Chapter 23 part 1
Lumipas ang ilang minuto ay natapos ang oras na ibinigay sa mga aplikante para makapaghanda sa susunod na pagsubok.
May binibigay silang magic potion upang maglaho ang sakit ng katawad at maibsan agad ang pagod sa bawat aplikanteng nasugatan.
Nakabalik narin ang mga bumagsak sa pagsusulit pero dahil ang iilan sa kanila ay nakatulog na ay hindi na sila hinintay at tinangal na sa listahan para sa pangatlong pagsubok.
Muli kaming pinabalik sa gitna ng arena at mula dito ay tanaw namin mula sa isang stage sa taas si Kyros na syang magbibigay ng susunod na pagsubok.
Kilala si Kyros bilang heneral ni Rei at kahit na may sarili itong lupain ay mas ginusto nito na manatili sa Irish bilang kaalyado dahil sa koneksyon nila ni Rei.
" Magandang araw mga magigiting na mandirigma sisimulan na natin ang pangatlong pagsubok sa araw na ito."
Masayahin at positibo, yan ang katangian ng sandata na tinatawag na void at kahit isang Dailan ay itinuturing nyang kapantay ang mga tao at iba pang mga nilalang.
Tulad ni Sei may malasakit sya sa ibang nilalang ngunit hindi sya nagiging patas kung minsan lalo na nakadepende ang mga desisyon nya sa kapakanan ni Rei.
Masyado syang baliw sa pag ibig nya kay Rei kaya wala syang paki elam kung may gamitin syang nilalang o isakripisyo para lang dito.
Kung iisipin dapat din ako mag ingat sa kanila dahil kung malalaman nila ang mga nalalaman ko tungkol sa hinaharap ay baka gamitin lang nila ako. Tama lang na hindi nila ako mapansin sa pagsusulit at manatili lang sa hanay ni Sei.
Batid ko na may kanya kanya silang mga motibo kung bakit nais nila ng mas malawak na kapangyarihan. May tinataglay silang kasakiman at iyon ang bagay kung bakit mas nakakahigit si sei para saakin na pagkatiwalaan kesa sa kanila.
" Bago tayo magsimula ay gusto ko lang malaman kung pamilyar kayo sa itlog na ito?"
Hawak nito ang isang pulang itlog at itinaas upang makita ng lahat.
Ipinaliwanag nya na ang itlog na iyon ay nagmula sa mga Red giant Tarantula na matatagpuan sa timog ng kagubatan sa isla na ito.
Marami ang bilang nila dito at nagtatago sila sa mga higanteng mga puno. mabilis silang magparami at sa panahon na ito ay nangingitlog sila kaya tinaon ito sa pagsusulit ngayong araw.
Binangit nya rin na ang itlog na ito ay naglalaman ng sangkap sa pag gawa ng potion na mabisa sa pagpapagaling kaya bilang kapalit ng pag gamit namin sa mga potion para sainyo ay kailangan namin makakulekta ng kahit isa sa mga ito.
" Wag kayong mag alala hindi kumakain ng karne ng mga nilalang ang mga gagamba na ito pero iwasan nyo parin na makagat nito dahil nagtataglay sila ng lason na nakakaparalisa at nakakamatay."
Kung iisipin madali lang naman ang pagsubok dahil kailangan mo lang makakuha ng itlog at bumalik, tama. Iyon ang inaakala ko pero.
Paglipas lang ng ilang minuto pagpunta ko sa kalurang bahagi ay tumambad ang mga higanteng mga puno na halos kasing lalaki ng mga gusali.
" Pambihira, seryoso ba ito? Paano ko naman maaakyat yan?" Pagrereklamo ko.
Halos wala kang kakapitan na sanga sa ibaba at malumot din ang higanteng katawan na ito para akyatin ko.
Napaka unfair ng pagsubok na ito para sa taong kagaya ko.
" Syempre dahil hindi naman talaga para sa taong kagaya mo ang pagsubok na ito. "
"Mali,maging sa pagiging sundalo ng eskapa ay hindi ka nararapat." Sabit ng isang babae.
Paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang grupo ng mga mandirigma na kabilang sa mga aplikante.
Kung maaalala ko ay isa sya doon sa mga aplikante na nakita akong nanunungkit ng prutas.
Ang silver short hair na babaeng ito ay isang Wild fox spirit, mga nilalang na tagapangalaga ng gubat ng god of fox.
Mukha silang taong fox na nakasuot ng mahahabang palda at damit. Mga taga templo ang karamihan sa mga ito kaya istrikto sila sa tradisyon at mga batas.
" Hindi ko alam kung paano ka pumasa sa ikalawang pagsubok pero wag mong isipin na magiging swerte ka palagi."
Binalaan nya ako na wag ng tumuloy sa pagpasok sa gubat kung nais ko pang mabuhay dahil hindi man kumakain ang mga red giant tarantula ng tao ay agresibo ito kapag may banta sa mga itlog nila.
" Ah eh .. salamat sa paalala pero kahit gusto kong umayaw ay hindi ako pwedeng umatras sa pagsusulit na ito." Sagot ko dito.
" Tsk, bahala ka sinabihan na kita sa pwedeng mangyari sayo dito."
Nilagpasan lang nila ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa gubat.
Alam ko naman na hindi dapat akong makinig sa kanya pero napapa isip na rin ako kung paano makakakuha ng pulang itlog gayung nasa itaas ito ng mga puno.
Ayon sa alam ko sa kwento ay sinubukan na rin ito ni Xxv noon at nahirapan sya dahil napakatibay at madikit ang mga sapot ng gagamba na nakapalibot sa bahay ng mga ito.
Naisip ko rin na hindi kagaya ni Xxv ay madali dito makaakyat lalo pa kaya nyang sumanib noon sa pulang usok.
Kung tutuusin hindi ko kayang umakyat at kahit naman makaakyat ako ay hindi ko kayang kumuha ng itlog at lalong hindi ko kayang labanan ang mga gagamba.
" Gusto ko ng umuwi." Bulong ko.
Habang nalulukmok ako sa pagkadismaya ay nakita ko ang pamilyar na babae sa isa sa mga grupo ng mga mandirigma.
Ito ang parehong babaeng may bahay ng pagong sa likod at napaka formal kung magsalita saakin.
Kinakausap nya ang mga kasama nya at tila nagpapaalam sa mga ito, pagkatapos na umalis ang mga kasama nya ay dali dali itong lumapit saakin.
Nagulat ako ng batiin nya ako at kamustahin na tila ba magkakilala lang kami.
" Wala ka bang kasama sa pagsusulit na ito? Gusto mo bang sumama saakin munting nilalang?"
" Huh? " Pagtataka ko.
Nagtaka ako sa tanong nya saakin dahil alam nya na isa lang akong tao na pwedeng maging pabigat sa kanya pero sya mismo ang lumapit at nag alok ng tulong.
" Naku pero bakit? Hindi ba may mga kasama ka na ?"
" Ah.. sila ba? Hindi kasi sila pumayag na isama ka sa grupo kaya naisip kong umalis na lang sa kanilang grupo para samahan ka." Sagot nito saakin.
Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko dahil parang napakalaking pabor ito para saakin at nakuha nya pa talagang ipagpalit ang pagkakaroon ng mga malalakas na kasama sa tulad kong tao.
Gayumpaman kahit ako ay hindi sigurado na makakapasa sa pagsubok at ayoko rin naman na madamay pa ang babaeng ito sa kahinaan ko.
" Sandali miss, nagpapasalamat ako at nagmamalasakit ka saakin pero hindi mo kailangan tulungan ako dahil baka maging pabigat pa ako sayo." Sambit ko rito.
Bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko at sinabi na hindi sya bumabali ng pangako at ipinaalala na sinabi saakin na babayaran ang utang na loob nya saakin.
Gayumpaman hindi ko lubos maisip na sapat bang dahilan iyon dahil kung tutuusin ay napakaliit na bagay lang ang pag alalay ko sa kanya na tumayo para aksayahin ang pagkakataon na pumasa sa pagsusulit na ito.
