Chapter 21 part 2
Dahil sa kahilingan ni Suwi ay napatayo si Agane at hiniling kay Sei na wag masyadong magpadala sa kanyang emosyon dahil kahit na palagpasin ni magdalena ang kapabayaang ito ay tiyak na magagalit ang ibang sandata kay Sei at baka matigil ang magandang samahan sa pagitan nya at sa mga bansang sumusuporta sa kaharian nya.
Bumuntong hininga lang si Sei at umiiling para ipakita ang kanyang hindi pag sang ayon sa hiling ni Suwi.
" Nagkakamali ka ng inaakala dahil hindi kita tinutulungan dahil gusto kitang maligtas lang sa kamatayan."
Ipinaliwanag ni Sei na nagkainteres syang tulungan si Suwi dahil sa nakikita nyang potensyal sa kanya at maaaring magbago ang isang maling paniniwala tungkol sa mga Soul eater.
Tunay na hindi makatarungan ang paglipol sa mga soul eater at kailangan nilang magbulag bulagan sa mga nangyayari kaya naman hindi nagugustuhan ni Sei ang bagay na ito.
Ninanais nyang mabago ang lahat at ang susi sa mga ito ay kung matutulungan sya ni Suwi na humanap ng paraan para hindi na muling kumain ng kaluluwa ang mga soul eater.
Napaisip si Suwi at nanahimik dahil alam nya na parang napakaimposible nun. Napayuko sya habang sinasabi kay Sei na kahit naman tulungan nya si Sei ay walang magbabago dahil kung may paraan man syang nalalaman ay hindi na sana aabot sa pag kaubos ng kanyang lahi ang problemang ito.
" Si serphia ay isa sa natitirang Spirit Pet na nagmula sa banal na puno at wala na ang banal na puno na tinutukoy ko ngayon kaya duda ako kung marami pa ang nanatiling buhay sa mga panahon na ito na katulad nya." Sambit nya.
Binangit nya na maraming panahon ang ginugol ng mga kalahi nya para solusyunan ang pagkauhaw ng katawan nila sa ispirito pero lahat ito ay nabigo at nauwi lang sa wala.
" Kung ganun sinasabi mo bang wala ng ibang solusyon? " sambit ni Sei.
Napayuko na lang si Suwi at hindi tinugon ang tanong sa kanya ni Sei.
Sa pagkakataon na iyon ay bigla nyang naisip ang tungkol sa nabangit ni Nathaniel.
" Tama, kung meron man makakatulong saatin ngayon ay walang iba kundi ang tao na si nathaniel." Sambit nito.
Nagtaka si Sei sa nasabi nito at gustong malaman kung bakit sinasabi nya na ang isang ordinaryong tao ang makakapag bigay ng solusyon sa daang taon ng problema ng lahi ng soul eater.
Dahil doon ay nasabi nya ang mga nabangit ni Nathaniel sa kanya na nakikita nito ang hinaharap at nakaraan ng isang nilalang kaya naman alam nya ang mga bagay tungkol kay Suwi.
Ikwinento nya kay sei na nung una ay hindi nya pinaniniwalaan ang binata sa mga sinasabi nito at ipinaalam nya rin na hindi nya talaga kilala si Nathaniel at nagkukusa lang itong tumulong dahil nalalaman nito ang nakaraan at nakalipas nya.
" Hindi ako sigurado kung anong abilidad ang meron sya o kung totoo man ito pero napatunyan nya saakin na may nalalaman nga sya sa nakaraan ko nung mag usap kami."
" Isang tao na may abilidad na makita ang hinaharap at nakaraan? Napaka imposible na mangyari iyon kamahalan ." Sambit ni Agane.
Ang ganung kakayahan ay mahahanlin tulad sa class S crimson eye at walang kakayahan ang isang tao na magtaglay nun. Ang crimson eye ay komukonsumo ng life energy kaya hindi ito basta pwedeng taglayin ng mahinang tao.
" Maging ako ay nagtataka dahil wala akong nararamdamang enerhiya sa katawan nya pero sa tingin mo ba magsisinungaling pa ako sa sitwasyon ko? "
" Hindi ako sigurado na totoong nakikita nya ang hinaharap at nakaraan pero isang bagay lang ang sigurado ko, may nalalaman syang mahalagang bagay tungkol sa mundong ito." Dagdag ni Suwi.
