Chapter 31 part 1 


Nabigla ang lahat sa pag paslang ni Serenity kay Ruri na isa sa mga Sandata na sumisimbolo sa kaligtasan gamit ang pag pugot sa ulo nito.


Halos manlumo naman ang mga nakakitang mga sundalo ng eskapa sa pagkamatay ng isa sa mga espada.

Para sa kanila ay isa itong napakasamang bagay na pwedeng mang yari dahil isa si Ruri sa dahilan kung bakit naging matatag ang pananampalataya ng lahat sa kaligtasan at nagpapanatili ng proteksyon sa mga bansa sa endoryo.


" Hindi maaari, Lady Ruri." 


Galit na galit si Pyun at nagpapakawala ng napakalakas na enerhiya. Hindi sya makapaniwala na nanuod lang sya habang pinapaslang ang mga kasamahan nya.


Pero ilang saglit pa ay biglang umalingawngaw ang ingay sa paligid nila


" Tignan nyo, ang katawan ni lady Ruri." 


Nakita nila mula sa screen sa harap nila na unti unting nagiging pulang usok ang katawan ni Ruri at tinangay palayo sa lugar.


Sa laban naman na nagaganap ay nagawang mailigtas ni Xxv si Ruri gamit ang kapangyarihan ng pulang usok na isa sa mga teknik nito.


Lumitaw ang binata palabas sa usok habang buhat buhat si Ruri sa braso nya pero dahil na rin sa panghihina na rin ng katawan nya ay napaupo na lang din ang binata.


Sugatan na rin ito dahil sa pag sabog na ginawa ni Ruri dahil nangangailangan ng halos tatlong segundo bago tuluyang makapasok ang buong katawan nya sa pulang usok.


Mabilis din nilusaw ng pagsabog ang kanyang pulang usok pagkatapos ng pagkalat ng pwersa nito dahilan para mapalabas agad sya at tumalsik hangang sa dulo ng palapag.


" Mabuti na lamang at umabot ako pero hindi biro ang enerhiya na nagamit ko para magawa ko ang teknik na yun sa napakalayong distansya." 


Habang nakaluhod ito ay bigla syang hinawakan sa pisngi ni Ruri.


" Lady Ruri ayos lang kayo?" 


" Xxv ikaw ba yan? Sa amoy mo mukhang ikaw nga yan, mabuti at buhay ka pa at hindi nadamay sa ginawa ko. " 


Napangiti si Ruri habang hinang hina ito na nakapikit na lamang dahil tuluyan ng hindi nya na nagagamit ang kanyang mga mata.


" Mukhang nabigo ako na matalo sya.. pasensya ka na wala akong nagawa para mailigtas kayong lahat sa warlord." Mahinang sambit nito.


Biglang dumaloy ang luha ni Ruri habang naghihinagpis dulot ng pagkabigo. Para sa kanya nabigo nya ang lahat ng mga tauhan nya at mga sundalo na nasa loob ng tore na umaasa na maililigtas sila ni Ruri bilang  isa sa simbolo ng pag asa ng endoryo laban sa mga warlord.


Hinawakan ng mahigpit ni Xxv ang mga kamay ni Ruri habang pinakiki usapan ito na wag munang masyadong magsalita upang hindi mapasama ang kalagayan ng dalaga.



Gayumpaman hindi napigilan ni Ruri na hindi maglabas ng hinanakit sa gitna ng pagkadismaya sa nangyari ngayong nasa gitna sila tiyak na pagka ubos.

" Nabigo akong bilang sandata ng kalangitan. Patawad dahil hindi sapat ang kakayahan ko para iligtas ang lahat." 


" Patawad .. patawad ." Mangiyak ngiyak nyang sambit.



Nararamdaman ni Xxv kung gaano katindi ang nararamdamang hinanakit ng dalaga sa kabiguan sa laban at maging sya rin ay napupuno ng pagkadismaya dahil wala syang nagawa uoang matulungan si Ruri sa laban.

" Hindi Lady Ruri ginawa nyo ang lahat ng magagawa nyo para gampanan ang tungkulin nyo. Alam ng bawat isang Sundalo na narito ngayon na sinubukan nyo kaming iligtas at sapat na iyon saamin."  Sagot ni Xxv.