" Pero kasi..." Sambit ko.
" Pagbigyan mo na akong tulungan ka bilang isang prime turtle spirit ay mahalaga saamin ang aming mga binitiwang salita."
Wala na akong magawa kundi pumayag dahil parang ako pa ang mapili kahit na ako itong nangangailangan talaga ng tulong.
" Ako nga pala si Isay jade, ikaw munting nilalang ano ang pangalan mo?"
" Ako si Nathaniel muntingbato pero pwede nyo kong tawaging Nathaniel na lang Miss Isay."
Naglakad na kami papasok sa gubat at ilang sandali pa ay may nakita na kaming mga sapot ng gagamba na halos kasing laki ng mga wire ng kuryente.
Tumingala kami sa taas ng puno at makita ang mga dambuhalang gagamba na halos kasing laki ng tao at napaka tataba.
" Napaka laki pala talaga nila sa personal." Sambit ko.
" Nakakatakot naman pala ang itsura nila, siguro mapanganib kung aatakehin nila tayo."
Dahil sa wala akong ideya kung paano makakakuha ng itlog ay natanong ko si Isay kong may plano ba sya na naiisip para makakuha.
Ngumiti lang ito saakin at inamin na wala syang naiisip na paraan lalo na hindi sya marunong umakyat sa puno dahil isa syang pagong.
" Wala ka namang sigurong nakikitang pagong na umaakyat sa puno." Biro nya.
" Kung sabagay." Bulong ko.
Nabangit nya rin na hindi rin sya tumatalon ng mataas at natatakot na baka atakehin sya gayung hindi naman sya marunong makipag laban at walang pag aalinlangan na kahit na mataas na uri ng nilalang ay natatakot sya sa mga itsura ng mga ito.
Napangiwi na lang ako sa narinig ko sa kanya dahil kung wala syang kakayahan na makipaglaban sa mga gagamba na ito ay bakit sya umalis sa kanyang grupo at sumama sa normal na taong kagaya ko.
Nakakapagtaka rin na sumali sya dito sa pagsusulit na para sa mga sundalo ng eskapa gayumpaman hindi na ako naglakas loob na sabihin ang iniisip ko sa kanya dahil sino ba naman ako para sabihin na hindi sya dapat nandito gayung ako mismo ay walang alam sa pakikipaglaban.
" Alam mo kasi hindi nakikipaglaban ang mga pagong at namumuhay lang kami sa kapayapaan at katahimikan."
Hindi na ako nag usisa pa dahil mukha naman syang hindi mandirigma sa tindig at pananamit nya at naitanong na lang kung bakit sya nais sumali sa eskapa gayung hindi sya mandirigma.
" Alam mo kasi mahabang kwento pero kinakailangan ng bayan ko ang proteksyon ng eskapa kaya naman kung makakasali ako ay maaari kong makausap ang pinuno nila para tulungan kami."
" Oh.. pero pwede mo naman syang kausapin kahit na hindi ka sumali sa eskapa." Sagot ko dito.
" Huh? Kung ganun pwede talaga iyon?" Pagkagulat nya.
Napailing na lang ako dahil mukhang hindi rin sya nag iisip at basta na lang nagdedesisyon, gusto ko sanang magsalita ng masama sa kanyang ginawang kamangmangan pero nakakailang gawin iyon sa napakaganda at mabait na kagaya nya.
" Mabuti pa ay umisip na lang tayo ng paraan para makakuha ng itlog at makapasa na dito." Sambit ko.
Ilang minuto rin ang lumipas sa paglalakad namin sa gitna ng kagubatan ay may nakita na kaming mga mandigma na nababalot ng sapot sa katawan.
Inaatake sila ng maliliit na gagamba na kasing laki ng mga lobo. Hinuhuli nila ang mga ito gamit ang mga sapot sa paligid at binabalutan ang katawan nila ng malacable na tibay na sapot.
Libo libo ang bilang ng mga gagamba kumpara sa mga aplikante kaya naman walang kalaban laban ang mga ito sa pag atake nila.
