Kagaya ng inaasahan ko ay ibubunton nya saakin ang sisi dahil sa mainit ang dugo saakin.

" Yung kutong lupa na iyon ang may kasalanan " 


" Nililinlang nya kami at sinasabi na hindi raw kumakain ng kaluluwa ang kasama nyang soul eater kaya naman iyon ang dahilan kung bakit hindi makapagdesisyon ng tama si leader." Sambit nito habang dinuduro ako.



"ehh.....? " Angil ko.


Ramdam ko na galit na galit ito saakin pero kung tutuusin tama naman ang ginagawa ko at wala naman talaga syang karapatan na patayin ang mga hindi naman gumagawa ng masama.


Hindi pa doon nagtatapos ang paninira nya saakin at pinagbintangan pa ako na tauhan ng soul eater at may masamang balak sa bayan na ito.


Hindi biro ang binibintang nya saakin at gusto nya na parusahan ako na bagay na wala naman syang matibay na ebidensya.


Dahil mukhang wala naman akong maririnig na maganda sa sinasabi nya ay agad ko na lang pinagtangol ang sarili ko at itinangi na manloloko.


" Totoo naman na limapung taon ng hindi kumakain ng kaluluwa si Suwi at wala syang balak gawin ito kelan man."  Sambit ko.


Pero bigla akong sinalungatan ni Nyabu at pinapatigil sa pagsasalita dahil para sa kanya ay wala akong alam tungkol sa mga soul eater at gaano ito kasuklam sukalam na nilalang dito sa endoryo.


Batid ko naman sa sarili ko na kaya sya nagkakaganyan ay dahil namumuhi sya sa mga soul eater dahil ganito ang isinulat ko sa kwento ng komiks ko pero hindi ko pwedeng hayaan madamay sa bagay na yun si Suwi.


 Kaya naman hindi ko naiwasan na masabi sa kanya ang nalalaman ko at kwestyunin ang nalalaman nila sa mga bagay bagay.


" Ako nga ba talaga ang walang alam o kayo na nabulag sa kasinungalingan ng mundo." Sambit ko dito.


Dahil doon nasabi ko ang mga bagay na alam ko tungkol sa mga soul eater na maging sila ay biktima ng lumang paniniwala na ipinakalat ng mga kalaban ng kanilang lahi noong unang panahon.


Dahil sa digmaan ng mga lahi ay pinuntirya ng mga endoryan ang mga lahi na may pinakamalaking banta sa kanila at nung natuklasan ng iba na kayang makuha ng isang soul eater ang kapangyarihan at enerhiya ng ibang nilalang ay agad silang kumilos upang ubusin sila.


Winasak ng digmaan ang tahanan nila at ang banal na puno ng mga spirito kaya naman nawalan sila ng pagkukunan ng spirit energy na kinakailangan nila para mabuhay.


Dahil doon napilitan silang kumain ng kaluluwa ng mga nilalang  para magpatuloy mabuhay at sa lumipas na dalawang daang taon ay naging normal na lang na ituring silang salot at lahat ay nakumbinsi na dapat silang mamatay.


" Matuturing sila na biktima ng digmaan na naganap noon " dagdag ko.


" Maging ang eskapa ay naging pipi at bulag sa katotohanan at piniling hayaan na lang na mangyari ang kawalang hustisyang bagay kagaya ng paglipol sa kanila." 


Hindi pa man ako tapos magpaliwanag ng buo ay sumabat na si Nyabu para pahintuin ako.


Hindi ito naniwala at pinagbitangan akong gumagawa ng pekeng istorya para lang ipagtangol si Suwi sa tiyak na kamatayan.


" Walang batayan ang mga sinasabi mo." Dagdag nito.


" Commander hayaan nyo ako na magparusa sa panloloko nya saatin." Sambit nito .


Walang naging imik si Sei at nakatitig lang saakin at ilang sandali pa ay naisipan nitong lapitan ako hawak parin ang supot ng tinapay sa braso nya.


