undefined

Nadidismaya ako at pakiramadam ko natalo ako sa isang ito pero kailangan kong tangapin ang kalagayan ko kaya naman kahit anong mangyari ay dapat makahingi ako ng tulong.


" May personal ka bang galit saakin?" Dagdag ko.


Wala akong aasahan sa babaeng pusa na ito na alergic ata sa taong kagaya ko kaya naman kinausap ko na lang ang kanyang leader.


" Sandali miss ganda, mukhang mas may malasakit ka baka pwedeng ikaw na lang ang tumulong saakin." 


Nabigla ito sa narinig nya at sa reaksyon nya ay mukhang nahiya sya ng tawagin ko syang maganda .

" Mi-miss ganda? " Bulong nito.


Nag iba ang kilos nya at para ba syang bata na nahihiya habang hindi makatitig saakin ng deretso dahil lang sa papuri ko sa kanya. 


Gayumpaman, kahit na itim ang balat nya at may kakaibang mga mata ay hindi naman mapag kakailang may itsura sya at sa lambing ng boses nya ay para syang hindi makabasag ng pinggan.


" A-ano bang problema ang sinasabi mo? " Nahihiyang tanong nito.


Kagaya ng inaasahan ko ay tinanong nya ako tungkol sa problema ko at hindi kagaya nung babaeng pusa ay mukhang seryoso syang tulungan ako.


Hindi naman talaga ako manloloko pero kailangan ko talaga ng tulong gayong walang wala ako at ang masama nito wala akong ideya kung matatagpuan ko ba ngayong araw si koko. 


Ayoko naman humantong pa ako na matulog sa labas at manlimos sa kalye para may makain lang


Mahirap ipaliwanag dahil basta na lang akong napunta sa lugar na ito at sa ngayon wala akong kahit ano para mabuhay dito.


Pagkatapos nya marinig yun ay walang pag aalinlangan na kumilos para magbigay saakin .

May kinuha sya sa kanyang maliit na bag at inilabas ito.


Natahimik sya bigla habang tinitignan sa palad nya ang kanyang pitaka at lumingon sa kasamahan nya upang humingi ng pasensya. 


"Pasensya na nyabu kailangan kong gampanan ang tungkulin ko na tumulong." Sambit nito.


Humarap ito saakin at yumuko na may pag galang habang inaabot saakin ang pera nila.


" Pasensya na ginoo pero heto na lamang ang natitira sa allowance ng team ko hindi ko alam kong sapat na ito pero sana makatulong ito sayo. Malambing nitong sambit.


Hindi ko alam kong anong iisipin ko, nag bibigay sya saakin ng bagay na meron na lang sya para tulungan ako. Malaking bagay iyon pero parang nakakakonsensyang kunin ito sa kanya.


Sa sobrang bait nya para ibigay ang laht ng pera nya ay parang magmumukha pa akong masama sa pag tanggap ng tulong mula sa kanya. 


" Ibibigay mo talaga saakin ang allowance nyo? " 


Hindi pa man naibibigay saakin ito ay bigla ng sumigaw si nyabu at halos sumabog sa galit para pigilan ang pag bibigay ni ataparag ng pera saakin.


" Hindi pwedeng gawin yan ! " 


" Kapag ibinigay nyo yan tayo naman ang walang makakain at matitirahan!  team leader naman." Sigaw nito.


Nagpanik agad si ataparag sa ginawang pagsigaw nito at agad na humingi ng tawad dito.


Ang awkward lang dahil parang kakaiba na makakita na ang tauhan ang mismong sumisigaw sa kanyang pinuno para pagalitan ito sa ginawa nya. Curious ako kung anong klaseng set up kaya ang meron sa team nila.


Gayumpaman ay hindi binago ni ataparag ang pananaw nya at sinabi rito na sa kanyang palagay ay hindi ako manloloko kagaya ng iba.


Masaya akong marinig yan pero sobra naman ang pagtitiwala nya at kabaitan para ibigay ang lahat ng meron sila. Sa sobrang pagkainosente  at bait nya ay hindi ako magtatala na abusuhin nga sya ng iba. Kaya pala ganun na lamang ang pagkontra sa kanya ng tauhan nya.


" Kakasabi ko lang na wag mag pauto sa mga kagaya nya" iritableng sambit ni nyabu.


Halata sa mukha ni nyabu na naiirita ito at sa matalim na titig nya ay nararamdaman ko na kumukulo ang dugo nya sa akin.


Kung makatitig sya ay para bang gusto nya akong kainin.


Sa sobrang irita nya ay nilingon nya ang kasama nyang taong toro at tila ba inuutusan na iligpit ako.


" Toto alam mo na ang dapat gawin sa isang ito " seryosong sambit nito.


Naging agresibo ang kasamahan nyan toro at biglang sumigaw ng malakas.

Halos kilabutan at magtayuan ang balahibo ko sa takot ng titigan ako ngto ng masama.


