Chapter 41 part 2 

Dahil sa natapos na ang oras ng teritoryo ni Sei at hindi na nya kayang kontrolin ang oras ng mga nilalang ng sabay sabay ay napilitan syang gamitin ang Supreme Mode kung saan ginanamit nya na ang life energy bilang enerhiya.


Alam nya na sa maikling oras lang nya kayang gamitin ang supreme mode bago nito wasakin ang sariling katawan pero para sa kanya ito na lang ang huli nyang magagawa.


Nagliwanag ang mga magic circle sa katawan nito habang naglalabasan ang mga orasan at ilang saglit lang ay nagsimulang tumakbo ang oras sa mga orasan nito.


Alam ni Juggernaut na may binabalak si Sei na pag atake gamit ang nilagay nitong spell sa katawan nya kaya naman hindi na rin sya nag aksaya ng oras.


Naglabas sya ng matinding awra at kahit na nagdurugo ang mga sugat nya sa binti at braso ay pinilit nya parin tumakbo at lumusob deretso sa dereksyon ni Sei.


Alam ni Suwi na hindi marunong makipag laban ng sabayan si Sei kaya naman hinawakan nya ang espada at pumunta sa harap ni Sei para protektahan ito sa atakeng gagawin ni Juggernaut.


Nakita nya ang nakakatakot na presensya ni Juggernaut at nakaramdam ng matinding takot na halos magpangatog sa kanya. Hindi nya malaman ang gagawin pero nakaramdam sya ng pagkabalisa sa kamatayan. 


Napalunok na lang sya at pinagpapawisan habang pilit na hinahawakan ng mahigpit ang kanyang espada.


Gayumpaman sa gitna ng pagkatuliro dahil sa takot at pagdududa sa kakayahan laban sajuggernaut ay bigla syang hinawakan sa balikat ni Sei at humakbang ito pasulong habang sinasabihan ang dalaga na wag mag alala sa kanya.


Kalmado si sei at patuloy na nagliliwanag ang katawan dahil sa dilaw na awra habang sinasabi kay suwi na kaya nyang lumaban sa estado ng supreme mode.


" Walang makakapigil sa oras, hindi mo kayang takasan ang tumatakbong panahon papunta sa iyong huling hantungan." 


" Ang oras mo ay mabilis na tumatakbo at lumilipas na ng libong taon hangang sa umabot ito sa sukdulan." 


" Millenium sorrow." 


Nagliwanag ang mga mata ni Sei nanakatitig sa mga mata ni Juggernaut at pinasailalim ito sa isang spell.


Habang tumatakbo ay unti unting nagbabago ang katawan ni juggernaut at tila ba natutuyot ito at naglalaho ang mga laman.  Naglalaho ang lakas nya hangang sa bumagal na ito sa pagtakbo at ilang sandalo lang ay halos maglakad na lang ito.


" Anong nangyayari sa katawan nya?" Pag kagulat ni Suwi.


Unti unting nababaklas ang kanyang baluti at sa bawat hakbang nito ay nagkakalasan ang ibat ibang parte ng kasuotan nya.


 Ilang saglit pa parang buhangin na tinatangay ng hangin ang katawan nya at bago pa sya makalapit kay Sei ay bumagsak na ito sa lupa na isang dambuhalang kalansay na lang.


Ang pinakamalakas na kapangyarihan ni sei sa pag mamanikula ng oras ay ang millenuim sorrow na kayang pabilisin ang oras ng katawan ng nilalang ng isang libong taon at gumagana ito sa taong ilang beses ng ginamitan ng kapangyarihan ni Sei.


Madali itong makontra gamit ang ibang spell ngunit kung ang spell na ito ay mailagay sa mas mahinang nilalang kesa kay sei ay walang kahirap hirap itong mapapagana. 


Nagawa nya itong ilagay dahil na rin sa mahina na ang proteksyon at kapangyarihan ni Juggernaut dahil sa natamong pinsala sa laban.


Agad na naglaho ang supreme mode ni Sei at biglang nanlambot ang mga tuhod dahilan para mabuwal ito sa kinatatayuan. 

