Chapter 20 part 1
Ilang minuto lang pagkatapos naming maghiwalay ni Ataparag ay nagbalik na ako sa silid ng mga aplikante. Dito pinapasok kami sa isang portal kung saan pinahawak kami ng mga card na nagsisilbing card number namin.
Napunta kami sa isang napakalaking stadium kung saan na libo libong aplikante ang naroon.
Para itong makalumang arena na napapaligiran ng mga manunuod sa itaas. Dito makikita rin ang ilang matataas na myembro ng Eskapa upang magmasid at mag hanap ng mandirigma na may potensyal.
Ang pag pili ng mga bagong sundalo ay nakadepende sa grado ng aplikante pagkatapos ng pagsusulit gayumpaman, may kapangyarihan ang isang opisyal na pumili agad ng mga sundalong gusto nyang makuha.
Makikita sa itaas ng arena ang isang espesyal na pwesto para sa mga hurado at isa na roon si vice commander Aoi.
Nagmula sa ibat ibang lugar ang mga aplikante na halos umabot ng sampung libo ang bilang. Hindi naman talaga kailangan na manalo sa pagsusulit dito basta makita lang nila ang abilidad mo.
Ayon sa pag kakaalala ko ay dapat bumagsak noon sa pagsusulit si Xxv kung hindi lang dahil sa boto ni commander Yuki.
Tinawag na ang mga aplikante at pinapila upang makapag simula. Makikita mula sa naglalakihang mga screen na gawa sa mahika ang mga nagaganap sa buong arena.
Pinaghanda ang mga ito at pinaalalahanan na simulan na ang paglalagay ng proteksyon o physical enhancement gamit ang enerhiya sa katawan para sa kaligtasan ng lahat.
Gayumpaman wala naman akong kakayahan na gawin iyon at hindi ko alam kung pwede ko yun gawin dahil wala pa akong oras alamin o pag aralan ito.
Ilang sandali pa ay tumayo sa kinauupuan ang isang babaeng may salamin at may blue green na buhok doon sa espesyal na pwesto ng mga hurado.
Umalingawngaw ang usapan sa buong arena at namamangha sa nakitang nakatayong nilalang sa itaas.
" Maligayang pagdating mga magigiting na mandirigma, sisimulan na natin ang ating pagsusulit para sa araw na ito." Sambit nito.
Ang babaeng ito na may suot na pulang scarf ay ang Ikatlong sandata ng diyos at ang reyna ng Irish kingdom na si Rei. Ang sinasabing pinaka unang at kaisa isang tao na naging columbus sa buong kasaysayan.
" Sya pala yung sinasabi nilang pinakamalakas na tao sa buong endoryo."
" Kahangahanga sya dahil kahit na isa lang syang mababang uri ng nilalang ay nagawa nyang mapagtagumpayan ang mga laro sa Crimson game."
Hindi natigil ang pagiingay ng mga aplikante at patuloy na nag uusap at dahil doon ay napilitan si Rei na magtaas ng kamay.
Kasabay ng pagbaba nito ay ang napakalakas na pwersang bumalot sa buong arena.
Isang napakalakas na gravitational pull na syang humahatak sa mga nasa ibaba paluhod sa lapag.
" Ahhh!! Anong nangyayari!! "
" Hinahatak ako pababa."
Naghiyawan at nagkakagulo ang mga aplikante habang nahihirapang gumalaw at halos ibagsak ang mga ito sa sahig ng arena.
Maraming naroon ang napaluhod at ang iba naman ay halos humiga na dahil parang may dumadagan sa kanila na higit 100 kilong bigat.
Iilan lang ang nanatiling nakatayo at sa hindi maipaliwanag na bagay ay kasama ako sa nananatiling nakatayo.
Hindi ko maintindihan dahil nararamdaman ko ang presensya sa paligid pero wala akong nararamdamang paghatak saakin ng gravity pull na isa sa kakayahan ng crimson eye ni Rei.
" Dahil ayaw nyo akong pagsalitain ay uumpisahan natin ang una sa limang pagsubok."
" Maraming matitinding laban at paghihirap ang hinaharap ng mga sundalo ng eskapa kaya magandang pagkakataon ito na makita kung kaya nyo bang maging matatag."
" Ang sino mang makakaakyat sa itaas ay syang makakakuha ng isang puntos." Dagdag nito.
Habang nagsasalita si Rei ay biglang umalingawngaw ang usapan ng ibang sundalo ng eskapa dahil sa napansin nila sa ibaba.
" Tignan mo yung isang nakatayong iyon."
" Teka wala akong nararamdamang presensya sa kanya, isa ba syang tao?"
Nakita ako ng mga ito na nakatayo at nagtataka sa nangyayari, gayumpaman kahit ako ay nagtataka rin dahil wala akong ideya sa nangyayari.
