Chapter 7
Xxv and zhui story
Zhui POV
Sa isang napakalawak na madilim na kagubatan kung saan namumuhay ang ibat ibang halimaw ay nagaganap ang isang palaro sa crimson game. Ang dark forest
Madalas ganapan ng mga laro ang lugar na ito dahil halos isang daang bayan ang laki ng gubat na ito bagay na bagay ang lawak nito para maging battle field.
Kasalukuyang narito ako sa lugar na ito para sa isang crimson game at halos kakaumpisa palang ng laro pero nababagot na ako.
Binuksan ko ang status bar ko at binasa ang impormasyon ng laro upang malaman kung ano ang kailangan ko para manalo sa laro.
"May isang daang araw pa ang nalalabi para matapos ang laro, nakakabagot." bulong ko.
Kung hindi ko lang kailangan takasan ang mga kalaban ako ay hindi ako magtatyaga sa lugar na ito.
Malakas ang pang amoy ng mga hube at may inilagay sila saaking spell para malaman kung nasaan ako. Wala akong magagawa kundi magtago sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan.
Ilang saglit lang nangawit ako sa pag upo sa dulo ng bangin at tumayo upang maghanda sa pang huhunting ng halimaw.
Sa taas na halos limampung talampakan na bangin na kinatatayuan ko ay walang pag aalinlangan na nagpatihulog ako dito.
Ito ang mabilis na paraan para makapunta sa ibaba ng madilim na gubat na iyon.
Ramdam ko ang purong kasamaan sa paligid na nagmumula sa mga itim na enerhiya ng mga halimaw na naninirahan dito.
Binalanse ko ang bigat ng katawan ko sa ere upang maging matagumpay ang pag bagsak ko sa lupa. Kasabay ng pag tusok ng espada ko sa damuhan ang pag kawala ng malakas na hangin na sya namang nagbigay ng atensyon sa mga halimaw sa paligid.
Ilang sandali lang ng lumapag ako ay nagsilapit na ang mga agresibong halimaw sa kinalalagyan ko upang atakehin ako.
Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras at bago pa sila tuluyang maka atake ay inunahan ko na sila. Umatake ako na tila isang ahas na bumubulusok sa bawat daanan ko.
" Serpent slash"
Sa talim ng espada ko kasabay ng mabilis nq atake ay madali kong napupugot ang mga ulo nila at napapatay.
Walang kahirap hirap para sa akin na talunin ang mga halimaw sa lugar na iyon dahil na rin sa karanasan ko sa pakikipaglaban sa mas malalakas na uri nila.
Sumiklab bigla ang kulay pula na apoy sa talim at sa mga bagay na nahiwa nito at hindi ito namamatay hangat hindi naaabo ang mga nasusunog nito.
"Puro mahihina ang mga halimaw na narito." Sambit ko habang inilalagay muli ang espada ko sa lalagyan nito.
Nadidismaya ako dahil puro mababang uri lang ng halimaw ang kahapon ko pa nakikita, walang item na nilalaglag ang mga halimaw dito hindi kagaya sa ibang laro kaya naman parang nanghihinayang ako sa ibinayad ko rito.
Isa rin sa pinoproblema ko kahapon pa ay ang pag kain ko sa araw araw, ginagawang abo ng kulay pulang apoy ang bawat tamaan ng talim ng espada ng sanitoshi.
Agad kong tinignan ang nakuha kong reward sa pag paslang ng mga halimaw at kagaya ng inaasahan ay nakakuha lang ako ng isang puntos bawat isa .
Kung bibilangin ko ay kailangan kong pumatay ng isang libong kagaya nila para man lang mabawi ko ang isang libong puntos na binayad ko.
Kung suswertehin ay baka may maglalag ng magandang item sa mga mapapatay ko pero napakaliit ng isang porsyentong lucky box rate sa larong ito.
Ilang sandali pa habang naglalakad ako papasok ng gitna ng gubat ay may narinig akong ingay.
Isang paghiyaw ng isang lalaki at humahagolgol ito para humingi ng tulong.
" Ano namang ingay yun?"
Sa patuloy kong pag mamasid ay nakita ko ang isang lalaking tao na may puting mga buhok at punit punit na kasuotan.
Tumatakbo ito at umiiyak habang nagmamakaawa na humingi ng tulong dahil kasalukuyan syang hinahabol ng dalawang halimaw.
" Paki usap tulungan nyo ako."
Kahit sino sainyo nagmamakaawa ako."
" Ayoko pang mamatay !"
Hingal na hingal na ito dahil aa pagod pero upang sagipin ang sarili ay pinipilit nitong tumakbo pa gayumpaman wala syang sapat na kakayahan upang makaligtas.
Kasamaang palad ay nadapa ang lalaki at dumaosdoa sa lupa kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga halimaw na umatake upang kainin ang nilalang na ito
Hindi ko ugali na maki elam lalo na wala akong mapapala pero hindi ko alam kung bakit bigla kong hinawakan ang espada ko at binunot ito.
Siguro dahil nakasanayan kong maging alerto kaya naman nagawa kong atakehin ang halimaw na malapit na sa kinalalagyan ko.
" Crimson burst "
Nagpakawala ang espada ko ng pulang apoy na tumama sa dalawang halimaw at tumupok sa mga ito.
Halos magkapirapiraso amg katawan mga halimaw sa lakas ng pag atake ko at nagkalat ang mga labi sa paligid.
Wala talaga akong interes na tulungan ang taong ito pero ano pa bang magagawa ko eh mukhang ganun ang nangyari.
Halata sa reaksyon ng taong ito na nagulat sya sa ginawa ko kaya naman hindi ito umiimik sa kinauupuan nito.
