Chapter 26 part 1
Ilang oras pagkatapos magsimula ang pagsusulit ay muling bumalik si Ataparag sa pagkuha ng mga report ng mga tauhan nya at kagaya ng nakasanayan ay pinupuntahan nya ang bawat istasyon sa paligid ng buong galica.
Ilang oras pa ay nagtungo ito sa isang sa isa sa mga watch tower nila sa kanluran mga sampung kilometro ang layo mula sa hanganan ng bayan ng galica. Ito ang nagsisilbing tagapagbantay ng mga hanganan ng bayan laban sa mga halimaw at ano mang banta ng pag atake.
Sakay ng isang karwahe na hatak ng puting kabayo na madalas nilang gamitin sa paglabas ng syudad.
Kasama nyang nakasakay sila Toto,nyabu at apat pang sundalo. Nagbabantay at nagmamasid ang mga ito sa paligid.
Isa sa trabaho nila ang suriin araw araw ang mga pangunahing daanan na ginagamit ng mga mangangalakal at mga mamamayan papasok at palabas ng bayan ng galica.
Habang nasa karwahe ay masayang binabati ni Ataparag si Nyabu na masama parin ang loob sa kanya na halos hindi sya kinakausap.
" Mabuti naman at sumama ka na ngayon saakin mag patrol nyabu."
" Trabaho ko parin na samahan ka leader ano man ang mangyari." Pagsusingit nito.
Hinawakan nito ang mga kamay ni Nyabu at nilalambing ito habang kinakausap.
" Wag ka na kasing magtampo Nyabu ayokong nagagalit ka saakin, kayong dalawa ni Toto ay tinuring ko ng pamilya kaya naman nalukungkot ako kapag nagagalit kayo saakin." Malambing sa sambit nito.
Hindi naman makatingin si Nyabu kay ataparag habang nilalapit nito ang mukha nito sa kanya para magmakaawa sa kanya.
" Hindi nyo kasi naiintindihan leader, nagmamalasakit kami sayo pero hindi ka parin nakikinig at mas binibigyan ng espesyal na pagtrato ang tao." Masungit na sambit nito.
" Alam ko na gusto mo lang nasa paligid mo ang tao na yun dahil sa natatakam ka sa laman nito. Tama ba?"
Napangisi na lang si Ataparag sa narinig at itinangi ang paratang nito, Inamin nya na may nararamdaman syang pagkatakam sa laman ng tao pero hindi yun ang dahilan kung bakit nais nya makasama si Nathaniel sa Team.
Sa isang buwan na namalagi sa kanila si Nathaniel ay natutunan nya na itong pahalagahan bilang kasapi ng grupo at dahil hindi naman mahirap pakisamahan ang binata ay inamin nya na natutuwa lang sya dito dahil hindi nagpapakita ang binata ng takot o pag iwas kapag magkasama sila kagaya ng ibang tao.
Maraming tao at ibang nilalang na nakakasalamuha ni Ataparag pero hindi lingit sa kaalaman nya na madalas ay iniiwasan sya ng mga ito dahil sa pag kakaalam nila na isa syang kalahating halimaw.
" Ibinilin din sya ng vice commander kaya hindi ko sya pwedeng pabayaan."
Tinignan sya lang sya ni Nyabu at halatang nagdududa ito sa mga sinasabi kaya naman napapailing na lang si Ataparag para iwasan ito.
" Totoo ang sinasabi ko...at ..at Medyo lang nagugustuhan ko ang amoy ng laman nya.." bulong nito.
Napabuntong hininga na lang si Nyabu habang hinahawakan ang balikat ni Ataparag at inilalayo sa kanya.
" Hindi kita masisisi kung natatakam ka sa laman ng tao basta wag ka lang makakalimot sa kasunduan nyo ng kamahalan."
Biglang niyakap ni Ataparag si Nyabu habang tuwang tuwa sa kanya.
" Wag kang mag alala alam ko na malaki ang parusa na matatangap ko sa kamahalan kaya naman hindi ko ipagpapalit sa pagkatakam ko ang makasama ang mga kapatid ko."
" Leader hindi kayo pwedeng kumilos na parang bata habang nasa trabaho." Sambit ni Nyabu.
Walang nagawa si Nyabu kundi tangapin na lang ang paliwanag ni Ataparag dahil hindi nya rin kayang pigilan si Ataparag na sa pagka akit nito sa laman ng tao gayumpaman alam nya na kailangan nyang bantayan ito lalo pa nasa iisang team nito si Nathaniel.
Nakatitig lang sa kanila ang ibang sundalo dahil na rin sa paglalambing ni ataparag kay Nyabu.
" Nakita mo na leader? Kailangan nyo mag seryoso kundi balang araw hindi na kayo gagalangin ng mga tauhan nyo dahil para kayong bata kung kumilos."
" Ano? Sobra naman kayo."
Lumipas ang isang oras na paglalakbay ay nakarating na sila sa bantayan, isa itong gusali na may tore na halos sampung palapag ang taas.
