chapter 6 part 1

undefined



Isang pambihirang pagkakataon ang naranasan ko ng makasalamuha ko ang isa sa mga tauhan sa komiks ko na si sei kaya naman halos hindi ako makapag salita sa kinatatayuan ko.


Umalis ito na hindi ko man lang nakausap at wala man lang akong ginawa para habulin ito hanggang sa mapalibutan na sya ng mga sundalo ng eskapa na kasamahan nya.


" Napakabait nya talaga kagaya ng alam ko."  Bulong ko


Lahat ng katangian na inilagay ko sa kanya ay tinataglay nya kaya naman naisip ko na baka matulungan nya ako sa problema ko .


Hindi, sigurado ako na tutulungan nya ako dahil may awa at likas na matulungin si sei sa lahat ng nangangailangan.


Tama, kapag kinausap ko sya at ipinaliwanag ang sitwasyon ko ay maaaring matulungan nya akong mahanap si koko.


Hindi na ako nag sayang muli ng oras at dali daling sinundan si sei upang humingi ng tulong 


" Teka miss sei ! " Sigaw ko .



Pero bago pa ako makalapit ay bigalang may malaking kamay na nagmula sa likuran ko ang humila saakin.


Hinila nya ako hanggang sa mapaupo ako sa lapag at tumama ang pwetan ko sa batuhan.


" Aray ko " 


" Teka anong problema nyo? " 


Nagulat ako sa ginawa saakin pagbalibag at nung lingunin ko na ang mga ito ay bigla akong kinabahan sa kanilang mga itsura.


Tatlong nilalang na kapwa mga sundalo ng eskapa ang humarang sa harapan ko at alam ko na ang higanteng taong toro na may berdeng balat na iyon ang humaltak saakin dahil sa laki ng mga kamay nito.


Nasa kaliwa nya ang isang babaeng may brown na buhok at kulay itim ang balat. Kakaiba rin ang itim nyang mga mata at hindi ko rin sigurado kong anong klaseng nilalang sya. 


Nasa kanan naman ng toro ang isang babaeng may dilaw na buhok at may tenga ng pusa, nakasuot sila ng asul na kapa ng eskapa kaya hindi ko rin alam kung may butot ba sya kagaya ng pusa.


Pansamantala akong nasindak sa mga itsura nila dahil hindi naman ako sanay na makaharap ang mga kagaya nila.


Gayumpaman ay isa naman silang myembro ng eskapa kaya wala akong dapat ikatakot dahil ang layunin ng eskapa ay mangalaga at promotekta ng mga mahihina.


Ilang sandaling pa ay biglang nagsalita ang babaeng may itim na mata at hinarap ako para pagbawalan.


" Pasensya na ginoo pero hindi ka pwedeng basta lumapit sa comander ng walang permiso." Malumanay na sambit nito.


Napakalambing ng mga boses nito pero hindi ko naiwasan mag taas ng boses at sumagot dito ng patanong dahil nagmamadali ako upang abutan si sei.


" Permiso? Kaninong permiso naman ?"  Sambit ko habang tumatayo sa kinauupuan ko.


" Wala naman akong masamang intensyon gusto ko lang humingi ng tulong kay sei." Dagdag ko.


Hindi sa nagagalit ako pero alam ko na kapag hindi ko naabutan si sei ay mawawalan ako ng pag kakataon na makahingi ng tulong sa kanya.


Pero gayumpaman ay hindi ako pinagbigyan ng mga sundalong nasa harapan ko.


Agad na sumagot ang babaeng may tenga ng pusa sa usapanat sinabi na

" Maraming nilalang ang gustong humingi ng tulong sa comander kagaya mo. " 


"Matuto kang lumugar, tao" sambit nito.


Matalim ang mga tingin nito saakin at hindi ko nagustuhan ang tono ng pagsasalita nya na tila ba hinahamak ako. 


Malinis ang intensyon ko at alam ko na dapat ko itong gawin dahil si sei lang ang makakatulong saakin sa mga oras na ito.


" Anong ibig mong sabihin? " Tanong ko rito.


Naglakas loob akong harapin ang mga ito at sabihin na hindi nila ako pwedeng tratuhin ng iba dahil lang isa akong tao dahil unang una sa lahat kung pag babasehan ang batas ng eskapa ay dapat nga ay sila pa ang tumutulong saakin dahil ito ang layunin ng eskapa at karapatan ko ang makatangap ng tulong mula sa eskapa.


