Chapter 17 part 1
Suwi POV.
Dalawang araw ang lumipas mula nung mahuli ako ng mga taga Eskapa at ikulong sa kanilang base.
Hindi ko inaasahan na muli kong makikita ang weirdong lalaking nagpahamak saakin at ngayon kasama ko na nakakulong.
Hindi ko alam kung sino sya pero pinipilit nya na maging kaibigan ko sya at sa umpisa ay nagdududa ako sa motibo nya pero hindi ko inaasahan na aabot sya sa ganito para lang tangapin ko sya.
Binangit nya na kaibigan daw sya ni Xxv pero hindi naman iyon mahalaga saakin dahil lalo ko lang naiisip na itaboy sya dahil kung mahalaga sya sa asawa ko ay hindi sya dapat mapahamak ng dahil lang saakin.
Dinala sya kahapon dito ng mga sundalo sa hindi malamang dahilan pero siguro dahil naghihinala pa rin sila sa kanya na kasamahan ko sya. Napaka hangal nya talaga dahil hindi nya iniisip ang pinapasok nyang gulo.
Gayumpaman kahit na delikado ay talagang disidido ang isang ito na magkaroon ng koneksyon saakin.
Pilit nitong pinagsisiksikan ang sarili para maging kaibigan ko at parang hindi sya titigil hangat hindi ako pumapayag kaya naman wala na akong nagawa kahapon kundi sumang ayon.
Hindi sa gusto ko talaga ng makakasama lalo na isa lang syang mahinang tao pero wala naman akong magagawa kundi pumayag lalo pa nagpupumilit sya.
Mahimbing syang natutulog sa harap ko ngayon marahil napagod na rin ito dahil maghapon syang nag sasalita para lang kausapin ako. Marami syang sinasabi na hindi ko maunawaan pero hindi ko maitatangi na nakakatuwa syang pakingan.
Nagagawa nya akong kausapin na parang magkapantay lang kami at hindi rin sya nagdadalawang isip na magsalita laban saakin na parang hindi sya natatakot sa kaya kong gawin sa kanya.
Naiirita ako sa isang tao pero napaka gaan ng pakiramdam ko sa kanya lalo na kapag nangungulit sya. Nakakaramdam ako ng kakaibang pagkasabik sa sasabihin nya pa na kailan man hindi ko pa nararamdaman noon sa iba.
Hindi, siguro dala ito ng pagkasalat ko sa kasiyahan lalo na maliban kay Xxv ay walang ibang taong nagpakita saakin ng pagmamalasakit at pang unawa.
Alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan pero talagang natutuwa ako nung sabihin nya na gusto nya akong maging kaibigan at pinapatunayan nya yun hangang sa ngayon.
Siguro naman maaari akong magtiwala sa kanya, wala naman sigurong masama kung magiging kaibigan ko sya. Wala nga ba o baka sinasabi ko lang ito dahil sa sarili kong kapakinabangan kahit alam ko na may mapapahamak.
Dahil nga natutulog pa ito ay sinubukan kung lumapit sa kanya upang makita sya ng malapitan.
" Napaka weirdo nya, paano nya kaya akong nagagawang hawakan?" Bulong ko.
Tinangka kong hawakan ito pero habang inilalapit ko ang mga kamay ko sa ulo nya ay bigla akong napahinto dahil sa pagkabahala.
Naisip ko na paano kung kasama sa abilidad nya ang pagprotekta sa kaluluwa nya at maaaring hindi ito gumana dahil natutulog sya, baka bigla syang mamatay kung hahawakan ko sya.
O baka naman nagkataon lang ang nangyari kahapon dahil kakabigay lang ni serphia ng enerhiya saakin nung oras na iyon kaya hindi ko nahigop ang kaluluwa nya.
Napapraning ako pero gusto ko talaga syang hawakan sa mga oras na ito para patunayan na totoong pwede ko syang mahawakan ng hindi sya mamamatay.
" Masyado kang nababahala mahal na prinsesa"
Habang nahihibang ako sa kakaisip tungkol sa kanya ay biglang lumabas si Serphia sa loob ng damit ko at gumapang sa braso ko papunta sa ulo ni nathaniel.
Dahil sa bigat ng katawan ni Serphia na nakapatong sa kamay ko ay dumampi ang mga palad ko sa ulo ni Nathaniel.