" Ano bang nangyayari?"
" Sa tingin ko pinoprotektahan ka ng kapangyarihan ng book of life dahil wala kang inilagay na enerhiya na pamprotekta sa katawan mo ay agad kang mamamatay sa epekto ng kapangyarihan nung babae." Sambit ni Melon.
Ipinaliwanag ni Melon na iniiwas at pinoprotektahan ako ng kapangyarihan ng libro sa mga bagay na maaari kong ikamatay agad.
Sinabi nya rin na wag kong isipin na hindi ako tinatablan ng kapangyarihan ng iba dahil kung nagkataon na mahina lang ang ginawa nitong paghila ng gravity at hindi magiging sanhi ng kamatayan ay tatalab saakin ito at mawawalan lang ng malay.
" Sabihin na lang natin swinerte ka sa pagiging mahina mo." Sambit nito.
Dahil doon nalaman ko na ang ibigsabihin ni koko na hindi ako mamamatay hangat hindi natatapos ang misyon ko dahil poprotektahan ako ng libro.
" Wow , ang galing naman nito para akong imortal."
" Pero sa tingin ko hindi mo dapat ikatuwa ito dahil sa nangyari ay nakukuha mo ang atensyon nila sa itaas." Sambit ni Melon.
Nagtaka ako sa sinabi nya saakin pero ipinaliwanag nyang nakikita nya na gusto ko maging kasapi ng grupo ni Ataparag at hindi maganda kung magpapakita ako ng kakaiba sa pagsusulit.
May proseso kasi ang eskapa na maaaring pumili ang isang mataas na leader ng samahan depende sa rangko nila at kung mapapansin ko ay may limang Sandata ng diyos ngayon ang nakaupo sa itaas upang magbigay ng pagsubok.
May mga vice commander din ang naroon na dumalo para kumuha at kung pagbabasehan ang bilang ay ikaapat na pagpili pa si vice commander Aoi.
" Kung sa bagay, magiging sundalo parin naman ako ni Ataparag kahit hindi ko ito ipasa."
Alam ko na magiging komplikado ang lahat kapag nalaman nila ang mga bagay tungkol saakin at binalaan na rin ako ni koko tungkol sa mga impormasyon na nalalaman ko.
Hindi ko na dapat ipasok pa ang sarili ko sa malaking gulo dahil si Suwi lang naman ang kailangan kong pigilan na maging masama at maituloy ang kanyang paghihiganti sa lahat ng kaaway nya.
Alam ko ang pagkatao at mga sariling hangarin nila bilang mga matataas na tao at sa totoo lang sa lahat ng sandata ng diyos ay si Sei lang naman talaga ang pwede kong pagkatiwalaan kay Suwi dahil wala itong personal na galit sa mga soul eater.
" Pero paano ko nga ba malulusutan ito? Bahala na."
Dahil doon nagpangap nalang ako na biglang bumagsak sa lapag habag nakadapa at hirap na hirap kumilos kahit na obvious naman na sinadya ko ito para sa ibang sundalo.
" Anong ginagawa nya?"
" Kanilang hindi sya tinatablan ng gravity pull pero bigla na lang syang bumagsak?"
" Teka posible ba yun? Ngayon lang ako nakakita na nadedelay ang epekto nito."
" Pero wala akong makitang enerhiya nakabalot sa kanya kaya imposibleng makayanan nya ang kapangyarihan ni commander Rei."
Lumipas pa ang ilang minuto ay unti unti ng nakarating ang ilang mga aplikante sa itaas ng arena.
Sa higit sampung libong naroon ay halos dalawang libo lang ang nakaakyat at nagkaroon ng unang puntos.
END of POV .
Habang sa itaas kung nasaan ang mga opisyal na nakaupo at nanunood sa nagaganap sa ibaba
" Napaka unti ng pumasa sa unang pagsubok kahit na napakadali naman nito." Sambit ng isang maliit na batang babae na may tenga ng pusa.
Ang babaeng may pink at maikling buhok na ito ay ang ika walong Sandata na si Rui Katsuki. Isa syang wild Cat na nagmula sa great forest kung saan galing din si Nyabu.
" Nasasabi mo yan dahil kaya mong tumagal sa gravity pull pero totoo naman na mahirap gumalaw doon ang ordinaryong mandirigma, hindi kaya masyado tayong mahigpit?" Sambit ng isang blue hair at gwapong binata.
Ang lalaking ito ay ang ika Limang sandata at nagmula rin sa Irish kingdom kung saan namumuno si Rei at kasintahan nito na si Kyros.
" Mali ka, kung sa simpleng pag atake lang na kagaya nun ay hindi na sila makagalaw ay pinapatunayan lang nila na magiging pabigat lang sila sa hanay." Sambit ng isang babaeng may dark violet na buhok at may tenga ng kuneho.
