Chapter 5.
Sa pagtatagpo namin ng napakagandang diwata na nasa harap ko ay naisip ko na isang pambihirang pagkakataon ito na makakilala ng nilalang na nagmula sa komiks na sinulat ko.
Dahil nga sa humihingi ito ng pag alalay ay agad ko naman na inabot ang kamay ko at wala naman pag aalinlangan nitong tinangap .
Ramdam ko sa palad ko ang malambot nitong mga kamay habang inaalalayan ko sya na makatayo.
Nung makatayo ito ay agad itong nagpasalamat saakin kasabay ang napakaganda nitong mga ngiti.
" Maraming salamat munting nilalang." Sambit nito.
Hindi ko alam bakit nya ako tinatawag na munting na nilalang , ito ba ay dahil maliit akong tao o dahil isa akong tao.
O baka dahil isa syang mataas na uri ng nilalang ? Ewan pero sino bang may paki doon eh mukha naman syang mabait at may respetong diwata sa katulad kong tao.
Bukod sa malambing na boses nya ay mukhang napakabusilak din ng loob nito dahil napakadisente nitong pag sasalita at gusto nya pa akong bigyan ng gantimpala sa ginawa ko.
" Wala akong sapat na kakayahan sa ngayon pero balang araw ay gagantimpalaan kita sa kabutihan na ginawa mo saakin."
Napaka werdo para saakin ang sinabi nya dahil para saakin napakaliit na bagay lang ang pag tulong ko na alalayan sya na tumayo para bigyan pa ako ng gantimpala pero siguro iba ang nakasanayan nya at paniniwala sa lugar kung saan sya nagmula.
Pagkatapos nun ay biglang nagtanong saakin ang dalagang iyon kung naroon ba ako upang sumali rin sa eskapa kagaya na lamang ng mga taong naroon din sa lugar.
" Hindi, nagkakamali ka binibini pero hindi ako naparito para sumali sa eskapa. " Agad na sagot ko .
Inakala nya na interesado ako na sumali sa eskapa kaya ako naroon pero agad kong nabangit na wala akong intensyon na maging myembro nito gayung ang mga sumasali lang dito ay may mga sapat na kakayahan at lakas.
" Balita ko mga magigiting na sundalo sila na nagliligtas ng buhay ."
Sinang ayunan naman ito ng babae at sinabi na ang eskapa ay mga mandirigma ng kalangitan at huling pag asa ng endoryo laban sa mga mapang abusong mga nilalang.
" Tinipon at biniyayaan sila ng kalangitan ng kakayahan upang ipagtanggol ang sanlibutan sa mga trahedya at pagkawasak dulot ng mga ganid na nilalang sa endoryo."
Naniniwala sya kagaya ng marami na ang presensya ng eskapa bilang tagapagligtas ay isang liwanag ng pag asa na gumagabay sa lahat papunta sa kaligtasan sa madilim na mundong ito.
Habang pinagmamasdan ko aya ay talagang humahanga ako sa kanyang paniniwala dahil nararamdaman ko na seryoso sya sa pagtitiwala na pangangalagaan sila ng diyos ng eskapa.
Gayumpaman hindi rin maalis sa isipan ko kung totoo sa puso nya ang pagliligtas at pagtulong sa iba bilang kapanalig ng eskapa o kagaya lang ng iba ay sumasali lang upang galangin at makuha ang mga prebelehiyo bilang sundalo ng eskapa.
Dahil ayoko ng magpatuloy pa ang pag uusap namin tungkol sa eskapa ay walang pasabi na lumisan ako sa lugar na iyon, hindi sa ayokong makausap sya pero mahirap din kasi para saakin na may kaalaman sa mundong ito na magtiwala sa katulad nya.
Pero masyado ko naman ata syang hinuhusgahan sa iniisip ko at isa pa ano ba ang paki elam ko sa bagay na yun. Hindi ko na dapat iniisip ang mga bagay na tulad nun dahil wala akong kinalaman sa kanila.
Agad akong naka alis sa lugar deretso sa napakalaking gate ng tore upang maglakad sa labas para maiwasan ang mga taong iyon.
Tama, wala at ayokong magkaroon ng kauganayan sa kanila.
Mga tagapaglikod ng diyos na handang ibuwis ang kanilang buhay alang alang sa sinumpaang tungkulin bilang bayani.
