Chapter 36 part 1
Sa Bayan ng Galica kung saan naghahanda ang mga sundalo sa labas ng battle force base.
Tinipon ni Sei ang higit pitompung libong mga sundalo ng galica at pinag hahanda para sa pag depensa sa hanganan.
Sinalubong sila Sei ng mga kapitan kasama ma si Aoi at sinaluduhan bilang pag galang kasabay ang pag bibigay ng kanilang report sa nagaganap na pagsalakay.
Sun
" Mahal na reyna ito na lang ang ating mga sundalo na pwedeng isama sa misyon. Masyadong aktibo ang kilos ng mga halimaw sa hilaga at kanluran kaya hindi sila makapagpadala ng mga sundalo sa galica."
" Hindi rin agad maisasama ang ibang hukbo ng mga heneral dahil patuloy silang nag babantay sa mga hanganan ayon sa utos nyo."
Dito ipinaliwanag ni Aoi na sa kalagayan ng kanilang bansa ay nahihirapan sila na makakuha ng mas maraming sundalo na ipapadala pabalik sa galica upang pangalagaan ito dahil na rin sa pag atake ng mga kalaban.
" Ayaw ko man sabihin pero kamahalan sa tingin ko hindi magiging sapat ang pwersa natin para ipadala bilang back up ni heneral agane."
Tumingin si Sei sa mga sundalo nya at nabatid ang sitwasyon nila at nabangit na kung nagagawang mabasag ng kalaban nila ang mahika pang proteksyon sa mga black magic user ay natitiyak ni Sei na napakalakas ng nilalang na pumasok sa kanilang teritoryo.
" Wala na tayong magagawa sa sitwasyon natin, ako na ang sasama aa kanila. Maiwan kayo ni Heneral azuki dito para bantayan ang Galica.
Nagulat ang lahat sa nasabi ni Sei at agad na humiling dito na pag isipan ang magiging desisyon dahil batid nila na mas may proteksyon ang galica kung mananatili si Sei sa bayan.
Maging si Aoi ay humingi ng pabor kay Sei na hayaan na sila ang magpunta doon at sinigurado na magagawa nila na tulungan si Agane sa pagprotekta sa bansa.
Hindi naman nagbigay ng sagot si Sei at iniangat lang ang kanyang kamay upang pahintuin si Aoi sa pagsasalita.
Naglakad ito papasok sa gusali na agad naman sinundan nila Aoi.
" Hindi sa wala akong tiwala sa inyong kakayahan na matulungan si Agane ngunit hindi ko na gusto na marami pa ang mamatay sa mga nasasakopan ko."
Huminto si Sei at tumingin kanila Aoi habang sinasabi sa mga ito na ninanais nya rin na subukan ang isang bagay.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtungo sila sa court room ng galica kung saan nag aabang sila Sei kasama ang maraming sundalo sa loob.
Isang sandali pa ay pumasok ang mga sundalo kasama si Zhui. Naka kadena ito at nakagapos ng espesyal na posas.
Inihatid sya ng mga ito sa gitna at iniwanan ng mga sundalo habang nasa harapan nila Sei.
Matapang itong nakatingin lang kay Sei at nagtanong sa mga ito kung iyon na ang oras para sentensyahan sya ng mga ito.
" Nabigo ang kaibigan mong tao na makabalik at makagawa ng paraan para tulungan ka sa tamang oras,"
" Nag utos na ang Supreme commander na bukas kailangan ka na naming madala sa regaisu kung saan magaganap ang paglilitis sayo."
" Siguro naman hindi ko na sayo dapat ipaalala na ang magaganap na paglilitis sayo tatlong araw mula ngayon ay ang iyong huling hantungan bago ka nila patayin. "
Walang umimik sa kanila pagkatapos sabihin ito si Sei sa mismong harap ni zhui.
Hindi nagpakita ng takot si Zhui sa mga narinig kay Sei na tila ba inaasaahan nya na ito. Tumingin sya sa paligid at biglang nagtanong sa mga ito kung para saan pa ang pag papatawag sa kanya.
" Pinapunta mo lang ba ako dito para sabihin yan? Sa tingin ko kahit naman malaman ko yang mga bagay na yan ay wala akong magagawa para makatakas pa dahil hawak nyo na ang buhay ko sa simula palang." Sagot nito.
Walang naging reaksyon si Sei sa matapang na sambit ni zhui at naglakad lang papunta sa kinaroroonan ni ng dalaga.
Dito ay agad na tinawag ni Aoi si Sei at binalaan na kahit nakagapos si Zhui ay maaari itong gumawa ng marahas na aksyon at nakiusap na wag lumapit pa kay Zhui.
Hindi umimik si Sei sa paki usap ni Aoi at itinaas lang ang kanyang mga kamay para pigilan na ang pagsasalita nito.
