Chapter 16 part 2
Sa kabila ng pagiging mapilit ko at disidido ay may tila bumabagabag kay Suwi at patuloy na nagdududa sa motibo ko.
" Hindi ko alam kong ano ba talaga ang motibo mo, wala kang mapapala sa ginagawa mo." Sambit nito habang nakayuko.
" Alam mo kasi wala kong pamilya dito sa mundong ito, walang kaibigan o kahit ano mang bagay at sa tingin ko napakalungkot mabuhay ng mag isa kaya naman kumikilos ako na magkaroon ." Sambit ko.
" Gusto kong maging parte ako ng buhay mo Suwi, Hindi kagaya ko mas matagal ka ng nag iisa at minsan lang mangyari ang pag kakataon na ito palalampasin mo pa ba?" Dagdag ko.
Napailing ito at bakas pa rin ang kalungkutan, hindi ko malaman kung bakit pa sya pilit na tumatangi sa alok ko gayun ayon sa alam ko ay iyon ang matagal na nyang ninanais.
Ano ba talaga ang kailangan kong gawin para makumbinsi sya na ituring akong kaibigan?
" Teka maliban sa pagpapalaya sayo eh meron ba akong dapat gawin para tangapin mo ako bilang kaibigan mo?" Tanong ko rito.
Alam ko na seryoso sya sa sinabi nyang gusto nyang makalaya pero wala akong ideya kung magiging maganda ba ang takbo ng lahat kung aalis sya dito lalo pa malapit na ang oras kung saan kakain na sya ng kaluluwa ng nilalang.
Binangit nito na wala naman syang aasahan sa katulad ko kaya nagtatanong sya kung ano ba ang pwede kong ibigay sa kanya na ikatutuwa at makikinabang sya.
" Ah .. eh .. wala talaga akong bagay na maibibigay sayo, kakasabi ko lang wala akong kahit ano sa lugar na ito ."
" Tsk, wala kang silbi." Pagsusungit nito.
Nakakairita isipin kung paano nya ako hamakin pero hindi ko naman sya masisisi dahil puro lang ako salita at wala talaga akong kayang ibigay sa kanya.
" Hindi mo naman kailangan maging ganyan saakin, oo siguro wala akong maibibigay sayo pero hindi ba sinabi ko na nakita ko na ang hinaharap? Marami akong nalalaman sa mundong ito."
" Tsk, Ano naman ang maitutulong nyan saakin maliban sa kinaawaan ako ng tulad mong mababang uri ng nilalang? "
Hangang ngayon iniisip nya na kinaawaan ko sya at hindi maalis ang pride nya dahil sa bagay na iyon.
Pero sa tingin ko higit pa sa awa ang nararamdaman ko para sa kanya dahil para saakin responsibilidad ko ang bigyan sya ng magandang kapalaran na malayo sa itinakda ko nung una.
" Alam ko na ang tatahakin mong landas kaya gamit ito maiiwasan natin ang mga trahedya na mangyayari sayo."
Dito ipinaalam ko sa kanya na hindi sya titigilan ng Eskapa lalo pa malapit ng ipag utos ni magdalena ang pag lipol sa mga soul eater.
Alam ko na wala syang kinalaman sa mga masasamang ginagawa ng mga soul eater na syang dahilan kung bakit magdidiklara ng digmaan si magdalena na uubos sa mga natitirang soul eater.
Maswerte parin sya dahil hindi sya madadamay sa pagkaubos lalo pa hindi pa sya kumakain ng kaluluwa bago ang pag lipol ni magdalena sa mga kalahi nya.
" Kaya naman hangat pwede, hindi. Mangako ka na hinding hindi ka kakain ng kaluluwa ng nilalang." Sambit ko dito.
" Tsk, Kung talagang marami kang alam ay dapat alam mo na hindi ko talaga pwedeng gawin iyon."
Dito ay agad ko syang sinagot na nalalaman ko ang kondisyon na maaari nyangbkaharapin sa oras na gawin nya iyon dahil sa oras na kumain sya ng kaluluwa ay nagiging bahagi ng kanyang kaluluwa ito at dahil doon hindi lang ang life energy ang nalilipat sa kanila kundi pati ang ablidad ng nilalang na iyon.
Gayumpaman kung masyadong malakas ang kaluluwa ng nakain nila ay naisasama ang mga negatibong enerhiya ng mga ito.
Ang emosyon, pagnanasa, kasamaan at ilang mga alala ay mapupunta sa soul eater at hindi na nila napapansin na nagbabago na sila ng personalidad at mga hangarin na maaaring nag mula sa kinain nilang mga nilalang.
