Chapter 26 part 2


Lumipas ang tatlong oras sa pwesto ni Nyabu, nagmadaling lumapit ang mga sundalo nya upang mag report. 


" Kapitan malapit na po ang dagdag na pwersa galing sa galica." 


" Talaga? Magaling kailangan maireport na ito sa heneral." Sambit ni Nyabu.


Nagmadaling naglakad si Nyabu papunta sa loob ng bayan at dumeretso sa tent kung nasaan si Ataparag.


Pag pasok nya ay wala sa loob si Ataparag at muling lumabas. Sa labas ay tinanong nya ang isang sundalong nagbabantay sa labas nito.


" Sandali umalis ba ang heneral?" 


" Huh? Hindi po kapitan, hindi pa po sya lumalabas ng tent." 


Sa pagkakataon na yun ay nagduda na si Nyabu at nagmadaling pinuntahan ang likod ng tent.


Pag punta nila dun ay nakita nila ang maliit na hiwa sa tent kung saan lumabas si ataparag.


" Hindi maaari, asar." 


Kinutuban na ng masama si Nyabu na baka umalis mag isa si Ataparag para iligtas ang mga biktima ng mga bandido.


" Magsikilos kayo, dalian nyo sa pag hahanda at aalis na tayo." Sigaw nito sa mga tauhan nya.


Habang aligaga si Nyabu sa kampo para sundan ito ay nagpapatuloy naman naglalakbay si Ataparag papunta sa kinaroroonan ng mga bandido.


Ginagamit nya ang kanyang Crimson item para maglakbay ng napakabilis.


Hindi tulad ni nathaniel ay nagagawa ni Ataparag na gamitin ito ng tuloy tuloy na parang normal lang sa kanya.


" Nararamdaman ko na malapit na ako sa kanila." 


Ilang kilometro lang mula sa kinaroroonan nya ay kasalukuyang na lumilikas ang higit tatlong libong mamamayan ng ravena at naglalakbay papuntang timog.


Dahil na rin sa matatanda at sugatan na kasama nila ay naging mabagal ang paglikas nila.


Ilang minuto lang ang lumipas habang naglalakad ay muli silang napaligiran ng higit dalawapung halimaw.


Lahat sila ay may bandana sa braso na may tatak ng black scorpion at bakas sa mga itsura nito ang pagkatakam nito sa laman ng nilalang. 


Agad na nagpanik ang mga ravena at nag hiyawan. Naging alisto naman ang mga mandirigma ng ravena at pinotektahan ang mga kababayan nila laban sa mga umaatake.


Gayumpaman hindi sapat ang kanilang lakas at husay sa pakikipaglaban para humarap sa mga mababangis na halimaw.


Ilang sandali pa ay isa isang natatalo ang mga ito at pinapaslang ng mga halimaw habang wala naman magawa ang iba kundi panuorin ito at humiyaw.


" Hoy kayo, wag kayong papatay ng mga bata ng ravena lalo na ang mga babae dahil mabili yan sa mga mangangalakal."  Sambit ng isang halimaw na tumatayo bilang pinuno ng grupo.


" Maawa na kayo, paki usap wag ang mga anak ko." Pag mamakaawa ng isang lalaki.


Walang pag aalinlangan na pinaslang ng halimaw ang lalaki at walang paki elam sa mga pakiusap nito.


Tuluyang naubos ang mga mandirigma ng ravena at pinaupo ang lahat ng mga nabihag ng mga halimaw.



Ang mga HUBE ay ang pangalawang mataas na uri ng halimaw at nagtataglay ito ng talino kagaya ng ibang nilalang kaya naman marami sa kanila ang nakakapagsalita ng ibat ibang lengwahe.

" Kung ayaw nyo mamatay ay sumunod kayo ng maayos dahil hindi kami mapagpasensyang mga halimaw." Matapang na sambit ng halimaw.


Ang halimaw na ito na nagsisilbing pinuno ay isang prime na halimaw na pinaka mataas na uri ng halimaw, kaya nilang makipag usap at magbasa ng mga lengwahe at tumuklas ng mga bagong kaalaman na higit sa sinoman.


