Chapter 32 part 1
Lumipas ang ilang oras habang naglalakbay si Nathaniel pabalik sa galica. Sa gitna ng gubat ay huminto ang karwahe nila upang magpalipas ng magdamag dahil kinakailangan na makapagpahinga ang mga kabayo na humihila sa mga karwahe.
Ang karwahe nila ay may haba na isang metro at kasya ang higit dalawampu pasahero ngunit ang bawat isa ay may itinakda lang na pwesto at upuan kaya hindi ito komportableng tulugan kaya naman kinakailangan nila lumabas at magtayo ng kanilang mga tutulugan.
Nag handa ng mga tent ay ilang kasamang manlalakbay nito habang si Nathaniel ay nanatili sa karwahe at binabalak na doon na magpalipas ng gabi.
Habang nakahiga ay naririnig nito ang malakas na tunog ng paghampas sa labas na tila may pinupokpok na bakal kaya naman tumayo sya upang silipin ito.
Sa paglabas nya ay nakita nya ang dalawang lalaki na inaayos ang napakalaking itak na ginagamit sa pakikipaglaban ng isa sa mga ito.
Ang lalaking nagmamay ari nito ay may matipunong pangangatawan at halos pitong talampakan ang taas. Isa itong adventurer na nagmula sa probinsya kabaru na sakop pa rin ng bansa ng galica.
At ang isa namang lalaki na may silver na buhok at naka cape ng mage at ginagamit ang kanyang mahika para tulungan ang kasamahan nya na ayusin ang sandata nito.
Dito napansin ng matipunong lalaki na nagising si Nathaniel dahil sa ginagawa nyang pag iingay kaya naman humingi ito agad ng paumanhin sa binata.
Napaka hinahon ng pagsasalita nito at tila napakabait kaya naman hindi nag alangan na sumagot si Nathaniel dito.
" Hm.. ok lang hindi rin naman ako makatulog din sa loob. Teka napakalaki naman ng sandata mo? Isa ba kayong manlalakbay??" Tanong ni nathaniel dito.
Agad syang sinagot nito at ipinakilala ang sarili bilang si Harik na isang vanguard sa kanyang party at ikinuwento nya na mga manlalakabay sila na nagtutungo sa mga tore upang kumuha ng mga quest sa tore ng Agata.
Ang gitnang bahagi ng Tore ay isang party zone kung saan lahat ng quest sa laro ay kinakailangan ng tatlo o higit pang mga kalahok bago makasali.
Ipinakilala naman ng mage ang sarili bilang si masaw at tinanong kung manlalakbay din ba ang binata katulad nila.
" Naku hindi, isa lang akong normal na tao teka ako nga pala si nathaniel."
" Pupunta rin ba kayo sa galica tama?"
Dito ikwinento ni Harik na natalo sila sa nakaraang quest kaya naman itinapon sila sa malayong gubat ng laro. Mabuti na lamang ay nakakita sila ng karwahe na pupunta sa isang bayan na may tore.
Naglakad si Nathaniel at pinagmasdan ang sandata ni Harik ng malapitan. Dito hinangaan nya ito at pinuri habang hinahawakan ito. Kasabay nun ay ang pag puri nya kay harik habang sinasabi na napaka exciting ng buhay ng mga ito at inamin na naiingit ang binata sa pagiging adventurer ng mga ito...
Dahil sa magiliw at may mananabik na reaksyon ni nathaniel ay natanong nito kung nais ba ng binata na maging adventurer katulad nila.
Agad naman sinagot ni nathaniel ito at pinagmalaki na kung may nag iisang hiling sya na mangyari ay ang pagiging magaling na adventurer dahil para sa kanya ay napakasaya nito ngunit dahil isa lang syang normal na tao ay mahihirapan syang tuparin ang bagay na iyon.
" Kaya humahanga ako sa mga katulad nyo, teka may maipapayo ba kayo saakin para maging katulad nyo ako na malakas ang loob maging adventurer?" Tanong ni Nathaniel.
