Chapter 34 part 1
Sa pagpapatuloy ng laban kung saan inatake ng hindi pangkaraniwang batang babae ang karwahe kung nasaan nakasakay sila Nathaniel.
Nagawa ng babaeng mapatay ang lahat ng pasahero gamit ang mga lumulutang na isda na gawa sa tubig gamit ang baston na hawak nito.
Walang nagawa sila harik at ang mga kasama nito sa kapangyarihan ng bata at ngayon pati si aibara ay tinangka nitong tapusin gamit ang napakaraming water sword fish.
Pagkatapos ng pag atake ng mga ito ay hinawi ng batang babae ang baston nya para alisin ang jellyfish na nagiging proteksyon nya upang makakita sya ng maayos.
" Mukhang sinusubukan nilang tumakas."
Pagkawala ng usok ay nakita nyang wala roon si Aibara kung saan sya inatake nito at nabatid na nakatakas ito sa ginawa nya dahil doon ay napaisip ang batang babae kung dapat nya bang sundan ang mga ito o hayaan na lang na makatakas sa kanya.
" Kinakailangan ko ng maraming ispirito ." Sambit nito.
Habang kay nathaniel, tumatakbo ito ng matulin habang gamit ang crimson item nya at hindi ito tumitigil hangang sa tuluyan na silang nakalayo ni Aibara.
Isang minuto lang ang lumipas ay tuluyang napagod si Nathaniel at halos tatlong na kilometro na rin ang layo nila.
Dahil na rin sa bilis ay hindi nya nagawang makabalanse at dahil doon ay nadapa sya at sumobsob sila sa lupa ng dalaga.
" Aray, bakit ba hindi ko maperpect ang pag gamit ko nito."
Kahit na napatigil ng enerhiya nya ang pagdurugo ng mga sugat ay nakakaradam parin sya ng kirot gayumpaman natuwa sya na nagagawa nya ng utusan ang enerhiya nya ayon sa gusto nya.
Ilang sandali pa ay napaupo na silang dalawa sa kinahihigaan nila at iba sa inaasahan ay biglang tumayo si aibara at kwinelyuhan si Nathaniel.
" Anong ginawa ko? Bakit mo ako dinala dito? Nasa lugar pa na yun si Harik at Masaw." Galit na sigaw nito.
Parang masisiraan ng bait si Aibara habang ipinipilit sa binata na ibalik sya doon nito upang mag isa nyang iligtas ang kanyang mga kasama.
" Pero aibara.. hindi pwede."
" Anong hindi pwede? Wag mong sabihin na hindi pwede dahil alam kong kaya mong tumakbo ng mabilis pabalik doon."
Dahil sa agresibong ikinikilos ni Aibara ay sinubukan na maki usap ni nathaniel na maging kalmado ito para makapag isip ng maayos at malaman ang sitwasyon nila.
Sinubukan nyang ipaunawa sa dalaga na hindi dahil sa hindi nya kayang ibalik ang dalaga sa lugar na iyon kundi dahil wala na silang pwedeng iligtas pa.
Dahil sa narinig mula kay Nathaniel na wala ng buhay sa lugar na iyon ay lalong nagalit si Aibara at hindi ito tinangap.
" Hindi pwedeng mamatay sila harik at masaw. Ibalik mo ako doon kailangan ko silang tulungan."
Naramdaman ni Nathaniel ang pagdadalamhati nito at hindi nya kayang makipagtalo dito at pigilan ang naratamdaman nito galit sa kanya.
" Bakit kailangan mo akong ilayo sa kanila? Bakit? Sila lang ang pamilya ko at kailangan nila ako." Mangiyak ngiyak nitong sambit.
Walang naisagot si Nathaniel at hindi nya rin magawang matignan sa mata si Aibara dahil sa matinding kalungkutan at pagkadismaya na wala itong kayang iligtas.
" Nagsumpaan kami na magtutulungan hangang sa huli at hindi iiwan ang bawat isa pero heto ka at naki elam saakin para mailigtas sila." Sambit ni Aibara.
" Nakita mo naman na napakalakas nya at gusto ko lang naman na tulungan ka." Sagot ng binata.
" Hindi ko kailangan ng tulong mo." Sigaw nito.
Hinawi nya ang binata dahilan para mapahiga ito at pag katapos nun ay humakbang ai Aibara paalis pabalik sa lugar kung saan sila galing.
Dahil nga sa alam ng binata na binabalak ni Aibara na bumalik para sa mga kasamahan nya ay agad syang tumayo at hinabol ito.
Tumakbo si Nathaniel at hinila sa kamay si Aibara para pigilan ito.
" Sandali, hindi ka pwedeng bumalik doon."
Galit naman na hinawi nito ang kamay ni Nathaniel at hindi nito napigilan na kunin ang pana nito sa likod nya at dali daling inampas ito sa binata.
