater alang alang sa kanyang reyna.


Alam din nito na hindi maganda ang pakikitungo ni Pyun sa kanyang reyna kaya naman batid nya na hindi ito magbibigay ng magandang reaksyon sa nalaman nya.


Upang matigil ang mainit na usapin ay pinatigil na lang ni Yuki ang usapan at inalok na patuloy na lang manuod sa nagaganap na pagsusulit.


" Pasenya na heneral Agane pero hindi sya pwedeng lumabas sa arena hangat hindi pa tapos ang pagsusulit kaya mabuti pa antayin na lang natin na matapos ang ginagawang pagsusulit ni Ruri." 


Habang sa main monitor makikita si Ruri na nakaupo sa batuhan habang nakikinig sa usapan nila sa base.


" Wala akong nararamdamang espesyal sa taong yan pero kung gusto mo talaga syang maisama agad pauwi ay ako na gagawa ng paraan para mapatalsik agad sya sa pagsusulit." Pabirong sambit ni Ruri.


Dito ay agad na pinagbilinan ni Kyros na maghinay hinay si Ruri sa gagawin nito dahil hindi nila pwedeng basta ibully ang tao at kahit batid nya na may pag ka pilya sa pakikipaglaban si Ruri ay pinaalalahanan nya na magpakita ng kagandahang asal at maging katangap tangap sa paningin ng iba bilang mga alagad ng diyos. 


Hindi naman binigyan ng atensyon ni Ruri ang sinabi ni kyros at dumeretso sa paglalakad habang pinapaalala na hindi sya pumapatay ng inosenteng tao at ang tanging gusto nya lang ay maglaro ng kaunti.


" Kailangan ko bang sabihan si Xxv sa binabalak mo? Kasalukuyan nyang binabantayan ang taong iyon."  Sambit ni Yuki.


" kahit hindi na hindi rin naman magtatagal ang gagawin ko at mas masaya kung makiki elam sya dahil matagal ko na syang hindi nakakalaro sa laban ." Sagot ni Ruri 


" Teka nasaang floor ba ang taong iyon?" 


Habang naglalakad ay biglang lumitaw ang tatlong tauhan nya sa tabi nito at dito inutusan nya ang mga ito na dalhin sya sa kinaroroonan ni Nathaniel.


Agad naman kumilos ang isa sa kanila at nag cast ng magic circle at dito binalot sila ng spell at unti unting naglalaho.


Sa ika labing dalawang palapag kung nasaan si Nathaniel. Patuloy syang tumatakbo dahil parin sa mga halimaw na umaatake sa kanya.


Kahit saan sya magtungo ay may nakakasalubong syang mga halimaw na dumadagdag lang sa humahabol sa kanya.


Hindi naman mahirap kay nathaniel na makalayo sa mga ito dahil na rin sa crimson item nya ngunit gayumpaman ay madalas parin syang bumabagsak sa pagod at kakapusan ng hangin sa baga.


" Ayoko na !! Hangang kailan ba talaga tayo matatapos dito?" Sigaw nito.


Dito ay biglang lumabas si Melon sa kanyang hood at pumatong sa ulo.


" Hindi ka makakatakas sa mga halimaw kung hindi mo tatahakin ang deretsong daan patungo sa portal " 


Ang portal na tinutukoy ni melon ay ang lagusan kung saan pwedeng umakyat at bumaba ang mga manlalaro ng palapag.


Dito kinontra agad ni Nathaniel ang pinapayo ni Melon dahil nabangit sa kanya ni Melon kanina na may naka abang sa lagusan para tambangan ang mga manlalaro at para sa kanya ay napaka delikado nito.


" Hindi na kita maunawaan binigyan na kita na kapangyarihan na kailangan mo hindi ba dapat hindi ka na duwag kagaya ng dati?" 