" Hm.. Salamat sa papuri pero kahit na exciting ang trabaho namin ay hindi kita papayuhan na subukan na maging tulad namin."
" Huh? Bakit naman ?" Tanong ng binata.
Dito ipinaalam ni harik na nagmula sila sa mahirap na tribo ng kanyang mga kasama at upang mabuhay sa mundong ito ay kailangan nilang lahat na magsumikap at itaya ang buhay nila para lamang kumita ng pera.
" Masarap makipagsapalaran at hindi matutumbasan ang pakiramdam kapag nananalo kayo ng mga kasama mo ngunit hindi maiiwasan na manganib ang buhay namin sa trabahong ito at kung mamalasin ay mamamatayan kami ng mga kasama."
Sinabi nya kay Nathaniel na kung nagbabalak ito na maging adventurer katulad nila ay kailangan nyang pag isipang mabuti ito dahil mas maganda parin ang tahimik at ligtas na pamumuhay sa loob ng bayan lalo na sa kagaya ni Nathaniel na isang tao.
Agad naman na sumang ayon ang binata sa sinabi nito at inamin na kahit humahanga sya kapag may nakikitang nakikipaglaban ay natatakot sya madamay o masaktan sa mga laban.
Habang sinasabi nya ito ay napatingin sya sa kamao nya at naaalala ang takot na naranasan nung makakita ng mga halimaw sa harapan nya.
" Hindi ko alam kung nag iingat lang ako o sadyang duwag talaga ako dahil kapag kaharap ko na ang panganib ay iniisip ko agad na tumakbo at tumakas."
Napatawa bigla si nathaniel at hinamak ang sariling kaduwagan. Inamin nya na minsan ay gusto nya rin maging magaling na mandirigma kagaya ng nakikita nito pero tangap nya na isa syang duwag na tao.
Nanahimik sandali ang lugar at nabatid ni harik ang pagkadismaya ni nathaniel sa taglay nitong kahinaan kaya naman binigyan nya ito ng kunting payo.
" Wag kang mag alala naiintindihan ko ang sinasabi mo dahil minsan na rin akong dumaan sa ganyang pag iisip bago ako naging matapang na mandirigma."
Inamin nya sa binata na noong simula bago sya maging adventurer ay dumanas sya ng maraming pagsubok at sari saring emosyon sa isang laban na dahilan ng kanyang madalas na pagkabigo at nagpatuloy ito hangang sa isang araw ay hindi nya na alam kung tama pa ba ang tinatahak nyang landas bilang mandirigma.
Pinaliwanag nya na normal ang matakot at kahit sinong nilalang ay nakakaranas nito sa laban ang tanong na lang ay kung mag papadaig ba ang binata sa takot nito at hahayaan na maging mahina dahil dito.
" Kadalasan ang takot ang pumipigil saatin gawin ang mga gusto natin. Nagdududa tayo sa ating mga kakayahan na gawin ang isang bagay ." Dagdag nito.
" Ewan ko, pero sa tingin mo ba kaya ko rin bang malampasan ang takot ko?" Tanong ni Nathaniel.
" Nakadepende ito kung gaano kahalaga para sayo ang magtagumpay gayumpaman lagi mo lang tatandaan ito, bago mo magapi ang kalaban sa harap mo ay kailangan mo munang matalo ang sarili mong takot." Sagot nito.
Napangiti si Nathaniel habang tinitignan ang mga palad at pinasalamatan bigla si Harik para sa payo nito.
" Sana maalala ko yan sa susunod."
" Hindi mo kailangan magmadali dahil hindi lang isang araw bago mo mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok at ituturo sayo ang lahat ng dapat mong malaman ng mga pagsubok at karanasan mo bilang mandirigma. Sagot ni harik.
Habang nag uusap ay biglang lumapit ang isang babaeng elf sa kanila. Ang babaeng ito ay mayroong dilaw na buhok at malamig na mga mata habang nakasuot ng berdeng battle suit ng mga elf.
