Chapter 1 part 2
" Angel of God "
Nathaniel's Pov.
Hindi naman ako nagsisisi sa pagpili sa naging libangan ko lalo na dito lang ako naging masaya at komportable ngunit siguro ang kalungkutan dulot ng pag iisa ay isang bagay na hindi pwedeng makakasanayan ng sino man.
Dahil sa pagkasawa ko sa pag gamit ng computer ko ay itigil ko na lang ito upang magpahinga na lang ng maaga.
Tumayo ako sa sofa na inuupuan at naglakad papasok sa mallit na kusina ng apartment. Maliit lang ito na may kakaunting kagamitan na naipon ko.
Agad akong gumamit ng computer pag ka uwi ko galing sa labas kaya naman uhaw na uhaw ako kaya agad kong hinanap ang inuminan na nasa lamesa ko. Kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng tubig upang makainom at habang lumalagok ng tubig ay may napansin akong Maliit na papel sa lamesa.
Nakatiklop ito ng maayos at mukha naman itong normal na papel lang ngunit ang mas pinagtataka ko ay wala akong natatandaan na may inilagay akong papel sa ibabaw ng mesa kagaya ng nakikita ko.
Napapaisip tuloy ako kung may taong nakapasok sa apartment ko upang ilagay iyon pero isa yung kalokohan.
Dinampot ko ito at binuklat upang mabasa at nasusulat sa puting papel na ito ang mga katagang.
" Gusto mo ba ng bago at exciting na buhay? Sumama ka saakin at tutuparin ko ang nais mo. "
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nabasa ko dahil isa lang iyong kalokohan,
Gusto kong matawa pero nakakaramdam din ako ng pagka inis dahil siguro sa naiinsulto ako gayung minamalas ako sa buhay.
Sa pag kairita ko tungkol sa bagay na iyon ay nilukot ko ang papel na hawak ko at umangil.
" Siguro ang apo ng landlady nanaman ang may gawa nito para lokohin ako." pag angil ko.binilog ko ang papel gamit ang dalawang kamay at ibinato sa basurahan pero kahit ang pagpasok nito sa basurahan ay sumablay dahilan para lalo akong mainis .
" Seryoso? Ganun na ba ako ka bano at kamalas? "
Naiinis ako na tila ba pakiramdam ko na kontra saakin lahat ng bagay at pinapamukha saakin na wala akong kwenta.
Naglakad ako papunta sa lababo kung saan bunuksan ko ang gripo para maghilamis ng mukha upang kahit papaano ay malamigan ako.
Kailangan kong magpahinga at siguro ay napapagod lang ako kaya ako nag iisip ng negatibo dulot ng pagbyahe ko maghapon upang maghanap ng trabaho.
Malamig ang tubig kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam ko pero gayumpaman ay hindi ito nakatulong para makalimutan ko ang mga iniisip ko.
" Tuparin ang mga kahilingan ko? " Bulong ko sa sarili.Napangiwi na lamang ako sa inis ko at naisip ang kamalasan ng buhay ko.
Marami akong gusto gawin at makamtam sa buhay at malayong malayo ito sa kinahinatnan ng buhay ko. Nagsusumikap ako ngunit tila wala na akong takas sa kalagayan ko ngayon. Talagang napupuno ako ng galit sa mundo at sa mga tao dahil tila isinumpa ako.
Naging mabuti akong tao pero hindi yun sapat para pagpalain ako.
Tinahak ko ang daan at larangan na sa tingin ko ay nababagay saakin,
Nagsumikap at patuloy na umasa pero gayumpaman, tunay na hindi lahat ng pagsisikap ay nasusuklian ng maganda.
Mananatili lang itong bale wala at pag aaksaya ng panahon.
Nakakainis, tunay na nakakairita ang lahat ng bagay sa oras na isa isa kong inaalala ang lahat.
Ibinigay ng Diyos ang ganitong kapalaran saakin kaya sa paanong paraan ako pwedeng kumawala?