" Lumayo ka saakin, wala kang karapatan na pigilan ako sa gusto kong gawin."
" Kapag pumunta ka doon mag isa mamamatay ka lang." Sagot ni Nathaniel.
" Wala kang paki elam kung mamatay ako at kailan man hindi ko kailangan ng tulong mo para iligtas ako." Galit na sambit nito.
Tumalikod ito at muling tumakbo palayo, desidido itong bumalik para sa mga kasamahan nya.
Batid ng binata na alam ni Aibara na patay na ang mga kasamahan nito at ang tanging gagawin lang nito ay ang mamatay kasama ang mga ito.
" Nathaniel hindi tayo pwedeng magtagal dito kung wala kang gagawin para patigilin sya ay mabuti pa umalis ka na." Sambit ni Melon.
" Anong gagawin ko Melon nais ko syang iligitas pero paano ko naman gagawin iyon."
Alam ni Melon ang kagustuhan ng binata at kahit isa sa trabaho nya na siguruhin ligtas si nathaniel ay nag bigay ito ng payo sa kanya na kung gusto nyang iligtas talaga ang dalaga ay kailangan nyang tangapin ang responsiblidad nito.
Tinukoy nito na kahit na mailigtas nya ang dalaga sa panganib ay hindi na maaalis ang katotohanan na wala na ang kanyang mga kasama at mananatiling nakaukit sa puso at alaala nya ang masamang pangyayaring ito habang nabubuhay sya
" Hindi kita gustong pigilan dahil isa rin itong pagkakataon para magawa mo ang misyon mo sa mundong ito ngunit hindi kaya magiging makasarili ka sa gusto mong mangyari?"
" Gusto mo syang tulungan dahil ayon ang iniisip mong tama pero ano ba talaga ang makakabuti para sa kanya. Tandaan mo pagkatapos nito mabubuhay na sya sa kalungkutan habang minumulto ng masasalimuot na alaala ng trahedyang ito."
Napatigil si Nathaniel sa narinig at napagtanto na maaaring tama ai Melon sa sinabi nito gayumpaman iniisip nya na tama lang bang gawin nya iyon.
" Gusto nyang mamatay kasama ng mga kasamahan nya pero sa tingin ko hindi yun magugustuhan ng mga kasamahan nya. " Pagdadahilan nito.
" Nauunawaan ko kung ganun gawin mo ang sasabihin ko."
Habang tumatakbo naman si Aibara pabalik sa lugar ay nakita nya mula sa malayo ang bumubulusok na higanteng manta.
Isa itong lumulutang na string ray na gawa sa tubig at papunta ito sa dereksyon nya.
Sa tindi ng galit ni Aibara ay agad nyang ginamit ang kanyang pana at muling nagpakawala ng pulang palaso na bumutas sa katawan ng pagi.
" Maglaho ka!!"
Nagpatuloy ang pagbitaw nya ng mga palaso hangang sa magkabutas butas ang katawan ng pagi at naglaho na lang habang nakalutang.
Hingal na hingal si Aibara sa ginawa nyang pag atake pero makikita sa kanyang mata ang determinasyon na magpatuloy.
Muli syang humakbang para tumakbo pero ilang hakbang pa lang ang inilalayo nya ay biglang may sumungab na sakanya.
Dahil na rin sa panghihina ay hindi na nya na nagawang maka balanse at napahiga na lamang.
" Ano? Anong ginagawa mo." Sigaw nito.
Nagulat na lang sya ng nakadagan na sa kanya si nathaniel at mahigpit na hinahawakan ang kanyang dalawang mga braso upang hindi makapalag.
Gumagamit na rin si Nathaniel ng Pisikal enhancer para palakasin ang kanyang katawan kaya naman walang magawa si Aibara sa sitwasyon nya.
" Bitawan mo ako hangal, Sinabi ko ng wag mo akong paki elamanan sa gusto ko." Sigaw nito.
" Hindi ako papayag na pumunta ka, dahil kapag nagtungo ka doon ay mamamatay ka lang. Sagot nito.
" Wala kang paki kung ano mang mangyari saakin. Ililigtas ko ang pamilya ko."
Hindi pinapakingan ng dalaga ang nga sinasabi ni Nathanel dahil narin sa kanyang nararamdamang pagdadalamhati kahit na alam nito na maaari syang mamatay sa pagpunta sa lugar king nasaan ang kalaban nila at Dahil sa pagpalag at pagpupumiglas ni Aibara ay wala ng nagawa ang binata kundi iumpog ang ulo nya sa dalaga upang patigil ito.
" Tumigil ka na! Sa inaakala mo ba ito ang nararapat na gawin mo?" Sigaw ng binata.
