Chapter 42 part 2


Ilang minuto lang ang lumipas ay nagtungo sila sei kasama ang mga sundalo sa isang stadium. 


Ang stadium na iyon ay isang battle arena kung saan ginaganap ang pagsasanay ng mga sundalo at pakikipag laban tuwing may kompetensya sa galica.


Nakapaligid sa kanila ang libo libong mga sundalo ng galica na nakaupo sa paikot na upuan ng stadium upang panuorin ang kanilang reyna na lumaban.


Habang nag hahanda sa magaganap na laban ay patuloy na kinakausap ni agane si sei upang pigilan ito sa pakikipag laban sa isang tao. 


Ipinapaliwanag nya sa kanyang reyna na hindi nito kailangan lumaban sa tao para lang sa napaka babaw na dahilan lalo pa nakikita sila ng maraming sundalo ng galica.


Bahagya namang napatigil si Sei sa paglalakad at pinatigil si Agane sa pagsasalita.


" Iniisip mo ba agane na matatalo ako at ipapahiya ko lang ang sarili ko sa harap ng libo libo kong mga tauhan?"  Kalmadong tanong nito kay agane.


Aligagang itinangi ni Agane ang sinasabi ni Sei at sinabi na nagtitiwala ito sa kapangyarihan at abilidad ng kanyang reyna sa pakikipaglaban.


Gayumpaman ipinaalala nya na hindi normal na nilalang si Nathaniel at kahit na isa lang itong tao ay nagtataglay ito ng kakaibang katangian. 


" Nasabi nya na kaya nyang kunin ang abilidad at enerhiya ng mga nilalang na nahahawakan nya at isa pa nasabi nya rin na alam nya ang tungkol sa inyong abilidad kaya nababahala ako sa pwede nyang gawin sa laban nyo." Sambit ni Agane.


Alam ni Sei ang mga bagay na sinabi ni Agane sa kanya ngunit pinilit nya na kahit na nalalaman ng tao ang tungkol sa kapangyarihan nya ay buo ang tiwala nyang mananalo sa laban.


" Nababatid ko ang mga bagay na yan kaya inaasahan ko na gagamitin nya ang nalalaman nya tungkol saakin para matalo ako sa laban." Sagot ni Sei.


Nagtaka si Agane sa naisagot ng kanyang reyna na desidido parin na lumaban kahit na pwede syang matalo.


Walang pag aalinlangan na sinabi ni Sei na sapat ang nalalaman nya sa pakikipag laban para matalo ang isang baguhan na kagaya ni Nathaniel at iginiit nya na gagawin nya ang bagay na iyon upang tulungan ang binata.


Dito rin ay pinapakalma nya si agane upang hindi ito masyadong mag alala sa magaganap na laban dahil nilinaw ni sei na wala syang balak na magpatalo sa laban na magaganap.


Habang naghahanda sila at pumepwesto ay nasa kabilang parte ng arena sila nathaniel kasama sina Suwi at  patuloy na nag tatalo.


" Hindi sumisira sa paninindigan, marami ka pang sinasabi kanina eh opportunista karin pala." Pang aasar ni Suwi.


" Ano? Hoy wag mo akong pag isipan ng masama nakikita mo naman na kahit anong pag tanggi ko ay pinipilit nya parin akong labanan sya. Wala akong pagpipilian kundi pag bigyan sya." Sagot ni Nathaniel.


Napailing na lang si Suwi at nakangiwi dahil sa pagkadismaya kay nathaniel ng marinig nya ang pag rarason nito at buo ang paniniwala na kaya nya tinanggap ang hamon ay para makuha ang pag kakataon na makasal kay Sei.


" Tama na ang pag papanggap, Masyado kang mataas mangarap para isipin mong maikakasal ka sa katulad nyang Irube eh isa ka lang namang hamak na tao." Sagot ni Suwi.


