Lumipas ang ilang oras ay tinipon ni ataparag ang kanyang team sa loob ng kwarto na iyon.
Nakahanay ito sa sampu at nakasulat sa isang malaking whiteboard ang kanilang nakatokang gawain ngayong araw.
Karamihan sa kanilang task ay ang pagbabantay sa hanganan ng bayan o hindi naman ay ang pag iikot sa bayan.
Nasa harapan si ataparag kasama si Nyabu at Toto habang ito ay nagsasalita at pinapaalalahanan ang mga tauhan nya na magreport pagkatapos ng araw.
" Maaari na kayong magtungo sainyong mga tungkulin, mag iingat kayo at maging alerto palagi." Sambit nito.
Pagkatapos bigyan ng mga tungkulin ay isa isa ng nag aalisan ang mga tauhan nito sa loob ng silid na iyon.
Ilang saglit pa ay lumapit ito saaking kinauupuan upang kausapin ako.
Hindi maalis sa mukha nya ang kalungkutan at hindi makatingin saakin ng deretso.
" Ah.. eh .. mister nathaniel, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari." Sambit nito.
" Alam ko naguguluhan ka pa sa nangyari kanina pero gusto ko lang sabihin na wala kang kasalanan." Dagdag nito.
" Huh? Ah .. hm.. salamat naman , sinabi na rin saakin kanina nung babaeng berde ang buhok ang tungkol sa nangyari." Sagot ko rito.
Dito nagulat sya at may nakapagsabi na saakin ng sitwasyon nya at ipinaliwanag saakin na may mga pag kakataon na hindi nya namamalayan na bumabalik ang katawan nya sa dati nitong anyo.
Madalas ito mangyari kapag malubha ang pinsalang natamo nya sa laban o hindi naman kaya nalasing sya pero hindi nya inaasahan pati sa pagtulog nya.
" Sa totoo lang ngayon ko lang naranasan na magbalik sa dating anyo sa kalagitnaan ng gabi." Paliwanag nya.
Hindi ko sigurado kung totoo ba ang sinabi nya o kagaya ng sinabi nung babae ay hindi sya aware minsan sa nangyayari sa katawan nya.
Habang nag uusap kami ay sumabat bigla si Nyabu at tulad noon ay napaka sungit nito.
" Halata naman ang dahilan leader kung hindi mo hinayaan matulog sa unit nyo ang isang tao ay hindi kayo magugutom sa karne ng tao." Sambit nito.
Biglang tinakpan ni Ataparag ang bibig nya at itinangi na hindi na sya kumakain ng tao at ng ibang nilalang.
" Maniwala ka mister nathaniel, wala talaga akong balak na kainin ka gusto ko lang naman makatulong talaga sayo."
Kitang kita sa mukha nya na nais nyang paniwalaan ko sya at ang pagkadismaya sa nagawa nyang pag kakamali.
Marahil tama naman siguro sya na wala syang intensyon na masama saakin pero hindi maaalis ang katotohanan na napakadelikado nya para sa katulad ko.
Sa sandaling iyon ay napayuko ito at tinanong ako kung natatakot na ba ako sa kanya.
Pero kung maaalala ko lang ang mga butas sa sahig sa unit nya ay talagang tinangka nya akong kainin at sino bang hindi matatakot doon?
Gayumpaman napakabait nya masyado para katakutan at sa lambing nyang yan eh malayong magalit ako sa pagbabanta nya sa buhay ko.
" Magsisinungaling ako kapag hindi ko sinabing natatakot ako sayo pero buhay naman ako at kung tutuusin kong hindi mo pinigilan ang sarili mo ay wala naman makakapigil sayong kainin ako kagabi." Sambit ko
" Buo parin ang tiwala at pasasalamat ko sayo miss ataparag." Dagdag ko.
Napahawak ito sa kamay ko kasabay ang pagngiti at nagpasalamat nung marinig ang sinabi ko pero bigla itong nananahimik sa pag iisip.
" Ang totoo hindi ko alam kung panaginip lang ang nangyayari kagabi na gusto kong kumain."
" Buti na lang talaga at marami akong kinaing karne." Dagdag nito.
Napangiwi na lang ako dahil kung iisipin ay hindi naman talaga nya napigilan ang sarili nya na kainin ako kundi dahil busog pa sya kagabi.