Dito ay nagpasalamat si Nathaniel dahil binigyan sya ng bagay na mapapakinabangan nya pero ipinaliwanag nya na kahit nararamdaman nya ang enerhiya nya sa katawan ay wala naman syang kaalaman sa pakikipaglaban.


Naramdaman nya iyon nung may masalubong syang nakakatakot na halimaw kanina at pakiramdam nya ay wala syang kalaban laban dito.


Pero kahit na nagpaliwanag ito ay hindi maiwasan ni Melon na madismaya sa pagdadahilan ni nathaniel dahil para sa kanya ay gumagawa lang ito ng palusot dahil natatakot ito sa iba.


Napansin nya rin ang takot sa mukha ni Nathaniel tuwing nakakakita ng halimaw at alam nya dahil sa natatakot itong masaktan ay hindi nito susubukan makipag laban.


" Hindi naman big deal na makaharap mo sila lalo pa isa kang imortal sa mundong ito." 


" Kinatutuwa ko yun pero sana kasama sa magic power na yan ay ang gawing bakal ang katawan ko at di nasusugatan o nakakaramdam ng sakit." 


Habang nag kukwentuhan ay may biglang may tumamang maliit na bato sa loob ng bahay na pinagtataguan nila.


" Huh? " 


Ilang sandali pa ay biglang sumabog ang bahay at sa sobrang lakas ay napatalsik palabas si Nathaniel at gumulong gulong sa lupa.


" Arghh! Aray ko , anong nangyari?." 


Muling may tumama na bato sa lupa malapit sa kanya at sumabog ito dahilan para mapatalsik ulit sya.


Dahil sa nangyari ay nataranta si nathaniel at bumangon agad upang tumakbo palayo sa lugar.


Habang sinusubukan nya naman na tumakas ay patuloy syang pinauulanan ng mga bato na sumasabog.


Dahil doon ay agad syang pumasok sa mga eskinita kung saan hindi na sya kayang tamaan ng mga bato.


Habang sa isang batuhan naman na halos sampung metro lang ang layo sa mga gusali ay nakatayo si Ruri hawak ang mga bato na pinaglalaruan sa kanyang kamay.


" Aba, nakatakas sya sa ginawa ko, ayoko mambully ng mahihinang tao pero kailangan kong makagawa ng paraan para mapatalsik agad sya sa laro." 


" Paano kaya kung takutin ko pa sya." 


Lumitaw sa harap ni Ruri ang kanyang pulang sibat na may malaking talim ng espada at biglang nagbago ang itsura nito patungo sa pagiging wagon.


Ang class A crimson item nyang ito na tinatawag na Mikaso ay may kakayahan magbago ng anyo bilang mga sandata ayon sa gusto ni Ruri.


Agad syang nangulekta ng bato sa paligid at nilagay sa wagon kung saan ginawa nya itong bala na ipinang atake sa boung lugar kung nasaan si Nathaniel.


Halos madurog ang mga gusali at bahay sa patuloy na pag papaulan ng bato na sumasabog naman sa pagtama nito.


" Ito pa !" 


Hindi tinigilan ni Ruri ang pagbala ng mga bato sa wagon  hangang sa wala na itong mahanap na bato sa paligid.


" Huh? Wala na akong makuhang bato pero siguro pwede na yun." 


Muling nag balik sa pagiging sibat ang crimson item at nasalo ni Ruri. Hindi naman nag aksaya pa ng oras ito ng oras at agad na tumalon ng mataas patungo sa mga guho.


Matagumpay naman syang nakalapag sa itaas ng gumuhong gusali at hinahanap sa ibaba si nathaniel.


" Napasobra ata ang ginawa ko." 


Ilang saglit pa ay lumabas sa isang nagibang bahay si Nathaniel at nagmamadaling tumakbo.


" Aba, buti naman at buhay ka pa."


Bumwelo sya at walang alinlangan na lumusob gamit ang kanyang sibat para tuhugin si Nathaniel nito.