Naiimagin ko sa isipan ko kung gaano ako kawalang kwenta at bale wala. pakiramdam ko lahat sila ay nakatingin saakin habang hinahamak ako.
Ayoko ng ganitong uri ng tadhana.Ayoko, Hindi dapat ganito ang naging takbo ng buhay ko.
Dahil sa pagkabalisa ko at pagkablangko ay sumagi sa isip ko na wakasan lahat ng problema ko.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang paminggalan kung nasaan ang mga kasangkapan.
Sa pagkakataon na yun ay hunakbang ng kusa ang mga paa ko at bunuksan ang lagayan ng plato kung saan naroon din ang bagay na iniisip kong susi para makatakas sa kalagayan ko.Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kutsilyo sa loob nito at itinutok sa braso ko.
Naiisip kong laslasin na lang ang pulso ko upang maubusan ng dugo at mamatay.
Masyadong nakakatakot at alam ko na masakit pero ang mga paraan na lang ito ang tangging pwede kong gawin.
Halos hindi ko mahawakan ang mga kutsilyo ng paayos dahil sa panginginig ko habang umaagos naman ang pawis at luha ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko.
Wala ng atrasan ito, Isang hiwa lang at matatapos na ang lahat saakin. Lahat lahat.
Buo na ang desisyon ko pero tila may kung anong bumabagabag saakin na gawin ito.
Natatakot ako sa tingin ko pero ano ba ang paki elam ko ?
Ano pa ba ang kinatatakot ko, iiwan ko na ang walang kwentang mundong ito sa oras na ituloy ko ito.
Patuloy na nanginginig ang kamay ko habang nakadikit sa balat ng mga pulso ko ang talim ng kutsilyo na hawak ko.
Bakit ako nag aalinlangan? Tulungan mo ang sarili mo makatakas sa realidad mo.
Pero ang hindi ko alam sa mga sandaling iyon may isang nilalang na nanunuod sa mga ginagawa ko.
Napakatahimik ng lugar na iyon kaya sa gitna ng nakakabinging inggay sa kwarto na iyon ay may kung anong tunog ang nagpatigil sa aligaga kong kaisipan.Mga mahihinang tunog na ani mo'y mga nadudurog na maliliit na bagay. Tama, base sa aking palagay ay tunog yun ng pagkain na ningunguya ng kung sino.
Lalo pa akong kinilabutan ng marinig ko ang pagkaluskos ng isang plastic na nang gagaling sa likoran ko. Nagsimula akong matakot ng maisip kong ako lang ang nag iisang tao sa apartment ko at pero nakakasiguro akong may kung sinong tao ang nasa likuran ko sa mga oras na iyon.
Namamawis ako at kinilabutan dahil hindi ako matapang na tao na handang humarap sa mga ganung senaryo.
Gayumpaman ay kailangan kong harapin ito at alamin kung sino ang misteryosong tao na nasa likuran ko.
Nag ipon ako ng lakas ng loob at dahan dahang humarap sa likod hanggang sa mapatameme ako sa nakita ko.Halos mabangga ako sa lagayan ng plato dahil sa paghakbang ko paatras dulot ng pagkagulat dito.
Hindi ko mailarawan kung ano ang pwede kong maging reaksyon dahil sa nakakatakot na sitwasyon na iyon ay biglang bumulaga sa harap ko ang isang cute na batang babae.Nakaupo sya malapit sa lababo habang kumakain ng junkfood kasabay ng panunuod sa ginagawa ko.
Nakasuot ito ng itim na bistida na may maliit na sumblero sa ulo na tila manika. pink ang buhok nito at may magagandang mga mata na ngayon ay nakatingin saakin ng deretso, isang totoong gothic loli.
Dapat ba ako matakot sa napakacute na batang ito pero sandaling nawala ang pagkamangha ko nung naisip ko ang sitwasyon ko.
"Sino ka?" Tanong ko rito.