Habang humahakbang ay may kinuha sya sa loob ng kanyang crest na bagay at itinapat kay Zhui.
Nagliwanag ang maliit na bagay na ito at ilang saglit pa ay nagliwanag din ang mga bato na nakadikit sa mga posas ni Zhui.
Dito ay isa isang nagkalasan ang mga ito dahilan para makakawala sa pagkakagapos si Zhui.
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Sei dahilan para mag si bunot ng mga espada ang mga sundalo dahil na rin sa takot.
" Kamahalan, Ano po ang ginagawa nyo? Bakit nyo sya pinakawalan ?" Tanong ni Aoi.
Hindi maunawan maging ni Zhui ang ginawa ni Sei at hindi makapaniwala pero dahil sa naramdaman nya na malaya nya na nagagamit ang kapangyarihan nya ay agad syang naglabas ng mga Kaliskis sa katawan at lumitaw din ang kanyang buntot.
" Anong binabalak mo? " Tanong ni Zhui.
Hindi sumagot si Sei sa tanong ni Zhui at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa dalaga na parang wala itong pag aalala na maaari syang atakehin nito.
" Hindi kita masisisi kung nagagalit ka saamin kaya naman gusto kitang bigyan ng pagkakataon." Sambit ni Sei
" Pagkakataon?" Tanong ni Zhui.
Dito ipinaliwanag ni Sei na dahil sa pagbibigay nito ng pagkakataon na makalaya ay maaari syang gumawa ng aksyon base sa iniisip nyang makakabuti para sa kanya.
" Maaari mo akong atakehin at subukan na kainin, sa tingin ko naman may pakinabang sayo kung mapapasayo ang kapangyarihan ko. "
" O kaya pwede mo itong gamitin na pag kakataon na makatakas sa lugar na ito." Dagdag ni Sei.
Huminto si Sei sa mismong harap ni Zhui at nakipagtitigan lang dito, ilang saglit pa ay kumalma si Zhui na tumayo ng deretso at ibinaba ang kanyang depensa pang laban.
Alam nya na wala syang kalaban laban kung sakaling atakihin nya si Sei dahil sa kalagayan ng kanyang katawan.
" At isa pa sa tingin ko kahit na tangkain ko na tumakas ay hindi papayag ang mga tauhan mo." Dagdag ni suwi
" Oh.. tama, baka naman gusto mo akong tumakas para may dahilan ka na ipapatay ako sa kanila ." Sambit ni Zhui.
Hindi umimik si Sei sa nasambit ni zhui at muling itinaas ang kanyang kamay habang tinignan ang kanyang mga tauhan.
Dito ay inuutos nya na kung sa kaling magtangkang tumakas si Zhui sa lugar na iyon ay walang pwedeng humuli at manakit sa kanya. Isa yung mahigpit na utos at nagbanta syang makakatangap ng parusa sa sino mang lalabag dito.
" Kamahalan. Pakiusap hindi nyo sya basta pwedeng pakawalan." Sambit ng mga tauhan nya.
" Kung gustuhin mo man umalis sa lugar na ito ay nais ko lang humingi ng pabor na wag kang mananakit o papatay sa kahit na sino sa nasasakopan ko." Biglang sambit ni Sei.
Sa pagkakataon na iyon nagsilapit at nagsiluhod ang mga tauhan nya upang ipakita ang pagtutol ng mga ito sa gustong mangyari ni Sei habnag nakikiusap sa kanilang reyna.
" Kalamahalan, pag isipan nyo muna ang bagay na ito. Hindi ito tungkol sa kaligtasan ng mga kababayan natin laban sa Soul eater ngunit kapag nalaman ng Eskapa na hinayaan nyo syang makatakas sa kabila ng kanilang kahilingan na ibigay nyo ang soul eater para litisin ay mawawalan sila ng tiwala sainyo at makaka epekto ito sa katayuan nyo bilang isang sand..."
Hindi pa tapos magsalita ang isa nyang heneral ay bigla na lang naglaho ang mga ito sa kinaluluhuran nila at nagbalik sa kinatatayuan nila kanina.
Nagulat ang mga ito sa pagbabalik nila sa dati nilang pwesto at pag tingin nila kay Sei ay nakita ang pag ilaw ng mga dilaw na mata nito na tanda ng pag gamit nito ng crimson eye upang mailipat ng lugar gamit ang pagbabalik ng oras nila .
" Kamahalan."
Agad na tinignan ng mga ito ni Aoi at humiling dito na gumawa ng paraan para kumbinsihin na itigil ni Sei ang ginagawa nito na maaari nyang ikapahamak.
Bumuntong hininga si Aoi at binangit na kahit sya ay walang magagawa kung talagang buo na ang desisyon ni Sei sa kanyang gustong gawin. Nagpapanik na lang ito sa isip nya at hinihiling na sana naroon si agane para pigilan si sei.
