undefined

Chapter 7 part 2 

Hindi ko inasaahan ang mga pangyayaring naganap lalo na ang banal na apoy ang pride ng angkan namin bilang mga mandirigma. Para saakin hindi ito dapat nakikitaan ng kahinaan kaya naman kinakaikangan kung tapusin agad ang bagay na ito.


Pero hindi ko inaasahan ang mga susunod pang mangyayari dahil ng makita nito ang pag amba ko ay bigla nito akong hinawakan sa binti ko.


"Teka anong ginagawa ko? " 


Laking gulat ko ng nagawa akong mahawakan ng taong ito nang matagal ng hindi nawawalan ng malay tao.


Wala akong nakikitang espesyal sa kanya , sino ba talaga ang taong ito?


Kakaiba ito dahil unti unti na dapat sinisira ang kaluluwa nya sa paghawak palang saakin dahil sa kapangyarihan ko bilang soul eater pero hindi ito gumagawa ng paraan para patayin ang taong ito.


"Lapastangan bitawan mo ako !"  Sigaw ko habang sinisipa sya.


Kinatatakutan ang lahi naming mga soul eater dahil sa kakayahan naming kumain ng kaluluwa ng mga nilalang at gawin itong power source.


At dahil isa akong maharlikha ay mas malakas ang kapangyarihan ko sa iba kaya dapat nahigop ko na ang kaluluwa nya sa pag hawak nya palang saakin.


Kaya nga nakakapagtaka na ang tulad nyang mababang uri ng nilalang ay nagagawa akong hawakan ng matagal.


Sandali? Hindi kaya sya ang binabangit ng mga matatanda saamin na espesyal na nilalang?


Hindi, hindi , hindi. 


Imposible ang mababang uri ng nilalang ang tinutukoy nila. 


Dahil sa naging banta ang aming lahi sa kaligtasan ng marami ay nagtulong tulong ang ibang mga lahi na lipulin kami noon kaya isa sa misyon ng natitira saamin ay ang mahanap ang kadiwa o soulmate namin at muling magparami.


Sa higit limampung taon kong pag hahanap ay wala akong makita na kayang tumagal sa abilidad ko bilang soul eater kaya nga patuloy akong umaasa na matatagpuan ko sya.


Unang beses ko lang makatagpo ng nilalang na nagawa akong hawakan ng matagal, alam ko na kalokohan itong iniisip ko pero hindi kaya ang mababang uri ng nilalang na ito ang kadiwa ko?


Nakakahiya ito, isa itong bangungot bilang myembro ng maharlika ng khan .

Pagtatawanan ako ng ibang maharlika kapag nalaman nila ito.


Kailangan nyang mawala bago pa ito malaman ng iba.


Sa pagkakataon na iyon ay talagang nagpapanik na ako at desidido na akong patayin ang taong ito para hindi na ito humantong pa sa matinding kahihiyan.


Pero bago pa ako makagawa ng aksyon ay biglang nagsalita ang aking spirit pet na si serphia.


"Pag isipan mo mabuti ang gagawin mahal na princesa." 


Si serphia ay isang ahas na spirit beast, sya ang nangangalaga sa angkan ng khan sa loob ng ilang libong taon, nung pabagsakin ng mga kalaban ang aming kaharian ay ipinagkatiwala saakin ang karapatan na magmay ari sa kanya at maging tagapagbantay ko.


" Sa oras na patayin mo sya ay baka wala ka ng makitang katulad nya." 

Dagdag nito.


Nabangit nya saakin na simula pa noong mapunta sya saakin ay wala pa syang nakikitang tumutugma sa kaluluwa koaliban sa taong nasa harap namin at dito pinaalala nya rin bigla ang unti unting pagkaubos ng ilang pang mga soul eater sa bawat araw na lumilipas.


" Hindi ko alam kung bakit ang mahinang nilalang na ito ang naging kapareha ng kaluluwa mo pero sa isang banda ay wala ka naman magagawa pa kundi tanggapin ito." 


Sa mga narinig ko ay lalo akong kinilabutan dahil para bang gusto nyang tangapin ko ang isang ito bilang kadiwa ko. Alam ko na mahalaga ang maparami ang lahi namin pero hindi naman makatarungan para saakin na isang tao lang ang magiging asawa ng prinsesang kagaya ko.


" Hindi ko kailangan ng mahinang nilalang na kagaya nya. " Pag angal ko kay serphia.


Naging makulit si serphia at ipinaalala na hindi ko pwedeng takasan ang responsibilidad ko at ang pangangailangan ng katawan ko.


Gumapang sya papasok sa damit ko at lumingkis sa katawan ko.

