Chapter 44 part 2 

Pagkatapos mag pagpag ng damit ay muli syang lumapit sa rebulto ni ataparag at hinawakan ang pisngi nito.

" Napaka ikling panahon lang pero para saakin napaka importante ng mga oras na sinamahan mo ako kung may kapangyarihan lang ako na ibalik ang oras ay pipilitin ko na iligtas ka." Sambit nito.

" Wala ka ng magagawa sa bagay na nangyari na pero sa tingin ko may paraan pa para muli syang mabuhay."  Sambit ni Melon

Nagulat si Nathaniel sa sinabi ni Melon sa kanya at aligagang tinanong kung posible ba ito na mangyari.

" Ayokong sabihin ito dahil natatakot akong may gawin kang kahangalan pero alam ko may kasalanan ako sayo kaya para makabawi ay bibigyan kita ng konting ideya tungkol sa sumpa." 


Doon sinabi ni Melon na ang spell na nilagay sa kanya ay kumuha sa kaluluwa sa katawan nito at hawak ito ng nilalang na naglagay sa kanya ng spell.

Dito naisip agad ni nathaniel na kung magagawa nya bang mabawi sa kalaban ang kaluluwa ni Ataparag ay magagawang mabuhay ulit nito.

" Posible pero komplikado dahil unang una hindi basta basta papayag ang hube na nagkulong kay ataparag na isuli sayo ang kaluluwa nito lalo pa isa ka lang tao." 

" Pangalawa kahit isuli pa ang kaluluwa nya ay malaki na ang pinsala ng katawan nito na ngayon ay nadudurog na, ilang segundo lang ay maaaring mamatay ulit sya." Dagdag ni Melon.

" Pangatlo hindi talaga nakatakdang mabuhay muli si Ataparag sa mundong ito, iyon ang totoo." 

Dito binangit nya rin na sa hinaharap kahit nagtagumpay si Sei na kunin ang kaluluwa sa domination bilang premyo sa dwelo ay tiyak mabibigo silang mabuhay ulit si ataparag.

Biglang nalungkot si Nathaniel sa narinig nya at nagreklamo kay Melon na wag syang bigyan ng pekeng pag asa dahil umaasa sya ng malaki na may magagawa pa ito.

Napabuntong hininga na lang si melon at nagbigay ng pagka awa kay nathaniel. Sinabi nito na ayaw nyang gumawa si nathaniel ng labag sa loob nito ngunit wala syang magagawa kundi ipaalam sa binata na may isa pa syang natitirang paraan.

" Ewan ko kung makakabuti para sayo pero kung seryoso ka talagang maibalik sya sa dati kailngan mong gawin ang isang bagay." 

" Ano naman yun? Kahit ano gagawin ko mabuhay lang muli si Ataparag." Agad na sagot ni Nathaniel.

Dito ipinaliwanag ni Melon na walang kayang magbalik ng buhay sa mundong iyon maliban na lamang kung naikulong ang kaluluwa nito bago pa ito mawala sa dating katawan.

Inilarawan nya ang mga kaluluwa ng mga nilalang sa isang apoy sa kandila na kapag namatay ay hindi na pwedeng bumalik pa ang mismong apoy na naglaho na. 


 


" Isang nilalang lang ang posibleng makapagbalik ng kaluluwa at mabawi ito at gumawa muli ng panibagong katawan, walang iba kundi ang pinaka mamahal mong anghel na si koko." 

Napatahimik si Nathaniel sa narinig nya at napagtanto na ang paraan na gustong ipagawa sa kanya ni melon ay ang paghingi ng tulong kay Koko.

Gayumpaman duda ito kung papayag ito na tulungan sya sa problema nya gayung hinayaan lang ni Koko na magdusa sya sa endoryo.

" Wala nga syang ginawa nung nanganganib ang buhay ko kaya sigurado hindi nya ako tutulungan mabalik si Ataparag." Sambit ni Nathaniel.

" Sigurado ako dyan, isa paring Divine alphabet si Koko at hindi nya obligasyon ang bigyan ka ng iba pang pabor na labas sa misyon nya gayumpaman sya lang ang pwedeng makatulong sayo."  Sagot ni Melon.

" Si Koko ay isang makapangyarihang na nilalang  katulad ni crimson at sigurado may prinsipyo silang sinusunod na magbigay ng pabor sa mga nilalang na binibigyan sila ng pabor kaya maaari mo syang hingan ng pabor kung maibibigay mo ang mga gusto nya." Dagdag ni Melon.

