Chapter 17 part 2
Nathaniel POV.
Lumipas pa ang ilang oras doon pa rin sa kulungan na iyon. Dumadalaw ang mga sundalo kada anim na oras para magbigay ng pagkain ngunit hindi nila ako sinasagot sa tanong ko kung bakit kailangan akong makulong dito.
Wala talaga akong ideya kung may nagawa akong mali at lalong hindi ko alam kung hangang kelan nila ako ikukulong dito.
Wala akong ibang magawa dito sa loob at nauubusan na rin ako ng sasabihin kay Suwi at isa pa badtrip pa ang isang ito saakin.
Baka mamaya manakit nanaman ito pero wala akong kaideya ideya na iisipin nya na isasama ko sya sa earth para maging asawa.
Kung iisipin mabuti ang mga sinabi ko ay normal lang na ayon ang isipin nyang motibo ko pero ang gusto ko lang naman talaga ay maging maayos ang kalagayan nya at sakto ang earth na lugar para maging payapa ang pamumuhay nya.
Hindi ko nga lang alam kung magiging maayos ang Earth kung dadalin ko sya doon pero ngayong naiisip ko ito eh posible nga kaya na maisama ko sya sa earth?
Kung makapag salita ako ay parang talagang inaasahan ko na pagbibigyan ako ni Koko na iuwi sya sa earth lalo pa ang tanging gusto lang nung baliw na anghel na yun ay abusuhin ang kapangyarihan nyang taglay sa mundong ito.
Kung iisipin napakamakapangyarihan ni Koko sa mundong ito kaya bakit hindi na lang sya ang magligtas sa Endoryo habang naglilibang at gusto nya pa na ako ang gumawa nito?
Napatingin ako kay Suwi habang ito nakaupo parin at nananahimik.
Naisip ko na hindi rin masama ang ideya na kunin ko sya bilang maging asawa sa Earth at siguro matatapos na ang misyon ko dito kapag nangyari iyon.
Si Suwi ang magiging dahilan ng Great war kaya kung mawawala sya sa Endoryo ay walang malawakang digmaan na magaganap.
Hahahaha, para namang papayag sya sa sinasabi ko at isa pa napaka sama ko naman kung aagawan ko ng asawa ang Main character ko.
Grabe ang pagpapahirap at pagdurusa ang itinakda ko sa kapalaran ni Xxv at ang tanging kaligayahan nya lang na kinakapitan para magpatuloy ay ang asawa nya kaya hindi ko pwedeng ipagkait sakanya si Suwi.
Habang nag iisip ako at nakatingin kay Suwi ay bigla itong nagsungit saakin ng mapansin nya ang pagtitig ko sa kanya.
" Pwede ba wag mo akong titigan ng ganyan, kinikilabutan ako sayo "
" Oo na mahal na prinsesa pero ito ang tandaan mo wala akong intensyon na agawin ka sa asawa mo kahit na alam kong napakarupok mo." Pagbibiro ko.
" Gusto mong masaktan ulit." Sigaw nito.
Napangiti na lang ako at sinubukan na pakalmahin sya dahil ayaw ko na muling makatikim ng kamao nya.
" Paki usap wag kang maging bayolente alam mo naman na isa lang akong tao."
Ilang saglit pa ay biglang dumating ang mga sundalo at tinawag ang pangalan ko.
Pinalapit nila ako sa pinto at sinabing sumama sa kanila.
" Teka malaya na ba ako?"
Hindi nila tinugon ang tanong ko at binuksan na lang ang gate para makalabas ako.
" Mauuna na ako Suwi, tandaan mo ang bilin ko na kahit anong mangyari babalikan kita dito."
Hindi pa man ako tapos magsalita ay hinawakan na ako ng sundalo at inilabas sa lugar na iyon.
Walang nagsasalita sa kanila hangang maka akyat kami at lumabas sa basement na pinagkulungan ko. Dumeretso kami sa isang silid na puno ng mga sundalo ng eskapa.
Kaparehas lang ito ng kwarto na opisina ni Sei at kung titignan mabuti ay puro tauhan ni Agane ang mga narito. Mukhang opisina nya ito at bakit pa ba ako nagtataka kung papuntahin nya ako dito gayung sya ang dahilan kung bakit ako nakulong.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari pero kasamang nakaupo doon ilan sa mga heneral at ilang hakbang pa papasok ng kwatong iyon ay bigla akong nilapitan ni Ataparag.