Habang iginagapos ng mga halimaw ang libo libong mga bihag nila ay hindi nila akalain na may babagsak mula sa itaas papunta sa kanilang napakalaking karwahe na pinalalagyan ng mga bihag.


Natahimik ang lugar ng marinig ang pag bagsak nito at dahil doon ay nakuha nito ang atensyon ng lahat ng naroon.


" Ano naman ang isang yan." 


Unti unting tumayo sa pagkakaluhod si Ataparag na may seryosong reaksyon ng mukha.


" Teka , ang kasuotan nya." 


" Isa syang myembro ng Eskapa." 


Nabalot ng ingay at tuwa ang paligid dahil sa mga bihag na nabuhayan ng loob sa pagdating ng sundalo ng eskapa.


Hindi naman makikita sa pinuno ng mga halimaw ang pangamba na tila walang paki elam sa pagdating nito.


" Oh.... kung ganun nandito na pala ang mga sundalo ng Eskapa, mukhang hindi kayo ngayon huli sa oras."  Sambit nito.


Wala itong takot na naglakad pasulong para batiin si Ataparag tila hinahamak pa ito sa pag lapit nito ng nag iisa.


" Masyado ka yatang kampante miss para humarap saakin ng mag isa, nasaan na ba ang mga kasama mo? " 


Sa pagkakataon na yun ay inamin sa kanya ni Ataparag na wala itong kasama at nag iisa lang na pumunta kaya naman nagtaka ang mga ito at biglang natawa sa nalaman.


" Tama ang narinig mo at nandito ako para bawiin ang mga binihag nyo at hulihin ka." Seryosong sambit nito.


Natahimik ang lugar sandali ng hindi tumugon ang pinuno ng mga halimaw.


Bigla itong nagtaka na tila hindi makapaniwala na matapang syang sinasabihan ng isang babae na hulihin sya mag isa.


" Ikaw na isang kalahating halimaw ang huhuli sa katulad kong Hube? Seryoso ka ba? " 


" Wala sa itsura ko pero sinasabi ko sayo na malakas akong halimaw." Seryosong sambit ni Ataparag.


" Sinasabi mo bang mas malakas ka pa sa prime Hube na katulad ko na isa sa kapitan ng Black scopion?"  Pagyayabang nito.


"  Mali, dahil mas malakas ako sa kahit sino sa Black scorpion." Walang takot na sagot nito.


Muling tumahimik ang lugar sa hindi pagtugon ng pinuno ng mga halimaw at ilang sandali pa ay nagpakawala ng napakalakas na awra para iparamdam sa lahat ang kanyang presensya.


" Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." 


Hinawi ni Ataparag ang kanyang Coat nya kasabay ang pagkalat ng enerhiya sa paligid na tila isang hangin dumaan sa palibot ng lugar. 


Nagliwanag ang singsing ni Ataparag at hinigop ang Coat ng eskapa na suot suot nya upang itago.

Ginagawa nila ito para paghahanda sa isang laban


" Bibigyan kita ng pagkakataon mabuhay, sumuko ka ng maayos at ituro saakin ang iba mo pang mga kasama." Sambit ni Ataparag.


Dahil sa mga sinabi ni Ataparag ay lalong nang galiiti sa galit ang halimaw at nagpapakilala bilang mataas na uri ng hube.


" Hindi mo alam ang sinasabi mo bulag ka na ba o sadyang mangmang ka lang talaga ?"


" Napapalibutan ka ng mga halimaw sa tingin mo magagawa mong makaligtas sa lugar na ito." Pagbabanta ng halimaw.


Unti unting naglapitan ang mga halimaw sa kinaroroonan ni ataparag bilang paghahanda sa pag atake.


Napabuntong hininga na lang ang dalaga sa pagkadismaya at muling binalaan ang pinuno nila na pagsisisihan nito ang pagbalewala sa mga sinabi nya.


Kasabay ng pagpitik ng mga daliri ni Ataparag ay ang pag sabog ng lahat ng ulo ng mga halimaw sa paligid.


Halos kumalat ang dugo at laman ng mga halimaw sa paligid at isa isang nagbagsakan sa lupa.


Nagulat naman ang lahat lalo na ang mga bihag at napadapa na lang sa takot dahil sa malalakas na pagsabog.


