Walang nagawa si Ataparag kundi malungkot at magbuntong hininga sa pagkadismaya dahil sa kinikilos ni Nyabu.
" Hindi na talaga sya nagbago."
Humarap sya saakin at inihingi ang pasensya ang hindi magandang pagtrato saakin ni nyabu at sinabing kahit na masungit ito ay mabait ito at maaasahan.
Napangiti na lang ako kahit na hindi ako naniniwala sa sinabi nya dahil mukhang pinaglihi sya sa sama ng loob dahil sa kagaspangan ng ugali nya.
Muli nya akong hinawakan sa kamay at ipinakilala ang sarili bilang leader.
" Ako nga pala si Ataparag ang leader ng 10th battle force, sya naman si Toto ang isa sa mga assistant ko." Sambit nito.
Bigla akong hinawakan sa ulo ni Toto at sa sobrang gulat ko ay napatakbo ako palayo. Medyo kinabahan ako dahil hindi naman ako sanay na hawakan ng dambuhalang mga kamay.
" Ah.. naku pasensya na kung natakot ka pero wag kang mag alala mabait si toto kahit na ganyan ang itsura nya, hindi sya nakakapagsalita dahil sa epekto ng crimson item nya pero nakakaintindi sya. " Sambit nito.
Napangiwi na lang ako dahil nga sa muka syang toro ay hindi mo alam sa reaksyon ng mukha nya kung galit ba sya o natutuwa saakin.
Naiisip ko na lang kung ano ba ang depinisyon ng salitang mabait para kay ataparag at parang lahat sa kanya ay mabait
Dito ay tinanong nya ang pangalan ko at binangit na kailangan nya iyon para sa gagawin nyang aplikasyon.
" Ako nga pala si Nathaniel muntingbato hindi ko alam kung pwede talaga ako sa eskapa pero kailangan ko talaga ng matutuluyan dito." Sambit ko.
" Hm.. wag kang mag alala hindi lang naman tungkol sa pakikipaglaban ang pag sali sa eskapa, maaari kang sumali dito at maging kapakipakinabang . "
Dito naalala ko na may tatlong sangay ang pwersa ng eskapa na bawat pinamumunuan ng mga sandata.
Ang battle force unit ay mga myembro na nagsisilbi sa eskapa bilang mga sundalo at mandirigma
Ang utility unit naman ang nakatoka para sa mga gawain na may kinalaman sa pagtatayo ng gusali, paglalaba, pagaasikaso sa lahat ng bagay na kailangan.
At ang medical unit na syang nakatoka para sa pang gagamot, pag responde at pag aalaga sa mga may sakit at sugatan.
" Ok sige, mukhang ok nga iyan."
" Kung ganun mister nathaniel magtungo na tayo sa dorm ng team para makapagpahinga ka na dahil alam ko pagod ka na dahil aa nangyari."
Namamangha ako sa pagiging maalalahanin nito kahit na hindi naman nya ako kilala at sa totoo lang naging pahirap pa ako dahil muntik na syang parusahan dahil sa pag tulong saakin.
Ilang oras pa ay nagpunta na kami sa isang apartment na kasalukuyang tinutuluyan ng kanyang team.
May limang pinto ito na nakahilera at dito binangit ni Ataparag na may limanpung myembro ang team nya sa kasalukuyan at ang bawat pinto ay may sampung magkakasamang nakatira.
Binangit nya na hindi ako pwedeng isama sa kanila ng hindi pa ako myembro ng team kaya naman pinasama nya ako sa kanyang unit
" Masyadong komplikado pero ayaw ng marami sa kasama ko sa mga tao kaya siguro sa unit ko muna ikaw magpahinga " Sambit nito.
" Pero wag kang mag aalala komportable naman ang unit ko dahil ako lang ang nakatira doon." Dagdag nito.
Binangit nya na bilang opisyal ay may sarili syang kwarto at opisina na sya lang ang gumagamit.
Umakyat na kami sa itaas at walang pag aalinlangan nya akong pinapasok.
