Chapter 3 part 1
" Ang Endoryo "
.
.
XXV's POV.
Paano kung nabubuhay ka sa mundo na pinatatakbo ng mapapanganib na laro kung saan ang malalakas lang ang mabubuhay at ang mahihina ay mamamatay.
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang magmamahal mo bilang pamilya,kaibigan,asawa at bilang tao sa isang mundong walang liwanag at pag asa.
Ito ang endoryo, Isang marahas na mundo kung saan naninirahan ang ibat ibang nilalang na nag aasam ng napakaraming tagumpay sa crimson game upang tanghaling bilang pinaka malakas at mapabilang sa mga demon lords na umaangkin at namumuno sa mga bansa at kaharian sa boung planeta.
Naging normal na ang pumatay at magsakripisyo sa mundong ito alang alang sa mga bagay na mahalaga saiyo at ngayon ay nakahanda na akong gawin ang mga bagay na ito para sa mahal ko.
Sa isang madilim at masukal na gubat na tinatawag na dark forest ako dinala ng mga paa ko.
Ang lugar na ito ay espesyal saakin kahit na isa lang itong masukal na gubat kung saan naninirahan ang mga mapanganib na halimaw.
Bawat paghakbang ko pasulong ay naaalala ko ang mga nakaraan kung saan isa lang akong mahinang nilalang na gusto pang mabuhay sa malupit na lugar na ito.
Dito sa lugar na ito naiipon ang mapapait na sandali ng buhay ko ngunit dito rin sa kasumpa sumpang lugar na ito unang nakilala ko ang pinaka mamahal ko.
Ang nilalang na nagbigay ng mga bagay na mayroon ako at syang kaisa isang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mala impyernong mundong ito.
Ngunit ngayon araw, sa mismong lugar kung saan nagsimula ang lahat ay dito ko rin napagpasyahan tapusin ang lahat at magsakripisyo para sa endoryo.
Ilang hakbang pa papasok ng pinaka pusod ng kagubatan ay naghihintay ang nilalang na sinadya ko sa lugar na iyon.
Wala akong nararamdamang takot at ano mang pag aalinlangan kahit na alam ko na maaaring hindi na ako muling sikatan ng araw kinabukasan.
" Napakaraming buhay ang naging kapalit ng iyong kasakiman at mga makasariling pagnanais na manalo sa mga laro. "
Kahit na gabi ay naiilawan ng liwanag ang buong kagubatan na iyon dahil sa bilog na buwan ngunit kung gaano kaliwanag ang bagay na ito ay kabaliktaran nito ng kadiliman na mayroon sa babaeng nasa harapan ko.
Hindi ko maaninag ang kabuoan ng mukha nya dahil nakatalikod sya sa liwanag ng buwan habang nakatapak sa ulo ng higanteng ahas na halos limangpung talampakan ang taas.
" Nagkakamali ka dahil hindi ako o ang laro ang may kasalanan kung bakit sila namatay kundi ang kanilang kamangmangan at sariling kahinaan."
" Kaya tigilan mo na ang pagkalaban saakin dahil wala ka namang magagawa para pigilan pa ako na makuha ang boung mundong ito." Sambit nito saakin.
Ang nilalang na iyon ay ang bagong warlord ng endoryo na nagmamay ari ng halos 1/3 ng boung planeta dahil sa mga tagumpay sa digmaan.
Siya ang pinakamasamang nilalang na lumipol sa mga bansang hindi kabilang sa kanyang nasasakupan.
Walang katumbas na lakas ang tinataglay nya iyon ang dahilan kung bakit nilalamon sya ng kasakiman at kasamaan.
" Mas mabuti pang maupo ka na lang at maghintay hanggang sa maihandog ko saiyo ang isang bagong mundo." sambit nya saakin.
Napakatagal kong tiniis ang lahat para sa ikakabuti ng lahat at bilang isa sa mga tagapagligtas ay responsibilidad kong tapusin ang ano mang uri ng kasamaan.
Maging kapalit man nito ng buhay ko.
" Tumahimik ka! Kailan man hindi ako makakapayag na magtagumpay ka. " sagot ko sa kanya.
Pinipilit kong maging matapang habang sinasambit ko ang mga salitang iyon sa pinaka kinasusuklaman ng mundo at iyon ay walang iba kundi ang pinaka mamahal kong asawa.