Dito ay huminto sya sa harap ko at biglang umupo habang hindi parin maalis ang titig nya na tila ba nacucurious saakin. Wala itong imik at halos sampung segundo rin itong ginagalaw ang ulo nya na tila may gusting maalala.


Hindi ko maunawaan ang ginagawa nya pero kahit ang weird nya tignan sa ginagawa nyang pagtitig saakin ay para saakin napakaganda nya parin.

undefined


Ilang saglit pa nagsalita ito at tila may naalala.


"Ohh..." 


" Ikaw yung pulubi sa may labas ng tore." Sambit nito.



Bigla na langa akong napasigaw at itinangi na iaa akong pulubi.

Sinasabi ko na nga ba iyon ang tingin nya saakin kaya nya ako binigyan ng pagkain kaninang umaga.


" Hindi ako pulubi!! " 


Nakakahiya at iyon ang unang tingin saakin ng isa sa mga paborito kong tauhan sa komiks ko para tuloy gusto ko na lang kainin ng lupa.


Nakakababa ng pagkatao lalo na maririnig ko ito sa napakagandang tulad ni sei.


Ilang sandali pa ay malalim itong nag buntong hininga at bahagyang nalungkot.


" Alam mo ba ang naghihintay sayo na parusa sa pagprotekta sa isang soul eater? " Sambit nito.


" Pero isa lang din silang biktima ng digmaan." Sagot ko rito.


Akala ko na papanigan ako ni Sei kung sasabihin ko sa kanya ang totoo pero bagkus sinabi nya saakin na hindi nakakatulong ang mga sinasabi ko para takasan ang parusa namin na matatangap.


" Pero bibigyan kita ng pagkakataon ginoo." Dagdag nito.


Dito kinausap nya ako sa harap ng marami na itangi ang koneksyon ko kay Suwi upang makaligtas ako at makalabas ng buo ang kamay at mga paa.


Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya na tila ba may kasamang pagbabanta. Ewan ko pero baka masyado lang akong umasa na makikinig sya saakin.


" Ano bang sinasabi mo?" 


Ipinaliwanag nito saakin na wala syang nararamdamang dark energy sa aakin kaya alam nya na hindi ako kontrolado ng isang soul eater .


" Alam ko naaawa ka sa kanya kaya gusto mo syang iligtas." Dagdag nito.



Gayumpaman muli nyang nilinaw na ang paghatol kay Suwi bilang soul eater ay hindi na mababago pa dahil mula noon hangang ngayon ay hindi na ito tungkol sa pagiging makatarungan kundi sa tungkulin ng eskapa na mapanatiling ligtas at payapa ang endoryo para sa mas nakakaraming mga nilalang.


Hindi ako makapagsalita sa naririnig ko sa mga bibig nya dahil tila ba tinatangap nya rin na kailangan mamatay ni Suwi dahil lang sa isa syang soul eater.


Alam ko na likas na mabuti si Sei kaya inaasahan ko na magiging makatwiran sya pero iba ang pananaw nya . Bakit iba ang sinasabi nya sa dapat alam ko?


Mali ito? Hindi ganito ang kilala kong Sei dahil hindi nito kayang pumatay ng mga inosenteng nilalang na wala sa tamang katwiran.


" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? " 


Hindi ko napigilan ang sarili ko na maglabas ng saloobin tungkol sa pananaw nya na dapat mamatay ang lahat ng soul eater.


" Dahil sa baluktot na paniniwala na yan kaya nag papatuloy ang digmaan ng lahi at wala kayong ibang ginagawa uoang solusyunan ito  ng tama!" Pag sigaw ko habang tumatayo.


Dahil sa emosyon ko ay nagawa kong sigawan ito at kwesyunin ang pagiging makatwirang alagad ng diyos.


Pinaalala ko sa kanya na naniniwala ang marami na ang Eskapa ang liwanag ng pag asa sa madilim na mundong ito pero gayumpaman kahit ang mga ito ay nagtatago at kumakapit sa madilim na sistema para masolusyunan ang isang problema.