Bilang spirit beast ay kabahagi ng katawan ko si serphia kaya malaya syang nakakapasok sa loob ng katawan ko bilang tahanan nya.


" Anong ginagawa mo serphia? Ti-tigilan mo yan."


May pagkapilya rin si serphia minsan at alam nya kung gaano ako kasensitibo kapag gumagapang sya sa balat ko. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kiliti at nahihiya ako sa tuwing ginagawa nya iyon.


Gayumpaman, alam ko naman ang mga bagay na iyon at sino ba ang gustong mag isa sa loob ng limampung taon?


Pero siguro may punto sya dahil hindi naman lahat ng tao ay mahihina at walang kwenta ang iba sa kanila ay may potensyal na maging mandirigma kagaya ng mga tao sa irish kingdom.


Dito ay tinanong ko ang taong ito kung nagmula sya sa irish kindom.

" Hoy tao, nagmula ka ba sa irish? Saang antas ka nabibilang? " 


Umasa ako may potensyal ang isang ito pero mukhang hindi talaga aumasang ayon saakin ang tadhana.


" Antas? Hindi ko alam ang sinasabi nyo pero ang alam ko nagmula ako sa isang malaking mansion at nakakulong sa ilalim nito " sagot nito.


Napangiwi na lang ako sa narinig ko dahil sa labis na pagkadismaya at nagsisimula na rin akong mairita sa nangyayari.


" Nakakulong? Wag mo sabihing isa ka lang hamak na alipin?" Tanong ko rito.


Isa itong malaking pagkakamali, hindi lang sya isang walang silbi iyakin kundi ang pinakamababa sa mga mababang uri ng nilalang.


Sumabog ako sa galit at umamba ng pag atake.

" Kalokohan ito, wala akong mapapala sayo mabuto pa mawala ka na lang! " 

Sigaw ko 


undefined

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong niyakap ng taong ito. Hindi ko maunawaan pero biglang napatigil ang katawan ko sa pagkilos.


Nararamdam ko ang init ng katawan nya habang mahigpit nya akong niyayakap. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng malakas na pintig ng puso ko na hindi dulot ng takot.


Napaka werdo nito, ito ba ay sariling pagnanasa o baka dahil sya talaga ang aking kadiwa? 


Pero kahit ganun paman ang nararamdaman ko ay malinaw sa isip ko na mali ang mga bagay na ito.


" Paki usap gagawin ko lahat ng ipaggagawa nyo, wag nyo lang akong papatayin." Sambit nito habang umiiyak.


Wala ako ibang naririnig sa kanya kundi pagmamakawa at lalo akong naiirita dahil sa pagpapakita nya ng kahinaan at kaduwagan.


" Bitawan mo ako, alam mo ba wala pa akong hinayaan na mabuhay pagkatapos akong hawakan? " Sambit ko rito.


Hindi ito nakinig saakin at lalong humigpit ang mga yakap nito habang binabangit na wala syang ideya kung bakit sya napadpad sa lugar na iyon.


" Malamang ipinatapon na rin ako ng mga tao sa mansion kagaya ng ginagawa nila sa mga kasamahan ko. "


Hindi ko pinansin ang sinabi nya gayung wala naman akong kinalaman sa kanya at pinagbataan ito na papatayin sya sa oras na hindi ito makinig na bitawan ako.


Hindi ko talaga gusto pa ito na magtagal pero muli nanamang nangulit si serphia at lumab sa manggas ng kasuotan ko.

" Masyado talagang mainitin ang ulo mo, kumalma ka muna princesa." 


Sinabi nito na kahit na isang alipin ang taong ito ay may kakaibang katangian ito kaya sya naging kadiwa ko at masasayang ito kung magpapadala ako sa emosyon ko.


Nabangit nya rin na malaki ang potensyal nyang maging malakas na mandirigma sa tamang pag gabay at pag aaral.


" Gusto mong gabayan ko sya? Alam kong hindi ko sya pwedeng isama saakin dahil sa mga kalaban ko."


Alam ni serphia ang bagay na iyon at madali syang mapapaslang kapag nakita sya ng mga kalabana namin pero may naisip syang paraan upang matulungan ito kahit hindi sya sumama saamin.


" Magkatugma ang kaluluwa nyo at kung ipapahiram mo ang sanitoshi sa kanya kasabay ang pagbabasbas mo sa kanya bilang iyong kadiwa ay agad syang kikilalanin nito bilang bagong nag mamay ari." Sambit ni serphia.


"Anong masasabi mo sa plano na yun mahal na princesa? " Dagdag nito.