Bumagsak ang kamay ni Ruri na nakahawak sa pisngi ni Xxv habang muling humihingi ng tawad sa huling pagkakataon bago ito tuluyan makatulog. Dito ay tuluyang nawalan ng malay si Ruri at naglaho ang enerhiya na proteksyon nito sa katawan.


"Paki usap magpakatatag kayo lady Ruri isinusumpa kong makakaligtas tayo dito." Matapang na sambit ni Xxv.


Habang nakikipag usap sila Xxv at Ruri ay bigla namang pumalakpak si Serenity at hinangaan ang pananatiling buhay ni Xxv pagkatapos makipaglaban sa dragon na si Garuda.


" Medyo nakakadismaya mukhang sa tagal ng panahon ay humina ka na ngayon garuda." Sambit ni Serenity.


Biglang lumapag ang dragon na si Garuda sa likod ni Serenity at umungol ng napakalakas.


Bumuntong hininga na lang si Serenity habang sinasabi na wala itong malaking inaasahan sa mga dragon na kahit sa simpleng trabaho lang ipinagawa nya ay hindi kayang magawa ng mabuti.


Lumitaw sa kamay ni Serenity ang kanyang pamingwit at muling inihampas sa lupa na naging dahilan upang muling lumitaw ng dambuhalang lapida.


Nagpakawala muli ng napakalakas na dark energy ang magic circle na nasa lapag nito at kasabay nun ay ang paglabas ng mga libo libong buhay na bangkay.


Gayumpaman ay hindi natakot si Xxv sa paglabas ng napakaraming mga buhay na bangkay na halos pinalilibutan na sila ni Ruri bagkus ay nagpakawala ito ng napakalakas na enerhiya bilang pag hahanda sa laban.


" Pulang usok ? Oh... Naalala ko na, ikaw yung batang bayani na nabangit ng isa sa mga tauhan ko." 


" Kilala ka bilang bayani na tumalo sa mga malalakas na kriminal at nagligtas sa maraming bayan." 


" Napaka interesante pero sayang at naging tuta ka lang ni magdalena." 


Dahan dahang binaba ni Xxv si Ruri sa lapag at binunot ang kanyang espada habang patuloy na nababalot sa pulang apoy ang katawan.


" Ikaw ang sanhi ng napakaraming trahedya sa Endoryo at pumaslang ng libo libong inosente para lang sa pansariling pagnanais. Walang kapatawaran ang kasalanan mo."  Sambit ni Xxv.


Kumalat sa paligid ang pulang usok at binalot nito ang boung lugar.


" Oh.. masyado ka pang bata para maunawaan ang lahat. Pinaparatangan mo ako bilang isang ganid at napakasamang nilalang base lang sa itinuro at ipinaalam ng Eskapa sainyong mga tuta nila." 


Dito binangit ni Serenity sa binata na ang mga ginawa nya noon at patuloy na ginagawa ay hindi para ipakita ang kapangyarihan nya o manalo sa sino man sa digmaan.


Ayon sa kanya hindi sya ang nais ng digmaan at trahedya kundi ang mga nilalang na kanyang winasak at nilipol mismo ang naghangad na mahigitan sya at mapatay kaya naman hindi sya nagdadalawang isip na gumanti at pumatay.


" Mahirap para sa isang alagad ng kalangitan na kagaya mong paniwalaan pero hindi ka ba nagtataka kung bakit patuloy ang eskapa sa paglusob sa mga bansang pagmamayari ko upang pahinain ang pwersa ko?" 


" Ginugusto nyo lahat ang digmaan sa pagitan ng mga bansa ko kaya naman Ibinibigay ko lang ang pagkawasak na ninanais nyong maganap." Dagdag nito.


Itinaas ni Xxv ang kanyang espada habang sinasabi na ang eskapa lang ang magdadala ng tunay na kapayapaan sa endoryo kaya naman kung mawawala ang tulad ni Serenity na isang tagapagwasak ay mas magiging payapa ang lahat."



" Walang kwentang mga paniniwala, Pinipili ng kagaya nyo lipulin at patayin ang lahat ng banta sainyong pamumuno. pwes, bata ako na ang nagsasabi sainyo na hindi ako ang unang mabubura sa kasaysayan at digmaang ito."

Unti unting nagiging usok ang katawan ni Xxv at tinatangay ng hangin.


