Chapter 28 part 2
Nagpatuloy ang pakikipaglaban ni Ataparag kay Harbelio sa gubat. Walang magawa si Ataparag kundi umiwas at tumakbo habang patuloy na umaatake ang mga mud spike.
Lumalaki na rin ang sakop ng teritoryo ni Harbelio kung saan maaari syang mag palabas ng mga Mud spike dahil na rin sa pag habol kay Ataparag.
Napansin naman ni Harbelio na wala ng ibang ginawa si Ataparag kundi ang tumakbo na lang kaya naman huminto sya sa pag atake dito.
Masyado rin mabilis si Ataparag dahil sa kanyang Crimson item kaya bale wala ang mga pagpapalabas nya ng Mud spike.
Gayumpaman kahit na alam ni Harbelio na hindi kayang tamaan ng mga mud spike si Ataparag ay tiwala sya na mananalo sa laban gayung wala naman ginagawang pag atake ang kalaban nya.
" Bale wala ang ginagawa mong pag takbo dahil isa ka paring tao kaya ano mang oras ay mauubusan ka ng enerhiya." Sambit nito.
Batid ni Ataparag na maaari syang maubusan ng enerhiya sa pag abuso nya sa katawan nya kagaya ng sinasabi ng kalaban nya lalo pa ginagamit nya ito para hindi maramdaman ang pinsala ng katawan nya gayumpaman ay walang bakas ng pagkabahala na makikita sa mukha ni Ataparag.
" Kahit anong gawin mo hindi ka mananalo saakin pero mukhang hindi ka yata natatakot na mamatay sa laban na ito."
Ang tapang na pinapakita ni Ataparag na hindi makaramdam ng takot ay dahil na rin sa nakasanayan nya na manalo sa bawat laban at kahit isa na syang tao ay taglay nya parin ang pagiging kampante sa pakikipaglaban lalo na alam nya na mas mababang nilalang ang kalaban nya.
Bumuntong hininga si Ataparag at nilinaw dito na sa katayuan nya ay di hamak na mas malakas si Harbelio kumpara sa kanya ngunit nilinaw nya dito na hindi nangangahulugan na hindi sya mananalo sa laban na iyon.
Pinuri ni Ataparag ang napakataas na level ng mud magic na gamit ni Harbelio at binangit na walang duda na napakalakas nito sa mga labanan.
" Kung sa bagay isa ka sa mga black list criminal ng eskapa kaya inaasahan ko na hindi ka madaling kalaban pero hindi mo ba napapansin?"
Sa pagkakataon na iyon ay pinuna ni Ataparag na kahit mahusay ang pag gamit nya sa mud Magic ay may limitasyon parin ito.
" Anong ibigmong sabihin?"
" At isa pa hindi ba parang nakakatawa lang dahil ilang minuto na ang lumipas pero buhay parin ang kagaya ko kahit na ang isang hari ng mga hube ang kalaban ko? "
Itinaas ni Ataparag ang kanang kamay nya at biglang nag snap .
" Explode"
Kasabay nito ang pag ilaw ng mga bahagi ng spike at sumabog isa isa.
" Ano?"
Nagawang pasabugin ni Ataparag ang mga spike sa paligid nila at nadurog ito na parang alikabok.
" Ang mga mud spike mo ay ginagamitan mo ng napakadaming enerhiya para makotrol ito na syang gustong gusto naman ng mga insekto ko."
" Ngayon bakit hindi mo subukan umatake ngayon saakin?"
Sumenyas ito gamit ang kamay na tila hinihikayat na atakehin sya ni Harbelio.
Napangisi na lang si Haberlio sa paghamak sa kanya at batid na hindi lang basta umiilag lang ang dalaga sa mga ginagawa nya kundi nagawa nya rin na ikalat ang mga insekto nito.
" Kung yan ang gusto mo."
Dahil sa pag kainsulto ay muling naglabas ng matinding awra si Harbelio at muling naglabasan ang mga higanteng mga braso na gawa sa luwad palusob kay ataparag.