Napaisip ako at napatingala sa kalangitan habang isiipin tungkol sa sitwasyon ng mga taong iyon na tapat sa mga pangako at sinasabi ng eskapa.
Pero paano kaya kung malaman nila na pati ang kalangitan ay walang paki sa mga bagay na pwedeng mangyari sa kanila?.
Napabuntong hininga na lang ako at na pagtanto ko na walang saysay ang pag iisip ng mga komplikadong bagay.
Naglakad lakad na lang ako hangang makarating ako sa dulo ng plaza at pinasdan ang paligid.
Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ang mga gusali at bahay sa syudad at napa isip kong ano na ang sunod kong gagawin.
" Ngayong nandito na ako, hindi ko na alam kung anong pwedeng gawin." Sambit ko habang napapabuntong hininga.
Tumalikod ako at sumandal para makita ang tore ng agata at kahit na sa labas ay napakapambihira ang laki nito sa personal.
Maraming kakaiba sa mundong ito at kung pagmamasdan ko ay malayo ito sa nakikita sa nakasayan kong mundo.
" Siguro maglilibot libot muna ako habang hinahanap ko ang baliw na yun."
Nagpatuloy ako maglakad paikot sa paligid ng tore, hindi ako masyadong lumalayo sa tore upang hindi maligaw dahil hindi ako pamilyar sa bayan na ito.
Malawak ang tore at kung lalayo ka pa ng unti ay may mga pamilihan sa harapan ng lugar nito.
Ilang oras din ang lumipas simula nung naglakad lakad ako ay nagsawa ako sa pag gala at bumalik na sa tore.
Wala rin naman akong gagawin sa loob kaya minabuti ko na lang maupo sa hagdanan sa labas nito.
Nakakabagot din maghanap sa lugar at ang mahirap sa ginagawa ko ay hindi ko alam kung nandito ba talaga sa lugar na ito ang hinahanap ko.
" Wala akong ibang maaasahan maliban sa sarili ko."
Dahil narin sa pagod ko kakalakad ay gusto kong mag relax kaya naman hindi ko napigilan na mahiga sa lapag.
Ang awkward pero wala naman dumadaan sa daanan na kinalulugaran ko.
Nakakapanlata ang sitwasyon ko lalo pa at nakakaramdam na ako ng gutom pero wala naman akong pera pambili ng pag kain.
Ilang oras palang ako aa lugar na ito namimiss ko ma ang earth kahit medyo boring ang buhay ko doon.
Tama, mas gugustuhin ko ng maipit sa gitna ng trapik kesa naman makuling sa lugar na pinagdalhan saakin ng anghel na iyon.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingala sa langit at pinagmamasdan ang ulap sa mga oras na iyon. Bigla lang din akong napaisip sa mga pambihirang bagay na nararanasan ko sa ngayon
Hindi parin ako makapaniwala sa mga naganap at kung iisipin ay sa isang iglap lang ay nagbago ang buhay ko.
Hindi ko rin inaaaahan na may iba palang kayang gawin ang mga kamay na ito at hindi ko akalain na makakagawa ito ng isang mundo.
Napakapayapa ng hapon na iyon na parang normal na araw lang na pwede kang magpahinga kagaya ng ginagawa ko ngayon. Walang alam ang mundong ito sa mga nagaganap at sa katotohanan.
Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng pagkasabik sa nangyayari kahit na may nararamdaman akong pangamba ngayon.
Hindi ko naman masisi ang sarili ko na maexcite sa ano ang mayroon sa lugar na ito lalo na bilang mangaka na gumawa ng mundong ito.
Pero hindi, mali na makaramdam ka ng kasiyahan nathaniel dahil kung hahayaan mo na makaramdam ka ng kasabikan ay para mo na rin tinanggap ang ginawa sayo ng baliw na anghel na yun.
Ilang saglit pa habang ako nagpapahinga ay hindi ko namalayan na may papalapit pala saakin .
Hinarangan nito ang liwanag kaya naman napansin ko ang pagtakip ng anino nito saakin.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nasilayan ang nilalang na nakaupo at nakadungaw sa harap ko.
" Huh?"
Laking gulat ko sa nakita ko at biglang napaupo sa pagkakahiga ko sa lapag.
Isang napakagandang babae na may dilaw na mga buhok at napaka puti.
Nakasuot ito ng uniforme na sinusuot ng normal na sundalo ng eskapa.