" Alam ko na ayaw mong gawin iyon pero hindi ibig sabihin na hindi mo kayang gawin ito lalo pa kapag nanganib na ang buhay mo." Sambit ko.
Hindi tumugon si Suwi at nanahimik lang matapos na marinig ito saakin. Alam nya sa sarili na hindi nya kayang iwasan ang mga bagay na iyon at handa syang gawin iyon para lang madugtungan pa ang buhay nya.
" Kumbinsido na akong alam mo ang mga bagay bagay gayumpaman hindi ka pwedeng magkaroon ng koneksyon saakin."
" Huh? Bakit nanaman?"
Dito ipinaliwanag nya na kahit hindi aya targetin ng eskapa ay marami ng banta sa buhay nya at kung sasama ang isang mahinang tao na kagaya ko ay madali akong mamamatay.
Dito naalala ko ang ginawa nya kay Xxv na pag iwan sa dark forest upang hindi ito mapatay ng mga kalaban nya.
Naisip ko na ito siguro ang isa pang inaalala nya kung bakit ayaw nya magkaroon ng koneksyon sa taong mahinang kagaya ko.
Gayumapaman mahirap sabihin sa kanya na hindi ako mamamatay sa mundong ito kaya naman sinabi ko na lang na hindi nya dapat iniintindi ang kaligtasan ko dahil pinanganak ako ng maswerte kaya nga patuloy akong nabubuhay.
" Sino naman nag sabing nag aalala ako sayo? Ang gusto kong sabihin ay baka magiging pabigat ka lang saakin at baka maging dahilan pa ng kamatayan ko."
" Oo na mahina na ako pero may mga sarili akong paraan para mabuhay kaya di mo na kailangan pang ibuwis ang buhay mo para saakin." Sagot ko rito.
Napabuntong hininga na lang ito at tila nag sasawa sa pakikipag usap saakin lalo pa hindi ako nauubusan ng sagot sa mga pag susungit nya.
" Kakaiba kang tao, hindi ka ba natatakot saakin? Pwede kitang kainin at kunin ang kakayahan mong makita ang hinaharap upang sa ganun ay maiwasan ko ang trahedya na magaganap saakin. " Sambit nito.
Napatahimik ako saglit sa narinig ko at napakamot sa ulo dahil hindi pumasok sa isip ko na maaari nyang isipin na kaya nyang makuha ang kakayahan ko.
Gayumpaman ay sinagot ko ito ng nakangiti at sinabing wala akong pagdududa sa kanya lalo na sa paninindigan nya na hindi kumain ng kaluluwa
" Alam ko na hindi dahil sa kondisyon sa pagkain ng kaluluwa kung bakit hindi mo ito ginagawa kundi dahil ipinagbabawal ito ng angkan ng khan."
" Isa kang tunay na maharlika na may prinsipyo at pride ng Khan at hinding hindi mo lalabagin ang batas nito."
" Sa lumipas na limapung taon ay ginampanan mo at patuloy na tinutupad ang inyong tradisyon at tungkulin sa kabila ng matinding paghihirap at tukso upang mabuhay. Sa gayung dahilan kaya humahanga ako sayo Suwi." Dagdag ko.
Hindi napansin ni Suwi ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa mata at tila nagtataka sa mga nangyayari sa kanya.
Kinusot nya lang ang mga mata nya habang itinatangi ang kalungkutan na nadarama ngayon nababangit ang kanyang mga pagsisikap na maging tapat na myembro ng khan.
" Wag kang mag isip ng kung ano, hindi ako umiiyak dahil sa mga sinabi mo. Sadyang masakit lang ang mata ko."
Gusto kong maramdaman nya na may mga tao parin na handang magmalasakit sa kanya at handa syang damayan.
Naiintindihan ko na gusto nyang may makakita sa ginagawa nyang pag sisikap at may maging proud sa kanyang nagawa.
Alam ko yun dahil minsan ko na rin hinanap iyon nung mga panahong nag iisa ako pero nahihirapan akong magtiwala kung talaga nga bang nauunawaan ako ng tao.
Ilang sandali pang lumipas habang pilit nyang pinipigilan ang pag iyak nya ay wala akong ibang ginawa kundi hintayin syang kumalma.
" Tama na, wag ka ng magsalita." Sambit nito.
