Chapter 34 part 2
Sa pagpapatuloy ng laban ay walang pag aalilangan na inatake ng batang babae sila nathaniel ng mga sword fish.
Hindi malaman ng binata kung anong dapat gawin sa sitwasyon nya dahil nag aalala sya kung magagawa bang maprotektahan ng kapangyarihan ng bathala si Aibara.
Ngunit nagduda sya na gagawin iyon ng kapangyarihan ng bathalang meron sya dahil tanging ang pagkamatay nya lang ang iniiwasan nito na maganap at hindi ang isang pangkaraniwang tauhan sa kwento lalo pa ayon sa komiks nya ay nakatakda ng mamatay sa lugar na iyon si Aibara.
" Kapag wala akong ginawa ay mamamatay si Aibara dito."
Walang maisip na paraan si Nathaniel at nauubusan na rin sya ng oras dahil malapit na ang pag tama ng mga sword fish sa kanila. Napapikit na lang sya at humingi ng tulong sa diyos na mailigtas si Aibara.
" Hindi! Tumigil ka !!!" Sigaw ni Nathaniel.
Sa pagkakataon na iyon ay biglang huminto ang mga sword fish sa ere at nakalutang lang dito.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtaka si nathaniel dahil wala syang maramdamang sakit o pagtama ng mga isa kaya naman unti unti syang dumilat.
" Huh? Anong nangyari."
Maging ang batang babae ay nagtataka sa nangyari at tumingin sa kanyang baston.
" Itinigil ng baston ang pag atake pero bakit? "
Hindi maunawaan ni Nathaniel ang nagyayari pero batid nya na hindi titigil ang batang babae sa pag atake sa kanya.
Muling itinaas ng batang babae ang baston nya at nagtangkang muling umatake.
Dahil sa takot ay inaangat ni nathaniel ang kanyang kamay at nagsimulang maglabas ng apoy para umatake.
" Lubayan mo kami halimaw ka!" Sigaw ni Nathaniel.
Kasabay ng pagsigawnl ng binata ay ang pagilaw bigla ng cristal ng baston at dito sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag angatan ang mga tubig sa paligid maging ang mga pader.
Nagsanib ang mga ito at bumulusonlk sa dereksyon ng batang babae at tumama dito.
Halos durugin ng tubig ang kalupaan at gumawa ng matinding pag sabog.
Dahil sa lakas ng impact nito ay tinangay nito sila nathaniel at nagpagulong gulong sa lupa.
Laking gulat ni nathaniel sa nangyari at patuloy na naguguluhan kung bakit inatake ng tubig ang batang babae.
Dali dali syang tumayo at kinuha si Aibara na hangang ngayon ay natutulog parin.
" Anong nangyari melon? Bakit parang inatake sya ng sariling nyang kapangyarihan?"
Nabatid nya na nagmumula sa baston ang kapangyarihan ng kalaban nya at napansin nya na nawala ito sa kontrol ng batang babae.
Tumingin sya sa paligid at walang ibang naroon na pwedeng gumawa nito kaya naman na itanong nya kay melon na kung posible ba na makontrol nya ang kapangyarihan ng ibang nilaang gamit ang kapangyarihan na pinagkaloob ni Melon.
" imposible yan, walang ganun kakayahan ang binigay ko sayo at isa pa wala ka pang nakukuhang abilidad na katulad ng sinasabi mo." Sagot ni Melon.
Muling pumatong sa ulo ni Nathaniel si Melon ay pinaalalahanan ang binata na wag alalahanin pa ang nangyari dahil kailangan nilang tumakas agad sa lugar.
Alam ni Melon na napakalakas ng nangyaring pagatake ng tubig sa batang babae ay hindi sa ganun atake lang mapapatay ang kaharap nilang kalaban dahil halos hindi pa ito naglalabas ng sarili nitong kapangyarihan maliban sa pag gamit ng baston.
" Oo alam ko, heto na."
Agad na bumangon si Nathaniel at binuhat si Aibara para tumakas ng lugar ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa nya ay may biglang tumamang tubig sa kanyang likod na halos magpatalsik sa kanya.
Dahil doon tumilapon si aibara at nagpagulong gulong sa lupa. Hindi naman makapaniwala ang binata sa nangyari at habang bumabangon sya ay napansin nya na nababalot sya ng gintong awra.
