Chapter 40 part 2
Sa pagpapatuloy ng laban ay muling umatake si Agane sa Siren upang matalo ito hangat hindi pa sya nakakarecover .
Alam ni Agane na bilang magic caster ay may limitasyon sa oras ang pag cast nila ng mahika at hindi nito kayang mag cast ng sunod sunod.
Gayumpaman hindi na kinailangan mag cast ng Siren ng kanyang mahika dahil gamit ang Crimson Eye ay nagawa syang protektahan nito laban sa kalmot ni Agane.
Dumistansya ito at nabigyan ng pagkakataon na mag cast muli ng mga magic circle na syang pinaglabasan ng mga water snake.
Nagawang madurog ni Agane ang dalawa sa mga ito ngunit hindi nya naiwasan ang isa kung saang nagawa syang kagatin.
Gayumpaman ay bigla syang muling naglaho at lumitaw kung saan nagpapatuloy syang lumulusob sa Siren.
Alam ng Siren na nagagawa parin ni Sei na pangalagaan si Agane sa bawat atake nyang gagawin dito at hindi ito magandang bagay para sa kanya.
Napalibutan ng tubig ang Siren na naghugis jellyfish kung saan tumama ang suntok ni Agane.
Kahit na napigilan ay pinilit parin ni Agane na itulak ang kamao nya patagos sa katawan ng jellyfish at hindi nagtagal ay nagawa nyang makapasok sa mismong jellyfish.
Kitang kita sa mata ni Agane ang pag kagigil habang agresibong gumagalaw sa loob ng jellyfish para makalapit sa kalaban nya.
Nagulat ang Siren dahil nagawang makapasok sa loob ni Agane at ngayon ay inaabot sya nito gamit ang matutulis na mga kuko.
" Hindi, Hindi pwede ito."
Umilaw bigla ang baston na hawak ng Siren at bago pa sya mahawakan ni Agane ay bumulwak na ang tubig sa gitna nila na tila ipo ipo at sumabog ng napakalakas dahilan para tangayin sila palayo.
Nagawang makalapag ng maayos sa lupa ng Siren habang si Agane naman ay lumipad sa himpapawid.
" Hindi na ito maganda habang tumatagal ay nanaramdaman ko na lumalakas pa lalo ang isang ito, kailangan ko ng tapusin ito."
Nagliwanag ang kanyang baston kung saan naglabas ito ng enerhiyang pumapasok naman sa katawan ng siren.
" Malaki na ang nagamit kong enerhiya kanina pa at kung magtatagal pa ang laban na ito ay tuluyan ng mauubosan ito ng ibibigay na enerhiya saakin."
Habang kumukuha ng enerhiya sa Baston ay napansin nya ang pakikipaglaban ni Juggernaut kay suwi at kagaya ng nangyayari sa laban nya ay nagagawa rin ni Sei na tulungan ang dalaga sa pakikipaglaban.
Humanga ito sa kakayahan ni Sei kung paano nito nagagawang suportahan ang dalawa ng sabay kalaban ang mga alpha na katulad nila.
" Hoy juggernaut! Itigil mo ang pakikipaglaro sa isang yan. Hindi mo sya matatalo hangat nasa teritoryo tayo ng time keeper. Isang spell caster ang kalaban natin kaya mahina sya sa pag depensa sa sarili."
Sa pagkakataon na iyon ay napansin ni Juggernaut na gusto ng Siren na atakehin nya si Sei at dahil nababagot sa laban nila ni Suwi ay sumang ayon ito sa inuutos sa kanya.
" Ok, mas masayang dumurog ng malalakas kesa sa mahinang ito." Sambit ni Juggernaut.
Tumakbo si Juggernaut palusob kay Sei at dali dali naman itong nakita ni Suwi kaya naman sinubukan nya itong pigilaan sa pag atake.
Gayumpaman parang patpat lang ang espada nya na tumatama sa tumatakbong si Juggernaut. Hindi nito mapahinto sa pagtakbo ang higanteng kalaban nya.