Napansin naman ni Melon ang pag atake na palapit sa kanila kaya naman hinatak nya si Nathaniel sa gilid dahilan para mapatumba ito at makaiwas sa sibat.


 "Aray ko, ano naman ang isang iyon? " 


" Dahil sa kapangyarihan ni kula dapat naramdaman mo na ang papalapit na panganib sa paligid pero bakit hindi ka umiilag?" Tanong ni Melon.


Dito nagdahilan lang si Nathaniel na kahit naramdaman nya na may papalapit na enerhiya sa kanya ay hindi naman nya alam kung ano ang bagay na iyon dahil nga bago lang sya sa kanyang mga kakayahan.


At sinabi nya rin na sa dalawang segundo pagkatapos nya maramdaman ito ay napaka imposible na makagawa pa sya ng aksyon lalo na hindi sya isang mandirigma.


Habang nag uusap sila ay biglang humampas ang malakas na hangin na tumangay sa usok sa paligid dulot ng pag wasiwas ni ruri sa kanyang sibat.


" Aba, nakaiwas ka sa ginawa kong atake ibigsabihin hindi ka lang basta ordinaryong tao." 


Laking gulat ni Nathaniel ng makita si Ruri habang naglalakad ito malapit sa kanya.


Agad nya itong tinanong kung bakit naroon ito ngunit nakangiti lang itong sumagot ng pabiro na gusto nitong makipaglaro sa kanya.


" Makipag laro? Hindi ko maunawaan at isa pa bakit ko ako inatake? Wala naman sa rules na aatake ka ng mga aplikante."


Para kay nathaniel ay hindi dapat nakiki elam si Ruri sa pagsusulit dahil sa isa syang sandata at mataas na opisyal ng eskapa.


" Tama ka naman tao." Kalmadong sambit ni Ruri.


" Kung ganun bakit mo ako inatake ng ganun alam mo bang pwede akong mamatay sa ginawa mo? " pasigaw na tanong ni Nathaniel." 


" Ikaw na ang nagsabi na isa akong opisyal ng Eskapa at akin ang pagsusulit na ito kaya ibigsabihin ako ang batas dito at ang bawat sabihin ko ay dapat na mangyari." 


" Kagaya na lamang ng pagpaslang sayo." Seryosong sambit ni Ruri.


Habang sinasabi nya iyon ay hawak nya ang isang patalim at mabilis na ibinato kay Nathaniel.


Agad naman iyon nakita ni nathaniel at sinalag gamit ang kanyang braso na biglang nagliyab upang proteksyunan sya.


Nagawang maprotesyunan ng kalasag na apoy si Nathaniel sa patalim pero ilang sandali lang ay bigla na itong sumabog dahilan para mapatalsik si Nathaniel.


Gumulong gulong si Nathaniel sa lupa at tumama sa batuhan dahilan para masugatan ito sa braso at mapilay.


" Isang apoy? Wala akong nararamdamang enerhiya sa katawan mo kaya paano ka nakakapaglabas ng apoy? " 


Napaisip si Ruri sa nakita nyang kakaiba sa taong kaharap nya lalo na wala silang nararamdaman enerhiya sa katawan nito at ilang sandali pa ay bigla na lang napahinto si Ruri at natulala ng umamoy sya sa paligid.


" Arghh , sandali nga, teka balak mo ba talaga akong patayin? Isa akong tao." 


Habang naglalakad papunta sa binata ay nagpakawala ng matinding awra si Ruri at tumingin ng seryoso kay nathaniel, ibang iba ang presensya nito sa kalmado at masayahing batang babae kanina.


Napalunok na lang si Nathaniel dahil sa takot ng iparamdam ni Ruri ang kanyang presensya dito na halos sumasakal na sa binata.


" Tama walang duda na isa kang tao pero hindi ako pwedeng magkamali sa naaamoy ko sayo ngayon lang." 


" Naaamoy, anong ibig mong sabihin?" 


