Chapter 41 part 1 


Nagulat ang lahat sa pagdating ni Nathaniel sa battle field ng biglaan at wala sila ideya sa ikinikilos nito at nagtataka kung bakit tila kampante itong humaharap kay juggernaut ng walang katakot takot.


" Ano? Anong sinasasabi mo?" Tanong ni Juggernaut


" Ang laki laki mo pero bingi ka, hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko dahil sa ginawa mo sa kanila ay matitikman mo ang mga kamao kong ito." Pag uulit ng binata habang pinapakita ang kanyang kamao.


Sa pagkakataon na iyon ay biglang tumawa ng malakas si Juggernaut at tinawag na kutong lupa ang binata habang pinagtatakahan ang pagsasalita nito na tila ba hindi nito alam kung sino ang kaharap nya.


Inamin naman  ng binata na hindi nito kilala si juggernaut at ayon sa kanya ay dahil din ito sa isa lang si juggernaut sa mga side character na pandagdag lang sa kwento.


" Marahil hindi mo mapapaniwalaan pero hindi ka kasama sa nilalang na mananatili sa hinaharap dahil dito sa mismong lugar na ito magwawakas ang buhay mo." Sambit ng binata.


Hindi maunawaan ni juggernaut ang sinasabi ni Nathaniel at humahanga ito dahil nagagawa nyang makipag usap ng pabalang sa mas nakakataas na nilalang sa kanya. 


Gayumpaman hindi ito natutuwa at wala syang oras makipag biruan dito kaya naman direkta nyang tinanong sa binata na sino ang kayang pumatay sa kinikilalang juggernaut ng dark continent.


" Hm.. hindi ako kinaya ng mga insekto na ito at nakakasiguro akong hindi rin ako kayang patayin ng time keeper sa kalagayan nya ngayon." 


" Teka wag mong sabihin na iniisip mo na ikaw na isang insekto ang pwede pumatay sa isang juggernaut? Hahaha" Tanong nito habang tumatawa.


Sa gitna ng pag uusap nila ay biglang sumigaw si Suwi at tinawag na hangal si nathaniel.


" Ano bang ginagawa mo dito baliw ka! Wala ka ba talagang utak? Talaga bang gusto mo ng mamatay hangal!" Sigaw nito.


Napangiwi na lang si Nathaniel sa nasabi ni Suwi sa kanya at nagreklamo dahil sa pakikitungo ng dalaga sa kanya at tawagin syang hangal.


" Alam mo pinipilit kong maging astig sa pagkakataon na ito at sa tingin mo ba ganun ako katapang para makipag usap sa bakulaw na ito?" 


" Sinusubukan kitang tulungan pero kung pagsalitaan at laiitin mo ako ay mas parang ikaw ang kalaban ko." Pag angal nito.


Napadabog si Suwi ng kanyang kamay at pinilit na magsalita kahit na nasasaktan na ito sa pagkatapak sa kanya.


Sinigawan nya muli si Nathaniel na umalis na lang dahil wala itong magagawa para iligtas sya at pinag diinan na kahit kelan hindi nya kinakailangan ng tulong ng isang taong mas mahina pa sa kanya.


" Umalis ka na habang may pag kakataon pa hangal kundi pare pareho tayong mamamatay." Sambit ni Suwi.


Lalong diniinan ni Juggernaut ang pagkakatapak ni Suwi habang tumatawa at kinukutya ang pagiging mapagmalasakit ng isang soul eater sa isang tao.


Alam nya na para sa isang soul eater ay isang pag kain lang ang mga tao at ngayon lang sya nakatagpo ng katulad ni Suwi na gustong iligtas ang kagaya ni Nathaniel.


" Teka teka masyado ng nasasaktan ang kaibigan ko, kung ako sayo bibitawan ko na sya bago pa ako tuluyang maasar." 


Sa pagkakataon na iyon ay hindi na nagpawalang bahala si Nathaniel sa pag titiis ni Suwi sa pananakit ni Juggernaut.


Sinabi nya dito na kahit matalas ang dila ni suwi at palaging galit sa kanya ay napaka importante nito para sa binata at ayaw na ayaw nitong nakikitang nasasaktan ito.


" Oh... Talaga? Ganun ba talaga kahalaga sayo ang salot na ito? Nakakatawa naman ang nakikita ko." 


