Chapter 35 part 1 

Ilang minuto pag katapos tumakas nila Nathaniel papunta sa bayan ay nagtungo agad ang mga sundalo ng eskapa sa punong tangapan upang paghandain ang mga naroon na magsilikas.

Hindi naman nagdalawang isip ang mga ito at sumunod sa mga sundalo dala na rin ng takot na madamay ang bayan nila sa mga pag atake.

Higit tatlong libong sundalo ng Eskapa ang pinagbantay sa hanganan habang ang iba ay tinutulungan ang mga mamamayan nito na mag madali sa pag dadala ng mga malilit na gamit na dala ng ilang mga nakatira doon.

" Kapitan, Higit isang libo pa lang ang lumilikas at marami ang ayaw na makinig saamin." 

Napahawak na lang sa ulo ang kapitan nila habang ipinag uutos sa mga sundalo na sapilitan silang dalhin dahil ito ang utos ng reyna na sumasakop sa kanila.

Alam ng kapitan na magiging makulit ang mga ito lalo na ang mga may ari ng lupa na mas pipiliin pa mamamatay sa kanilang lupang sinilangan.

" Malakas ang kalaban ng heneral at maaaring magiging battle filed din ang lugar na ito kaya pilitin nyo silang mailikas kahit gamitan nyo sila ng sleeping magic." 

Habang nagaganap ang paglikas ay kasamang nakaupo lang ng mga nakatira doon sa karwahe si Nathaniel at pinanunuod ang nangyayari.

Kinakausap nito si Melon sa isip at nababahala sa mga nakikita nya.

" Tama lang ba ang ginagawa ko? Misyon ko na magligtas ng buhay pero kasama ako sa inililigtas ngayon nila." Bulong sa isip ng binata.

" Walang masama sa ginagawa mo dahil wala ka naman kayang iligtas dahil hindi pa sapat ang enerhiya mo sa katawan para lumaban.

" Tandaan mo ang enerhiya mo ay kinuha mo lang sa iba at maaari itong maubos kaya mas mabuting tumakas ka na lang muna." 

Ipinaalam sa kanya na wala syang sariling enerhiya sa katawan at inilarawan ni Melon ang kakayahan nya bilang mga baterya na maaaring maubos at kapag naubos na ito ay hindi nagbabalik ng kusa kagaya ng normal na nilalang.

Binigyan nya ng pagpipilian si Nathaniel na kung nais nya talagang tumulong ay kunin ang kapangayarihan ng lahat ng mga sundalong naroon upang maging sapat ang enerhiya nya sa pakikipaglaban.

Gayumpaman hindi naging maganda ang tingin ni nathaniel sa panukala ni Melon dahil sa palagay nya ay hindi ito mabuting gawin bilang isang bayani.

" Napakadaling mong sabihin yan, anong gusto mong gawin ko bigla ko na lang silang nakawan ng enerhiya na parang kumukuha lang ako ng candy sa bulsa nila?" Sagot ng binata.

 " Kapag hindi ka naging ganid sa kapangyarihan ay wala kang mararating dahil ganyan ang katangian ni Kula kaya ito naging pinakamalakas noon." 

Ikwinento ni Melon na nung nabubuhay si Kula ay kinuha nya ang enerhiya ng lahat ng kalaban nito at kapag sa oras ng laban maging ang kakampi nya ay madalas nyanh kinukuhanan ng kapangyarihan upang mapanatili ang kalakasan at magpatuloy na lumaban.

Para kay Melon kahit sa paningin ng ilan ay hindi ito tama ay hindi ito malaking bagay dahil kahit ano pa man ang magyari ang kasakiman ni Kula sa kaoangyarihan ang naging dahilan kung bakit sya naging tanyag at kinatatakutan.

Alam ni Nathaniel ang gustong ipunto ni melon para maging makapangyarihan sya pero pero hindi parin sumang ayon si Nathaniel dito at nagdahilan dahil alam nya na kung gagawin nya ang bagay na iyon ay mapaparalisa ang mga sundalo at maaaring mamatay ng walang kalaban laban.

Ipinaliwanag naman ni Melon na maaaring makatulog ang mga nilalang na makukuhaan nya ng kapangyarihan at hindi maiiwasan na may mapahamak lalo na sa sitwasyon nila ngunit marami naman syang maililigtas ng dahil doon.

" Hindi ako kasing ganid sa kapangyarihan kagaya nya." Dagdag ng binata.

" Walang masama sa paraan na iyon dahil ganun tumatakbo ang kapangyarihan nya at kailangan mo yun tangapin din uoang maging katulad nya." Sagot ni Melon.

