Chapter 35 part 2 

Sa sobrang lakas pagsabog ng kalupaan ay gumawa ito ng malakas na pwersang nagpatalsik sa lahat ng bagay palayo kabilang na sila Nathaniel na ngayon ay halos gumapang sa lupa upang makalayo.

" Nathaniel, Kailangan mong makaalis na sa lugar na ito kundi madadamay ka at mas lalala ang magiging pinsala ng katawan mo." Sambit ni Melon.

" Sa tingin mo ganun kadali iyon? " 

Habang pinipilit nya kumilos at gumagapang palayo ay may biglang bumuhat sa kanya na isang sundalo.

Sa pagkakataon na iyon ay isa isa ng nag datingan ang maraming sundalo at inililigtas ang ibang mga biktima para ilayo sa paligid.

Nagmamadali ang mga ito na kunin ang mga natitirang buhay sa lugar dahil alam nila na mawawasak ang buong bayan sa nangyayaring labanan.

" Dalian nyo, kunin ang pwede pang iligtas at ilayo agad sa lugar na ito. Hindi na magtatagal ay mawawasak na ang buong bayan na ito." 

Habang sa laban nila Agane ay nanatiling lumulutang sa ere si Agane habang pinagmamasdan ang napakalaking butas na ginawa ng kanyang suntok.

Batid nya na kahit nagawa nyang tamaan ang kalaban nya ay hindi pa natatapos ang kanilang labanan dahil patuloy parin  nyang nararamdaman ang malakas na enerhiya sa paligid.

Ilang sandali pa ay biglang may napakabigat na presensya ang kumalat sa paligid at pinararamdam sa mga naroon ang kanyang kapangyarihan.

" Sa wakas inilabas mo na ang iyong tunay na kapangyarihan." Sambit ni Agane.

Nagliwanag bigla ang kalupaan at bumulwak ang mga water gaizer sa paligid.

Dito ay unti unting naiipon ang mga tubig sa gitna kung saan lumabas ang isang nilalang na may anyong isang mandirigmang serena hawak parin ang baston.

Ang siren ay isang uri ng nilalang na naninirahan sa tubig at taglay nila ang mahika na kontrolin ang tubig.

" Aba, kung ganun isa ka palang prime siren pero hndi na yun nakakapagtaka dahil kaya mong gumamit na mataas na uri ng mahika pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kailangan mong magtago sa anyo ng isang tao?" 

Hindi sumagot ang siren at patuloy lang sa pagpapalabas ng napalakas na presensya na gumigimbal sa mga naroon.

" Kahit na hindi ko na kailangan bigkasin ang orasyon ay hindi ko magawang makumpleto ang malalakas na water magic ko kung sunod sunod ang gagawin nyang pag atake."  Bulong nito sa sarili.

Batid nya na kahit gaano pa sya kalakas ay walang talab sa baluti ng isang dragon ang mahihinang water magic at dahil hindi sya nabibigyan ng oras sa pag gamit ng mataas na uri ng water magic ay alam nya na mahihirapan sya sa laban na iyon.

" Alam nya kung paano labanan ang katulad kong mage, siguro kailangan ko ng tulong mula sa mga kasama ko." 

Hinila nya ang isang medalyon sa kanyang bewang at ibinato sa lupa kung saan bigla itong naglabas ng magic circle at umilaw.

" Kinikilala ko ang lakas mo bilang malakas na katungali gayumpaman wala akong oras makipag laban sayo kaya naman sila na ang bahala sayo." 

Alam ni Agane na may binabalak itong gawin sa magic circle na inilabas nito kaya naman agad syang umatake dito gamit ang wind strike.

" Akala mo ba hahayaan kita magtagumpay sa binabalak mo?" 

Sumabog ang lugar sa pagtama nito sa lupa at gumawa ng napakakapal na usok.

Hindi pa man nawawala ang usok ay naramdaman na ni Agane ang panibagong itim na enerhiya at malalakas na presensya na biglang lumitaw.