Hindi ko alam kong tama bang hayaan ko sya sa ginagawa nya pero para saakin masyado na syang mabait para papasukin sa unit nya ang isang lalaking di naman nya kilala.
" Ah eh.. talaga bang okay lang sayo na dito ako tumuloy, ang ibig kong sabihin ay pinapatulog mo ang isang lalaking kasama ka sa iisang kwarto ? " Pagtatanong ko.
Nagtaka bigla ito at ilang segundo rin napaisip hangang sa napagtanto nya na matutulog kami sa iisang kwarto na kami lang.
" Wahh! Sandali , hindi , hindi! Wag kang mag isip ng ganyan." Pagkataranta nito.
" Wala akong balak na masama sayo, paki usap pangako." Dagdag nito habang namumula ang mga mukha.
Hindi ko naintindihan kung paano tumatakbo ang isip nya pero base sa nakikita ko ay hindi sya aware sa ilang bagay at iniisip nya na sya pa ang may masamang pwedeng gawin saakin bilang babae.
" Sandali, teka hindi ko naman sinabi na ikaw ang may balak na masama saakin." Sambit ko.
Muli syang nanahimik at ilang saglit pa ay nagukat habang unti unting lumalayo saakin.
" Kung ganun ikaw ang may masama kang balak saakin."
"Ano? Syempre wala." Sigaw ko rito.
Ipinaliwanag ko dito na ayaw ko lang din na maging abuso sa kanya at sigurado kapag nalaman ito ng iba na nagpapatuloy sya ng lalaki sa unit nya ay baka masira sya sa iba.
" Oh... Ganun ba?" Sambit nito
Bigla itong ngumiti saakin at bahagyang napatawa habang pinupuri ang pag aalala ko sa kanya.
" Alam mo kasi pinagbilin ka saakin ng vice commander at hindi naman kita pwedeng patulugin sa labas." Sambit nito.
" At isa pa isa akong demon beast, hindi mo ba nararamdaman ang presensya ko?" Dagdag nito.
" Demon beast?"
Nagtaka ako sa sinabi nya at siguro hindi ako aware sa pagkilala ng presensya ng nilalang gayong wala naman akong kaalaman sa mga bagay bagay dito.
" Hindi ko alam ang sinasabi mo pero teka hindi ba ang mga demon beast ay mga halimaw na mula sa dark continent?"
" Hindi ka mukhang halimaw sa ganda mong yan"Dagdag ko.
Bigla syang napayuko at namula sa hiya habang napahawak sa kanyang mga pisngi.
" Ma-ma-maganda ako?"
Lalo syang gumaganda sa reaksyon nyang tila inosenteng batang kinikilig dahil sa papuri pero kahit na natutuwa sa nakikita ko ay agad na akong nagtanong kung bakit mukha syang kawangis ng tao.
Sa pagkakataon na iyon ay ipinakita nya ang kanyang hikaw at binangit na isa itong crimson item na nagmula kay Sei.
" Ang item na ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ako anyo bilang tao at mula nung ibigay saakin ito ng commander ay pinangako ko na maglilingkod sa kanya hangang sa huli."
Namangha ako sa narinig ko at medyo nagtaka dahil ang pag kakaalam ko ay mga agresibo at mababangis ang mga demon beast na may nakaktakot na itsura pero malayong malayo ito sa malambing at napakabuting kagaya nya.
Muli nanaman syang namula sa hiya sa papuri ko at nagpasalamat habang ipinapaliwanag na hindi likas na masasama ang lahat ng demon beast at kagaya lang ito ng ibang nilalang.
" Nung isa pa akong halimaw ay kinakailangan ko rin maging matapang at mabangis para makakain sa kagubatan ."
" Hindi madali ang buhay sa dark continent dahil kung hindi ka lalaban at papatay ay ikaw ang mamamatay at kakainin ng iba." Dagdag nito.