Dahil napapansin ni Melon na masyadong malambot at mabait si Nathaniel ay binigyan nya ito ng babala na kapag hindi nya ginawa ang dapat gawin ay mananatili syang mahina.

Mauulit at mauulit ang bagay na kinatatakotan nyang mangyari lalo na ang naranasan nya kanina na walang magawa kundi panuorin ang lahat na mamatay na lang.

Hindi maintindihan ng binata ang nararamdaman nito habang pinakikingan ang mga babala ni Melon at nakatingin lang sa mga kamay nya puno ng pagkadismaya sa sarili.

Naglalaro sa isip nya na kaya nya bang gawin ito at alam nya sa sarili na kapag pinili nya maging ganid sa kapangyarihan ay wala na itong atrasan pa.

Habang nag uusap ay biglang may narinig silang pagsabog sa bandang hanganan.

Agad syang dumungaw sa bintana at nakita ang mga swordfish na bumabagsak mula sa kalangitan.

Nagtakbuhan ang mga naroon at nagkagulo para itago ang kanilang mga sarili sa pag ulan ng mga isda na gawa sa tubig.

Hindi naman hinahayaan ng ibang mga sundalo ang mga mamamayan at pinoprotektahan ang mga ito sa pag atake.

Gayumpaman marami sa mga sundalo ang hindi kayang salagin at wasakin ang mga ito kaya patuloy silang nauubos isa isa habang nag papaulan ng mga sword fish ang kalaban.

Nanlulumo si Nathaniel habang pinapanuod mula sa loob ng karwahe ang mga nagaganap. Kitang kita nya ang mga naroon na na tumatakbo habang humihingi ng tulong bago tuluyan tamaan ng mga isda.

" Hindi, hindi pwedeng wala akong gawin. " 

Dahil sa awa sa mga biktima ng pag atake ay biglang nagkaroon ng lakas ng loob si Nathaniel na tumayo sa karwahe at binalak na lumabas ngunit nabigla sya sa mga susunod na mangyayari.

Pagtapak nya sa labasan ng karwahe upang sana lumabas ay bumulaga tatlong naglalakihang pating na gawa sa tubig sa harap nya.

Parang bumagal ang oras sa paligid nya habang unti unti nyang nakikita ang pag buka ng mga bibig nito palapit sa karwaheng sinasakyan nya.

Sinubukan pa nyang maglabas ng apoy para sabayan ang mga ito pero huli na ang lahat at tuluyan na syang nakagat ng isa sa mga ito.

Winasak ng mga pating ang karwahe na sinasakyan nya at kinain ang lahat ng sakay nito kasama na sya.

Halos mapasigaw si Nathaniel sa sakit ng itumarak ang mga ngipin ng oating sa kanya at ayaw syang bitiwan.

" Nathaniel gamitin mo ang kapangyarihan mo kundi puputulan ka nya ng braso!" Sambit ni melon.

Agad na sumiklab ang apoy sa buong katawan ni nathaniel  na tumupok at nagpalusaw sa pating.

Nawasak ang ulo ng pating na ito kaya naman nahulig mula sa ere si Nathaniel at nag pagulong gulong sa lupa.

" Ahhhh ! ang sakit! Ang braso ko, napakasakit " 

Halos mamilipit sa sakit si Nathaniel habang takot na takot sa nararamdamang kirot. Hindi nya maigalaw ang kanang braso nya na ngayon ay puno ng dugo.

" Kumalma ka nathaniel hindi makakatulong sayo kung mag papanik ka, gamitin mo ang enerhiya mo para matigilin ang pagdurugo at utusan ang mga ito na hilomin ang sugat kundi mamamatay ka." Sigaw ni Melo.

Hingal nahingal si Nathaniel at pilit pinapagaling ang mga sugat nya gayumpaman hindi nito kayang pawalain ang sakit habang ginagamot nya ito.

" Napaka sakit, Paki usap tulungan mo ako Melon, ayaw tumigil sa pagdurugo ng braso ko."

" Nathaniel, Nahahati ang kapangyarihan mo kaya mabagal ang pag papagaling nito kaya naman kung hindi ka kakalma at makokocentrate ay mas tatagal ang nararamdaman mong sakit."  Sambit ni Melon.

Ipinaliwang sa kanya ni Melon na kahit nagtataglay sya ng natural na abliiidad ng iba ay hindi ibigsabihin ay magagawa nya itong magamit ng mahusay dahil hindi naman nya alam kung paano ito gawin  lalo na wala syang ideya sa limitasyon,kondisyon at ibang katangian nito.

