Chapter 42 part 1 


Lumipas ang tatlong araw ay nagising sa pagkakatulog si nathaniel at nakita nya ang sarili na nakakulong sa isang kwarto sa loob ng kaharian ng galica.


Ang kwartong ito ay normal lang na kwarto sa palasyo pero nababalot ito ng spell at mahika upang walang makapasok o makalabas mula sa loob nito. Batay sarado rin ito sa labas ng pinto at bintana.


Hindi malaman ng binata kong bakit sya ikinulong sa kwartong iyon na tila isang bihag ng galica gayung sa pagkakaalala nya ay malaki ang naitulong nya rito sa nakaraang laban.


Lunipas ang ikang minuto ay nangawit sa pag higa si Nathanile at tumayo para lumapit sa pinto.


" Nakaka sawa na dito sa loob, hangang kailan nyo ba akong ikukulong dito?" Tanong nya sa sundalo sa labas.


Hindi sya sinasagot ng mga sundalo sa labas na parang walang naririnig.


" Teka ano na bang talaga ang nangyayari? Hoy melon may alam ka ba sa nangyari habang tulog ako?." 


Sa pagkakataon na iyon lumabas si melon sa hood nya at pumatong sa ulo ni Nathaniel.


" Akala ko ba nagtitiwala ka kay sei kaya hinihintay mo na sya ang magsabi sayo?"sambit nito.


" Ilang oras na mula nung magising ako pero wala yata syang balak puntahan ako kaya sabihin mo na." Pag susungit nito.


Ikwinento ni Melon na pagkalipas lang ng isang araw pag kauwi nila sa galica ay dumating ang Eskapa sa bayan upang tulungan ito. Isa rin sa intensyon nila ang dakpin si Suwi dahil itinuturing parin itong kriminal at kinakailangan na mahatulan sa Korte ng Eskapa.


Gayumpaman hindi pumayag si Sei sa pagdakip kay Suwi at nanindigan na dapat manatili ang soul eater sa pangangalaga ng galica.


Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga sundalo ng eskapa at galica pero dahil sa nagpapahinga mula sa pinsala si Sei ay iginalang ito ng Eskapa.


" Hinayaan nila na manatili pansamantala si Suwi sa Galica pero nagbigay sila ng tatlong araw na palugid para isuko ni Sei ang Soul eater at nagbanta na mapipilitan sila gumamit ng dahas sa oras na hindi sumunod sa utos ang galica." 


Biglang napabuntong hininga si Nathaniel at nagreklamo sa hindi makatarungan na ikinikilos ng eskapa lalo na ng pagbantaan nila si Sei dahil lang sa pag kupkop kay Suwi.


" Alam mo naman na iba ang pag kakaalam ng mundo sa isang soul eater, hindi naman ito tungkol lang dahil sa kaibigan mo sya kundi sa kaligtasan ng mga nilalang sa endoryo." Sambit ni Melon.


" Teka bakit parang kinakampihan mo pa sila, alam mo naman hindi nila pwedeng mahuli si Suwi kundi magkakagulo at mangyayari ang kinatatakotan natin katapusan." Sambit ni nathaniel.


" Kinatatakutan katapusan? " 


Dito biglang pumasok sa kwarto sila Sei kasama ang kanyang mga sundalo. Binati sya nito at kinamusta ang kalagayan. 

Yumuko si Sei sa harap ng binata upang ihingi ng tawad ang pagkulong sa kanya sa kwarto.


Dinahilan nila na kahit na walang nakakapasok na sundalo ng eskapa sa kaharian nya ay hindi sila nakakasiguro na walang sundalo ng eskapa ang pagala gala sa galica para magmasid.


" Kapag nakuha nila ang isa sainyo ay wala na akong maitutulong para mabawi kayo mula sa kanila." 


Pinaalam ni Sei sa kanila na hindi susuko ang Eskapa hangat hindi nila nakukuha ang nais nila at isa na roon ang makuha si Nathaniel upang imbistigahan ito lalo pa ginawa itong bagong emperador ng kontinente ni Serenity.


" Ano? Bakit pati ako nadamay? Pati ang normal na taong kagaya ko pinag iinitan nila."  Pang angal ni Nathaniel.