" Hahhahha isang tao na nagmamahal sa isang salot, bihirang kwento at talagang nakakasuka ." Dagdag ni Juggernaut


Dito napabuntong hininga si Nathaniel at hindi maintindihan kung bakit tila kakaiba sa lahat kung magmalasakit man sya sa isang genion. Ipinaliwanag nya na kahit magkakaibang lahi man ang kinabibilangan ng mga nilalang ay malaya silang makakapili ng mga bagay na mararadaman nila.


" Oh.. hindi ko naman inaasahan na mauunawaan mo siguro dahil walang nagmamahal sa damulag at marahas na kagaya mo dito sa mundong ito."  


Unti unting naglakad si Nathaniel palapit kay juggernaut at dahil nga sa minamaliit ni juggernaut ang binata ay hinayaan nya lang na makalapit ito sa kanya.


" Pinangako ko sa babaeng ito na pangangalagaan sya kaya mabuti pa bitawan mo na sya bago ko pa gamitin ang kamao ko sayo." Sambit ni Nathaniel


" Hahaha aba at ano naman kaya ang magagawa ng malilit na kamao na yan, sige nga? " 


" Isa ka lang namang kutong lupa sa..." 


Umamba ng suntok si Nathaniel at habang nag sasalita ito ay bigla nya itong sinuntok sa sikmura si Juggernaut.


Sa sobrang lakas nito ay halos mapaangat ang paa ni Juggernaut sa lupang kinatatayuan nito . Pagkatapos sapakin ay tumalon si Nathaniel upang sipain ang baba ni Juggernaut at tumilapon sa itaas.


Gulat na gulat sila sa nakita at hindi makapaniwala. Habang nasa ere parin si Juggernaut at pabagsak sa lupa ay naka handa na sa muling pag suntok ang binata.


" Oh.. ok subukan natin kung gaano kalakas ang 80% nito."  Sambit ng binata habang naka amba ng suntok


Umilaw ang cristal sa braso nya at lumabas ang napakatinding pwersa ng enerhiya na hinihigop ng kamao nya.


" Fatal blow !" 


Sumuntok sya sa hangin at nagpakawala ng napakalakas na pwersang halos sumira sa lahat ng tatamaan nito.


Tinamaan nito si Juggernaut at dinudurog ng pwersa. Gayumpaman dahil sa sobrang lakas ng impact ay napatalsik din sila Suwi at ilang saglit pa ay maging si nathaniel ay nadamay sa paghagip ng malakas na pwersa ng pagsuntok.


Nagpagulong gulong sila  at humapas sa mga bato bago mapatigil sa pagtalsik.

Halos maging hukay ang kalahati ng kalupaan sa teritoryo ni Sei at nabalot ito ng makapal na usok.


Ilang sandali pa ay mabilis na tumayo si Nathaniel at umuubo habang pinag sisisihan ang ginawa. Hindi nya inaasahan na pati sya ay masasaktan sa ginawa nyang atake.


" Ano bang klaseng atake yun. Bakit pati ako tumalsik eh ako ang tumira nun? Hindi cool ang nakuha kong kakayahan mula sa ibang sundalo. "  Sambit nito


Sa pagkakataon na iyon ay lumabas sa loob ng hood si melon at nilait ang pagiging mahina ni Nathaniel dahil hindi nababagay ang mga malalakas na teknik sa isang lampa at malambot na taong kagaya nya.


Agad naman naasar ang binata sa sinabi ni Melon at sinabi na kung wala itong magandang sasabihin ay magtago na lang sa loob ng hood.


" Hindi mo dapat ginagamit ang lahat ng enerhiya mo sa isang atake lang, hindi biro ang 80% na enerhiya kung hindi ka lang protektado ng banal na enerhiya ay malamang nalusaw ka na." 


Pinaalala rin ni Melon sa kanya na tatlong cristal lang ang nagawa nyang mapuno sa pag kuha sa enerhiya ng mga sundalo at kinakailangan nyang gamitin ito sa matalinong paraan.


" Blah blah blah, may dalawa pa akong cristal na natitira kaya ano naman? At isa pa nagawa ko naman syang matalo." 


Hindi makapaniwala si Suwi sa nasaksihan at nahihiwagaan sa katauhan ni Nathaniel.