" Mud Punishment."
Sa pagkakataon na iyon habang palusob kay ataparag ang mga higanteng kamao ay naglabas ito ng enerhiya dumadaloy sa kanyang patalim.
" Furiuos strike "
Isa isang lumusob ang mga patalim na lumulutang sa paligid nya at ang bawat isa dito ay dumudurog sa mga higanteng kamao na umaatake sa kanya.
" Nagagawa nyang masira ang mga atake ko gamit lang ang patalim nya, masyado ring nakakapagtaka na nagagawa nyang magpakawala ng maraming enerhiya ng hindi nakaramdam ng pagod."
Dito nagsimulang umatake si Ataparag sa kanya at Naglabas pa ulit ng mga patalim na nag mula sa Crest nya sa bewang.
Dahil narin sa nagagawang madurog ni Ataparag ang bawat atake ni harbelio ay wala na itong nagawa kundi ang Lumusob upang sabayan ang dalaga.
Sa sobrang bilis ng pag kilos ni Ataparag ay madali sa kanyang naiwasan ang suntok ni Harbelio at sinaksak ang braso nito.
Binale wala naman ito ni Harbelio at muling inatake si Ataparag ngunit muli lang itong nakaiwas at kasabay naman ng pag ilag ng dalaga ay ang muling pagsaksak nito sa binti ni Harbelio.
Nagpatuloy ang pag atake ni harbelio at pag iwas ni ataparag hangang tumarak na sa katawan ni harbelio ang higit sampung patalim.
" Masyado syang mabilis para saakin gayumpaman iyon lang naman ang lamang nya saakin." Bulong nya sa isip.
Tumigil si Harbelio sa pag atake at muling ipinaalala kay Ataparag na bale wala sa kanya ang ginagawa nito.
Hindi sya nangangamba na muling pasabugin ni ataparag ang mga patalim nya para wasakin ang katawan ni harbelio.
" Ang katawan ko ay isang imortal kaya kahit na magawa mo akong tamaan ay hindi mo ako mapapaslang."
" Samantalang ikaw ay malapit ka ng maubusan ng enerhiya sa katawan."
Napansin ni Harbelio na nagsisimula ng humingal si Ataparag at nagpapakita na rin ito ng pagbagal sa pagkilos dahil sa pagod.
" Wag mo akong alalahanin dahil bago pa ako maubusan ng enerhiya ay magagawa kong matapos ang laban na ito."
Kahit na napapagod na ay walang makikitang takot sa mukha ni Ataparag at konbinsido sa sarili na mananalo sya sa laban nilang dalawa.
Muli nyang itinaas ang kanang kamay nya habang sinasabi kay Harbelio na kung ikukumpara ang lakas na taglay nila ay malayo ang agwat nya dito gayumpaman ipinaalala nya na isa syang heneral ng galica.
" Alam mo kung ano ang mali sa laban na ito? Kilala kita bilang malakas at kinatatakutang mud magic user na criminal pero ikaw wala kang ideya kong sino ang kaharap mo ngayon."
Kasabay ng pag snap ng daliri ni Ataparag ay ang pagliwanag ng mga patalim na nakatarak sa katawan ni Harbelio.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang naging tuyot at puting borak ang tinarakan ng mga ito sa kawatan ni Harbelio na parang natutuyot na chalk hangang sa unti unti ng nababalot nito ang buong katawan ng hube.
" Anong nangyayari? Ang katawan ko hindi ko maigalaw?"
" Isa ba itong uri ng sealing teknik?"
Sa pagkakataon na iyon ay tumingin sya kay ataparag habang nakangisi ito at ibinubunyag na ang mga patalim na nakatarak sa kanya ay may kakayahan na gawing puting bato ang mga bagay na masaksak nito.