Alam ni Agane na hindi kayang pigilan ni Suwi si Juggernaut kaya naman Sinubukan nya itong lusubin.
" Asar, hindi pwede ito."
Bumulusok si Agane palusob sa juggernaut at iniwan ang Siren.
Dahil nabigyan ng pagkakataon ang siren sa pag alis ni agane ay nagtangka agad ito na umatake.
Pumikit ang siren at nag cast ng itim na magic circle sa kanyang likod. Kasabay nito ay ang paglitaw din ng ibang magic circle kung saan lumabas ang mga water snake para umatake kay Sei.
Kumalat ang mga ito paitaas at nagpunta sa ibat ibang dereksyon bago magsimulang umatake kay Sei.
Nalaman ni Agane na nalaman ng siren ang kahinaan ng kanilang ginagawang pag atake at alam nya na sinusubukan na ng mga itong atakehin si Sei para mawala ang tumutulong sa kanila sa laban.
" Hindi, kailangan ko munang protektahan ang reyna." Bulong ni Agane.
Gayumpaman ay kulang ang oras nila para mapangalagaan si Sei sa mga atake ng mga kalaban nila sa makakaibang dereksyon.
Mapanganib ang mga water snake pero alam ni Agane na sya lang ang kayang tumapat sa Juggernaut para mapigilan ito.
Sa pagkakataon na iyon ay muling huminto ang oras sa buong paligid. Muling gumalaw ang mga bagay bagay pabalik na kahit ang mga sarili nilang katawan ay hindi nila kontroladong gumalaw.
Sa pag galaw ng kamay ng orasan sa itaas nila ay nagbago ang lahat. Nagbalik silang lahat kung nasaan sila kasama rin naglaho ang mga water snake.
" Sinasabi ko na at gagamitin mo ulit iyon." Sambit ng Siren.
Napaluhod bahagya si Sei at nakitaan ng panginginig ng katawan. Alam nila na malaki ang kinukuha na enerhiya sa katawan nya sa oras na gumagamit sya ng mga teknik at ngayon nararanasan nya na ang pang hihina dahil sa sunod sunod na pag gamit dito.
Ilang sandali lang ay muling inihampas ng Siren ang kanyang baston at naglabas ng Itim na magic circle. Alam nya na hindi kayang mag cast ng sunod sunod na magic spell ang mga katulad nya lalo na ang isang mataas na uri ng spell na ginagamit ni Sei.
Huminga ng malalim ang Siren upang bumwelo at buong lakas na sumigaw sa harap ng itim na magic circle.
" Echo of death "
Dito isang soundwave ang lumabas na halos dumudurog sa lahat ng mahagip.
Dumeretso ito sa dereksyon ni Sei na ngayon ay nakaluhod dahil sa panghihina kaya naman dali daling humarang si Agane dito upang pangalagaan si Sei.
" Kamahalan!!"
Gumawa sya ng Magic circle at nagpakawala ng Wind strike ngunit tila kinain lang ng sound wave ang ginawa nya hangang sa tuluyang tumama ito sa katawan nya.
Sinalo ng katawan ni Agane ang soundwave at sinalag ito ng buong tapang. Tinuloy nya ito kahit na halos durugin nito ang baluti nya sa katawan at kahit unti unting nilulusaw ang kasuotan ay patuloy syang tumayo at ibinuka ang mga pakpak upang pangalagaan si Sei.
" Hinding hindi ko hahayaan na saktan mo ang kamahalan!!"
Sa pagkakataon na iyon ay dumating si Suwi sa kinaroroonan ni Sei at bago pa sila abutan ng soundwave ay matagumpay na naitakas ni Suwi si Sei para ilayo sa lugar.
Halos mag iwan ang pagsabog na ito ng higit dalawampung pulgadang lalim ng hukay at tumagos hangang labas ng teritoryo ni Sei.
Agad namang lumapag sila Suwi sa ligtas na lugar at hindi pa man nakakarecover ay nag cast na ng magic circle si Sei upang pagalingin si Agane sa pinsala nito.