Sinasabi nila na sila ang sandata ng diyos na magdadala ng kaligtasan pero maging sila ay nagpadala aa kasinungalingan at niyayakap ang kasamaan.


Walang imik lang na nakaupo si Sei habang pinagmamasdan ako, hinahayaan nya akong magsalita sa kanya kahit na sinisigawan ko na ito.


" Hindi nyo ba naiisip na isa sila sa sumisigaw ng kaligtasan at humihingi ng tulong sainyo upang maligtas? " dagdag ko.


Alam kong mali ako na kausapin sya ng ganito pero baka sa paraan na ito ay magbago ang isip nya at mahabag kay Suwi.


Pero wala itong naging reaksyon sa mga hinaing ko habang nakatitig lang saakin kaya naman lalo akong nadismaya.


Sinubukan kong lumapit pero isang hakbang palang ng mga paa ko ay may biglang tumamang kung anong bagay saakin.

Napansin ko ang parating na atake saakin kaya naman naisalag ko ang kahoy na posas aa mga kamay ko.


Nagawa ko man masalag ito ay napatalsik parin ako at bumagsak sa lapag.


Halos nagkadurog durog naman ang kahoy na posas na kanina nakagapos saakin dahil sa ginawa nito 


Isang suntok pala sa hangin ang pinakawalan ng isang babaeng sundalo na kasama kanina ni Sei.


Ang babaeng ito na may light blue na maikling buhok ay isa sa mga leader sa hukbo at ayon sa nalalaman ko sya si Agane na isang dragon spirit.


Umikit bigla ang paningin ko sa ginawa nya at pinilit na bumangon kahit na nabigla ako. Agad naman akong umupo at humarap sa kanya.


" Hangal kang lapastangan ka! " Sigaw nito.


Galit na naglalakad ito habang lumalabas ang kanyang nag uumapaw na enerhiya at pumapalibot sa kanya.


Hindi ito natuwa sa pinakita ko sa harap ng kanilang reyna kaya naman gusto nito akong turuan ng leksyon.


" Sinusubukan ng aming reyna na maging mabuti sayo pero wala akong ibang naririnig kundi ang pag mamagaling mo na tila ba alam mo ang lahat ng bagay." 


undefined

" Alam mo ba kung ilang libong tao ang nawala dahil sa pag kupkop namin sa isang soul eater na kagaya nya.? " 


Dito ay pinaalam nya saakin na nagawa na nilang magtiwala sa isang soul eater at umasa na may pag asa ang mga katulad nila pero hindi naging maganda ang naging kapalit ng kanilang kabutihan na pinakita.


Hindi sila masasamang tao kundi iniiwasan lang nila ang mga posibleng trahedyang maganap at mailigtas pa ang iba lalo na hindi na mapipigilan pa ang ilang mga soul eater sa ginagawa nila dahil kinakailangan nilang mabuhay.


Dito naisip ko napakalala ng mundong ito at napakakomplikado, kailangan ng bawat isa na pumatay para mabuhay . wala kong nakikitang katarungan sa bagay na ito.


" Kung gusto mo talaga syang tulungan ay bakit hindi mo na lang sya samahan sa kabilang buhay at ihingi sya ng tawad aa bawat nilalang na nabiktima nila."  Dagdag nito.


Nag pormang dragon ang kanyang asul na enerhiya sa kanyang braso habang patuloy na lumalapit saakin.


Gayumpaman, bago pa sya makalapit ay itinaas na ni Sei ang kanyang kamay para pahintuin si Agane sa ginagawa nito.


" Pakiusap agane, Hayaan mo lang syang magsalita." 


Huminto sa paghakbang si Agane pero hindi ito  sang ayon na hayaan lang ako sa kalapastanganan ko sa reyna nila ng magsabi ako dito ng masama lalo na sa eskapa.


Walang makikitang reaksyon sa mukha ni Sei sa mga oras na iyon habang tumatayo. 


Naglakad ito papunta saakin habang binabangit na malaya akong magpayaga ng saloobin.

