Chapter 24 part 2 


Tuluyan na kaming napalibutan ng mga gagamba na handa ng umatake saamin ano mang oras kaya naman kahit na nakakaramdam ng sakit sa paa ay pinilit kong itapak ito.


" Hindi ka mamamatay dito, ipinapangako ko yan !" Sigaw ko habang tumakbo palayo.


Bumulusok kami sa pag takbo at iniwasan ang mga nakaharang na gagamba sa paligid.


Gayumpaman hindi sumuko ang mga red star giant spider at hinabol parin kami habang nag bubuga ng mga sapot.


Napakabilis nila na halos kaya akong sabayan at alam ko na malapit na nila akong maabutan kaya lalo pa akong nagmadali.


 Isang minuto lang ang kaya kong itakbo gamit ang crimson item at hindi parin sila tumitigil sa pag habol kapag nagkataon ay mahuhuli na nila kami kapag napagod na ang mga paa ko sa pagtakbo.


" Masama ito." Bulong ko.


Hindi pa man ako nakarating sa labas ng gubat ay bigla ng may sumalubong na maliit na gagamba sa harap ko at tumama mismo sa katawan ko dahilan para mawala ako sa balanse at nadapa.


Sumadsad kami sa lupa na dalawa at parehong hindi makagalaw.


Pinilit kong tumayo pero halos namamaga na ang paa ko dahil sa pag abuso ko sa crimson item.


Napakasakit ng nararamdaman ko at pagod na pagod na rin ako, siguro hangang dito na lang talaga ang magagawa ko.


Nakita ko ang babaeng fox na kasalukuyang walang malay dahil din siguro sa pag bagsak naming dalawa.


Nagpaligiran kami ng mga gagamba at bumagsak mula sa harap namin ang dalawang red star giant tarantula. Umakma ito ng pag atake sa dalaga at kahit na gustuhin ko man na tulungan sya at salagin ang atakeng iyon ay hindi ko magawang itapak ang mga paa ko.


Alam ko sa sarili ko na wala na akong magagawa sa mga oras na iyon, mabibigo akong mabago pa ang nakatakdang kamatayan nya.


" Hindi, hindi maaari ito." Sambit ko habang inaabot ng kamay ang babae.


Sa gitna ng kawalan ng pag asa, habang pinagmamasdan ko ang unti unting pagtama ng galamay ng gagamba sa katawan ng babae ay biglang may pulang usok na bumabalot sa kanya.


Naging usok ang babae at tumama lang ang galamay ng gagamba sa lupa. Hindi ako makapaniwala sa nangyari pero kinutuban na ako kung saan nang galing ito.


Pamilyar ako sa pulang usok na iyon at dahil sya lang ang pwedeng makagawa nun sa mundong ito.


Hindi ako nagkakamali nag mula ang pulang usok na iyon sa sundalo ng eskapa na si Red cloud.


" Pasensya na at natagalan ako." 


Unti unting kumakapal ang pulang usok sa paligid at lumabas sa usok na ito si Xxv buhat buhat ang babaeng Fox.


" Magaling ang iyong ginawa, ngayon ako ng bahala sa kanila mula ngayon." Sambit ni Xxv.


Wala akong masabi habang pinagmamasdan si Xxv na nakatayo sa harap ko. Umilaw ang hikaw nya kasabay ang paglabas sa usok nila Isay at melon.


" Ginoong Nathaniel ayos ka lang?" Tanong ni Isay habang nilalapitan ako.


Naglaho si Xxv mula sa usok at napunta sa gilid namin. Ibinaba nya ang babaeng hawak nya at binilin saamin na ingatan habang ginagawa nya ang trabaho nya.


Hinawakan nya ang crest sa bewang nya at lumabas doon ang espada ng sanitoshi na binigay sa kanya ni Suwi.


Pumikit ito at huminga ng malalim kasabay ang paglagablab ng pulang apoy sa kanyang espada.


" Crimson  flame strike" 


Unti unting naglalaho ang katawan nya sa usok at lumitaw sa ibat ibang parte ng lugar habang isa isang nilalaslas ang mga gagamba sa paligid.


Ang kakayahan nyang maging ulap at gumalaw kasama nito kasabay ang pag atake sa kalaban sa loob ng kanyang teritoryo ay nagsilbi nyang matinding panlaban at teknik.


Kahit na masugatan lang ang mga gagamba ay tinutupok na ang buong katawan nito ng pulang apoy ng espada.


" Sumayaw ka sanitoshi. Crimson tornaido ! " 


Kumalat ang pulang apoy sa paligid at pumaikot paitaas kung saan tinupok ang lahat ng gagamba pati sa itaas ng mga puno.