Ipinaalam nya na hindi talaga ito gumagana sa tao o sa mga may buhay na nilalang pero kahit sya nagulat dahil gumana ito sa katawan ni Harbelio at dahil din siguro ito sa tuluyang ng ginawang luwad ng mahika ni harbelio ang katawan nito.
" Isang magic tool? Paano ka nakakagamit ng napakaraming magic tool kahit na limitado lang ang enerhiya na taglay mo?"
" Malakas nga sa enerhiya ang pag gamit ng magic tool at imposible sa isang tao na gumamit nito ng sabay sabay maliban na lang kung isa itong natural na abilidad." Sagot ni Ataparag.
Ipinaliwanag nya kay Harbelio na isa sa taglay nyang natural na abilidad ay ang makagawa ng magic tool na kung tawagin ay kojina.
Dahil sa narinig ay pinagtawanan ni Harbelio ang mga sinabi nito lalo pa imposible sa isang tao ang magkaroon ng natural na abilidad na nakapaglalabas ng magic tools.
Hindi alam ni Ataparag kung tama bang ipaliwanag nya ang tungkol sa natural na abilidad nya na nakuha noong isa pa sya sa grand chaos lalo pa tinalikuran nya na ang dati nyang katauhan bilang hari ng demon continent.
Dahil nga sa marami syang nilalang na kinain noon ay ilan sa mga ito ay nag iwan sa kanya ng mga abilidad na nagagamit nya parin kahit na nasa katawan sya ng isang tao.
" Maraming Natural na abilidad ang tinataglay mo? Kalokohan."
Naglabas ng enerhiya si Ataparag sa dalawang kamay nya at sinara ang mga palad sa bawat isa.
" Para sa kaalaman mo mayroon akong limang natural na abilidad na pwedeng ipanglaban sayo."
Hindi makapaniwala si Harbelio at pinagtawanan muli si Ataparag dahil para sa kanya niloloko lang sya nito tungkol sa mga binabangit nitong abilidad.
Walang emosyon na makikita sa mukha ni Ataparag habang nakatitig dito at itinatapat ang palad nya kay Harbelio.
Dahil sa mga malamig na titig ni Ataparag ay napatigil sa pagtawa ito at naramdaman dito ni Harbelio na hindi ito nagbibiro sa sinasabi nya.
" Seryoso ka ba talaga, akala mo ba maniniwala ak.... ?" Tanong ni
" Hand of Taruta "
Isang napakalaking kamay ng halimaw ang biglang lumitaw sa harap ni Harbelio at dinakma ang buong katawan nito. Pinipisat ito sa palad nito at tila dinudurog sa sobrang higpit ng pagkakakapit.
Nagulat si Harbelio na nagawang makapaglabas ng mataas na uri ng dark magic si Ataparag na hindi dapat taglayin ng isang tao.
Ipinaliwanag ni Ataparag sa kanya na sa oras na mahuli ka ng taruta ay wala na itong magagawa upang kumawala pa at makukulong sa isang demensyon.
Ang teknik na ito ay may kondisyon at madali lang din masira ngunit dahil sa hindi magawa ni Harbelio na makapalag dahil sa pagiging burak ng katawan nya kaya naman nagtatagumpay na makumpleto ni Ataparag ang paghahanda nya.
" Anong problema? Hindi ba ang sabi mo hindi kita kayang matalo sa laban?
" Kung wala ka ng magandang ipapakita maliban sa ginagawa mo ay mabuti pa tapusin na kita." sambit ng dalaga.
Unti unting lumitaw ang isang nakakatakot na pinto sa likoran ni harbelio. Nababalot ito ng itim na awra at lumalabas ang itim na usok habang bumubukas ang pinto nito .
" Sumpain ka, sa tingin mo ba hahayaan ko na matalo ng kagaya mo?"
" Ako ang pinakamakapangyarihang prime Hube na si Mud beast."
Naglabasan sa loob ng pinto ang itim na kamay na humila kay harbelio papasok sa napakadilim na loob nito.
