Chapter 18 part 2
Kinabukasan pag bangon ko sa higaan ay napansin ko na bukas ang bintana sa kwartong iyon
Nagtaka ako dahil sa pag kakaalam ko ay sinarado ko ito kagabi, pagkatayo ko ay biglang lumusot ang isang paa ko sa butas sa sahig.
" Teka ano naman ito?"
Nagulat ako kung bakit nagkaroon ng butas sa sahig na kung susukatin ay kasing laki lang ng bola.
Wala akong ideya kung saan ito nag mula pero ang mas inaalala ko ay kung paano ito ipapaliwanag sa mga kasama ko.
Ano ba talaga ang nangyari kagabi dito? Kinapa ko ang mga parte katawan ko at dahil wala naman akong naramdaman masakit sa katawan ko ay nakahinga ako ng maluwag.
Hindi kaya may kung sino ang gustong saktan ako? Si Nyabu kaya o baka yung iba na ayaw ako dito sa lugar na ito?
Dahil nag papanik ako ay biglang tumungtong sa ulo ko si Melon at naalala ko na kasama ko ito kagabi at maaaring alam nya ang nagyari.
" Oo alam ko nga ang nangyari dito kagabi dahil hindi naman ako natutulog, hindi napapagod ang katawan ko kaya hindi ko kailangan matulog. "
Dito binangit nya na pumasok kagabi si Ataparag sa kwarto ko at nilapitan ako. Binangit nya na hindi nya sigurado kung ano ang ginagawa nito pero habang nasa harap ko raw ito ay bigla itong nagbabago ng anyo.
May pagkakataon daw na ibinuka nito ang bibig nito at akmang kakainin ako pero hindi naman ito nangyari.
" Ano? Teka sinasabi mo bang naging halimaw si miss Ataparag? "
" Wag mong sabihin na nandito sya para kainin ako?"
Hindi nya iyon tinangi na sinubukan talaga ni Ataparag na kainin ako kung pag babasehan ang ikinilos nito pero binangit nya rin na hindi itinutuloy nito ang pag atake saakin at tila pinipigilan ang sarili.
" Sinasabi mo bang pinipigilan nya ang sarili nya?"
Kahit na ganun ang paliwanag nya saakin ay hindi maaalis ang katotohanan na nagpunta sya kagabi para subukan akong kainin.
Ano ba ang nagyayari kay Ataparag? Wala naman akong nakikitang problema kapag magkasama kami at wala rin naman syang sinasabi saakin na problema nya.
Talaga bang hindi nya napapansin ang ginagawa nya? Pero kung alam nya na nakakasama sa kanya ang pagkakaroon ng tao sa paligid nya ay bakit gusto nya parin akong manatili dito?
Ano ba talaga ang tunay na dahilan nya ?
Naguguluhan talaga ako, masaya ako na kasama ko sya pero hindi ako mapalagay dahil hindi malinaw saakin ang nangyayari sa kanya.
Ilang oras ang lumipas ay nagpatuloy ako sa pang araw araw na ginagawa ko. Pagkatapos ko mag exam ay bumalik ako sa dorm para mag aral.
Kapag bumabalik naman si Ataparag ay pinapasama nya ako sa kanya para kumain sa labas.
Kagaya ng mga nakaraan ay magiliw lang syang nakikipag usap na para bang walang nangyari habang ako ay binabagabang ng pag aalala.
Gusto ko sanang kausapin sya tungkol dito pero paano ko naman ito babangitin sa kanya? Paano kong may nalalaman nga sya sa ginagawa nya?
Habang nag aalangan ako ay bigla akong kinausap ni Melon sa isip at pinaalala na hindi makakabuti para saakin kung magpapatuloy ang pag punta nya tuwing gabi at pagtangkaan ang buhay ko.
" Akala mo naman napakadaling sabihin sa kanya kung may balak ba talaga syang patayin ako eh sa nakikita mo naman ay napakabait nya saakin." Bulong ko sa isip ko.
" Ikaw ang bahala, hindi ka naman talaga pwedeng mamatay dito pero kaya mo bang manganib ang buhay nya? " Sagot nito saakin.
Ipinaliwanag nya na kung sakaling magbalik sya sa pagiging halimaw na natatakam sa laman ng tao ay maaaring mamatay sya sa kamay ng kanyang mga kasamahan.
Binangit nya rin na malaki angbl posibilidad na kaya nya nagagawang puntahan ka tuwing gabi at pinagtatangkaan na kainin ay dahil naaamoy nya ang sariwang karne ng tao mula saakin.
Hindi ko ito pwedeng hayaan dahil ako ang nagiging dahilan kung bakit sya nagkakaroon ng kagutoman sa karne ng tao dahil nananatili ako sa tabi nya.
Napabuntong hininga ako kaya naman natanong ako ni Ataparag kung ayos lang ako at tila may inaalala akong bagay.
Dahil doon nagkaroon ako ng pagkakataon na magtanong sa kanya ng mga bagay bagay tungkol sa kagustuhan nya na mapasama ako sa team nya.