" Sandali naman pakingan nyo muna ako."  Pakiusap ko habang ipapakalma ang mga ito.


Hindi ito nakinig sa pakiusap ko at nag simulang humakbang papunta saakin 

" Sige toto wag kang magtitira ng bakas nya." Pang gagatong ni nyabu.


Sa pagkakataon na iyon ay nagpanik si ataparag at dali daling humarang sa harapan ni toto upang pigilan ito na makalapit saakin.


" Paki usap huminahon ka toto." Pagpipigil ni ataparag dito.


Pinakiusapan nya itong huminto sa ginagawa at pinaalalahanan na hindi sya pwedeng maging marahas. 


Dahil sa pagtatangol ni ataparag saakin ay naglakas ng loob akong magbigay ng opinyon ko dahil tama naman na hindi nila ako pwedeng saktan dahil hindi naman ako masamang tao.


At isa pa ayon sa pag kakaalala ko sa batas ng eskapa ay pinagbabawal ang pag gamit ng dahas sa isang taong walang kakayahan lumaban at hindi banta sa kaligtasan ng sino man.


Hindi na maganda ang sitwasyon ko dahil mukhang inaakala nila na peperahan ko lang ang leader nila kaya naman naisip ko wala talagang ibang makakatulong saakin kundi si sei lang.


" Hindi ko talaga gusto ang pera nyo o maging pabigat sainyo basta makausap ko lang si sei. "


" Nagmula ako sa ibang mundo at hindi talaga ako taga rito sa lugar na ito kaya mahalaga na makausap ko si sei." 

Dagdag ko.


Bago pa ako muling magsalita ay agad na  nagtanong si ataparag saakin.

Nilinaw nya kung ang gusto ko lang na mangyaring ngayon ay makausap ang kanilang commander.


"Seryoso ka ba sa sinasabi mo ginoo? "anong nya saakin


Agad ko naman itong sinagot 

" Syempre naman seryoso ako." 


Sa mga sandaling yun ay bigla syang nanahimik at tila nag iisip sa mga susunod na sasabihin. Alam ko na mabuti syang nilalang pero hindi ang tulad nya ang makakatulong sa problema ko.


Nagbutong hininga ito ng malalim at bakas sa mukha nya ang pag kadismaya habang sinasabi na kahit nais nya akong tulungan ay imposible nya itong gawin.


undefined

" Hindi ka basta pwede makalapit sa commander lalo pa at kaduda duda ang sinasabi mo tungkol sa sarili mo." Paliwanag nito.


Napakunot na lang ako ng noo at napahawak sa ulo habang nadidismaya sa mga nangyayari saakin. Alam ko naman na kapag sinabi ko na hindi ako nagmula sa mundo ito ay hindi sila maniniwala at yun na nga mismo ang nangyari.


Ang masama nito itinuturing na nila akong kaduda dudang tao na lalong nagpahirap sa kalagayan ko.


Ang mga sundalong kagaya nila ay sumusunod sa security protocol ng eskapa kaya sa tingin ko hindi ko sila mapipilit sa gusto kong mangyari.


Nalintikan na talaga, pag nagpatuloy ito baka mawalan na talaga ako ng tyansa  na makausap pa si sei.


" Pero sandali." Pag pigil ko.


Gusto ko sana umapela at subukan na pakiusapan pa sila pero biglang sumigaw si nyabu at galit na pinatatahimik ako.


" Tumigil ka na ! " Sigaw nito.


" Napakalakas ng loob mong lokohin kami at bolahin ang isang opisyal ng eakapa." Dagdag nito.


Galit na galit ito at talagang nakakasindak ang mga titig nito na para bang papatayin ako kapag nagsalita pa ako ulit.


Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinilabutan na ng maramdaman ko ang malamig na presensya nya habang nagagalit na nakatingin saakin kaya naman wala akong magawa kundi manahimik na lang.


Tumalikod ito at nag badya na umalis habang pinagsasabihan ako.


" Ayokong mag aksaya ng oras sa tulad mo pero kapag nangulit ka pa sa paglapit sa aming commander ," 


" Titiyakin ko mamamatay ka."seryosong sambit nito.


Wala akong nagawa pa at hinayaan na lang na maglakad sila paalis dahil mahirap na baka totohanin nya na saktan ako o ang pinakamasama ay baka patayin nya ako dahil isa parin syang sundalo.


Napaka over protective nila kay sei.


Hindi ko naman sila masisisi dahil trabaho nila pero ang hindi naman tama na tawagin nila akong pulubi.


" Wala akong pera pero hindi ako masamang tao." Sigaw ko sa mga ito.


Patuloy na naglakad ang mga ito palayo at hindi ko na sinubukan pang magpumilit dahil walang pag asa na tulungan pa nila ako gayung hindi na nila ako pinaniniwalaan.


Kung sa bagay mahirap naman talagang maniwala sa kwento ko at walang akong makukumbinsi kapag sinabi ko ito sa iba.


END OF NATHANIEL'S POV .



