Chapter 36 part 2
Habang nagaganap ang pagsalakay sa Galica ay nagtipon naman sa base ng eskapa ang tatlong Espada kasama na si Magdalena upang pag usapan ang ilang bagay.
Nakaupo at nakahilera sila Pyun, Yuki at ang isa sa mga espada sa napakahabang lamesa na ginagamit ng grupo tuwing magkakaroon sila ng pulong.
Ang may asul na buhok at nakasalamin na lalaking ito ay si Kid lightning at ito ay isang Mythical Beast na nagkaroon ng anyo na kawangis ng tao sa tulong ni Magdalena at sinasabing ang pinakamalakas na Sandata sunod kay supreme comander ng eskapa.
Habang nasa harap naman ng bintana ang isang dalaga na may maikling brown na buhok at nakasuot ng magarang damit. Ibang iba ang itsura nya kesa sa normal na anyo nya tuwing kasama si Xxv at ang ibang sundalo sa labas ng kampo ng Eskapa.
Si Magdalena ay ang supreme commander ng Eskapa at ang isa sa pinaka malakas na nilalang sa Endoryo kaya naman gumagamit sya ng ibang kaanyoan at pagkakakilanlan gamit ang mahika tuwing mag papakita sa labas bilang isang normal na sundalo.
Si magdalena ay isang hagen na may kakahayan ang katulad nya na panatilihin ang pag kabata ng mahabang panahon kaya naman namumuhay sya sa anyo ng isang teenager kahit na nasa limang daang taon na itong nabubuhay sa Endoryo.
Gayumpaman naitatag ang Eskapa ng higit tatlong daang taon pa lang nakakalipas at maraming taon ang ginugol nya sa buong buhay sa pag protekta sa kanilang maliit na bayan bago pa nya pagdesisyonan na likhain ang grupong mangangalaga sa Endoryo.
Sa Pag pupulong nila ng mga myembro ng Eskapa ay nabangit ang pagbibigay ng parusa kay Sei sa paglabag sa panuntunan ng Eskapa tungkol sa pag suko sa eskapa at pagpatay sa mga Soul eater.
Ninanais ni Pyun na mabigyan ng parusa si Sei at nararapat na magbigay ng maayos na paliwanag sa pag labag sa kanilang alituntunin ng hindi nito pansinin ang tatlong beses na paghingi ng Eskapa sa Soul eater na madala agad sa base ng Eskapa upang malitis.
" Husto na ang ginagawa ni Reyna Sei, binabale wala nya ang mga sugo na pinapadala natin upang makuha ang soul eater." Sambit ni Pyun.
" Huminahon ka lady Pyun alam mo na hindi natin pwedeng parusahan ang isang Espada sa napaka babaw na dahilan." Sabat ni Yuki.
" Mababaw? Ang soul eater ay may kakayahan na kunin ang kapangyarihan ng mga biktima nila at saksi kayo kung gaano ka delikado ang makaharap sila sa laban."
Dito ipinilit ni Pyun na sa oras na kumain ang isang soul eater ng sapat na dami ng kaluluwa ay kahit silang mga Espada ay walang magagawa para pigilan ang mga ito na pumatay ng mga nilalang.
Ipinaliwanag nya na hindi ito tungkol sa personal na galit nya sa mga Soul eater kundi dahil ayaw nito na maulit ang mga pangyayari ng nakalipas na trahedya at ipinunto nya na hindi nila kailangan mapagdaanan pa ang paulit ulit na pag kakamali dahil lang naging pabaya sila sa usapin tungkol sa mga soul eater.
Gayumpaman tikom ang bibig ni Magdalena sa bagay na ito at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana.
Hindi naman maunawaan ni Pyun kung bakit hindi gumagawa ng aksyon si Magdalena gayung maraming beses na nilang nagawa na humatol ng mga soul eater.
" Pasensya na lady Magdalena pero kaya nyo ba hindi pwersahan na ipinag uutos na ipapatay agad ang Soul eater ay dahil sa asawa sya ni Xxv?"
Natahimik ang lugar sa hindi nito pagtugon at ilang sandali pa ay muling nagsalita si pyun upang ipaliwanag ang kanilang sitwasyon.
Patuloy na lumalaki ang bilang ng mga kalaban ng Eskapa at isa na rito ang mga Soul eater na nagpapalakas ng kanilang pwersa at batid nya na sa oras na magsama sama ang mga malalakas na Genion para maghasik ng lagim ay natitiyak nya ang napakalaking trahedya na magaganap at magreresulta iyon ng pag sasakripisyo ng napaka raming buhay.