" Ang kapangyarihan ng bathala, ibigsabihin muntik na akong mamatay sa atake nyang yun." Bulong ng binata.
Habang nag iisip ay bigla na lang lumitaw sa likod nya ang hatang babae mula sa loob ng tubig.
" Ikaw tao, anong ginawa mo?"
Nagulat ang binata at hindi makakakilos ng maramdaman ang nag uumapaw na presensya ng batang babae.
" Impusible ito, napakalakas na presensya ang nararamdaman ko." Bulong nya sa isip nya.
Lumapit ang Batang babae sa kanya at pumunta sa harap nya habang hindi naman sya gumagalaw sa kinatatayuan nito.
" Hindi ko pa nakikitang suwayin ako ng baston ko kaya paano mo nagawang utusan ito?" Sambit nito.
Nagtaka si Nathaniel sa narinig nya at dahil wala syang ideya sa sinasabi nito ay hindi nya magawang makasagot.
" Hindi bale kahit hindi ka na sumagot, kahit gamit lang ang suntok ko ay kaya ko ng sirain ang mga laman loob mo sa katawan."
Umamba ito ng pag suntok kay nathaniel at dahil parin sa nararamdamang malakas na presensya ay namamanhid parin ang katawan ng binata kaya naman nahihirapan itong kumilos para balakin na umilag.
" Hindi maganda ito, hindi na ako makakaiwas pa ." Bulong nito.
Habang paatake ang batang babae ay bigla syang huminto at tila nagulat sa nakita.
Sandaling hindi ito gumalaw at nakatingin sa braso ni Nathaniel na nakalabas dahil sa pagkawasak ng suot nyang jacket. Dito napansin ng binata na pinagmamasdan ng batang babae ang mga cristal nya sa braso.
" Saan mo nakuha ang mga tatak na yan? Sabihin mo tao ano ang nakalagay sa braso mo?" Tanong nito.
Ang tinutukoy ng batang babae ay ang mga tatak sa paligid ng mga cristal at ang nakakatakot na bungo sa kanyang kamao.
Nahinto ang pagpapatigil ng presenaya ng batang babae dahilan para makawala si Nathaniel ngunit dahil sa pang hihina ay agad lang ayang napa upo.
Habang nakatayo sa harap nya ay muli syang tinanong kung paano nya nakuha ang mga tatak nya .
Gayumpaman kahit na naguguluhan si Nathaniel sa pagiging interesado ng batang babae sa kanyang braso ay hindi nya ito sinasagot.
Dahil hindi sya sinasagot ni Nathaniel ay tinangkang hawakan ng batang babae ang braso ng binata ngunit bago pa ito makahawak ay bigla ng may humiwa sa kamay ng batang babae.
" Ano?"
Agad na napatalon ang batang babae palayo at naiwan naman ang kamay nya sa lupa na kinalalagyan nila nathaniel.
Dito ay biglang naglapagan mula sa itaas ang mga sundalo ng eskapa.
At ilang saglit pa ay bumagsak mula sa langit ang isang dragon at dumeretso sa kinalalagyan ng batang babae .
Gumawa ito ng matinding pagsabog na magpayanig sa kalupaan.
" Ang mga sundalo ng Eskapa, nakarating na sila"
Ilang saglit pa pagkawala ng usok ay lumitaw si Agane sa sa gitna ng butas habang tapak tapak ang tubig.
" Mataas na antas ng water magic ang gamit nya."
Dali dali syang tumalon papunta sa harapan ni Nathaniel at kinamusta agad ito.
" Mabuti naman buhay ka pang tao ka."
Tumingin sya sa paligid at nakita ang naging pinsala ng lugar ng kanilang paglalaban.
" Ikaw ba ang may gawa nito? Wala sa itsura mo pero mukhang may itinatago kang espesyal na kapangyarihan kagaya ng kutob ng aming reyna." Sambit nito.
" Pero sana ginamit mo yan para talunin agad ang isang ito." Dagdag ni Agane.
" Tsk, kung kaya ko lang ay sana kanina ko pa ginawa." Sagot ni nathaniel.
Agad syang naki usap kay Agane na unahin iligtas si Aibara at kahit na nahihirapan ay pinilit nyang tumayo gayumpaman ay nahihirapan na ang kanyang mga tuhod na buhatin pa si ang hawak nyang babae.