Tama, ang nilalang na nagbigay ng liwanag sa buhay ko upang ipagpatuloy ang buhay na ngayon nagbibigay ng kadiliman at naghahatid ng kamatayan sa milyon milyong buhay.
Ipinapangako ko na itutuwid ko ang lahat ng pagkakamali nitong ginawa at wawasakin ang lahat ng mayroon ito sa mundong ito.
" Isinusumpa ko na kukunin ko ang lahat ng mayroon ka hanggang sa walang ibang matira sayo kundi ako na lang. " Sambit ko rito
Masakit sa kalooban ngunit yan na lang ang pwede kong magawa upang mailigtas ang iba at ang baliw kong asawa.
Nababalot na sa kasamaan ang pagkatao nito at kagaya ng inaasahan ay wala syang ipinakitang ano mang reaksyon sa muli naming pagkikita kundi ang nakakatakot nyang mga ngiti.
" Nanghihinayang ako sa pagod mo dahil sisiguruhin kong mabibigo ka, mahal kong asawa." Sambit nito.
Tama, Sya si khan zhui, isa syang soul eater na kumakain ng mga kaluluwa kaya sya kinatatakutan ng marami, maraming bagay ang nangyari na nagpabago sa kanya mula nung nagsama kami ngunit naglaho ito ng piliin nyang lamunin ng kadiliman.
Alam ko sa mga oras na iyon na maaaring hindi ko sya makukumbinsi sa mga nais kong mangyari kaya naman agad kong binunot ang espada ko at umamba dito.
Kahit na nababalot ng kadiliman ang boung pagkatao nya ay hindi nagbago ang natural nitong ganda at alam ko na sa loob nya ay naaalala parin nya ang lahat ng mga pinagsamahan naming dalawa.
" Tunay na walang kupas ang iyong ganda mahal ko pero sa tingin ko kailangan kitang putulan ng mga kamay at paa upang hindi ka na makaalis sa bahay natin.
Doon ka na lang maupo at maghintay sa pagdating ko habang inililigtas ko ang endoryo. "
Isa syang mandirigma noon pa man at kilalang berdugo pero ang hindi alam ng mga tao ay isa parin syang mahiyain at malambing na babae na nagpupumilit maging malakas,mapagmataas at matapang para lamang katakutan ng iba at umaasa akong ganun parin sya hanggang ngayon.
" Masaya akong marinig yan mula sayo ngunit hindi ako saang ayon sa nais mo. "Sagot nya saakin.
Lumitaw ang espada sa kamay nya at itinaas ito kasabay ang pagsiklab ng nag uumapaw na enerhiya.
Sa pagkakataon na iyon ay sinimulan kong umatake gamit ang isang blade strike na humihiwa sa lahat ng bagay na matamaan ng pulang apoy na nilalabas ng espada ko.
Tinapatan nya lang ito ng isang wasiwas ng kanyang espada at kumawala dito ang isang kulay lila na apoy.
" Kung gusto mo talaga akong matalo ay kailangan mong maging mas desperado." Sambit nito na tila minamata ang kakayahan ko.
Sumabog ang lugar sa pagsalpok ng mga atake namin at sa sobrang lakas ay gumawa ito ng makapal na usok na bumalot sa boung lugar.
Wala akong makita dahil sa usok ngunit nararamdaman ko ang masamang presenya na bumabalot sa paligid.
Natuto akong makiramdam gamit ang pandama at pandinig kaya kahit wala akong makita ay nagawa kong maiwasan ang dambuhalang ahas nito.
Lumabas ito mula sa usok at bumulaga para lamunin ako ng buo. Nagawa kong tumalon ng mataas upang iwasan ang atakeng iyon at sa ere ko mas malinaw na nakikita ang boung lugar na pinaglalabanan namin.
Hindi ako dapat magpakampante dahil ako ang dehado sa laban na ito kaya kailangan kong lumaban ng seryoso.
Habang lumulutang sa ere dahil sa pagtalon ay biglang sumulpot sa likod ko si zhui at umamba ng pag atake.
Naramdaman ko agad ang kilos nya dahil sa matinding presensya na tinataglay nya kaya naman naiwasan ko ang pagtama ng espada nya.
Nahawakan ko ang mga kamay nya upang hindi nya ito magamit laban saakin at dahil doon nagbukas ang pagkakataon ko na umatake sa kanya ng malapitan.