Isa itong archer kaya naman palagi nitong dala dala sa likuran nya ang kanyang pana at palaso.
" Hindi pa rin kayo natutulog? Bukas makakarating na tayo sa galica at dederetso na tayo sa tore kaya naman kailangan nyo ng magpahinga para may lakas kayo." Sambit nito.
" Ah tama ka , sige ginoo mauuna na kaming magpahinga sayo."
Tumayo na ang dalawa at naunang umalis papunta sa loob ng kanilang tent. Habang hindi naman maalis ang paningin ni Nathaniel sa elf na kasama nito.
Napansin naman ng elf ang ginagawang pagtitig sa kanya ni Nathaniel at masungit na pinapatigil ito.
" Naku miss pasensya na hindi ko kasi maiwasan na mapatingin sayo dahil napakaganda mo at kasi parang nakita na kita sa kung saan."
Dito ay biglang napangisi ang babae na tila nandidiri habang pinapatigil si Nathaniel sa ginagawang pagtatangkang paglalandi sa kanya.
" Hoy para malaman mo hindi ako pumapatol sa tao kaya kung pwede ba wag mo akong kausapin ng ganyan para makipaglandian."
." Ano? Teka hindi naman iyon ang intensyon ko." Pag angal ng binata.
Hindi na nagtagal pa ang babaeng elf sa labas at sumunod na rin ito papasok sa loob ng kanilang tent upang magpahinga at habang naman pumapasok ito ay patuloy na nag iisip at inaalala ng binata kung saan nya ito nakita.
Naalala ni Nathaniel bigla na ang kasuotan ng elf ang tipikal na makikita sa mga rpg na nilalaro nya kaya naman nahihiwagaan sya na makita ito ng personal sa mundong iyon.
" May pakiramdam ako na nakita ko na sya noon maliban sa kanyang kasuotan pero hindi ko lang talaga matandaan."
Napahikab sya at nakakaramdam na ng antok kasabay ng panginginig dahil sa lamig ng hangin sa labas.
" Napaka ginaw, makatulog na nga rin para maaga akong magising bukas."
Umakyat muli si Nathaniel sa karwahe at naka upo na natulog sa loob kasama ang ilang pasahero.
Kinabukasan ay nagising ang mga ito at pag sikat palang ng araw ay nag simula na sila maglakbay muli.
Muling pinaandar ang tatlong karwahe at tinahak ang pangunahing daan papunta sa galica.
Ang karwahe na iyon ay may itaas na bahagi kung saan pwedeng magpunta ang mga pasahero upang magpahangin habang naglalakbay.
Dito dali dali syang umakyat at nakita sila harik na nakaupo sa itaas kaya naman agad niya silang nilapitan at binati.
" Magandang umaga, nandito rin ba kayo para magpahangin?"
" Ikaw pala Nathaniel, teka mas mabuting pumasok ka na lang muna sa loob." Sambit ni harik.
Binangit ni Harik sa kanya na delikado ang magpunta sa labas at maaaring mapahamak kung magtatagal pa sya dito.
Hindi naman nauunawaan ng binata ang dahilan kung bakit sya pinapapasok muli sa loob kaya naman ipinaliwanag ni masaw ang sitwasyon ng kanilang paglalakbay.
Ipinaalam nila sa binata na napakaraming halimaw ang nararamdaman nila sa paligid at ang iba rito ay mga bandido kaya naman hindi ligtas ang kanilang paglalakbay sa mga oras na iyon.
Nagulat ang binata sa narinig at tinanong kung normal ba na nangyayari ito dahil sa pag kakaalam nya base sa itinuro ni Ataparag sa kanya ay protektado ng mga magic spell laban sa mga halimaw ang mga pangunahing daan.
" Ang mga pantaboy ng mga halimaw na sinasabi mo ay gumagana lang sa mga class C na halimaw pero bale wala ang mga iyon sa mga matatas na uri ng mga halimaw." Sagot ng elf.