" Wag kang mag alala dahil nandito kami para iligtas ka at magiging utang mo saamin ang bagay na iyon ." Sambit nito.
" Utang ? Parang masama ang kutob ko sa bagay na yan pero bahala na basta mailigtas nyo lang kami ni Aibara."
Agad naman na kinuha ng isa sa mga sundalo ai Aibara at inilayo agad sa lugar.
" Hindi na maganda ang lagay mo mabuti pa umalis ka na rin dito." Sambit ni Agane.
" Magandang ideya pero wala bang magbubuhat saakin palayo dito kagaya ng ginawa nyo sa kasama ko?" Tanong ng binata.
" Ang binubuhat lang namin ay ang mga sugatan at walang malay, hindi kami nag bababy sit sa mga maaarteng tao."
Agad naman nag reklamo ito at dinadaing ang sakit ng katawan, itinatangi nito na umaarte lang para mabuhat paalis sa lugar.
Nagduda naman si Agane na wala itong kakayahan na umalis mag isa sa lugar gayung kilala na ito bilang bayani ng marami dahil sa pag patay sa warlord na si Serenity.
Kaya naman gustong subukan ni agane ang kakayahan nito at gamitin ang natitirang lakas para makatakas sa lugar.
" Alam mo napapansin ko napaka sama ng pakikitungo mo saakin, dahil parin ba ito sa nasigawan ko si Sei?" Sambit ni Nathaniel.
" Humingi na ako ng tawad doon at hindi ba dapat mabuti ka sa mga taong kagaya ko bilang alagad ng diyos? " Dagdag nito.
" Napakalakas ng loob mong makipag usap ng ganyan sa katulad kong heneral, mabuti na lang ay pinagbilin ka ng reyna saakin kundi kanina pa kita tinanggalan ng lalamunan."
Habang nag uusap ay biglang nabuo sa ere ang isang bilog na gawa sa tubig at dahil doon ay pinaghanda ni Agane ang mga tauhan nya at sinabihan na maging alerto.
Nabalot ng napakalakas na presensya ang buong paligid para iparamdam sa kanila ang kapangyarihan nito.
" Mag iingat ka sa kanya, kung tama ang iniisip ko ay isa sya sa mga anak ng warlord na si Halloween kaya hindi sya biro kalaban."
Nagulat si Agane sa narinig at tila nagduda sa sinabi ni Nathaniel dahil alam nya na napakalayo ng teritoryo ng halloween sa bansa nila at wala syang nakikitang rason para atakehin sila nito gayung mas maraming bansa ang nakapalibot sa teritoryo ni halloween na hindi pa nasasakop.
" Teka nalaman mo ba yan dahil sa kakayahan kong makita ang hinaharap?" Tanong nito.
Hindi agad makasagot si Nathaniel dahil alam nya sa sarili na hindi naman talaga sya nakakakita ng hinaharap kagaya ng sinasabi ng iba at Nababahala sya na baka nagkakamali lang sya sa akala.
" Parang ganun pero basta mag iingat ka dahil ang mga anak ng warlord ay may antas na alpha katulad mo kaya maikukumpara sya sa lakas mo."
" Ah.. talaga? Nakakainsulto ang sinabi mo na ikumpara ang kapangyarihan ng prime dragon na katulad ko sa isang halimaw na nasa katawan ng tao."
" Gayumpaman salamat sa impormasyon sige na maaari ka ng umalis." Dagdag nito.
Malamig ang tono ng pananalita ni Agane na tila binabale wala lang ang sinasabi ng binata kaya naman muli syang pinaalalahanan na mag ingat dahil walang mamamatay sa mga anak ng halloween bago sila pugsain ng ika sampung warlord.
" Sinasabi mo bang hindi ko sya kayang patayin? Napaka interesante mukhang hindi mo pa lubusang kilala ang kaharap mo ako an..... ."
" Ikaw si Agane wind dragon ang natitirang princesa ng kabino at ang tinaguriang pinakamalakas na heneral ng galica, alam ko yun at maraming beses mo pang mapapatunayan iyon pero hindi ito tungkol sayo kundi sa mga kasama mo." Biglang sabat ni Agane.
Tinignan ni Nathaniel ang mga sundalo ni Agane at binilinan na wag maging pabaya dahil hindi nababago ang nakatadhana. Inulit ni Nathaniel na mamamatay si Agane pagkatapos lusubin ng halloween ang Galica at hindi pa iyon mababago.