Sobra itong nag aalala saakin at tinatanong ang kalagayan ko.
" Mabuti naman at buhay ka pa, Pasensya ka na ngayon ko lang nalaman na nakakulong ka pala." Sambit nito.
" Ah.. kung ganun hindi nyo pala alam pero bakit nga ba ako nakakulong?"
Bago pa magsalita si Ataparag ay sumabat na si Agane at binangit na pinagbabawal sa lungsod na ito ang pagtalon sa taas ng tore.
Batid nila ang kalupitan ng lugar na iyon para sa mga tao at hindi na bago ang nagpapakamatay sa tore gamit ang pag talon kaya nga upang hindi na paresan ng iba ay pinarurusahan nila ang sino mang gagawa nito.
" Huh? Ah .. pero sinubukan ko lang naman na iligtas yung babae magpapakamatay nun? " pagdadahilan ko
" Babae?" Pagtataka ni Ataparag.
" Iyon ang dahilan kung bakit ka pinatawag at iimbistigahan ngayon." Sabat ni Agane.
Pinaliwanag nila saakin na sa hindi malamang dahilan ay nawawala sa kulungan nito ang babaeng kasama ko at pinaghihinalaan nila na may kinalaman ako dito.
Napapalibutan ng mga anti magic spell ang boung kulungan kaya imposible itong mapasok at magkaroon ng paraan ang bihag para makatakas.
" Oh... Tapos ngayon sinasabi nyo na may kinalaman ako sa pagkawala nya? Seryoso ba kayo?"
" Ako nga gutom na gutom doon sa kulungan na yun at kahit gusto kong lumabas ay hindi ako makalabas tapos sasabihin nyo may kinalaman ako sa pagkawala nung babae?" Pag rereklamo ko.
Kahit napaka obvious naman na wala akong kinalaman doon ay pilit nila akong pinagbibintangan na may binabalak na kung ano at maaaring kasabwat ko ang kasama kong babae.
Nagbigay sila ng theorya na planado ang pagpasok namin sa base na ito kung nasaan si Sei para may gawing masama sa kanilang reyna.
" Humahanga ako kung paano kayo gumawa ng storya pero kung totoo man yan ay sa tingin nyo may magagawa ang mga kagaya naming tao para saktan si Sei? "
Dito ay hinawakan ni Ataparag ang mga braso ko at bumulong saakin na wag maging bastos sa harapan ni Agane dahil mahihirapan syang tulungan akong makalaya.
Napailing na lang ako dahil kailangan kong manahimik kahit na wala naman talaga akong ginagawang masama.
Humarap si Ataparag sa mga ito at pinakiusapan na palayain na ako dahil walang basehan ang pinaparatang saakin at napatunayan ito ng mga sundalong nagbabantay.
Yumuko si Ataparag sa harap ng mga ito at pinaki usap na hayaan akong maisama nya dahil bukas na ang simula ng pagsusulit para sa gaganaping pag rerecruit ng mga bagong myembro.
Walang naging tugon ang ibang mga heneral dahil ayaw ng mga ito maki elam sa gustong gawin ni Agane at dahil nasa katwiran naman si Atapatag ay pinayagan nya ito.
" Tandaan mo heneral Ataparag ikaw ang mananagot kapag may ginawa syang masama sa bayan na ito." Sambit ni Agane.
" Opo, tinatangap ko po ang responsibilidad para sa kanya."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil muli nanaman akong tinulungan ni Ataparag at parang sobra sobra naman ang pagtitiwala nya na mabuti akong tao gayong wala nga syang alam sa pinag mulan ko.
Mabuti ito para saakin pero nag aaalala talaga ako sa kanyang pinapakitang kabutihan.
Hinawakan ako sa braso ko Ataparag at nagmadaling hilahin ako palabas pero bago pa kami makalabas ay pinigilan kami ni Agane.
" Sandali, Hindi ko kayang magtiwala sa tulad mo na may koneksyon sa soul eater pero gayumpaman kung ninanais mong sumali sa Eskapa ay dapat buo ang loob mo at tapat na paglingkuran ang kamahalan." Sambit nito.
" Yun lang, makakaalis ka na." Dagdag nito.
