Chapter 15 part 2
Habang nasa itaas na bahagi ng tore kami ng tore ay may biglang lumabas sa isa sa mga pinto at naglakad papunta sa dulo ng birandang iyon na walang harang na kahit ano.
Ang babaeng ito ay may collar sa leeg tanda ng pagiging alipin.
" Teka anong ginagawa nya?"
Dito biglang nagsalita si Koko at sinabi ang tungkol sa babaeng iyon naisang biktima ng malupit na tadhana.
" Namatay ang kanyang ama dahil sa pagkakautang na hindi nabayaran at ang kanyang ina ay namatay sa sakit dahil walang pang pagamot."
" Naging pambayad utang sila at naging alipin hanggang sa mapunta sa mapang abusong mga amo at dahil sa droga na isinasaksak sa kanyang kapatid ay nabaliw ito at namatay kalaunan." Dagdag nito.
Dito ay seryosong sinabi saakin ni Koko na ang mga ganung klaseng mga mapapait na kwento ng buhay ay tunay na nagaganap sa mundong ito at hindi basta katang isip lang.
" Ilang minuto mula ngayon nakatakda syang mamatay dahil sa pagpapatiwakal."
" Ano? Seryoso ka ba?"
Kitang kita ko ang matinding kalungkutan sa mga mata ng babae na halos blangko na dahil sa kawalan ng pag asa sa buhay.
Matinding pag ka awa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero tama lang ba ang gagawin nyang pagpapakamatay para matuldukan na ang pag hihirap nya?
" Ang kapalaran ng bawat isa sa mundong ito ay nakatakda at walang ibang pwedeng pumigil dito maliban sayo "
"Ano? Ako?"
Muling ipinaliwanag nya na hindi ako saklaw ng kahit anong tadhana ng ibang tao dahil nga sa nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa banal na libro at kaya kong gumawa ng sarili kong tadhana na maaaring bumago rin sa tadhana ng iba depende sa magiging parte nito sa buhay mo.
" Gusto kong iligtas mo sya sa tiyak na kamatayan."
Nagulat ako sa narinig ko dahil tila inuutusan nya akong pigilan ang pagtalon ng babaeng iyon. Nauunawaan ko ang sinasabi nyang kakayahan ko na magbago ng kapalaran ng iba pero hindi nangangahulugan na magagawa ko talaga ito.
Ang ibig kong sabihin paano ko naman gagawin iyon? Kailangan ko ba syang kausapin o basta na lang hilahin palayo sa lugar na kinatatayuan nya.
Naisip ko lang kahit gawin ko yun ay wala naman magbabago. Naroon pa rin naman ang sakit at pagdurusa nya at maaalala at maaalala nya lang ito hangat nabubuhay sya.
Muli itong humakbang pasulong kaya naman napasigaw ako rito para pigilan sya.
" Teka sandali! "
Sandali itong napahinto at nilingon ako.
" Kung ano man ang binabalak mo wag mong itutuloy yan.!" Sigaw ko
Sandaling tumahimik ang lugar at wala akong nasabi ibang bagay para ituloy ang pagpigil ko sa kanyang gagawin habang naaawa sa napakalamig nyang mga titig.
Parang hindi naman ito tama, kung pipigilan ko sya ngayon gamit lang ang mga salita ay tiyak bukas makalawa ay gagawin nya ulit ito. ano ba ang gagawin ko para mailigtas talaga sya?
" Alam ko marami kang pinagdaanan sa buhay pero hindi tama na kitilin mo ang buhay mo." Sambit ko dito.
Hindi ito kumibo at halos sampung segundo rin kaming nanahimik at nag aantay ng tugon sa bawat isa.
" Ah .. eh.. malungkot ang naging buhay mo pero hindi pa huli ang lahat para sayo.."
" Pag usapan natin ito, wag mong sayangin ang buhay mo."
Biglang sumabat si Koko sa likod ko at ngumingisi na tila pinagtatawanan ako dahil nagagawa kong sabihin na mahalaga ang buhay sa kabila ng dati akong nagtangkang wakasan din ito.
" At ang masama pa nito nagawa mo yun dahil lang wala kang kaibigan, hay tignan mo nga naman ang pagkakataon." Dagdag ni koko.
" Tumahimik ka hindi totoo yan." Sigaw ko rito.