Pinapatigil nya ako habang tinatakpan ang mga mukha nya dahil na rin sa kahihiyan, isang matigas na babae si Suwi at ayaw nya na nakikitaan sya ng kahinaan pero sa unang pag kakataon ay umiyak sya sa harap ng iba.
Dito ay humakbang ako palapit sa kanya at inabot ang mga kamay ko habang inaaya syang makipag kasundo saakin.
" Magkasundo tayo Suwi, Magiging tapat tayong magkaibigan sa isat isa at parehong babaguhin ang kapalaran natin." Sambit ko.
Wala itong tugon saakin habang nakatingin lang sa mga kamay ko. Bakas sa kanya ang pag aalinlangan kung pwede nya ba talaga akong pagkatiwalaan.
Batid ko naman na hindi sya basta pwedeng magtiwala gayumpaman alam ko rin na hindi nya gustong sayangin pa ang pag kakataon na ito.
Nagpakita sya ng kagustuhang abutin ang mga kamay ko pero bigla nya rin itong binaba at napailing na lang dahil sa pag aalinlangan.
" Hangal, alam mo ba na maaaring masira ang kaluluwa mo kapag hinawakan mo ako? Mamamatay ka sa oras hawakan kita."
Bigla akong napaisip sa sinabi nya dahil nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na iyon.
Dahil sa kauhawan sa spirit energy ay kusang humihigop ng enerhiya ng ispirito ang katawan nya at kung ang tao na walang pang depensa sa katawan na kagaya ko ang hahawak sa kanya ay madali nya itong mawawasak at mahigop.
Gayumpaman hindi ko alam kong talaga bang mahihigop nya ang kaluluwa ko gayung ang sabi ni Koko ay hindi ako pwedeng mamatay sa mundong ito.
Wala rin naman talaga akong patunay kong talagang imortal ako pero dapat lang na patunayan ko kay Suwi na pwede nya akong maging kaibigan.
Dito ay humakbang pa ako palapit sa kanya at walang pag aalinlangan na kinuha ang mga kamay nito na kagapos ng posas.
Nanlaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa paghawak ko sa kanya. Namumula rin ang mga pisngi nga habang tinitignan ang mga kamay at mukha ko.
Hindi ko alam pero wala akong naramdamang ano mang bagay nung oras na hawakan ko sya na tila normal lang ang ginawa ko.
" Ngayon Suwi, pwede na ba kitang maging kaiibigan?" Nakangiting sambit ko.
Isang minuto rin ang lumipas na halos nakatitig lang sa mga kamay ko si Suwi at tila iniisip ang posibleng bagay na pwedeng dahilan kung bakit ko sya nagagawang hawakan .
" Imposible, paano mo nagagawang hawakan ako?" Sambit nito.
" Ah .. eh.. siguro dahil espesyal akong tao." Sambit ko rito.
Gayumpaman patuloy nyang tinangi ang katotohanan na kaya ko syang hawakan at sinasabi na imposible para sa isang tao na magawang hawakan ang tukad nya.
Binangit nya na walang nagbabago sa kaluluwa ko na parang hindi ito napaaapektuhan. hindi konalam ang sinasabi nyabpero siguro dahil protektado ako ng kapangyarihan ng banal na libro.
" Paano kaya kung yakapin kita para makuntento ka at tuluyan ng maniwala?" Sambit ko rito
Dahil sa sinabi ko ay bigla nyang binitawan ang kamay ko at nagbanta na papatayin ako kapag ginawa ko ito sa kanya.
Hindi pa rin naaalis sa kanyang isip ang pag dududa ay pag tataka at gustong malaman sa akin ang tunay kong katauhan.
" Sino ka ba talaga? Alam ko na hindi ka ordinaryong tao lang."
Kahit gusto ko naman sagutin ito ay hindi ko sya pwedeng tapatin kahit pa nangako ako na magiging tapat sa kanya dahil tiyak magiging komplikado ang lahat.
Binangit ko na lang na hindi na ito mahalaga sa ngayon dahil ang importante ay nandito ako ngayon para sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ito habang nag iisip ng malalim. Wala syang magagawa kundi magtiwala sa mga sinasabi ko dahil sa sitwasyon nya.
" Kung talagang nandito ka para saakin ano na ang balak mo? Tutulungan mo ba akong makatakas dito?"
" Nahh, sinabi ko na wala akong balak tulungan kang maka alis dito." Sagot ko rito.
" Tsk, wala kang silbi." Pailing nyang sambit.
Hindi pa rin maalis sa kanya ang pagiging suplada at mayabang pero siguro hindi na yun mag babago dahil iyon na talaga ang personalidad nya.