Dahil sa kapangyarihan ni Kula na itago ang mga enerhiya sa criatal ay walang maramdamang malakas na enerhiya sa katawan ni Nathaniel ngunit sigurado si Suwi na ang binata ang gumawa ng pag atake kanina.


" Teka anong klase ka bang nilalang talaga?" 


Nakita ni Nathaniel si Suwi at agad na pinuntahan para tulungan. Sa pag alalay nito sa dalaga ay dali dali nyang pinapagaling ang pinsala nito.


" Ayos ka lang ba? Mabuti pa tumayo ka na. " Sambit nya.


Dahil sa pagpapagaling ni Nathaniel sa pinsala ni Suwi ay lalo itong nagtaka at namangha kaya naman tinanong nya kung paano nagagawa ng binata ang mga bagay na ito.


" Hm.. sabihin na lang natin na Isa akong espesyal na tao at napaka swerte mo dahil nandito ako para iligtas ka." 


" Wag kang masyadong mamangha sa kanya isa lang syang mayabang at swerteng taong nabigyan ng kapangyarihan." Pag singit ni Melon.


Dahil sa pag singit ni Melon ay nag away ang dalawa dahil para kay Melon ay hindi matalinong desisyon ang paglalagay ng maraming enerhiya sa iisang atake lang.


" Isa sa magandang katangian ng kakayahan ni kula ang palakasin ang mga natural na abilidad na nakadepende sa gaano karaming enerhiya ang ilalaan mo sa teknik na iyon pero kung hindi mo kayang kontrolin ito o gamitin iyon ay magsasayang ka lang ng enerhiya." 


" Anong hindi kayang gamitin? Tinamaan ko sya at nakita mo naman na natalo ko sya." 


Biglang sumingit si Suwi sa pag uusap ng dalawa at hinila si Nathaniel para umalis sa lugar.

" Kailangan natin madala sila sa ligtas na lugar, hindi tayo pwedeng manatili dito." 


Nagmadaling kargahin ni Suwi si Agane at inaya si Nathaniel na hanapin si Sei.

Binangit nya na napakaraming tanong ang gusto nyang malaman tungkol kay nathaniel pero kinakailangan nilang tumakas agad sa lugar dahil alam nya na hindi pa natatapos ang laban.



" Oh.. alam mo marami din akong tanong din sayo una na dyan kung bakit kasama mo si Sei at hindi ba nakakulong ka sa galica?" Sambit ng binata.


Habang naglalakad palayo ay may naramdaman silang nakakatakot na presensyang nagmumula sa malayo.


Hindi nila naiwasang hindi mapahinto at tignan ito at doon nakita nila ang siren na muling bumebwelo para sumigaw. Nabalot ito ng nakakatakot na itim na awra at nasa harap nito ang napakalaking itim na magic circle.


Naramdaman nila ang hindi pangkaraniwang pwersa mula dito kaya naman binalaan sya ni Melon na mag iingat at gumawa ng paraan.


Hindi naman nag alinlangan na tumakbo si Nathaniel pasulong at muling umamba ng suntok.

" Fatal blow !" 


Sa muling pag kakataon ay gumawa sya ng napakalaking pwersa gamit ang pag suntok sa hangin. Sinabayan naman ito ng pagbitaw ng Siren ng Echo of death kung saan naglabas ito ng mapaminsalang soundwave na pumupulbos sa lahat ng madaanan.


Sa pag bangaan ng kanilang mga atake ay halos burahin nito ang boung kalupaan at nag iwan ng napakalaking pinsala sa lugar.


Sa gitna ng makapal na usok ay agad na tumayo si nathaniel at hinanap ang mga kasama nya. Nag paikot ikot sya pero walang bakas nila suwi sa lugar.


Habang nag hahanap ay bigla syang may naramdamang bagay na papalapit. Dito napansin nya agad ang pag atake ni Juggernaut sa kanya.


Sumalubong ang dagok nito ngunit dahil sa bumabalot na enerhiya sa katawan ni nathaniel ay nagawa nyang manatiling nakatayo nung salagin nya ito.


" Napaka lakas." 


Halos yanigin ang buong katawan nya at makaramdam ng labis na panginginig ng katawan dahil sa impact. 


Sinubukan nyang tumalon palayo para dumistansya pero mabilis na lumusob agad si Juggernaut kaya naman wala syang magawa kundi gumamit muli ng enerhiya para palakasin ang katawan upang sabayan ito.


