Chapter 30 part 1


Naging komplikado pa ang sitwasyon sa paligsahan sa eskapa dahil sa hindi inaasahan na paglitaw ng warlord na si Serenity sa harap nila.


Hindi makapaniwala ang lahat at halos hindi alam ang susunod na gagawin dahil alam nila ang panganib na kanilang kahaharapin.


Nagsimula itong tumayo at tumalon mula sa itaas ng higanteng lapida papunta sa kinaroroonan nila Nathaniel.


Matagumpay itong bumagsak at mararamdaman sa presensya nito ang napakalakas na kapangyarihan nito sa halos magpanginig sa katawan nila. 


Hindi magawang makakilos ni XXv dahil sa nararamdamang takot sa Presensya nito na tila ba sinasakal sya at pinipisat ang buong katawan.


" Nasa napakataas na antas ang taglay nyang presensya, ganito ba talaga kalakas ang isang warlord?" 


Unti unti ng naglakad palapit si Serenity at mababakas sa kanya ang pagkakampante nito na tila hindi nababahala sa mga kaharap nyang mga myembro ng Eskapa.


" Napaka interesante, isang tao na may nalalaman sa Aegis of immortal at sa hinaharap. " Sambit nito.


Kahit na hindi tinatablan ng malakas na pwersa ng presensya ni Serenity ay nararamdaman parin ni Nathaniel ang itim na enerhiyang bumabalot dito na nagpapangatog sa tuhod nya.


Hindi makapaniwala si Nathaniel sa nakikita nya at natanong kung bakit naroon si Serenity sa lugar na iyon.


" Ba-bakit ka nandito? Hindi ka dapat nandito. Anong ginagawa mo dito." 


Hindi inaasahan ni Nathaniel na makita ito sa lugar na iyon dahil ayon sa nalalaman nya ay walang nakasulat sa isinulat nyang kwento na lilitaw ito sa paligsahan sa Eskapa.



" Ikaw ba talaga si Serenity?" Tanong nito. 

" Anong ibigmong sabihin? Sa reaksyon mo parang kilala mo na ako, ohh.. nabangit ko kanina na nakikita mo ang hinaharap." 


" Kung ganun hindi mo ba nakita sa hinaharap na makikita mo ako dito? O baka naman ayon sa alam mo hindi sa lugar na ito tayo dapat magkikita?  "


Napalunok na lang dahil sa takot si Nathaniel ng makita nya ang berdeng cross sa mata ni Serenity na nagtataglay ng Crimson eye.


" Pwera na lang kung hindi eksaktong nagaganap ang hinaharap na nakikita mo." Dagdag nito.


" Narinig ? Kung ganun kanina ka pa nakikinig saamin? " Tanong ni Ruri.


Dito ay naalala ni Nathaniel ang tungkol kay Serenity at sa paano ito magpapakita sa kwento nya gamit ang paglabas sa katawan ng isang taga Eskapa na naging ispiya nya.


" Hindi, dahil sa simula pa lang ay nasa Eskapa na sya. " 


Nagulat si Ruri sa narinig at tinanong dito kong ano ang ibig nitong sabihin.


Dito ipinaliwanag naman ng binata na isa sa tauhan ni Ruri ang may curse mark ni Serenity kung saan napapaisailalim ito sa kapangyarihan ni Serenity na maging tenga at mata.


Binangit ni Nathaniel na ayon sa hinaharap na alam nya ay tatlong buwan pa mula ngayon ay magpapakita si Serenity sa kaharian ng Dekaro kung saan haharapin ni Ruri ito at pipigilan sa tangkang pag kuha sa piraso ng Aegis of immortal na nasa great forest of dekaro.


" Oh... Magaling alam mo pati ang plano ko pero sa totoo lang hindi ko talaga sigurado kung nandoon talaga ang piraso ng aegis of immortal pero dahil nabangit mo yan ay baka doon na ang sunod na punta ko." Sambit nito.


" Mahihirapan ako makapasok doon pero sapat na ang mga tauhan kong nasa loob ng bayan para ubusin ang mga magic caster na nagpapatibay sa barrier ng kaharian nila." Dagdag nito.


Biglang naglabas ng matinding awra si Ruri at kumawala sa itim na enerhiyang bumabalot sa katawan nya na ginawa ni Serenity.