Umeko sa lugar ang tunog ng pag sara ng pinto kasabay ang malakas na pagpapakawala ng awra nito.
Tumahimik bigla ang paligid habang unti unting nagbabalik sa lupa ang mga mud spike at nagbalik sa dating kalagayan.
Napaluhod naman si Ataparag at hingal na hingal pagkatapos nito gamitin ang teknik kay Harbelio dahil narin sa pagkonsumo nito ng napakaraming enerhiya sa katawan nya.
" Inasahan ko na maraming enerhiya ang kukunin saakin ng teknik na iyon pero hindi ko akalain na uubusin nito ang lahat ng enerhiya ko sa katawan."
Unti unti ng nararamdaman ni Ataparag ang sakit at kirot ng kanyang mga pinsala pero kahit na ganun ay pinilit nya parin na bumangon upang makaalis sa lugar.
" Hindi ako dapat na magpahinga hangat hindi ko nagagawang mailigtas ang mga bihag nila."
Kahit na nakakaramdam ng matinding pagkirot ng mga bale sa katawan ay pinilit nyang maglakad papunta muli sa bayan upang puntahan ang mga bihag at mapalaya ito.
Batid nya sa sarili na naging malaking kahinaan nya ang pagkakaroon ng katawan bilang tao dahil hindi nya kayang gamitin ang iba nyang mga kapangyarihan sa pakikipaglaban.
Gayumpaman alam nya sa sarili na mas gusto nya parin ang katawang tao dahil marami syang pwedeng gawing bagay na kasama ang iba kesa sa pagiging hari ng mga demon beast.
Napapikit sya dahil sa hapdi at doon nahawakan nya ang ulo nya kung saan umagos na ang dugo dito papunta sa kanyang mukha.
" Umabot na sa limitasyon ang katawan na ito, hindi ko na rin maiangat ang mga kanang braso ko." Bulong nya.
Alam nya na mahina ang katawan nyang tao pero hindi nya inaasahan na mabilis itong sumusuko sa pinsala. Ibang iba ito sa nakasanayan nyang katawan na binabalewala ang mga pinsala at patuloy na nakakagalaw ang bawat parte nito dahil sa pag papatibay ng enerhiya sa mga ito.
" May dalawa pang prime Hube na natitira at hindi ko sila matatalo sa kalagayan ko ngayon."
Habang nag iisip ay bigla nyang hinawakan ang kanyang hikaw na suot at pumikit.
" Hindi ko gusto ito pero mas malaki ang tyansa na manalo ako sa laban at mailigtas sila kapag ginawa ko ito."
Sa mga sandaling iyon ay binabalak nya na wasakin ang crimson item na binigay ni Sei upang makawala sa kapangyarihan nito at magbalik sa dati nitong anyo at lakas.
Pero bago nya pa ito magawa ay bigla ng may sumagi sa isip nya na alaala.
Mga alaala nya na kasama sila Nyabu at ang iba sa bayan.
Isa isang inaalaala nya ang mga masasayang sandali nya sa kanyang panibagong buhay at alam nya na sa oras na magbalik sya sa dating anyo nya ay marami ng magbabago.
Napayuko na lang sya at tila nawalan ng lakas ang mga braso na napabitaw sa hikaw dahil na rin sa pag dadalawang isip. Gumugulo sa isip nya na nasa kanya na ang katuparan ng kanyang pangarap na mamuhay ng normal at maaari itong maglaho kung magpapatuloy pa sya.
Tumingin sya sa malayo at nakita ang ilang bangay na naging biktima ng mga bandido na walang awang pinatay.
" Alam ko na hindi na maibabalik ang pagiging tao ko sa oras na gawin ko ito pero gayumpaman ito ang sinumpaan kong tungkulin."
" Mag liligtas ako ng marami sa abot ng aking makakaya."
Naging seryoso ang mukha nya at buo na ang pasya na gawin ang kanyang tungkulin bilang bayani habang muling hinahawakan ang kanyang hikaw.