Tinatamaan din kami ng apoy ngunit hindi kami nakakaramdam ng init mula rito dahil ang apoy ng sanitoshi ay buhay at sinusunod lang ang utos ng kanyang master kung sino lang ang tutupukin.


Napakapambihira ng kanyang kakayahan at dahil doon kinatatakutan sya ng napakaraming mandirigma lalo na alam nila na sinanay sya ng ibat ibang sandata ng diyos ng eskapa para maging mahusay na tagapagligtas.


Habang imiikot paitaas ang apoy ay naglaho mula sa usok si Xxv at lumitaw sa pinaka tuktok hawak ang espada.


Mula sa itaas ay bumulusok sya pababa at hiniwa ang ulo ng isang red star giant tarantula. 


" Red cloud teknik, fallen strike" 


Pagkatapos bumagsak sa lupa ang ulo ng gagamba ay muli syang naglaho sa usok at lumitaw sa harapan mismo ng isa pang higanteng gagamba.


" Tapusin na natin ito." 


Buong pwersa nyang inihampas paangat ang espada nya at nagpakawala ng napakalakas na apoy na syang humati sa higanteng gagamba sa dalawa.


Naubos ang mga gagambang naroon sa isang iglap lang. Wala kaming nasabi at patuloy na namamangha sa aming nasaksihan dahil ibang iba ang level ng pakikipaglaban nya.


Winasiwas nya ang kanyang espada kasabay naman nito ang pagkawala ng mga apoy sa paligid na tila isang bula.


Ibinalik naman nya ang espada sa crest na nasa bewang nya kung saan ito nagmula. Ang crest na ito ay isang magical item na ginagamit ng mga sundalo ng eskapa bilang lalagyan ng mga sandata at ano mang gamit.


Huminga sya ng malalim at kasabay ng pagdilat nya ay naglaho ang mga pulang usok sa paligid.


Humarap ito saamin at agad na tinanong ang aming kalagayan. Napaka ganda ng ngiti saamin nito na para bang walang nangyari.


" Pasensya na kayo kung ngayon lang ako kumilos para iligtas kayo, binilin kasi saakin na wag maki elam sa pagsusulit." 


Lumapit sya sa harap ni Isay at hinawakan ang kamay nito para alalayan itong tumayo.


" Maraming salamat sa pagtulong mo saamin matapang na ginoo." Sambit ni Isay.


" Napakalaking karangalan ang magligtas ang napakagandang diwatang kagaya nyo." 


Hinalikan nito ang mga kamay ni isay na labis naman nitong kinatuwa at nahihiya sa papuri at pag galang na natangap.


" Maganda ? Hindi ko akalain na magaling kang mambola ginoo pero salamat." 


" Ngunit totoo naman ang nasabi ko, kitang kita iyon sa iyong napakaganda mong mukha na may matitingkad na mga mata, ang iyong balat na kasing lambot ng mga bulak at kasing kinis ng katulad sa isang sangol." 


Pinuri nito ang  kagandahan ng malasilver nitong buhok at amoy na kasing bango ng bulaklak. Napaka ganda nyang magsalita na tila ba nanliligaw ng babae.


Napangisi na lang ako sa nakikita ko pero kahit naman na iirita ako ay hindi ko sya masisisi sa kinikilos nya sa harap ng mga babae.


Isa sa katangian ni Xxv ay ang magandang pakikitungo nito sa lahat ng babae dahil narin sa itinuro sa kanya ni Yuki.


Alin sunod sa utos ni Yuki sa kanya ay inugali nyang purihin at igalang ang mga babae kaya naman nadala nya ito hangang sa labanan o kahit saan sya magpunta.


Ang totoo gustong gusto kasi ni Yuki na pinupuri sya at dahil doon dinisiplina nya si Xxv na palaging gawin ito sa kanya.


Hindi na ako makatiis na pagmasdan ang dalawa na naglalandian sa harap ko kaya naman inabala ko na ito sa pag uusap nila.


" Pwede ba bago kayo maglandian dyan ay maaari bang tulungan nyo muna kami."  Sambit ko.


" Naku pasensya na." 


Agad na lumapit si Xxv sa babaeng fox at gumamit ng healing magic para paghilumin ang kanyang sugat.


" Pansamantala titigil ang pagdurugo ng sugat nya sa ginawa ko pero kailangan nya paring madala sa pagamutan. " 


Sinubukan nya rin pagalingin ang mga paa ko at nawala ang hapdi nito. May kaalaman din sya sa healing magic dahil sa pagtuturo ni Magdalena sa kanya nito.