" Anong nangyari? Kanino namang mga presensya ito?" 

Kasabay nun ay biglang hinawi ng napakalakas na pwersa dulot ng pagpapakawala ng enerhiya ng isang halimaw ang makapal na usok sa paligid.

Dahil sa pag kawala ng usok ay malinaw na nakita nila Agane ang Tatlong nilalang na nakatapak sa magic circle.

Lahat sila ay nagtataglay ng itim na presensya na nagmula sa dark energy at alam ni Agane na maaaring hindi lang sila basta simpleng mga nilalang base sa kanilang mga tinataglay nilang enerhiya.

" Hindi ko inaasahan ito, Kung ganun maaaring ang itinapon nya kaninang magic item ay isang uri ng transportation magic portal."

Isa sa mga ito ay isang halimaw na butiki na may mga matatalas na kuko at nakasuot ng magarang baluti.

Ang nasa kanan naman ay isa ring halimaw na naka suot ng coat ng mage.

Habang ang nasa gitna ay isang maskuladong halimaw na may taas na higit sampung talampakan at nakasuot ng magarang armor.

Tumingin ito sa paligid at tumalikod kung saan nakita nya ang sirena na tumawag sa kanila. 

Kasabay nun ay ang pag yuko ng mga ito bilang pag galang at binati ito.

" Mahal na princesa Katshira madalang na ipatawag nyo kami sa inyong misyon, ano po ba ang aming mapaglilingkod?" 

" Hindi ko gustong mag aksaya ng oras sa lugar na ito, gusto kong kayo na bahalang tumapos sa dragon na yan. Kaya mo bang gawin iyon Xeo Juggernaut?" " Sambit nito.

Nagulat si Agane sa narinig nito ng pangalanan ng siren ang isa bilang xeo juggernaut at naalala ang angkan ng juggernaut na minsan hinarap ng kanyang reyna noon.

Batid nya kilala ang mga juggernaut bilang isa sa pinaka matatag at matibay sa lahat dahil sa kakayahan ng mga itong patibayin ang kanilang depensa ng sampung beses at ang tanyag din ang angkan nila bilang bihasa sa mga defence magic na may antas na advance sa lahat.

" Hindi ako makapaniwala na may makakaharap akong juggernaut ngayon, mukhang hindi ito magiging madali." 

Gayumpaman ay hindi nagpakita ng takot si Agane at dahan dahan lumapag sa lupa habang patuloy na naglalabas ng napakalakas na enerhiya.

Hinarap sya ng tatlo at ilang saglit pa ay nagpakilala ang mga ito, hindi katulad ng iba ay marespeto syang kinausap ni Xeo at kinilala ang kanyang pagiging prime dragon.

" Malaki ang respeto ko sa mga prime dragon bilang mga katungali sa laban kaya naman inaasahan ko na kagaya ng mga nakalaban kong dragon ay ibibigay mo rin ang lahat ng kaya mo sa laban nating dalawa." 

" Ako nga pala si Xeo juggernaut ang isa sa heneral ng Zhukai empire na pinamumunuan ng warlord na si Halloween." 

" Ako si Agane Wind dragon ang heneral ng galica, marami na akong naririnig tungkol sa mga kinatatakutan na Juggernaut pero ito lang ang sasabihin ko sayo. 

Kung hindi kayo aalis ng payapa sa lugar na ito ay wala akong magagawa kundi paslangin kayong lahat dito mismo sa lugar na ito." 

Nagbangaan ng kanilang mga awra na halos magpatalsik sa mga bagay bagay sa paligid, nag uumapaw ang napakalakas na enerhiya nila na humahampas sa kalupaan.

Hindi nagpapatinag ang dalawa sa isat isa at hindi maalis ang matatalim na tingin nila upang pakiramdaman ang kilos ng bawat isa.