" Napaka delikado kung magtatagal tayo dito dahil wala tayong magagawa sa sapot na yan kapag nahuli nila tayo."
Batid ko ang panganib na naghihintay saamin pero kung hindi kami dederetso sa pag lalakad ay paano naman kami makakakuha ng mga itlog na kailangan namin?
Napabuntong hininga na lang ako at habang nag iisip kami ng ibang paraan para lagpasan ang mga nakaharang na gagamba ay biglang may nabangit si Isay saakin.
" Kung sana mayroon tayong medalyon ng tahako ay madali tayong makakadaan dito." Sambit ni Isay.
" Ano ang medalyon ng tahako ?" Tanong ko.
Binangit nya saakin na isa itong mahiwagang medalyon kung saan panlaban sa mga halimaw na insekto kagaya ng mga red giant Tarantula.
Nagbibigay ito ng proteksyon sa mga kababayan ni Isay upang hindi atakehin ng mga higanteng insekto sa labas ng bayan tuwing lalabas ang mga ito.
" Oh ganun ba?"
Biglang lumabas sa loob ng hood ko si Melon at sumabat sa usapan. Binangit nya na kung totoo nga na magagamit iyon laban sa mga halimaw na gagamba ay pwede nya gamitin ang kapangyarihan nya para makakuha nito.
Nagtaka ako sa sinabi nya dahil ang power of creation ay may kondisyon na para lang sa mga bagay na nakita at nahawakan ko kaya naghihiwagaan ako kung paano ito mangyayari.
Ipinaliwanag nya saakin na hindi tungkol lang saakin ang kapangyarihan ni melon at maaari nyang magawang likhain ang bagay na gusto nya gamit ang alaala ng ibang nilalang.
" Ang kailangan ko lang pumatong sa ulo nya at kunin ang alaala nya tungkol sa bagay na ito at magagawa ko na itong malikha basta masusunod ang kondisyon." Sambit nito.
" Wow, ang cute naman ng bagay na yan. Alaga mo ba sya nathaniel?" Sambit ni Isay.
" Ah eh.. ang totoo partner ko sya at ang pangalan nya ay Melon." Sagot ko rito.
Biglang tumalon si Melon sa ulo ni Isay at inutusan akong sabihin kay isay na hilingin sa kanya na makagawa ng Medalyon. Ito lang daw ang tanging paraan para makalikha sya ng bagay mula sa kapangyarihan nya.
Hindi ko alam kung paano gagawin ang sinasabi nya dahil sino bang maniniwala na may kakayahan si Melon na kagaya nun.
" Huh? Anong ginagawa nya?"
" Ah .. eh miss Isay pwede ba humingi ng pabor? Alam mo kasi may kakayahan si Melon na ibigay ang medalyon na sinasabi mo basta hilingin mo sa kanya."
Hindi ko inaasahan na maniniwala sya at baka isipin nyang nagbibiro ako pero ngumiti lang ito saakin at namangha sa sinabi ko.
" Wow talaga, kung ganun Melon maaari mo ba kaming bigyan ng Medalyon ng tahako?
Hindi sya nagdalawang isip na gawin ang sinabi ko at sa isang iglap lang ay umilaw muli ang mga mata ni Melon.
Mula sa bibig ay niluwa nya ang mga medalyon na kailangan namin. Marami ito kesa sa inaasahan ko dahil hindi ko akain na maaaring maglabas ng maraming kopya si Melon.
" Mali ka, nakadepende ito sa alaala ng nilalang na pinagkuhanan ko impormasyon ang magagawa ko at dahil nagawa nyang mahawakan ng sabay ang higit sa isang medalyon ay nagawa kong likhain ang mga ito."
Namangha si Isay at hindi makapaniwala sa nakita nya habang hawak hawak ang mga medalyon.
" Wow, nakakabilib ka melon paano mo ito nagawa? " Pagtatanong nito.
" Ah .. eh.. mahabang kwento pero ang mahalaga may mga medalyon na tayo at pwede na tayong magpatuloy."

Part 1 of ep 23