Hindi makapaniwala ang pinuno ng mga halimaw sa nangyari at nagtataka kung paanong nagawang pasabugin nito ang mga halimaw.


Naniniwala syang malinaw nyang nakita na walang enerhiya na pinakawalan si Ataparag na magiging sanhi ng pagsabog.


" Wala rin akong nararamdaman ibang crimson item sa kanya maliban sa mga hikaw nya pero hindi naman ito nagliwanag kanina na senyales na ginamit nya ito." Bulong nito sa isip.


Napaisip ito kung isa itong uri ng natural na abilidad na kayang umatake kahit walang ginagamit na magic circle ngunit batid nya na hindi naglalabas ng enerhiya sa katawan si Ataparag kaya imposible na magawa nya ito.


" Ano bang kapangyarihan ang meron sya?" 


Tumingin sa paligid si Ataparag at pinagmasdan ang mga natitirang bantay na halimaw sa mga bihag, alam nya na hindi nya basta pwedeng pasabugin ang mga halimaw malapit sa mga bihag dahil maaaring madamay ang mga ito at masaktan.


Dahil sa pangamba na madamay ang mga bihag ay muling kinausap ni Ataparag ang leader ng mga halimaw upang sumuko ito ng mapayapa.


" Bibigyan pa kita ng isa pang pag kakataon para sumuko at ipinapangako ko na hahatulan ka ng patas ayon sa batas ng galica." 


Hindi ito tinangap ng pinuno ng mga halimaw at tinawanan lang si Ataparag. Inamin nya na nabigla sya sa ginawa ni Ataparag ngunit hindi ito nangangahulugan na matatakot na sya sa isang mababang uri ng halimaw.


Naging mas mapagmataas pa ito at sinabing walang kayang tumapat sa katulad nya pag dating sa labanan.


" Mabuti pa tigilan mo na ang kakasalita at ipakita ang kaya mong ga...." 


Bago pa matapos na magsalita ang hube ay biglang sumabog ang braso nito at naputol.


Nagulat ang mga naroon at hindi makapaniwala lalo na ang pinuno ng mga halimaw na ngayon ay sugatan habang hawak ang putol na braso.


" Imposible, paanong hindi ko naramdaman ang atake nya?" Bulong nito sa isip.


" Alam ko kaya mong pagalingin ang sarili mo kaya sige bibigyan kita ng oras para pagalingin ang sarili mo." 


Dahil sa sinabi ni Ataparag ay lalong nagalit ito at nainsulto kaya naman naglabas ito ng matinding awra.


Unti unting nababalot sya ng itim na enerhiya at ilang sandali pa ay nabubuo mula sa laman nya ang panibagong braso.


" Wag mo akong minamalit" 


" Tornado punch!!" 


Umamba ito ng suntok at isinuntok ito sa hangin na halos magpakawala ng isang napakalakas na pwersang sumisira sa madaanan nito.


Gayumpaman ay mabilis na naiwasan ni Ataparag ang atakeng iyon dahil sa mabilis na pag galaw gamit ang crimson item.


Halos mawasak naman ang tinamaan ng atake nito at nagtalsikan kasama na ang mga bihag.


Alam ni Ataparag na hindi maganda kung tatamaan sya ng ganung kalakas na atake at lalo syang nangamba sa buhay ng mga bihag na nasa paligid.


Tumalon sya mula sa itaas ng puno papunta sa lupa habang minamasdan ang paligid at humanap ng paraan para mailayo ang kalaban nya sa mga bihag.


Dahil sa abala sa pag iisip ay nabigyan ng pagkakataon ang mga halmaw na sungaban sya at tumalon para umatake.


Agad naman napansin ito ni ataparag at kasabay ng pag pitik muli ng kanyang mga daliri ay muling sumabog ang ng mga ulo nito.


Gustuhin nya man ubusin na ang lahat ng mga tauhan ng black scorpion ay hindi nya maaaring pasabugin sila habang malapit sa mga bihag.


" Kailangan kong unahin ang mga tauhan nya." Bulong nito sa sarili.


Agad syang tumakbo papunta sa mga halimaw at isa isa itong pinapatay.