" Sa tingin mo hahayaan kita na gawin iyon." Sambit ni Ruri habang binubunot ang sibat sa lupa.


Winasiwas ni Ruri ang sibat nya at nagpakawala ng napakatinding awra na sumira sa enerhiya na bumabalot din kay Xxv.


" Oh... Ang pinakabatang Columbus at tanyag na sandata ng Eskapa, ang living warhead na si Ruri katsuki." 


" Alam mo hinahangaan ko ang kakayahan mo bilang mandirigma pero ako ng nagsasabi sayo na hindi mo kayang manalo laban saakin." 


Hindi pinansin ni Ruri ang sinabi nito at bumwelo ng pag atake ngunit bago pa ito humakbang para umatake ay biglang tumakbo si Nathaniel sa harapan nya at pinigilan ito.


" Anong ginagawa mo." Iritableng tanong ni Ruri.


" Paki usap makinig kayong dalawa wag kayong tititig sa mga mata nya." 


" Ano? " 


Pero bago pa sila makagawa ng aksyon ay napatitig na sila sa mga mata ni Serenity at nakita ang Crimson Eye nito na taglay. 


" Huli na bata, napasailalim na kayo saaking sumpa." Sambit nito


Nagkaroon sila Ruri at Xxv ng mga marka ng sumpa ni Serenity.


Dito ipinaliwanag ni Nathaniel na ang sumpang iyon ay syang ginagamit ni Serenity para maging vessel nya ang isang nilalang.


Ang bawat nagtataglay ng sumpang ito ay magiging tauhan nya sa oras na mamatay ang mga ito. Ito mismo ang ginagamit ni Serenity upang magtaglay ng milyon milyong sundalo sa bawat digmaan na sinisimulan nya.


Kinatuwa naman ni Serenity na nalalaman ito ni Nathaniel at nakumbinsi na may katotohanan ang kakayahan nito na makita ang hinaharap.


" Tama, ang lahat ng mga may sumpa ng Undying princess ay magiging tau tauhan ko at ang kailangan ko lang gawin ay patayin kayo ngayon dito." 


Binangit nya rin na hangat nasa kanila ang marka ay maririnig at makikita nya ang mga bagay na naririnig at nakikita rin nila kahit nasaang bahagi pa ang mga ito ng endoryo naroroon kaya pinaalalahanan nya ang mga ito na kahit mabuhay sila sa mga oras na iyon ay magiging ispiya sila nito.



" Ano? Totoo ba yun? " tanong ni Ruri habang nag aantay ng pag tango ni Nathaniel.

Gayumpaman sinabi nya na wala syang intensyon na buhayin pa ang mga ito at tinitiyak na ang lahat ng nasa toreng ito ay mamamatay, pagkatapos nito inulit nya ang plano nyang wasakin ang bayan ni Ruri.


" Imposible " sambit ni Xxv.


" Walang makakatangal ng sumpang yan pwera na lang kung mapapaslang nyo ako dito. Dagdag ni Serenity


Dahil sa narinig ni Ruri sa bantang pagwasak sa bayan nya ay hindi sya nag dalawang isip na umatake dito.


Hinawi nya si Nathaniel at walang takot na umatake gamit ang sibat.


" Tatapusin kita bago mo pa iyon magawa!" 


Tumama ang sibat nya dito at gumawa ng matinding pagsabog na halos mag patalsik sa mga bagay bagay sa paligid.


Agad namang tinulungan ni Xxv si Nathaniel nung tumalsik ito at inilayo sa lugar.


Lumabas sa usok ang dalawa at patuloy na nagsasabayan. Gayumpaman ginagamit lang na pang sangga ni Serenity ang pamingwit na hawak nya sa bawat atake ni Ruri sa kanya.


Hindi rin nagpapadaig si Serenity sa bilis ng kakalaban nya at sinabayan ang mabilis na pag atake ni Ruri gamit ang kalawit ng kanyang pamingwit.


" Hahahaha, halika at magsayaw tayo munting binibini." 


Hindi alam ni Ruri kung ano ang pwedeng maging pinsala ng kalawit ng pamingwit kung matatamaan sya nito kaya sinubukan nya parin itong iwasan.


Halos mahiwa ang mga bato ng tamaan ng string ng pamingwit at madurog naman ang bawat tamaan ng kalawit. Humahaba rin ang string nito kaya malaya itong nahahabol si Ruri.