Gayumpaman imbis na tumigil ay gumanti ng headbut si Aibara kay nathaniel at dahil doon napabitaw ang binata sa dalaga at nagawang maitulak si Nathaniel.
Nagawa nito makagapang at matadyakan ang binata para makalayo pa at sinubukan na tumayo.
" Sandali!"
Kahit na dumugo ang labi ng binata ay hindi nito ininda ang nararamdaman at nagmadaling sungaban si Aibara.
Bago pa makatayo si Aibara ay nilundagan na sya ni Nathaniel dahilan para muli itong madapa.
Hindi naman na nagsayang pa ng pagkakataon ang binata at kinuha ang mga braso nito at inipit sa likod ng dalaga upang hindi na ito makapalag.
" Bitawan mo ako sabi bakit ba ang kulit mo ? Alam mo ba ang ginagawa mo?"
" Pinipigilan kitang magpakamatay, alam mong walang saysay ang gagawin mong pagbalik doon dahil patay na sila."
" Tumigil ka !"
Dahil sa narinig ni Aibara ay sumigaw ito habang pinapatigil si Nathaniel, ilang saglit pa ay gumagolgol ito ng iyak habang sinasabi dito na hindi pwedeng mamatay ang pamilya nya.
Ang pamilya na lang nya ang meron sya at ang tanging dahilan kaya sya nabubuhay dahil mula nung sunugin ang kanilang tribo ay sila Harik at masaw lang ang tumangap at nagmahal sa kanya.
Para sa dalaga kung tunay ngang wala na ang dalawa ay wala na syang dahilan para mabuhay sa masalimuot na mundong tinitiis lang nya.
" Kaya bitawan mo ako, gusto kong makasama ang pamilya ko."
" Paki usap."
Walang magawa si nathaniel kundi ang mapapikit sa pagkadismaya, nararamdaman nya ang sakit na nararamdaman ni Aibara at hindi nya ito kayang bale walain.
" Alam ko ang nararamdaman mo at nakikisimpatya ako, Aibara alam kong nasasaktan ka ngayon."
" Gayumpaman hindi kita kayang hayaan na mamatay." Dagdag ng binata.
Dahil sa narinig ni Aibara ay lalo itong nagpumiglas dahil alam nya na hindi na sya pakikingan ni Nathaniel.
" Hangal ! Kapag nakawala ako dito ikaw mismo ang una kong papatayin." Pagbabanta ni Aibara habang nagpupumiglas.
Pumikit si Nathaniel inumpog ang noo nya sa likod ng ulo ni aibara, dito binulungan nya ang dalaga habang unti unting nagliliwanag ang kanyang mga cristal sa braso.
" Patawad aibara, pero sa tingin ko hindi magugustuhan ni Harik at masaw ang binabalak mong gawin."
" Nagbuwis sila ng buhay para iligtas ka at ngayon gusto mong sayangin ang mga sinakripisyo nilang buhay dahil lang sa sumusuko ka na sa buhay?"
Napatigil si Aibara sa narinig at unti unting naalala ang mga nakaraan kung saan pinangangalagaan sya ng mga kasama.
Si aibara ang pinakabata at nangako ang mga ito na poprotektahan ano mang mangyari. Nabatid nito na ang ginawang pagsasakripisyo nila Masaw at Harik ay para manatili syang buhay.
Wala syang magawa kundi lumuha na lang habang tinatawag ang mga pangalan ng kasamahan nya at sinasariwa ang mga masasayang karanasan nila ng magkakasama.
" Harik, Masaw."
Ilang sandali pa ay unti unting hinihigop ng cristal sa palad ni Nathaniel ang enerhiya ni Aibara.
Patuloy ang pag ilaw ng kristal hangang sa tuluyan ng nanghina si Aibara at unti unting nawalan ng malay.
Nagumapaw naman sa enerhiya ang katawan ni Nathaniel na bumabalot sa kanya at unti unting gumagaling ang kanyang mga sugat.
" Patawad pero heto lang ang alam ko na paraam para mailigtas ka."
Umupo si Nathaniel at binuhat si Aibara habang pinapagaling ang mga sugat na ito gamit ang nakuha nyang kapangyarihan dito.
Dahil doon pinuri ni Melon ang ginawa ni Nathaniel at ipinaalam na natangap nya na ang natural na abilidad ni Aibara na may kakayahan pagalingin ang ano mang pinsala gayumpaman binilinan nya ito na wag sayangin ang oras nila sa lugar na iyon dahil sa banta ng panganib.
" Alam ko kailangan ko na syang ilayo muna dito."
Sa pag tayo nya at paghakbang ng mga paa paalis ay biglang may magic circle ang lumitaw sa tinatapakan nila.
May laki itong halos Limang metro pabilog at naglalabas ng nakakasilaw na liwanag.
" Anong nangyayari?"
