Chapter 12

Pagkatapos ipag utos ni sei na pakawalan ako ay agad akong pinagtabuyan ng mga tauhan nito at wala akong nagawa sumunod at subukan na  makiusap paulit ulit sa mga ito.


" Lumayas ka na dito. " sigaw ni nyabu


" Maswerte ka at ipinag utos ni commander sei na palayain ka kundi isa ka na sa mga nagdurusa sa loob ng kulungan. " 


Pinagtulakan nya ako hangang mapababa ako sa hagdanan ng entrada ng gusali. 

Nakaka asar pero hindi ako pwedeng mag angas dito at awayin ang malditang babaeng ito dahil marami syang kasamang mga sundalo.



" Wala naman akong ginagawang masama ang gusto ko lang gawin ang tama dito."  Sambit ko.


Hindi nakikinig saakin ang mga ito at patuloy lang sa pagtaboy saakin na para bang isa akong palaboy.


"  Alam mo ba dahil sa awa ni leader ay buhay ka pa pero heto ka gusto pa syang ipahamak " 


Dito ay binalaan nya ako na kung itutuloy ko pa ang panggugulo ay mas lalong mapaparusahan si ataparag.


Tama naman dahil napigil ang pagpaslang kay suwi dahil sa tulong nya at malaking bagay iyon para saamin kaya naman para yatang lalabas akong walang utang na loob pag ipinahamak ko pa sya.


" Paki usap kakagaling ko lang sa military training nung nakaraang lingo, mamamatay ako kapag ibinalik nila ako doon." Mangiyak ngiyak nitong sambit.


Nakakaawa ang itsura nya pero parang mali yata na marinig ko iyon sa isang team leader ng mga sundalo pero sa una palang ay hindi na halata sa kanya na isa syang sundalo dahil sa mahinhin nyang pagkilos.


Pero ano pa bang magagawa ko kundi tumahimik dahil kahit mag ingay at mang gulo pa ako ay hindi na nila pakakawalan si suwi.


Ilang saglit pa ay biglang may dumakot sa ulo ni ataparag at  tila tinatakot ito.


" Aba mabuti naman alam mo na ang magiging parusa mo ataparag." 


Halos kilabutan si ataparag at hindi maka imik sa pananakot ni Aoi na paparusahan ito sa nagawang pagkakamali.


Inakbayan nya si ataparag at binabangit kung saan magandang training camp sila pwedeng ipadala.


Mukhang nag eenjoy ang vice comander nila sa ginagawa nyang pang bubully at walang isa sa mga sundalo ang kumikibo dito.


Ilang sandali pa ay nabaling ang tingin nya saakin at kinausap ako.


" Alam mo napakainteresante mo para sa isang ordinaryong tao." 


" Pero heto ang sasabihin ko sayo wag na wag kang makiki elam sa bagay na wala kang magagawa lalo pa wala kang kakayahan na ipagtangol ang sarili mo laban sa iba." 


Sinabi nya iyon ng walang alinlangan at tila tinatakot ako tungkol sa pag protekta ko kay suwi.


" Wag mong isipin na pinagbabataan kita dahil hindi ako o ang eskapa lang ang nais pumatay sa mga soul eater kundi lahat ng nilalang sa endoryo." 


Natahimik ako bigla dahil totoo naman ang sinasabi nya at maswerte pa nga ako at si sei ang nakahuli sa kanya dahil mabubuhay sya pansamantala.


Dito binanggit nya na sobra sobra ang trahedya dinulot nila sa lahat kaya naman lahat ng kumakampi o tauhan ng mga ito ay walang awa na pinapatay.


" Pero hindi naman ako masamang tao at nais ko lang linawin na iba si suwi sa ibang soul eater.." 


Biglang nanahimik sandali Aoi at ilang sandali pa ay ngumiti saakin habang tinanatong kong bakit ko ba pinagtatangol ang soul eater kahit na wala akong kinalaman dito.


" Ano ba talaga ang motibo mo at pilit mong ipinagtatangol ang soul eater na yun?" 


Napangiwi na lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang katotohanan sa kanya kaya ipinilit ko na lang ulit na mag kaibigan kami ni Suwi.


Gayumpaman ay hindi ito naniwala sa sinasabi ko.