Mabilis namang naiiwasan ni Ruri ang mga string dahil narin sa taglay nyang bilis. 


" Napakataas na antas ng enerhiya ang nilalagay nya sa pamingwit nya kaya nagagawa nitong mahiwa kahit na mga bato pero alam ko na hindi pa iyon ang tunay na kapangyarihan ng crimson item nya." Bulong  ni Ruri.


Kahit na nagagawang makaiwas ni Ruri sa atake nito ay nabibigo syang makalapit pa lalo kay Serenity dahil sa bumapalibot na string dito.


Alam nya na kailangan nyang mag ingat kaya naman itinigil nya ang pag lapit at dumistansya bigla dito.


" oh bakit bata, ayaw mo na agad? Nagsisimula pa lang tayong magsaya." Nakangiting sambit nito.



Napangiti si Serenity at sinusuri ang tinataglay na kapangyarihan ni Ruri dahil batid nya na may mataas na antas na mahika ang bumabalot dito at nag uumapaw sa enerhiya ang katawan ng dalaga.

Umilaw ang sibat ni Ruri at unti unting nagbago ng anyo bilang wagon at dito muli nyang ginamit ito upang umatake at nagpakawala ng mga missle na gawa sa enerhiya.


Wala namang kahirap hirap para kay Serenity na wasakin ang mga energy missle na ito gamit lang ang mga string ng pamingwit nya.


" Hindi tatalab saakin ang mga mahihinang atakeng kagaya nyan." Pagyayabang nito.


Tumigil sa pag kilos ang mga string at bumalik sa pamingwit habang humihikab si Serenity na tila nagpapakita ng pagkabagot.


" Nag abala akong lumabas para magsaya kaya gawin pa nating mas exciting ang mga nangyayari. " 


Inihampas nya ang pamingwit nya sa lapag at gumawa ito ng napakalaking magic circle sa lupang kinatatayuan ni Serenity.


" Garden of the living dead " 


Kumalat sa paligid ang napakalakas na itim na enerhiya at unti unting bumabalot hindi lang sa buong palapag kundi nagsisimula na rin itong kumalat sa buong tore.


" Anong ginagawa nya?


Ilang saglit pa ay nag sulputan ang mga magic circle kung saan lumalabas ang mga higanteng lapida sa ibat ibang parte ng tore.


" Imposible nagawa nyang gawing teritoryo ang napaka laking lugar na ito." 


Hindi makapaniwala ang mga sandata ng eskapa sa nakikita at nasasaksihan kung paanong napalawak ni Serenity ang kanyang teritoryo.


" Napaka makapangyarihan nya talaga, ito na ba ang kapangyarihan ng warlord na si serenity." Sambit ni Kyroz 


Batid nila na kahit sila ay hindi kayang gawin ang ganung kalaking teritoryo dahil nangangailangan iyon ng napakaraming enerhiya  nakatumbas ng 100 nilalang at napakataas na antas ng spell at dahil dito agad na sinabihan ni Pyun si Ruri na buksan ang portal upang matulungan sya na magapi ang kalaban.


Kompyansa syang magagawang matalo nila ang warlord na si serenity kung magtutulungan ang mga sandatang naroon.


Dahil doon ay tumalon palayo si Ruri at naghanda na buksan ang portal para papasukin ang ibang sandata.


Ngunit bago nya pa ito magawa ay biglang sumabat si Nathaniel at pinigilan ang gagawing pagbubukas ni Ruri ng portal. Nakiusap ito na wag ng pumasok sa loob ng tore ang mga espada para sa ikakabuti ng lahat.


" Ano bang sinasabi mo? Wag kang maki elam dito." Galit na sigaw ni Pyun.


" Hindi nyo nauunawaan, hindi kayo pwedeng pumasok sa teritoryo ni Serenity ng basta basta." 


Ipinaliwanag ni Nathaniel sa mga ito na kung papasok ang mga ito ay maaaring mahulog sila sa patibong ni serenity. 


Ang sumpa ng garden of dead ay magdadala sa mga tatapak at magtatagal sa teretoryo nila ng sampung minuto ng sumpa ni Serenity kagaya ng taglay nila Ruri at Xxv at walang kahit anong mahika ang makakapagtangal nito.


Sa oras na mapasailalim ng sumpa ang mga sandata ay magiging mata at tenga na ang mga ito ni Serenity at kagaya ng naunang nyang binangit ay magiging tauhan sila ng warlord sa oras na mamatay sila.