Ilang saglit pa ay lumabas sa magic circle ang tubig na pader na naging mga harang sa kanilang dadaanan. Para silang nasa pabilog na kulungan at walang ibang lalabasan kundi ang itaas.
Gayumpaman hindi kayang makalipad ni Nathaniel at nagdududa rin sya kung kaya nyang talunin ang higit dalawampung talampakan na taas ng pader na tubig.
" Sa tingin mo kakayanin ko tumalon dyan kung gagamit ako ng pisikal enhancer?"
" Siguro pero ang problema ay masyadong mapanganib, sa oras na tumalon ka dyan ay bibigyan mo lang sya ng pagkakataon na atakehin ka habang nasa ere."
Pinaalalahanan sya na hindi pa nya na hatiin at kontrolin ang enerhiya nya para gamitin sa pagpapalakas ng katawan at pag lalagay ng proteksyon. Kung sakali rin tamaan sya ay manganganib ang dalagang buhat nya lalo pa wala itong malay.
Ilang sandali pa kasabay ng palitaw ng mala bola na tubig sa paligid ay ang paglitaw ng batang babae sa likoran nya hawak parin ang baston nito.
" Kailangan ko ng kaluluwa nyo kaya paki usap ibigay nyo na ito ng maayos." Sambit nito.
Nagulat at napaharap ai Nathaniel sa bata habang buhat si Aibara.
" Asar, nandito na sya" bulong nya sa isip nya.
Habang pinagmamasdan nya ang batang babae ay napansin nya na mukha lang itong normal na tao kaya napa isip sya kung ano ba talagang klaseng nilalang ito.
Isa rin sa bumabagabag sa kanya ngayon ay hindi nya kilala ang batang babaeng kaharap nya at wala ito sa mga tauhan ng kwento.
Batid nya na dahil wala naman syang kaalaman sa kakayahan at kahinaan ng batang babae ay malabo na may magawa syang paraan para matalo ito.
" Sabihin mo sino ka at bakit mo kami inaatake? " Tanong nito?
" Kailangan ko ng ispirito nyo para muling buhayin ang aking mahal na ama." Sagot nito.
Nagtaka si nathaniel sa nasabi nito at base sa alam nya ay walang mahika sa mundong ito ang kayang bumuhay sa patay kaya naman tinanong nito sa bata kung nakakasiguro ba ito sa sinasabi nya.
Napatamik sandali ang bata sa sinabi ni Nathaniel at inihampas ang bastos sa lupa.
" Hindi ko alam pero kailangan kong sundin ang aking ina sa pinapagawa nya."
Sa isang iglap ay naging mga swordfish ang mga lumulutang na tubig sa paligid nila at tumutok ito kanila nathaniel.
" Masama ito, anong gagawin ko?"
Biglang napatingin si Nathaniel sa kwintas ni Aibara at may naalala.
" Hindi, naalala ko na kung saan ko sya nakita." Gulat na gulat si Nathaniel sa nalaman.
Dito sinariwa ni Nathaniel ang pag gawa nya ng manga at isa sa mga bahagi nito ay ang maikling pag bibigay detalye sa galica bago pa lusubin ito ni Halooween.
Sa maikling pagpapakita ng mga kaganapan ay isang Elf ang nakahandusay at namatay sa isang laban dahil sa pag atake ng mga anak ni Halloween sa mga bayan ng galica.
" Ibigsabihin isa ka sa anak ng warlord na si Halloween?" Nagulat na tanong nito.
Napagtanto nya na ang nagaganap ngayong pag atake sa kanilang karwahe ay isa sa mga tagpo sa isinulat nya sa komiks nya at dahil doon ay nakatakdang mamatay ng mga pasahero kasama na si Aibara.
Sinubukan ni nathaniel na lumaban at naglabas ng apiy sa kanyang mga kamay at dali daling tumira ng apoy.
Gayumpaman nalag lang ng ahas na gawa sa tubig ang fire ball na itinira ni Nathaniel na nalusaw. Walang talab ang ginawa nya na halos walang naging pinsala sa katawan ng ahas na tubig.
" Nathaniel ipapaalala ko lang sayo na napaka taas ng antas ng mahika ang ginagamit nya at wala kang magagawa para labanan sya."
Ipinaalam din ni Melon na kung sakaling gumamit naman ng proteksyon sa katawan o energy barrier si Nathaniel ay wawasakin lang ito ng mga swordfish.
" Alam ko pero hindi ko rin alam paano tatakas dito." Bulong ni Nathaniel sa isip.
" Tapusin na natin ito. Akin na ang kaluluwa nyo." Sambit ng bata.
Muling umilaw ang cristal sa baston at nagsimulang umatake ang napakaraming swordfish sa dalawa.
" Hindi maaari."
Ep34 part 1