Dahil doon hindi na nakapagpigil si Nathaniel at pinatigil si suwi sa pagtapak sa kanyang pagkatao bilang tao at binangit na hindi kailangan maki elam pa ni Suwi sa mga bagay na walang kinalaman sa kanya.


" At wala naman masama sa gagawin ko dahil sino ba ang ayaw maikasal sa katulad nyang anghel? " Sambit ni Nathaniel.


Dito ay pinaalala ni Suwi na naiiba ang lahi ni Sei sa kanya at isa na rito ang edad nila dahil sa higit dalawang daang taon ng nabubuhay si Sei sa endoryo at dito ipinaalala ng dalaga tungkol sa binangit kanina ng binata na ayaw nito mag asawa ng mas matanda sa kanya.


" Apat na beses ang tanda nya saakin at base sa paniniwala ng mga taong kagaya mo ay halos apo ka na nya sa tuhod."   

Dahil sa pagkukumpara ng dalaga kay sei  sa edad nila ay hindi nagdalawang isip ang binata na magtanong kay Suwi kung bakit tila pinipigilan nya na maikasal ang binata at magkaroon ng masayang lovelife.


Derekta rin nyang sinabi sa dalaga na kahit na kaibigan nya ito ay hindi ito pwedeng magdesisyon sa kung sino ang dapat nyang pakasalan.


" at isa pa oo at matanda nga sya pero Mabait at maganda sya kumpara sayo na matanda na eh napaka bayolente pa." 


Bigla syang sinipa sa pwet ni Suwi at galit na binulyawan ang binata sa pang aasar sa kanya.


" Aray ko, nakita mo na? Napakabayolente mo kaya walang gustong makipag kaibigan sayo." sigaw ni nathaniel.


" Wala kang galang !" Sigaw nito.


" Gusto mong igalang ka pero hinahamak mo ako palagi." Sagot ni nathaniel sa dalaga.


" Blah blah blah, bahala ka sa gusto mo pero duda ako kung matatalo mo ang isang kagaya nya sa laban." Pagdusungit ni Suwi.


Pinaalala ni Suwi na kahit mabait at kalmado si Sei ay hindi ito magiging Columbus kung hindi ito mahusay dahil nangangahulugan lang nito na daan daang laban ang hinarap nito sa loob ng crimson game.


Dito nagyabang agad si Nathaniel na hindi dapat mag alala ang dalaga dahil higit sa sampung abilidad ang tinataglay  nya at isa na rito ang kapangyarihan ni juggernaut na gawing matibay ang kanyang baluti sa katawan.


Sigurado ang binata na hindi sya mapipinsalaan sa laban hangat determinado sya sa laban. Ipinaliwanag nya na kayang doblehin ng abilidad na nakuha nya kay Juggernaut ang depensa nya sa katawan hangat agresibo sya at nagtitiwala sa kanyang kakayahan.



Nagsimula ng maglakad si Sei sa gitna ng stadium upang pumwesto at iniwan sila agane sa kinaroroonan ng mga ito.


Kompyansa ang binata sa laban dahil alam nya ang detalye at kahinaan ng kapangyarihan ni Sei pero kahit alam nya na isang columbus si Sei ay wala talaga syang ideya kung paano ito nananalo sa laban.


Ang kaalaman lang nya ay limitado lang sa kung saan lang lumabas sa istorya ng manga si Sei at wala syang alam kung paano ito nanging columbus.


Napaisip sya bigla na kilalang mahinhin at hindi mahilig sa laban si Sei gayumpaman ang pag kuha ng titulo bilang columbus ay hindi ganun kasimple na kayang kunin ng sino man.


Ang bawat titulo ay ginagawad lang kapag nanalo ka sa Domination event. Ang domination event ay isang espesyal na paligsahan ng mga mandirigma na pasok  sa antas na kinakailangan


Kapag nakuha ng isang alpha ang sapat na puntos sa crimson game ay maaari na syang maging kandidato bilang kalahok sa domination.