Habang nangyayari ito ay humihikab naman si Serenity at napaka kampante na nakatayo lang hawak ang kanyang pamingwit.


Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa usok sa gilid ni Serenity ang talim ng espada ni Xxv ngunit kahit napaka bilis ng pag atake nito ay nagawang masalag ito ng pamingwit ni Serenity.


" Ano? nasalag nya ang atake ko gamit lang ang pamingwit nya?" Bulong ni xxv sa isip nya.


Muling humikab si Serenity na tila nababagot habang sinasabi na wala syang interes makipag laban sa isang mandirigma na nagtataglay lang ng pangalawang grado na antas ng kapangyarihan.


Muling nawala si Xxv at ipinagpatuloy ang pag tatangkang laslasin si Serenity gamit ang paglitaw sa ibat ibang parte ng pulang usok na pinakalat nya sa paligid.


Gayumpaman ay mas mabilis ang mga string ng kalawit na kumilos upang protektahan si Serenity.


" Imposible, nagagawa nyang mabasa ang mga galaw ko at kahit na gumamit ako ng physical enhancer ay hindi ko kayang hiwain ang mga string ng sandata nya." Bulong nya sa isip.


Nag inat ng katawan si Serenity at itinusok ang pamingwit nya sa lupa.


Dito ay ipinaliwanag nya ang magkaibang level ng kanilang kakayahan lalo na ang taglay na enerhiya sa katawan na dahilan kung bakit nya nagagawa ang mga imposible bagay at dulot ito ng limang daang taon na karanasan sa pakikipaglaban sa ibat ibang nilalang.


Sandali syang nanahimik sa kinatatayuan nya at biglang itinaas ang mga paa nya habang deretsong nakatayo at iniamba na tila papandyak. 




" Mahirap ipaliwanag bata pero mas madali kung ipapakita ko na lang sayo " 


Naglabas sya ng napakalakas na enerhiya at buong pwersang ipinandyak ang kanang paa sa lupang tinatapakan nya.


Gumawa ito ng napakalakas na pwersa na dumurog sa kalupaan na kinaroroonan nya.


Dahil sa pwersang pinakawalan ng pag padyak nya ay nilusaw nito ang pulang usok sa paligid at dahil doon pwersahang lumabas ang katawan ni Xxv sa pulang usok at tumalsik palayo.


Habang tumatalsik ay pinilit nyang kumapit sa mga bato upang mapahinto sa pagtangay sa kanya ng pwersa ngunit kasabay ng pag tapak nya sa lupa upang bumalanse ay sumalubong sa harap nya si Serenity.


Harap harapan syang nilapitan ni Serenity na halos magdikit na ang kanilang mga mukha habang sinasabi sa binata na napakadali para sa kanyang patayin ang tulad ni Xxv.



" Para ka lang tuta na paglalaruan ko bata."

Agad na tumalon palayo si Xxv at hindi na nag aksaya ng oras kasabay nito  ay winasiwas ng binata ang kanyang espada para laslasin sana si Serenity ngunit nasalag lang ito ng braso nito.


" Hindi mo mababasag ang proteksyon ko sa katawan gamit ang isang simpleng atake lang, para ka lang gumagamit ng espadang walang talim?"

Sinubukan ulit dumistansya ni Xxv  tumalon palayo upang makabwelo pero bago pa sya makalayo ng tuluyan ay sinalubong na sya ng pag atake ni Serenity.


" Napaka bilis nya, hindi ko kayang sundan ang kilos nya." 


Tumagos sa dibdib ni Xxv ang mga braso ni Serenity .


" Ahh.." 


Nagawang tamaan ni Serenity sa mismong puso ang binata ngunit pagkabagsak ng katawan ni Xxv sa lupa ay unti unti itong nagiging pulang usok.


Tinanggay ng hangin ang pulang usok at nagtungo sa batuhan upang lumayo. Dito ay nagkorte itong tao at lumabas mula doon si Xxv na hingal na hingal hawak ang kanyang dibdib.


" Hindi maaari. Muntik na ako doon buti nagawa ko pang mapagana ang kapangyarihan ng crimson item ko."


" Mali, kitang kita ko. Sinadya nyang makatakas ako bago nya tuluyang dakutin ang puso ko." Bulong nya sa isip habang naaalala ang mga nakakatakot na ngiti sa mukha ni Serenity.