Napayuko si Nathaniel at bakas ang pag kairita dahil hindi nya pwedeng mabalewalain na kailangan nyang humingi ng tulong kay Koko.

Nabatid nito ang tinutukoy ni Melon ay ang pag gawa sa mga nais ni Koko upang tuparin nito ang hiling nya.

Alam nya na hindi maganda para sa kanya kung gagawin nya ang mga sinasabi ni Koko at nakakatiyak sya na ito ay malaking problema.

" Gusto mong maging laruan nya ako na susunod sa gusto nya at mag enjoy na panuorin ang mga paghihirap ko."  Pag angal  nito.

Alam ni Melon ang tinutukoy ni Nathaniel gayumpaman ay ipinaalala nya na wala ng ibang paraan na pagpipilian ito at binangit na hindi naman ganun kasama kung susundin ng binata ang gusto ni Koko.

" Ang mga tulad ni Koko ay kayang gawin ang ano mang bagay sa daigdig na ito at maswerte ka pa nga at nag eenjoy sya na maglibang sa sarili nyang paraan." 

" Kung pinili nya maging masamang nilalang ay kaya nyang gumawa ng mga digmaan at trahedya sa mundong ito." Dagdag nito.

Ipinaliwanag nya sa binata na nananatiling mabuti si Koko dahil nag eenjoy ito na makita kung paano nya gagawin ang misyon ng binata sa mundong ito at natatakot din si Melon sa magaganap kung sakaling mabagot si Koko.

Idinagdag pa ni Melon na maaaring gawin mas malagim pa ni Koko ang nararanasan ni Nathaniel kung gugustuhin nito at wala syang pagpipilian kundi ituloy ang misyon nito.

" Sinasabi mo bang maswerte pa ako sa kalagayan ko ngayon? Sya ang pwersahang nag bigay saakin ng misyon na iyon." Pasigaw na sambit nito.

" Ang sinasabi ko lang ay wala kang magagawa sa mga bagay na hindi mo kontrolado kaya naman pakinabangan mo na lang ang pagiging mapaglaro nya." Sagot ni Melon.

Napabuntong hininga na lang ang binata at nag isip ng malalim, alam nya sa sarili na hindi ito maganda para sa kanya pero sa pag tingin nya ulit sa rebulto ni Ataparag ay muli nyang naalala ang masasayang mga ngiti ng dalaga.

" Asar, oo na sige na. Gagawin ko na." Sigaw nito.

Dito ay nagtaka si Nathaniel kung paano nya makaka usap si Koko gayung halos isang buwan na syang hindi kinakamusta nito na tila ba nakalimutan na sya ni Koko.

Ipina alala naman ni Melon na maaari nyang gamitin ang kapangyarihan nya upang matawag si Koko.

Ipinaalam nya rin sa binata na sa buong oras nito sa endoryo ay naglalaro lang si Koko sa tore kaya walang magiging problema ang pagtawag dito.

" Naiirita akong malaman na nag eenjoy sya habang ako ay nahihirapan." 

" Sige na tawagin mo na sya para matapos na ito." 

Umilaw ang mata ni Melon at gumawa ng napakalaking magic spell kung saan kumalat ang napakalakas na awra. Binalaan ni Melon ang mga ito na maghanda sa gagawin nyang pagtawag.

" Teka balak mo bang wasakin ang lugar na ito?" 

" Isang napakataas na level na transportation magic lang ang kayang makapag tatawag sa mga katulad nyang banal na nilalang." 

Halos liparin sila nathaniel sa lakas ng pwersa ng paglitaw ng liwanag na unti unting umaangat sa itaas nila.

Naglaho ang liwanag nito kasabay ang napakalakas na pwersa hangin ang kumawala sa buong palasyo. Halos magliparan ang mga sundalo at iba pang mga bagay sa palasyo dahil sa pwersa.

Sa pagka wala ng liwanag ay biglang nahulog mula sa itaas si Koko sakay ng isang tumba tumba na upuan at aligagang sinalo ang mga pagkain na dala.

" Muntik na, buti na lang at mabilis ako." Sambit ni Koko.

Sa pagtayo nya mula sa upuan ay pinagmasdan nya ang paligid na ngayon ay wasak na wasak dahil sa pwersa ng magic circle.


Nakita nito si Nathaniel na ngayon ay tumatayo sa pagkakahiga.


" Napakalakas ng loob mo para tawagin ako sa ganung paraan. Alam mo ba napakahirap makakuha ng pagkain na ito tapos matatapon lang ng dahil sayo? Marahil kinakailangan mong matuto ng leksyon." Galit na pag angal ni Koko.

