Chapter 33 part 1
Lumipas ang isang oras na paglalakbay ay binabagtas na nila ang daan papasok na sana ng isang bayan na tatlong oras na lang ang layo mula sa galica ngunit huminto ang kanilang mga karwahe dahil sa mga takot na takot na kabayo.
Nagulat at nangangamba ang mga pasehero sa ikinikilos ng mga kabayo kaya naman ang ilan sa kanila ay nag babaan upang tignan ang mga nangyayari.
Hindi malaman ng mga may ari ng mga kabayo kung bakit ayaw nito magpatuloy na tahakin ang daan na tila natatakot na magpunta sa bayan.
" Anong problema? Malapit na tayo sa bayan kung napapagod o nagugutom sila ay dun na tayo magpalipas ng oras."
Dahil sa pagtatagal nila sa lugar ay lumapit na din sila Nathaniel sa unahan ng karwahe upang malaman ang tunay na nangyayari.
Nahalata ni aibara na natatakot ito at nagkaroon ng hinala na ayaw nila magpunta sa bayan.
Gayumpaman mukha namang payapa ang bayan at walang makikita mula sa kinatatayuan nila na ano mang senyales na masama.
Wala rin halimaw silang nararamdaman sa paligid dahil nga sa malawak ang teritoryo ng pinoprotektahan ng mga kristal na nagtataboy sa mga halimaw.
Patuloy ang pagtataka nila at habang umiikot si Nathaniel sa palibot ay napansin nya ang isang malaking bato sa gilid ng daan ilang metro lang ang layo nila.
Dito ay biglang lumabas si Melon sa hood nya at Pumatong sa ulo ng binata habang binibigyan nya ito ng babala.
" Mag iingat ka, may nilalang na nagtatago sa likod ng mga bato na yan."
" Ano? Talaga? "
" Magaling sya magtago ng presensya kaya hindi ko alam kung gaano sya kalakas sya pero sa tingin ko inaabangan nya na magdaan ang karwahe bago sya umatake."
" Nathaniel Kinakailangan nyong umalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon." Dagdag ni Melon
Napansin ni Harik na tila nababagabag si Nathaniel kaya naman nilapitan nya ito at tinanong.
Hindi malaman ni Nathaniel ang gagawin dahil wala syang ideya kung ano nga ba talaga ang nilalang na naroon gayumpaman hindi nya malaman kung paano nya sasabihin kung gaano kadelikado ang sitwasyon nila.
" Hoy, ano naman ang problema mo dyan?" Pagsusungit ni Aibara.
" Kailangan na natin umalis dito."
Nagtaka sila sa nasabi ni Nathaniel at binale wala lang sya nila nito at hindi pinakingan.
" May nagtatago sa batuhan na iyon at nakahandang umatake ano mang oras saatin." Sambit nito.
Agad na nagduda si Aibara sa nasabi nito dahil wala syang nararamdamang presensya ng ibang nilalang sa batuhan.
Humakbang si Aibara palapit sana sa Batuhan ng bigla syang hawakan sa kamay ni nathaniel para pigilan.
" Hoy bitawan mo nga ako."
" Makinig kayo alam kong mahirap paniwalaan pero nagsasabi ako ng totoo. Delikado ang buhay natin kapag hinarap natin sya."
Dahil nga hindi maipaliwanag ni nathaniel ang tungkol sa pagbibigay ni Melon ng babala sa kanila ay nahihirapan syang kumbinsihin ang mga ito.
Para kanila aibara ay isa sa trabaho nila ang siguruhin ang kaligtasan ng kanilang paglalakbay bilang mga adventurer at isa pa sa pinapaalam ng dalaga dito na ang ruta na dinadaanan nila ay ang kaisa isang daan patungo sa galica kaya hindi sila pwedeng umalis.
Hinawi ni Aibara ang kamay ni Nathaniel at muling humakbang pasulong at kasabay nito muling nag paalala si melon kay Nathaniel na sa oras na magsimulang umatake ito sa kanila ay mapapahamak ang dalaga kaya naman hindi nagdalawang isip na sungapan ng binata ito hangang sa mapatumba sila sa lupa.
Dahil doon ay lalong nainis si Aibara at pwersahan itong itinutulak palayo hangang sa makabwelo ito at sinipa ang binata palayo sa kanya.
Agad naman tumayo si Aibara sabay kinuha ang pana at tinutukan ng palaso si Nathaniel.
" Ano bang pumapasok sa ulo mo manyak ka! Sa oras na gawin mo ulit yun ako na papatay kayo." Galit na sambit nito.
Nagulat sila masaw at harik sa nangyari sa kanila at pinapatigil ang kanilang pag aaway lalo na ang pagtatangkang pataamaan ni Aibara ng palaso si Nathaniel.
Sinubukan lumapit ni Masaw para pakalmahin si Aibara at ilang sandali pa ay bigla syang napahinto sa paghakbang ng may makitang taong lumalabas sa batuhan.