Dito sinalubong sila ng mga sundalong nakapwesto doon. Marami sa kanila ay doon nanunuluyan at nagpalipat lipat ng watch tower kada isang buwan.
Nagpapadala si Ataparag ng dalawang tauhan nya kada araw sa mga watch tower na kagaya nito upang bisitahin ang mga ito at alamin ang mga kalagayan ng supply ng pagkain,gamot at iba pang kinakailangan ng mga sundalo.
Ang pag bisita ngayon nila dito ay para suriin ang gusali at trabaho ng mga ito at ginagawa ni ataparag ito sa higit 30 na Bantayan na nakapaligid sa bayan ng Galica.
Habang sinusuri ang paligid at mga report ay may napansin ang isang sundalo na uwak na lumilipad papunta sa kanila.
" Teka ano naman ang isang yun?"
Pagewang gewang ito na lumilipad at hangang sa bumagsak ito sa harap nila.
Agad naman itong tinignan ng isang sundali at sinuri, dito nalaman nila na nagmula ito sa ravena tribe at ginagamit nila ang uwak na kagaya nito bilang mensahero.
" Talaga? Pero bakit sugatan ang uwak na yan?" Tanong ni Nyabu.
Agad nilang kinuha ang sulat na nasa paa nito at binasa ng isa sa mga sundalo
Sinasabi sa sulat ang tungkol sa banta ng mga bandidong black scorpion sa kanilang lugar at kasalukuyan silang lumilikas mula sa bayan nila.
" Mukhang humihingi sila ng tulong sa atin heneral."
Binangit ng sundalo kay Ataparag na kilalang berdugo ang mga myembro ng black scorpion at pinamumunuan ng mga alpha class.
Hindi rin biro ang bilang ng mga tauhan ng mga ito kapag umaatake sa isang bayan o tribo na pinipili nilang wasakin.
" Ang Ravena tribe ay matatagpuan sa bundok ng mashu napakalayo nito dito heneral."
" Halos isang daang kilometro ang layo nito heneral at aabutin tayo ng dalawang oras para makarating doon dahil sa sukal ng daan."
Agad na ipinahanda ni Ataparag ang karwahe nila at inutusan ang iba na bumalik sa galica para iulat ang nangyari.
Habang nagmamadali si Ataparag na maghanda ay bigla syang hinawakan sa braso ni Nyabu para pigilan.
" Sandali leader hindi maganda kung pupunta tayo doon ng kulang ang ating pwersa mas mabuti pang mag isip tayo ng ibang plano."
Ipinaliwanag ni Nyabu na kagaya ng report ay marami ang tauhan ng black scorpion at halos tatlong daan lang ang sundalo na naroon ngayon sa bantayan.
Hindi rin nila pwedeng dalhin lahat ito kaya napakalaking pag sugal ang gagawin nilang pagpunta sa kinaroroonan ng mga kalaban.
" Nyabu kapag hindi tayo kumilos ay mamamatay ang mga naroon, hindi natin sila pwedeng pabayaan dahil mamamayan sila ng kahiraan. "
" Alam ko po iyon leader pero bakit hindi na lang natin hintayin ang dagdag na pwersa ng galica? Mas makakabuti iyon kesa pumunta doon ng hindi handa."
Ipinaliwanag ni Ataparag na hindi agad makakarating ang tulong mula sa galica dahil sa kakulangan ng heneral na kasalukuyang naroon.
Aabot pa ng isang oras bago payagan at makapaghanda ang mga nasa base at kung aantayin nila itong makarating sa kinaroroonan nila ay maraming oras ang masasayang.
" Alam ko po leader pero ang akin lang ay...."
" Ang misyon ko ay siguruhin na ligtas ang mga mamamayan ng bansang ito at kailangan kong gampanan ito." Sambit ni Ataparag
Hinawi ni Ataparag ang kamay ni Nyabu at naglakad papunta sa mga karwahe.
Pinagmadali nya ang mga sundalo na magsipag handa sa pag alis.
" Mag iwan ng limampung sundalo sa bantayan para magbantay dito at ang iba ay sumama saakin."
Wala ng nagawa si Nyabu at sumunod na lang kahit na nag aalala sa mga pwedeng harapin nila sa laban.
Ikwinento sa kanya ni Ataparag na maraming beses na nyang naranasan ito noon na mag antay ng utos at tulong sa base bago kumilos ngunit kapag ginagawa nya ito ay wala na silang naaabutang buhay sa mga bayan na ililigtas nila.
" Dumating kami doon ng wala ng ililigtas na mga nilalang at ang tangi na lang namin ginagawa sa tuwing mahuhuli kami sa pag dating sa mga bayan ay ang ilibing ang mga biktima."
Lumingon sya muli sa likuran at humarap sa mga sundalong sumusunod sa kanyang paglalakad habang matapang na nagbibilin sa kanila na lumaban.
" Tandaan nyo tayong mga eskapa ay mga tagapaligtas at hindi basta tagalibing ng mga biktimang nabibigo nating iligtas." Matapang na dagdag nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay mabilis na tinatahak ng higit tatlongpung karwahe ang daanan papunta sa bundok.