Hindi na kinakaya ng katawan ni Sei ang teknik na ito dahil na rin sa lumipas na ang lakas ng kanyang katawan dala ng katandaan.


Agad naman syang nasalo ni Suwi at inalalayan sa pag upo. Hindi biro ang epekto sa katawan nito ang supreme mode kaya naman hindi nito maigalaw ang mga braso nya.


Kahit na nanghihina ay agad na tinanong ni Sei kung nasa maayos na kalagayan si Agane na ngayon ay mahimbing parin natutulog.


" Sa tingin ko maayos naman ang heneral." Sagot ni suwi.


Pumikit si Sei at nag buntong hininga habang sinasabi kay Suwi na maganda ang pinakita nito at nagpasalamat sa pagtitiwala sa kanya.


" Natapos na ang laban, nanalo tayo at dahil yun sa naging matatag ka at patuloy na nagtitiwala. Maraming salamat." 


Nakita ni sei ang kalungkutan nito dala ng pagkadismaya sa sariling kakayahan kaya naman sinubukan nya itong purihin para ipagmalaki nito ang mga nagawa.


" Ano bang sinasabi nyo? wala naman akong nagawa. Hangang sa huli naging duwag parin ako." Pailing nyang sambit.


" Hindi maaalis sa isang nilalang ang takot. Hindi biro ang kalaban natin pero nanatili parin kayo sa tabi ko para protektahan ako at iyon ang dahilan para magawa kong makapaghanda na magamit ang Supreme mode. " 


" Malaki ang nagawa mo para magtagumpay tayo at dapat mo itong ipagmalaki." 


Agad naman nakaramdam ng kahihiyan si Suwi sa papuring natangap at biglang napayuko dahil tila wala naman syang naitulong. Inamin nya na nagtiwala sya na magagamit ang ibinigay na singsing upang magapi ang mga kalaban pero iba ang kinalabasan at tila naging pabigat lang.


Bigla syang hinawakan sa ulo ni Sei at hinihimas na parang bata habang sinasabi na hindi nya kailangan maging pinaka malakas upang maging bayani o makatulong sa iba. 


" Ginawa mo ang parte mo at naramdaman ko ang kagustuhan mong tumulong sa abot ng iyong makakaya hangang sa kahuli hulihang sandali at dahil doon nakuha mo ang pagtitiwala ko." 


" May pagkakataon kang umalis para unahin ang sarili mo pero hindi mo ginawa, Suwi pinatunayan mo saakin na tunay kang tapat sa mga salita mo." 


Namula si Suwi at hindi makatingin ng deretso kay Sei habang tila iniiwasan ang mga kamay nito sa pag haplos sa kanya.


" Pwede ba tigilan mo ang pag haplos sa buhok ko, hindi ako bata." 


" Apat na raang taon na akong nabubuhay sa endoryo kaya para saakin para ko na kayong mga maliliit na anak." Sagot ni Sei. 



Ilang saglit pa ay biglang napangiti si Suwi at tinangap ang sinabi ni sei dahil alam nya na mas matanda ito sa kanya at para sa kanya ay ayos lang na tumangap dito ng mga payo at salita.


" Anong pakiramdam?" Tanong ni Sei kay Suwi.


Dito bigla syang tinanong ni Sei kung ano ang pakiramdam ng nagagawa nyang hawakan si Sei na walang problema.


Hindi naging uhaw ang katawan ni Suwi kagaya ng kinatatakutan nito kung saan inaakala nya na habang buhay ng kukuha ng isiprito ang katawan nya sa ibang nilalang kahit mahawakan nya lang ito.


Kahit si Suwi ay nag taka dahil hindi nito nararamdaman na kumukuha ang katawan nya ng spirit energy mula kay Sei.