Gumawa ng malakas na impact ang kanilang mga atake at habang patuloy silang nag sasabayan ay nadudurog ang lupa sa kinatatayuan nila.


" Nathaniel masyado kang maraming enerhiya na nagagamit, hindi ka pwedeng makipagsabayan sa kagaya nya." Sambit ni Melon.


" Alam ko pero ayaw nya akong tigilan." 


Patuloy syang nilulusob at sinusundan ni Juggernaut kahit na tumatakbo na ang binata patakas at hindi sya nito tinantanan hangang sa tuluyan na syang tamaan.


Sa pagsalpok ng kamao ni Juggernaut sa katawan ni Nathaniel ay halos magkadurog durog ang mga buto nito sa katawan kasunod pa nito ang pag hampas ng binata sa batuhan.


Sumigaw ang juggernaut habang nag lalabas ng matinding enerhiya bilang pag papakita ng kanyang kapangyarihan.


" Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka pero hindi mo ako matatalo ng ganun kadali. Ako ang pinakamalakas na juggernaut!" Sigaw nito.


Ilang saglit pa habang nakahiga si Nathaniel at iniinda ang sakit ng katawan ay biglang lumapag sa gitna nila ang Siren.


" Tumigil ka muna juggernaut." 


Nakita ng Siren na nagagawang pagalingin ni Nathaniel ang sarili nya at alam nya na hindi ito pangkaraniwan sa isang tao.


" Ikaw tao, ano bang klaseng nilalang ka?alam ko na hindi ka ordinaryong tao lang " Sambit nito.


Dahan dahang tumayo si Nathaniel at pinapagpag ang katawan, dahil sa abilidad nyang nakuha ay nagawa nyang mapagaling agad ang sarili at maging ang mga peklat nito ay nawawala.


" Para saakin ordinaryong tao lang ako na pinagpala ng espesyal na kapangyarihan " Sagot ng binata.


" Nandito ako para talunin kayo at sunduin ang mga kaibigan ko." 


" Kinikilalla ko ang pagiging espesyal mo pero hinding hindi mo magagawang matalo ang katulad ko." 


" Sayang ang potensyal mo kaya may iaalok ako sayo. Bakit hindi ka na lang sumama saakin at maging tauhan ko, maging alagad ng aking ina. Ang warlord na si Halloween."  Dagdag ng Siren.


Napa isip si Nathaniel at kalmadong nakapikit habang inaalala ang mga nalalaman tungkol sa kwento.

" Kung ganun tama nga ako na ikaw ang anak ng halloween at nangungulekta ng isipirito para sa kanyang ina." 


" Masaya akong malaman na nakikita mo kung gaano ako ka espesyal pero hindi ko pwedeng tangapin ang alok mo." 


Dito sinabi ni Nathaniel na marahil hindi sya nito paniwalaan ngunit pinaalam nya na hindi sila mananalo sa laban na ito. Walang magagawa ang halloween na mabawi pa ang nawala sa kanila.


" Ang totoo nakita ko na ang hinaharap ng mundong ito at base sa naaalala ko Mamamatay ang halloween ilang buwan mula ngayon sa laban nya sa ika sampung warlord." 


Binangit nya na mawawalan ng saysay ang lahat ng plano at inaasam ng halloween sa mundong ito at ito ang unang warlord na mamamatay sa pagsisimula ng great war.


Hindi maunawaan ng Siren ang sinasabi nito at iniisip na nagsasalita ng walang kwentang bagay.


" Alam ko naman na hindi mo ako paniniwalaan kung sasabihin ko na nakatakda na ang lahat ng bagay kagaya na lamang ng katotohanan na matatalo kayo sa laban na ito." Sambit ni Nathaniel.


" Humahanga ako sa lakas ng loob mo pero kahit gaano ka pa kaespesyal ay hindi mo matatalo ang katulad kong prime Siren." 


Pinamukha nito na malaki ang deperensya nilang dalawa pag dating sa lakas, talino at husay sa pakikipag digma. Ipinagmalaki nya na hindi lang tungkol sa malalakas na atake ang pakikipaglaban.


Biglang napangiti si Nathaniel at hindi tinangap ang sinasabi nito. Inamin ng binata na wala syang alam sa pakikipag laban pero hindi svya pabor sa ideyang malabong magapi sya ng sino man.