" Normal? Mukhang hindi nababagay ang salitang yun sa katulad mo lalo pa nagawa mo parin mabuhay pagkatapos ng nangyari. " Sambit ni Suwi.


Biglang pumasok sila Agane at suwi sa kwarto kasama ang ibang kawal.


Dito tinawag na abnormal ni Suwi si Nathaniel at kahinahinalang nilalang kaya hindi na ito nag tataka kung banta ang tingin ng Eskapa dito.


" Aba,  ikaw pala."  


" Teka ayos ka rin ah imbis na pasalamatan mo ang taong nagligtas sayo ay nakuha mo pa akong laitin?"  Pagtataka ng binata.


" Dapat nga inaalala mo muna ang kalagayan ko o kung ayos lang ako. Muntik na akong mamatay para lang tulungan ka." Sumbat nito.


Sinungitan lang ito ng dalaga at inirapan.


" Sasayangin ko lang ang pag aalala ko kapag ginawa ko yun dahil alam ko naman hindi ka basta mamamatay. Nagawa mo nga raw mapatay ang Warlord na si Serenity at kunin ang pagiging emperor nito." 


" Tsk, tungkol sa bagay na yan bakit ba maraming naniniwala na pinatay ko si Serenity gayung isa na syang undead, isa na syang bangkay mula pa noon. " 


Ipinaliwanag nya sa mga ito na kahit nalalaman nya ang hinaharap ay hindi nya kayang pumatay ng kahit na sino at ang pag tanggap nya sa lupain na sakop ni Serenity ay hindi nya ginusto kundi sa mismong warlord.


Inamin nya na ipinasa lang sa kanya ni Serenity ang lupain at ang pamumuno doon bilang emperador kaya naman namomoblema sya dahil kasama sa nakuha nya ang responsibilidad na protektahan ito sa mga mananakop.


Nagulat sila sa nalaman kay nathaniel at itinanong na kung talagang buhay pa ito ay bakit nya naman nitong nagawang ibigay ang mga lupain nya.


" Ano? Teka dapat ko bang sabihin?" 


Napaisip bahagya si Nathaniel kung sasagutin nya ba iyon at sinabi na lang na may naging kasunduan sila ni Serenity at magagawa lang iyon kung iiwan ni Serenity ang lahat kaya naman ibinigay na lang nya ang nasasakupan nya.


Nagdahilan na lang ang binata na kahit may tiwala ito kay Sei at sa mga taong nandoon ay hindi nya pwedeng bangitin sa kanila ang naging kasunduan nila ni Serenity.


Isang malaking pabor ang hiningi ng binata para lang pumayag si Serenity na maging kakampi nya sa misyon nya at hi di nya alam ang mangyayari kung magalit sa kanya si serenity dahil lang sa nabigo syang itago ang sekreto.


" Ang mahalaga ay kasama ko sya sa laban ko para mapigilan ang great war na ikakasatuparan ng ika sampung warlord." Dagdag ng binata.


" Isa sya sa lulusob sa mga bansa sa hinaharap at dahil wala na sya ay hindi na sya pwedeng sumama sa mga digmaan, oh diba ang ganda ng ginawa ko? " 


Dito biglang nagtanong si Sei kung talaga bang plinano nya ang bagay na sinabi nya dahil para kay sei ay lalo lang nagulo ang lahat at ang pagkawala ni Serenity bilang emperador ng mga bansa ay nagresulta ng mas agresibong mga kilos ng mga mananakop.


Hindi naman naitangi ni Nathaniel na wala talaga sa plano ang ginawa nya tungkol kay Serenity pero wala syang pag pipilian sa mga oras na iyon.


 Dinahilan nya na hindi biro ang pinagdaanan nya at wala na syang maisip na paraan para matakasan ang sitwasyon nya sa pagsusulit.


" Gusto kong aminin sainyo na nandito ako para pigilan ang Great war na maganap  sa hinaharap at kailangan ko iyon gawin sa lalong madaling panahon." 


" Tsk, kung makapag salita ka parang napakadali naman ng sinasabi mo, isa ka lang tao at alam mo ba kung ilang milyong nilalang ang gusto mong pigilan?" Sambit ni Suwi 


Napakamot na lang ng ulo si Nathaniel at inamin na wala syang ideya kung paano gagawin ito pero deretso nya sinabi na kahit anong mangyari ay gagawin nya iyon.