Nabatid nya na tila pinaglalaruan lang sya ni Serenity sa laban at sinusubukan ang kaniyang kakayahan.


" Sayang ang potensyal mo pero hindi nababagay sa isang tao ang katangian ng kapangyarihan mo dahil sa taglay mong limitasyon." 


" Oh... Tama ganito na lang pagkatapos kitang paslangin at gawing alipin ay isusunod ko naman hanapin ang iyong pinaka mamahal na asawa para patayin upang sa ganun ay ganap na kayong magsama habang buhay." 


Bigla syang napatawa sa kanyang pagbibiro habang humihingi ng tawad.


" hahaha ..Oh patawad, hindi pala habang buhay kasi pareho na kayong walang buhay. Hahaha 


Habang tumatawa ay biglang may humiwa sa kanang braso ni Serenity at bumagsak sa lupa.


" Huh?" 



Maging si Serenity ay hindi makapagsalita dahil nagawang mabasag ni Xxv ang energy barrier nya sa katawan ng hindi nya napapansin dahilan para mahiwa ng atake nito ang braso nya.

Dito ay naglalabas ng pulang kuryente ang katawan ni Xxv na bumabalot sa kanya. Patuloy ang pagsiklab ng pulang apoy sa espada nya habang nagliliwanag ito.


" Wag na wag mong sasaktan ang asawa ko." Galit na sambit nito.


Muli itong umamba ng pag atake habang patuloy na pinalilibutan ng mga pulang kuryente na tila nagsasayaw sa paligid nya 


Napangiti lang si Serenity at kinuha ang putol nyang braso sa lapag at itinapat kay Xxv na tila espada. Hindi mababakas sa itsura nya ang takot o pangamba sa pagkawala ng braso nito dahil narin hindi sya nakakaramdam ng kahit anong sakit o kirot sa katawan nya.


" Oh... kahanga hanga bata, tinuruan ka rin nila ng Supreme mode pero hangang kelan kaya kakayanin ng mahina mong katawan ang teknik na yan?" Sambit ni Serenity.


Napatigil si Serenity ng makita ang napaka seryosong reaksyon ni Xxv at napabuntong hininga habang sinasabi dito na hinahangaan nya ang katapangan ng binata na gamitin ito kahit na alam nyang maaaari syang patayin ng sariling kapangyarihan.



Pinaalam nya sa binata na maaaring sumabog ang katawan nya kapag hindi nya ito kinayang kontrolin o gamitin ng tama.

Walang naging sagot si Xxv sa nasambit nya at dahil doon ay muling ngumiti si Serenity at tila inaaya lang si Xxv na patamaan ang kanyang katawan.



" Kung yan ang gusto mo bata." 

" Sige magiting na bayani, ipakita mo kung sino ka! Hahaha ipakita mo ang tunay mong kapangyarihan!" 



Kumalat ang napakalakas na pulang enerhiya sa paligid habang kumikislap ang pulang talim ng espada ni Xxv kasabay ang unti unti nyang pag wasiwas dito.

" Maglaho kang halimaw ka, Crimson flame Clash ! " 


Winasiwas ni Xxv ang kanyang espada na halos gumawa ng napakalakas na lightning strike na syang tumama sa braso na pinangsalag ni serenity 

Unti unting nakakabaon ang talim ng kidlat sa braso nito at tuluyan na pinutol ito hangang sa mahiwa sa leeg si Serenity na dahilan ng pagkapugot nito.

Nasaksihan ng lahat ang pag gulong ng ulo ni serenity sa lupa at ang tuluyang pagkalusaw ng itim na awra na bumabalot sa paligid nito.


Natahimik sandali ang lugar sa hindi pag imik ni Serenity at ilang segundo pa ay unti unting napaluhod sa lupa ang katawan nito bago tuluyang bumagsak.


Maging ang mga nanunuod na mga sundalo ay hindi makapaniwala sa nangyari at umaasa na nagawang matalo ni Xxv si Serenity sa ginawa nito. Wala silang kibo na nananalangin sa pag asang natapos na ang laban.


" Nagawa nya ba?" Tanong ng mga ito.


Bakas sa mga sundalo ang pagkatakot habang umaasa sa himala na magagawa ni Xxv sa laban.