" Isa sa espesyal na kakayahan ko ang maka amoy ng enerhiya at naaamoy ko mula sayo ang presensya ng isang prime demon beast." 


Nagtaka si Nathaniel sa sinabi nito at agad na inakila ang kaugnayan nya sa isang demon beast.


Ang demon beast ay kilala bilang berdugong halimaw na kumakain ng mga nilalang at wala silang pinipiling lahi o edad dahil para sa mga ito ay pagkain lang ang tingin nila sa lahat ng nilalang.


Isa sa mga madalas biktima ng mga ito ay ang mga nilalang sa great forest lalo na magkalapit lang ang demon beast continent sa pinakamalaking gubat sa endoryo na tahanan ng lahi ni Ruri


Dahil sa bagay na iyon ay pinagbibintangan ni Ruri na tauhan at espiya ng isang Demon beast king o grand chaos si Nathaniel na pinadala upang mag espiya sa Eskapa at pinagbantaan nya ang binata na papatayin kapag hindi nagsabi ng totoo kung ano ang pakay nito sa lugar.


Halos gumapang palayo si nathaniel sa takot habang pinapahinto si Ruri dahil alam nya kung paano ito magwala sa oras na hindi nito nakokontrol ang sariling emosyon.


" Sandali, sinabi ko na wala akong alam sa sinasabi mo, sa tingin mo ba talaga gagamit ng tao ang isang demon beast para maging tauhan?" 


Dito pinaalalahanan ni Melon si Nathaniel na hindi nakakatulong ang pagpapaliwanag nya kay ruri dahil mortal na kaaway ng lahi ni Ruri ang mga Demon beast at hindi ito makakalusot dahil nababalot ang binata ng mahinang presensya ng demon beast.


" Teka totoo ba yan? Bakit naman ako magkakaroon ng presensya ng demon beast?" 


" Ah, teka hindi mo ba naalala na isang demon beast ang Babaeng leader nyo wag mong sabihin nakalimutan mo agad?" 


Laking gulat ni Nathaniel sa nalaman nya at biglang naalala na nabangit sakanya ni Ataparag na isa itong demon beast at naisip na nagawang mailagay sa kanya ang presensya ni Ataparag nung hawakan sya nito. Gayumpaman hindi nya parin inaakala na isa itong Prime Demon beast.


" Oh.. ang totoo hindi sya basta isang normal na demon beast lang, isa syang Prime demon beast at dating naging Hari ng continente ng mga halimaw." 



" Naglagay sya ng mahinang spell sayo kanina siguro upang bigyan ka ng kaunting proteksyon." Dagdag ni Melon.

" Huh? Seryoso ka?" 


Lalong nagulat si Nathaniel sa nalaman nya dahil base sa kanyang komiks ang mga prime demon beast ay mga masasamang nilalang na walang ginawa kundi pumatay ng ibang lahi kahit walang dahilan at malayong malayo ito sa kanyang nakikita kay Ataparag.


" Pero hindi ito ang oras para alalahanin pa ang mga bagay na yan dahil mukhang seryoso ang isang yun na paslangin ka." 


Bumwelo si Ruri gamit ang kanyang sibat na agad naman kinatakot ni Nathaniel kaya naman hindi na sya nag dalawang isip na tumakbo at gamitin ang crimson item nya para makatakas.


Sa pag takbo nito ay nagsimulang umatake si Ruri at sinasabayan ang bilis ni Nathaniel.


Kahit na nakakaiwas si nathaniel sa mga talim ng sibat ay napapatalsik parin sya dahil sa pag sabog ng lupa na matatamaan ng talim nito.


Nagulat si Nathaniel at nasasabayan ni Ruri ang pagtakbo nya at biglang naaalala na isang katsuki ito na isa sa pinakamabilis na angkan sa lahi nila.


" Hindi maganda ito, sandali na lang matatamaan nya na ako." 

Alabngapoy Creator

Episode 29 part 1