Ipinaunawa nya na kinakailangan nilang pumatay para lang mabuhay sa ayaw o sa gusto nila para lang patuloy na mabuhay kahit na maski ang sarili nilang kasamahan.
Isa syang mataas na uri ng demon beast kaya nakakapag isip sya at minsan syang namuno sa daan daang mga kauri nya sa isang isla at doon pinapangalagaan nila ang teretoryo ng grupi sa mga gustong pumasok dito.
Noong magpunta si Sei sa dark continent para sa isang misyon ay kinaawaan nya si ataparag sa naging laban nila at doon ibinigay ang isang crimson item.
" Napaka swerte ko at pinagtagpo kami ng diyos kaya naman gusto kong tumulad kay reyna sei bilang mabuting alagad ng diyos " dagdag nito habang nakapikit na nagdarasal.
Nalaman ko ang dahilan kung bakit sya sobrang nagmamalasakit saakin at lalong humanga sa kanya.
" Humahanga ako sayo ."
" Ganun din ako sayo mister nathaniel " Sagot nito.
Dito ipinaliwanag nya na walang kahit isa ang kayang tumangap sa isang soul eater at unang beses nyang makita na may taong nagpoprotekta sa kanila.
" Ganun ba?" Tanong ko rito.
Nabangit nya na malaki ang takot ng lahat sa mga soul eater lalo na sya na muntikan ng makain ng mga ito pero nung makita nya akong humarang sa harapan ni Nyabu para pangalagaan si Suwi ay nahiwagaan na sya saakin.
Napayuko na lang ako bigla dahil naisip ko na hindi madali ang habulin at kamuhian ng lahat kahit na wala ka namang ginagawang masama. Nakaramdam ako ng matinding pag kaawa habang naaalala ang kalungkutan sa mukha ni Suwi.
" Teka miss ataparag, sabihin mo nga naniniwala ka ba sa sinasabi ko tungkol kay Suwi kaya mo kami tinulungan?"
Nag isip ito sa naitanong ko at biglang napangiti saakin habang sumasagot
"Hm.. ang totoo hindi talaga pero siguro naisip ko lang kanina na kailangan kong tulungan ka dahil napaka delikado ng ginagawa mo." Pag amin nito.
Napangiwi na lang ako sa nalaman ko dahil kung iisipin ay napaka babaw nya para sa isang leader. Ang ibig kong sabihin paano kung totoo ang kutob ni Nyabu at paano kong masamang nilalang talaga ang tinulungan nya.
" Ang ibig kong sabihin hindi mo alam ang tunay na motibo at iniisip ng mga nasa paligid mo kaya dapat hindi ka nagtitiwala agad ng ganun kadali." Sambit ko.
Inihalimabawa ko na maaaring nililinlang ko lang sya at kapag nakuha ko na ang tiwala nya ay aatakehin sya kapag mahimbing na syang natutulog ngayon gabi.
Muli itong nagpaisip at humakbang palapit saakin habang nilapit ang mukha nya upang magtanong.
" Kung ganun sabihin mo may pagsisisihan ba ako sa pagtulong ko sayo? May balak ka bang masama saakin?" Pagtatanong nito.
Sa sobrang lapit nito sa mukha ko ay hindi ko naiwasang mailang at mapahakbang palayo dahilan para matalisod ako at mapaupo.
" Hahaha, nararamdaman ko naman kung mabuti o masama ang taong kaharap ko at wag kang mag alala kaya kong protektahan ang sarili ko kung sakaling may gawin ka saakin."
" Isa parin naman akong demon beast at sa gabi ang oras kung kailan ako mas nagiging mabangis" malambing na sambit nito habang kumindat saakin.
" Kaya kung may binabalak ka saakin dapat ihanda mo ang sarili saakin. " dagdag nito.
Hindi ko alam kung pagbabanta ba ang sinabi nya saakin o simpleng paalala pero napaka cute nya talaga lalo na sa lamabing nyang boses at sa tingin ko ok lang na maging mabangis sya sa gabing iyon.
Episode 12 part 2