" Ano? "


" Tumahimik ka, bakit ka naman namin pakikingan? "Sambit ni Pyun.


Dito hindi tinangap ni Pyun ang mga nasabi ni Nathaniel at ipinilit ang pagnanais na makapasok dahil kumpyansa sya na kaya nila matapos ang laban sa loob ng limang minuto.


" Mali kayo. Hindi kayo mananalo laban sa kanya."


" Minamaliit mo ba kaming mga sandata? Ikaw na hamak lang na tao na walang ibang alam kundi ang mag magaling." pagsagot nito  


 Tumayo si Nathaniel at hinawakan ang mga balikat ni Xxv para lalong marinig nila ang mga sinasabi nya at ipaunawa na walang kayang makapatay kay serenity sa kanyang teretoryo.


Sa oras mamatay ang kasalukuyang katawan nito ay malilipat lang ang kaluluwa nya sa ibang mga bangkay na napasailalim sa kanyang sumpa.


" Ang bawat mamatay sa kanyang teritoryo ay nagiging mga buhay na bangkay na ginagamit nya bilang mga sundalo sa digmaan." 


" At sa lumipas na  limang daang taon nyang pakikidigma ay parami ng parami ang kanyang mga nagiging tauhan " 


Binangit nya sa mga ito na kahit magpakapagod at magsakripisyo sila ng buhay sa laban na ito ay hindi nila kayang patayin ang isang bilyong katawan ni Serenity.


" Isang bilyon? " 


Nagulat ang lahat sa narinig at kahit wala silang ideya kung totoo ang mga sinabi nito ay nababahala rin sila sa katotohanan na hindi kailanman natalo sa digmaan si Serenity. 


" Walang ibang pwedeng tumalo sa kanya kundi si Magdalena at ang ika sampung warlord ng endoryo." dagdag nito.


Habang nag uusap ang mga ito ay biglang pumalakpak si Serenity para bigyan ng papuri si Nathaniel sa sinabi nito.


" Magaling, medyo hindi lang ako natutuwa dahil mas ok sana kung magiging tauhan ko ang lahat ng mga sandata pero sinira mo lang ang mga plano ko." Sambit nito.


" Nakakapanghinayang pero gayumpaman sapat na siguro ang lahat ng mga narito upang maidagdag sa mga sundalo ko. " 


Muli nyang inihampas ang kanyang pamingwit at nagsimulang umilaw ang mga nakasulat na spell sa mga lapida sa ibat ibang parte ng tore.


" Gumising kayo mga alagad ko at magbigay ng magandang pagbati sa mga bisita saating lupain!.


Kasabay ng pagpapakawala ng napakalakas na itim na enerhiya ng magic circle sa mga lapida ay nag labasan dito ang napakaraming buhay na bangkay ng mga mandirigma.


" Napakarami nila. " 


Nagsimulang magtakbuhan ang mga buhay na bangkay at inatake ang mga aplikante at halimaw na nasa loob ng tore.


" Asar ! Lahat kayo pumunta kayo sa ika labing dalawang palapag, bubuksan ko ang portal palabas sa tore na ito." 


Dahil sa nakikita ni Ruri na alanganin sila sa laban ay inutusan nya ang lahat ng tauhan nya at  mga aplikante gamit ang telepono na nakakabit sa bawat isa na pumunta sa palapag kung saan bubuksan ang portal.


Dahil rin sa binuksan ni Ruri ang koneksyon nya sa lahat ay naririnig nya rin ang mga sigawan at pag hingi ng tulong ng mga ito.


Sumagot ang ibang tauhan nya at sinabing nahihirapan silang makaalis sa palapag kung nasaan ang mga ito dahil napapaligiran ang buong lugar ng mga buhay na bangkay.


" Asar, Hindi ko maaaring iwan sila rito basta." 


Dahil nga sa mga dating mandirigma ang mga tauhan ni Serenity ay nagagawa nilang sabayan at matalo sa laban ang ibang mga aplikante.


" Lady Ruri mabuti pa buksan nyo na ang portal ako na bahala na pumigil sa kanya habang tumatakas kayo dito. " Sambit ni Xxv 


Nabalot ng pulang usok ang paligid at nagsimulang umatake ang pulang apoy ni Xxv sa mga buhay na bangkay.