" Pwede ba koko, ako ang gustong makita ka at hindi ba dapat tama lang na magkita tayo gayung ikaw ang anghel ko?" Sabat ni Nathaniel .

Ilang segundong hindi nagsalita si Koko na tila walang paki elam at biglang napabuntong hininga. Sa isang pitik ng mga daliri ni Koko ay naglaho ang mga pagkain at silya na dala dala nya.

Ngumiti ito at magiliw itong bumati kay Nathaniel na kinakamusta ito habang sinasabi na namiss nya ang binata.

Nairita naman si Nathaniel sa nasambit nito at ipinaalala na hindi sya naniniwala sa sinasabi ni koko gayung wala itong ginawa nung nahihirapan ito.

" Parte ng pakikipagsapalaran ang paghihirap ang mahalaga ay hangang ngayon ay buhay ka parin at malakas."  Agad na sagot ni Koko.

Nagpaliwanag ito na naging abala sya sa tore ng ilang araw at hindi makalabas kaya naman hindi sya nagawang tumulong.

" Oo na at alam ko naman na sinadya mong hindi ako tulungan kaya pwede ba tigilan mo na ang pagsisinungaling na may malasakit ka saakin." 

Nakangiti lang si Koko sa kanya habang nagsasalita ang binata at biglang nagtaka kung bakit nya ito kailangan at pwersahan na ipinatawag.

" Oh.. sandali ako na ang aalam." 

Umilaw ang mata ni Koko at ginamit ang great sage na syang ginagamit nila upang malaman ang mga bagay bagay sa endoryo.

" Oh .. interesante, kung ganun gusto mo palang buhayin ko ang bagay na ito." Sambit ni Koko habang tinatapakan ang naputol na parte ng rebulto.

Nagalit bigla si nathaniel sa ginagawang pagtapak ni koko sa piraso ng braso ni Ataparag.

Sa gitna ng mga naganap ay biglang sumigaw si Nyabu at nagmadaling lumapit sa ilang parte ng rebulto .

" Anong ginawa mo? Bakit mo winasak ang katawan ni heneral Ataparag?" 

Hawal hawak ni nyabu ang ulo ng rebulto habang nanginginig sa galit. Naglabas ito ng napakatinding pwersa at dahil hindi nya alam ang nagaganap ay naglabas ito ng battle gear sa kamay at tinatangka nitong atakehin si Koko.

" Pagbabayaran mo ito ng buhay mo." Galit na sambit nito.

Dahil sa hindi maganda ang nangyayari ay agad na kinausap ni Melon ang binata para pigilan si Nyabu na gumawa ng marahas na aksyon na pwedeng magpalala ng mga bagay bagay.

Mabilis na umatake si Nyabu kay koko ngunit hindi pa man nakakalapit ito ay may humarang na barrier sa kanya.

" Woah, ang bangis ng pusa na ito. Teka kanino bang alaga ang isang ito?" 

Sinusubukang basagin ni nyabu ang barrier na pomoprotekta kay koko gamit ang kanyang battle gear ngunit halos hindi ito magalusan.

" Hoy, hoy munting muning gusto mo bang maglaro?" Magiliw na sambit ni Koko.

Bigla naman lumapit si Nathaniel at hinila si Nyabu para patigilin ito.

" Paki usap tumigil ka nyabu, hindi mo sya magagawang masaktan kahit gawin mo yan." Paki usap ng binata.

" Ano bang sinasabi mo? Winasak nya ang katawan ni ataparag. Hindi mo ba alam na kapag nawala iyon ay hindi na muling mabubuhay ang heneral?" Galit na sigaw nito.

Bigla naman humagikhik si Koko ng pagtawa habang kinukontrol ang mga parte ng rebulto ni Ataparag.

Unti unti itong nabubuo katulad ng dati at itinanong kong ang bagay na iyon ba ay isang napakaimportanteng bagay para sa kanila.

" Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako inaatake?" 

Nagulat sila ng makitang nagawang mabuo muli ang rebulto na kanina lang ay madurog na dahil sa pwersa ng pagsabog.

Pero biglang ngumiti ng masama si Koko at pinitik ang rebulto at muli itong nadurog na tila buhangin.

" Opss!  pasensya nadurog ko sya, ngayon wala na talaga ang katawan nya." Sambit nito na tila nang aasar.

Galit na itinulak ni Nyabu si Nathaniel at muling umamba para umatake.

" Humanda ka!!" Sigaw nito.

