Chapter 9

Nathaniel POV.


undefined

Sa hindi inaasahang pag kakataon ay napunta ako sa pinakadelikadong pag kakataon at alam ko na sa isang maling sasabihin ko lang ay maaaring tumarak sa ulo ko ang talim ng espada ni suwi.


Hindi ako pwedeng magkamali at kailangan maging makatwiran ang dahilan ko kung bakit ko sya sinusundan.


" Wala naman nag utos saakin gusto ko lang na makilala ang asawa ng matalik na kaibigan ko." Sambit ko


Magulo narin ang isip ko at natatakot kaya wala akong ibang nagawa kundi magsinungaling dahil wala naman akong ibang paliwanag sa ginawa ko. 


" Matalik na kaibigan " tanong nito.


Dito ay tinuloy ko ang pagsisinungaling ko at sinabi na matalik na kaibigan ko si xxv.


Gayumpaman mukhang hindi sya ganun kadaling paniwalain, inakusahan nya agad ako na sinungaling.


Masyadong mahigpit ang pagkakasakal saakin ng buntot ng ahas kaya naman desperado na akong makawala dito.


" Oo at kung papatayin mo ako magagalit na sayo ng tuluyan si Xxv." Pagbabanta ko dito.


Hindi ganun kadaling nakumbinsi si zhui at kahit na sinabi ko iyon ay hindi nya niluwagan ang pagkalingkis ng butot sa leeg ko.


" Paki usap suwi. "


" Hindi ko na kaya ." 

 

Sa pagkakataon na yun ay halos mawalan na ako ng malay pero bago pa ako tuluyang malagutan ng hininga ay bigla nya akong pinakawalan.


Halos mag habol ako ng hininga at manilipit sa sakit habang nakahandusay sa lapag. Inalis nya na rin ang mga paa nya sa likuran ko.


Ilang saglit pa ay tinanong ako si suwi kung paano ko nalaman ang pangalan nya.


" Tanging ang asawa ko lang ang tumatawag saakin sa pangalan ko." 


Akala ko talaga mamamatay na ako, hindi talaga sya nagbibiro na patayin agad ako sa mga oras na iyon.


Nung medyo mahimasmasan ako ay sinubukan ko ng bumangon at dahil sa pag kapikon ko ay sinigawan ko ito.


Bunulyawan ko sya sanpagtatangka na patayin ako at binangit ang pag balewala nya sa pangako nya kay Xxv.


Isa yung pangako habang nagsasama sila sa isla at dahil nga may mabuting  puso si xxv lalo na para sa lahing tao ay humiling sya kay suwi na wag na wag papatay ng tao.


Dito lalong nagtaka di suwi sa nasabi ko sa kanya .

" Teka paano mo nalaman ang tungkol sa pangako na yan?" 


Alam ko sumobra sya sa ginawa nya saakin kaya nga pasigaw ko ito lng kinakausap at pinagpilitan na tunay akong kaibigan ni Xxv.


" Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo? " 


Agad naman nya akong binara sa sinabi ko at sinabi nya na wala sa itsura ko ang mapagkakatiwalaan.


" Ano ba para sayo ang itsura ng taong mapagkakatiwalaan? 


Kahit na ipilit ko sa kanya na nagsasabi ako ng totoo ay patuloy syang duda sa sinasabi ko.


Kagaya ng alam ko dahil sa palagi syang praning sa mga nilalang sa paligid nya ay hindi sya basta basta nagtitiwala.


" Kung sa bagay wala ka nga palang pinagkakatiwalaan maliban sa sarili mo." 


" Yan ang rason kaya wala kangvibang kaibigan maliban kay serphia." Dagdag ko na tila nang aasar.


Hindi nya ikinatuwa ang sinabi ko at dahil doon winasiwas nya ang espadang hawak nya saakin kasabay ang pagbabanta.


" Kung laslasin ko kaya ang leeg mo para hindi ka na makapagsalita." 


Sa kabutihang palad ay nakaiwas ako sa wasiwas nya ng kanyang espada at agad na pinakalma ito .


" Masyado naman mainitin ang ulo mo." 


Pagkatapos nya ibaba ang ang espada nya ay patuloy ang pagsusungit nya na tila ba may balak parin syang masama saakin at kitang kita yun sa nanlilisok nyang mga mata.