Habang naghihintay ng pag kilos muli ni Serenity ay biglang natumba si Xxv at naglaho ang enerhiyang bumabalot sa kanyang katawan.


Namimilipit sya bigla sa sakit at napapasigaw sa kirot ng mga braso dahil sa epekto ng kanyang ginawang teknik.


" Ang mga braso ko, napakasakit ng mga braso ko." 


Halos hindi nya maigalaw ang mga braso nya dahil sa pagkadurog ng mga buto nito kaya dahil sa braso nito ipinadaloy ang napakalakas na enerhiya na sumira sa kanyang sariling braso.


Kahit na namimilipit ay pinilit nyang umupo at kunin muli ang kanyang espada. Pero habang inaabot nya ito ay may bigla syang naramdaman na nilalang sa kanyang likuran.


" Ano?" 


Halos hindi sya makakilos ng biglang iparamdam nito ang napakalakas nitong presensya.


Nagulat ang lahat sa paglitaw ng lumulutang na magic circle sa likuran ng binata kung nasaan si Serenity bigla syang binulungan sa tenga para muling bumati.


" Magaling bata, natuwa ako sa paglalaro nating dalawa." Bulong nito.


Pinilit na kumilos ni Xxv at nilingon ito ngunit bago pa sya makaharap kay Serenity ay sinipa na sya nito at tumalsik.


Gumulong gulong si Xxv sa lupa hangang sa tumama sa batuhan malapit sa kinalalagyan ni Ruri na ngayon ay nakahiga at walang malay.


Sumuka ng dugo ang binata at iniinda ang sakit ng tagiliran dahil sa pag sipa ni Serenity dito.


Habang namimilipit sa sakit ay kumuha naman ng espada si Serenity sa isa sa mga buhay na bangkay na naroon at unti unting lumapit sa kinaroroonan ni Xxv.


" Pinagbigyan na kita sa gusto mong mangyari na ipakita ang kaya mong gawin sa laban kaya siguro naman pwede na natin tapusin ang paglalaro natin." 



Ipinaliwanag nya na kagaya lang sya ng iba at walang espesyal sa binata at muling sinabi na hindi nila ito matatalo sa laban at kahit buong araw  nila patayin si Serenity sa lugar na iyon.

" Ang totoo sa umpisa palang dapat alam nyo na mamamatay kayo sa lugar na ito sa masakit na paraan. Ang ibig kong sabihin na sa tatlong beses na magharap kami ni Magdalena sa laban ay hindi man lang nya ako nagawang mapatay kahit na sinasabi nyo na kakampi nyo ang diyos sa bawat laban kaya naman ano ang laban ng mga tulad nyong mga tuta lang nya sa kagaya kong imortal?" 

Nanginginig ang katawan ni Xxv at kahit anong pilit nyang pagbangon ay hindi na nya maiangat ang mga binti nya para makakilos pa ng maayos.


" Hindi maaari, hindi ako pwedeng mamatay dito." 


Nakita ni Xxv si Ruri na nilalapitan ng mga buhay na bangkay kaya naman hindi ito nagdalawang na gumapang papunta kay Ruri kahit na hirap na hirap na itong kumilos.


" Lady Ruri." 


Habang gumagapang ang binata papunta kay ruri ay sinasabayan naman sya ni Serenity na naglalakad habang sinasabihan ito na sumuko na sa laban at tangapin ang tadhana na nakatakda para sa kanilang dalawa ni Ruri.


" May mga bagay sa mundong ito na hindi natin kayang pigilan katulad na lang ng kamatayan."


Naunang lumakad si Serenity papunta kay Ruri at tila pinapakita kay Xxv ang pagtatangkang pag pugot sa ulo ni Ruri sa harap nya.


" Paki usap, hindi mo pwedeng gawin yan kay Lady Ruri." Sambit nito habang inaabot ng kamay si Ruri.


Dito ay pinamukha ni Serenity na walang kayang iligtas si Xxv na kahit sino at resulta iyon ng pagiging mahina nito at punong puno ng limitasyon bilang isang tao.


" Pero wag kang mag alala dahil unting panahon na lang ay itatapon mo na ang mahinang katawan na yan at mabubuhay bilang isang walang kamatayan nilalang kasama ng aking mga tauhan. " Nakangiting sambit nito.


Alabngapoy Creator

Part 1 ep 31