Alam ni Nathaniel na hindi sya nagawang protektahan ng banal na kapangyarihan sa atakeng iyon dahil tanging braso nya lang ang kinarat ng  pating at hindi ito magiging dahilan ng kamatayan nya.

Habang nakaluhod sya at patuloy na namimilipit sa sakit ay nasasaksihan nya ang unti unting pag ubos ng mga pating sa mga nilalang sa paligid na patuloy na tumatakbo at inililigtas ang mga buhay.

" Bakit ito nangyayari? Bakit patuloy akong walang magawa? Hindi ganito ang dapat na mangyari dapat kaya ko silang tulungan dahil nasa panig ko ang kalangitan at tadhana peeo bakit?." Sa isip ng binata.

" Kahit pilitin ko ang sarili ko na gamitin ang kakayahan ko hindi sapat ang enerhiya ko para mabilis na gumaling ang sugat ko. Ano ba ang dapat na gawin ko? " Dagdag nito.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga Pagi na gawa sa tubig at isa sa mga ito ay sakay ang batang babaeng komokontrol sa mga ito.

Lumapit ito sa kinaroroonan ni Nathaniel at lumapag sa lupa upang kausapin ang binata. 

Laking pagtataka naman ni Nathaniel sa paglitaw nito at nangamba sa naging resulta sa laban nila ni Agane.

" Bakit sya narito? Ibig bang sabihin nito natalo nya si Agane? Pero imposible hindi pwedeng matalo si Agane ng ganun kabilis " 

Bumaba ang batang babae sa lupa at unti unting naglakad palapit kay Nathaniel habang hawak ang baston nya.

" Teka ano bang pakay nya dito, wag mong sabihin sinundan nya ako dito para patayin?" 

" Ikaw tao, uulitin ko sayo ang tanong ko saan mo nakuha ang mga nasa braso mo?" Tanong nito.

Hindi makasagot ang binata dahil aa matindimg prensensyang pinakakawalan ng batang babae na nagpapahirap sa kalagayan lalo ni Nathaniel.

Pakiramdam nya ay iniipit ang kanyang dibdib at nawawasak ang kanyang pandinig dahil sa tunog na bumabalot sa kanyang tainga.

" Hindi ako makakilos o kahit makapag salita, dahil ba sa sobrang takot o baka dahil hindi na kinakaya ng katawan ko?" 

Sa isip ng binata.

" Ano ba itong nararamdaman ko? Epekto ba ito ng dark energy ? O baka naman ito na ang nararamdaman ng taong mamamatay." 

Habang nakaluhod sya sa harap nya ay nakita nya mula sa ere ang isang bagay kung saan nagiipon ito ng enerhiya.

Naramdaman din ito ng batang babae at nilingon ang presensya na nasa itaas pero sa pagtalikod nya ay sinalubong na sya ng isang pag atake.

Isang napakalakas na pag atake na sumira sa kalupaan at naging sanhi ng napakalakas na pagsabog.

Dahil sa pagsabog ay napatalsik si nathaniel sa palayo at gumulong gulong.

Dito ay nababalot sya ng dilaw na awra na mula sa kapangyarihan ng bathala 

Ilang saglit pa ay kumalat ang tubig sa paligid at unti unting nagtipon kung saan muling lunmbas ang batang babae.

Mula sa kalangitan ay bumagsak mula sa lupa si Agane na halos magpayanig sa kalupaan.

Nababalot sya ng mga kaliskis ng dragon sa balat na nagsisilbing armor  nya kasama na ang kanyang buntotvat pakpak.

Habang pinapagpag ang pakpak ay kumakawala ang napakalakas na hangin sa paligid.

" Tama nga, hindi ka kung sino lang na mage dahil nagawa mong makaligtas sa atakeng kong yun ng walang kahirap hirap." Sambit ni Agane.

Malamig na tingin lang ang sinukli ng batang babae at walang imik na itinaas ang kanyang baston na hawak kung saan lumitaw muli ang magic circle sa lupang kinatatayuan nito.

Kasabay ng pag taas nya ng baston ay ang pag litaw ng sampung mga pating na gawa sa tubig na kasalukuyang lumulutang sa paligid nito.

Sa muling pag kumpas ng batang babae sa baston ay nagsipaglusob ang mga pating sa kinaroroonan ni Agane.

" Hindi uubra saakin ang ganyang pag atake." 

Sumutok sa hangin si agane at nagpakawala ng isang wind strike na syang bumutas sa gitna sa katawan ng isang pating.

Tinuloy tuloy nya ang pag suntok hangang sa walang matira at umabot  man lang sa kanya na isa sa mga pating.