" Huh, isang batang babae?"
Isang may mahabang asul na buhok na batang babae ang lumabas doon, Nakasuot ito ng magandang asul na damit at nasa sampung taon gulang ang edad nito. May hawak din itong isang kahoy na baston.
" Bakit may batang babae dito?"
" Nakita nyo po ba ang Mama ko?" sambit nito."
" Yan ba ang sinasabi mong dapat namin iwasan, isang naliligaw na bata? " Sambit ni Aibara.
Dahil sa narinig ay inakala nila na naliligaw lang ang batang babae kaya naman sinubukan na lapitan sya nila Aibara.
Muling Lumabas ng Hood si Melon at pumatong sa ulo ng binata para balaan sya.
Dito ay ipinaalam nya na may mali sa batang nasa harapan nila dahil libo libong ispirito ang nagtitipon sa iisang lugar at walang iba kundi sa mismong kinatatayuan ng batang babae.
Binigyan sya ng Ideya ni Melon na maaaring nagtatago sa katawan ng tao ang nilalang na nasa harap nila upang hindi sya maramdaman ng ibang nilalang dahil nga sa karamihan sa mga tao ay walang enerhiya sa katawan na pwedeng maramdaman ng iba.
Gayumpaman nagduda parin ang binata sa nasabi nito dahil maging sya ay kumbinsido na mukhang normal na batang babae ang nasa harap nya kaya naman natanong nya si Melon kung paano sya nakakasiguro sa mga nasabi nya.
" Hangang ngayon wala ka parin tiwala saakin, naalala mo ba ang sinabi ko na nararamdaman ko ang mga nilalang sa paligid ko? Dahil ang tulad ko ay nakakaramdam ng ispirito ng nilalang kaya madali saakin na malaman ang kinaroroonan nila".
Ilang saglit pa ay humakbang din palapit sa bata si Misaw habang tinatanong kung naliligaw ba ang bata at kung paano sya napunta sa lugar na iyon.
Nagpatuloy naman mas lumapit pa si Aibara at inalok ng tulong ang bata para mahanap ang kanyang magulang sa malapit na bayan.
" Nathaniel pigilan mo syang lumapit kundi mapapahamak ang babaeng yan." Sambit nya habang nakikipag usap sa isip.
" Pero paano ko naman gagawin iyon, ang alam nila isa talagang tao ang batang yan. "
Dito ay inutusan ni Melon ang binata na atakehin ng nakuhang abilidad ang bata upang malaman nila Aibara na nagsasabi sya ng totoo.
Nagulat naman si Nathaniel sa iniutos nito at agad na tumangi dahil hindi nya kayang umatake sa isang bata.
Dahil sa pag aalinlangan ay nasabi sa kanya ni Melon na kapag wala syang ginawang ano mang bagay ay wala syang maililigtas na sino man.
" Pero hindi naman ganun kadali ang pinapagawa mo." Pag angal nito.
Hindi magawang masunod ni Nathaniel ang sinasabi ni Melon dahil para sa kanya nya ay sakaling magkamali si Melon sa pagtukoy na isang kalaban ang batang babae ay maaaring makapatay sya ng isang inosenteng bata lalo na wala pa itong ginagawang masama.
" Dahil sa sinasabi mo ay malinaw na saakin na hindi mo kayang pagkatiwalaan ang sinasabi ko kung ganun wala na akong magagawa sa bagay na ito. Mabuti pa mag isa ka na lang tumakas sa lugar na ito habang may pagkakataon pa." Sambit ni Melon.
Nagkakaroon ng magulong pag iisip si Nathaniel dahil sa tila pag subok sa pagtitiwala nya sa mga sinasabi ni Melon , naging mahirap para sa binata ang pag dedesisyon gayumpaman ay sumasagi sa isip nya na kung wala syang gagawin ay baka magsisi sya sa bandang huli.
Kaya naman kahit may duda ay ginamit nya ang kapangyarihan ni kula at nag labas ng enerhiya na nagmula sa kristal sa braso nya hangang sa maglabas ng apoy ang kanyang mga kamay.
Dito ay agad syang tumayo sa kinauupuan nya at buong pwersang pinatamaan ng fireball ang paslit.
" Yahhh!!!" Sigaw ng binata.
Tinamaan naman ito at nagpagulong gulong sa lupa kasabay nun ay ang pag tupok ng nag aalab ng apoy sa bata.
Nagpumiglas ito at humihiyaw habang sinusunog ng buhay ang kanyang katawan.
Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala sa ginawa ni Nathaniel sa batang babae at maging sya ay halos matulala na lang at hindi makagalaw sa takot na baka nagkamali sya sa kanyang ginawa.
" Anong ginawa mo? Bakit mo iyon ginawa sa bata." Sigaw ni Aibara.
Nang gagalaiti sa galit si Aibara habang gigil na gigil na humahakbang palapit kay nathaniel.