Binangit ko ang tungkol sa plano kong sumali sa eskapa sa darating na pagsusulit upang sa ganun ay maging katiwa tiwala ako sa kanila.
Dito ay agad akong kinontra ni Suwi sa balak ko na pagsali dahil kung totoong gusto ko syang tangapin bilang kaibigan ay hindi ako sasali sa isang grupo na kinasusuklaman nya.
" Dahil sa eskapa ay bumagsak ang kaharian namin, dahil sa kanila patuloy akong nagtatago."
" At isa pa dahil sa pekeng santa nila nasira ang pangarap na pinagsikapan kong makuha. Inagaw nya ang pinakahalagang tao saakin." Malungkot na sambit nito
Nakaramdam ako ng kalungkutan ng marinig ko ito sa kanya lalo pa hindi lingit sa kaalaman ko na nawala ang masayang pamilya na pinapangarap nya dahil lang sa paglayo sa kanya ni Xxv para maging sundalo ng Eskapa.
Pero hindi naman talaga lumayo si Xxv para lang sumunod sa utos ng Eskapa kundi para rin sa kaligtasan ni Suwi dahil napagtanto ni Xxv na hindi nya kayang protektahan ang asawa nya mag isa.
Gayumpaman hindi naiintindihan ito ni Suwi o baka ayaw nya lang tangapin sa sarili nya na kinakailangan nyang umasa sa Eskapa dahil wala syang kakayahan na pangalagaan ang sarili nya.
" Alam ko suwi na minsan ka ng nabigo at nasira ang tiwala sa pangako pero hayaan mo sanang patunayan ang sarili ko sayo."
Binangit ko dito na isa lang akong tao at alam nya na may limitasyon ang kayang gawin ng tulad ko. tinapat ko sya na hindi ko sya mapoprotektahan kung hindi ako hihingi ng tulong sa iba.
" Tumigil ka! Narinig ko na yan kay Xxv hangang sa iniwan nya na lang ako at nag paalipin sa mga iyon."
Hindi ko sya masisisi kung para sa kanya ay iniwan sya at inagawan pero dapat man lang nya isipin ang sitwasyon ni Xxv.
Kung alam nya lang ang pasakit at problemang hinaharap ni Xxv para lang pangalagaan ang bugnutin nyang asawa.
Pero sa tingin ko kahit bangitin ko ang katotohanan sa kanya ay hindi sya makikinig dahil batid nya naman ang sitwasyon nila pero ang gusto nya lang talaga mangyari noon ay sya lang ang pakingan at alayan ng pansin ni Xxv.
" Ayoko talagang sumali sa eskapa at madamay sa gulo nila pero kailangan ko si Sei na makumbinsi dahil higit na kanino pa man ay si Sei na lang ang tanging nilalang na mapagkakatiwalaan natin."
" Huh? Pare pareho lang sila." Pagsusungit nito.
Napabuntong hininga ako dahil sa pagka maldita nito at ilang sandali pa ay nagtangkang makipag bro fist dito.
Gayumpaman ay hindi nya ito tinugon at tinanong kong anong ginagawa ko na tila walang kaalam alam sa gusto kong mangyari.
Dito binangit ko ang paraan ng pagpapakita ng pakikisama at pagiging tapat sa isang kaibigan gamit ang pag lapat ng kamao sa ng bawat isa.
Dahil parang wala syang balak na gayahin ang pag taas ko ng kamay kaya naman kinuha ko na lang ang mga kamay nito at idinikit sa kamao ko para turuan ito.
" Bro fist ang tawag dito tanda ng katapatan natin sa isat isa bilang magkaibigan."
Kahit nahihiya ay hinayaan nya lang ako sa ginagawa ko habang pinapaalalahanan na wag syang basta bigla na lang hinahawakan ng hindi nya alam siguro dahil hindi sya sanay o baka natatakot syang mahigop bigla ang kaluluwa ko.
Napailing ito habang namumula ang mga pisngi dahil sa kahihiyan sa pina pagawa ko sa kanya, hindi nya maintindihan kung tama ba ang sinasabi ko tungkol dito dahil unang beses nya pa lang ito ginawa kasama ang iba.
" Kung hindi mo kayang magtiwala sa kanila eh saakin ka magtiwala suwi."
" Basta mangako ka na dito ka lang at hindi kakain ng kaluluwa ng kahit na sino at ipinapangako ko na ililigtas kita." Nakangiting sambit ko.
Part 2 of chapter 16