" Magaganap ang mga nakatakda hangat hindi naiiwasan ang puno't dulo nito at malaman kung saan magsisimula ang pag atake ng warlord."
Napatigil si Agane at napabuntong hininga habang sinasabi na hindi sa ayaw nya pinapaniwalaan ang binata aa panganib na mangyayari sa laban na ito ngunit hindi maaaring iwan na lang nila ang tungkulin nila at hayaan na may mamamatay pang mga mamamayan ng galica sa mismong lupain nila.
Alam nya na kapag umalis sila ay itutuloy ng kalaban nila ang pagpatay sa mga mamamayan at bilang mga sundalo ng galica ay kailangan nila itong pigilan.
Nauunawaan naman nh binata ang sinasabi nito at naki usap na lang kay Agane na mag ingat dahil hindi nya alam kung nakatakda ba ang labanan na iyon sa anak ng halloween upang masabi nyang hindi mamamatay si Agane.
Hindi na naman na nag aksaya pa ang oras ang mga sundalo at hinila na ang binata paalis ng lugar.
Kasabay ng pag alis ng ilang sundalo ay ang pag litaw ng mga bola ng tubig na nag angatan sa himpapawid.
" Tsk, Hindi ko gusto na mag aksaya ng oras kaya pwede ba ipakita mo na ang tunay na anyo mong halimaw ka."
Naglabas ng napakalakas na awra si Agane kasabay ng pag ihip ng napakalakas na hangin sa paligid.
Hindi naman nagpatinag ang batang babae at gumawa ng napakaraming swordfish sa ere.
Pagkatapos nitong magpalitaw ng higit isang daang swordfish ay wala itong awang umatake sa mga sundalo ni Agane.
Nagawang makasalag ng iba pero masyadong malakas ang mga ito kaya naman nababasag ang kanilang proteksyon dahilan para butasin ng mga sword fish ang katawan nila.
" Wind Blast "
Bumuga ng napakalakas na atake si Agane na tila matulis na ipo ipo na syang tumangay sa mga sword fish.
Demeretso ito hangang sa dambuhalang bilog na tubig sa ere at binutas ito. Kasabay ng pagtagod ng atake ni Agane ay kumalat ang mga tubig at nabuo ang napakaraming water snake.
" Nakakapag cast sya ng water magic ng hindi gumagamit ng orasyon."
" Wind Breaker"
Nagpakawala ng napakalakas na awra si Agane at itinaas ang mga kamay. Kasabay ng wasiwas ng mga kamay ay kumawala ang mala ipo ipong hangin upang tangayin palayo ang mga ahas at wasakin ito .
Sa pag kawasak ng mga ahas ay muling nagtipon tipon ang mga tubig at nabuo ang limang higanteng Pagi na gawa sa tubig.
Ilang saglit pa ay lumabas ang tubig sa likod ng mga ito at naghugis tao kung saan lumitaw ang batang babae hawak ang kanyang baston.
" Wala akong oras sainyo, Kung maaari ay mamamatay na kayo."
Nagipon ng water ball sa bunganga ang mga pagi at tumira ng water blast.
Isa itong atake gamit ang tubig na napakalakas na presure at kayang humiwa ng mga bagay.
Binubutas nito ang madaanan na parang isang lazer.
" Umiwas kayo."
Marami sa mga sundalo nya ang nakaiwas ngunit may ilan na nahagip parin ng tubig at halos maputulan ng bahagi ng katawan
Dahil sa pangyayari ay lalong nairita si Agane at muling nagpakawala ng napakalakas na enerhiya. Dito ang muling lumabas ang ispirito ng dragon sa braso nya at umamba.
" Wind Blow ! "
Sumuntok sya sa hangin at naglabas ng mapakalakas na hampas ng hangin na tumama sa isang pagi. Para lang itong bulang nabura sa pagtama ng hangin dito.
Itinuloy tuloy ni agane ang pag atake hangang sa isa na lang matira dito at dahil sa napansin ng batang babae ang gagawin nyang pag atake sa pagi na kinalalagyan nya ay muli nitong itinaas ang kanyanh baston at lumabas ang jellyfish para protektahan sya.
" Pagbabayaran mo ang ginawa ko sa mga tauhan ko."
Buong lakas nyang isinuntok sa hangin ang kamao nya at halos madurog ang lapag na binagsakan ng paa nya pa bumwelo.