" Susubukan kong gumawa ng bagong endoryo na malayo sa gulo at karahasan upang sa kaganun ay makapamuhay ka na rin ng payapa at normal ." 


" Ipinapangako ko diba na ibibigay ko sayo ang pangarap mong buhay sa mundong ito Suwi, kaya tandaan mo yan dahil gagawin ko iyon kahit anong mangyari."  Seryosong pangako nito sa dalaga.


Biglang namula ang pisngi ni Suwi ng makita ang pag ngiti ni Nathaniel sa kanya habang nangangako ito sa harap nya.


Bigla nyang itinulak si Nathaniel para ilayo sa kanya at tila nandidiri dito.

" Pwede ba may asawa na ako, tigilan mo nga yang panlalandi mo dahil hindi ako pumapatol sa kagaya mo." 


" Nagugulat ako sayo, hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?" dagdag ni Suwi.


" Ano? Hoy hoy, wag mong bigyan ng malisya ang sinasabi ko. Siguro nga maganda ka ng unti pero hindi ko gustong mag asawa ng topaking matanda." 


Nainsulto si Suwi si narinig nya at agad na sinapak ang binata at napatalsik ito hangang dingding ng kwarto.


" Bwisit ka, anong sinasabi mong topaking matanda." 


Agad na tumayo si Nathaniel at ipinàliwanag na hindi nya ito ginagawa dahil may gusto sya sa dalaga kundi dahil sa itinuturing nya itong matalik na kaibigan. 


Sinabi nya sa dalaga na dahil nakita nya na ang hinaharap ay nakokonsensya na lamang syang basta hayaan na lang na mangyari ang lahat.


Inulit nya rin na hindi nya hahayaan na maganap ang masaklap na tadhana ni Suwi at Xxv na sinasabi nyang nakita nya na sa hinaharap kaya gagawin nya ang lahat para maging masaya ang dalaga.


" Tu-tumigil ka na sa pagsasalita ng ganyang bagay. Malaki ang pasasalamat ko sa mga tulong mo pero kung awa lang ang nararamdaman mo kaya mo ginagawa ito ay pwede ka pang umatras." 


" Hindi ganun kadali ang sinusubukan mong gawin at napakadelikado ang tinatahak mong landas. Wag mong ilagay ang sarili mo sa kapahamakan para lang sa napaka bawbaw na dahilan." Dagdag ng dalaga.


Gayumpaman sa gitna ng pagtutol ng dalaga na tulungan sya ay napangiti na lang si Nathaniel at pinuri ang natatagong kagandahan ng loob nito at pag aalala para sa kaligtasan nya.


Nailang ang dalaga at pinapatigil si Nathaniel sa pagsasalita ng para bang kung sinong magaling na hindi sineseryoso ang sinasabi ng dalaga. Kahit naniniwala syang may taglay na kakaibang kapangyarihan ang binata ay ipinunto nya na isa pa rin itong tao.


" Hangang ngayon wala ka parin tiwala sa husay ko? Hindi mo ba nakita kung gaano ako kalakas nung nakaraan?" Pagyayabang nito.


" Ang tangi ko lang naaalala ay ang pag gulpi sayo ni Juggernaut at iuwi ka dito na parang lantang gulay." 


Napailing naman ang si Nathaniel at hindi makasagot dahil kahit sya nagtataka kung paano sya nakatulog sa laban. Masyado syang nabigla sa mga atake nito at ang tangi na lang nyang naaalala ay sumasalag sya para makaligtas sa atake ni Juggernaut.


" Kalimutan mo na yun, ang mahalaga nanalo tayo at ligtas kayo at dahil iyon sa akin at walang ng iba ang nakagawa ng bagay na iyon." Pagyayabang nito.


Biglang sumagot si Agane na pinaalam na ayon sa report ng mga sundalo ng galica ay ibinigay nila ang enerhiya nila sa binata bago ito magpunta sa labanan.


" Ibigsabihin tinulungan ka ng mga sundalo ng galica sa pagliligtas sa reyna." Dagdag ni Agane.


