Chapter 19 part 2

Nathaniel POV


Habang kinakausap ko si Ataparag ay nalaman ko na hindi nya parin nakakalimutan ang pagiging halimaw nya pero hindi na dapat ako nagugulat dahil nasabi na rin ito ni Nyabu.


Ewan, siguro nagduda lang ako kay Nyabu o ayoko lang talagang tangapin na may natitira sa kanyang pagkatakam sa laman ng tao.


Hindi ko alam kung tama lang ba ito pero alam ko na masama ito lalo na sa mga taong makakasalamuha nya pa sa hinaharap.


" Nabangit na saakin ni Nyabu ang tungkol sa kasunduan nyo ni Sei kaya nag aalala lang ako na baka masira mo ang tiwala nya." Sambit ko rito.


" Huh? Nabangit sayo ni Nyabu? Pero hindi ko naman sinasabi sa kanya ang tungkol sa kasunduan namin ng kamahalan." Pagtataka nito.


Masyadong komplikado ang bagay na iyon at malamang hindi nya rin alam na nasa tabi nya si Nyabu at toto para patayin sya kung sakali na malabag nya ang kasunduan.


Nakakalungkot isipin ang kanikang sitwasyon gayung sa nakikita ko ay para na silang magkakapatid sa kanilang team.


" Hindi na mahalaga iyon, ang gusto kong malaman ngayon ay kung bakit mo ako sinusubukan kainin kahit na nasa tamang pag iisip ka nung gabi." 


Bigla itong nag panik at itinangi ang pagpatay saakin nung gabi at sinabing epekto lang ng pagkatakam nya sa laman ang nagawa nya.


" Alam mo kasi napaka bango para saaming mga halimaw ang laman ng tao lalo na ang sayo." Sambit saakin nito.


" Lalo na saakin?" 



Ipinaliwanag nya na may kung anong espesyal saakin at ibang iba ang amoy ng laman ko kesa sa ibang tao kaya naman tuwing gabi kung kelan mahina ang kapangyarihan ng crimson item ay hindi nya maiwasang hindi maakit dito.


Binangit nya na nagkakaroon sya ng pagkatakam na halos nagpapatibok sa puso nya ng mabilis at mawala sa katinunan.


Hinawakan nya bigla ang mga kamay ko habang ipinapaliwanag na naaamoy nya ang napakasarap na karne at sariwang dugo sa katawan ko at lalo syang ginaganahan kapag nahahawakan ako.


Kitang kita ko ang kislap ng mga mata nya at halos maglaway sya habang sinasabi na napaka bihira ang makakain ng karne na tulad ng saakin at gustong gusto nya itong tikman kahit kunti.


" Kaya mister nathaniel pwede ba kahit isang daliri mo lang ay ibigay mo saakin." Sambit nito habang dinidikit ang mga kamay ko sa pisngi nya.


Dahil sa pagkabahala ay napahawi na lang ako sa kanya at unti unting lumalayo dahil mukhang nababaliw na sya dahil sa pagkatakam sa karne ko.


" Syempre hindi pwede." 


Bigla itong yumuko at nalungkot na parang nangungunsensya pa habang sinasabi na wala syang tanging hiling saakin kundi ang laman ko lang.


" Pwede ba wag kang magbiro ng ganyan." Sambit ko.


Bumuntong hininga ito at tumigil sa pangungulit saakin.


" Inaasahan ko na hindi mo ako pagbibigyan pero ok lang ayoko rin naman din na masira ko ang kasunduan ko sa kamahalan." Sambit nya.


Dahil sa nabangit nya ay hindi ko naiwasan magtanong sakanya na kung alam nya na maaari syang mapahamak kung sakaling kinain nya ako.


Inamin naman nya na mapaparusahan sya kapag may nakaalam nito pero wala naman talaga syang balak na kainin ako dahil gusto nya lang talaga maranasan ang masarap na pakiramdam nya tuwing natatakam sa sya karne ng tao.


" Iba kasi ang mga tukad kong halimaw sa tao. Masarap sa pakiramdam namin kapag may gusto kaming kainin na mabango saaming pang amoy." 