Ang lahat ng kandidatong alpha ay kailangan manalo na sa isang battle royal kung saan may isang daang kalahok lang ang maaaring matira.


At sa pangalawang yugto ay kinakailangan manalo ang isang kalahok ng sampung beses sa dwelo laban naman sa kapwa kalahok. 


At sa huling yugto  ng paligsahan ay maglalaban laban muli ang sampung alpha na matitira sa laban at kung sino man manalo dito ay tatangahaling pinakabagong columbus.


Dahil sa pagbabalik tanaw ni Nathaniel sa mga detalye kung paano maging columbus ay lalo syang namangha kay sei dahil kahit na hindi ito madalas makipaglaban ay naging mahusay ito at kinikilala.


" Sa kabila ng hindi nya pagkahilig sa pakikipaglaban ay nagawa nyang manalo sa mga alpha class nakasing lakas ni agane talagang napaka pambihira nya." 



" Pero gayumpaman hindi naman mababago ang katotohanan na may kahinaan ang kanyang abilidad kaya naman hangat maiiwasan ko ang pag tingin sa kanyang mata ay wala akong magiging problema."  Sambit nya.


Habang naglalakad si Nathaniel palapit ay napansin nya na sinisimulan na ni Sei ang pag bulong ng magic spell.


Dito lumabas ang napakalaking magic circle sa lapag na halos sakupin ang boung stage. Kasabay nito ang paglitaw ng napakalaking orasan sa ibabaw nila.


" Ang isa sa  4th grade time manipulation spell. Ang Timekeeper  domain."


Napangiti lang ang binata at pinuri si sei sa napakagandang teknik na meron ito ngunit nagyabang din ito tungkol sa nalalaman nito.


Ipinaalam nya na maaari ngang mapahinto si Nathaniel sa pwesto at mapigilan sa pag atake ngunit hindi nya nakikita na mapapakinabangan ito ni Sei lalo na hindi nya pwedeng atakehin ang binata sa oras na mabalot sya ng spell dahil sa batas at kondisyon ng kapangyarihan nya na hindi pwedeng labagin ng gumagamit.


" Maliban doon hindi ka rin pwedeng lumayo sa gitna nito ng higit limang segundo dahil mawawala ang spell na hahawak saakin,tama ba?." 


Tahimik lang si Sei na nakikinig sa mga sinasabi ni nathaniel habang nag cacast ng magic circle kung saan lumabas ang kanyang sandatang kahoy.


" Natutuwa akong malaman na alam mo ang mga kakayahan ko at ang kayang gawin kung ganun hindi na ako mahihirapan." Sambit nito.


Nagtaka bigla si nathaniel sa nabangit nito dahil  imbes na mangamba ay tila mas naging kampante pa ito.


" Natatakot akong may mangyari sayong masama kaya umaasa akong nakahanda ka sa maidudulot kong pinsala sa iyong katawan kapag nagpabaya ka saating laban." Malumanay na sambit nito.


Napangiti na lang si Nathaniel at humanga sa kabutihang taglay ni Sei. 

Nahirapan itong magdesisyon na lusubin si Sei para saktan dahil sa pagiging mapagkalinga kahit sa kalaban.


Gayumpaman ay sinigurado nya sa dalaga na hindi ito magpapabaya kaya malayang gawin ni Sei ang lahat upang manalo.


" Kung ganun Simulan na natin ito." 


Inihampas ni Sei ang ribbon na hawak sa kahoy na nakatarak sa lupa at tumali dito. Sa pag hatak nito ay umangat ito sa lupa at boung lakas na ibinato ni Sei papunta kay Nathaniel.


" Sinasabi ko na yan ang gagamitin mong pang atake saakin, lumang istilo na yan." 


Sinubukan ni Nathaniel na tumalon palayo at maghandang ilagan ito pero bago pa sya makaalis sa kinatatapakan ay huminto na ang buong katawan nya .