Napakadali sa kanya na matupok ang ibang mga bangay ngunit may iilan rin na nagawawang makakilos pa at balewalain ang pag kakasunog ng katawan nila.


Isang dambuhalang orc naman ang bumubulusok papunta sa kanila at hindi nito iniinda ang bawat pag tama ng pulang apoy.


" Lady Ruri, pakiusap unahin nyo na ang sarili nyo. Dahil kung totoo nga na kaya nyang mabuhay sa ibang katawan ng mga bangkay ay wala tayong magagawa para matalo sya sa teritoryo nya." Sambit ni Xxv.


Gayumpaman hindi tinangap ni Ruri ang kahilingan ni Xxv dahil hindi nya kayang iwan ang mga tauhan nya at basta iligtas ang sarili na tila ba isinasakripisyo nya ang mga ito para makaligtas.


" Hindi ako ang klase ng pinuno na iiwan ang mga tauhan ko para iligtas ang sarili ko at isa pa wala na rin silbi ang tumakas lang dahil napasailalim na ako sa sumpa." 


Dito nasambit ni Ruri na walang kwenta ang tumakas sa sitwasyon nila at magkakaroon lang sila ng tagumpay kung tuluyan matatalo ang lahat ng buhay na bangkay na maaaring maging katawan ni Serenity.


Naglabas ng napakalakas na enerhiya si Ruri at umilaw ang mga mata, sa pagkakataon na iyon ay inilabas nya ang crimson eye nya at pinagana.


" Tunay nga na nakakatakot ang taglay mong abilidad pero hayaan mong ipakita ko sayo kung bakit ako tinawag na buhay na sandata ng digmaan." 


Naglitawan ang higit isang daang magic circle sa paligid  at lumabas mula rito ang mga kanyon na katulad ng anyo ng crimson item nya.


" Tikman mo ang kapangyarihan ko." 


" Gatabaru shugin" 


Nagsimulang maglabasan ng mga energy missile ang mga kanyon na syang tumama sa libo libong mga buhay na bangkay.


Agad na sumasabog ang mga missile pagkatapos tumama sa mga bangkay at pumulbos sa mga ito.


Sa sobrang lakas nito nakawatak watak ang mga katawan nito at halos magliparan sa ere.


Hinangaan ng mga tauhan nila ang napakalakas na kapangyarihan ni Ruri at natutuwa dahil tila nakakakita sila ng pag asa na manalo sa laban na iyon.


Kinikilala si Ruri ng lahat bilang buhay na sandata ng digmaan dahil sa kakayahan nitong manalo sa isang digmaan gamit lang ang mga kakayahan nito na maglabas ng mga sandata sa digmaan.


Patuloy din ang pag ubos ni Xxv sa mga buhay na  bangkay na nakakalapit sa kinaroroonan nila upang protektahan si Ruri.


Gayumpaman hindi mababakas sa mukha ni Serenity ang pagkabahala kahit na nakikita nyang nauubos ang libo libo nyang mga tauhan sa harapan nya.


" Oh... Magaling, paano kaya kung ganito naman ang gawin ko." 


Pinaglaruan ni Serenity sa kamay nya ang pamingwit nya at pinapaikot sa katawan nya habang magiliw na nag cacast ng magic circle.


Dito ay ibinato nya ang kawit papunta sa magic circle sa harap nya at tila ba namimingwit ng isda.


" Oras na para ipakilala ko ang isa sa mga collection ko. " 


" lumabas ka Garuda."


Hinila nya ang pamingwit nya at pinalabas mula sa loob ng magic circle ang napakalaking bangkay na dragon.


" Ano ang isang yan?" 


Nagulat ang lahat lalo na si Agane sa nakita nya at hindi makapaniwala na makikita ang dating sa alamat lang naririnig bilang isa sa pinaka dakilang nilalang.


" Imposible ang dragon na si garuda."


Ipinaliwanag nya sa mga ito na ang dragon na kaharap nila ay isa sa mga prime dragon na tinuturing na pinakamakapangyarihan sa lahat ng naging pinuno ng Dragon continent.


" Ayon sa kwento bago pa mapalitan ang pinuno ng Cristal dragon kingdom ay daang taon na pinamunuan ni garuda ang pinaka malakas na bayan ng dragon sa kasaysayan ngunit bigla syang naglaho na parang bula higit tatlong daang taon ng nakakalipas." 