Halata sa mukha nila na hindi nila nagustuhan ang mga sinabi ko pero kalmado parin akong kinausap ng babaeng may itim na mata at pinaliwanagan.


" Karapatan din namin na mamili kung sino lang ang tutulungan."  Sagot nito.


" At nakadepende ito sa sasabihin mong problema na nais mong ihingi ng tulong saamin." 


Dito ay tinanong nya ang problema ko at kung paano ako matutulungan ng eskapa.


Gayumpaman, kahit na tinatanong nya ako sa problema ko ay nakakaramdam ako ng pag aalinlangan kung sasabihin ko ba ang mga ito sa kanila.


Sa tingin ko wala naman sigurong masama kung sakanila ko muna sabihin ang sitwasyon ko pero ang iniisip ko ay kung hanggang saan ang pwede kong sabihin sa kanila.


Naguluhan ako bigla dahil pwede ko ba talaga sabihin  sa kanila ang problema ko gayung hindi ko naman sila kilala?


Wala akong alaala o alam tungkol sa kanila at malamang mga simpleng tauhan lang sila sa kwento.


Pero ano ba ang dapat sabihin ko sa kanila, dapat ko bang bangitin na nagmula ako sa ibang mundo at mga tauhan lang sila sa kwento?


May posibilidad na hindi sila maniwala sa sasabihin ko gayumpaman mga myembro parin sila ng eskapa na may tungkulin na tulungan ako at hindi naman nila ako matutulungan kong hindi ako magsasalita.



Pero duda talaga ako baka pagtawanan lang nila ako o ang masama ay pag kamalan pa akong baliw at baka ikulong pa ako. Hindi naman kasi kapanipaniwala ang mga nangyari saakin at kahit ako hindi ako makapaniwala.


Pero wala naman akong magagawa, asar talaga , siguro mapagkakatiwalaan naman sila.


Habang naguguluhan at nag iisip ako ng malalim ay biglang may tumunog sa bulsa ng babaeng may itim mata.


Dito ay kinuha nya ang isang maliit na bilog na bagay at nagkaroon ito ng lumulutang na ring sa paligid nito. 


May nagsasalita dito at para ito telepono na ginagamit sa pag kontact sa ibang sundalo.


" Team leader ataparag  pinapatawag na kayo ng commander para sa pulong." 


Dahil sa narinig nilang utos ay mukhang wala na silang interes na pakingan pa ako. 

Umakma sila na paalis habang sinasabi saakin na sa susunod na lang ako lumapit para humingi ng tulong.


undefined

" Marami pa kaming mas importanteng bagay na gagawin." Dagdag ng babaeng may tenga ng pusa.


Hindi ko maisip kung bakit ganun na lamang ako binabale wala gayung tungkulin nila na tulungan ako.


Bago pa sila tuluyang makahakbang palayo ay pinigilan ko na sila


" Teka sandali ! " Sigaw ko.


Nagawa kong mapahinto sila at muli akong nilingon.


" Pakingan nyo muna ako. " Paki usap ko sa mga ito.


Sa pagkakataon na iyon ay muli akong nakiusap sa kanila dahil narin sa wala akong matutuluyan sa bayan na ito at umaasa ako na pakikingan ako ng mga ito dahil isa sa tungkulin ng eskapa ang tulungan ang kagaya ko kaya hindi nila ako pwedeng pabayaan na lamang.


" Nakataya ang buhay ko dito kaya hindi nyo ako pwedeng pabayaan lalo na isa sa tungkulin ng eskapa ang pag una sa mga kagaya ko ."  Sambit ko.


" Pag una?  " Pagtataka ng babaeng pusa.


Sa reaksyon nya ay tila nairita ang babaeng ito sa narinig nya kaya naman lalo syang nagmaldita sa pakikipag usap saakin. 


" Alam mo kakaiba ang tono ng pag sasalita mo para sa isang taong humihingi ng tulong pero sige magsalita ka."  Sambit nito.


Pinagbigyan nya ako magpaliwanag pero sa tono ng pananalita nya ay  parang bang wala sya talagang interes pakingan talaga ako.


Pero kahit na ganun ay sinubukan kong magsalita kahit matulungan na lang muna nila ako sa aking matutuluyan at makakakain habang narito ako sa lugar na ito.

" Medyo mahabang kwento kung bakit ako napunta dito pero kasi sa ngayon wala akong ibang matutuluyan." 


Mabilis nya itong sinagot na tila pinagmamadali ako na sabihin ang problema ko na walang paligoy ligoy pa.