Tinangka nyang wasakin ito pero kasabay ng kanyang pag hawak dito ay biglang may sumaksak sa kanyang kamay at likuran na matulis na bagay
"Huh?"
Mga napaka tulis na higanteng kuko ang tumagos sa katawan nya na nagmula sa ilalim ng lupa at nag pa angat sa kanyang paa sa kinatatayuan nya.
" Anong nangyari?"
Hindi magawang makakilos ni Ataparag dahil na rin sa pinsalang natamo nya at walang magawa lalo na't napinsalaan na rin ang kanyang kanang kamay.
Ilang sandali lang ang lumipas ay ang biglaang pag angat ng mga luwad sa lupa na bumalot sa mga kuko. Dito ay unti unti itong kumorte at nag anyo bilang isang dambuhalang harbelio na may taas na sampung metro.
" Saan mo naman balak magpunta? Hindi pa tayo tapos sa ginagawa natin dito." Sambit ni harbelio.
Laking gulat ni Ataparag ng malaman nya na buhay si Harbelio at nagtataka kung paanong nakabalik matapos nyang maipadala sa dimensyon.
" Ah .. ang tinutukoy mo ba ang Mud clone na kalaban mo kanina?"
" Mud clone?"
Dito ibinunyag nya na mula sa umpisa ay isa ng mud clone ang kaharap nya na nagmula sa kapangyarihan ng Crimson Eye na gamit ni Harbelio.
Lumambot ang lupa sa kinatatayuan nila at unti unting humuhulma ang isang Harbelio na kalaki lang ng kalaban ni Ataparag kanina.
Dito ioinaliwanag nya na kaya nyang gumawa ng vlone at ipasa ang core nya upang akalain ng mga kalaban nya na ang kaharap nila ay ang tunay na katawan nito.
" Humahanga ako sayo at lubhang napaka delikado ng kakayahan mo na ipasok ako sa pinto na yun para ikulong pero hindi iyon gagana saakin at pwede natin gawin ito ng paulit ulit buong maghapon."
Sa isang snap lang ng kanyang daliri ay naglitawan na mula sa lupa ang mga Harbelio na gawa sa Luwad.
" Tsk, masyado akong nagpaka kampante na napatay ko na sya kaya naibaba ko ang proteksyon ko sa katawan." Bulong sa isip ni Ataparag.
Dito napagtanto ni Ataparag ang dahilan kung nakit hindi namatay si Harbelio ng saksakin nya ito sa puso at pugutan ng ulo.
" Sa umpisa pa lang ay nasa loob na ako ng teritoryo nya bago pa ako makalapit sa bayan at dahil nasa loob sya ng luwad na gawa sa mahika nya ay hindi ko naramdaman ang presensya ng totoong katawan nya." bulong nya.
Naalala nya bigla ang sinabi sa kanya ni Harbelio na hinding hindi mamamatay ang katawan nito hangat may lupa na tinatapakan.
Dahil sa pinsala ay unti unti ng nanlalabo ang paningin ni Ataparag at sumuka na rin ng dugo. Napakalaki na rin ng enerhiya ang nawawala sa kanya upang panatillihin ang kanyang malay at patigilin ang pagdurugo ng mga sugat.
" Nararamdaman ko na mauubos na ang enerhiya ko sa katawan, hindi na ako makakatakas sa kanya."
Napansin naman ni Harbelio na naglalaho na ang mataas na enerhiya na bumabalot kay ataparag at kinutya ito na tila ba wala na itong magawa upang tulungan ang sarili sa kanyang kalagayan.
Pinaalala nito na kahit na mas maraming teknik at mga abilidad si Ataparag ay bale wala ito kung limitado lang ang enerhiya nito sa katawan. Hindi kagaya nya na maaaring magtaglay ng higit sa limang beses na dami na pwedeng taglayin ng tao.
Winasiwas ni Harbelio ang kanyang mga kamay dahilan para maalis at mapatalsik si ataparag at gumulong sa lupa.