" Alam mo hindi na makakatulong sayo ang pagsisinungaling sa mga oras na ito lalo na wala kang matutuluyan at makakain sa lugar na ito."


Nagulat ako at nalalaman nya na wala akong matitirahan pero baka may nag report lang sa kanya tungkol saakin.


Gayumpaman mas kinagulat ko ng bangitin nya na walang sino man ang nakakaalam sa binangit ko kanina tungkol sa pagbibigay ng spirit energy ng spirit pet sa isang soul eater.


" Maging ang soul eater nagulat kung paano mo nalaman ang tungkol sa alaga nyang spirit pet." Dagdag nya.


Hindi ko alam kung anong iisipin ko at kung bakit nya nasabi ang mga bagay na iyon pero bigla ko lang natandaan ang isang bagay tungkok sa kanya.


" Oo nga pala sya si aoi kaguri ang vice commander ng ika apat na sandata ang pinakamahusay na tactician." Bulong ko sa isip ko.


Naging mahusay ang pamumuno nya sa mga laban ng grupo sa crimson game lalo na sa darating na rampage.


Dahil na rin sa kakayahan ng Crimson Eye nya na kayang magbasa ng iniisip ng tao at makipag usap gamit ang isip.


" Aba, pati pala ang kapangyarihan ng crimson eye ko ay nalalaman mo rin." Tanong nito saakin.


Nagulat ako sa nasambit nya.

"Kung ganun kanina mo pa pala binabasa ang iniisip ko?" 


" Oo kaya nga nalaman ko na nagsisinungaling ka lang at nasabi iyon kay reyna sei ." 


Hindi na ako makasagot dahil hindi na ako makakatangi pa at nahihiya dahil nahuli ako na nag sisinungaling sa kanila. .


Pero kahit na nalaman nya na nagsisinungaling ako sa kanila ay hindi naging masama ang trato nya saakin at bagkus inalok pa ako ng tulong.


" Ayon sa report ay wala kang kahit ano para mabuhay sa bayan na ito kaya bakit hindi ka na lang manatili dito sa sumama sa eskapa." 


Nagulat ako sa nasabi ni Aoi at maging ang mga kasamahan nya ng alokin ako sumali sa eskapa.


Dito nilinaw nya na may mga event ngayong buwan na nagpapasali at nagsasanay ang eskapa ng mga bagong myembro.


Hindi pa man ako nakakasagot ay tumutol na agad si Nyabu at pinipilit na hindi ako nababagay sa eskapa dahil sa pagiging mahina ko.


" Isa lang syang mahinang tao imbis na makatulong ay baka maging sagabal lang sya." 


Hindi ko nagustuhan ang sinasabi nya tungkol saakin pero sang ayon naman ako doon at wala rin naman akong interes na sumali sa kanila.


Gayumpaman ay tila hindi pinakingan ni aoi ang sinasabi ni Nyabu at pinaglaruan ng kamay nya ang buhok ni ataparag habang sinasabi na.


" Wag kang mag alala dahil si Ataparag na ang bahala sayo na mag sanay."  Sambit nito.


" Pero vice comander." Sabat ni Nyabu.


"  kung hindi  aasikasuhin ni ataparag ang aplikasyon mo bukas na bukas ay ipapadala ko ang buong team nya sa hanganan ng ertes." Nakangiting sambit nito.


Dali dali namang lumapit saakin si ataparag habang kinikilabutan at tumabi saakin na aligagang nagpapaliwanag.

" Hindi nyo na po kailangan ipadalaba ang team ko sa ertes, mamaya lang aasikasuhin ko na po ito, pangako." 


Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at binati sa pagsali.

" Ah eh .. Ginoo, hindi ko alam ang pangalan mo pero mula ngayon ay isa ka ng aplikante para sa pagsali sa eskapa." 


" Pero leader naman " Sabat ni Nyabu.


" Paki usap nyabu, ayoko ng bumalik at manirahan sa bundok na yun." Sagot agad nito habang nakatitig na tila nagmamakaawa


Wala akong ideya sa nagyayari at kung ano ang meron sa ertes pero parang sila na ang nagdesisyon sa gagawin kong pagsali.


Bago pa umalis ay binilinan ako ni Aoi na lumugar sa tama para saakin at gawin ang makakabuti saakin bilang isang tao. 