Sa bilis nya gumalaw ay hindi sya kayang tamaan ng mga ito at dahil doon nagagawa nyang masaksak ang ulo ng mga ito.


Alam nya na marami sa mga halimaw ang may kakayahan pagalingin ang sarili nila at ang tanging paraan para mabilis silang matalo ay ang puntirahin ang utak nila.


Nagtataka naman ang pinuno ng mga halimaw sa ginagawa nitong pakikipaglaban sa mga halimaw na tila hindi sya pinapansin nito.


" Ano bang ginagawa mo ? Ako ang kalaban mo !!" Sigaw nito.


Muling sumuntok sa hangin ang halimaw at nagpakawala ng napakalakas na pwersa.


Agad naman itong napansin ni Ataparag at mabilis na iniwasan ngunit ng makalapag ang paa nya sa lupa ay biglang sumalubong ang mabilis na pag atake ng pinuno ng mga halimaw mula sa ere.


Nagawa nitong mahulaan ang kilos ni Ataparag at nilundagan para muling suntukin ito ng malapitan.


Sa pagkakataon na iyon ay ini-angat lang ni Ataparag ang kamay nya at nag snap.


Kasabay nito ang muling pagsabog ng katawan ng pinuno ng mga halimaw mula sa ere.


Dahil sa pag sabog ay nagawang makalundag ni Ataparag palayo para dumistansya dito.


Gayumpaman hindi pa man nagtatagal ay lumabas na sa usok ang halimaw para sungaban si Ataparag at madakma ng mga kamay.


" Napakatibay ng katawan nya." Bulong ni ataparag.


" Wag mo akong maliitin hangal !!" Sigaw ng halimaw.


Alam ni Ataparag na delikado kung madadakma sya ng naglalakihang kamay ng kalaban nya kaya naman pinilit nya pang tumakbo para makaiwas.


"Wind Strike""


Iba sa inaasahan ni Ataparag ay hindi lang ito basta sumuntok sa hangin kundi tumira ng napakalakas na hangin na tila buhawi.


Dahil sa sunod sunod na pag atake ay tinamaan si Ataparag at tumalsik sa mga puno sa kagubatan.


" Hahahaha inaamin ko bumilib ako sa ginawa mo pero hindi ako kayang patayin ng mga pipitsugi mong pampasabog." 


Inakala nito na nagawa nyang mapuruhan si Ataparag at nagmamalaki na walang pwedeng tumalo sa kanya dahil sya ang pinakamalakas na prime hube.


Nanginginig naman sa takot ang mga bihag habang nakadapa sa lupa habang dumadaan ang pinuno ng halimaw sa harap nila papunta sa nagbagsakan na puno para puntahan si Ataparag.


" Ako ang ika pitong galamay ng Black scorpion at kahit kailan hindi pa ako natatalo sa laban." 


Sa pagtigil nya sa harapan ng mga nagbagsakan na puno ay napansin nya na wala sa paligid si Ataparag.


" Nakakapagtaka pero naramdaman ko sya dito kanina lang at alam ko tinamaan ko sya." Bulong nya sa isip.


Ilang sandali lang ay napaharap sya sa likod nya at nakita ang pag paslang ni Ataparag sa dalawang natitirang tauhan ng halimaw.


" Paanong? Hindi ko man lang nakita ang pagkilos nya. Imposible." 


Hawak ang pugot na ulo ng halimaw humarap sa kanya si Ataparag at halata sa mukha nito na seryoso itong lumalaban.


" Hindi ako interesado sa sinasabi mo dahil sinabi ko na nung una palang ." 


Inihagis ni Atapatag ang hawak nyang ulo ng halimaw sa harap nito habang sinasabi na hindi ito natatakot sa black scorpion at sa mga prime hube.


" Binalaan na kita na mas malakas ako sa black scorpion o sa kahit na sinong prime Hube dito sa endoryo." 


Habang sinasabi nya ito ay nababalot sya ng napakalakas na enerhiyang pumapalibot sa paligid nya.


Nangilabot bigla ang pinuno ng mga halimaw ng makita ang nagliliwanag na mga mata nito.


" Imposible, isang crimson Eye." 