Naisip ko rin kasi kung totoo nga na may masamang motibo sya saakin ay maaaring magsinungaling lang sya sa sasabihin nya saakin.
" Ah .. eh naisip ko lang miss ataparag maliban sa gusto nyong makatulong saakin at dahil inutos ng vice commander na ilagay ako sa team mo.
" Ano pang katangian ko ang nagustuhan mo para masabing karapat dapat ako?" Tanong ko dito.
Nagtaka ito sa tinanong ko at inaakalang nag bibiro lang ako. Medyo ang awkward pero nagbigay na lang ako ng pwedeng katangian ko sa kanya.
" Kagaya ng dahil mabait ako at determinado?" Tanong ko.
" Hahaha syempre isa na iyon." Sagot nya.
" Tapat at masayang kasama" dagdag ko.
" Walang duda yun " sagot agad nito.
" Malusog at may sariwang karne" tanong ko rito.
" Tama, mukha karin masarap." Magiliw na sagot nito saakin pero biglang itong napatakip ng mga bibig pagkatapos magsambit ang mga ito.
Napahinto ako dahil sa sagot nya at makikita rin sa kanyang reaksyon ang kahihiyan nya.
Agad itong napatayo at aligagang nagsasalita. Upang makaiwas saakin ay idinahilan nya na may nakaligtaan syang gawin na inuutos sa kanya ng vice commander.
Napatayo ako pero bago pa ako makapag salita ay bigla na itong umalis habang tinatakpan ang mukha nya.
" Teka! Mag usap tayo !!"
Hindi na ako nagtangkang sundan sya dahil siguro nabibigla na rin ako sa mga nalaman ko.
Base sa kanyang reaksyon ay alam nya ang ginagawa nyang pag punta sa akin tuwing gabi at pag tangkaan akong kainin.
" Kailangan malaman ko talaga ang totoo."
Ilang sandali pa ay lumapit sa mesa ko ang waiter at inabot ang resibo ng aming kinain para ipaalala ang bayad.
" Teka seryoso? Umalis sya ng hindi nagbabayad?" Bulong ko sa sarili.
Lumipas pa ang ilang oras ay magdamag lang akong nag aaral sa dorm at nag aabang sa pag dating ni Ataparag.
Nag antay ako hangang sa isa isa ng nag dadatingan ang mga sundalo at nag si pasukan na sa kanilang mga unit.
Magtatakip silim na rin at dahil sa pag kainip ko ay pumasok na rin ako sa silid ko at naisip na ipag pabukas ko na lang ang pag tatanong ko.
Inaasahan ko na makakausap ko sya kinabukasan pero pagsapit ng umaga at pag bukas palang ng meeting room ay wala na doon si Ataparag.
Tinanong ko sa mga sundalo kung nasaan ito pero ang sabi ay nag punta sya sa base para asikasuhin ang importanteng mga bagay.
Wala akong magawa kundi intindihin yun at siguro naman may iba pang pag kakataon.
Lumipas pa ang ilang oras ay wala parin si Ataparag sa dorm at hindi ko rin sya nakita sa pasilidad sa base kung saan nag eexam ang mga kagaya ko.
Pagbalik ko sa dorm ay tinanong ko si Nyabu kung nasaan si Ataparag pero kagaya ng inaasahan ko ay pagsusungitan nya lang ako.
" Maraming ginagawa si leader dahil sa mga aplikante, aba bakit? Inaasahan mo ba na lagi ka nyang sasamahan?"
" Hoy tao! Tandaan mo isa ka lang namang palaboy na pinatuloy dito pansamantala wag mong isiping mananatili ka talaga dito dahil lang natutuwa sayo si Leader"
" Nah, bakit ba ang init ng dugo mo saakin? Wala pa naman akong ginagawang mali." Reklamo ko dito.
Hindi nya tinugon ang tanong ko at umirap lang habang umaalis.
" Kilala ang katsuri noon bilang tanyag na mandirigna at mayamang angkan para sa kanila mga alipin lang ang mga tao dahil mahihina ang mga kagaya mo. yan siguro ang iniisip nya at makakagulo ka lang talaga sa lugar na ito."
" Ah... Ganun ba?"
Bigla akong nagtaka kung bakit alam ni Melon ang mga bagay na ito kaya naitanong ko kung may kaalaman din sya sa mundong ito.
Nabangit nya saakin na nilikha sya para tulungan ako sa mundong ito kaya naman may kaunti syang alam sa mga bagay bagay dito.
Sinabi nya rin na ginagamit nya ang kakayahan nyang great sage kapag may nais syang malaman.
" Sayang din ang kapangyarihan ko kung hindi ko gagamitin tutal ayaw mo naman pakinabangan." Sambit nya.
" Kung sabagay, gusto ko rin naman subukan pero ano naman ang gagawin ko?." Sagot ko dito
Kahit alam ko kung gaano kalakas ang kapangyarihan ni melon ay wala talaga akong ideya kung ano ang gagawin ko lalo na abala ako sa pag susulit.
Maraming bagay ang naisip ko bigla dahil sa kapangyarihan ni Melon kagaya ng kaya ko bang maging pinakamalakas na mandirigma gamit ito.
