Chapter 16 part 1 


Habang nag lalakad si Agane papunta sa Tore kasama ang ilang sundalo ay may napansin ito mula sa itaas.


Malawak ang lugar aa labas ng tore kaya marami ang nakasasaksi sa pagbagsak ng dalawang tao mula sa itaas.


" Ano naman yun?" 


" Mukhang may mga tumalon nanaman mula sa itaas." Sambit ng isang sundalo.


Pangkaraniwan na sa kanila ang mga kaganapan na tulad nun lalo na sa mga bayan na may mahihirap na pamayanan.


Gayumpaman ay hindi hinayaan ni Agane na mahulog ang mga ito kaya naman nag kusa na itong tumulong.


Naglabas ng asul na enerhiya ang katawan nya at pumulupot sa braso nya hanggang sa mag hugis ito na dragon.


" Fifth wind dragon teknik, dazling wind " 


Sumuntok ito sa hangin at lumabas ang asul na dagon at bumulusok papunta sa mga nahuhulog.


Bago pa tuluyan bumagsak sa lupa ang dalawa ay tila nilamon na sila ng wind dragon at dinala sa kinatatayuan ni agane.


Gumulong gulong ang mga ito sa lapag hanggang sa umabot sa paahan ni Agane.


Dito ay tumama ang ulo ni Nathaniel sa paa ni agane at humandusay na walang malay tao


" Teka ano naman ginagawa ng mokong na ito dito?" 


Nakatulog parehas ang dalawa kaya wala silang sa tunay na nangyari, ipinag utos na lang ni Agane na dalhin ang mga ito sa base upang maimbistegahan.




 NATHANIEL POV .



Lumipas ang ilang oras ay nagising ako sa pagkakatulog, hindi ko talaga batid kung paano ako nakaligtas at ang tanging naaalala ko ay ang pag hawak ko sa babaeng alipin mula sa ere.


Pinilit kong kumilos kahit masakit ang likod ko siguro dahil matigas ang higaan ko.


" Teka nasaan na ba ako?" 


Hindi ko alam kong nasaan ako pero ng mapansin ko na may rehas sa gilid ko ay kinutuban na ako na nakakulong ako.


" Teka bakit ako nakakulong? " 


" Hoy sandali! May tao ba dyan? pakawalan nyo ako dito." Sigaw ko.


Nagpanik ako at pilit inuuga ang rehas habang umasa na tutugunin ako ng mga bantay hanggang sa mapagod na lang ako at mapaupo sa lapag.


" Paki usap! Wala naman akong kasalanan!! " 


Hindi ko alam kong bakit ako nakakulong dahil kung iisipin ko mabuti ay nagligtas lang naman ako ng buhay.


Ilang sandali pa dahil sa ingay ko ay biglang may boses na nag patahimik saakin.


" Hoy! Pwede ba wag kang maingay tao." Sigaw nito.


Nagulat ako sa narinig ko at kinilabutan dahil nagmula iyon sa madilim na parte ng silid na iyon.


" Teka ang boses na iyon?" 


Pag lingon ko ay nakita ko si Suwi habang nakagapos sa pader ng silid na iyon, balot parin ito ng kadena na may sealing spell.


Ginagamit ito upang pigilan ang isang nilalang na makagamit ng enerhiya.


" Suwi ? Teka bakit ka nandito?" 


" Tsk, hindi ba dapat ako ang nagtatanong saiyo nyan?" Galit nitong sambit.


Iritable ang pakikipag usap nito saakin habang tinatanong ako kung bakit nagbalik ako sa lugar na ito pagkatapos palayain ni sei.


Inamin ko naman dito na kahit ako ay walang ideya kong bakit ako nandito at binangit ang tungkol sa pagliligtas ko sa alipin na tumalon sa agata tower.


 Pagkatapos nya iyon malaman ay ipinaalam nya saakin na dinala ako dito ng mga sundalo kasama ang descendant ng wind dragon.