Dito sumabat si serenity sa pag uusap nila at ikwinento na nagawa nyang matalo sa laban si garuda at gawin itong alipin nya at para sa kanya masaya kalaban ang mga dragon gayumpaman hindi nya itinuturing na kapantay sa kapangyarihan ang lahi ng mga ito dahil sa limitasyon ng kanilang mga katawan na namamatay kagaya ng normal na nilalang.


" Para patunayan sainyo ang kapangyarihan na taglay ni garuda ay hahayaan ko kayong labanan sya." 


Nagpakawala ng napakalakas na enerhiya si Garuda kasabay ang pagsigaw nito na umalingawngaw sa paligid.


Ilang saglit pa ay nag ipon ito ng itim na enerhiya sa kanyang bibig at umamba ng pag atake.


" Lady Ruri." 


Isang napakalakas na dragon blast ang pinakawalan nito na halos umabo sa ano mang daanan nito.


Sumabog ang boung lugar at nag iwan ito ng hukay na halos dalawapung metro lawak at tatlompung talampakan ang lalim at sumira sa boung lugar.


Nagimbal ang lahat aa nasaksihan at nag alala sa kalagayan ni Ruri. Gayumpaman ay nagawang makalayo nila Xxv kasama si Ruri at nathaniel dahil sa pulang usok.


" Ayos lang kayo? " Tanong ni Xxv.


Dito ay muli nilang nakita ang mga nagtatakbuhang mga bangkay palusob sa kinaroroonan nila.


Bigla naman nabalot ng pulang usok ang paligid nila at sinuot ni Xxv ang mask nya upang maghanda na makipag laban.


Nagdatingan na rin ang mga taong pusa na tauhan ni Ruri at nagsiluhod sa paligid nito upang ipaalam ang pagbabalik nila.


" Lady Ruri ako na bahala sa dragon. Kung hindi natin matatalo ang warlord ay hindi mauubos ang mga bangkay sa paglabas sa mga magic circle."


Bumuntong hininga naman si Ruri habang binabangit na wala syang magagawa para iligtas ang lahat kung muling aatake ng ganun kalakas na pag atake ang dragon na si garuda.


Ang atakeng iyon ay nasa pang apat na grado ng dragon magic at hindi kayang salagin ito ng proteksyon sa katawan ng mga tauhan nya.



Alam ni Ruri na hindi pa nagtatagal ang mga tauhan nya  sa teretoryo ni Serenity at wala pang sumpa kaya maaari pa silang lumabas sa lugar na iyon.

" Iligtas nyo ang mga sarili nyo at bumalik na sa bayan para tulungan si Seberus na pangalagaan ito, ako na ang bahala dito." 


Biglang napatayo ang ilan sa mga tauhan nya at hindi sumang ayon sa sinabi ni Ruri. Pinilit ng mga ito na hayaan sila na sumama sa laban at ipinaalala na sumumpa sila na gagawin ang lahat para tulungan si Ruri sa ano mang laban.


Para sa kanila ay magiging kahiya hiya silang mga myembro ng katsuki kung iiwan nila ang pinuno nila.


Tinignan nya ang mga tauhan nya at napagtanto sa mga determinadong mga itsura nito na handa silang mamatay sa laban kasama nya.


Natuwa sya sa sinabi ng mga ito at kinilala ang kanilang tapang at katapatan gayumpaman ay hindi nagbago ang isip nito na paalisin ang mga ito.


" Kapag namatay kayo dito ay magiging tauhan kayo ng warlord at gagamitin upang pumatay pa ng mas maraming nilalang."


" Umalis na kayo hangat hindi pa kayo nagkakaroon ng sumpa sa katawan." Dagdag ni Ruri habang lumilitaw sa gilid nya ang sibat nya.


" Pero lady Ruri." 


Inihampas ni Ruri ang sibat nya sa lupa at galit na inutusan ang mga ito na sumunod sa utos bilang isang tapat na alagad nito.


" Hindi ko masasabi kong magagawa ko ngang matalo ang warlord at sa tingin ko walang saysay kung pare pareho tayong mamamatay sa lugar na ito." Sambit nito.


Napayuko na lamang ang mga ito dahil sa pagkadismaya sa sariling mga kahinaan at walang nagawa kundi sumang ayon at sumunod.