Buong pwersa kong isinaksak sa kanyang dibdib ang espadang hawak ko at nagawa ko itong patagusin hanggang likuran ng aking asawa.
Sa pagkakataon na iyon ay bahagyang napatigil ito at nabitawan ang hawak nitong espada.
Nagawa kong masaksak si zhui.Tama, pinapaslang ko sa mga oras na ito ang pinakamamahal ko na pinangakuan ko ng proteksyon habang buhay.
Gayumpaman inakala ko na maaapektuhan sya sa ginawa ko ngunit sa gitna ng kanyang pananahimik ay bigla syang ngumuti.
Nanumbalik ang nakakatakot nyang ngiti sa kanyang mukha na nagpapakita ng kanyang labis na kasamaan.
" Napakasarap sa pakiramdam. "
" Ganito mo ba ipaparamdam ang iyong wagas na pagmamahal? " Sambit nya
Nagulat ako sa nangyari pero bago pa ako makagawa ng ano mang aksyon ay hinawakan nya na ang braso ko gamit ang dalawang kamay upang hindi ko mabunot ang espada na nakabaon sa katawan nya.
Naglabas sya ng nakakatakot na presensya na nagpapatindig sa balahibo ko. Isang presensya na nagpapatunay kung gaano sya kalakas.
Wala akong magawa upang pumalag sa higpit ng pagkakahawak nya at habang pabagsak kami mula sa ere ay may itim na bagay na lumitaw sa likod nya.
Lumabas sa likod nito ang higanteng ahas na kanina ay nasa lupa at habang nasa ere kaming dalawa ay binabalak nitong lamunin kami ni zhui.
Kitang kita ko mula sa likod ni zhui ang pagbulusok nito palapit saamin at alam kong delikado ako kung magagawa nitong kainin kami, gayumpaman ay wala akong sapat na lakas upang mapabitaw ang asawa ko sa braso ko.
Sa mga oras na iyon biglang binulungan ako ni zhui habang nakangiti saakin.
" Kapag kinain kita ngayon dito ay matatapos na ang lahat ng problema ko sa Eskapa. "
" Babagsak ang moral ng alyansa at mawawala na ang sagabal saakin upang magtagumpay. "
Marami na ang nalagas saaming panig at dahil sa labis na kapangyarihan ni zhui dahil sa pag kain ng mga nilalang ay miski ang mga pinuno ng Eskapa na aking mga pinaglilingkuran ay walang magawa sa kanya.
Hindi na magtatagal ang grupo namin at tuluyan nang kakalas ang mga bansa sa alyansa sa oras na mawala ang mga tagapagligtas ng grupong Eskapa na kinabibilangan ko.
Ito na ang wakas namin ngunit sa isang banda ay hindi ako nawawalan ng pag asa, ako lang ang taong pwedeng pumigil sa asawa ko at alam kong responsibilidad ko ito bilang asawa nya.
" Kung ganun gawin mo. " Matapang na hamon ko.
Kung sa tinataglay na lakas at enerhiya ay wala akong laban sa kanya noon pa man ngunit ang katotohanan na hindi nya ako kayang paslangin sa bawat laban namin ang nagpapatunay na naaalala nya ang lahat ng pinangako namin.
Patuloy akong umaasa na
magbabalik ang dating asawa ko bilang mahiyain at malambing na babae na ngangarap noon na magkaroon ng bayaning magliligtas at mag hahatid sa kanya sa isang payapang lugar upang mamuhay.
" Kapag kinain kita dito ngayon ay habang buhay ka nang nasa akin at kailan man hindi na tayo maghihiwalay. " Bulong nya saakin.
Hinawakan nya ang pisngi ko at dahan dahan na inilapit ang mga mukha habang binabanggit ang mga katagang.
" Habang buhay sa piling ko,mahal ko. "
Dumampi ang labi nya saakin. Isang halik ng isang nagmamahal na punong puno ng kalungkutan at pangungulila.
Kahit hindi nya sabihin ay sapat na ang halik na iyon para ipaalam nya saakin ang pananabik nya sa muli naming pagsasama.
Dito ko unti unting naramdaman ang pagka awa sa asawa ko pero sa kabila ng katotohanan na mahal ko sya ay kailangan kong itutok ang espada ko laban sa kanya hindi lang para sa mga natitirang nilalang sa endoryo kundi para rin saaming dalawa.