Alam nya na pinagana na ni Sei ang kanyang time freeze pero tiwala pa rin sya na hindi sya pwedeng masaktan dahil protektado sya ng mismong teritoryo sa ano mang uri ng pag atake.


" Binalot nya ako ng spell nya kaya imposible nyang masaktan ako ng atake nya.'"  bulong nito


ganunpaman sa pagtama sa kanya ng pag atake ni Sei ay bigla syang tumalsik at bumaon sa may pader ng arena.


Nagulat ang lahat sa nangyari at hindi makapaniwala. Umingay ang paligid dahil sa mga sundalong pumupuri sa ginawang pag atake ni Sei.


" Teka akala ko ba hindi pwedeng  makatangap ng pinsala ang mga nasa kontrol ng kapangyarihan ng pagpapatigil ng oras?" 


Habang patuloy na kumakalat ang usok sa paligid ay biglang lumitaw sa tabi ni Sei ang kahoy na sandata nya kung saan ito nakapwesto kanina.


" Nagulat ako sa isang iyon." Sambit ni Nathaniel. 


Tumalon pabalik si Nathaniel sa stage na walang kapinsala pinsala sa katawan.

" Napakagaling, halos segundo lang ang pagitan nung tangalin mo ang spell saakin para magawa akong tamaan at dahil hindi na ako protektado ng spell ay alam mong mapipinsalaan ako sa gagawin mong atake." 



Napangiti at namamangha si Nathaniel at sa kabila ng pag hanga nito sa talino ni sei ay ipinagmayabang nya na ang armor nya ay halos katumbas ng isang 4th grade magic defence kaya bale wala ang ano mang uri ng pag atake sa kanyang katawan.


Nagulat ang lahat sa nabangit ni Nathaniel dahil wala pa silang nababalitaan na may normal na taong kayang makaabot sa ganung level ng magic defence maliban sa columbus na si Rei na isang prime human.


" Alam nyo masyadong nakakailang talaga lumaban sainyo pero kailangan kung umatake para manalo." Sambit nito habang nagkakamot ng ulo.


Kalmado naman si Sei habang  hinahamon si nathaniel na umatake atake at ipinaalala na nasa labanan sila kaya naman natural lang sa kanila ang magkasakitan.


" Gusto kong ipakita mo ang kaya mong gawin sa harap ko mismo."  Pag hamon ni Sei sa binata.


Dahil sa pag hamon sa kanya ng dalaga ay nag init bigla si Nathaniel at naglabas ng napakalakas na enerhiya.

Nagmula ito sa mga hiyas sa kanyang mga braso at binabalot sya ng puting enerhiya.


Unti unting nag alab ang paligid kasabay ang paglabas ng fire totem sa kinatatayuan ni Nathaniel.



" Isa sa napakagandang bagay sa abilidad ko ay kahit hindi ko na kailangan pag aralan ang mga teknik na sinasabi nyo ay kaya kong maglabas ng atake na tatalo sa sino man." 


Nagulat ang lahat sa napakalakas na apoy na ginagawa ni Nathaniel na syang lumalamon sa halos kalahati ng stage.


" Ang lakas ng isang natural na abilidad ay nakadepende sa tinataglay na enerhiya ng gumagamit kaya naman kung itutuon ko ang enerhiya ko sa pag papalakas nito ay  makakagawa ako ng napakalakas na pag atake." 


Walang reaksyon ang mukha ni Sei habang pinag mamasdan at pinakikingan ang pagyayabang ni Nathaniel.


" Napaka interesante . Kung ganun dyan pala nang gagaling ang lakas ng loob at bilib mo sa sarili."


" Mabuti yun para sayo." Dagdag ni Sei.


Nagliyab ang braso ni Nathaniel at mula rito ay nabuo ang napakalaking Nag aalab na ibon na halos sampung metro ang taas.


" Humanda ka na sei." 


Kumumpas ng kamay si Nathaniel kasambay ang mag atake ng dambuhalang apoy na ibon palusob kay Sei.