" Isama nyo na ang taong yan palabas dito kung totoo ngang nakikita nya ang hinaharap ay malaki ang magiging pakinabang ng eskapa sa kanya."  Sambit ni Ruri.


Natahimik saglit ang lugar kasabay ang paghampas ng hangin sa kanila. Dito pinagmasdan ni ruri ang paligid nya habang patuloy na tumatakbo palusob ang mga bangkay.


Alam nya sa isip nya na kahit mapatay nya ang libo libong mga bangkay at matalo ang dragon ay wala syang pag asang manalo sa laban lalo pa halos wala pang ginagawa si Serenity.



Habang pinagmamasdan nya si nathaniel ay napaisip angvdalaga bigla.

" Isang tao nakakakita ng hinaharap? Tsk, napaka unfair nito." 

Tumahimik bigla ang paligid habang patuloy ang paglalakad ni Ruri pasulong para maghanda sa laban.

" Sabihin mo tao, mamamatay ba ako sa lugar na ito? " 


Nagulat si Nathaniel sa tanong nito at walang naisagot dito dahil para sa kanya ay hindi maganda sabihin ito sa mga oras na yun. Napailing na lang ang binata at piniling manahimik.


Nagbuntong hininga si Ruri at ngumiti na lamang habang sinasabing hindi na kailangan sumagot pa ng binata dahil para sa kanya ay wala ng kwenta kung malaman man nya ito dahil kahit anong mangyari ay makikipaglaban sya hanggang sa huli.


Winasiwas nya ang kamay nya kasabay ang pagbubukas ng portal.


" Sige na umalis na kayo, Mabuhay kayo at patuloy na lumaban para sa kapayapaan." 


Nilapitan ng mga tauhan ni Ruri si Nathaniel at hinila papunta sa portal.


Dito hindi maalis sa paningin ni Nathaniel si Ruri habang naglalakad ito.


Binabagabag ang loob nya na tila nakakaramdam na mayroon mali sa gagawin nyang pagtakas sa lugar para iligtas ang lugar at iwan sila Ruri at Xxv kahit alam nito na mamamatay ang mga ito sa kamay ni Serenity.


Naalala nya bigla ang sinabi ni Koko sa kanya nung nahuhulog sya sa kawalan bago sya mapunta sa endoryo.


Sumagi sa isip ng binata ang mga katagang hawak ni Nathaniel ang kapalaran ng bawat nilalang sa endoryo at maaaring mabago ang mga naitakdang tadhana depende sa gagawin nyang mga desisyon at aksyon.


" Xxv, gusto ko sanang pasunurin ka sa kanila pero hangat nasa atin ang sumpang inilagay nya ay manganganib ang buong Eskapa." Sambit ni Ruri.


" Wag nyo po akong alalahanin lady Ruri, nakahanda po ako sa anong mangyayari sa laban na ito." 


Tumalikod si Nathaniel sa dalawa at patuloy na naglakad papasok sa portal kahit na binabagabag ng konsensya.


Nasa isip nya na kung totoo ngang kaya nyang baguhin ang tadhana ng bawat nilalang ay magagawa nyang mailigtas  si Ruri at ang mga nasa loob ng tore gayumpaman pinangungunahan sya ng takot dahil narin sa nakita nyang paglusob ng dragon kanina.


Alam nya na wala syang kayang labanan na kahit na isa sa mga tauhan ni Serenity at wala syang pwedeng magawa para matalo ang warlord.


Habang naglalakad ay biglang may naalala si Nathaniel tungkol sa kapangyarihan ni Serenity.


" Tama, ang teritoryo nya ay may core kung saan naroon ang totoong katawan ni serenity ". Bulong nya sa isip nya.


Kinausap nya sa isip nya si Melon at tinanong kung nararamdaman ba nya kung nasaan ang tunay na katawan ni Serenity na nagpapagana sa teritoryo nito.


Agad naman na sinagot ito ni Melon at itinuro na may napakalakas na presensya ang matatagpuan sa unang palapag ng tore at nakakasiguro ito na nagmula ito sa warlord.


Napatigil si Nathaniel sa pag lalakad at humarap kanila Ruri habang sinasabi sa mga ito na hindi pa huli ang lahat.


" May paraan pa para makaligtas kayo sa kamatayan." Sambit nito.


" Huh?" 


Alabngapoy Creator

Episode 30 part1