Dito ay muli nya akong tinanong kung paano ko nalalaman ang mga bagay na sinasabi ko.

 

Muli ko lang pinagpilitan ang pagiging magkaibigan namin ni Xxv at upang mas kapanipaniwala ay dinagdagan ko na rin ang gawa gawa kong kwento na matagal kaming nagkasama ni Xxv 


Binalaan ko sya na halos magkapatid na ang turingan namin kaya naman hindi nya ako pwedeng saktan. Mas magiging ligtas ako kung sasabihin ko yun.


Natuwa ako sa pananahimik ni Suwi dahil mukhang napapaisip na rin sya na maniwala kaya naman napakalaking oportunidad ito para saakin.


Maaari kong gamitin ang mga nalalaman ko tungkol sa kanilang dalawa upang mapalapit ako kay suwi.


 " Kung totoo man na maraming nakwento sayo ang asawa ko ay dapat alam mo na ayokong sinusundan ako."  Masungit na sambit nito.


Kung sa bagay may punto sya kaya anman nagdahilan na lang ako dito na hindi ko inaasahan na aatakehin nya ako dahil puro magagandang bagay lang ang nasabi ni Xxv tungkol sa kanya ang narinig ko.


Binangit ko rin na ang pag kakaalam ni Xxv ay hindi ka na nananakit ng tao pero iba yun sa ginagawa nya.


Dito ay muling sumagot ito na ang tanging pangako nya lang ay hindi mananakit ng normal na tao at hindi ang isang kahinahinalang nilalang.


" Hindi ko sinabi na hindi ako mananakit ng tao lalo na kung ang tao na yun ay palihim akong sinusundan."  Sambit nito.


Kung sabagay hindi naman talaga maganda ang ginagawa ko kanina at may rason sya para atakehin ako.


Hindi ko na sya pwedeng takutin tungkol sa pananakit saakin kaya naisip ko na kailangan ko magbigay ng mas magandang dahilan kung bakit ko ba talaga sya sinusundan.


" Pasensya ka na pero gusto ko lang naman na maging kaibigan din kita " 


Napangiwi na lang si suwi at tila minamata ako habang sinasabi saakin ang pagiging mataas na nilalang nya.


" Kaibigan? Nakikilala mo ba kung sino ang kaharap mo? " Tanong nito.


" Isa akong maharlikha ng lahi ng mga soul eater kaya sa tingin mo makikipag kaibigan ang tulad ko sa isang tao? " 



Napakayabang nya parin at pinagmamalaki ang pagiging maharlika nya kahit ang totoo ay halos isang daang taon na natapos ang kadakilaan ng kanilang lahi at kahit ang angkan ng khan ay naglaho na.


Sya na lang ang natitira sa angkan ng khan at kahit na ganun dala nya parin ang pagiging hambog nya bilang maharlika.


" Pero anong problema doon? Hindi ba isa rin lang naman tao ang pinakasalan mo noon? " 


" Hindi na dapat bigdeal sayo ang magkaroon ng koneksyon sa tao."  Dagdag ko.


Hindi ko naman intensyon asarin sya dahil nagsasabi lang ako ng totoo pero mukhang hindi nya ito nagustuhan.


Muli nyang iwinasiwas ang espada nya at sa pag kakataon ma yun ay talagang umatake sya saakin.


Maswerte na lang ako at nakaliyad ako para hindi tamaan ng kanyang espada.

Halos mapali ang likod ko sa pag iwas lang sa ginawa nya.


" Anong problema mong babae ka, muntik na ako doon ah! " Sigaw ko.


" Pwede ba wag kang umilag para matapos na ako sayo." Sambit nito.



Muli syang naging bayolente kaya naman hindi ko na iwasan muli syang sabihan kung talaga bang wala syang balak na tumupad sa usapan nila ni Xxv.


" Hindi lang ikaw ang mapapahamak sa pagiging marahas mo." Dagdag ko.


Pero bigla syang napailing at ipinatong ang espada nya sa balikat nya habang sinasabi saakin na hindi sya ang sumisira at hindi tuputupad sa pangako na kanilang sinumpaan.


Nilinaw nya na sa kanilang dalawa ay si Xxv ang hindi kayang tumupad sa pinangako nila sa isat isa lalo na ang sumpaan na sasamahan ang bawat isa hangang dulo.