Ang tinutukoy nya siguro ay ang heneral na si Agane at hindi naman nakakabigla iyon dahil mukhang malaki ang galit nya saakin dahil sa pakikielam ko tungkol sa mga soul eater.



" Mukhang hindi talaga sya naniniwala na wala tayong balak na masama sa bayan nila." Sambit ko.


" Tsk, may pagkakataon ka na ngang makaligtas eh sinayang mo pa, hangal ka talaga." 


Hindi maalis ang pag susungit nito saakin at halatang hindi nya ako gustong makita.


Humakbang ako palapit kay Suwi habang ipinapakilala ang sarili bilang isang ordinaryong tao na si nathaniel muntingbato pagkatapos tinatanong ko naman ito kung kamusta na ito pero kagaya ng inaasahan ay galit nya parin akong sinasagot.


" Pwede ba wag mo akong kausapin na parang magkakilala tayo." 


Bigla akong nairita sa kagaspangan ng ugali nito kaya hindi ko napigilan manumbat dito tungkol sa pag sisikap ko na tulungan ito.


Nabangit ko rin na may balak akong sumali sa eskapa para lamang mabantayan sya at matulungan.


" Alam mo dapat nga nagpapasalamat ka na lang dahil disidido parin akong gawin lahat bilang kaibigan mo tapos susungitan mo lang ."


Iba sa inaasahan ko ay muli nya lang akong tinawag na hangal at ipinapatigil sa ginagawa kong pakiki elam.


Muli nyang sinabi na wala syang balak na magkaroon ng koneksyon sa mababang uri ng nilalang kagaya ko.


" Mamamatay ka lang kapag ipinilit mong dumikit saakin." 


Napabuntong hininga na lang ako dahil sa katigasan ng ulo nya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagmalaki sa kanya na hindi ako mamamatay sa mundong ito pero hindi naman sya maniniwala sa sasabihin ko.


" Ano ba talaga ang gusto mo para tangapin mo ako bilang kaibigan mo?" Tanong ko rito.


" Sa tingin mo tatangapin ko ang isang walang silbing kagaya mo na maging kaibigan ko?" Sambit nito.


Napabuntong hininga na lang ako at nadidismaya dahil hindi nagbabago ang pagiging mapagmataas nya sa gitna ng katotohanan na wala naman syang kahit anong pwedeng ipagmalaki.


Dito ay tinanong ko ito kung maaari nya na ba akong maging kaibigan kong pakakawalan ko sya dito sa lugar na ito.


Matapos marinig ito ay hindi sya magdalawang isip na laitin ulit ako at tawaging walang silbi kaya hindi sya umaasa ng kahit anong bagay mula saakin.


Medyo napipikon ako sa panghahamak nya pero inamin ko rin sa kanya na kahit na may kakayahan akong pakawalan sya ay wala akong balak na alisin sya sa lugar na iyon.


" Alam mo ito na ang pinaka ligtas na lugar para sayo." Sambit ko.


Dito ipinaintindi ko sa kanya ang sitwasyon nya dahil lalong nagiging komplikado na ang digmaan ng lahi dahil sa mga warlord na tinatarget ang mga kagaya nyang soul eater.


Lumiliit na ang mundong pwede nyang galawan at ilang araw mula ngayon ay marami ng magtatangka sa buhay nya hindi lang ang mga warlord kundi pati ang mga taga eskapa.


Hindi naman iyon bagong sa kanya lalo na tumakas sya sa isla ng Gatamuri na pag mamay ari ng Sandata na si Yuki. 


Pagkatapos muling sumama si Xxv sa eskapa ay nakiusap ito kay Yuki na bigyan ng proteksyon si Suwi kung kaya ibinigay nya ang isa sa mga isla nya para lang maging tahanan nito.


Gayumpaman dahil sa katigasan at pride ng babaeng ito ay lumayas sya doon at nagpagala gala nanaman uli.


" Tumigil ka! Gusto nila akong ikulong sa islang iyon, may masama silang pinaplano laban saakin." 