" Bibigyan ka namin ng limang segundo para sabihin saamin ang problema mo " magsusungit nito.


Napangiwi na lang ako sa narinig ko dahil tila hindi ako sineseryoso ng kausap ko at parang wala talaga syang balak na tulungan ako.


Kakasabi ko lang na mahabang kwento pagkatapos bibigyan lang nya ako ng limang segundo para magpaliwanag.


Malinaw saakin na hindi nya talaga ako gustong pakingan at baka nga balewalain nya lang ang mga sasabihin ko. 


Kung sya ang sasabihan ko ng problema ko tungkol sa anghel na si koko ay malaki ang posibilidad na hindi nya ako paniwalaan at sigurado ipagtatabuyan nya ako.


Si sei lang talaga ang pwede kong pagkatiwalaan sa mga problema ko.


Kahit na tila nagmamadali sila ay nagbigay parin ng pang unawa ang babaeng may itim na mata na tinawag na kapitan ataparag ng kausap nya sa telepono.


" Nyabu naman, hayaan natin syang magsalita malay natin na totoo pala ang sinasabi nya."  Sambit nito.


Masaya ako sa narinig ko dahil mukhang naiiba ang kapitan na ito sa kasamahan nya na tinawag nyang nyabu. 


Gayumpaman ay parang hindi naman ito sineryoso nito at binalaan pa si ataparag na wag masyadong mabait sa mga kagaya ko.


" Hindi kayo pwedeng basta magbigay sa tao." Masungit na sambit nito.



Dito ay pinaalalahanan nya ang leader nya na wag kalimutan ang pag bibigay nila sa mga tao sa kasalukuyang buwan at wala sa mg ito ang nagpahalaga sa mga naibigay nila.


" Nag mamakaawa sila saatin at sa huli makikita na lang natin na ipinang susugal lang nila ang pera na ibinigay natin. " Pabalbal na dagdag nito 


Wala syang alinlangan na sabihin sa kanyang pinuno kung ilang beses sila naloloko dahil sa pagiging matulungin nito sa mga taong humihingi ng tulong lalo na tungkol sa salapi.


" Oo tungkulin natin na tulungan sila pero hindi tayo pwedeng maging source of money nila kapag kailangan nila ng pera." Dagdag nito.


Napapailing na lang si ataparag at hindi makaimik lalo na nung marinig nya mula kay nyabu na sya ang nilalapitan ng mga ito dahil madali syang mauto at mahingian ng pera.


Sa reaksyon ni ataparag ay mukhang totoo ang sinasabi ng kasamahan nya kaya naman wala syang magawa kundi yumuko  at manlumo na lang .


" Hindi mo naman kailangan sabihin pa yan sa harap ng iba."  Pabulong na sambit nya.


Kung titignan ko mabuti sa reaksyon nya ay tila dismayado sya sa sarili dahil ginusto nya lang naman makatulong pero napapasama pa ang ginagawa nya.


" Ayoko lang naman na sinasamantala ng mga pulubing ito ang kabaitan nyo leader."  Sambit ni nyabu.


Nabigla ako sa narinig ko sa babaeng ito dahil tinawag nya akong pulubi, kung ganun iniisip nya na isa ako sa mga taong gusto lang perahan sila.


Iyon siguro ang dahilan kaya ayaw nya akong seryosohin sa simula palang dahil inaakala nya na manloloko ako.


" Hoy hindi ako pulubi kaya wag mo akong husgahan ng masama." Sigaw ko rito.


" Bakit may pera ka ba ?" Biglaan nitong tanong saakin.


" Pe-pera ? Wa-wala." Sagot ko.


" Eh bahay? Trabaho?" Dagdag na tanong nito.


Hindi ko alam kung anong isasagot ko na maganda sa tanong na iyon pero totoo naman na wala akong pera, bahay at kahit trabaho. Hindi naman kapanipaniwala kapag nagsinungaling pa ako para lang hindi mag mukhang kawawa.


" Tsk, pulubi. " Sambit nito 


Tila ba napakababa ng tingin nya saakin habang minamata ako sa kalagayan ko pero paano ko ba ipagtatangol ang sarili ko eh nasa misirableng sitwasyon ako ngayon. Isa lang akong dayo sa mundong ito at ang masama walang akong kahit ano.


"Ayoko sa isang ito." Bulong ko sa sarili.

undefined

Alabngapoy Creator

Part 1 of chapter 6