"Hindi mo naman talaga siguro iniisip na matatalo mo talaga ang isang prime Hube na katulad ko sa isang laban?"
" Isang daang taon na akong nabubuhay at kahit isa ay wala pang tumatalo saakin sa laban dito mismo sa teritoryo ko at iyon ang dahilan kaya ako naging hari ng mga hube."
Pinilit ni Ataparag na kumilos ngunit hindi nya magawang maigalaw ang binti nya na ngayon ay unti unting nagiging lupa.
" Ano nangyayari sa katawan ko? Isang spell?" Bulong nya sa sarili.
Dito ipinaliwanag ni Harbelio ang espesyal na kakayahan ng MUD GARDEN na kinatayuan nilang dalawa.
Ang buong teritoryo ay nababalot ng sumpa na kung saan magiging mga rebulto na lupa ang sino mang tumapak dito na nagtataglay ng mahinang enerhiya.
Sa kalagayan ng katawan ni Ataparag ay wala na itong sapat na kakayahan para kontrahin ang sumpa.
" Sinabi ko na nung una palang na ang kagaya mong insekto ay walang laban sa isang leon."
Nagawang makaluhod ni Ataparag habang hingal ma hingal na nag hahabol ng hininga. Nawawalan na rin sya ng pandinig at kakahayan na mag salita dahil sa pamamanhid.
Napatingala na lang ito sa langit habang naiisip na wala na syang pwedeng magawa pa sa kalagayan nya.
Batid nya ang pwedeng mangyari sa kanya sa pag punta nya pero hindi madali para sa kanya na tangapin na mamamatay na sya ng ganung kabilis na wala man lang nailigtas na bihag.
Iniisip nya na nabigo nya ang mga ito na tulungan at nabigong matupad ang tungkulin nya na ipinangako kay sei.
Napapikit na lang ito at kalmadong nakaluhod habang humihingi ng tawad sa lahat ng hindi nya matulungan kasama na si sei na nagtiwala sa kanya.
Tuluyan ng naging lupa ang halos kalahati ng katawan nya at maging ang mga braso nya ay hindi na rin nya kontrolado.
Isa isang muling sinariwa sa alala ni Ataparag ang mga sandaling pinagsamahan nila ng kanyang team at biglang napaluha.
" Patawad sa inyo, mukhang hangang dito na lang ako.... Nyabu.... Toto... " Naiiyak na bulong nito sa hangin.
" Ginoong Nathaniel. "
Kasabay ng pag alala nya kay nathaniel ay ang tuluyang pagbabago ng kanyang katawan. Naging matigas na lupa si Atapatag na napapaligiran ng mga spike sa paligid.
Kasabay ng unti unting pag balot ng lupa sa katawan ng dalaga ay ang pagtalikod ni harbelio paslis sa lugar.
Lumipas ang tatlong oras sa lugar.
Habang sa bayan kung nasaan nabihag ang mga mamamayan ng mga halimaw.
Nagdatingan ang mga sundalo ng eskapa at pinalibutamln ang lugar. Agad na nilibot nila ang kabuoan ng lugar at kinalaban ang iilang mga halimaw na naiwan dito na pumipigil sa kanila upang umusad at masundan ang black scorpion.
Nadatnan nila na wasak na wasak ang mga gusali at bahay ngunit wala na silang naabutang mga bihag sa lugar.
" Nahuli na tayo ng dating"
Agad na pinakilos ni Fumi ang mga tauhan nya upang habulin at sundan ang bakas ng mga halimaw na tumakas sa lugar.
Habang naglalakad sa kalsada upang suriin ang lugar ay biglang may mga sundalong tumatakbo palapit sa kanila upang mag report.
" Heneral! heneral! " aligagang pagtawag ng mga ito.
" Anong problema?" Sagot nito.
" Heneral Natagpuan na namin si Heneral Ataparag."
Part 2 ep 28