Pagkatapos magcast at matagumpay na mapagaling si Agane sa pinsala ng katawan nito ay biglang nahilo at bumagsak ang katawan ni Sei.
Agad naman syang nasalo ni Suwi at inalalayan.
" Kamahalan, ayos lang ba kayo?"
Kahit na naghihina ay pinilit nyang makaupo at hinila si Suwi para kausapin.
" Puntahan mo si Agane at dalhin saakin, nagawa ko syang pagalingin ngunit hindi ko sya kayang tulungan dahil nawalan sya ng malay." Sambit nito.
Kahit na nauunawaan ni Suwi ang gustong mangyari ni Sei ay nagdadalawang isip itong iwan si Sei sa gitna ng panghihina nito. Alam nya na si Sei ang target ng mga kalaban at kung iiwan nya ito ay malaki ang tyansang atakehin ulit sya ng mga ito.
" Kailangan maka layo muna kayo dito. Unahin nyo ang kapakanan nyo bago ang iba." Sagot ni Suwi.
Ipinilit ni Sei na kinakailangan nyang iligtas si Agane dahil sya ang nagsisilbing tapang ng buong pwersa ng galica. Kapag nawala ang itinuturing na pinakamalakas na heneral ng galica ay babagsak ang moral ng mga sundalo nila.
Gayumpaman hindi sya sinang ayunan ni Suwi at mas gusto nitong tumakas kasama ni Sei hangat may oras pa. Ipinaunawa nya na wala na rin saysay ang makipag laban at mababale wala ang sakripisyo ni Agane kung mamamatay si Sei sa lugar na ito.
Dahil sa ayaw pakingan ni Suwi ang hiling nya ay pinilit na lang tumayo ni Sei at patuloy na naglabas ng awra. Disidido syang tulungan si Agane kahit anong mangyari.
" Bilang reyna hindi ko hahayaan na may mawala sa aking mga tauhan sa mismong harapan ko. Ako ang reyna nya at umaasa syang maililigtas ko sya at gagawin ko iyon sa kahit anong paraan." Sambit nito.
Alam ni Suwi na hindi tama ang ginagawa ngayon ni Sei dahil sa sitwasyon ng katawan nito pero kahit sya ay walang magawa. Nakakaramdam na rin sya ng panglalambot at pagod at hindi nya alam kong makakatakas pa ba sila.
Lumitaw ang isang magic circle sa taas ni Sei at bumaksak mula roon ang isang mahabang kahoy na nakabalot ng mga tela at may taas na apat na pulgada.
Tumarak ito sa lupa dahilan para ito ay tumayo. Pagkabagsak nito sa lupa ay hinawakan ito ni Sei at umilaw.
Ito ang Crimson item ni Sei na malimit nyang gamitin sa laban.
Agad na naisip ni Suwi na binabalak ni Sei na makipaglaban mag isa sa mga kalaban.
" Sandali kamahalan wag nyong sabihing makikipaglaban kayo gamit yan? hindi ba isa kayong magic caster? Marunong ba kayong makipaglaban?"
" Hindi ako mahusay makipaglaban pero siguro naman sa higit apat na raang taon buhay ko sa endoryo ay may kaalaman ako sa kung paano makipaglaban." Sagot nito.
May lumabas na tali sa braso ni Sei at inihampas sa kahoy na nakabaon na lupa. Sa paghampas nya ay kusang pumulupot ito sa kahoy.
" May natitira pang tatlong minuto saakin bago pa matapos ang spell sa teritoryo ko. Gusto kong gamitin mo ito para kunin si Agane at ilayo sya sa lugar na ito."
Itinuro nya ang malaking orasan sa itaas nila at ipinaliwanag na sa oras na pumatak ang alas dose sa orasan ay mawawala na ng tuluyan ang teritoryo at wala ng kontrol si Sei sa paligid nya.
" Pero kamahalan."
Hindi na pinatapos ni Sei ang pagsasalita ni Suwi at Sinimulang hilahin ang kahoy gamit ang tali.
Umangat ito sa lupa sabay sa pag ikot ni Sei na tila nag sasayaw.