" May kanya kanya tayong paniniwala at pananaw sa mga bagay bagay." 


" At siguro hindi lingit sa kaalaman mo na lahat tayo na nandito ngayon ay mga biktima ng digmaan na naganap noon." Dagdag nito.



Napakakalmado ng bosea ni Sei habang kinakausap ako at ipinapaliwanag kung bakit napipilitan silang gawin ito.


Binangit nya na minsan na nyang tinulungan ang mga soul eater at iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa nya na naging kapalit ng mga buhay ng mga kasamahan nya.


Ibinigay nya ang tulong na kailangan ng mga ito at sinikap na maging maayos ang lahat pero hindi ito nagtagal dahil aa pangangailangan ng mga katawan na ito upang mabuhay.


" Kung tulad lang sya ng iba na walang kontrol sa kanyang sariling kagutoman sa kaluluwa ay kinalulungkot kong sabihin na kailangan nyang mamatay." Dagdag nito.


Sa narinig ko ay nabigyan ako ng pag asa kaya naman muli kong sinabi dito ang tungkol sa hindi pagkain ng kaluluwa ng ibang nilalang ni Suwi dahil sa kanyang kasamang spirit pet na si serphia.


" May kasama syang spirit pet na syang nagbibigay sa kanya ng enerhiya para mabuhay kahit hindi kumain ng kaluluwa ng iba." Sambit ko.


Nanahimik ito sandali at tumingin kay Aoi. Hindi nya lubos na pinaniniwalaan ang sinasabi ko dahil siguro unang beses nila itong nalaman.


Pagkatapos kasi mawasak ng banal na puno ng kaluluwa ay maraming namatay na spirit pet na nakatira dito kaya iilan lang ang nagtataglay nito at nagpasalin salin sa nagdaang mga henerasyon.


Humarap sya muli saakin at yumuko habang sinasabi na nagdududa sya sa mga sinasabi ko gayung wala akong sapat na basehan.


" Pero nagtataka lang ako kung bakit mo nga ba pinoprotektahan ang soul eater na ito?" 


Napangiwi na lang ako sa tanong nya dahil kailangan ko naman magsinungaling dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang dahilan ko talaga dahil magmumukha akong katawa tawa at baka lalong hindi sya maniwala saakin.


" Pwede nating sabihin na kaibigan ko sya kaya kailangan ko syang tulungan." Sambit ko.


" Isang soul eater na may kaibigan na tao?" Pagtataka ni Sei.


Nagtaka ito sa sinabi ko dahil narin sa paniniwala ng karamihan sa kanila kaya parang isang leon na nag aalaga ng makakain na usa ang tingin nila sa sinabi ko. 


Gusto ko pang ituloy ang pagpapaliwanag ko pero bigla na lang sumigaw si Suwi at galit na galit sa sinabi ko.


" Sinungaling !! " 


" Wala akong kaibigan na mababang uri ng nilalang " 


Dito ay nagmaldita ito habang tila nagmamalaki na pinapatigil ang ginagawa kong pakiki usap para sa kanya dahil daw hindi nya kailangan ng tulong ng katulad kong mababang uri ng nilalang.


Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko dahil parang hindi yata patas na minamaliit nya ako sa kabila ng pagtulong ko.


" Naririnig nya ba ang sarili nya?" Bulong ko.


Hindi nya ba naiisip na nanaganaganib na ang buhay nya pero napaka ma prode nya parin aa gitna ng katotohanan na wala naman na syang pwedeng gawin para iligtas ang sarili.


Hindi pa ito nagpapigil at ibinuking pa ako na hindi nya ako kilala at pinag hinalaan na isang tauhan ng kalaban nya na may balak na mahula at patayin sya dahil sa pagsunod ko sa kanya kanina.


Hindi ko alam ang iisipin ko pero kailangan kong magpasensya dahil higit na kanino pa man ay kilala ko sya at normal ang pagiging bugnutin nya.


