Chapter 01 Part 1 " Angel of God"

Nathaniel POV.

Isang ordinaryong gabi sa aking maliit na apartment sa lungsod ng maynila. Payapa ang lugar habang natutulog na ang karamihan sa mga kapitbahay ko.

Tanging ang unit ko lang ang nag iisang maririnigan mo ng ingay sa lugar dahil sa nakabukas na telebisyon kahit na wala akong ganang manuod sa mga oras na iyon.

Para akong tangang nakatingala lang sa kisame kaharap ng TV habang nakaupo sa madilim na sala.
Muling tumunog ang cellphone ko dahil sa dumating na mensahe at kahit na malinaw ko itong naririnig ay wala akong balak na kunin ito upang tignan dahil nakakasiguro akong nag mula ito sa isa sa pinagkakautangan ko ng pera.

Manatili akong blangko na tila walang kabuhay buhay habang nakatulala sa kawalan at nanlalata na unti unting ibinagsak ang katawan sa sofa na inuupuan ko upang mahiga
.Isa itong ordinaryong senaryo para saakin sa bawat araw na lumilipas sa kasalukuyan kong kalagayan.

Puno ako ng kalituhan,pagkainis at pagsisisi dulot ng aking kinahantungan.
" Nakakasawa na ang ganitong buhay" bulong ko sa sarili.
Sa mga sandaling iyon ay maraming gumugulo saaking isipan kasabay ng takot na hindi ko na matatakasan ang tadhana ko.

marami ang nag sasabi na kailangan nang tao ng rason upang ipagpatuloy ang buhay. Isang pangarap na gusto mong tuparin ano man ang mangyari.

Pero kailan nga ba tayo kailangan tumigil sa pangangarap?
Kaya mo pa bang kumapit sa pangarap kung ang realidad ang humahatak saiyo upang bumitaw sa bagay na matagal mong pinagsikapan.

Siguro napakadrama at masyadong negatibo ang pinag iisip ko sa mga oras na iyon pero sa totoo lang hindi ako ganito mag isip Tama,Dulot ito ng kalungkutan at kamalasan na naranasan ko nitong nakalipas na buwan.

Nangyari ang lahat ng iyon dahil sa sinubukan kong baguhin ang lahat saaking buhay at imbis na mapabuti ay lalo itong lumala hanggang sa hindi ko na alam kong ano ang pwede kong gawin upang kumawala sa kinalulokmukan kung kadiliman.


__________________ ( kinabukasan) ______________

Ako si Nathaniel Muntingbato, Isang 25 years old comic artist, Otaku at isang NEET.

Maliban sa pagiging artist ay wala na akong magandang katangian na pwedeng ipagmalaki. Siguro kung meron man ay hindi ko pa ito natutuklasan at wala akong oras na tuklasin ito dahil nakuntento na ako sa mga kaya kong gawin sa pag guhit sa mahabang panahon.

Bilang Manga artist ay hindi sapat ang kinikita ko upang mabuhay mag isa at alam ko sa sarili ko na kailangan ko makahanap ng trabaho at kumita ng pera na pwedeng sandalan. Mahalaga para saakin ang pag guhit ko at naniniwala ako na kailangan gusto mo ang ginagawa mo upang masulit mo ang buhay habang nagtatrabaho. 

Pero iba parin ang gusto mong gawin sa dapat mong ginagawa, Iyon ang dahilan kaya kailangan kong itigil ang pag guhit ko at humanap ng totoong trabaho. Masama ang loob ko pero Isa yun sa masalimuot na katotohanan sa realidad na kailangan kong tangapin. 

Sa mga sumunod na araw ay nagsimula na akong humanap ng trabaho at umaasa na may mangyaring maganda sa bawat pag alis ko.
Hindi ko alam talaga kung mayroong ibang trabaho na nababagay saakin gayong ang tanging ang alam ko lang ay gumuhit.

Nakipagsapalaran ako at sinubukan na sumugal kahit na wala akong ideya kung anong trabaho ang pwede kong makuha basta ang alam ko lang ay dapat akong magkatrabaho sa lalong madaling panahon.
Magkagayumpaman ay mukhang hindi ako pinapalad at tila sinumpa na yata akong malasin at maging bano. 

Sa ilang araw kong paghahanap ng trabaho ay naging mailap ang swerte saakin at hindi yun maganda lalo pa at nagrerenta lang ako ng apartment.
Marami akong sinubukan na pasukan na trabaho pero lahat ito ay nabigo kong makuha dahil sa mataas nilang pamantayan.
Nakakainis dahil kung hindi sa gusto nila na mayroong sapat na karanasan sa trabaho ay naghahanap din sila nang may mas mataas na antas ng pinag aralan.

Gustohin ko man patunayan ang sarili ko ay hindi nila ako pinagbibigyan at kahit gaano pa ako maging masigasig ay balewala rin ito kung ang lahat ng tao ay binabalewala ako dahil lang sa hindi ko naabot ang pamantayan na tumatakbo sa kasalukuyan.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako pwedeng sumuko at manatiling positibo pero sa bawat araw na umuuwi akong bigo ay tila ba unti unti akong nagkakalamat at nawawasak.Nakakasawa ang ganito. 

Sa totoo lang napakahirap makibagay sa ibang tao.
Ayoko man aminin pero tila malaki ang deperensya ng kakayahan ko sa maraming tao pagdating sa maraming aspeto.
Nakakadismaya ngunit ano nga ba ang magagawa ko sa bagay na iyon? Naiisip ko rin kong mananatili ba ako magiging ganito.