" Ang ibig kong sabihin alam nating dalawa na ang tanging lamang mo lang sa amin ngayon ay ang hawak mong Oblivion staff na syang nagbibigay sayo ng malakas na enerhiya.tama ba?" 


Natahimik ang Siren sa nasabi ni Nathaniel habang tila pinagtatawanan sya ng binata dahil sinasabi nito na kung wala ito ay wala syang ipagmamalaking iba at kung tutuusin mas mahina pa sya kesa kay juggernaut na tauhan nya." 


Hindi pinalagpas ng Siren ang pang iinsulto nito at dali daling nag cast ng magic circle.


" Kung ganun subukan natin kung magagawa mo akong talunin. " 


Naglabas ng nakakatakot na presensya ang Siren na halos pumalibot sa paligid nila.


Biglang pumatong sa ulo ng binata si Melon at binalaan si Nathaniel na wala syang laban sa isang spell caster sa ganitong distansya. Ipinaliwanag nya na ibang iba ang kaya nilang gawin kumpara sa mga pisikal na pinsalang pwede nyang tangapin sa kalaban na katulad ni juggernaut dahil pwede sya nitong sumpain at wala rin alam ang binata sa pag kontra sa mga magic spell.


" May isang cristal pa ako, sa tingin mo hindi ko kaya syang labanan?" Bulong nya sa isip kay Melon 


" Nakita mo kung paano sya nakaligtas sa ginawa mong atake kanina at isa pa wala ka naman talagang alam sa pakikipag laban kaya bakit mo pa tinatanong yan?"  Sagot sa kanya ni Melon sa isip.


Dahil sa nalaman nya kay Melon ay sinubukan nya na lang kausapin ang mga ito upang hindi sya saktan.


" Teka teka, huminahon ka. Oo at talagang napakalakas mo at sa tingin ko wala akong laban sayo." Sambit ni Nathaniel. 


Dito nabangit nya na hindi dapat sila nagagalit sa binata dahil nagsasabi lang sya ng totoo at muling sinabi nya na kahit na wala sya roon ay matatalo sila dahil iyon ang nakatakda.


" Sa una palang sinubukan nyong bangain  ang isang columbus at alam nyo na may kapalit ng mga ginawa nyo."


Habang nag uusap ay tila huminto ang oras sa paligid nila at kahit ang mga dahon na tinatangay ng hangin ay huminto na tila rebulto.


Ilang saglit pa ay lumitaw ang isang portal sa harap ng Siren at dito ay unting unting lumabas si Sei at dinakma ang Oblivion staff na hawak ng Siren.


Sa pag galaw muli ng kamay ng orasan ay kasabay nito ang pag balik sa dating pagkilos ng lahat.


Sa pagkakataon na iyon ay ang paghila ni Sei sa baston gamit ang kaliwang kamay at ang pagsuntok sa mukha ng Siren na dahilan para mapabitaw ito sa baston.


Umikot ikot sya at sinipa palayo ang Siren. pagkatapos magtagumpay makuha ang baston ay tumalon sya papunta kay Nathaniel at naglabas ng mga patalim.


" Paki usap tiisin mo kahit saglit." 

Hinawakan nya ang apat na patalim at isinaksak sa binti at braso ng binata, halos mamilipit ito sa sakit.


" Ahh!!"  Sigaw ni Nathaniel.


" Bakit mo ako sinasaksak? 


" Wag mong pagalingin ito, magtiwala ka saakin." 


Pagkatapos hawakan sa ulo ang binata ay agad syang tumalon palusob kay juggernaut.


Alam ni Juggernaut na sya ang gustong atakehin ni Sei kaya naman sinubukan nya itong sabayan. Agad nyang nilundagan si Sei at sinuntok.


Gayumpaman kaya ni Sei na mapahinto ang katawan ng isang nilalang na nasa paligid nya at dahil doon nagawa nyang makalapit kay juggernaut ng hindi tinatamaan ng suntok at mahawakan ito ng tuluyan.


Dito ay nalipat kay sei sandali ang pinsala ni Nathaniel papunta sa sarili nya at wala pang ilang saglit ay napunta ito kay Juggernaut.