" Hindi ko maitatangi na napakalaking pakinabang ni Xxv sa ating Grupo at napakalaki ng potensyal nya bilang maging susunod na Espada gayumpaman isa syang sundalo na may tungkulin na unahin ang kapakanan ng nakakarami at sa tingin ko isa sa kailangan nyang gawin ay ang tuluyang pagtalikod nya sa Genion." Sambit ni Pyun
" Hindi mo pwedeng sabihin yan." Sabat ni Yuki.
" At bakit hindi? Alam mo Reyna Yuki na hindi nya kayang kontrolin at mapasunod ang sinasabi nyang Asawa na sumapi sa pinaglalaban natin na kapayapaan. Hindi tayo nakakasiguro sa ano ang iniisip nya." Sabat nito.
Natahimik at napailing si Yuki dahil batid nya na alam ng lahat na malaki ang galit ni Zhui sa Eskapa at kahit na personal na pinaki usapan ni Yuki ito na umanib sa Eskapa upang mabigyan ng awa ay hindi nito tinangap.
Habang nag uusap ay biglang sumingit sa pag uusap si Kid at naitanong kung handa ba talaga ang Eskapa sa mangyayari kung sakaling hindi sumang ayon si Xxv at pumanig sa kanyang asawa.
Ipinaliwanag ni Kid na kahit hindi nya nauunawaan ang isip ng mga tao ay alam nito na seryoso si Xxv na gawin ang lahat para sa kanyang asawa.
Nabangit nya rin na ang kasunduan ni Magdalena at Xxv tungkol sa pag gawa ng payapang mundo at walang ibang nagtutulak kay Xxv na gawin iyon kundi para sa kapakanan ni Zhui.
" Importante na masunod ang batas natin at kailangan nya iyon gawin upang patunayan ang katapatan nya saatin at sa Eskapa." Sabat ni Pyun.
" Napatunayan na ni Xxv ang katapatan nya saatin at sa oras na ituloy natin ang pag paslang sa kanyang Asawa ay makwekwesyon nito ang katapatan ni Lady magdalena sa nag iisang hiling nya." Sagot nito.
Hindi matangap ni Pyun ang mga narinig dahil tila handa ang eskapa na magsakripisyo at magbulagbulagan na lumabag sa batas na matagal na nilang sinusunod para pagbigyan ang isang kahilingan ng isang sundalo.
Dito ay biglang sumabat si Kid at tinukoy na kailangan nilang panatilihin ang magandang relasyon ng Eskapa kay Xxv dahil importante ang ginagampanang tungkulin nito bilang bayani.
" Importante? Tsk, sinasabi mo bang mas importante pa sya kesa sa libo libo nating mga sundalo na maaaring mamatay dahil lang sa nagpabaya tayo."
" Alam mo ang sagot sa tanong na yan Lady Pyun dahil sya ang Mesha, ang Tagapaglitas na tinukoy ni Lady Magdalena na itinakda ng kalangitan."
Natahimik si Pyun sa narinig at kitang kita sa reaksyon nito na tumututol sya sa mga nagaganap.
Pinilit nya huminahon upang manatili ang kaayusan ng pulong at nagbigay ng suwesyon na maaari nilang ipagkasundo si Xxv ng kasal sa isang myembro Eskapa.
Sa pagkakataon na iyon kitang kita sa Reaksyon ni Magdalena ang pagkabigla sa mga narinig kay Pyun.
" Ipakasal si Xxv sa iba? " Bulong ni Magdalena sa isip nya.
Nagbigay si Pyun sa kanya ng mga paraan upang magawa iyon at isa na doon ay ang pagtatakda ng princesa ng ibang kaharian bilang asawa upang mas maging matatag ang ugnayan ng Eskapa sa ibang bansa na sakop nila.
" O kaya naman magpadala tayo ng isang babaeng sundalo na magiging kapartner nya sa misyon at subukan kunin ang loob nya upang sa ganun makalimutan nya ang soul eater." Dagdag ni Pyun.
Napabuntong hininga na lang si Yuki at sinabi na hindi madali ang sinasabi nya dahil kilala si Xxv na malakas ang dating sa mga babae at marami ng nagtangkang akitin ito.
" Alam ko nabubulag lang sya sa pag mamahal nya dahil sa utang na loob sya sa babaeng iyon pero kung si lady magdalena mismo ang mag uutos sa kanya ay nakakatiyak ako na susundin nya ito."
Nagulat si Magdalena sa narinig nya at napalingon agad sa kanila habang tila naguguluhan.
" Ako? Hi-hi-hindi, hindi ko sya pwedeng ipakasal ng sapilitan sa iba." Sagot ni Magdalena.
" Paumanhin lady magdalena ngunit maraming beses na natin itong nagawa noon sa ibang mga maharlika ng ilang bansa nung ipagkasundo natin sila at sa tingin ko wala naman magiging problema dito dahil tanyag na sundalo si Xxv.