Sandali akong natakot pero tila wala naman pagbabagong nangyayari sa katawan ni nathaniel at hindi rin kumikilos ang kapangyarihan ko para higupin ang kaluluwa nya.
" Kung mapapansin mo hindi pinapansin ng katawan mo ang kaluluwa nya na tila ba wala itong nararamdaman."
" Ano bang ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Tinukoy nya na kahit nararamdaman namin ang kaluluwa sa loob nya hindi ko ito tinatangkang higopin.
" Posible kaya iyon? "
Kahit si Serphia ay hindi makapaniwala sa nangyayari at hindi sya pamilyar sa mga ganitong bagay kung iisipin ay maiihalintulad ito sa pagtangap ng kaluluwa ko kay Xxv.
Bigla kong naisip na kung tinatangap ng kaluluwa ko ang taong ito kagaya ni Xxv ay baka maaaring magkaugnay din ang aming mga kaluluwa.
Nagulat at nagpanik sa iniisip ko dahil ngayon ko lang nalaman na maaaring dalawa ang maging kadiwa ko at sa totoo lang hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko kung sakaling totoo ang kutob ko.
Isa akong maharlikha pero kung magkataon isa nanaman mababang uri ng nilalang ang magiging soulmate ko.
Pero bago paman kung saan saan mapunta ang mga iniisip ko ay nilinaw na saakin ni Serphia na hindi imposible ang pagkakaroon ng ibang soul mate dahil nakabase ito sa pagkakatugma ng kaluluwa ngunit nilinaw nya rin na hindi ko soulmate si Nathaniel.
Magkaibang bagay ang pagtangap sa kaluluwa ko kay Nathaniel at ang pagiging magkaugnay ng kaluluwa ko kay Xxv. Hindi kayang maki isa ng kaluluwa ko kay Nathaniel kagaya ng pagsasama ng enerhiya namin ni Xxv tuwing magkasama kami.
" Kumbaga hinahayaan lang ng kaluluwa mo ang pananatili sa paligid ng kaluluwa ng binatang ito." Dagdag ni serphia.
Hindi ako makapaniwala at dahil wala naman akong ideya sa nangyayari ay minabuti kong tangapin na lang ang mga sinasabi ni serphia at paniwalaan ito.
" Oh ... Kung ganun hindi ko sya kadiwa."
Hinimas ko ang ulo nya at dahil tulog naman ito ay sinamantala ko ang pag kakataon na hawakan ang mga kamay nya upang maramdaman pa ito lalo.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi subukan dahil sa napakatagal na panahon ay wala pa akong nahahawakang ibang nilalang maliban kay sa asawa ko.
" Nanghihinayang ka ba princesa?"
" Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
" Alam mo ang ibig kong sabihin at hindi kita masisisi kong iniisip mong maaari mo syang maging kadiwa."
Dahil sa narinig ko kay serphia ay bigla kong nabitawan ang kamay ni Nathaniel at humawak sa mga pisngi ko.
" A-an-ano bang sinasabi mo? May asawa na ako." Aligagang sambit ko.
Muling gumapang si Sephia sa katawan ko at tumungtong sa ulo ko habang sinasabi na sumumpa akong magiging tapat kay Xxv bilang asawa nito at kailangan kong sundin ito ayon sa batas ng aking angkan.
Binangit nito na ang batas na iyon mismo ang dahilan kung bakit ako nakatali sa kasunduan na walang naidulot saakin kundi kalungkutan at mga aalalahanin.
" Wala ako sa lugar para sabihin ito pero kung hindi matutupad ni Xxv ang kasunduan nyo ay nararapat lang na putulin nyo na ang ugnayan nyo sa kanya."
" Hindi ko ito sinasabi dahil nagagalit ako sa kanya kundi dahil sa nakikita ko ay nagiging sagabal na sya sa pagtupad ng inyong responsiblidad sa inyong lahi."
Dahil sa narinig ko ay nasigawan ko si Serphia at pinahinto ito.
" Tama na! Wag kang magsasalita ng masama laban kay Xxv."
Hindi ko alam kung bakit, alam ko sa sarili ko na nagagalit ako kay Xxv sa ginawa nyang pag iwan saakin pero hindi ko sya kayang kamuhian.
Napakaganda ng pakikitungo nya saakin at alam ko na tunay ang pagmamahal na pinaramdam nya. Pinili nya ang eskapa dahil ito ang alam nyang makakatulong saamin sa kabila ng pag bangit ko sa ginawa ng mga ito sa kaharian namin.