Ipinaliwanag naman ni Sei ang kasagutan sa sekreto ng mga genion at ng katawan nito.  Ang mga genion ay may sariling abilidad na pangalagaan ang sarili nila sa hindi nila kauri at kakilala. Nalalaman ng kaluluwa nila kung ano ang kauri nila at ano ang makakapinsala sa kanila


Nung tangapin kanina ni Suwi ang pagdaloy ng enerhiya ni Sei sa katawan nya ay kumonekta ito sa kaluluwa ni Suwi at hinahayaan na tangapin ito dahil narin hindi ito naging banta sa dalaga.


" Nauuhaw ang kaluluwa nyo sa spirit energy ng ibang nilalang pero hindi nito ginagalaw ang mga kaluluwa ng mga nilalang na tinatangap at pinagkakatiwalaan ng genion." 


" Dahil nagtitiwala ako at tinatangap kita bilang ikaw at ganun din ang pagtangap mo saakin ay naging magkakonekta ito ngayon kinikilala ng kaluluwa mo ang kaluluwa ko at wala itong dahilan para higupin ito." 


Nagulat si Suwi sa nalaman nya at natanong na kung totoo ang sinasabi nya ay bakit maraming genion ang hindi napipigilan ang pagkain ng mga kaluluwa?


" May sasabihin akong sekreto mula pa noong unang panahon." 


Napapikit na lang si Sei habang ikinukwento ang nalalaman dalawang daang taon bago ang digmaan ay ginamit ng genion ang kakayahan nila para maging makapangyarihan at nagpasalin salin ang kaugalian ng pag kain ng kaluluwa sa maraming henerasyon.


" Simula nung mawala ang dakilang puno ng mga genion ay naglaho ang kakayahan nilang maging imortal at mabuhay ng habang buhay. Nagkaroon kayo ng limitasyon at kagaya ng ibang nilalang ay tumatanda na ang inyong katawan at nanghihina sa paglipas ng panahon kaya para iwasan ang bagay na iyon ay kinakailangan nyo ng spirit energy."


Inamin nya na wala syang lubos na kaalaman sa totoong naganap pero tunay na nagaganap ang pagkain ng mga soul eater ng kaluluwa ng iba noon pa man dahil sa kakulangan ng kaalaman sa kanilang mga pinag mulan at sariling katawan.


Sinubukan ni Sei na tulungan ang ibang soul eater noon sa pag asa na magtitiwala ito at mananalig sa kanya na kaya nyang gumawa ng lugar na payapa para sa kanila ngunit iba ang naganap kesa sa gusto nyang mangyari.


Naging sakim ang mga genion at pinili na maghangad ng kapangyarihan dahil narin sa takot na lokohin at gamitin lang ng ibang nilalang. 


Kinain ng mga genion ang mga tao sa kanyang bayan at nag rebelde sa galica, dahil doon marami ang mga namatay kasama na doon ang mga tauhan ni Agane.


" Malaki ang nawala kay agane noon dahil sa mga genion kaya naman ako na ang humihingi ng tawad kung iba ang pagtrato nya sayo." 


" Wala naman problema saakin iyon. Sanay na ako sa trato ng iba saakin." Sagot ni Suwi.


Pinilit tulungan ni Suwi si Sei na bumangon habang nakikiusap ito na magpakatatag at sikapin na baguhin ang tadhana ng mga natitirang genion.


" Alam kong hindi madali pero kung maituturo sa mga bagong henerasyon ng mga genion ang tamang pag kontrol at maibabalik ang pagtitiwala nila sa iba ay maaaring hindi na maging agresibo ang kaluluwa nila." 


" Sinasabi mo bang kaya naming hindi mauhaw sa ispirito ng ibang nilalang?" 


" Hindi ako sigurado pero isang paraan din na magagawa nyo ay kung tatangapin nyo na nagkaroon kayo ng limitasyon at dumaranas na ng pagtanda sa mundong ito. Hangat hindi nyo tinatangap ito ay humahanap ng paraan ang katawan nyo para mapanatili ang inyong pagkabata at lakas."  Sagot ni Sei.