Walang bakas na pagkabahala sa mukha ni  Sei  at kalmadong nakatayo lang habang pinagmamasdan ang naglagablab at bumubulusok  na ibon papunta sa kanya.


Pumikit lang ang reyna habang naglalabas ng napakalakas na enerhiya sa katawan. 

Ilang saglit pa ay dumilat ito at pinagana ang kanyamg crimson eye.


Halos isang metro na lang bago pa tumama ang ibon sa kanya ay bigla itong naglaho na parang bula.



Walang natirang bakas sa ibon at maging ang apoy sa paligid ng arena ay naglaho dahil sa kapangyarihan ng time rewind ng mga mata ni Sei.


" Inaasahan ko na gagawin mo yan kaya naman ." 


Pagkatapos maglaho ng kanyang atake ay hindi nag sayang ng oras si Nathaniel at tumakbo papunta kay sei.


Alam nya na hindi makakagamit ng panibagong spell si Sei sa loob ng sampung segundo kaya naman gusto nya itong samantalahin.


Naglabas ng enerhiya ang cristal sa braso nya at naglabas ng battle gear na sumuot sa kamao ni Nathaniel.


Ang battle gear na ito ay isa sa sampung kapangyarihan ni Nathaniel na nakuha nya sa iba kung saan kaya nitong palakasin ang  suntok ng nilalang ng tatlong beses ang lakas.



Kahit na nakikita ni Sei na palusob sa kanya ang binata ay hindi ito nag pakita ng takot sa gitna ng kanyang kalagayan.


" Magagawa kong umatake sa kanya bago nya pa magawang makapag cast ulit ng spell . " 


Dahil sa alam na ng binata na kaikngan nyang samantalahin nag kahinaan ni sei ay gumamit sya ng enerhiya para maging maliksi para magawa nyang makalapit agad kay sei at walang alinlangan na umatake dito.


Tinangka nyang suntukin ito ngunit nagawa ni sei na makatalon palayo.


Sinubukan naman ng binata na sundan ang pag atake nito at pilitin na matamaan si sei.


Sunod sunod ang pag atake nito at hindi binibigyan ng pagkakataon si sei na maka paghanda.


Lalo pang naging agresibo si Nathaniel sa pag atake kaya naman walang nagawa si sei kundi tumalon palayo at patuloy na tumakas sa pag atake.


Habang nagaganap naman ang laban nila sei at nathaniel ay dumating ang ibang mga heneral kasama sina Aoi.


Dito ay nagtungo si Aoi sa lugar kung nasaan si Suwi at dali dali itong binati.


' Kamusta, Mukhang may interesanteng bagay ang nagaganap dito . "  Bati nito.


Hindi sinagot ni Suwi ang pagbati nito at umiling para magpatuloy sa panunuod.


" Teka wag ka naman ganyan, sinisikap kong maki sama at maki halubilo sayo kaya dapat maging mabuti ka rin saakin." Pag bibiro ni Aoi.


" Sinasabi mo yan habang tinitignan ako ng may pag kamuhi at galit, Nung una kitang makita alam ko na ninanais mo akong paslangin at seryoso ka sa bagay na iyon kaya sa tingin mo magagawa kong makisamaluha sainyo?" 


" Pero hindi kita masisisi dahil base sa pagkakwento ni reyna sei ay marami kayong naapektuhan sa pag atake ng mga soul eater at normal na magalit kayo saamin."  Sagot ni Suwi.


Napangiti bigla si Aoi at lumapit pa lalo kay suwi para tignan ito ng malapitan.


Nailang naman si Suwi at itibaboy si aoi at binantaan na wag lumapit ng basta basta sa kanya.


" Ano bang ginagawa mo? Pwede ba hindi ka basta basta pwedeng lumapit saakin kung ayaw mong mapahamak." 