Humakbang ako para sana maalalayan ito na makabalik sa loob pero bigla itong umatras hangang sa bingit at malapit ng mahulog.
" Sandali wag kang gagalaw dyan, huminahon ka nandito ako para sana tulungan ka."
" Tulungan? Ikaw tutulungan ako?" Sambit nito.
Tinitigan nya ako mula ulo hangang paa at biglang ngumisi habang sinasabi na mas kailangan ko ng tulong kesa sakanya.
" Napaka bastos nman ng ugali nito, ako na kaya tumulak dito." Bulong ko.
Kahit nainsulto ako sa mga sinabi nya ay kailangan kong pakalmahin ang sarili kong makapagsalita ng hindi tama at mas kumbinsihin pa ito na ituloy ang buhay.
" Marami pang pwedeng mangyari sa hinaharap kaya hindi ka dapat sumuko sa buhay. Maawain ang ating diyos." Sambit ko.
" Diyos? Sinong diyos ba ang tinutukoy mo? Ang diyos na si Crimson, ang diyos ng mga kadiliman o ang diyos ng eskapa? " Sambit nito.
Napangiti ito na tila natatawa sa konsepto ng diyos ng mundong ito dahil ayon sa paniniwala nya ay kung sino lang ang pinili ng mga ito ay syang pinagpapala at ang katulad nyang basura ay walang puwang para sa awa nila.
Malinaw na hindi sya naniniwala sa kahit anong tulong mula sa kalangitan at hindi nya rin inaasahan na may tutulong pa sa katulad nyang mababang uri ng nilalang.
" Mali ka, totoo ang diyos kailangan mo lang maniwala dito." Sambit ko.
" Hindi mo alam ang sinasabi mo, wala kang alam kung gaano karaming beses akong humingi ng awa sa sinasabi mong diyos."
Dito ay isa isa nyang ipinaintindi saakin ang kanyang saloobin at hinaing kung bakit tila hindi sila pinakikingan ng diyos
Walang sawa syang nagdarasal at umaasa na maililigtas ang kanyang ama sa mga nais pumatay dito pero hindi dininig ng diyos ang panalangin nya.
Hindi rin sya tumigil sa pag hingi ngbtulong sa diyoa nung magkasakit ang nanay nya at may maawang magbigay sa kanila ng pambili ng gamot pero tila bingi ang diyos sa mga kahilingan nya.
Ikinuwento nya nung ipagbili sila bilang alipin ay dumanas sila ng matinding pang aabuso at kahalayan na hindi nya kayang sikmurain, walang oras na humihingi sya ng tulong sa diyos para palayain sila sa napakapait na kapalaran na iyon pero tila bulag ang diyos at hindi nya nakikita ang pagdurusa nila.
" Doon ko naisip na tinalikuran kami ng diyos bilang mga anak nya."
" Mali , siguro nung una palang ay hindi nya na kami itinuring na mga anak dahil nabibilang kami sa lahi ng mga makasalanan kaya wala syang habag sa mga tulad ko."
Hindi ko alam ang mga sasabihin ko habang nakikita ko kung paano nya isa isahin sabihin ang naranasan nyang pagdurusa at kawalang pag asa.
Nakakadurog ng puso makita ang kanyang pag iyak at madadama mo sa tono ng pananalita nya na umabot na sya sa limitasyon na kayang tiisin ng tao.
" Iniwan na ako ng pamilya ko, Isa na pang akong alipin na ginagamit ng iba at wala na rin akong kahit anong bagay sa mundong ito. "
" Kaya sabihin mo may dahilan pa ba akong mabuhay sa mundong ito?" Malungkot nitong sambit saakin.
Walang lumalabas sa bibig ko kahit na alam ko sa sarili ko na dapat ko syang tugunin sa tanong nya. Ano ba ang tamang isagot sa bagay na sinabi nya?
" Nasaan ang sinasabi mong diyos ng mga oras na humihingi ako ng kakarapot na awa para saamin!! " sigaw nito
Walang wala ang dinanas ko kumpara sa dinanas nyang pagdurusa at wala akong karapatan na husgahan sya tungkol sa tama o maling gagawin nya para sa buhay nya.