" Kung baga kapag may Letson manok sa harap mo at naglalaway kang tikman ito at may kung ano sa katawan mong nagpapabuhay sa dugo mong kagatin ito " dagdag nya.


Gayumpaman  sinabi nya saakin na isang beses nya palang naman sinubukan ito at tanging saakin nya lang ito ginawa dahil narin ako palang ang kaisa isang taong tumira sa dorm.


" Pangako hindi ko na uulitin yun, wag ka ng magalit saakin." Paki usap nito habang hinahawakan ulit ang kamay ko.


Hindi naman talaga ako nakakaramdam talaga ng takot o galit sa kanya dahil siguro alam ko na hindi ako mamamatay sa mundong ito pero nababagabag ako dahil nag aalala ako.


" Okay pero sana wag nyo na ulitin iyon dahil napaka delikado para sa inyo." Sambit ko dito.


Bigla nya akong niyakap habang nag papasalamat, hindi ko naman maiwasang hindi mahiya at mag blush dahil sa ginawa nya.


Sa unang pag kakataon ay nayakap ako ng ibang babae maliban sa kapamilya ko at wala naman akong paki kung isa syang halimaw dahil napaka cute nya parin naman.


Pero habang yakap yakap nya ako ay naramdaman ko na pinipisil nya ang likod ko at napapansin ko na inaamoy nya rin ako.


" Miss ataparag"


" Ano yun mister Nathaniel?" Tugon nito.


" A-an-no yang ginagawa mo?" Tanong ko.


Bigla nyang tinakpan ang bibig nya at tumalikod saakin habang humihingi ng tawad.


" Isang beses na lang pangako hindi na mauulit." 


Napabuntong hininga na lang ako pero gumaang na rin ang loob ko dahil nalaman ko na hindi naman ganun kakomplikado ang lahat dahil nagagawa nya parin kontrolin ang sarili nya.


" Alam mo miss Ataparag napakalaki ng utang na loob ko sayo hindi lang dahil sa binibigay mong pagkain at tirahan saakin kundi dahil hindi ako nakakaramdam ng takot at pagkabalisa kahit na unang beses ko palang napadpad sa lugar na ito." 


Binangit ko sa kanya ang nasa loob ko at pagpapasalamat dahil pinaramdam nya saakin na hindi ako nag iisa at hindi ako mababang uri ng nilalang kagaya ng karamihan sa lugar na iyon.


Ngumiti lang ito at pumikit habang ibinabalik saakin ang pagpapasalamat dahil nagkaroon sya ng pagkakataon na tumulong at maging makatwiran kagaya ng kanyang nais na gawin.


Habang nag uusap kami ay bigla namang tumunog ang mga speaker at pinatatawag na lahat ng aplikante upang magsimula.


" Naku limang minuto na lang at magsisimula na kayo dalian mo na at baka mahuli ka pa." Sambit nito 


Ipinaalala nya saakin ang susunod na pagsusulit ay may kasamang combat exam kaya pinaaalalahanan nya akong mag ingat.


Napa isip na lang ako bigla kung magagawa ko bang makapasa kahit na wala naman akong ibang kakayahan.


Wala akong tinataglay na kaalaman sa pag kontrol sa enerhiya maliban na lang sa kapangyarihan ni Melon.


Kung iisipin ay kaya kong lumikha sa wala kaya naman malaking bagay na iyon para makasabay sa laban.


Bilang lumabas mula sa loob ng hood ko sa likod si melon at binangit saakin na may naisip syang pwede kong magamit na paraan para magkaroon ng kapangyarihan kahit wala akong kaalaman sa pakikipaglaban.


" Pwede mong kopyahin ang mga crimson item basta magagawa mo ang mga kondisyon. " Bulong nya saakin.


Naalala ko na ang tanging kondisyon lang naman ay ang makita, mahawakan, maamoy o maramdaman ko ang isang bagay ay maaari akong makalikha ng katulad nito.


Dahil sa ideyang iyon ay inirekomenda ni Melon na subukan ang paraan na ito sa Crimson item ni Ataparag.


Isang Alpha class si Ataparag at nabiyayaan na sya ng crimson item maliban sa binigay sa kanya ni Sei.