Napaluhod si juggernaut ng indahin ang sakit na nararamdaman sa binti nito at gulat na gulat dahil hindi nya maiangat ang kanyang mga braso.


Agad namang naglabas ng magic circle ang Siren ngunit biglang sumalubong sa itaas nya si Suwi at winasak ang magic circle at kasabay nun ay nilaslas ni Suwi ang kamay nito.


Alam ng siren na wala syang laban sa malapitang labanan kaya sinubukan nyang lumayo ngunit bago pa sya makahakbang ay inundayan na sya ng panibagong saksak sa tyan.



Nagulat sya sa bilis ng pagkilos ni Suwi at napahakbang na lang paatras. Dito ay sinubukan nya na balutan ng tubig ang katawan para protektahan ang katawan nya ngunit bago pa nya magawa iyon ay nagbalik na sya sa dati nyang pwesto at katayuan.


" Anong nagyari?" 


Dito laking gulat nya ng nasa harap sya ni Sei habang nababalutan ito ng napakalakas na enerhiya. Umilaw naman ang lapag nila ng nakakasilaw na liwanag na nanggaling sa magic circle.


Gustuhin man nyang kumilos ay wala syang ibang magawa kundi panuorin ang unti unting paglapit ni Sei sa kanya para umatake.


" Hindi ako makagalaw, hindi pwede ito. Nakuha nya ang Oblivion staff na pinagkukunan ko ng kapangayarihan." 


Dahan dahang lumalapit si Sei at itinataas ang kanang kamay para abutin ang ulo ng Siren.


" Ang lahat ay magbabalik sa umpisa kung saan ito nag simula. Sisingilin ka ng oras sa iyong mga pagkakautang." 


Nanlalaki ang mata ng siren dahil sa takot dahil alam nya na wala na syang magagawa sa sitwasyon nya. Hindi nya kayang kontrahin ang spell na nilagay sa kanya dahil mas nakaka aangat ang kapangyarihan ni Sei bilang spell caster.


Alam nya na nasa level ng 5th magic ang ginagamit ni sei at hindi nya na ito kayang makontra dahil nawala na sa kanya ang oblivion staff.


" Hindi maaari ito , hindi ako pwedeng matalo dito. " 


" ina, paki usap tulungan nyo ako." Sambit ng siren habang lumuluha.


" Time reverse." Sambit ni Sei hbanag nagka cast.


Nabalot ng mga magic circle ang katawan ng Siren at lumitaw ang mga orasan na mabilis na umiikot pabalik.


Sa pagkakataon na ito ay umilaw ang katawan ng Siren at unti unting lumiliit. Nagbabago ito hangang sa tuluyan itong naging maliit na Siren at nawalan ng malay.


Nagulat ang lahat sa nangyari maging si Juggernaut kaya naman pinipilit nitong labanan ang spell na inilagay ni Sei sa kanya.


" Mahal na princesa, humanda kayo sa ginawa nyo sa kanya!!"  Galit na galit nitong sumpa.


Halos yumayanig ang lupa sa matinding awra na pinapakawalan ni Juggernaut. Unti unti nya rin naigagalaw ang kanyang katawan at sinisira ang time freeze.


" Napakalakas nya, anong gagawin natin?" Tanong ni Suwi.


" Masyadong matibay ang kalasag nya kaya imposibleng mabasag natin ito."  Sambit ni Sei.


Alam nila na kahit umatake sila dito ay hindi nila kayang basagin ang kalasag nito at saktan man lang ang juggernaut.


Habang pinipilit ni juggernaut na wasakin ang spell ay biglang tumakbo si nathaniel papunta sa likod nya at sinakal ang dambuhala gamit ang braso.


Dito ay sinusubukan nya pigilan ito na makaalis sa spell para matulungan si Sei.


" Hoy baliw akala mo ba may magagawa yang ginagawa mo? " Sigaw ni Suwi.


" Sinabi ko na bakulaw huli na ang lahat para sainyo kaya kung pwede ay matulog ka na." 


Sa pagkakataon na yun ay nag linawang ang mga cristal sa braso ni Nathaniel at unti unting hinihigop ang enerhiya ni Juggernaut sa katawan.


Nagtaka naman si Juggernaut na tila ba naglalaho ang lakas nya at nakakaramdam ng panghihina.


" Anong nangyayari? Teka anong ginagawa mo saakin?" 