Tumira ito ng napakalaking Wind blow na agad na lumamon sa kabuoan ng jellyfish.
Halos walang natirang bakas ng jellyfish o ang kahit anong isda na inilabas nito na lumulutang sa ere at naging maaliwalas ang paligid.
" Hindi ko masyadong maramdaman ang presensya nya dahil gunagamit sya ng katawan ng tao at mahusay rin ang pagtatago ng enerhiya ng kanyang baston." Bulong nito sa isip.
Ilang saglit pa ay biglang nag angatan ang tubig na nasa kalupaan at nag palutang lutang sa paligid nila.
Nabubuo sa mga tubig ang malalaking bilog na tubig at ang isa sa mga ito ay nag hugis muling tao kung saan lumitaw ang batang babae.
" Nasa ika apat na antas na mahika ang gamit mong wind magic gayumpaman hindi mo ako kayang matalo gamit lang yan dahil hangat may tubig sa paligid ko mananatili akong mabubuo kahit ilang beses mo akong wasakin." Sambit ng batang babae.
" Napaka lakas ng kakayahan nya at base sa nakita ko hindi ito mahika na nangangailangan ng orasyon, tama kung hindi ako nagkakamali isa yung abilidad mula sa Crimson Eye." Bulong ni Agane sa isip
Sinusuri mabuti ni Agane ang kanyang sitwasyon at napagtanto na hindi nya magagawang mawasak ang kalaban nya kung totoo ngang nagmula ito sa kapangyarihan ng crimson eye dahil walang pangontra ang mga abilidad na mula sa mata at hindi nangangailangan ng oras.
Ang tanging magagawa nya lang ay maghintay na maubusan ang kalaban nya ng enerhiya o malaman ang kahinaan ng abilidad na iyon.
Ang mga abilidad ng crimson eye ay may limitasyon na kung minsan ay nasa bilang ng pag gamit o oras ng pagitan maliban pa sa nagiging kapalit ng pag gamit nito pero gayumpaman ay hindi sya parin nakakasiguro sa bagay na yun at hindi nya rin pwedeng patagalin ang laban na ito dahil patuloy na nauubos ang kanyang mga tauhan.
" Hindi ko kayo kailangan mabuti pa tapusin ko na agad kayo."
Umilaw ang baston nya kasabay ang paglabas ng napakalaking magic circle sa kalupaan na may lawak na higit isang daang metro.
Mula rito ay nakulong silang lahat sa isang done na gawa sa tubig.
" Imposible, naparaming enerhiya ang kailangan para makagawa ng ganito kalaking magic circle."
Nakita nya sa labas ng dome ang batang babae na umalis sakay ng isang pagi at papunta ito sa dereksyon kung nasaan ang bayan.
" Tumatakas ba sya?"
Nagtaka si Agane sa pag alis nito aylt hindi malaman kung ano ang binabalak nito na gawin sa dereksyon papunta sa bayan. Napa isip sya kung aatakehin nya ba ang bayan o sinusundan nito si Nathaniel para iwan na lang sila roon.
Kasabay din nun ay ang pagbulwak ng mga Water gaiser sa paligid na nagpa baha sa lugar. Nagpanik anh mga sundalo sa mabilis na pag akyat ng tubig.
Agad naman nilang sinubukan na tumakas at wasakin ang pader ma tubig ngunit bigo ang mga sundalo nya.
" Wind blow !"
Sinubukan din ni Agane na butasin ang pader ng tubig gamit ang wind blow ngunit wala itong naging epekto dito. Nahihirapan na rin syang makakuha ng sapat na rin na hangin sa paligid na napupuno na ng tubig .
Nahihirapan na rin syang bumwelo para sumuntok dahil nakalutang na sya sa tubig.
Alam nya rin na gawa ito sa napakataas na uri ng mahika at walang pwedeng makasira nito kung hindi nito kayang higitan ang mahika.
Napansin nya na napupuno na ang dome at nabatid na maaaring binabalak ng kalaban nila na lunurin sila sa loob.
Marami sa mga sundalo nya ang humihiyaw ng saklolo at ang ilan ay tuluyan na rin nalunod dahil na rin sa nahihirapan sila sa paglangoy dulot ng mga pinsala ng katawan.
" Hindi maaari, kailangan kong umisip ng paraan para maka alis kami dito."
Episode 34 part 2