Hindi tumugon si Sei at tila nag iisip ng malalim, ilang sandali pa pagkatapos nun ay tumalikod na sya at nagpaalam kay Suwi.
" Salamat sa impormasyon, magdasal tayo na sana nga may nalalaman syang mahalagang bagay na makakatulong sayo na mabuhay oa ng matagal." Sambit nito.
Inalalayan syang lumabas ng mga sundalo hangang makarating sa kanyang opisina.
Naupo ito sa kanyang personal na upuan habang nasa harap nya parin si Agane na nananatiling nakatayo at nag aantay ng sasabihin nito.
Mababakas sa katahimikan ni Sei na may iniisip itong mga bagay.
Dahil doon hindi na napigilan ni Agane na magsalita at mag aalala na masyadong sineseryoso ni Sei ang mga sinabi ni Suwi na baka isa lang kasinungalingan dala ng pag ka desperadong mabuhay
" Wala pa akong nababalitaang ordinaryong tao na kayang gawin iyon, isa lang syang baliw na tao."
" Tama ka baliw nga sya."
Nakahinga ng maluwag si Agane ng marinig iyon kay Sei dahil inaakala nya na hindi maniniwala si Sei sa kabaliwan at imposibleng bagay na nabangit ni Suwi.
" Agane may iuutos ako sayo at gusto ko umalis ka kaagad para gawin ito." Sambit nito.
" Sabihin nyo lang po at gagawin ko kamahalan." Sagot nito.
" Gusto kong dalhin mo sa lalong madaling panahon ang baliw na taong iyon sa harap ko."
Nagulat si Agane sa narinig at hindi maiwasang madismaya dahil hindi nya inaasahan na talagang maniniwala si Sei sa Soul eater at sa kakayahan ng tao na si Nathaniel.
Dahil sa maraming dahilan na sinasabi si Agane para kontrahin ang desisyon ni Sei ay inutos nya na lang sa ibang sundalong naroon na maghanda para sa paglisan nya ng galica.
" Ako na lang mismo ang susundo sa kanya."
" Kamahalan naman." Pag angil ni Agane.
Hindi na napigilan ni Agane si Sei na muling umaalis sa kwarto para magpunta sa tore.
Agad naman syang sinusundan ni Agane at patuloy na nakiki usap. Dahil para sa kanya ay walang kasiguruhan ang gagawin nya at kung sakaling mali ang inaakala nya ay isa itong malaking kahihiyan.
Ipinaliwanag nya na kasalukuyan kumukuha ngayon ng pagsusulit ang taong si Nathaniel at hindi pwedeng magpunta doon si Sei ng biglaan para lang sunduin ang isang tao gayung tumangi syang maging bahagi ng hurado para sa mga pagsusulit.
" Maliit na bagay."
" Kamahalan kapag magpunta kayo doon sa lugar na iyon ay sigurado makikita nyo ulit si commander Pyun."
" Sya ang may galit saakin at hindi ako kaya bale wala saakin kung magkita kami." Pagdadahilan nito.
" Kamahalan naman." Pag angil ni Agane.
Hindi ito nagpapigil hangang sa humarang na si Agane sa harap nya at kahit napipilitan ay nagkusa na syang akuin ang pagpunta sa tore at sundin ang inuutos nito na dalhin sa harap nya si Nathaniel.
Nagpasalamat naman si Sei at ngumiti kay Agane habang sinasabing ikinatutuwa nya na nagtitiwala ito sa desisyon nya.
Alam ni Agane na hindi na mababago pa ang isip ni Sei sa oras na magdesisyon na sya gayumpaman ay tungkulin nyang pangalagaan at paglingkuran ang kanyang reyna sa abot ng kanyang makakaya.
Sa loob loob ni Agane ay nahihirapan syang kumbinsinhin at paglingkuran si Sei ng tama dahil bilang taga payo at personal na bantay ay nabibigo syang mabigyan ng tamang pagdedesisyon ang kanyang reyna.
" Mag iingat ka, patnubayan at pangalagaan ka sana ng ating diyos sa iyong misyon." Sambit ni Sei
Yumuko si Agane dito bilang pagbibigay galang at tumalikod para umalis patungo sa inatang na misyon sa kanya.
Part 2 ep 21