Biglang sumiklab ang pulang apoy sa paligid ko bilang pagpaparamdam sa kanya ng presensya ko. Isa itong paraan upang sindakin ang sino man sa kalaban ko at maging handa sa hindi inaasahang mga pag atake.
Winasiwas ko ang espada ko upang maglaho ang pulang apoy sa talim nito habang humahakbang palapit sa misirableng nilalang na nasa harapan ko.
" Hindi ko akalain na makakakita ako ng mahinang nilalang sa isang class b na laro."
Dito ay deretsuhan ko na sinabi na walang puwang ang katulad nyang mahinang nilalang sa lugar na ito lalo na wala syang kakayahan na lumaban.
" Mali ang napuntahan mong lugar dahil walang naghihintay sayo dito kundi kamatayan." Sambit ko.
Pinagmasdan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking ito at wala akong nakikitang espesyal sa kanya upang makasali sa laro sa itaas ng tore.
" Sa itsura mo mukhang hindi ka isang mandirigma kaya sabihin mo paano ka nakasali sa laro."
Hindi sumagot ang lalaking ito aa tinatanong ko at dala ng sobrang takot ay lumuhod na lang ito.
Nagmakaawa agad ito para sa kanyang buhay at parang bata na takot na takot habang humihingi ng awa.
Nagtataka man ay hindi ko na masyadong inisip pa ang bagay na iyon dahil wala naman akong mapapala kahit na malaman ko pa ang tungkol sa kanya.
Nagpatuloy sa pag iyak habang nagmamakaawa ang taong ito at ipinaliwanag na wala syang maalala sa mga bagay na nagyari sa kanya at kung bakit sya naroon.
Sa reaksyon nya ay mukha naman hindi sya nagsisunungaling lalo pa at halos mamatay na sya kanina at walang ginagawa kundi umiyak habang tumatakbo.
Hindi ko maintindihan ang nagyari sa kanya pero nakaramdam ako ng pag ka awa dahil bakas sa mukha nya ang pagdurusa at talagang ninanais nya pa mabuhay sa gitna ng sitwasyon nya.
Hindi ko alam kong naiisip nya na kaya nyang mabuhay sa ganitong klaseng lugar gamit lang ang pagtakas at pagtakbo, para lang syang buhay na karne na inihulog sa kweba ng mga gutom na mababangis na halimaw.
Dahil sa pag kahabag ko sa sitwasyon ng misirableng taong ito ay bigla kong binunot ang espada ko upang tapusin ang buhay nito.
Kaya ng espada ko pumaslang ng kagaya nyang tao sa isang iglap lang at wala syang mararamdamang kahit na ano mang sakit bago nya lisanin ang madilim na mundong ito.
Nakita ng lalaking ito ang pagbunot ko ng espada at nagpakita ng pagkatakot habang pilit gumagapang palayo saakin.
Dito ay ipinaalam ko sa kanya na mayroong libo libong halimaw ang naninirahan sa lugar na ito at ano mang sandali ay maaaring may makasalubong sya na isa sa mga ito.
" Maawa kayo saakin, hayaan nyo na po akong mabuhay." Pagmamakaawa nito.
Bakas sa mukha nya ang kagustuhan nya pang mabuhay pero hindi patas ang mundong ito lalo na sa mahihinang kagaya nya.
" Talagang hindi mo nauunawaan na kahit hayaan kitang mabuhay ay walang naghihintay sayo sa lugar na ito kundi kamatayan."
Isang kamatayan na puno ng hinagpis at matinding sakit at kahit magtago sya ay lalo nya lang pahihirapan ang sarili nya habang unti unting kinakain ng takot,pagkabalisa at galit sa mundo. Mamamatay sya rito kung hindi man sa mga halimaw ay dahil wala syang pwedeng kainin dito.
" Crimson flame "
Sumiklab ang pulang apoy sa aking espada at nilamon ng bolang apoy ang lalaking nasa harapan ko.
Kaawa awa pero ang kamatayan lang ang natatanging paraan para takasan ang miserableng nyang buhay sa mundong ito.
Nagraramdam ko ang pagpalag nito sa apoy kasabay ng paghiyaw nito at kinabigla ko ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa naaabo ang kanyang katawan.
Ilang sandali pa ay bigla nailabas nya ang mga kamay nya sa bolang apoy at tuluyang nakawala rito.
" Maawa kayo "
"Ayoko pang mamatay !"
Labis kong ikinagulat ang mga nasaksihan ko dahil sa unang pag kakataon ay may taong nagawang makatakas sa crimson flame.
" Imposible, anong kalokohan ito? "
Ganun na lamang ang pagtataka ko kung paano nya nagawang mabuhay sa ginawa ko.
Wala akong narramdamang enehiya pang depensa na nakabalot sa katawan nya gayumpaman ay hindi sya tinatablan ng pulang apoy na nilabas ng espada.
Nanatiling nakaluhod ang taong ito na nakasayad sa lupa ang mga ulo para lamang magmakaawa lng muli habang nananatili sa katawan nya ang pulang apoy at patuloy itong sumisiklab.
Ang kambal na espada ng sanitoshi ay rabaikasyu ay mga sagradong sandata ng maharlikhang angkan ng mga soul eater.
Taglay nito ang mga banal na apoy na kayang tumupok ng spirit energy ng mga buhay na nilalang at gawing abo ang lahat ng bagay.
Pero bakit ganito ? Hindi nito kayang paslangin ang mababang uri ng nilalang na kagaya nya.
Patuloy sa pag ngawa ang lalaking ito at nagmamakaawa, napakahina nya lang pero binalewala nya ang pinakamalakas na sandata ng khan.
Hindi ko ito pwedeng palagpasin, matinding kahihiyan ito para aking angkan. Kailangan ko itong solosyunan agad.
Chapter 7part 1