Hindi ko alam kong bakit naging komplikado ang lahat saaming dalawa, ang gusto ko lang naman ay unahin nya ako higit kanino pa man at magtiwala sa mga sinasabi ko pero.
Napayuko na lang ako habang naiisip ang misirable naming sutwasyon at hindi ko alam kong magbabalik pa ba sya saakin . Wala akong idea kung matatapos ba ang digmaan at kung may aasahan pa ba akong kaligayahan.
" Ang gusto ko lang naman ay makasama ko sya habang nabubuhay kami sa mundong ito." Bulong ko.
" Patawad mahal na prinsesa, hindi ko na dapat sinasabi ang mga bagay na iyon." Sambit ni Serphia
Nagkusot ako ng mga mata para maalis ang mga luha bago pa ito tuluyang bumagsak dulot ng kalungkutan ko.
Ilang sandali pa ay biglang kumilos si Nathaniel at unti unting nagigising.
Unti unti nyang iminulat ang kanyang mga mata at naupo mula sa kinahihigaan.
" Umaga na pala, anong oras na ba?"
Humikab ito at nilingon ako habang nasa harap nya. Hindi ito kumibo at tinitigan lang ako.
" B-ba-bakit ganyan ka makatingin?"
" Napakaganda mo pala kapag umaga Suwi." Nakangiting sambit nito.
Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya pero bigla akong kinilabutan at dahil aa sobrang hiya ay nasampal ko ito nga malakas.
" Tumigil ka, Manyak ! " Sigaw ko rito.
" Aray! Ano bang problema mo bakit mo ako sinampal?" Sigaw nito.
Dito ay nakipagtalo sya saakin at binangit na gusto nya lang akong purihin at nagreklamo sa nagawa kong pagnanakit.
Alam ko na hindi dapat ako nag rereact ng ganito pero dahil sa sinabi ni Serphia kanina ay naguguluhan na ang isip ko.
Hindi ako nakinig sa mga reklamo nya at pinalalayo sya saakin kahit na ako ang kusang lumapit kanina.
" Napaka liit ng kwartong ito sa tingin mo makakalayo ako sayo at isa pa hindi ka ba sanay na sabihan ng maganda? Wala sa itsura mo pero alam ko matanda ka na kaya hindi ba dapat hindi ka na nahihiya kapag pipupuri ang itsura mo? "
Lalo akong namula sa hiya ng tawagin nya akong matanda at pinalalabas na imatured dahil sa ikinilos ko.
Pati ang edad ko ay alam nya kaya nagtataka ako kung hangang saan kaya ang nalalaman nya tungkol saakin.
" Ah.. hindi lang ang edad mo ang alam ko, marami akong nalalaman gusto mong isa sahin ko?"
" Una na dyan yung markha ng Khan sa katawan mo pababa ng tiyan hangang sa..."
Bago pa ito magpatuloy sa pag tuloy sa pagsasalita ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin ito para lang mahinto sya.
" Tumahimik ka !!"
Dumausdos ito sa lupa at muling nakatulog. Hindi ko alam kong buhay pa sya pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Marami sya masyadong nalalaman kung patumbahin ko na kaya ito?
Hindi ko na alam ang gagawin ko alam nya ang lahat saakin pati ang tanda ng aking angkanat sa tingin ko hindi yun maganda para saakin sa hinaharap, Isa yung banta sa kaligtasan ko na hindi ko dapat hinahayaan pero hindi ko naman sya pwedeng basta patayin.
Pero teka kahit naman alam nya kung nasaan ang marka ko ay hindi ibigsabihin na nakita nya ito kaya naman ibigsabihin hindi ko sya kailangan patayin.
Argghh! Bakit nya kasi nalaman iyon? Ang marka na iyon ay isang sagradong tanda ko bilang maharlikha at ang tanging pwede lang makakita nun ay ang asawa ko.
Gayumpaman wala naman syang masamang motibo at kaya lang naman nya nasabi yun para patunayan na marami syang nalalaman, dapat ko ba syang patayin sa sinabi nya?
Ang ibig kong sabihin mukha naman syang mapagkakatiwalaan at isa pa sumumpa sya na magiging tapat na kaibigan saakin sa tingin ko hindi naman ako mapapahamak sa nalalaman nya.
" Ano bang gagawin ko sa kanya, tulungan mo naman ako magdesisyon serphia."