Napabuntong hininga si Nathaniel at nagreklamo kay agane na wag masyadong KJ sa binata dahil gusto lang naman nya na purihin sya at magyabang sa harap ng babaeng si Suwi na inaalipusta sya bilang mahinang tao.


Dito ay biglang sumabat si Sei at sinabi na hindi kailangan mangamba ng binata dahil kinikilala nya at ng galica ang nagawa nito at bilang ganti ay pangangalagaan nya ito sa abot ng kanyang makakaya.


" Salamat pero napaka delikado para sa galica kung lalabagin nyo ang batas ng Eskapa, Hindi sila magdadalawang isip na gumamit ng pwersa para makuha kami ni Suwi." 


" Kami lang ang target nila kaya hindi nila kayo gagalawin kung hindi kayo makiki elam sa pag huli nila saamin." 


Nagulat si Sei at nalalaman ng binata ang sitwasyon nila kahit tulog ito ng ilang araw at dahil doon inamin ni Nathaniel na madali lang para sa kanya ang malaman ang mga bagay bagay sa pamamagitan ng partner nya.


" Gusto kong makilala nyo si Melon ang partner ko at alam kong hindi kayo maniniwala pero may kapangyarihan syang alamin ang mga bagay bagay dito sa endoryo. Ang totoo sa kanya nag mula ang kapangyarihan kong kumuha ng enerhiya at abilidad ng mga nilalang." 


Biglang lumabas sa hood nito si Melon at pumatong sa ulo kasabay ang pagpapakilala nito sa sarili.


" Magandang araw ako nga pala si melon, " 


" Teka nagsasalita sya? Anong klaseng nilalang ba yan?" Tanong ni Sei.


Biglang pumatong sa ulo ni Sei si Melon habang ipinapakilala ang sarili na isang espesyal na nilalang na ginawa para matapos ni Nathaniel ang misyon nya na pigilan ang Great war.


" Hindi ko talaga pwedeng sabihin ang buong detalye at nangangamba rin ako na malaman ng lahat ang tungkol saakin pero kailangan kong humingi ng pabor sainyo." Sambit ni Melon.


" Pabor?" 


Dito ay nilait ni Melon ang kakayahan ni Nathaniel na magdesisyon ng maayos at ipinakilala ito na isang duwag na tao. Ipinaalam nya rin sa mga ito na dating talunan ang binata at madaling sumuko kapag nahihirapan.


Hindi naman hinayaan ni Nathaniel ang paninira nito sa kanya at nakipag away.

Tinawag nyang traydor ito at balimbing.


Pero hindi pinansin ni Melon ang sinasabi ni Nathaniel at deretso lang sa pag sasalita.


" Binigyan ko si Nathaniel ng kapangyarihan gayumpaman hindi nya ito kayang gamitin ng tama kaya naman hinihiling kong tulungan nyo sya maging malakas na mandirigma." 


Agad naman nagtaka si Nathaniel sa sinasabi nito at hinihiling kay sei dahil wala naman itong nakikitang mali sa ginagawa nya at sinabi na kinakailangan nya lang makakuha ng malakas na enerhiya sa ibang tao para manalo.


" Tumigil ka, nawawalan ng saysay ang malakas na abilidad at enerhiya na taglay mo kung hindi ka marunong makipaglaban at dumiskarte." Sagot ni Melon.


Hindi pabor noong una si melon sa pagsali ng binata sa kahit anong grupo dahil maitatali sya nito sa mga batas at alituntunin at kailangan ng binata na magawa ang misyon nya sa lalong madaling panahon pero nag aalala si Melon na baka mabigo sila kung magpapatuloy ang pagiging mahina ni Nathaniel.


 Inamin nya na nahihirapan na syang tulungan si Nathaniel dahil sa kaduwagan at kahinaan nito kaya mas makakabuti kung may gagabay at sinusunod syang alam ang maraming bagay.


" Wag kayong mag alala bilang kapalit kaya kong ibigay ang lahat ng naisin nyo." Dagdag nito.


Napangiwi na lang si Nathaniel sa mga narinig dito at nagreklamo dahil tila ba naging pabigat sya kay melon gayong ginawa naman nya ang lahat para maging maayos ang takbo ng lahat.