Malaki ang pagtitiis ni suwi para unawain si Xxv lalo na nung malaman nito na sumali sya sa eskapa na mortal na kaaway nya. Pakiramdam nya ginagamit ng eskapa ang asawa nya para sa mga pansariling kapakinabangan.


Binangit nya saakin na hangat nag papauto sya sa mga sinasabi ng eskapa ay hindi sya makakawala sa pag gamit sa kanya sa mga binabalak nitong pag kontrol sa endoryo gamit ang relihiyon.


Alam ko ang sinasabi nya at ganyan din ang paniniwala ng marami sa endoryo pero gayumpaman hindi naman mapag kakaila na nakatulong ng malaki ang eskapa lalo na sa kanilang dalawa ni Xxv.


" Teka alam mo naman na ginagawa ni Xxv yun para sa kapakanan mo." 


 Dahil sa narinig nya saakin ay hindi nya napigilan mapasigaw at bakas ang galit habang sinasabi saakin na hindi mya kailangan ang eskapa.


" Hindi ko kailangan ng proteksyon mula sa eskapa dahil una sa lahat ay sila na ang banta sa kaligtasan ko kahit noon pa man." 


Napayuko na lang bigla ito dulot ng pagkadismaya habang sinasabi na matagal na panahon na syang nagtitiwala sa isang pangakong hindi nya tiyak kong tutuparin ba ni Xxv.


Napakatagal na panahon na nya gustong iwasan ang gulo at digmaan pero tila hindi aya siniseryoso ng mundong ito.


" Kaya naman naisip ko walang paraan para sa ganap na kapayapaan kundi tapusin ang mga kalaban ko." 


" Kaya kung mahal mo pa ang buhay mo ay wag kang susunod saakin." Pagbabanta nito.


Kinilabutan ako sa pagbabanta nya lalo na yung ipinaramdam nya ang dark energy na taglay nya na halos magpataas sa mga balahibo ko.


Wala na akong nagawa kundi panuorin na lang syang maglakad palayo dahil may rason naman talaga sya para magalit.


Sa tingin ko mukhang unti unti na rin nagdududa si suwi aa pagmamahal ni Xxv dahil sa nabibigo nitong mga pangako sa asawa nya.


Pero sino ba ang matutuwa kung mas pinipili ng asawa mo na iligtas ang iba kesa samahan ka sa hirap at ginhawa.


Napakakomplikado dahil hindi naman pwedeng basta iwan ni Xxv ang eskapa dahil para sa kanya maihahandog nya ang payapang mundo kay suwi kung matatapos ng eskapa ang misyon nito.


Magsisimula ang pagkasira ng pagtitiwala nila sa isat isa kapag tuluyan ng kumain ng ispirito ng nilalang si suwi at pumatay ng mga sundalo ng eskapa.

undefined


Pero sa tingin ko hindi pa iyon nangyayari dahil nasa normal pa syang anyo.


May pag asa parin akong makaisip ng paraan para maiwasan ang hindi magandang pangyayari na magaganap sa hinaharap.


Dahil doon ay nagpasya akong sundan sya. Tumakbo ako at umaasa na maabutan pa ito para muling kausapin .


Sa ngayon ay wala akong pwedeng gawin kundi sundan sya at bantayan habang naglalakbay.


Sa totoo lang natatakot ako sa plano ko pero wala naman akong maisip na pwedeng gawin.


" Sandali suwi! " Sigaw ko


End of POV.


Para masiguro na malalaman ni nathaniel ang mga gagawin ni zhui ay nagdesisyon itong sundan ito at sumama .


Gayumpaman hindi ito pinapansin ni zhui at naiirita sa ginagawang pangungulit ng binata.


" Makinig ka muna kahit saglit " pag pupumilit ni Nathaniel



" Hindi ba titigil ang isang ito kakasunod saakin? " bulong ni zhui sa isip


Ilang sandali lng habang naglalakad ang dalawa ay biglang may malakas na presensyang naramdaman si zhui sa malapit.


Dahil masyadong nakatuon ang pansin nya kay nathaniel ay hindi nya namalayan ang parating na atake sa kanya.


" Mula sa itaas" 


Bumulaga ang pag atake ng taong toro na si toto mula sa itaas nya.


Tumama ang suntok sa lupa na halos gumawa ng pagsabog. Sa lakas ng impact nito ay tinangay si nathaniel at gumulong gulong sa kalsada.