Napaka ganda siguro kung magiging napakalakas ko para sa isang iglap lang matatalo ko na ang mga kalaban at mailigtas ang endoryo.
" Posible naman maging malakas ka pero ang tanong kung paano mo ito magagawa kung isa kang tao na maraming limitasyon." Sambit ni Melon
Ipinaliwanag nya na limitado ang enerhiya na pwede kong taglayin at madaling mapagod. Wala rin akong alam sa pakikipaglaban at hindi magaling mag isip ng strategy.
" Sobra ka naman, parang sinasabi mong wala akong utak." Sigaw ko rito.
" Wag mong masamain ang sinasabi ko pero napansin ko lang kung gusto mo talagang mapadali ang misyon mo hindi ba dapat hinihiling mo saakin na tulungan kitang palayain si Suwi sa kulungan? " Sambit nito.
Nagulat ako sa sinabi nya dahil hindi ko inaasahan na mababangit nya si Suwi kahit na hindi nya pa ito nakikita.
Naisip ko rin bakit ko nga ba hindi gawin ang sinasabi nya? Ewan, dahil siguro wala pa saakin si Melon noon at may sarili akong gustong gawin kaya di ko naisip na hilingin kay melon ito.
" Sa tingin mo magandang ideya na palayain si Suwi sa kulungan na iyon?" Tanong ko rito.
" Sa tingin mo ba magandang ideya na manatili syang nakakulong sa lugar na iyon." Sagot nito saakin.
Ibinalik nya lang ang tanong ko pero sigurado naman talaga akong tama ang pasya kong manatili si Suwi sa kulungan gayung mas mataas ang tyansang mapahamak sya sa labas.
" At isa pa naisip ko rin na sa pangngalaga lang ni Sei magiging ligtas si Suwi."
Pumatong bigla si Melon sa ulo ko at nagbuntong hininga sa pagkadismaya saakin dahil masyado akong nakabase sa nalalaman ko sa istorya na isinulat ko.
" Pero hindi ba tama naman? Ang sabi ni Koko ay nabase ang mundong ito sa komiks ko ."
Hindi nya kinontra ang sinabi ko at tunay na naka base sa komiks ko ang magaganap sa mundo lng ito pero nilinaw nya na marami akong hindi alam na mga bagay bagay sa mundong ito na hindi naman nabangit sa komiks ko.
" Anong ibig mong sabihin." tanong ko kay Melon.
Ipinaliwanag nya na marahil tunay na may puso at makatarungan si Sei pero hindi lang naman si Sei ang nasa Base kung nasaan si Suwi.
Binangit nya na Marami sa mga sundalo na naroon ay mga biktima ng mga souleater kaya naman nag tataka sya kung bakit ko hinahayaan na manatili si Suwi doon.
" Wag mong sabihin na iniisip mo talaga na makatwiran at may puso ang lahat ng sundalo ng Eskapa kagaya ni Sei?"
Lalo akong naguluhan at nagdududa sa mga plano ko dahil totoo naman na masyado akong nagtitiwala sa paniniwala kong ligtas si Suwi sa pangangalaga ni Sei pero kung iisipin ay isa parin bihag si Sei at napapaligiran sya ngayon ng mga nilalang na may galit sa mga soul eater.
Hindi man lang pumasok sa isip ko na may posibilidad na may magtangka sa buhay ni Suwi habang nakakulong doon.
Lalo akong nahihirapan magdesisyon sa dapat na gawin ko pero kung makakawala naman ai Suwi tiyak magiging lagalag nanaman sya at pareho lang din naman ito kagaya ng dati nyang ginagawa.
" Mas malaki pa rin naman ang tyansa na mas mapahamak sya sa labas at isa pa kaya nga ako sasali sa Eskapa para mabantayan ko sya."
Dito ay muli syang napabuntong hininga habang sinasabi na mas nababahala sya kung sakaling mapasama ako sa Eskapa at binangit na wag masyadong umasa sa nalalaman ko base lang sa komiks ko.
Ang komiks ko ay nakatoon lang sa pakikipagsapalaran ni Xxv at kung paano nya na gustong tulungan ang asawa nya na magkaroon ng payapang buhay.
Inihalimbawa nya na ang tungkol kay Sei kung saan unang lalabas ito sa eksena kung saan malapit na ang Rampage.
" Ang nalalaman mo lang talaga kay Sei ay ang panahon kung saan nagaganap na ang Rampage pero wala ka ng alam sa mangyayari bago ang event na rampage ."
" Anong ibig mong sabihin? "
Nagawa ko naman maunawaan ang sinabi nya at tama naman ang sinasabi nya dahik hindi nabangit sa kwento ang mga nagaganap bago ang event ng rampage pero sa tono ng pananalita nya ay para bang may alam sya na hindi ko nalalaman.
" Ang ibig kong sabihin wala kang alam sa magaganap na trahedya bago maganap ang Rampage." Sagot ni melon.
" Huh?" Pagtataka ko.
Part 2 episode 18