Pinaalala nya na kahit na nakikita nyang may malakas na kapangyarihan si Aoi ay wala itong magagawa para protektahan ang kaluluwa nya laban sa soul eater na kagaya nya.


" Kaya ng abilidad namin na tumagos at bale walain  kahit ang 4th grade magic defence kaya hindi ka pwedeng maging kampante sa katulad ko." 


" Oh... Nakakatakot, Alam ko naman ang bagay na iyon pero malaki ang tiwala kong hindi mo naman kukunin ang kaluluwa ko at papatayin." 


Napangisi  na lang si Suwi at nabangit na maaari nya itong gawin ano mang oras at hindi nya rin napigilan na hindi punahin si Aoi dahil bilang isang heneral ay tila masyado syang nagiging pabaya na pwedeng magdulot ng kapahamakan.


Dahil sa pagiging masungit ni Suwi ay humiling ng pag unawa si Aoi at pinipilit parin ang kagustuhan nito na makipag kaibigan sa kanya. 


Binangit nya na wala syang intensyon na masama at bilang pinagkakatiwalaan ni Sei si Suwi ay kinakailangan ni Aoi na maging mabait sa dalaga alang alang sa kanyang reyna.


" Aaminin ko nasusuklam ako sayo nung una kitang makita doon sa base at gusto kitang paslangin noon sa kinaroroonan mo, gayumpaman dala lang din iyon ng matinding takot ." 


" Si reyna Sei ang buhay naming lahat at kinakailangan namin siguruhin ang kaligtasan nya, ako o ni Agane at  lahat ng sundalo ng galica ay handang gawin ang lahat para sa reyna kahit hindi man ito maging makatwiran para sa iba.


kaya intinidihin mo na lang ang naramdaman kong takot nung nalaman ko na may isang soul eater na pinapasok sa lugar kung nasaan ang aming reyna." Pagpapaliwanag nito.


Muling tumabi si Aoi sakanya kaya naman agad na lumalayo si Suwi dito para dumistansya kasabay ang pagtaboy muli kay Aoi.


" Pwede ba , wag ka sabihing lalapit saakin. Hindi ka ba nakakainitindi?" 


" Hindi ko yun magagawa dahil nais kong mapalapit sayo kaya naman kinakailangan kung mas lumapit pa sayo ."


Sa kabila ng mapagbirong mga hirit ni Aoi ay bigla itong napangiti at binangit kay suwi ang tungkol kay Xxv.


" Alam mo ba nung baguhan si Xxv  na sumama sa hanay namin ay parati nyang sinasabi ang isang kabaliwang bagay." 


Dito na kwento ni Aoi ang mga araw na sumasama si Xxv na tumapos ng misyon at magsanay sa gabay ni Sei. 


Nabangit nya na minsan nasabi ni Xxv na kaya nya pinipilit na maging malakas ay upang gumawa ng isang lugar kung saan payapang nabubuhay ang mga nilalang kahit saang lahi man sila nabibilang.


Inamin ni Aoi na pinagtawanan nya lang ang tila pantasyang pangarap na iyon ni Aoi dahil narin alam nya ang reyalidad at sitwasyon ng bawat lahi sa endoryo.


Gayumpaman ngayon lang napagtanto ng heneral kung para saan ang pangarap na nabangit ni Xxv at tila ba kahit na ilang beses itong bumagsak ay patuloy itong bumabangon upang maabot lang ito.


" Nakita ko kung paano pinilit ni Xxv na mabuhay sa laban at para iyon sa pangarap na iyon." 


" Sa tingin ko tunay ang pagmamahal sayo ng binata at maswerte ka sa taong iyon." Seryosong sambit ni Aoi.


Napayuko na lang si Suwi sa narinig nya tungkol sa pagmamahal ng kanyang asawa sa kanya at natuwa pero gayumpaman bigla syang nabahala nang maisip na nagsasakripisyo si Xxv alang alang parin sa kanya.


Alabngapoy Creator

Episode 42 part 2