Sa gitna ng makapal na usok dulot ng pagsabog ay biglang bumulusok palabas dito si Zhui.


Hawak ang espada ay inihanda nya ang sarili nya sa pakikipaglaban.


" Muntik na ako doon, bakit hindi ko sya naramdaman?" Bulong nito sa isip.


Nagpakawala agad ito ng enerhiya at kasabay ng pagsiklab ng kulay lila na apoy ay naglilitawan sa pisngi nya ang balat ng ahas.


Ilang sandali pa ay nakita nya palabas sa usok ang kanyang kalaban at naghahanda na ito para muling umatake.


Sumigaw ito ng malakas sabay tumakbo papunta kay zhui.


" bwisit, ang mga sundalo ng eskapa nanaman pala." Bulong nito.


Unti unting binabalot ang katawan nya ng balat ng ahas, ito ang nagsisilbing kalasag nya para salagin ang ano mang atake ng kalaban.


o ako at umaasa na maabutan pa ito .

Sa muling pag atake ni toto ay nagawang makatalon ni zhui pataas upang makailag.


Gayumpaman inakala ni zhui na ligtas na sya sa ere dahil hindi na ito maaabot ng taong toro na umaatake sa kanya.


Ang hindi nya alam ay hindi lang si toto ang naroon sa lugar upang hulihin sya. Mula sa itaas ng isang gusali ay naroon ang babaeng pusa na si Nyabu.


Umilaw ang singsing nasuot nito at hinigop ang makapal na kapa na suot nya.


" Battle mode." 


Nabalot ng enerhiya ang kasuotan nya at sinuot ang mask sa mukha.

Hindi na ito nag aksaya ng oras at dali daling tumalon palusob mula sa itaas.


 "First katsuki teknik, iron claw! " 


Napakabilis nito na tila jet na palusob kay Zhui pero nagawang makita agad ito ng dalaga at makasalag pa.


Nagsalpukan ang atake nila at ang pagsalag ni zhui gamit ang espada.


Gayumpaman sa sobrang lakas nito ay napatalsik pababa si zhui at nangamba sa kalagayan nya.


" Malakas ang isang ito." 


Hindi ako pwedeng basta sumalag, kailangan kong umatake." Bulong nito sa sarili.


Naisip ni Zhui na malakas ang pag atake ng kalaban nya at hindi nya pwedeng ubusin ang natitira nyang enerhiya para lang sumalag.


Nagsimulang lumagablab ang kulay lila na apoy at pumalibot sa kanya.

Kasabay ng pag angat nya ng espada upang umamba ay bumilog ang apoy sa espada.


Gayumpaman bigla syang nagulat dahil hindi pa man nya napapakawalan ang atake ay bigla ng lumitaw sa harap nya si Nyabu ng sobrang bilis.


" Ano? Napakabilis nya , kailangan kong sumalag ulit." Bulong nya.


Hindi nya inaasahan ang mabilis na pagkilos ni nyabu kaya naman kahit sinubukan nyang umilag ay hindi nya na nagawang makatakas sa atake nito.


" Fifth katsuki teknik, katsuki kick ! " 


Sapol sya sa tyan pero dahil sa baluti ay nabawaaan ang pinsala nya na tinggap kaya nagawa nya pang makabalanse upang hindi tuluyan bumagsak sa lupa.


Itinarak nya ang kanyang espada sa sahig upang mapatigil ang pagtuloy nyang pag talsik.


Alam nya na kapag bumagsak sya sa sahig ay mas mahihirapan na syang protektahan ang sarili sa atake ng kalaban.


Gayumpaman hindi pa man nakakarekober sa atake ni Nyabu si Zhui ay bigla naman sumalubog ulit si Toto sa harao nito.


" Battle mode " 


Sa sobrang bilis ng pangyayari ay wala ng nagawa si Zhui at tinamaan ng dagok ni toto.


Sa sobrang lakas nito ay tumalsik si zhui ng higit isang daang metro at tumama sa pader ng isang gusali.


Nagawang mawasak nito ang pader at lumusot sa loob nito si zhui.


Gumawa ng ingay ng pagsabog at nagkaroon ng mahinang pagyanig ang atakeng ito ni toto at ngayon napupuno ng usok ang paligid nila.


undefined

undefined



Alabngapoy Creator

Chapter 9