Sa pag ikot nya ay pinakawalan nya ang kahoy at dumeretso palusob sa Siren na ngayon ay bumebwelo ulit ng pagsigaw.
" Kalokohan, akala mo ba may magagawa ang munting bagay na yan?"
Bumulusok ang kahoy at kasabay ng pag ikot nito ng mabilis ay unti unti itong nawala sa paningin nya.
" Anong?"
Nagulat na lang sya ng maramdaman na may tumamang bagay sa kanyang dibdib at dito nakita nya ang kahoy na palabas sa isang portal.
" Imposible?"
Binutas ng kahoy na yun ang katawan ng Siren at tumalsik ng napakalayo.
Samantalang nagawa naman makabalik ng kahoy na itinira ni Sei sa kanyang tabi at dating pwesto.
Nagulat si Suwi sa nakita at kung paano nya nagawang mapinsalaan ang siren ng napakabilis.
Nakita nyang unti unting nabubuo ang katawan ng Siren gamit ang tubig kaya naman sinipa ni Sei ang Kahoy upang maiangat ito at muling umikot habang pumupulupot ang hawak nyang lubid dito.
Sa pag ikot nya ay buong lakas nyang pinakawalan ang kahoy palusob muli sa siren.
" Hindi ko inaasahan na may ganung uri sya ng kakayahan."
Habang nagpapagaling ng pinsala sa dibdib ay biglang lumitaw muli ang kahoy sa harap nya at winasak ang Ulo ng Siren.
Nagkalat ang tubig sa paligid nito at pilit binabalutan ang siren upang protektahan ito.
Habang lumalapag sa lupa ay biglang lumitaw muli sa tabi nya ang kahoy sa dati nitong pwesto. Nagagawa nyang manikulahin ang oras ng sandata nya at lumusot sa isang dimensyon ng oras.
" Wag kang masyadong mamangha, ang kakayahan kong ito ay may limitasyon kunin mo na agad si Agane at umalis dito."
Kahit na labag sa loob ay walang magawa si Suwi kundi sumunod na lang sa pinag uutos ni Sei dahil iyon na lang ang nakikita nyang magiging pakinabang nya sa lugar na iyon.
Dali daling tumalon palayo si Suwi para puntahan si Agane at habang tumatakbo ay pinaalalahanan sya ni Serphia na tumakas na pagkatapos nito dahil wala na silang laban sa mga oras na iyon.
" Gusto mong iwan ko sya dito? Nasisiraan ka na ba serphia?" Sambit ni Suwi.
" Kamahalan mas importante parin ang buhay nyo, tandaan nyo wala kayong kinalamanan sa kanila at hindi nyo maiaalis ang katotohanan na myembro sya ng Eskapa. Ang grupo na pumatay sa mga kasamahan natin."
Napapikit sa galit si Suwi at pinapatigil si Serphia sa pagsasalita dahil para sa kanya hindi nya ito ginagawa para sa Eskapa kundi dahil sa kasunduan nya sa reyna at bilang may dangal na maharlika ay hinding hindi sya tataliwas sa kasunduan.
Habang kay Sei naman muli nyang nakita ang pag cast ng magic circle ng Siren at kinutuban ng masama.
" Hindi ko sya mapapatay sa ganitong paraan lang. Kailangang kung sumugal para manalo." Bulong ni sei.
Gumawa ng napakaring magic circle ang Siren kung saan naglabasan ang mga water snake at lumusob kay Sei.
Hindi naman makikitaan ng takot ang mukha ni sei at muling sinipa ang kahoy upang iangat sa lupa. Kagaya ng una ay umikot sya sa ere at buong lakas na pinakawalan ang kahoy.
Dumeretso ito at nawala hangang sa muling lumitaw sa harapan ng Siren at kahit na protektado sya ng jellfyfish ay walang nagawa ito para pigilan ang sandata ni Sei na butasin ang katawan ng Siren.
Pinadyak naman ni Sei ang mga paa nya pasulong at itinuro ang mga papalapit na water snake. Sa pagkakataon nayun bago pa tumama ang mga ito kay Sei ay naglaho na ito na parang bula.