Habang naglalakad palayo sina nyabu ay hindi maaalis sa isip ni ataparag na makonsensya dahil hindi nya natulungan ang isang taong nangangailangan dahil kailangan nila sumunod sa alituntunin ng eskapa.


Nagkaroon din ito ng pagtataka at pagka curiuos sa taong si nathaniel dahil sa kakaiba nitong pag uugali at kasuotan.


" May kakaiba sa taong iyon napansin mo ba nyabu?" 


" Kakaiba ang tono ng pagsasalita nya maging ang kasuotan ay iba sa pangkaraniwan pero pare pareho lang naman ang mga kagaya nya." 


" Pare pareho lang silang desperadong mabuhay dito kaya kung ano anong kwento at kalokohan ang ginagawa nila." 

Dagdag nito.


Hindi lingit sa kaalama ni ataparag ang tungkol sa mga kaugalian ng mga taong pakalat kalat sa kalye at syudad gayumpaman iba ito sa iniisip nya sa taong si nathaniel. 


Para sa kanya may kung anong espesyal sa taong ito na pinagkaiba nya sa mga kagaya nitong tao. Gayumpaman wala syang oras para alamin pa ito dahil na rin sa responsibilidad nya bilang pinuno.


Kaya naman kahit nag aalala sya sa kapakanan ng binata ay kailangan nya itong balewalain.


Habang naman lumalayo ang mga ito paalis ay nanatili sa kinatatayuan nya si nathaniel at nag iisip ng susunod na gagawin.


Alam nya na mas mapapadali ang lahat sa kanya kung matutulungan sya ng eskapa pero tangap nya na hindi na sya makakalapit pa kay sei.


Kahit sya ang gumawa sa mundong ito ay wala naman kumikilala sa kanya bilang creator nito at wala rin syang espesyal na katangian na maaaring makapagpabago ng pananaw ng iba sa kagaya nyang normal na tao.


" Isang importanteng tao si sei sa mundong ito at bilang isang sandata ng diyos ay napakaraming banta sa buhay nya kaya naman mahigpit ang kanyang seguridad para sa kaligtasan nya." Bulong nito sa sarili.


Sa mga oras na iyon ay hindi na malaman ni nathaniel ang gagawin dahil maliban sa wala na syang aasahang tulong ay nangangamba pa sya kung mahahanap nya ba si koko sa araw na iyon.


Sa gitna ng kanyang pagkalukmok habang nakatayo sa gitna ng kalsada ay hindi nya inaasahan na mapapadaan ang isang babae sa kinatatayuan nya.


Isang babae na may malaking parte sa kwentong isinulat nya at ang pinaka hindi nya inaasahan na makita.


Ang may mahabang pulang buhok at naka pulang damit na ito ay ang soul eater na si khan zhui. Nakapaa ito habang naglalakad at makikita rin dito ang kaliakia ng ahas sa kanyang braso .


Sumasabay din sa pag suwag ang berdeng buntot ng ahas sa likod nya habang naglalakad ito 


Dahil nga doon ay halos matulala na lang si nathaniel sa nakikita dahil maliban kay sei ay isa pa sa mga nilikha nyang tauhan ng kwento ang kasalukuyan nyang nakikita.


"Teka totoo ba ito? " 


Halos lagpasan lang sya ni zhui at walang nasabi o ano mang aksyon dahil sa pagkabigla. Hindi rin sya napansin nito at magpatuloy sa pag alis papuntang bayan . 

" Ang antagonist sa kwentong isinulat ko" bulong nya sa sarili 


" Ang phantom serpent na si khan zhui." Dagdag nito.


Alam ni Nathaniel na malaki ang gagampananang papel ni Zhui sa kwento dahil sa kanya nakatuon ang storya kung paano nya isasakatuparan ang kanyang  mga layunin at pinaglalaban na magdudulot ng malaking trahedya sa endoryo.



" kung iisipin ko mabuti ang tungkol sa misyon ko tungkol sa pagpigil sa great war na syang magiging dahilan ng pagkamatay ng higit isang daang milyong endorian ay  wala akong dapat gawin kundi pigilan si suwi." 


Malinaw sa isipan ni Nathaniel ang bagay na kinakailangan nya para mapigilan ang great war at iyon ang mapigilan ang mismong nilalang na nagsimula nito.


undefined

Nawala ang pag ka balisa ng isip ni nathaniel tungkol sa pinoproblema nya kanina at nakatuon na lang ang isipan nya kay zhui na ngayon ay nakakalayo na.


Kaya naman dali dali syang humakbang paalis upang sundan ai zhui habang hindi pa ito nawawala sa paningin nya.

Nagkaroon sya ng motibasyon na subukang gawin ang misyon na sinasabi ni koko sa kanya.


" Wala akong naiisip na plano o dapat gawin sa antagonist ng kwentong ito pero pakiramdam ko kailangan ko syang sundan." Bulong nito sa sarili. 



Alabngapoy Creator

Part 2 of chapter 6