Hindi parin ako makapaniwala na makikita ko sya sa personal at namamangha dahil sa wakas nakakausap ko na ang bida sa ginawa kong komiks at kagaya ng nakasulat ay talagang kamangha mangha sya.


" Maraming salamat, talaga ngang napakahusay mo Xxv at kung hindi dahil sayo malamang napahamak na kami." 


Bigla itong natahimik at nagulat sa narinig saakin, ilang sandali pa ay nagtanong saakin kung paano ko nalaman ang pangalan nito.


" Huh? Ah .. eh.. bakit? Wala naman hindi nakakakilala sa kasikatan mo bilang bayani nagliligtas ng napakaraming buhay." Aligaga kong sambit.


Nagpasalamat ito sa papuri ko sa kanya ngunit patuloy syang nagtataka dahil tunay na isa syang tanyag na bayani para sa iba ngunit hindi sya kilala bilang xxv kundi red cloud dahil ang Xxv ay nagmula sa pangalan nya bilang alipin.


Sinabi nya saakin na ang tanging iilang mga nilalang lang ang may alam sa pangalan nya bilang alipin at patuloy na tumatawag sa kanya nito.


Napailing na lang ako dahil mukhang nadulas ang mga bibig ko ng sambitin ko ang pangalan nya pero nakaka inis din dahil hindi ko man lang naisip ang mga bagay na katulad nun. 


Hindi nya inaalis ang tingin nya saakin at parang nagdududa saakin kaya naman wala na akong magagawa kundi gumawa ng kwento at magsinungaling.


" Ah..  eh.. ang totoo kaibigan ako ng Asawa mo na si Suwi kaya naman nalaman ko ang pangalan mo." 


Nagulat ito sa nasabi ko at hinawakan ako sa balikat. 


'" Huh? Talaga kaibigan ka ng asawa ko?hindi ka ba nag bibiro?" 


" Alam mo ba kung nasaan sya?ligtas ba sya? Ano ang kalagayan nya? " 


Ikwinento nya saakin na tumakas ang asawa nya sa isla na ibinigay sa kanya bilang tahanan nito at sobra syang nag aalala sa kalagayan nito lalo pa marami ang humahabol sa kanya.


Dahil nga sa nakikita ko na aligaga sya sa pag tatanong ay pinapahinahon ko muna ito habang sinasabi sa kanya na nasa ligtas na lugar si Suwi sa ngayon.


" Talaga? Mabuti naman at ayos lang sya." Pagbuntong hininga nya.


Gayumpaman ay hindi nya maiwasan na magtaka kung paano ako nagkaroon ng ugnayan kay Suwi gayung hindi ito pala kaibigan at masungit sa ibang nilalang.


" Sinabi mo pa, alam mo ba nagpakahirap ako para tulungan sya pero imbis na pasalamatan ay sinapak nya ako ng dalawang beses sa mukha." 


" Hahaha ginawa nya yun sayo?" 


" Masyado rin syang mayabang at pag ayaw nya sa mga sinasabi ko palagi nya akong tinatawag na kutong lupa." Pagrereklamo ko.


" Hahaha hindi na sya nagbago." 


Napangiti na lang si Xxv habang nagpasalamat saakin dahil sa pagiging malapit ko sa kanyang asawa kahit na tila hindi maganda ang pakiki tungo nya saakin.


" Nagugulat parin ako na may kaibigan syang tao pero natutuwa ako dahil doon, siguro nga tinutupad nya na ang kanyang mga pangako." 


Napailing na lang ako habang di sumasang ayon sa sinabi nya dahil hindi naman talaga nagbago si Suwi at kagaya ng dati ay masama parin ang ugali at dila nya sa iba.


Ilang saglit pa ay inaya nya na kaming magtungo sa arena upang tuluyang magamot.


Gayumpaman bigla akong nag alala dahil wala pa kaming nakukuhang pulang itlog at kapag bumalik kami doon ay maaari kaming bumagsak.


Dahil sa sinabi ko ay biglang tumalon papunta sa ulo ko si Melon at ipinaalam na hindi ko kailangan na mag alala dahil nakakuha na sya ng mga pulang itlog nung magbagsakan ito sa lupa.


Iniluwa nya ang napakaraming pulang itlog at ipinaliwanag na maaari syang magtago ng mga bagay bagay sa kanyang katawan.


" Ang galing mo naman melon, nakuha mo pala ang mga yan kanina." Sambit ni Isay.


" Ayos dahil dyan makakapasa na tayo." 

Tuwang tuwa si isay at masiglang binubuhat si melon.


Alabngapoy Creator

Part 2 ep 24