Chapter 27 part 1 


Ilang oras pagkatapos makaalis ng pwersa ni Nyabu sa bayan na hinintuan nila kasama ang dagdag na pwersa ng Galica.


Halos limang libong sundalo ang nadagdag sa kanilang hanay sa pamumuno ng heneral na si Fumi.


Ang Red hair guy na may takip sa mata na si Fumi ay kabilang sa lahi ng Habino, mga nilalang na gumagamit ng kapangyarihan ng mga diwata.


Kagaya ni Agane ay isa rin syang Alpha at tapat na alagad ni Sei na nangangalaga sa mga bayan na sakop ng kaharian. Kilala sya sa kakayahan ng kanyang mga mata na kayang magbigay ng sumpa sa mga kalaban sa sandaling oras.


Nakasakay sila fumi sa malaking karwahe sa unahan ng hanay kasama sila Toto at Nyabu. Isa itong bakal na sasakyan na ginagamit ng mga opisyal ng eskapa.


Kahit na nakatakip ang mata nalalaman ni Fumi ang kinikilos ng nasa paligid nya dahil sa enerhiya kaya batid nya na tila balisa si nyabu at naiinip sa paglalakay nila.


Alam nya na hindi ito mapakali dahil sa pangamba na may masamang mangyari sa kanilang heneral kaya naman kinausap nya ito upang tanungin.


" Nag aalala ba kayo sa inyong heneral?" 


Hindi nakasagot ang dalawa sa biglaang tanong nito sa kanila at nagsimulang mag kwento tungkol kay ataparag.


Ipinaliwanag ni Nyabu na maraming beses na nyang nakitang makipaglaban si Ataparag at maging sya ang kumbinsido na napakalakas nito kahit na hindi pa nito nilalabas ang tunay na anyo nya bilang halimaw.


" Ang Paraan nya na gamitin ang mga insekto para higupin ang enerhiya ng kalaban at maging bomba upang pasabugin ay talagang kahanga hanga." 


"  Matalino rin ang heneral at kaya nyang mailagay ang mga insekto nya sa mga kalaban ng hindi nila napapansin gamit ang pagpapakawala ng enerhiya at sumabay sa hangin." Dagdag nito.


Pinuri ni Nyabu ang husay ni Ataparag sa pakikipaglaban gayumpaman ay labis parin syang nangangamba dahil mag isa lang ito at sa oras na umabot sa limitasyon si ataparag sa pag gamit ng kapangyarihan nya ay malaki ang tyansa na manganib ito.


Nakakasama nya sa laban si ataparag sa mga misyon at alam nya na kinakailangan ng ilang segundo upang makapaglabas ng insekto si ataparag at para sa kanya kung may malakas na nilalang ang humarap kay ataparag na malalaman ang kahinaan nito ay maaaring manganib sya.


Habang nagpapaliwanag si Nyabu ay biglang sumabat si Fumi.


" Sa tingin ko hindi yan ang tunay na dahilan kong bakit ka masyadong nag aalala." Sambit ni Fumi.


" Huh? Ano po?" 


" Naaalala ko na kayong dalawa ang pinag bantay kay Ataparag at inutusan para sa isang misyon, tama ba?" 


Dito sinabi ni Fumi ang tungkol sa misyon nila Nyabu na bantayan si Ataparag at batid nya na naging malapit na sila sa kanilang heneral sa lumipas na mga taon.


Sinabi nya rin na hindi nya rin masisisi ang dalawa kung maging malapit ito at ituring na pamilya si Ataparag gayung ibang iba na ito at kumikilos na tila ba isa itong ganap na taong may puso.



Ikwinento ni Fumi na minsan na nyang nakasama si Ataparag at nakumbinsi na talagang nagbago ito ng kinikilos,ugali at pananaw mula nung araw na tangapin sya ng kanilang reyna.

" Alam ko rin na nag aalala kayo na malabag ni Ataparag ang kanyang sinumpaan pangako sa kamahalan diba?" 


Hindi sumagot si Nyabu sa tanong na iyon pero bakas sa mukha nya ang katotohanan.


Ipinaalala ni Fumi na pinadala sila doon para bantayan si Ataparag at patayin sa kaling muli syang kumain ng ibang nilalang .


Dahil sa narinig ni Nyabu at hindi nya naiwasan mapailing dahil alam nya na kinakailangan nyang paslangin si Ataparag ano mang oras at dahil mag isa lang si Ataparag na haharap sa kalaban ay maaaring malabag nya ito upang matalo ang libo libong halimaw.


Sandaling tumahimik ang lugar ng hindi kumibo ang mga ito at ilang segundo pa lumipas ay napabuntong hininga si Fumi habang  sinasabi na wag alalahanin ang kanilang misyon.


" Ang totoo hindi talaga seryoso ang kamahalan sa inatang sainyong misyon, hindi ko nga alam kong bakit nya iyon nasabi sainyo."