Agad naman nitong tinugunan ang tanong ko at ipinakilala ang sarili
" Hi, Ako nga pala si Koko."
Napaka plain ng reaksyon nya habang pinakilala ang sarili saakin at parang ang weird dahil kung iisipin ko ay napakakampante nya habang pinapanuod akong maglaslas at nakuha nya pang kumain ng junkfood na tila ba nanunuod lang ng palabas.
" Nakapagdesisyon ka na ba? dahil nandito ako para tuparin ang nais mo." Sambit nito.Nagtaka bigla ako sa nasabi ng batang nasa harap ko.
Ano ba ang ibig nyang sabihin sa tuparin ang nais ko ?
Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi ko magtugon hindi dahil sa hindi ko kayang magsalita kundi dahil nalilito ako sa nangyayari." Huh ? "
Sa mga oras na iyon muli syang nagsalita at prangkang pinagsalitaan ako.
" Bingi ka ba ? hindi mo ba ako narinig " Sambit nito.
Dahil sa masyadong mabalbal ang tuno ng pananalita nya ay nainsulto ako bahagya dahilan para mawala ang pagkalito ko at makasagot.
" Wala akong oras na makinig sa kalokohan mo bata, paano ka nakapasok sa apartment ko? "Napakacasual ng reaksyon nya na tila ba hindi sya nangangamba sa sitwasyon nya na pumasok sa ibang bahay ng walang permisyo.
"Paano? Alam mo kasi may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ."
"hindi ko alam kung maniniwala ka saakin pero ang totoo ay may kapangyarihan akong lumitaw at mawala kahit saan ko gustuhin."
Nabigla ako sa nasabi nito pero sa reaksyon nya ay parang hindi man lang sya nag aalangan na sabihin iyon kahit alam naman natin na kalokohan ang bagay na iyon.
Iniisip ba ng batang ito na mauuto nya ako at papatol sa mga walang kwentang bagay? ganun ba kawalang utak ang tingin saakin miski ang isang bata?
"Power? Nasisiraan ka ba? "Sagot ko rito.
Dahil sa sinabi ko ay biglang kumunot ang noo nya at nagalit habang sinasabi na.
" Nakita mo na? Hindi mo ako pinaniwalaan."
Dahil sa sinabi ko ay pinili nyang ipakita ang sinabi nyang kapangyarihan at isang pitik lang ng kanyang kamay ay naglaho sya sa harap ko.
Hindi ako naniniwala sa mahika dahil may mga pandaraya sa likid na iyon pero nasaksihan ko mismo sa harap ko kung paano nawala ang bata sa harap ko.
Agad kong hinanap sya sa paligid at paglingon ko ay natagpuan ko sya malapit sa pinto ng kusina.
Hindi ko magawang kumurap sa gulat dahil napakaimposible na mapunta sya roon at wala akong makuhang paliwanag sa isip ko kung paano nya ito pwedeng dayain gamit ang mga tricks ng magikero sa peryahan.
" Paano mo nagawang mapunta dyan? Anong klase kang nilalang? " Sambit ko.Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at talagang natameme na lang kaya naglalaro sa isip ko kong ano ang tunay na katauhan ng batang nasa harapan ko.
Sa pagkakataon na iyon ay humakbang sya pasulong at habang ginagawa nya yun ay may kung anong bagay na kumikislap sa paligid nya na sumasabay sa pag wagwag ng palda nya habang naglalakad.
" Isa ako sa mga anghel na pinadala ng Diyos na lumikha at nandito ako upang gabayan ka kung sakaling magdesisyon ka na gamitin ang banal na libro. "
" Mr. Muntingbato." Nakangiting sambit nito.
.End of Chapter 1 part 2..
( Author's note : upang suportahan ang kwento at ang author , please do share this chapter and the series on my Artpage " ALAB NG APOY~ Art creation" on Fb.) Thank you.
( Para masundan ang kwento maaaring pumunta sa list of chapter ng Series)
chapter 1 part 2