Batid ni Yuki ang gustong sabihin ni Pyun ngunit nag aalala sya na baka maglagay lang sa hindi magandang sitwasyon sa isang bansa ang pagkakaroon ng tao na mamumuno sa kanilang bayan.
" Isang tao parin si Xxv at alam mo na tanging ang Irish kingdom lang ang tumatangap sa lahi nila bilang kapantay." Sagot ni Yuki.
" Kung ganun ipakasal natin sya kay reyna Rei"
" Isa ngang tao si lady Rei pero nasisiraan ka na kung iniisip mong matatangap nya na ikasal sa isang alipin na baliw na baliw sa nilalang na mortal na kaaway ng lahi nila." Sagot ni Yuki.
Dahil sa nakikita nya na nagiging desperado si Pyun sa Ideya ng pagtatakda ng kasal ni Xxv sa iba ay hinamon sya ni Yuki na mismong ang sarili nya ang ialok bilang kandidato maging bride dahil narin sa lubos syang ginagalang ng binata at hinahangaan.
Batid ni Yuki na malaki ang pag hanga ni Xxv kay Pyun base sa kinukwento ng binata kay Yuki sa gaano kadakila si Pyun at mabuting reyna nung mag aral ang binata sa gabay ng sandata na si Pyun noon.
Dahil doon agad na napatayo si Pyun sa kinauupuan nya at hindi ito sinang ayunan dahil na rin sa katayuan nya bilang reyna at mataas na nilalang.
" Alam mo na hindi ko pwedeng sirain ang reputasyon ko sa mga nasasakopan ko, kapag nalaman ng mga ito na isang tao ang magiging hari nila sa tingin mo magtitiwala pa sila sa katatagan ng kaharian?"
Dahil sa naisagot nito ay ibinalik lang ni Yuki ang pagdadahilan ni Pyun sa sitwasyon ng ibang maharlika ng bansa .
" Hindi lang naman ito tungkol sa reputasyon ng mga mahalikha pero maikli lang ang buhay ng mga tao kumpara sa ibang lahi at sa tingin ko walang katiyakan ang magiging pakinabang ng pag aasawa ng tao para sa isang maharlikha."
Wala syang naisagot sa at padabog na muling umupo sa upuan nya.
Nanatiling tahimik ang lugar hangang sa nagsalita si Magdalena upang pakalmahin ang pag uusap.
" Nakiki usap ako hindi nyo kailangan mag talo tungkol sa bagay na iyan, Totoo na mahalaga saatin si Xxv bilang itinakdang mesha gayumpaman ang batas ay batas at itutuloy natin ang paglilitis ano man ang mangyari."
" Ang paglilitis ay magiging patas at makatwiran." Sambit ni Magdalena.
Dito ay biglang naki usap si Yuki na muling pag isipan ang mga desisyon dahil alam nilang magiging mahirap kay Xxv ang magaganap na paghahatol.
" Lady Yuki, Nagtitiwala ako na mangyayari ang kalooban ng kalangitan sa araw na iyon ." Sambit ni Magdalena.
Halata sa malungkot na reaksyon ni magdalena ang mabigat na desisyon at dahil wala ito sa mood ay humingi ito ng pasensya at tinapos na ang kanilang pagpupulong.
Inutusan nya ang mga tauhan nya na ihanda ang lahat para sa araw na iyon habang naglalakad paalis ng napakalaking kwarto na iyon.
Batid ni Magdalena na maaaring magalit si Xxv sa kanya sa oras na ipag utos nya ang pag paslang sa kanyang asawa gayumpaman walang nakikita si Magdalena na dahilan para iligtas pa si Zhui dahil maraming beses na itong tumatangi na sundin ang kanilang kahilingan.
Madalas din na makatangap sila ng report sa pag kalaban ni Zhui sa mga Eskapa kaya lalong sumama ang reputasyon nito sa lahat ng myembro.
Ilang saglit pa ay pumasok ito sa isang kwarto at nanatiling nakatayo mag isa sa gitna nito.
Ilang minuto lang ang nakakalioas ay bigla itong umupo sa lapag at nagtakip ng mukha habang nang gigigil.
" Napaka hirap naman nito. Bakit ba ikaw pa ang naging mashar, napakarami namang iba pero bakit ikaw pa. Arghhh !."
Bigla syang tumigil sa pagrereklamo at sa gitna ng katahimikan ay kinuha nya ang kwintas na suot sa kanyang dibdib at pinagmasdan ang pendant nito.
" Mali, bakit kailangan mong magkaroon ng asawa na katulad nya."
Pumikit si Magdalena at dahan dahang tumayo sa kinauupuan habang tila sumusumpa.
" Kailangan maganap ang itinakda at para mangyari iyon kailangan nyang mamatay." Sambit nito.
Ep 36 part 2