Bumuntong hininga lang si Serphia at muling pumasok sa katawan ko habang sinasabing kung susundin ko ang batas ng angkan ay dapat lang mamatay ito.
" Gayumpaman kung pipiliin mo naman ang kaligayahan mo ay tulad ng dati ay sumabay ka na lang sa agos ng panahon." Dagdag nito.
Hindi ko naunawaan ang sinabi nito pinilit ko sa kanya na isa akong maharlika na tapat sa batas ng angkan kaya hinihingi ko ang opinyon nya sa tamang pagdedesisyon upang hindi magkamali.
Wala itong itinugon at nanahimik lang sa loob ng katawan ko, kahit ako hindi ko na nauunawaan kung bakit ganun ang pakikitungo na saakin ni Serphia na para bang hinahayaan nya na lang akong magdesisyon ng mag isa at hindi na mahalaga kung masunod ang batas ng angkan.
Lumipas ang ilang oras pa ay wala kaming ginawa ni Nathaniel kundi magkwentuhan. Tuloy syang nagsasalita sa mga bagay na hindi ko alam kong totoo.
" Alam mo ba na sa pinangaling ko ay maraming masasarap na pagkain at pwede kang mamasyal sa parke kahit anong oras."
" Maganda doon lalo na pag gabi at may nagpapatutog ng mga musika habang nagsasaya ang mga tao"
" Musika? Ang tinutukoy mo bang lugar na pinag mulan mo ay ang Irish kingdom?" Tanong ko rito.
Hindi ko alam ang tinutukoy nya gayung ang pag kakaalam ko na ang irish kingdom lang naman ang kaisa isang lugar kung saan pantay ang tingin nila sa tao at sa ibang lahi.
Sa itsura nya ay mukhang maayos syang lumaki kaya naiisip kong namuhay sya sa bayan kung saan tanggap ang mga tao.
" Higit pa sa Irish ang tinutukoy kung lugar, hindi ko masasabing perpekto iyon pero napakaganda doon kesa dito."
Napangisi na lang ako at napabuntong hininga dahil nakakasawa na rin makinig sa sinasabi nya. Ano bang paki elam ko sa lugar ng mga tao. Wala naman magigung pakinabang iyon saakin.
" Ewan ko bakit ko ito binabangit sayo siguro dahil gusto ko lang hindi maputol ang pag uusap natin."
" Oh baka naiisip ko lang na mag kainteres ka doon at sumama saakin pabalik doon para mabuhay ng payapa."
Nagulat ako sa sinabi nya saakin, ano bang iniisip ng isang ito? Sinasabi nya bang gusto nya akong sumama ako sa kanya aa sinasabi nyang lugar para doon mamuhay?
" A-a-an-ano bang sinasabi mo?"
" Nagdududa na ako sa mga sinasabi mo kanina pa, gu-gusto mo sumama ako sayo at mamuhay ng payapa?"
Bigla akong nakaramdam ng hiya ay unti unting lumalayo sa kanya.
" Pwede ba Nathaniel, hindi ka pwedeng magsalita ng ganyan saakin ."
Iba sa inaasahan ko ay nagtataka lang ito at tinatanong kong bakit hindi nya ito pwedeng sabihin sa kabila ng pagiging magkaibigan namin.
" Kahit na nahahawakan mo ako hindi tayo pwedeng magsamang dalawa lalo na may asawa na ako." Sigaw ko dito habang nakapikit.
Walang reaksyon ang mukha nya at sandaling nanahimik hangang sa bigla na lang itong nanapailing at namula ng mapagtanto ang nasabi nya.
" Naku, naku teka hindi , mali ka ng iniisip Suwi." Aligagang sambit nya saakin.
Ipinaliwanag nito agad na wala syang intensyon na isama ako para mamuhay kami bilang mag asawa at nagmamalasakit lang na kung magpupunta ako sa tinutukoy nyang lugar ay mas posible ang masayang buhay na hinahangad ko.
" At isa pa kahit naman maganda ka eh hindi ako masohista na mag aasawa ng bugnutin at bayolenteng amasonang kagaya mo."Dagdag nito.
Dahil sa narinig ko ay muling kumulo ang dugo ko sa galit at muli syang sinapak sa pisngi dahilan upang makatulog ulit ito. Nakakaramdam ako ng matinding pagkainsulto na parang tinatangihan ako ng isang mababang uri ng nilalang kaya hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.
" Sinong amasona? Bastos ka!"
Episode 17 part 1