" Wag nyo syang intindihin mainitin lang talaga ang ulo nya pero mabait talaga syang nilalang." Sambit ko kay Sei


Umaasa ako na maipagpapatuloy ko pa ang pagtatangol sa kanya lalo na may nakikita na akong pag asa dahil pinapakingan pa ni Sei ang mga sinasabi ko pero lalong naging komplikado ito dahil sa bugnuting babaeng ito.


"  Tsk, kung makakawala lang ako ay uunahin kitang tapusin pagtapos uubusin ko naman ang lahat ng nasa lugar na ito." Galit na pagbabanta nito.



Hindi na ako na nakapagpigil at nakipag sagutan dito .

" Ang hirap mo naman ipagtangol, ano ba talagang gusto mong mangyari babae ka!  " Sigaw ko sa kanya.



Dito ay bigla syang yumuko habang sinasabihan ako na itigil ang pag tatangol sa kanya at wag maki elam para sa ikabubuti ko.


" Mas mabibigay mabuting ilugtas mo na lang ang sarili mo hangat pwede pa." 


Naging seryoso ang itsura ng mukha nya at bakas ang pagkadismaya habang nagagalit dahil siguro wala syang ibang  magagawa sa kanyang sitwasyon.


Dito ay sinabi nya na bilang isang maharlikha ay hindi nya matatanggap na kaawaan sya at mailigtas ng isang mababang uri ng nilalang.


" Isa akong soul eater nakatatak na sa isip nila na isa akong salot na dapat mamatay kaya kahit anong sabihin mo wala ng magbabago." Malungkot na sambit nito.



Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa narinig ko sa kanya dahil napakamisirable ang sitwasyon nya at kailangan nya ng tulong. Hindi nya dapat ito nararanasan kung hindi lang ako sumunod sa kanya at masundan ng mga sundalo ng eskapa.


Awa? Talaga bang awa lang ang nararamdaman ko kaya gusto ko syang tulungan ngayon? 


Sa ginagawa ko maaari akong mapahamak kaya tama sya na dapat iligtas ko muna ang sarili ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. 

Pakiramdam ko responsibilidad ko syang protektahan.


Kung iisipin ko mabuti ay wala talaga akong ideya sa pwedeng mangyari kung sa kaling mamatay sya at kung paano ito makakaapekto sa misyon ko dito sa endoryo para maka uwi na ako.



Ewan, siguro dahil alam ko ang kanyang haharaping pagdurusa at kalungkutan sa hinaharap kaya ginugusto kong tulungan at mabago ito kahit papaano.


Pero kaya ko nga ba? May magagawa ba ang ordinaryong taong kagaya ko na hindi pinakikingan sa mundong ito?


Tumigin ako kay Sei at hinihintay ang pagsasalita nito at umaasa na maawa sa aming dalawa dahil nauubusan na ako ng paraan para mailigtas pa si Suwi. 


Nasabi ko na ang lahat ng pwede kong sabihin pero bale wala lang ito dahil walang naniniwala sa kagaya kong tao.


Pero iba sa inaasahan ko ay hindi nakumbinsi si Sei at bumuntong hininga.

" Tama na ito." 


" Mas mabuti kung iligtas mo muna ang sarili mo bago ang iba." Sambit nito.


Nagsimula na ito humakbang palayo saakin upang umalis sa silid.


" Paki usap sei wag nyong papatayin si sei." Paki usap ko dito.


undefined

Hindi ko na sya sinubukang sundan dahil humarang ang mga tauhan nito habang nakatitig saakin ng masama.


" Sige na, pakawalan nyo na ang tao." 


Sinabi ni sei kay agane na pakawalan ako at paalisin habang inutos naman nya sa iba ba ikulong sa black cage Suwi hangat hindi sya nakakapagdesisyon.


Nabangit nya na maghihintay sya ng desisyon ng pamunuan ng eskapa kaya naman tila nawala ang pangamba ko dahil naisip ko na hindi pa nila papatayin si Sei at may pag asa pa para makagawa ako ng paraan para mailigtas sya.


undefined


Alabngapoy Creator

Part 2 of episode 11