Hinayaan ni Koko na makalapit si Nyabu sa kanya at mabilis lang iniiwasan ang mga atake nito.

Magiliw itong umiilag at tumatalon palayo.  Napakabilis nito at kahit si nyabu ay nagtataka kung bakit hindi nya magawang matamaan ito kahit na napakasimple ng pag kilos nito.

Ilan sandali pa nakaramdam ng pagod si Nyabu at napansin nya na nag eenjoy lang ang kalaban nya sa ginagawa nyang pag ilag.

" Gusto ko ang pusang ito, gusto mo bang maging alaga ko?" Pagbibiro ni Koko.

Muling umamba si Nyabu ng pag atake pero bago pa sya makatalon ay sinungapan na sya ni Nathaniel para pigilan ito.

Sa paglundag ng binata ay tumilapon silang dalawa at nag pagulong gulong sa sahig.

" Ano bang ginagawa mo? " Galit na tanong nito.

" Paki usap nyabu alam kong galit ka pero huminahon ka muna. Hindi mo sya magagawang saktan kahit anong gawin mo." Sagot nito.

Habang nag uusap ay biglang tumalon si Melon upang pumagitma at sinabihan si Koko na itigil ang pag gawa ng kalokohan at paglalaro sa damdamin nila nyabu.

Ipinaliwanag nya na importante para kanila nyabu ang babaeng si ataparag at alam nila na mahalaga ang rebulto na winasak nito para muli itong mabuhay.

" Oh.. ok ok , pasensya na hindi ko lang napigilan ang sarili ko." 

Pagkatapos paki usapan si Koko ay humarap si Melon kanila nyabu at ipinaliwanag na pangkaraniwang lupa na lang ang bagay na winasak ni Koko at hindi na pakikinabangan simula pa nung madurog ito.

" Alam ko..pero .. katawan parin ni pinuno ang bagay na yan ." Galit na pagpipigil ni Nyabu.

" Nyabu nauunawaan ko naiinis ka sa kanya pero ang nilalang na yan ang nag iisa nating pag asa para mabuhay si ataparag." Sambit ni nathaniel.

Napatigil si Nyabu at itinanong kung ano ang ibig sabihin ng binata.

" Tama ang narinig mo, masyadong komplikado pero kailangan natin ng tulong nya kaya kung maaari wag mo syang atakehin." Paki usap ng binata.

Tumalon si Melon sa ulo ni Nyabu habang sinasabi dito na kung hindi sya titigil sa ginagawa nya ay pwede syang gamitin ni Koko para maglibang at ang masama nito ay pwede nitong patayin ang sino man sa galica.

Kahit na hindi maunawaan ni Nyabu ang mga sinasabi nila Nathaniel ay pinilit nya huminahon at tumigil.

" Teka anong ibig nyong sabihin doon? Parang napakasama ko at kampon ng kasamaan sa sinabi mo." 

" Nakakalimutan nyo na ba isa akong Anghel at kabilang sa alagad ng dakilang lumikha, hindi ako basta basta pumapaslang o gumagawa ng masamang mga bagay." Dagdag ni Koko.

" Oo pero hindi ka kumikilos ayun sa katayuan mo at kahit kelan hindi gawain ng isang anghel ang pagpapahirap sa katulad ko." Galit na sambit ni nathaniel.

Dahil sa sinabi ni Nathaniel ay na patawa si koko at pinasinungalingan ang bagay na iyon dahil karamihan sa mga alagad ng lumikha ay mas malupit sa kanya kapag nagsagawa ng pagtupad ng mga misyon.

Kahit na para sa ikabubuti ng nakakarami ang misyon ng mga anghel ay may sari sariling paraan ang mga ito kung paano ito gagawin at matutupad.

" Maniwala ka man o sa hindi ay marami sa kanila ang bumubura ng mga nilalang na nakakasagabal sa kanilang mga misyon dahil lang sa napaka mainipin nila at gusto maka uwi agad sa kaharian sa langit." Pabirong sambit nito.

Dito ay ipinagmalaki nya na naiiba sya sa mga ito at dahil doon ay napaka swerte ni Nathaniel dahil sya ang naging anghel nito.

" Oo na sige na, basta tulungan mo na lang ako pagbabalik kay ataparag sa dati at gagawin ko ang ano mang gusto mo." 

Biglang tumawa si Koko ng marinig ito at tinanong sa binata kung seryoso ba ito sa sinasabi nito.

" Iniisip mo ba talagang tutulungan kita sa gusto mo mangyari?" Sambit nito.


Alabngapoy Creator

Episode 44 part 2