" Hangat iniisip ng mga genion na kinakailngan nila ng kaluluwa para manatiling bata ay iyon na ang gagawin ng kanilang kaluluwa. Ito ang nais kong ipaalam sa mga genion na kinupkop ko pero binale wala lang nila ito noon at sa halip pinasok ang bayan ko upang makakuha ng mas maraming enerhiya." 


Habang nag uusap ay biglang nagsi lapagan ang mga sundalo mula sa kalangitan at unti unting dumating sa lugar ang mga tauhan ni Sei na kasama nya.


Agad na pinalibutan nila ang buong lugar at sinuri ang seguridad. Nagmadali ang mga itong tulungan si Sei at Agane at pinasasakay na sa kanilang sasakyan.


" Kamahalan hindi tayo sigurado kung wala na ang mga kalaban. Paki usap pumasok na kayo sa sasakyan para maka alis sa lugar na ito." 


Agad naman na inutusan ni Sei na tulungan si Nathaniel  na ngayon naka baon parin sa batuhan at walang malay. Binilinan rin nito na wag iwanan ang bayan na winasak ng mga kalaban.


Hindi naman nag atubili ang mga ito na sundin ang kanilang reyna. Gayumpaman hinarangan ng mga ito na makapasok si Suwi sa sasakyan kasama ni Sei.


" Sandali, hayaan nyo syang pumasok, iniligtas nya ang buhay ko at ng heneral kaya nararapat lang na itrato nyo sya ng tama." 


Dahil doon ay humingi ng tawad ang mga sundalo at pinaraan si Suwi para makapasok sa sasakyan kasama si Sei.


Hindi naman nagtagal pa sila sa lugar at inuna ng mga sundalo na siguruhing nakalikas ang kanilang reyna habang patuloy na nilang sinusuyod ang lugar para malaman kung may iba pang nakaligtas.


Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng insidente ay maraming makaalam sa pag atake ng pwersa ng halloween sa galica na lalong nagpainit sa tensyon sa rehiyon.


Alam ng lahat na mahina ang depensa ng galica sa mga hanganan nito at wala silang kalaban laban kapag inatake sila ng kahit na sinong bayan.


Ang tanging pomoprotekta na lang sa bansa nila ay ang pagiging myembro ng Eskapa ni Sei kung saan kinikilala ang bayan nila bilang isang kapanalig.


Dahil doon marami sa katabing bansa at teritoryo ang hindi nagtatangkang atakehin sila maliban nalang sa mga tulisan at mga bandidong pinagnanakawan ang mga malilit na nayon.


Mabilis na kumalat ang balita sa nangyari sa Galica at nalaman din nila ang tungkol sa pagtulong ni Suwi at Nathaniel para manalo sa laban.


Habang Nagpapatuloy ang pagkalat ng balita sa ibat ibang bayan ay nag tipon sa opisina ng Eskapa ang mga Espada tungkol sa usapin na pagdakip kay Suwi.


Galit na ipinaliwanag ni Pyun na harap harapang nilalabag ni Sei ang batas sa paggamit sa isang soul eater sa laban at ngayon itinatago nila ito sa eskapa.


" Ayaw nila isuko ang Soul eater malinaw na kinakalaban ni reyna Sei ang inyong pamamahala lady magdalena." Sambit ni Pyun.


" May punto ka pero kung tutuusin tumatanaw lang ng utang na loob si Sei dito dahil naging kapakipakinabang ito sa kanya." Sambit ni Yuki.


" Hindi yun sapat na rason para labagin at suwayin nya ang batas ng Eskapa at alam kong alam nyo yan. " 


Lalong hindi nagpapigil si Pyun na pilitin ang mga ito na kumilos na sa pagsasawalang bahala ni Sei sa mga batas, pinunto nya na kung mismong sila na mga espada ay hindi marunong sumunod sa sarili nilang batas na pinasusunod sa lahat ay sino na lang ang gagawa nito at igagalang ang kapangyarihan ng supreme commander.


Tikom naman ang bibig ng ibang espada sa usapin na ito dahil hati ang panig nila. Malaki ang pag galang nila kay sei bilang tapat na alagad ng diyos at isa rin si Sei sa unang Apat na myembro ng Eskapa na nagtatag nito.