" Ibigsabihin isa kang Alpha class." 


Sa isang kisap mata ay napunta sa harap nito si Ataparag at nakaamba ng pag atake.


" Napaka bilis." 


Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na nakagawa ng paraan ang halimaw na iwasan ang kamao ni Ataparag.


" yaahh!!!!!" 


Kasabay ng pag sigaw nito ay ang pagtama ng suntok nya sa sikmura ng halimaw at sa sobrang lakas nito ay napa talsik ito paitaas hangang tatlumpung talampakan.


" Asar , napakalakas ng suntok nya para sa isang kalahating halimaw." 


Habang lumilipad sa ere ay nabalanse nya ang sarili nya para lumapag ng maayos sa lupa.


" Hindi ko dapat sya minamaliit dahil isa syang alpha class, dapat na akong magseryoso." 


Ngunit bigla nyang napansin na may kung ano sa mga parte ng katawan nya habang nasa ere sya.


" Ano ang mga ito?" 


May kung anong insekto ang kumakagat sa katawan nya at habang ito nakakagat sa balat nya ay lumalaki ang mga ito.


" Hindi kaya isa ito sa mga kapangyarihan nya? Teka bakit parang nanghihina ang katawan ko?" 


Lalong lumalaki ang mga  garapatang ito na halos kasing laki na ng bola.


Walang ideya ang halimaw sa bagay na nakakapit sa kanya pero alam nya na hindi ito maganda para sa kanya lalo pa tila nauubos ang kanyang lakas.


Sa pagkakataon na iyon ay tinignan nya si Ataparag habang nakaangat ang mga kamay nito at naka akma.


" Tapusin na natin ito." Sambit ni Ataparag.


Nanlaki ang mga mata ng pinuno ng mga halimaw habang sumisigaw sa galit


" Sumpain ka kutong lupa ka!!" 


Sa isang snap ng mga daliri ni Ataparag ay sabay sabay sumabog ang mga higanteng garapata sa katawa ng halimaw.


Sa sobrang lakas ng pagsabog ay gumawa ito ng napakalakas na impact na nagpatalsik sa lahat maging sa mga bihag.


Bumagsak sa lupa ang putol na katawan ng halimaw at gumulong sa lupa papunta sa harap ni Ataparag.


Nanatili naman nakatayo lang si Ataparag habang pinagmamasdan ang nakahandusay na kalaban at alam nya na hindi na nito kayang lumaban pa lalo na halos wala na itong mga braso at kalahati ng parte ng katawan.


" Hindi mo dapat minamaliit ang kalaban mo base lang sa antas ng kinabibilangan mong lahi." 


" Alam ko yun dahil minsan na rin akong naging hambog ng kalabanin ko ang kamahalan noon at tinalo lang sa laban." Sambit nya dito.


Sa pagkakataon na iyon nag hihingalo na ang pinuno ng mga halimaw habang tinatanong si Ataparag kung paano sya nagtataglay ng napakalakas na enerhiya gayung kalahating tao lang sya.


" Sino ka ba talaga?"


 Walang reaksyon ang mukha ni Ataparag habang muling inaangat ang kanyang kanang kamay.


" Ako ay isang tapat na heneral ng time keeper na si Queen Sei ng Galica na isa sa mga sandata ng Diyos." 


" Pero kung tinatanong mo ay kung bago ako maging myembro ng eskapa ay isa akong Genion Demon beast. " 


" Ang isa sa mga Grand chaos na si Verocania." 


Nanlaki ang mga mata nito sa gulat ng marinig ang sinabi ni Ataparag. 


Hindi ito makapaniwala na makakaharap nya sa laban ang isa sa mga Grand Chaos.


Ang grand chaos ay ang Limang hari ng mga Prime demon beast na sumasakop sa Demon continent.  


" Paalam, ang diyos na ang bahala sa paglilitis sa kasalanan mong ginawa dito sa lupa" mahinahong sambit ni Ataparag


Lumaki ang garapata na kumakagat sa ulo ng halimaw at sa isang snap lang ng daliri ni Ataparag ay sumabog ito ng napakalakas na sumurog sa halimaw.


Alabngapoy Creator

Part 2 ep 26