Napaisip ako bigla sa nasabi nito saakin at kahit na naiirita ako sa pagiging mababang uri ng nilalang nya ay hindi ko pwedeng sayangin ang potensyal nya at isa pa paano kung wala na akong makitang katulad nya sa loob ulit ng limampung taon? 


Hindi ko sinagot ang katanungan saakin pero alam ni serphia na wala naman akong pag pipilian pa kaya naman sya na ang nakipag usap sa lalaking nasa harap namin.


" Hoy tao, gusto mo bang bigyan ka namin ng pagkakataon mabuhay " 


Kung papayag ka sa aming kondisyon ay bibigyan ka namin na magkaroon ng pagkakataon na ipagtangol ang sarili laban sa iba? " Pagtatanong ni serphia.


Hindi naman ito nag alinlangan pa na tugunin si serphia at nangakong gagawin ang lahat ng ipapagawa namin sa kanya para sa kanyang kaligtasan.


" Handa kong ibigay ang sarili ko sainyo." 


Alam ko na masyado akong sumusugal sa ginagawa ko pero malaki ang tiwala ko kay serphia na alam nya ang makakabuti saakin.


" Nakahanda ka bang paligayahin ang princesa tuwing gabi?" Dagdag nito.


Tapat at mapagkakatiwalaan si serphia pero may bahagi syang nakakainis din kagaya ng pagiging pilya nito at pag bangit ng walang katuturan na bagay.


" Hindi ko alam ang sinasabi nyo pero handa po akong gawin ang lahat para maging masaya ang prinsesa." Sagot naman nito.


Alam ko kung natutuwa si serphia sa mga ganito kaya naman bago pa kung saan umaabot ang usapan na ito ay pinahinto ko na sila.


"Pwede ba tigilan nyo na ang pag uusap ng walang kwentang bagay kagaya nyan." Sambit oo habang itinutulak ko ang pagmumukha nito palayo saakin.


Lumuhod ito sa harap ko at nangako ng kanyang katapatan saakin.

" Hindi ko alam ang mga bagay bagay aa ngayon pero handa ko pong gawin ang lahat upang maging karapat dapat na kadiwa nyo." 


Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong nakaramdam ng pagkakilig dahil lamang sa mga sinabi nya. Alam ko na hindi nya alam ang ibigsabihin ng pagiging kadiwa ko pero gayumpaman ay naging masaya ang kalooban ko na tila nasasabik ako sa araw na mangyari iyon.


Hindi ko maiwasan na umasa dahil sa unang pag kakataon ay may gustong tumanggap sa tulad ko. Isa nilalang na nilalayuan at tinatawag na salot ng buong mundo.


Sa sobrang komplikado ng buhay ko na walang ibang ginagawa kundi tumakas at lumaban  upang manatiling buhay ay may kunting liwanag na nagbubukas para sa limot kong pangarap.


Isang imposibleng pangarap noong bata ako na makatagpo ng isang nilalang na makakasama ko at tatangap saakin, sabay mabubuhay ng payapa at magkakaroon ng masayang pamilya.


Gayumpaman winasak ng kaguluhan at ng sumpa ng nakalipas ng digmaan ng lahi ang pangarap na iyon na sa pantasya na lang mararanasan dahil wala na akong nakikitang pag asa pa sa madilim na mundong ito.


Ilang sandali pa habang pinag iisipan ko ang mga gagawin ko ay bigla akong nakaramdam ng presensya ng kalaban mula sa lugar na iyon.


" Nakakaramdam ako ng presensya ng hube mula sa lamayo, mukhang hindi nila tayo tatantanan." Sambit ko.


Dahil doon binalaan agad ako ni serphia na magdesisyon agad dahil sa oras na makita ng mga hube ang taong ito ay agad nila itong papatayin para lamang makaganti saakin.


" Higit dalawang kilometro pa ang layo nila saakin kaya sa tingin ko hindi pa nila tayo natatagpuan." 


Kailangan kong maisagawa agad ang pag babasbas kaya naman ay tinawag ko ang ispirito ng espada ng sanitoshi at itinarak sa lapag bilang pag hahanda.


"Ako ang prinsesa ng angkan ng khan na si khan zhui at kung gusto mo talaga na maging kadiwa kita kailangan mong patunayan ang sarili mo saakin." 


Dito ay ipinakilala ko sya sa espada at hinayaan na magamit nya ito sa kondisyon na magagamit nya lang ito alang alang saakin at papatayin sya ng espada sa oras na maglaho ang katapatan ng puso nya saakin.


Inutusan ko sya na gamitin ang espadang ito upang lumakas at manalo sa mga laro sa crimson game.