Itinuloy ito ni Nathaniel hangang sa muling mapaluhod si Juggernaut at hindi na makakilos.


Sa pagkakataon na iyon na nakikita na nila na malapit na silang magtagumpay sa laban ay biglang may tunog na kumalembang sa buong paligid.


Tumunog ang malaking orasan sa itaas nila na hudyat ng pagtatapos ng oras sa orasan at dahil doon unti unting naglalaho ang napaka laking magic circle sa kalupaan.


Naglaho ang buong kontrol sa teritoryo ni Sei kasama na ang kanyang spell.


Nawala na rin ang bumabalot na awra kay Juggernaut na pumipigil sa kanya na kumilos at dahil doon ay malaya na itong nakagalaw.


Alam ni Nathaniel na hindi magandang pangitain ito at kahit alam nya na delikado na sya ay mahigpit nya parin hinawakan si juggernaut.


" Naku naman , hindi maganda ito." 


Galit na galit si Juggernaut na humihiyaw kasabay ang pag dakma sa binata sa likod nya at walang alinlangan na inihampas ito sa lapag.


Halos bumakat si nathaniel sa batuhan at pinilit parin tumayo pero nung tangkain nya na muling bumangon at sinipa si ni Juggernaut dahilan para mapatalsik sya at gumulong sa lupa.


Habang naman gumugulong gulong sa lupa ay hindi na nagsayang ng panahon ang dambuhalang kalaban nya at nilundagan sya at tinapakan na lalong nagpabaon sa kanya sa lupa.


Sinubukan ni Nathaniel na maglabas ng enerhiya sa katawan habang tapak tapak sya nito pero bigla syang dinakma ulit ni juggernaut at inihampas sa isang malaking bato.


Dito ay bumaon si Nathaniel at ilang saglit lang ay sinundan agad ito ng pagbangga ng katawan ni Juggernaut.



Siniguro ni Juggernaut na madudurog ang binata kaya kahit nakabaon na sa batuhan ang binata ay walang tigil na sinusuntok nya ulit ito.


Dahil sa ginawa ni Juugernaut ay nag panik si Suwi para sa kaligtasan ni Nathaniel kaya naman agad syang sumugod para tulungan ito.


Nahalata naman ni Juggernaut ang binabalak na pag atake ni Suwi at umamba ng suntok sa dalaga pero bago pa muling dumampi ang kamao nito kay Suwi ay muling naglaho ang dalaga na parang bula.


Sa isang kisap mata ay napunta si Suwi sa tabi ni Sei at pinagalitan ito sa pagiging padalos dalos nito.


" Pero kapag hindi natin tinulungan si Nathaniel baka mamatay sya." 


" Naglaho na ang teritoryo ko hindi ko na kayo kayang pangalagaan kaya paki usap wag kayong gagawa ng padalos dalos na aksyon." 


Alam ni Suwi na kinakailangan nyang iligtas si Nathaniel pero maging sya ay hindi nakakatiyak kung kaya nya bang tangapin ang mga atake mula sa kalaban nya. 


Napasuntok na lang sya sa pagkadismaya dahil hangang sa huli ay natatakot parin syang lumaban para sa iba at ang tanging inaalala lang ay nag sarili nya kagaya ng nangyari noon sa mga tauhan nyang nag sakripisyo para makatakas sya.



" Wag kang mag alala, tapos na ang laban na ito."  Sambit ni Sei.


Nagulat si Suwi sa sinabi ni Sei lalo pa kitang kita parin nya kung gaano kalakas si Juggernaut. Nangingibabaw parin ang napakalakas na presensya ng dbuhalang kalaban nila na tila ba hindi ito nakakaramdam ng panghihina.


Kalmado nakapikit si Sei habang itinuturo si Juggernaut. Dito unti unting lumalabas ang matinding awra sa katawan nya na halos magpatangay ng mga bagay bagay palayo.


Nagulat si Suwi sa nakita nya at nararamdaman presensya. Hindi nya inaasahan na may natatago pang lakas si Sei sa pagkakataon na iyon. At higit pa iyon sa naramdaman nya nung una.


Unti unting lumalabas ang mga marka sa katawan ni sei at kumakalat ito hangang sa mukha nya.


" Supreme mode "  mahinahon sambit ni Sei habang dumidilat.


Alabngapoy Creator

Episode 41 part 1