Sa gitna ng nakakatakot na presensya na nagpapakita ng kanyang kataasan at kapangyarihan na nagmula sa kasamaan ay nakikita ko ang mga nalulumbay na mga mata na ngayon ay lumuluha sa harap ko.
Nararamdam ko sa mainit na labi nya ang pagmamahal na kanyang ibinibigay saakin at kahit hindi nya sabihin ay alam ko na tulad ng dati ay hindi nagbabago ang kalooban nya.
Sa gitna ng nakakatakot nyang imahe bilang warlord ay alam ko na sya parin ang mahiyain at malambing kong asawa na naghahanap ng bayaning magliligtas sa kanya.
Wala na akong magawa at parang napapagod na rin ako sa tila walang katapusang pakikidigma.
Ninanais ko na lang sumuko ngunit kapag ginawa ko ito ay mabibigo ko ang milyon milyong nilalang sa endoryo.
Higit sa lahat ay mabibigo ko ang pangarap ng asawa ko na magkaroon ng bayaning maaaring magligtas sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at unti unting pinikit ang mga mata kasabay ng daan daang alaala na sumasagi sa isip ko.
Mga masasaya,malulungkot at mahahalagang alaala nang aming pinagsamahan.
Ilang saglit pa tuluyan na kaming nilamon ng higanteng ahas at bumagsak ito sa kalupaan.
Wala akong ibang ninanais kundi ang payapang mundo kasama ang pinakamamahal ko ngunit dahil sa Crimson game ay kinailangan nyang maging masama upang siguruhin ang pangarap na iyon para saaming dalawa.
Dahil sa kahinaan ko at pagkukulang ay inako nya ang bagay na dapat ako ang nagbibigay sa kanya. Bakit ganitong tadhana ang ibinigay ng Diyos saatin?
Hindi ko ninanais ang ganitong kapalaran.
Bakit sa mundo pa na ito kami isinilang?
Hindi ko maunawaan.
Hindi naging patas ang mundo para saaming dalawa ,
Bakit kailangan nating kamuhian ang bawat isa habang hinahanap hanap natin ang pagmamahal sa bawat isa.
May saysay ba ang ating pinaglalaban kung ang kapalit ng tagumpay ay kamatayan ng isa saating dalawa.
END OF XXV's POV.
Sa kasalukuyan.
Habang nasa upuan si nathaniel at patuloy na aligaga sa mga nangyayari sa kanya.
NATHANIEL's POV.
Maraming bagay ang nangyari ngayong araw sa napaka ikling oras lang na lumipas, Sino ang magsasabi na posible pala na maging totoo ang dating pantasya lang.
Ipinadala ako ng baliw na anghel na iyon sa loob ng komiks ko at hindi yun magandang bagay para saakin dahil ako mismo ang nakaka alam higit kanino kung gaano ito kadelikadong lugar.
Kung ibubuod ko ay ang ginawa kong komiks na " Do you hate me then love me" ay isang tragic fantasy story kung saan kinakailangan maglaban ang dalawang bida ng kwento para lang sa pangarap na makuha ang boung endoryo.
Magulo ang mundong ito lalo na sa oras na magsimula ang digmaan sa pagitan ng mga warlord at hindi ko alam kung ano ang mangyayari saakin kung mananatili ako dito.
Nasisiraan na sya, Ok sana kung may binigay sana syang abilidad o kahit malakas na sandata kung saan kaya kong lumaban at syempre yung hindi ako masasaktan.
Sino ang pwede kong iligtas kung isa lang akong pangkaraniwang tao? Wala na sya sa tamang pag iisip. kailangan kong mahanap ang baliw na yun at pilitin syang iuwi ako sa dating mundo.
" Nasaan ka na baliw na anghel!!" Sigaw ko.
.
.
End of chapter 3 part 1
.
( Author's note : upang suportahan ang kwento at ang author , please do share this chapter and the series on my Artpage " ALAB NG APOY~ Art creation" on Fb.)
Thank you.
( Para masundan ang kwento paaaring pumunta sa list of chapter ng Series)
pwede nyong rin mabasa ang KOMIKS nito sa Komiks Category, isearch lang ito sa Website
Chapter 3