Ang kabiguan makuha ang pangarap, Ihinto ang mga bagay na gusto mong gawin at maging mag isa.
Sa tingin ko isa yung malaking kabiguan sa buhay.
Hindi ko ito pinili.
Hindi ko gusto ang ganitong tadhana. 

Kagaya ng mga nakalipas na araw ay umuuwi ako sa tinitirahan kong apartment bago magdilim at muling maghihintay sa madilim na kwarto na matapos ang araw.

Mga paulit ulit na senaryo sa bawat araw na lumilipas At sa totoo lang ay wala naman akong magagawa kundi maging matatag na lang araw araw.
Sa pagkakataon habang ako nalulokmok at down na down ay hindi ko napansin na may nanunuod saakin mula sa labas ng aking tinitiran.
Isang nilalang na babago ng matindi sa buhay ko sa kakaiba at nakakabaliw na paraan. Isa lang naman akong normal na tao na may normal na pamilya na nakatira sa normal na bayan.

Sa sobrang normal ay wala akong nararamdamang excitement sa buhay at dahil doon naghanap na lang ako ng paglilibangan.


______________{ pag alala sa nakalipas )_________________


Simula pagkabata ay palagi ng pinupuna ng magulang ko ang pag guhit ko dahil sa nababaling ang oras ko dito imbes na mag aral.

Aminado akong hindi ako matalino sa pag aaral at tamad kahit alam ko ang katotohanang kinakailangan ko ng kaalaman at diploma para mapabuti ako sa hinaharap.
Hindi ako sutil na bata na nagrerebelde sa magulang pero siguro dahil ito sa nawalan ako ng interes sa mga bagay bagay dahil sa pagiging normal. Nawalaan ako ng gana makisama at makihalubilo sa ibang tao hanggang sa mapagtanto ko na tuluyan na akong lumayo sa mga nasa paligid ko at makuntento na lang sa pag guhit sa isang sulok sa bawat araw na lumipas.
Palagi akong mag isa. Wala akong ibang pwedeng sabihan ng mga problema ko.
Hindi ko alam kong may ginawa akong mali sa ibang tao,

Pero pakiramdam ko nilalayuan ako ng iba at itinuturing na balewala.Unti unti kong napagtatanto na hindi ako nabibilang sa mga tao sa paligid ko dahil lang sa magkakaiba naming mga hilig at kaugalian.

Nakukulong ako sa kalungkutan dulot ng pag iisa at tila ba nakikita ang sarili na naka upo sa isang madilim na sulok habang nilalayuan ng mga tao.Lahat sila lumalayo, lahat sila.



___________________________

Sa kasalukuyan ay pinili kong magbago. Sinubukan kong sumugal at maglakas ng loob na harapin ang realidad. Inakala ko noon na may exciting na mangyayari sa normal na buhay ko kapag nagawa kong ibahin ang mga ginagawa ko sa araw araw.
Pero ang pagbabago ay hindi madalas maganda ang kinakalabasan dahil ang boring na normal na buhay na nirereklamo ko ay naging komplikado at mahirap pa.

Maraming nagbago sa buhay ko simula ng mamuhay ako ng mag isa. Iniisip ko na kailangan kong patunayan ang sarili ko na kaya ko rin mabuhay na hindi dumedepende sa ibang tao.

Sumugal ako kahit na hindi ko isinaalang alang ang limitadong bagay na meron ako magmula sa abilidad at ugali na maaari kong magamit para makasabay sa lipunan na ginagalawan ko. Isa akong introvert at noon pa man hindi na ako sanay makisalamuha sa ibang tao at iyon ang dahilan kaya mas pinili kong maglaro at manuod na lang ng anime.

Masyado akong nahumaling sa pagiging fanatiko ng anime kaya wala akong ginawa sa mga libreng oras ko kundi magbasa,manuod at maglaro.

Nangongolekta rin ako ng mga anime mechandise bilang libangan.Ito ang nagsilbing stress reliever ko sa bawat araw.Hindi ko alam kong masama o mabuti pa para saakin ito ngunit komportable akong gawin ang mga bagay na ito.

Mabuti na lang at may mga nakilala akong mga kaibigan sa internet. Karamihan sa kanila ay katulad ko rin na gustong takasan ang kanilang realidad at nagpapalipas ng oras para kalimutan ang mga problema na hinaharap sa araw araw.

Ang paglilibang gamit ang panunuod ng anime ay nagiging sandata namin para mawala ang napaka komplikado at boring na buhay.

Ngunit kahit na marami akong kaibigan sa internet na pwedeng makausap ay tila may kulang parin saakin.
Tama, hindi maaalis ang katotohanan na nag iisa parin ako sa loob ng madilim na kwarto ko.

Ako lang at walang ibang kasama at sa mga oras na patayin ko na ang computer ko ay nagsisimula ng bumalot sa paligid ko ang nakakabinging katahimikan.

undefined

 -------------------------------------end of part 1 ----------------------

AUTHOR'S NOTE: pwede nyong mabasa ang komiks version nito sa mismong site ng webkomph
search nyo lang ang name ng author ( alab ng apoy ) at tignan ang listahan ng aking mga gawa 

undefined

pwede nyong rin mabasa ang KOMIKS nito sa Komiks Category, isearch lang ito sa Website

Alabngapoy Creator

CHAPTER 1 PART 1