" Sa tingin mo talaga may plano sayo si Yuki? Alam mo ba kaya ka nyang patayin kung nanaisin nya talaga." Sagot ko rito.


Ipinaalam ko rito na mahalaga kay Yuki si Xxv na itinuturing nyang nakakabatang kapatid kaya naman kahit pinag babawal at maaari syang mapahamak ay patago nyang kinupkop si Suwi. 


"Pero sa tingin ko nakahinga ng maluwag si yuki nung lumayas ka sa isla nya dahil hindi nya na kailangan alalahanin ka pa." Dagdag ko.


Biglang nanahimik si Suwi at hindi tumugon sa nasabi ko, ewan ko kung nainis sya pero hindi maalis ang masamang titig nya saakin.


Ilang segundo pa lumipas ay naging seryoso ang pananalita nito habang tinatanong ako kung bakit ko nalalaman ang mga bagay na nabangit ko sa kabila ng pagiging ordinaryong tao ko.


" Wala akong mararamdamang espesyal sayo kaya hindi ako makapaniwalang alam mo ang mga bagay na yan." 


Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang katotohanan tungkol sa nalalaman ko pero biglang sumagi sa isip ko ang nasabi ni koko.


Kapag nalaman nila kung sino talaga ako ay magiging komplikado na ang lahat baka isumpa nya ako kapag nalaman nya na ako ang nagtakda ng trahedya sa buhay nya at kung bakit nya naranasan na habulin buong buhay nya.


" Sabihin na lang natin may kakayahan akong makita ang nakalipas at hinaharap ng mga nilalang." Pag papalusot ko.


Hindi nakumbinsi si Suwi sa mga sinasabi ko dahil wala naman akong crimson item o crimson curse para magkaroon ng abilidad kagaya ng sinasabi ko.


Pero ipinilit ko na nababatid ko ang kanyang kalungkutan sa kanyang mga nararanasan at alam ko ang naghihintay sa kanyang madilim na hinaharap.


" Hindi kita masisisi kung hindi ka naniniwala pero disidido ako tulungan ka at baguhin ang hinaharap mo." 


Napatigil si Suwi at hindi makapagsalita dahil siguro unang beses nyang makarinig ng pag mamalasakit mula sa iba.


" Hangal, pwede ba tigilan mo na yan, kung nakita mo man ang hinaharap ko ibigsabihin ay nakatakda na ito at hindi na mababago." Nakayuko nyang sambit.


Nararamdaman  ko ang kalungkutan sa kanya, base sa kanyang mga sinasabi ay tila tinatangap nya na ang kanyang kapalaran.


Higit na kanino man ay kilala ko sya at sa gitna ng kanyang pinagdaanan ay nananatili rin ang kagustuhan nyang mabuhay. Sa kabila ng madilim na mundong ito ay hindi nya tinangkang magpakamatay dahil umaasa parin sya na matutupad ang pangarap nya.



" Hindi suwi, kung tinatangap mo na ang kapalaran na yun para sayo. pwes ako, hindi." Seryosong sambit ko.


" Babaguhin ko iyon at handa akong gawin lahat para mangyari iyon." 


Natulala ito pagkatapos marinig ang sinabi ko, alam ko na matagal nya ng gusto makalaya sa kanyang sitwasyon at makaranas ng buhay na normal.


Isang buhay na walang digmaan at payapang makapamuhay kasama ang pamilya at kaibigan.


Gayumpaman wala syang pwedeng ituring na pamilya o kahit kaibigan dahil buong buhay nya ay napapalibutan na sya ng kaaway at walang ibang ginawa kundi magtago.


Gusto kong baguhin ito at palitan ng masasayang alaala para matangap nya ang magandang kapalaran na nararapat lang sa kanya.


Tama, babagohin ko ang isinulat ko sa komiks ko tungkol sa tadhana nya. Muli kong isusulat ang kanyang kapalaran.

undefined

Alabngapoy Creator

Part 1 of episode 16