Nagtaka bigla si Nyabu sa sinabi ni Fumi at agad na tinanong kung ano ang ibig sabihin ng heneral tungkol sa nasambit nya. Malaki ang pag galang at pag hanga ni Nyabu kay sei at alam nito na ang lahat ng pinapagawa nito ay mahalaga at planado kaya naguluhan ito ng sabihin ni Fumi na hindi ito seryosong bagay.


Dito sinabi sa kanila ni Fumi na ang tunay na dahilan kaya inutusan sila na bantayan si Ataparag ay upang tuluyang mabago ang pamumuhay at maunawaan ni Ataparag na mabuhay ng normal kagaya ng ibang nilalang.


Ito ay alinsunod parin sa pangako ni Sei na bigyan ng panibagong buhay si Ataparag pagkatapos nitong makipag kasundo sa kanya.


Ipinaliwanag nya na nabuhay si ataparag bilang mabangis na halimaw ng mahabang panahon at normal sa kanila ang kumain ng ibang nilalang lalo na ang mga tao .


Naisip ni Sei na kailangan ni  Ataparag ng makakasama at upang lubusan nyang maunawaan ang kahalagahan ng buhay kaya naman binigyan sya ng team na makakasama sa araw araw.


" Sa nakikita ko itinuring na kayong kapatid ni Ataparag at sa tingin ko tagumpay ang naging misyon nyong dalawa." Dagdag ni Fumi.


" Huh? Pero paano ang misyon tungkol sa pagpaslang sa kanya? Hindi ba kailangan maibalik ang crimson item sa kamahalan?" Tanong ni Nyabu.


Sa pag papatuloy ng pag uusap nila ay nilinaw nya na hindi ganun kahalaga kay Sei ang Crimson item at nasabi nya lang ito upang may gawin sila sa oras na magwala si Ataparag.


Ipinaliwanag nya na siguro naisip ni Sei na kapag dumating na ang oras na kinatatakutan nya ay walang kung sino man sainyo ang magtatangkang upang pigilan si Ataparag kaya naman inutos ni Sei ang pagpaslang dito.


Gayumpaman hindi nya rin tiyak ang kanyang sinasabi gayung alam nya na walang sino man sakanila ang kayang pigilan si Ataparag at kaya nitong paslangin ang sino man ng walang kahirap hirap.


" Teka iniisip nyo ba talaga kaya nyong pigilan si heneral Ataparag kapag kumain na sya ng iba at magsimulang pumatay ng mga nilalang? " 


" Napaka imposible na magawa nyo syang patayin o kahit mapuruhan man lang dahil isa sya sa grand chaos." 


Nagulat si Nyabu sa nalaman nya tungkol kay Ataparag dahil narin bilang isang katsuki ay may kaalaman din sya sa demon continent at alam nya ang tungkol sa mga kinatatakutang hari ng mga demon beast.


Ang demon continent ay pinamumunuan ng pitong hari na tinatawag na grand chaos at kilala ang mga ito bilang mga malalakas na nilalang 


" Ang sabi sa libro ay nagtataglay daw ng napakalakas na kapangyarihan ang mga hari ng demon continent kaya naman nagpapatuloy ang kanilang mapupuno sa mga uri nila." 


Batid ni Nyabu na malakas si Ataparag ngunit tila nag dududa sya na isang Demon beast king si Ataparag lalo na wala itong malakas na awra ng kasamaan.


Ayon sa nalalaman nya ay nag uumapaw ang enerhiya at kapangyarihan ng mga hari ng demon continent na mahahalintulad sa isang columbus o warlord.


" Wala naman duda iyon at ang totoo wala nagawa ang limang heneral kasama na si Agane sa kanya noon para pigilan sya." Sambit nito.


Ikwinento nya na si Ataparag lang ang tanging nilalang na nagawang kumalaban sa kanila ng sabay sabay sa isang laban.


" Tanging ang kamahalan lang ang tanging kayang makipagsabayan sa kanya noon." Dagdag ni Fumi.


Nabangit din ni Fumi sa kanilang pag uusap ang naganap na misyon na inutos ng eskapa kay sei na pabagsakin ang kaharian ng Hebero sa demon Continent dahil sa sunod sunod na pag atake nito sa mga bayan na sakop ng eskapa.


Tumagal ng dalawang araw ang pakikipag digma nila sa kaharian at sa huli nagawa ni Sei na magapi ang hari nito at tuluyang mapabagsak.


Sumuko si Ataparag at nakipag kasundo kay Sei na isuko ang kaharian kapalit ng pagbibigay sa kanya ng pag kakataon na mabuhay ng normal.


" Mabuhay ng normal? Hindi ko maunawaan kung bakit hihilingin ng isang hari ng mga halimaw ang mabuhay ng normal?" 