Ang babaeng ito na may hawak na kunehong manika ay ang ika sampung sandata na si Pyun. Isa syang dark summoner at kaisa isang myembro ng Sandata ng Diyos na nagtataglay ng black magic.
" Wag kang ganyan, may kanya kanyang abilidad at katangian ang bawat nilalang at hindi mo sila pwedeng husgahan dahil lang sa nakita mong kahinaan nila." Sambit ni Yuki.
Habang nag uusap usap ang limang sandata ay binigyan sila ng mga pagkain at nilapag sa lamesa.
" Kagaya na lamang nung taong iyon."
Tinukoy ni Yuki ang taong si Nathaniel na hangang ngayon ay nakadapa parin sa lapag kahit na tapos na ang pagsubok.
Batid nito na hindi naapektuhan nito ang tao at nagtataka sa motibo nito na mas piliin na manatili doon kesa umakyat sa itaas.
Hindi naman ito pinalagpas ni Rei dahil wala itong nararamdamang enerhiya sa katawan ni Nathaniel kaya naman tinawag nya ang sundalo para alamin ang impomasyon ng taong ito.
" Ang aplikante 2506 ay isang tao, labing anim na taong gulang, isang beginner sa crimson game at ang pangalan nya ay Nathaniel muntingbato."
" Isang beginner? Nagpapasok kayo dito ng ordinaryong tao na halos walang alam sa pag kontrol sa enerhiya?" Sambit ni Pyun.
" Hindi tayo ganun kadesperado makakuha ng mga bagong sundalo, sabihin mo saan sya nagmula?" Dagdag nito.
Dito ay biglang sumabat sa usapan si Aoi at humingi ng tawad sa pagpapasali ng isang tao gayumpaman wala naman sa patakaran ang pagbabawal sa pagpapasali sa mga ito.
" Ayon dito sa record nakared mark na sya at kinukuha na agad ni Commander Sei bilang sundalo."
Nagulat ang iba sa nalaman nila at nagtataka kung bakit gagawin ni Sei na magsama ng isang ordinaryong tao at isali ito sa kanyang hukbo.
Kilala si sei bilang makatwiran at maunawain at kahit kailan ay hindi nya hinahayaan na madamay sa kahit anong gulo ang mga tao dahil alam nya ang mga limitasyon nito.
Walang imik si Aoi sa mga oras na iyon kundi ang pagngiti na tila ba masaya sa nakikita nyang nangyayari.
" Napaka interesante mo talaga, nathaniel." Bulong nito.
" Mukhang alam naman ni reyna Sei ang ginagawa nya kaya hayaan na lang natin sya sa gusto nya." Sambit ni Kyros
Kahit na sang-ayon ang iba sa kanila ay mariing naman itong kinontra ni Pyun lalo na nagbigay na ito ng redmark kahit na hindi pa tapos ang pagsusulit ng mga aplikante na para lamang sa mga pumasa.
Iniisip nila na isang kawalan ng respeto sa proseso ang pag kuha agad sa aplikante kung sakaling bumagsak ito lalo pa inaasahan na ng lahat na babagsak si nathaniel dahil sa mga limitasyon na taglay nya bilang tao.
" Iniisip nya ba talagang kaya ng isang ordinaryong tao ang makapasa sa pagsubok natin?" Sambit ni Pyun.
" Malay natin? Tandaan nyo na isa rin tao si Rei at isa na syang columbus kaya hindi natin pwedeng basta husgahan ang taong iyon base lang sa panlabas na anyo nya." Pagtatangol ni Kyros.
Biglang sumingit sa pag uusap si Yuki at binangit na magkaiba sila ng sitwasyon dahil si Rei ay hinasa at nag aral sa gabay ng mga pantas. Naging madali rin para kay Rei na makipagsabayan dahil sa pinamanang crimson item sa kanya ng mga ito.
Gayumpaman ay hindi na binigyan ng importansya ni Rei ang mga bagay na ito dahil kahit ano pa ang sekreto ng binata ay malinaw na bumagsak si nathaniel at para sa kanya ay ang mismong pagsusulit na ito ang magsasabi kong karapatdapat ba sya o hindi na maging myembro ng eskapa.
Naglakad ito pabalik sa upuan nya at inutusan ang mga tauhan na kolektahin ang oras at data ng mga aplikante na pumasa at siguruhin na maitatala ito ng maayos.
" Wag ma natin pag abalahan ang ibang bagay dahil ang mahalaga ngayon ay makakita tayo ng mga malalakas na mandirigma na maaari nating maging kapanalig." Sambit ni Rei.
" Malapit na ang araw na itinakda, nauubusan na tayo ng panahon para makapaghanda sa darating na digmaan."
Part 2 ep 20