" Binilin saakin ng reyna na tulungan ka kaya pinapaubaya na kita kay ataparag kaya naman sana wag mo ng sayangin ang pagkakataon na ito para mabuhay ng mas matagal pa dito sa endoryo." Sambit nito.


Alam ko  na ang tinutukoy nya pa rin ay ang pakiki elam ko at pilit na iniuugnay ang sarili kay suwi pero kahit na binabalaan nya ako para sa ikakabuti ko ay hindi ko kayang tangapin na hahayaan ko na lang na mamatay si suwi.


Tumalikod ito at muling pumasok sa loob ng gusali na sinundan naman ng iba pang mga sundalo hanggang sa apat na lang kaming natira sa labas nito.


Walang nagkibuan saaming apat at hindi rin ako maka pagsalita lalo na ramdam ko sa titig palang ni Nyabu na naiirita ito saakin.


Dahil sa napapansin ito ni Ataparag ay humarang na sya sa harap ko at kinausap si Nyabu.


" Paki usap nyabu, hindi ka pwedeng maging ganyan sa kanya lalo pa magiging parte sya ng ating team."


" Leader, aplikante palang sya at hindi pa sya kasama sa team." Pag susungit nito.


" Nyabu naman ." Malambing na sambit nito.


Dismayado si Nyabu sa nakikita nyang pagtrato saakin ni Ataparag lalo pa wala itong pagtutol sa pagsali ng isang ordinaryong tao sa kanyang team.


" Ano ba leader, talaga bang papayag ka na lang na sumama saatin ang mukong na yan?" Galit na sambit nito.


Hindi pumapayag si Nyabu sa gusto nila Ataparag na maging bahagi ako ng team at pinaalalahanan na kinakailangan ng team ang maaasahan na kasama at hindi isang pabigat lalo na sa mga misyon.


Nag aalala sya na dahil sa taglay na kabaitan ni Ataparag ay hindi ito magdadalawang isip na unahin ang kagaya kong tao na iligtas kapag nalagay ako sa panganib kesa ang matapos ang misyon.


" Hindi nga natin alam kung taga saan yan at isa pa wala tayong mapapala sa kanya." Galit na sambit nito.


Nasabi nya iyon na parang wala ako sa harap nya pero gayumpaman kahit masakit sa tenga ay kailangan kong magtimpi.


" Mukha pa syang walang alam ." Dagdag nito.


Pero dahil sa narinig kong pangmamaliit ulit ng isang ito saakin ay hindi na ako nakapagpigil na magsalita at mabangit ang tungkol sa nalalaman ko sa mundong ito.


" Hoy siguro nga wala akong kapangyarihan kagaya nyo pero may alam ako sa mundong ito keda sainyo at para sabihin ko sainyo alam ko na ang mangyayari sa hinaharap." Pag mamayabang ko.


" Aba ngayon sinasabi mo naman na alam mo ang mangyayari sa hinaharap, ganyan ka na ba kadesperado para magsinungaling ng ganyan?" Sagot nito saakin.


Hindi ito naniwala sa sinabi ko dahil sa pagsisinungaling ko tungkol sa ugnayan ko soul eater at ngayon lahat ng sasabihin ko ay kasinungalingan para sa kanya.


" Baka naman sa susunod sabihin mo na nag mula ka sa ibang mundo." Dagdag nito.


" Ah.. eh .. ang galing mo, paano mo nalaman yun?" Pagtataka ko.


Bigla syang lumapit saakin at kwinelyuhan ako para pagbantaan sa ginagawa kong panloloko sa kanila.


" Hindi kami nakikipagbiruan sayo kaya umayos ka." 


" Sino ba nagsabi na nagbibiro ako?"  Sagot ko rito.


Bago pa man ako masaktan ni Nyabu ay inawat na ito ni Ataparag at pinakiusapan na itigil ang ginagawa nito.


Kahit na may pag ka agresibo si Nyabu ay sinusunod parin nito si ataparag at dahil sa ayaw syang pakingan nito ay wala syang ibang nagawa kundi bitawan ako at galit na umaalis.


" Mauuna na ako sa Dorm, tandaan nyo hindi ako makakapayag na makasali aya sa team." Pag susungit nito sabay hakbang paalis.



undefined


Alabngapoy Creator

Episode 12