" Alam ko ang nararamdaman mo dahil mahirap din kasi paniwalaan na ipagpapalit nya ang lahat para lang sa napakasimpleng bagay." Sambit ni Fumi.


Alam nila ang karangyaan,katayuan at kapangyarihan na meron sa pagiging hari at sa higit daang taon ay hindi nila binitiwan ito gayumpaman naiiba ang sitwasyon noon ni Ataparag at nag bago ang lahat dahil sa isang pagkakamali.


" Pagkakamali?" Tanong ni Nyabu.


Sa pagkakataon na iyon ikwinento ni Fumi na nagmula si Ataparag sa lahi ng Genion at demon beast na bihira lang mangyari.


" Genion? Parang narinig ko na ang bagay na iyon." ?


" Genion ang tawag noon sa mga soul eater bago pa ang unang digmaan ng lahi " sagot ni Fumi.


Gayumpaman kahit na nagmula sya sa lahi ng genion ay nagingibabaw ang pagiging demon beast nito at hindi rin ito natutong kontrolin ang natural na abilidad ng mga genion sa pag mamanikula ng mga ispirito.


" Ganun paman nakuha nya ang abilidad ng mga ito na makuha ang enerhiya ng mga nilalang na kinakain nila." 


Ang espesyal na katangian na iyon kaya nagawa ni ataparag na mangibabaw sa lahat ng kanyang kalahi at hangang sa maging isang hari ito ng napakahabang panahon.


Pero ayon kay Ataparag ay bago ang pag atake ni Sei noon ay nakaharap nya ang ilang myembro ng Cross guard at doon sya nakagawa ng isang pag kakamali na babago sa lahat sa kanya.


" Sa naganap na laban nya sa Cross guard ay kinain nya ang ilang myembro nito upang dagdagan pa ang kanyang enerhiya at makuha ang mga abilidad nila." 


Ipinaliwanag nya na hindi lang ang enerhiya ang maaaring makuha nya sa mga nakain nya maging ang emosyon, ugali,tradisyon,alaala at iba pa.


Sa ganung kadahilanan kaya nagbago ang pananaw at pagtingin nya sa mundo at binangit na maaaaring ang ataparag na kilala nila ay hindi ang halimaw na kilala bilang isa sa Grand chaos.


" Ganunpaman alam ng kamahalan na maaaring magbago ulit ang katauhan ni Ataparag sa oras na kumain ulit sya ng ibang nilalang kaya naman nabuo ang kanilang kasunduan at pinagbawalan sya na gawin ito ulit." Dagdag nito.


" Ganun pala, ngayon alam ko na kung bakit nasabi ng kamahalan na espesyal ang heneral." 


" Pero nagtataka lang ako kung bakit hindi ko nararamdaman ang malakas na enerhiya sa katawan ng heneral?" Tanong ni Nyabu.


Ipinaliwanag ni Fumi na dahil sa crimson item na suot ni Ataparag ay nai seal lahat ng kanyang kapangyarihan dahil narin sa hindi kakayahanin ng katawan nyang tao na magtaglay ng napakalakas na enerhiya.


" Sa makatuwid nung tangapin nya ang crimson item ay isinuko nya na rin ang kapangyarihan nya bilang Grand chaos." Dagdag nito.


Naging malinaw kay Nyabu ang tungkol sa kanyang heneral at kung bakit parang naiiba ang ugali nya kahit na isa syang demon beast.


 Dahil sa nalaman nya ay medyo napanatag ang isip nya dahil alam nya na hindi nya kailangan na mangamba na maharap sa panganib si Ataparag dahil mayroon itong tinatagong napakalakas na kapangyarihan.


Biglang napayuko si Fumi habang sinasabi ang palagay nya kay Ataparag.


" Tatapatin na kita dahil hindi na sya kasing lakas katulad ng dati na nilabanan nya kami noon pero isa lang ang masisiguro ko sayo na hinding hindi basta mamamatay sa laban si heneral Ataparag." 


Napangiti na lang si Nyabu bakas ang pagkakampante dahil nalalaman nya kung gaano ka alisto at maabilidad si Ataparag pag dating sa laban kaya alam nya na magagawa nitong mabuhay hanggang makarating ang tulong nila.


"  Isa lang ang pinangamgambahan ko sa ngayon tungkol kay Ataparag." 


Napabuntong hininga si Fumi at binangit ang isang bagay na maaaring magpabago ng sitwasyon ni Ataparag kahit na hindi sya kumain ng nilalang.


" Anong ibig nyong sabihin? " Tanong ni Nyabu.


" Kapag naisip ni Ataparag na wasakin ang Crimson item at bumalik sa pagiging halimaw para talunin ang kalaban nya ay hindi na muli pa syang makakabalik pa sa anyo nya bilang tao." Sambit nito.




Alabngapoy Creator

Part 1 chap 27