Hindi na kami nag aksaya ng oras at nilisan ang kwarto at habang naglalakad sa pasilyo ay hindi bumibitaw sa kamay ko si Ataparag para hilahin ako.
" Ikaw talaga, Palago ka na lang nasasangkot sa gulo." Pang angil nito.
Wala akong nagawa kundi humingi ng pasensya at magpasalamat sa ginawang pag papalaya saakin dahil kung hindi nya ako hinanap ay malamang hindi na ako makakalaya pa sa kulungan na iyon.
Pero binangit ko rin sa kanya na tila masyado syang nagtitiwala saakin dahil inaako nya ang responsibilidad sa mga gagawin ko.
" Sinabi ko na diba? Gusto kitang tulungan at mapunta sa team ko kaya naman ginagawa ko ito." Sambit nito.
Kung makapagsalita sya ay para bang sigurado syang papasa ako sa pagsusulit. Hindi naman detalyado ang Alam ko sa pagsusulit dito at wala naman akong ideya kung ano ang ipapagawa nila.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya at sana balang araw ay makabawi ako sa kanya hindi ko talaga alam kong ano ang mangyayari saakin kung wala sya.
" Teka paano mo pala nalaman na nakakulong ako?" Tanong ko rito.
" Ah yun ba? Binangit saakin nung batang babae na kasama mo sa restaurant." Bulong nya saakin.
Ipinaliwanag nya saakin na kaya nya nalaman ang kinaroroonan ko ay dahil kay koko at nagtaka rin ito kung paano nalaman ni Koko ang dorm na tinutuluyan nya.
Kwento nito ay bigla na lang daw sumulpot sa loob ng unit nya si Koko at nagmamadaling umalis.
" Iniwan nya rin yung maliit na alaga nya na binigay sayo, hm.. melon ang pangalan nun, tama? " Tanong nito saakin.
Kung ganun wala syang balak makipagkita saakin pagkatapos ng ginawa kong pag sunod sa utos nya.
Wala man lang syang malasakit saakin na alamin kung maayos lang ako o kahit purihin sa ginawa kong pagpapakabayani.
" Mister nathaniel, tara na sa labas tiyak kanina pa nag aantay sila nyabu."
Lumabas na kami at doon nakita sila Toto at Nyabu na nag aantay sa gate. Kagaya ng inaasahan ay nakangisi akong sinalubong ni Nyabu dahil sa pagkairita saakin.
Paglapit na paglapit namin ay bigla akong kwinelyuhan nito at pinagalitan dahil patuloy kong pinapahamak si Ataparag.
" Pwede ba kutong lupa wag mong abusuhin ang kabaitan ng leader, Alam mo ba kung paano nakiusap si Leader kay Heneral Agane para lang palayain ka? " Galit na sambit nito.
Gusto kong pumalag dito pero totoo naman na napapahamak si Ataparag dahil saakin at wala naman akong ibang magawa dahil kailangan ko talaga ng tulong nya.
Agad na pinigilan ni Ataparag si Nyabu at pinapakalma, sinasabi nito na sarili nyang desisyon ang ginagawa nya para saakin at hindi hinihingi sa kanya.
Dahil sa pakiki usap ni Ataparag ay binitiwan ako ni nyabu at binalaan ako na masasaktan kapag naulit pa ito.
Masyado nyang pinoproteksyonan si Ataparag pero kahit galit sya ay hindi nawawala ang respeto nya dito.
Nakakabilib ang kanilang samahan, hindi nakakalimutan ni Nyabu at Toto na samahan ang leader nila kahit na magkaiba ang mga nakatokang trabaho nito. Sa tingin ko ganun kaimportante si Ataparag sa kanila.
" Bahala kayo, binalaan ko na kayo tungkol sa kanya." Pag susungit nito habang naglalakad paalis.
" Tara na Toto dahil mag aayos pa tayo para bukas."
Hindi na kami nagtagal sa lugar na iyon at bumalik sa dorm para maghanda para bukas.
Lumipas lang ang ilang minuto pag balik namin sa dorm ay inihatid ako ni Nyabu sa Kwarto na tutuluyan ko.
Isa itong maliit na kwarto na lalagyanan ng mga gamit sa pagsasanay. Mayroon lang itong maliit na higaan na mula sa pinag dikit dikit na upuan.