" Bakit mo ginawa yun sa inosenteng bata." Sigaw nito.
Walang pag aalinlangan na sinapak nito si Nathaniel dahilan para mapahiga ang binata sa lupa.
Wala namang naging tugon si Nathaniel kundi ang panlulumo habang pinag mamasdan ang nakahandusay na katawan ng batang babae na patuloy na tinutupok ng apoy.
" Napaka sama mo, wala kang puso dapat sa katulad mo pinapatay." Galit na sambit ni Aibara.
Agad na kinuha ni Aibara ang pana nito at itinutok ang palaso sa ulo ni Nathaniel habang sinasabi sa binata ang kaparusan na matatangap nya sa kanyang ginawang krimen.
Dahil sa wala sa katinuan si Nathaniel dahil sa pag kabigla ay hindi nya na naiintindihan ang mga sinasabi ni Aibara. Nakatingin na lang ito sa dulo ng palaso na nakatutok sa kanya at tila ba handa na itong saluhin ito.
" Anong ginawa ko? Nakapatay ako ng inosenteng bata?"
Bago pa man mapakawalan ni Aibara ang kanyang palaso ay bigla na syang inatake ni Masaw gamit ang mahinang mahika upang pigilan ang kanyang gagawin sa binata.
" Anong ginagawa mo masaw, wag mong sabihin ok lang sayo ang ginawa ng kriminal na ito?"
" Huminahon ka, hindi mo sya pwedeng basta patayin." Sagot nito.
Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila dahil sa pagtatangol ni masaw sa binata dahil kahit sinasabi ni Aibara na kailangan maparusahan si Nathaniel sa walang awang pag patay nito sa bata ay hindi kombinsido si masaw sa paghahatol ng dalaga ng kamatayan sa binata dahil hindi naman sila alagad ng batas ng galica at wala syang awtoridad na gawin ito.
Dahil doon ay kwinesyon ni Aibara ang ginagawang pagtatangol nito na kaya ito kumakampi sa binata sa kasamaan na ginawa nito ay dahil lang sa nag bigay ito ng mga pagkain sa kanila.
Agad naman itong itinangi ni Misaw at tuluyang nakipagtalo rito dahil hindi sila dapat gumagawa ng mga desisyon na ayon lang sa kanilang kagustuhan lalo na sumumpa silang hindi papatay ng tao.
Pinapalabas ni Misaw na labas na sila sa mga bagay na walang kinalaman sa kanila at pinaalala na hindi sila mga bayani para maningil ng buhay ng mga kriminal kundi mga mandirigma para mabuhay.
Naniniwala si misaw na kung ipagpapatuloy nila ang maging neutral sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid nila ay mas makakabuti ito sa kanila dahil hindi nila responsibilidad na gawin ang mga bagay na wala silang kinalaman.
Habang nag tatalo naman ang dalawa ay hindi nila napapansin na unti unting tunatayo ang sunog na katawam ng bata.
" Hoy sandali, kayong dalawa tumigil kayo." Sambit ni Harik.
Dahil sa matinding pag papalitan ng salita ay hindi nila pinapansin ang pagsaway ni Harik hangang sa hindi na matiis ito ni Harik at lumapit sa kanila.
" Hoy ! Pwede ba tumigil muna kayo."
Habang lumalapit ay napansin ni Harik na unti unting itinataas ng bata ang kanyang kanang kamay na may hawak ng bastos at kasunod nito ay ang pag labas ng kung anong liwanag sa baston na hawak nya.
" Umilag kayo!"
Nakita agad ni Harik ang pag atake nito kaya naman agad syang tumalon papunta sa harapan ng dalawa at buong lakas inihampas ang palakol nya sa itinarang tubig ng bata.
Ang tubig na ito ay hugis pirana at may laki na 3 talampakan. At kahit na nagawang sabayan ni Harik ang atakeng iyon ay hindi nya naman kayang pigilan ang napakalakas na pwersa nito hangang sa mapatalsik na lamang sya at gumulong gulong sa lupa.
Nagulat ang lahat sa nakita lalo na ang dalawa. Agad na nagmadali nilang pinuntahan si Harik at tinignan ang kalagayan nito.
" Ano ayos ka lang?"
" Oo pero nagawa nyang balewalain ang atake ko." Sagot ni Harik.
Sa pagkakataon na yun ay muli nilang tinignan ang batang babae habang pumapalibot ang mga tubig na lumulutang sa paligid nya.
" Anong nangyayari?"
Ilang sandali pa ay nabalot ng tubig ang katawan nya at unti unting nagbabalik sa dating itsura nito ang batang babae na tila walang nangyari.
Kumakawala sa hawak nitong baston ang napakalakas na enerhiya na lalong nag paparami sa tubig na nasa paligid nya.
Ilang sandali pa ay naglabasan ang higit dalawampung pirana na gawa sa tubig.
" Mula ngayon akin na ang mga kaluluwa nyo." Sambit ng batang babae.
Ep 33 part 1