Hindi ako umaasa ng higit pang karangalan at katanyagan para sa kanya ang gusto ko lang ay magawa nyang maprotektahan ang sarili nya sa iba .


" Kasalanan ang maging mahina sa mundo ito ." 


" Pinapatay ng malalakas ang mahihina at kung gusto mong mabuhay ay sikapin mong maging malakas ."


" Isinilang kang isang mababang uri ng nilalang pero ngayon binibigyan kita ng karapatan maging malakas at magpatuloy na mabuhay pa sa endoryo." 


Dito idineklara ko na simula ngayon ay pag mamay ari na sya ng prinsesa ng soul eater na si khan zhui at wala syang ibang pakikingan maliban saakin.


"Ang puso,ispirito at katawan mo ay saakin lamang " dagdag ko.


Nagliwanag ang kristal ng espada katunayan na kinilala ng espada ang pagbabasbas at mga kondisyon na sinabi ko.


Sa pagtatapos ng pag babasbas ay agad na akong tumalikod at lumakad paalis upang hindi na ako maabutan ng mga kalaban ko sa lugar na iyon.


Pero bago pa ako makalayo ay bigla ng nagmadaling humabol ang lalaking ito at nagmakaawa saakin na isama sya sa pag alis ko


" Hindi po ako marunong makipaglaban, paki usap isama nyo na po ako." 



" Handa po akong gawin ang lahat para sainyo." Dagdag nito.



Bigla ako huminto sa paglalakad at muli syang nilingon habang hinahamon ito na gawin ang lahat ng makakaya nya.


" Kung ganun gawin mo ang lahat ng magagawa mo para saakin, sundin mo ang utos ko." 


Binangitin ko ang pagsugal ko sa kanya dahil sa pag papahiram ko ng napakaimportanteng bagay saakin. Ang espada ng sanitoshi at rabaikasyu ay  katumbas ng buhay ko kaya naman halos ibigay ko ang kalahati ng buhay ko para ipagkatiwala ito sa kanya.


Isa akong hibang para gawin yun pero umaasa ako sa kakarampot na pag asa.

Ipinangako ko sa kanya na kapag nagtagumpay syang maging karapat dapat na tumayo sa tabi ko ay ibibigay ko sa kanya ang kabuoan ng meron ako.


Pag katapos nun ay dali dali na akong tumalon palayo, kinailangan kong umalis agad upang makalayo sa lalaking iyon.


Umaasa ako na hindi ganito kadilim ang tadhana na pinagkaloob saakin kaya paki usap wag mo akong biguin.



END OF ZHUI POV .



Sa paglisan ni Zhui ay nanatiling naghahabol ang alipin. Ang alipin na ito ay tinatawag bilang sa kanyang bilang.

At makikita ang numero nito na nakatatak sa kanyang dibdib na may nilang na dalawamput lima.


Si dalawamput lima o XXV ay alipin nag mula sa Hezo na sinasakop ng warlord na si Gabito na gumagamit ng mga alipin para sa mga experimento.


Sa mga oras na iyon ay takot na takot sya at puno ng pangamba sa maaring mangyari sa kanya.


Gayumpaman alam nya sa sarili na kaikangan nyang sundin ang sinabi ng kanyang prinsesa. Dito ay nilapitan nya ang espada na nakabaon sa lupa at binunot ito.


" Gusto ng prinsesa na gamitin ko ito upang maging malakas."


Pagkatapos mabunot ay agad syang tumakbo palayo sa lugar upang makapagtago.


Malinaw sa isip nya na binigyan sya ng pagkakataon ng prinsesa at hindi nya dapat ito biguin .


" Hindi ko alam kung kaya kong mabuhay sa lugar na ito pero kailangan kong maging malakas upang maging karapat dapat sa prinsesa." 


Lumipas ang mga oras, araw at lingo at patuloy nyang sinisikap na mabuhay mag isa sa lugar na iyon. Unti unti nyang sinanay ang sarili na lumaban sa mga mahihinang halimaw. 


Walang araw sa gubat na iyon na hindi sya nanganib at ibinubuwis ang huhay para manalo. Isang nakakapagod na pakikipaglaban upang manatiling buhay at sikatan pa ng araw kinabukasan.


" Kailangan kong maging matatag" 


" Mabubuhay ako para sa prinsesa" 


" At maging karapat dapat para sa kanya."


undefined

undefined

Tiniis nya ang gutom, mga pagsubok at matinding sakit ng katawan sa loob ng isang daang araw at ang tanging nag papalakas ng loob nya upang bumangon at tumayo sa bawat pag bagsak ay ang pangako nila sa isat isa na magsasama balang araw.

undefined

undefined


Alabngapoy Creator

Chapter 7 part 2