" Pansamantala dito ka muna hanggang matapos ang pagsusulit" pagsusungit ni Nyabu.
" Dito mo talaga ako patutuluyin?." Pag rereklamo ko.
" Kung makapagreklamo ka ay parang may ambag ka sa pagbabayad namin ng renta, libre na nga pagkain at tulugan mo tapos nagrereklamo ka pa." Sambit nito.
Halata sa tono ng pagsasalita nya na hindi sya natutuwa na nandoon ako at sinasabi na kung hindi ko nagustuhan ang binibigay saakin kwarto ay pwede akong umalis ano mang oras.
Nauunawaan ko naman kung bakit sya nagagalit saakin lalo pa pinaghihinalaan nya parin ako pero pinilit ko parin na sa kanya na hindi ako masamang tao kagaya ng iniisip nya.
" Masama ka man o hindi ay ayoko sayo kaya wag kang umasa na magugustuhan ko na nandito ka saamin ." Pagmamaldita nya.
Napakahirap nyang pakisamahan pero tinanong ko na rin ito tungkol kay Ataparag lalo na nahihiwagaan parin ako kung paano sya naging heneral sa ganung katayuan nito.
Hindi sa minamaliit ko si Ataparag pero wala naman sigurong magtataka kung paano may limampung tauhan lang ang isang mataas na opisyal na halos marami pa ang sa kapitan .
Wala pa itong opisina sa Base at nakikirenta pa ng dorm para tirahan. Hindi naman mahirap ang bayan ni Sei para magtipid.
Napabuntong na lang si Nyabu habang nagtatanong ako. Ipinaliwanag nya na hindi nya alam ang totoong kwento dahil ganito na ang sitwasyon ni Ataparag bago pa sya naging myembro ng Eskapa.
" Hindi dinadagdagan ng vice commander ang kanyang tauhan dahil wala naman mabibigat na misyon ibinibigay sa team namin."
" Pero kahit na ganun hindi mo dapat maliitin si leader dahil kahit nandito lang sya sa bayan na ito inilagay dahil isa pa rin syang Alpha class."
Kung sabagay para mapromote para umakyat ng alpha class ay kailangan mong sumali sa crimson Trial kung saan kailangan nyang tumalo ng sampung Beta class sa mga laro.
Siguro nga malakas sya pero ang kawalan nya ng karanasan sa pamumuno ng malalaking bilang na sundalo ang kakulangan nya.
" Pero kung iisipin ko mabuti kung bakit hindi sya nilalabas sa probinsyang ito ay marahil dahil hawak nya ang crimson item ng commander."
Binangit ni Nyabu na isang class S crimson item ang ibinigay ni Sei dito kung saan nagbago ang halimaw na katawan nito papunta sa isang tao.
Napaka importante ng mga crimson item hindi lang para katakutan nila kundi para kilalanin sila kaya naman malaki ang pag iingat ng mga nilalang dito.
" Kaya ikaw, wag masyadong lumapit kay Leader lalo na kapag nagugutom ito." Pag papaalala nya.
Sinabi nito na ang tanging binago lang ng crimson item nya ay ang kanyang anyo at siguro nga nagawang magbago nito dahil labis nitong hinahangaan si sei sa pagiging makatwiran at tapat na alagad ng diyos pero ang alaala at mga nakasanayan nya ay taglay nya parin.
Pinunto nito ay ang pagiging matakaw nito sa karne at dahil ang pinakapaboritong karne nila ay ang malalasa at lalambot na kagaya ng karne ng tao ay hindi malayong pagtangkaan nya akong kainin.
Hindi naman ako naniwala na magagawa iyon ni Ataparag saakin dahil nakikita ko naman na tunay syang nagmamalasakit.
" Wala namang duda na mabait talaga sya pero iba pa rin kung mag iingat tayo."
" Dahil kung nagkataon na kumain sya ng tao, hindi ko na alam ang pwede pang mangyari pagkatapos. "
Bigla syang tumalikod habang seryosong binabangit kanyang misyon na kailangan gawin at kinatatakutan na gampanan .
" Kapag nagbalik ang pagiging halimaw nya at magsimulang kumain ng karne ng tao ay kailangan namin ni Toto na gampanan ang inatang saamin misyon."
" Ang patayin ang leader at ibalik sa reyna ang crimson item."
Part 2