" Yun nga ang masaklap doon dahil ginawa mo naman ang lahat pero sa huli talunan ka parin." Sambit ni Melon.


" Sumusobra ka na talaga Melon." 


" Talaga naman na talunan ka at duwag kaya naman kinakailangan pa natin ng mga kakampi na makakasama." 



Habang nagtatalo ay sumabat si Sei at ipinangako sa kanya na tutulungan sya sa lahat ng kailangan nito bilang pagtanaw ng utang na loob.


" tamang tama, Kaharap mo ngayon ang pinakamalakas kong heneral pag dating sa pakikipaglaban, bihasa sya sa napakaraming uri ng teknik at istratehiya na makakatulong sayo na mas maging malakas." Sambit ni Sei.


Bigla naman nag patunog ng mga daliri si Agane at tila nasasabik habang sinasabi na walang problema sa kanya na magsanay ng mahinang tao pero hindi nya lang sigurado kung matatagalan ng binata ang uri ng kanyang pagsasanay na ginagawa sa mga estudyante nya


Dahil doon agad na tumangi si Nathaniel sa alok ni Sei at natakot sa pwedeng mangyari sa kanyang pagsasanay dahil sa isip nya ay baka makaranas sya na matorture sa kamay ni Agane.


Pinagmalaki nya sa reyna na hindi nya na kailangan mag daan pa sa pagsasanay dahil kaya nyang gumamit ng mga abilidad na nakukuha nya at ang kailangan nya lang ay pag laanan ito ng malakas na enerhiya.


"Napaka hambog mo kaya ka nagugulpi."  Sambit ni Suwi.


" Ganyan lang naman yan kapag nakakaramdam ng malakas na kapangyarihan sa katawan pero kapag wala syang enerhiya daig nya pa ang duwag na tuta kung gumapang sa takot." Pag singit ni Melon.


Muling umangal si Nathaniel sa pag kontra sa kanya ng dalawa at ipinaliwanag na para sa kanya ay wala na syang oras pa para magsanay at dumaan pa sa pagdurusa dahil tumatakbo ang oras.


Sinabi nya rin na may madali namang paraan at nirekomenda nya na ibigay sa kanya ang lahat ng abilidad ng buong galica.


" Napaka sakim mo mag isip, akala ko ba ayaw mo tumulad kay Kula?." 


" Ehh.. ibang bagay naman ito, mabuti ang intensyon ko at gusto kong makatulong sa lahat lalo na sa galica."


Dito ay sinabi ni Melon na wala itong pinagkaiba at ipinaalam dito na kapareho lang ng intensyon ng binata sa ginawa noon ni Kula pero dahil sa laki ng inaasam nyang tagumpay na bigyan ng kaligtasan ang mga nasasakupan nya ay wala syang pagpipilian kundi gawin ang mga desperadong bagay kahit na mali ito sa paningin ng ibang lahi.


" Ang totoo ang karamihan lang na nag iisip na mali ang ginawa noon ni Kula na pananakop at pag talo sa mga emperador ng endoryo ay yung hindi nya mga kapanalig." 


Kahit na ipinaliwanag na ni Melon na maaaring matulad sya sa landas na tinahak ni Kula ay nag matigas pa rin ang binata at mas gusto na lang ng maraming kapangyarihan kesa magsanay.


Sa gitna ng kanilang pag uusap ay sumingit bigla si Sei at sinigurado kay Nathaniel na kaya nitong humarap sa laban ng walang sapat na kaalaman.


" Syempre, ngayon pa na nakuha ko ang abilidad ni Juggernaut ay tiyak ako wala ng makakapigil saakin." 


" Masaya akong marinig yan pero gusto mo bang magkaroon tayo ng kunting kasiyahan?" 


Nagtaka bigla ang Binata sa nasambit ni Sei tungkol sa kasiyahan at agad na itinanong ito.


" Mag dwelo tayo at mag pustahan." Sambit ni Sei.



Nagulat ang lahat sa narinig nila kay Sei ng hamunin nito ang binata sa dwelo. Hindi isang mandirigma si Sei at bihira kung pag usapan ang pakikipag laban nya sa ibang nilalang kung hindi ito tungkol sa pag protekta sa galica kaya naman nag aalala si Agane sa binabalak nito.