" Oh.. teka paano ba malalaman kung mataas na uri ng halimaw ang kaharap mo ? " Tanong ni Nathaniel.
Dito binangit ni Harik na maliban aa taglay nilang enerhiya ay makikita rin ito sa kanilang panlabas na anyo. Katulad na lamang ng itsura ng kanilang sungay dahil ang pangkaraniwang halimaw ay nagtataglay lang ng kulay puti at normal na sungay.
"Oh... Yun pala, pero pansin ko lahat naman ng halimaw na nadaanan natin ay may puting sungay."
Bigla nyang naalala ang sungay ni Ataparag sa ulo nito na tila isang korona. Naalala nya ng itanong nya rin dito na kung bakit nagtataglay ang dalaga ng sungay kahit na nasa anyong tao ang katawan nya.
" Oh .. teka bakit mo naman biglang tinanong yan, natatakot ka rin ba saakin dahil sa anyo ng sungay ko? "
" Naku hindi, ang totoo nahihiwagaan lang ako pero hindi naman ako natatakot sayo." Sagot ng binata
Ipinaalam ni Ataparag sa binata na ginagawang tao ng crimson item ang katawan nya ngunit kapag ginagamit ni Ataparag ang kapangyarihan nya bilang halimaw ay lumalabas ang sungay nya at ilang bakas ng pagiging halimaw.
Ngunit nilinaw nya na dahil ito sa ginugusto nya ito at minamanikula ang kapangyarihan ng crimson item dahil nga kailangan nya ng kapangyarihan nya bilang halimaw para sa pakikipaglaban.
Ang sising ay nagkukulong sa higit walompung porsyento ng orihinal na kapangyarihan ng nilalang at upang maipagpatuloy ni Ataparag ang pagiging sundalo ng eskapa ay kailangan nyang pakawalan ang natitirang kapangyarihan nya na nagresulta ng kakaibang anyo nya.
" Ba- bakit ginoong nathaniel sa tingin mo ba panget ang itsura ko dahil sa sungay ko? Ayaw mo ba sa anyo ko? Tanong ni Ataparag dito
Dito nasambit ni Ataparag na maraming natatakot na mga mamamayan sa kanya dahil sa kanilang mga itsura lalo na ang mga normal na tao kaya naman madalas ay nilalayuan sila ng mga ito. Inamin ni Ataparag na nais nya maging maayos ang lahat para sa kanya at mamuhay kasama ang lahat, tinatangap at nagmamalasakit.
" Alam ko na kakaiba ang anyo ko sa iba kaya hindi kita masisisi kung ayaw mo itsura ko."
Agad na itinangi ni Nathaniel ayaw nito sa dalaga dahil sa itsura nito at sinabi na nasanay na rin sya sa itsura ng mga halimaw kagaya ni Toto kaya naman hindi nya masasabi na natatakot sa mga ito.
" At isa pa napakaganda mo para katakutan at sa tingin ko hindi mo naman kailangan maging ganap na maging kawangis ng tao para tangapin ka ng maraming tao."
Hinawakan ni Nathaniel ang balikat ni Ataparag at sinabihan ito na hindi mahalaga ang itsura kundi ang kalooban nito.
" Isa kang mapagmahal at napakabait na nilalang kaya marami rin kaming nagmamahal sayo kahit ano pa ang maging itsura mo, tandaan mo yan " Nakangiting sambit ni Nathaniel.
Halos mamula ang mukha ni Ataparag sa sinabi ni Nathaniel at napahawak sa pisngi nito sabay ang pagtalikod.
Kasabay nito ay bigla syang sinipa sa pwet ni Nyabu at nagagalit dito sa hindi malamang rason.
" Tigilan mo ang paglandi sa leader, nakakadiri kang kutong lupa ka."
" Aray , Ano bang problema mo saakin? " Pag angal ni nathaniel.