" Nauubusan na ako ng oras, kung hindi kami makakatakas sa lugar na ito parepareho kaming mamamatay. " Bulong ni Sei.
Patuloy ang pag andar ng kamay na orasan sa kanilang itaas na sensyales ng pagtatapos nang pananatili ng kanyang teritoryo.
Habang nagaganap iyon ay nagawang makuha ni Suwi si Agane at makarga palayo ng lugar. Binabalak naman ng dalaga na bumalik sa pwesto kung nasaan si Sei.
" Kailangan kong makabalik sa kanya at makaalis na dito."
Nagmadali syang tumatakbo palayo ngunit habang binabagtas ang daan ay hindi nya inaasahan na may bubulaga sa kanya.
Bumulusok papunta sa dereksyon nya si Juggernaut at dahil sa bilis ng pangyayari ay wala syang nagawa para iwasan ang atake nito.
Salong salo nya ang suntok nito dahilan para tumalsik sila ni Agane at gumulong sa lupa. Hindi makapaniwala si Sei na hindi nya nagawang mapangalagaan si Suwi at bahagyang itinaas ang mga kamay nya.
Gayumpaman hindi nya itinuloy ang pagtulong dito dahil sa oras na tangapin nya ang kalagayan nito at pinsala ay hindi nya na magagawang makipaglaban pa.
Halos hindi naman makatayo si Suwi dahil sa baling buto sa balikat at binti at namimilipit sa sakit. Gayumpaman alam nya na kailangan nyang gumawa ng paraan upang makaligtas.
Gumapang ang dalaga at pinipilit bumangon pero habang ginagawa iyon ay bigla syang tinapakan ni Juggernaut sa likod upang hindi ito makagalaw sa kinahihigaan.
" Ahhhh!!!!" Hiyaw ni Suwi.
" Aba, bihira ang mga insektong kagaya mo ang nabubuhay matapos tamaan ng kamao ko sa ganun kalakas na atake. " sambit nito.
Walang pakundangan nya itong sinipa habang nilalait ang pagiging soul eater ni Suwi bilang salot ng endoryo.
" Hindi ko akalain na makikipagtulungan ang eskapa sa isang salot na katulad mo, kaawa awang nilalang mabuti tapusin na natin ang pag hihirap mo."
Hindi makapagdesisyon si Sei sa dapat gawin lalo pa malapit lang si Agane sa kanila at nangangailangan din ng tulong.
Sa oras na tulungan nya si Suwi ay maiiwan doon si Agane at hindi nya tiyak kung sapat pa ang enerhiya nya para mailigtas ang pinakamamahal nyang heneral.
Sa limitadong enerhiya na natitira sa kanyang katawan ay kailangan nyang mamili sa dalawa kung sino ang tutulungan.
Pero habang nagaganap iyon ay biglang may bumagsak sa loob mismo ng teritoryo ni Sei. Isang pagbagsak na nagmula sa kalangitan.
Nagtaka ang mga naroon at ilang saglit din hindi makapagsalita at hinihintay ang susunod na mangyayari.
" Aray ko, masakit yun ah?" Sambit ni Nathaniel
Lumabas mula sa usok si Nathaniel habang pa ika ikang naglalakad at lumalayo sa lugar na pinagbagsakan nya.
Tahimik parin sila Juggernaut sa nakita at nagtaka kung bakit may tao sa lugar na iyon.
" Nathaniel" pagkagulat nila Suwi.
" Oh.. Pasensya kung nakakagulo ako pero pwede bang sumali sa kasiyahan nyo?" Matapang na sambit ni Nathaniel
Pinagmasdan nya ang paligid at nakita nya ang kalunoslunos na kalagayan nila Sei sa nagaganap na laban.
" Hoy damulag! Pinahirapan mo ang mala anghel kong reyna at kinawawa ang kaibigan ko mukhang kailangan kang maturuan ng isang matinding leksyon." Seryosong sambit nito habang nagpapatunog ng mga kamay.
Ep 40 part 2