" Bakit ba tikom ang mga dila nyo kapag pinag uusapan natin ang Babaeng iyon? Alam nyo na kinakailangan nyang mamatay alang alang sa kaligtasan ng lahat." Matapang na sambit ni Pyun.


" Mamatay? Teka hindi ba ang pinag uusapan nating soul eater ay ang itinuturing na asawa ni Xxv?  Kung ganun sinasabi nyo bang papatayin natin ang asawa nya?" Sambit ng maskuladong lalaki.


Ang maskuladong lalaking ito na may mahabang dilaw na buhok ay isa sa pinakatanyag na Sandata.


Ang Hari ng mga Brademir na si duroy, kilala ang lahi nila bilang matitipuno at malalakas sa mano manong pakikipaglaban.


Nasa likod nito nakasabit ang alaga nitong panda  habang nakikinig sa pagpupulong. 


" Alam ko kung gaano ka komplikado ang tungkol sa mga Soul eater kaya nga hindi ako kontra sa paghuli dito bilang kriminal pero hindi ba masyadong hindi katangap tangap na patayin natin ang minamahal na asawa ni Xxv?" 


Sa pagkakataon na iyon ay walang kumibo sa mga kasama nya habang si pyun ay walang takot na sumasagot na wala itong paki elam sa bagay na sinasabi nito tungkol sa mararamdaman ni Xxv.


Ang pagdakip sa soul eater ay nanganghulugan ng kamatayan o hindi kaya ikulong ng panghabang buhay sa ilalim ng base. Ito ang batas ng eskapa para sa mga nahuhuling Soul eater.


Ipinaalala naman ni Pyun na kung ngayon pa nila iisipin na kasalanan ang pagpatay sa mga soul eater ay magiging kasiraan ito sa Eskapa gayung matagal na nila itong ginagawa at maraming Genion na ang kanilang hinatulan. 


" Lahat kayo ay pumatay ng mga genion at matagal na kayong nagdedesisyon na ubusin sila, mapa bata o matanda lahat sila pinapatay natin ng walang paglilitis para lang sa iisang layunin." 


" Para ito sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon." Dagdag ni Pyun.


Sumingit bigla si Yuki habang nag sasalita si Pyun at sinabi na inimbita sila sa pagpupulong para pag desisyunan sa magiging hatol at hindi para makinig lang sa kagustuhan ni Pyun na mangyari.


Ipinaalala nya na hindi sila naroon para lang tangapin ang mga sinasabi ni Pyun at pag diinan ang batas na kanilang sinusunod.


" Mahalaga ang batas natin pero dapat natin ikonsidera ang mga bagay bagay lalo na kung ang desisyon na iti ay maglalagay lang saatin sa hindi tiyak na hinaharap." 


Napatayo si Yuki sa kinauupuan nito at humingi ng paunahin para mag paalam na aalis sa pagpupulong.


" Para saan pa at nandito tayo para pag desisyunan ang paghuli sa soul eater kung sa maling paraan din ninyo ito gustong tapusin."  Sambit nito.


" Anong sabi mo?" 


" Pumapayag ako sa pagdakip sa kanya pero kailan man hindi ako sang ayon na patayin sya. 

Hindi ako ganun kasamang nilalang para wasakin ang puso ng pinakamamahal kong tauhan." Sagot ni Yuki.


" Tauhan ko si Xxv at alam ko ang pagmamahal nya sa kanyang asawa. Wala akong magagawa sa ano mang magiging hatol ng supreme commander tungkol sa Soul eater pero kahit kailan ay hindi ako magiging bahagi ng paghatol dito." 


Ipinaliwanag nya na malakas ang loob ni Pyun dahil walang mawawala sa kanya ngunit iba ang sitwasyon ni Yuki dahil tauhan nya si Xxv at malaki ang naitutulong nito sa bansa nya.


Alam nya kung gaano kahalaga kay Xxv ang kanyang Asawa at handa itong gawin ang lahat para dito at iyon din ang dahilan kung bakit sya nagtyaga na magsanay sa gabay ng mga espada.