" Ah.. sabi mo hindi ka natatakot sa halimaw kahit anong itsura nito. Toto ipakita mo rin sa taong ito kung gaano mo sya kamahal.
Pwede mo syang yakapin hangang madurog ang katawan nya at mawalan ng malay."
Nilapitan naman sya ni Toto at Naka amba ng pag yakap pero agad na nakaiwas si Nathaniel at tumalon palayo.
" Hoy teka toto hindi magandang biro yan, pwede natin mahalin ang isat isa bilang magkakasama ng hindi ginagawa yan.." Sambit ni Nathaniel.
Hindi tumigil si Toto sa pag tatangkang pagyakap sa kanya hangang naghabulan sila sa loob ng kwartong iyon.
" Hoy toto tumigil ka! Kung gusto mo ng kayakap bakit hindi ang mabalahibong pusa na iyon ang yakapin mo ."
Bigla sya nadakot ni Toto ng naglalakihang kamay nito at niyakap at pinipisat ang katawan ng binata gamit ang naglalakihang mga braso
" Aray ko hindi ako makahinga, teka hindi patas ito. Bakit ako lang?
Dito sinabi ni Nathaniel kay toto na kung tunay na nagmamalasakit at nagmamahalan sila bilang team ay dapat handa rin na magpayakap si Nyabu kay Toto.
" Huh? Hindi na namin kailangan gawin yun matagal na namin kilala ang isat isa ni Toto at isa pa ay...."
Habang nagsasalita si Nyabu ay bigla syang sinungapan ni Toto ng pagyakap ngunit gayumpaman ay nagawa parin makailag ng dalaga.
" Ano? Hoy toto hindi ka naman magpapa uto sa sinasabi ng taong yan." Galit na sambit ni Nyabu.
" oh bakit hindi mo din kayang ipakita ang pagmamahal mo kahit sa simpleng paraan lang?" Pang aasar ni Nathaniel.
" Walang masama sa pagyakap sa kanya dahil magkakapatid tayo dito sa team, diba? Sige na toto ipakita mo rin sa bossy na pusakal na yan ang pagmamahal mo sa kanya."
" Anong tinawag mo saakin? Ang lakas ng loob mong asarin ako kutong lupa " iritableng sambit ni Nyabu
Dahil sa pangbubuyo ni Nathaniel ay ipinagpatuloy ni Toto ang paghabol naman kay Nyabu.
" Hoy toto itigil mo ito kundi makakatikim ka saakin."
Dahil sa ginagawang nilang pag hahabulan ay hindi napigilan ni Ataparag na mapatawa at bakas sa mukha nya na masayang masaya ito makita ang pagbibiruan nila sa team.
Ilang sanglit pa ay biglang sinungapan ni Ataparag ng yakap si Nyabu at hindi ito pinakawalan sa bisig nya.
" A-an-anong ginagawa nyo Leader ? Sandali leader."
" Nyabu mas titibay ang samahan natin sa ganitong paraan, lahat kayo mag group hug tayo." Sigaw ni Ataparag.
" Seryoso kayo Leader? Ayoko ng ganito leader." Nahihiyang sambit nito.
Dahil di sya pinakakawalan ni Ataparag ay nakalapit si Toto para yakapin silang dalawa at buhatin gamit ang kanyang bisig.
Pagkatapos nun ay nagsilapit naman ang iba nilang kasamahan para sumali at yumakap sa bawat isa.
" Group hug!" Sambit ng mga ito.
Ang mga alaala ng masasayang sandali ni Nathaniel kasama ng kanyang team ay nanatili sa kanya at masaya nyang sinasariwa.
Para sa kanya ay walang kapares ang saya ng pagkakaroon ng kasama kagaya ng pinapakita ng mga adventurer na nasa harapan nya.
Ang pagmamalasakit, magmamahal at pagtitiwala nila sa isat isa ang nagbibigay ng matatag nilang pagsasamahan.
Part 1 ep 32