" Paslangin kami? Napaka interesanteng makita kung paano mo magagawa ang bagay na yan sa tatlong heneral ng imperyo ng zhukai." Sagot ni Xeo.

Dito nagpakilala ang kasama nya na halimaw na butiki na si Heneral Hagu, isang Geckian na isa ring Alpha katulad nila Agane.

" Hindi magiging patas ang laban na ito kung tatlo kaming lalaban sayo kaya naman ako na lang ang uubos sa ibang mga nandito." 

Dito ay bigla syang pinigilan ng kasama nyang mage at ipinaalala na wala itong pwedeng gawin maliban sa pinag uutos sa kanila. 

Agad naman itong hindi sinang ayunan ni Hagu at nagpakita ng pagkadismaya sa kasama. 

" Hayaan mo sya Dugal, Gawin nyo ang nais nyo basta wag nyong paslangin ang taong yun." 

Nagulat ang mga heneral ng ituro ng siren si nathaniel at bangitin nito na kinakailangan nya ang binata ng buhay dahil sa tinataglay nitong importanteng bagay.

Hindi man maintindihan ng mga heneral ang kailangan nito sa binata ay sumang ayon na lang sila sa gusto nito at natuwa dahil may magagawa silang iba maliban sa pagtulungan ang iisang kalaban.

" Kung ganun simulan na natin ang kasiyahan." Sambit ni Huga.

Naglabas ito ng dark energy ay biglang naglaho sa parang bula.

Nagulat ang lahat ng isa isang nagbabagsakan ang mga sundalo ni Agane ng biglaan habang nahihiwa ang ibat ibang parte ng katawan.

" Anong nangyayari?" 

"  Wala akong maramdaman na kahit ano presensya sa pag atake nya, gumagamit sya ng isang mataas na level ng Stealth teknik." Bulong ni Agane.

Alam ni Agane na walang may kayang lumaban na kahit na isa sa mga tauhan nya na naroon kaya naman agad syang kumilos para tulungan ang mga tauhan nya.

Nagpakawala sya ng hangin na nag patangay sa lahat paitaas kung saan nadamay sa pag angat si Hagu dahilan para mapalitaw ito saglit habang nasa ere .

Hinangaan naman ni Hagu ang talino ni Agane kung saan kahit na hindi nya ito nakikita ay nakaisip ito ng paraan para mapigilan sya sa pag atake.

Gayumpaman dahil hindi naman eksakto ang pag tama ng hangin kay Hagu ay wala itong nakukuhang pinsala.

Agad na bumwelo si Agane at lumundag palusob kay Hagu habang ito ay nasa ere pa.

Nahulaan naman agad ni Hagu na kukunin oportunidad ni Agane ang paglitaw nito sa ere kaya naman muli syang naglaho bago pa maabutan ng atake ng heneral.

" Masyado kang mainit." 

Sinubukang atakehin ni Hagu si Agane gamit ang kanyang mahahabang kuko pero hindi nito nagawang tablan ang kaliskis ng dragon na balat ni Agane.

" Aba, totoo nga na napakatibay ng kaliskis ng dragon, napaka boring nito dahil hindi ko magagawang pagpirapirasuhin ang katawan mo kaya tama lang na ipaubaya na kita kanila Xeo." Sambit ni Hagu.

Tumalon si Hagu palayo at muling nawala sa paningin ni Agane.

Sinubukan naman amoyin ni Agane ang paligid upang masundan ang galaw ng kanyang kalaban ngunit bigo syang malaman ang kinaroroonan nito.

" Hindi sya nag iiwan ng kahit anong bakas sa paligid, kapag hindi ako gumawa ng paraan tiyak papatayin nya ang mga tauhan ko." 

Habang nag iisip ay biglang lumitaw sa lupang tinatapakan nya ang isang magic circle kung saan nabalot ito ng liwanag at sumabog ng napakalakas.

Alabngapoy Creator

Ep 35 part 2