" Magtiwala na lang tayo sa ating reyna at suportahan sya sa binabalak nya."
Sa pagkakataon na iyon ay muling humakbang si Sei palapit kay Zhui at inikutan lang sya habang pinagmamasdan.
" Nabangit ko sayo na mahalaga saakin ang tao na si Xxv at itinuturing ko syang parang anak kaya sa tingin ko malulungkot sya ng sobra kung mamamatay ka ng dahil saakin."
" Ayokong mangyari ang bagay na iyon kaya paki usap wag kang gagawa ng marahas na bagay sa loob ng bayan ko." Dagdag ni Sei.
Hindi maunawaan parin ni Zhui ang sinasabi ni Sei at ginagawa pero siniguro nya na hindi nya gagawin ito gayong wala syang dahilan para gawin ito.
" Isa akong maharlika ng Khan hindi ako isang berdugo na mandadamay ng mga inosente." Sambit nito.
Dahil sa sinabi ni zhui ay ngumiti si Sei habang nagpapasalamat at ilang sandali pa ay tumahimik habang nakatitig lang kay Zhui.
Ilang sandaling tumahimik ang lugar at kahit na malaya na si Zhui ay hindi ito umaalis sa kanyang kinatatayuan.
" Anong problema? Hindi ka pa ba aalis? Malaya ka na." Sambit ni Sei.
Tumingin si Zhui sa paligid at biglang nagalit kay Sei habang tinatanong kung ano ang binabalak nito.
Nabatid ni Zhui na seryoso ang mga tauhan nito na tutulan ang desisyon ni Sei at naisip na malaki ang magiging epekto nito kay Sei at sa kanyang bansa.
Dito ay kalmado lang syang sinagot ni Sei na kung ano man ang maging epekto ng desisyon ni Sei ay wala ng dapat paki elam at kinalaman ang dalaga dito.
" Wala akong paki elam sa magyayari sayo at wala rin akong paki sa ano ang binabalak mo pero... Kung totoo ngang mahalaga ka sa asawa ko ay hindi ko hahayaan na mapahamak ka dahil saakin."
Tumahimik ang lugar sa nasambit ni Zhui at nanatiling naghihintay sa isasagot ni Sei.
Hindi ito sumasagot at muling umikot sa paligid ni Zhui habang itinataas ang kanyang kamay upang hawakan ang buhok ni Zhui.
" Kung gusto mo pagkatiwalaan ka ng iba ay kailangan mo itong paghirapan na makuha at sa oras na masira na ang tiwala ay wala ng paraan upang maibalik pa ito sa dati. Wala ng saysay ang paghingi ng tawad."
" Malaki ang tiwala ko sa salita ni Xxv tungkol sa binangit nya tungkol sa pagkatao mo kaya naman buo ang paniniwala kong hindi mo sisirain ang pagtitiwala ko sa salita nya." Dagdag nito.
" Oo, aaminin ko na may malaking epekto ang pagpapatakas ko sayo pero kumpara saakin kaya kong pangalagaan ang sarili ko sa galit ng Eskapa kesa sa katulad mo." Sagot ni Sei.
Napayuko si Zhui at galit na sumigaw habang hindi tinatangap ang desisyon ni Sei at binangit na nangako sya sa kanyang asawa na hindi magiging sanhi ng kaguluhan sa mga nilalang na mahalaga kay Xxv at ayaw nya itong masira.
Gayumpaman habang galit na nagsasalita ito ay biglang sumabat si Sei para ipilit sa dalaga na wala na syang ibang pag pipilian pa kundi tangapin ang tulong na ibinibigay nya.
" Wala ng makakatulong sayo kung hindi ka pa aalis sa mga oras na ito, hindi kita kayang pangalagaan sa oras na litisin ka ng eskapa o walang kahit na sino at maging ang iyong asawa na si Xxv. " Sambit ni Sei.
Napatigil si Zhui sa pagsasalita at halata sa reaksyon nya ang galit at pagkadismaya sa kanyang sitwasyon dahil batid nya na magiging komplikado kung tatangkain pa ni Xxv na tulungan pa sya.
" Ang mundong ito ay punong puno na ng pagdadalamhati at poot sa bawat isa at ayokong maranasan ni Xxv ang bagay na iyon mula sa kanyang itinuturing na kakampi at kasamahan." Dagdag ni Sei.
Natahimik ang paligid sa hindi pagkibo ng dalaga at ilang sandali pa ay muling naglakad palayo si Sei ilang metro lang ang layo mula sa kinaroroonan ni Zhui at umakyat sa hagdan kung nasaan ang mga tauhan nya.
" Gayumpaman, Bago ka umalis sa lugar na ito may gusto akong hilingin sayo bilang kapalit."
Ep 36 part 1