Napapa lakad ako paatras at tuluyan ng nagduda sa sarili. Hindi ko kayang gawin ito. Ano bang pwede kong sabihin gayung sobra sobra na ang hinanakit na nararanasan nya at ang tangi ko lang naman pwedeng gawin ay magsalita ng mamagandang bagay.
Pero para saan ang magagandang bagay na sasambitin ko, mababago ba nun ang mga nangyari sa nakaraan nya na puno ng pagdurusa? Ang kasalukuyang sitwasyon nya bilang alipin ? Mababago ba ng magagandang salita ang hinaharap nya.
Sa tingin ko hindi, ginagawa ko lang ito para sa kapakinabangan ko pero ang totoo wala akong alam na bagay na makakapag alis sa nararamdaman nya o makakapagpabago sa sitwasyon nya.
Ang ibig kong sabihin kahit mapigilan ko sya ngayon ay alipin parin naman sya at mararanasan nya parin ang mga pang aabuso at kalupitan ng mundong ito.
Tama ba na pigilan ko sya o hayaan na mawakasan na ang kanyang paghihirap?
" Walang kwenta, tama hindi naman ako umaasa na masasagot mo ang tanong ko." Sambit nito saakin habang umiling bakas ang kalungkutan at pagkadismaya.
Napayuko ako at hindi na sumagot pa dahil batid ko na wala na rin kwenta ang sasabihin ko para mabago pa ang sitwasyon nya.
Ilang segundong nanahimik ang lugar at maya maya pa ay tumalikod na ito saakin at humarap sa bingit para ihanda ang sarili sa pagtalon.
Alam ko na itutuloy nya ito pero wala akong ginawa para pigilan man lang sya na tila ba pinapayagan ko na syang magpakamatay hangang sa tapikin ako sa likod ni koko dahilan para pamahakbang ako.
" Ano ka ba? Tinatanong nya kung nasaan ang diyos nya kaya bakit hindi mo sabihin sa kanyang nasa harap nya na ito?" Sambit nito.
" Ano? Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?" Tanong ko kay Koko.
" Hindi mo talaga lubusang nauunawaan, ang dakilang lumikha ay walang limitasyon at hindi kayang maipaliwanag ng kahit na sino"
" Ikaw ang instrumento ng dakilang lumikha para iligtas ang kagaya nya. Ikaw ang matagal na nyang hinihintay na kasagutan sa mga panalangin nya."
" Ang pagdurusa at kawalan ng pag asa ay normal sa ibabaw ng lupa dahil hindi ginawa ang mundo bilang paraiso gayumpaman hindi kinakalimutan ng dakilang lumikha ang bawat isa sa kanila."
" Ano nathaniel, handa ka bang maging diyos para sa kanila? " Dagdag nito.
Nagulat ako sa narinig ko sa kanya dahil kung iisipin ko mabuti ay tinatawag nya akong diyos noon dahil ako ang nagtakda ng kapalaran ng mundong ito at alam ko na puro pagdurusa at kamatayan ang dadanasin ng mga nilalang na narito kaya natatakot akong kumilos at gampanan ito.
Gayumpaman kahit imposible ay nakarating ako dito at may misyon na iligtas ang endoryo. Isang patunay na posibleng ginagamit ako ng dakilang lumikha para magligtas sa kanyang mga nilalang.
Itinaas ng babaeng iyon ang mga kamay nya at pumikit habang dinadama ang ihip ng hangin sa itaas ng tore.
Ilang saglit pa ay walang pag aalinlangan na nagpatihulog sya at hindi alintana na mahuhulog sya sa taas na higit limang daang metro.
Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko dahil nabigla ako sa ginawa nito kaya naman tila gumalaw ng kusa ang katawan ko at hinabol ito.
Walang pag dududa na tinalon ang tore at pilit na inaabot ang babae.
" Hoy ! Hindi ka pwedeng mamatay ngayon" sigaw ko.
Nagulat ang babae ng makita na sumunod ako sa kanya.
" Anong ginagawa mo? "
Hindi ko alam kong nababaliw na ako para tumalon sa napakataas na lugar na iyon pero wala akong nararamdaman takot ngayon dahil alam ko at nagtitiwala ako na kikilos ang diyos para tulungan kami.
Alam ko na gagawa ito ng himala at tutulungan kami makaligtas dahil binigyan nya ako ng karapatan at kakayahan na baguhin ang nakatakda at mangyayari iyon.
.
Part 2 of episode 15