" Kamahalan, ano nanaman po ang binabalak nyo?" Aligagang sambit ni Agane.


Dito pinatigil ni Sei sa pag sasalita si Agane at sinabing nais nya lang makasigurado dahil bilang may utang na loob sya kay Nathaniel ay ayaw nitong mapahamak ito at mabigo sa magandang hangarin nito na makatulong sa marami.


Gayumpaman agad na tumutol si Nathaniel dahil para sa kanya ay mahihirapan syang makipaglaban kay Sei dahil napakaganda nito at ayaw nya manakit ng mga babae.


Pero hindi naman ito pinansin ni Sei at sinabi dito na hindi nito kailangan mag alala dahil napakataas ng depensa nya sa katawan na kayang tumangap ng mga atake.


Biglang napaisip si Nathaniel at binuking na tila balak lang ibalik ni Sei sa kanya ang mga pinsala nya gamit ang Crimson curse kaya naman malaki ang tiwala nito sa sarili.


" Naku mahal na reyna pasensya na pero alam ko lahat tungkol sainyong kakayahan at hindi nyo ako maiisahan sa laban. " 


Napa isip si Sei at napabuntong hininga kasabay ng pag bibigay ng kasunduan para lang pumayag si Nathaniel na lumaban. 


" Kung sakaling manalo ka ay pagbibigyan kita sa kahit anong hilingin mo saakin." Sambit nito.


Nabigla si nathaniel sa narinig at biglang tumawa na lang habang pinagdidiinan na hindi nya pwedeng labanan ang reyna ng kaharian na tinutuluyan nya.


" Isa akong maginoong lalaki kaya hindi ko maaatim na saktan ang katulad nyong anghel kahit na sabihing laro lang ito." Pambobola nito.


" Wag kang mag alala hindi malaking bagay yun saakin, kung gusto mo maliban sa kahilingan pwede kitang bigyan ng lupain sa aking nasasakupan." Sambit ni Sei.


Bigla naman napakamot ng ulo na lang ang binata dahil tila kahit anong pagtangi nya ay pilit parin syang hinahamon nito.


" Balita ko wala kang matitiran dito, kaya kitang bigyan ng pera, lupa na masasakahan at iba pa. " Alok ni Sei.


" Maganda talaga ang inaalok nyo pero may isang salita ako sa mga paninindigan ko." Sagot ni Nathaniel.


" Kaya kitang bigyan ng mga kawal, alipin o ng mga babaeng pwedeng maging asawa." Muling alok ni Sei.


" Huh? Teka teka kamahalan sobra naman yang mga alok nyo pero buo na ang padya kong tumangi, hindi talaga pwede. " 


" Hmm... Maliban na lang siguro kung kayo mismo ang pakakasalanan ko kamahalan."  Pagbibiro ng binata.


Dahil doon ay bigla syang sinipa sa pwet ni Suwi at hinamak. Nilait nito ang pagiging opurtunista ni Nathaniel at hindi inilulugar ang sarili para humiling ng bagay na imposible.


" Ang kapal din naman ng mukha mong kutong lupa ka para sabihin yan sa reyna." Galit na sambit ni Suwi.


Ipinaalam nya sa binata na nabibilang sa mataas na nilalang si Sei at para sa mga katulad nitong mababang nilalang ay mga alipin lang sila ng mga tauhan ng galica.


Nagsalita bigla si Agane na para ipaliwanag na kahit na mabait si Sei sa mga tao at pinakikisamahan ng maayos ay hindi ibigsabihin ay kapantay na nya ang mga ito.  Ginagalang ang lahi nila sei kahit ng mga Dragon bilang pinaka unang mga nilalang sa endoryo.


Nanahimik lang si Sei habang nakikinig sa kanila na tila ba malalim ang iniisip hangang sa magsalita ito at biglang magdesisyon.


" Hm.... Walang problema. Payag ako."  Sambit ni Sei.


Nagulat ang lahat at hindi nakapagsalita sa narinig nila kay Sei. Natulala ang lahat ng  nasa kwarto habang patuloy na naguguluhan sa sinabi ng kanilang reyna.


" Payag akong maging asawa mo sa oras na manalo ka sa laro natin."  Dagdag nito.



Alabngapoy Creator

Episode 42 part 1