Dito ay nagbulong bulungan ang ilang sundalo tungkol sa gagawin nilang misyon dahil narin sa kakulangan nila ng paghahanda at bilang ng mga sundalo.
" Hindi sa ayaw ko sumunod sa utos ng heneral natin pero kung totoo nga na libo libo ang mga kalaban ay hindi kaya kulang tayo para lumaban sa kanila?"
" Tama, ang sabi marami raw halimaw ang tauhan ng black scorpion, kung pupunta tayo doon ay baka mamatay lang tayo."
Kahit na naririnig ni Nyabu ang mga usapan dahil sa matalas nitong pandinig ay wala itong imik at napapatingin na lang kay Ataparag.
Napansin ni Ataparag na walang imik si Nyabu at batid nya na nag aalala ito sa magiging sitwasyon nila.
" Nag aalala ka ba sa mangyayari?"
" Mga sundalo tayo, kasama sa trabaho natin ang panganib gayumpaman hindi tayo pwedeng magpunta doon ng walang nakahandang plano."
Sa pagkakataon na yun ay hinawakan ni Ataparag ang kamay ni Nyabu at inamin nya na natatakot sya hindi para sa kaligtasan nya kundi para sa mga tauhan nya na labis nyang pinapahalagahan ngunit gayumpaman ay alam nya na kailangan nya ng tulong ng mga ito.
" Wag kang mag alala basta ang misyon nyo ay mailigtas ang mga tumatakas na mamamayan, ako ng bahala sa mga pinuno ng kalaban." Sambit nito na may ngiti.
Biglang napatayo si Nyabu at kinontra nito ang sinabi ni Ataparag dahil alam nya na handang isakripisyo ni Ataparag ang buhay nya para sa iba.
Para kay Nyabu masyadong mabait si ataparag at alam nito na mas uunahin nya ang iba kesa sa sarili nya lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Sinabi nya kay Ataparag ang saloobin nya at mga iniisip tungkol sa pagharap sa pinuno ng Black scorpion na isang alpha class at batid nya na wala syang maitutulong sa laban kung sakaling may makaharap sila .
" Hindi mo na kailangan matakot tulad ng nasabi ko ako ang haharap sa kanila." Mahinahon na sambit ni Ataparag.
" Hindi nyo ako naiintindihan, hindi ako papayag na ilagay mo ang sarili mo sa ganung sitwasyon sa sinasabi nyo ngayon saamin ay para bang gusto nyong labanan sila ng mag isa at iwan namin kayo ."
Napasigaw si Nyabu dito habang sinasabihan si Ataparag na hindi nya kailangan gumawa ng mapangahas na bagay at maaari pa sila umatras sa gagawin nila at ang isa sa mga ipinipilit nya ay hintayin ang tulong mula sa galica.
" Handa akong mamatay sa laban at alam ko na ito na ang tadhana ko bilang sundalo pero hindi sayo."
Napailing nalang si Nyabu habang binabangit na marami pang pwedeng mangyari sa buhay ni Ataparag bilang malayang mamamayan at matupad ang hangad nyang masayang pamilya sa bayan ng galica.
Alam nya ang tungkulin nila bilang sundalo pero nakakasiguro sya na sa mga sandaling iyon ay pupunta sila doon para mamatay sa laban.
" Nyabu."
Alam ng bawat isa na naroon ang sitwasyon nila at nangangamba rin sa kahahantungan nila kaya naman wala silang imik habang nakayuko lang na nakikinig.
Napansin ni Ataparag ang pagkatamlay ng mga tauhan nya at batid nya na lahat sila ay punong puno ng takot sa sarili.
Napabuntong hininga na lang sya habang napapaisip ng malalim dahil alam nya na hindi kayang lumaban ang mga tauhan nya dahil sa pag dududa at takot kaya naman bale wala ang ginagawa nila.
" Ihinto nyo ang mga karwahe sa susunod na tribo."
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating sila sa isang bayan ng mga Kakudyo, mga malilit na nilalang na isa sa mga mamamayan ng kaharian.
Ipinaliwanag nila sa mga ito na naroon sila para magbigay lang ng proteksyon kung sakaling mag patuloy ang pag atake sa mga bayan.
Agad na ipinag utos ni Ataparag na palibutan ang bayan at mananatili sila roon hangang dumating ang tulong mula galica.
" Walang aalis sa bayan na ito hangat hindi dumarating ang dagdag na pwersa sa galica, maliwanag?" Sigaw nito.
Agad na sumaludo ang mga sundalo at grupo grupong umalis para bantayan ang maliit na bayan.
" Nyabu, Toto kayo na bahala sa mga sundalo natin, umaasa ako sainyong dalawa." Sambit nito.
Pagkatapos nun ay naglakad papasok si Ataparag papunta sa isang tent na itinayo nila bilang base.
Habang naglalakad ay hindi naman maalis ang tingin ni Nyabu kay Ataparag na tila patuloy na nag aalala sa kabila ng pag payag nito sa hiling nya.
Part 1 ep 26