Ibinababa ng batang babae ang baston nya at itinigil ang pag atake  habang pinupuri si agane .

" Nagawa mong makawala sa water dome na ginawa ko at bale wala sayo ang mga water shark ko, siguro nga hindi kita pwedeng basta balewalain." Matamlay na sambit ng batang babae.

Napangisi na lang si Agane at tila nainsulto sa narinig dahil bilang isang maharlikha na nagmula sa lahi ng prime dragon ay wala pa syang naririnig na bumalewala sa kanya.

Nagpakawala ito ng matinding awra na lalong nagpalakas ng paghampas ng hangin sa paligid.

" Ayoko sa reaksyon ng mukha mo na para bang napaka kalmado mo kahit na isang prime dragon ang kaharap mo marahil kailangan kong ipakita sayo ang tunay na kapangyarihan ko at iparamdam sayo ang takot ng kamatayan " sambit ni Agane.

Nag umapaw ang kapangyarihan ni Agane na kinabahala ng batang babae kaya naman agad nyang itinaas ang kanyang baston at pinalitaw ang magigic circle sa kanyang kinatatayuan.

Gayumpaman bago pa nya macast ang kanyang atake ay pumadyak na ng kanang paa si agane kung saan dinurog nito ang kalupaan at gumawa ng pag atake na nagmula sa ilalim ng lupa.

Gumapang ang hangin sa lupa papunta sa kinaroroonan ng batang babae at winasak ang kinatatayuan nito kung saan naroon din ang magic circle.

Dahil sa pagkawasak ng kalupaan ay naglaho ang magic circle ngunit bago pa matamaan ang batang babae ng atake ay nagawa nitong makatalon sa kanyang tubig na paging.

Lumipad ito sa ere at sinubukan pang tumakas ngunit kasabay ng pag lipad ng pagi ay agad ng bumulusok sa harapan nya si Agane at nakaamba ng pag suntok.

" Hindi ka makakatakas." 

Sinubukan pang maglabas ng dambulakang jellyfish ng batang babae para protektahan sya sa suntok ngunit tila nabura lang ito na parang bula ng tamaan ng suntok ni agane.

Ang suntok nyang ito ay may kasamang nagwawalang hangin na halos humiwa sa mga bagay bagay sa paligid.

Napatalsik ang batang babae at nabalot ng tubig ang buong katawan uoang protektahan ang kanyang sarili.

Habang lumilipad sa ere ay muling sumuntok si Agane dito upang kunin ang pagkakataon na pinsalaan ito.

"Isa pa rin syang mage at hangat hindi nya nakukumpleto ang pag cast ng water magic ay lamang ako sa laban na ito " bulong nito sa isip.

Sinubukan ng mga tubig sa paligid ng batang babae na protektahan ito sa wind strike ngunit winasak lang ito.

Sa bawat pag gawa ng pananga ng tubig ang batang babae para protektahan sya ay madaling nawawasak ng sunod sunod na wind strike ang mga ito.

Alam ng batang babae na hindi magtatagal ay matatamaan na sya ng atake ni agane kaya naman muli syang gumawa ng napaka laking magic circle sa ere.

Kasabay naman nito ay ang pag bwelo ni Agane ng kanyang mga kamay at boung pwersang pinalakpak ito.

Gumawa ng napakalakas na wind strike ang pagpalakpak ni Agane na syang tumama sa batang babae at nagpatalsik.

Tinangay sya ng napakalakas na hangin at bumaksak sa lupa kung saan nagawa pa ng tubig na pangalagaan sya sa pagtama sa lapag.

Gayumpaman ay hindi nya inaasahan na biglang aatake si Agane pagkatapos nyang bumagsak sa lupa. Bumulusok si agane at mabilis na naka amba ng suntok sa harap nya.

" Wind blow!" 

Tinamaan ang batang babae ng suntok at winasak ang ulo nito gayumpaman napansin ni Agane na nababalot parin ito ng tubig at kusang nabubuo ang  parte ng katawan nito na nasira.

Pagkabuo ng ulo ng batang babae ay sinubukan nito tumalon palayo upang dumistansya ngunit nagawa ni agane na mahila ang mga paa nito.

" Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos." 

Hinablot nya ito at inhampas sa lupa na halos nagpabakat sa katawan nito.

Kasunod nito ay ang buong pwersang pag suntok ni Agane dito habang nakahiga ito.

Nag angatan ang napakakalaking tipak ng bato dahil sa napakalakas na impact na halos sumira sa kalupaan.

" Dragon Blow ! " 

Gumawa ito ng napakalaking ipo ipo na halos sumira sa buong lugar.

Alabngapoy Creator

Ep 35 part 1