" Ah .. miss Ataparag pwede ko bang mahawakan ang Crimson Item mo?" 


Nagtaka ito sa hiling ko at tinatanong kong bakit ako interesado sa kanyang crimson item.


" Wala naman pero gusto ko lang subukan ang kapangyarihan ni Melon." 


" Kapangyarihan ni Melon?"


" Ah, yung sinasabi nung Tatay mo na magiging katuwang mo dito." Sambit nya.


" Hindi ko sya Tatay!" Sigaw ko sa kanya.


Nabangit ko sa kanya na pwede kong gamitin ang kakayahan ni Melon para manalo sa pagsusulit na magaganap.


Kahit na wala syang alam sa gagawin ko ay pinagkatiwala nya na ipahawak saakin ang kanyang mga hikaw.


Ang isa ay ang crimson item ni Sei at ang sa kanan naman ay ang kanyang napanalunan sa crimson game.


" Maraming salamat.


Sa sandaling ito ay biglang umilaw ang mga mata ni Melon at sinysubukan ang kapangyarihan nya.


" Power of creation " 


Napalibutan sya ng mga magic circle at biglang nag luwa ng dalawang hikaw sa kanyang bibig na agad ko naman nasalo.


Nagulat naman si Ataparag sa nangyari at nagtataka kung bakit may kaparehas na hikaw na inilabas sa bibig ni Melon.


" Ah .. eh.. sabihin na lang natin na parang kinokopya ni Melon ang mga crimson Item." Sagot ko na lang rito.


Nagulat ito at sinabing imposible iyon dahil nagmula kay crimson ang mga crinson item at nakasaad sa patakaran na bawal itong kopyahin ng ano mang mahika.


Gayumpaman ay humanga sya kung totoo man ang kakayahan ni Melon.


" Hindi ko rin alam pero pwede nating subukan." Sambit ko.


Tinangka kung subukan kung tagumpay na nakopya ni Melon ang mga crimson item at dahil hindi naman gagana saakin ang crimson item na mula kay Sei ay yung kay Ataparag na lang ang susubukan ko.

" Ano ba ang kayang gawin ng Hikaw na ito? Tanong ko habang isinusuot ito.



" Ah.. ang totoo maganda naman ang kakayahan ng crimson item ko pero hindi ko alam kung pwede mo itong gamitin." 


Ipinaliwanag nya ang kakayahan nyang kumilos ng mabilis kagaya ng kay Nyabu na tila sumasabay sa hangin pero ang kondisyon na hindi ka hihinga habang ginagamit ito ay talagang napakahirap lalo na sa kagaya kong tao.


" Nakakapagod makipaglaban at nakakaubos ng lakas kaya naman kung hindi ka hihinga habang napapagod ka ay madaling susuko ang katawan mo." Dagdag nito.


Napabuntong hininga na lang ako sa nalaman ko dahil kung binigyan lang ako ng malakas na katawan ay hindi ko na aalalahanin pa ang maliliit na bagay.


Gayumpaman ay nagpasalamat ako kay ataparag dahil muli ay nagkautang na loob nanaman ako dito.


" Pangako makakapasa ako at makakasali sa team mo." 


" Aasahan ko yan at kapag nagtagumpay ka ay ililibre kita sa labas ng masasarap na pagkain " 


Binabangit nya ito habang nakangiti saakin ng napakaganda, napaka panatag ng kalooban namin sa isat isa na para bang magkapatid lang kami na nagtutulungan.


Napakasaya ko dahil nagkaroon akong pagkakataon na maramdaman ito, isang nilalang na hindi nag dududa sa kakayahan ko sa gitna ng limitasyon ko bilang tao at nag aabang sa tagumpay ko.


Hindi ko naramdaman ang pakiramdam na ito sa dati kong mundo at sa tingin ko ang pakiramdam na ito ay lalong nagtutulak saakin na gawin ang lahat ng makakaya ko.


Napakalaki ng pasasalamat ko talaga sa kanya at ipinapangako ko na makakabawi rin ako sa lahat ng kabaitan nya saakin.

undefined

Alabngapoy Creator

Part 2