" Alam ng bawat isa sa inyo ang potensyal nya at alam nyo rin na handa syang gawin ang lahat para sa kapakanan ng asawa nya." 


" Ngayon tatanungin ko kayong lahat na narito sa silid na ito, Handa rin ba kayo sa mawala ang tinakdang tagapaglitas sa Eskapa?" Seryosong sambit ni Yuki.


Ipinaalam ni Yuki na hindi nya isinasama si Xxv sa pulong kahit anong paki usap nito dahil natatakot syang may mangyari na hindi maganda. Tapat si Xxv sa Eskapa at pamilya ang turing nya sa bawat isa sa mga kasamahan nya at talagang masasaktan sya kung sumapit na ang oras na kailangan nyang mamili sa dalawang pinaka importanteng bagay para sa binata.


Ipinaalala rin nya na ipinagawa nila kay Xxv ang marami sa mga bagay na hindi nila kayang gawin at lahat ng sakripisyo na iyon ay para lang sa kasunduan nila ng supreme commander. 


" Nagawa nating patayin ang mga soul eater hindi dahil ito ang tama kundi ginawa natin iyon dahil ito lang ang alam nating makakabuti para sa lahat kaya naman umaasa akong pipiliin nyo po ang mas makakabuti para sa usapin na ito." Sambit nito kay magdalena.


Walang imik si magdalena habang nakikinig sa kanilang pagsasalita. Napabuntong hininga lang sya habang sinasabi na kahit ano pang mangyari kinakailangan na madala dito ang soul eater.


" Mahalaga parin na maiharap sya sa hukuman para malitis at kung dapat ba syang mamatay o hindi ay naka depende sa aming pagkikita." 



" At tungkol kay Sei nagbigay na ako ng kautusan na bigyan sya ng tatlong araw upang isuko ang soul eater at kung sakaling magmatigas syang isuko ito ay agad nyo syang dakpin at iharap saakin. Iyon ang desisyon ko." Matapang na sambit ni Magdalena.


Nagulat ang lahat sa naging desisyon ni magdalena tungkol sa pagdakip kay Sei kung sakaling magmatigas ito.


" Lady Magdalena paumanhin pero hindi kaya hindi magandang ideya na dinadakip natin ang isang myembro ng Espada?" Sambit ni Rei.


" Alam kong alam nyo ang ating batas at hindi natin ito sinusunod dahil lang sa gusto nating pamunuan ang iba at sumunod saatin. Pinapatupad natin ito upang maging maayos ang takbo ng lahat. Alam kong alam yan ni Sei at batid ko rin na alam nya ang kapalit ng kanyang mga aksyon." 


Hindi na nagsalita ang mga espada at kasabay ng kanyang pagtayo sa upuan ay tinapos ni magdalena ang kanilang pulong at nagpaalam sa pag alis.


Habang umaalis si magdalena ng kwarto ay hindi naman maalis ang titig ni Pyun kay Yuki at inis na inis sa kapwa espada.


Kitang kita sa mga mukha nila na seryoso sila sa kanilang paninindigan tungkol kay Xxv at Suwi.


" Hinding hindi ako papayag na manatili syang nabubuhay, Protektahan mo sya hangat gusto mo dahil sisiguruhin kong uubusin ko ang bawat isa sa mga salot na genion sa boung endoryo." Galit na sambit nito.


Hindi pinatulan ni Yuki ang mga sinabi ni Pyun bagkus ay yumuko ito upang magpaalam na lang sa bawat isa.


Alam nya na malalim ang galit ni Pyun sa mga soul eater at hindi nya ito pwedeng kwesyunin sa pagiging matuwid dahil ang pangunahing kalaban ng kanyang bansa at kasalukuyang nang gugulo sa kanyang mga nasasakupan ay ang mga genion. 


" Napaka komplikado, sumasakit talaga ang ulo ko sa mga nangyayari." Bulong ni Yuki habang umaalis


Alabngapoy Creator

Episode 4 part 2