Nakakasiguro ako bilang ako ang gumawa sa mundong ito at nakikilala ko ang babaeng nasa harap ko.
" Teka.. parang ..."
Hindi ako pwedeng magkamali, ang isa sa weapon of god at commander ng eskapa.
" Ikaw diba si Sei , ang time kepper? "
Bumilis ang pintig ng puso ko hindi lang dahil sa sobrang kagandahan ng babaeng nasa harap ko kundi dahil sa pag kamangha .
Imposible pero kaharap ko ngayon ang isa sa mga character sa ginawa kong komiks.
Magmula sa ganda, taas at ekspresyon ay syang sya talaga si sei.
Kilala si sei bilang isa sa pinakamalakas na nilalang sa endoryo dahil sa kakayahan nitong kontrolin at manikulahin ang oras sa paligid nya.
Hindi lang yun dahil hindi lang sya basta sandata ng diyos kundi isang anghel ng diyos dahil sa taglay nitong ganda at kabutihan.
"Ikaw ba talaga si sei? Ang isa sa mga commander ng eskapa at ika anim na sandata ? " Pagtatanong ko.
Gayumpaman hindi naya ako sinagot bagkus patuloy nya lang akong tinititigan.
Hindi ko alam ang iniisip nya pero napakaweird nya pag tumitingin sya na tila pa curious sa saakin .
Pero dahil hindi naman madaldal talaga ito kaya nakakasiguro akong sya nga ang tunay na sei.
Hindi nakikipag usap si sei sa kung sino lang dahil sa epekto ng crimson curse nya na maaaring gumana ng hindi sinasadya gamit lang ang pag sasalita nya.
Habang nakaupo ay bigla nyang kinuha ang bag na dala nya ay may kinukuha dito.
Ilang sandali pa ay inaabot nya saakin ang hawak nyang tinapay
" Hm.. "
"Teka binibigay mo ba saakin ang tinapay na yan?" Pagtatanong ko.
Hindi ko alam ang iisipin ko sa ginagawa nya dahil hindi naman ako nanghihingi ng pagkain pero binibigay nya saakin ito.
Ako lang ba o normal lang sa mundong ito magbigay ng pag kain sa taong makikita mo?
Sandali, maayos pa naman ang itsura ko.
Mukha na ba akong walang makain?
Pero dahil sa amoy ng tinapay at biglang kumalam ang sikmura ko, aaminin ko nagugutom na ako at eksakto ang pagdating nya.
Gayumpaman parang may mali? Hindi ba mamumukha naman akong pulubi kong tatangap ako ng pagkain? Para akong pulubing nanlilimos kay sei.
Agad kong pinigilan ang sarili ko para dakmain ang tinapay na inaabot ni sei saakin.
May pride pa naman akong natitira kaya kailangan kong ikalma ang sarili ko hinding hindi ko ibaba ang sarili ko dahil lang sa gutom ko.
lalo na hindi ako pwedeng maging kawawa sa harap ng isang magandang babae kagaya ni sei.
Pero gayumpaman kahit na labag sa isip ko ay iba ang sinasabi ng tyan ko kaya naman patuloy ito sa pagkalam.
Dahil doon ay bigla na lang hinawakan ni sei ang kamay ko ay pilit na ibinigay ang tinapay.
Kasing lambot ng kamay nya ang tinapay at sa totoo lang paano pa ako makakatangi doon kung ako nga lang ay ayokong bitawan nya agad ang kamay ko.
Nakakabighani ang kanyang ganda at maniniwala ka talaga sa sabi sabi na iaa syang anghel sa lupa.
Tumayo ito at Ngumiti saakin habang sinasabi na.
" Maging matatag ka ginoo at sikapin na mabuhay na may pananampalataya upang sa ganun ay pagngalagaan at pagpalain ka ng ating diyos." Mahinhin nyang sambit.
Wala akong nasabi sa mga oras na iyon. Para lang akong tangang nakatitig at dinadamdam ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa pagkahalina kay sei.
Hindi maalis ang mata ko sa kanya hanggang sa umalis na lang sya sa harap ko at sumama sa mga nakaabang na sundalo ng eskapa.
Wala akong ibang masabi kundi pambihira ang taglay nyang kagandahan sa personal at nakakaproud ito bilang isang mangaka.
Chapter 5