Naging maganda na ulit ang mood ni Ataparag at bumalik na sa kanya yung ngiti na nagpapaganda pa lalo sa kanya.
Gayumpaman habang nagkakamabutihan na kaming dalawa ay biglang hinampas ni Nyabu ang mga kamay ni ataparag para mapabitaw saakin.
" Tumigil kayo!" Sigaw nito.
" Nyabu naman, masakit yun ah." Sagot ni Ataparag.
Nagalit si Nyabu dito at pinagsasabihan na hindi ito pwedeng lumapit sa tao at lalo na sa akin na wala namang magiging silbi.
" Hindi ko maintindihan ang iniisip nyo leader nais nyo maging matagumpay ang team natin pero nagdala kayo ng magiging pabigat saatin."
Dito ay idinahilan ni ataparag na wala naman syang magagawa kundi sunod kay Aoi at kinontra ang sinasabi nito na wala akong magiging pakinabang.
Binangit nya na maaari akong maging assistant sa team na aasikaso sa mga paper works o magdala ng mga sulat.
" Leader yun na nga lang ang ginagawa nyo maghapon tapos gusto nyo pang ipagawa sa iba." Malamig na tugon nito.
" Sobra ka naman nyabu." Nahihiyang sagot nito.
Gusto ko sanang sumabat sa pag tatalo nila pero hindi ko rin alam kung kanino papanig gayong naririnig ko palang ang pag aasikaso sa paperworks ay tinatamad na agad ako pero nasasaktan naman ang pride ko kapag tinatawag ako ng pusa na ito na walang silbi.
Napabuntong hininga si Nyabu at nadidismaya habang sinusumbat na marami na syang nagawa para kay ataparag kaya hindi nya na kailangan humanap ng ibang assistant.
" Ako lang ang tanging kailangan nyo kaya pwede ba wag nyo syang ipagsiksikan sa team."
Nakikipagtalo ito sa kanyang leader dahil na rin hindi sya pinakikingan nito sa mga concern nito para sa kanilang team.
Hindi rin nito tinigilan ang napakatalim na titig nito habang nang gagaliiti ang mga nginpin dahil sa pag ka irita saakin.
" Hindi hindi ako makakapayag na mapunta ka sa team na ito, tandaan mo yan." Sambit nito.
Dahil nararamdaman ni Ataparag na lalong nagiging masama ang sitwasyon ay humarang na sya sa harap ko at pinaki usapan si Nyabu na itigil ang pananakot saakin.
" Mabuti pa samahan mo na lang kami sa pag dala sa listahan ng mga aplikante sa base."
" Tsk, hindi ako sasama kung isasama nyo rin sya." Pagmamaldita nito.
" Nyabu naman "
Padabog na umalis si nyabu mg kwarto at hindi nakinig sa inuutos ni ataparag.
Masyadong mabait si Ataparag para maging leader kaya talagang hindi sya nagagagalit pag sinusuway sya sa mga utos nya.
Pagkatapos nun ay muling humingi ng pasensya si Ataparag sa ikinilos ni Nyabu at hindi ko naman ito kinasama ng loob dahil unti unti na akong nasasanay sa pagtrato nya saakin.
" At isa may punto naman sya."
" Hindi sa minamaliit kita bilang leader pero hindi ba parang hindi maganda kung ipapasok mo ako sa team mo gayung wala naman akong kapangyarihan?" Tanong ko rito.
Bumuntong hininga ito at sandaling nanahimik kasabay ng pag talikod nya saakin habang sinasabing minsan nabangit sa kanya ni sei na hindi basehan ang itsura, lahi o kakayahan ng isang nilalang para masabing wala itong pakinabang.
" Nakita ko kung gaano mo protektahan ang katulad ng kasama mo at hindi mahalaga sayo kung mapahamak ka basta magawa mo ang alam mong tama."
" Ang malasakit mo sa iba at pagiging makatwiran ang nakita ko sayo, iyon ang nais ko sayo kaya ko gustong sumali ka sa team ko."
Kung iisipin napakababaw nya hindi dahil sa mali ang sinasabi nya kundi dahil sa actual na labanan o sakuna ay wala naman magagawa ang pagiging makatwiran kagaya na lang na wala akong nagawa para protektahan si Suwi.
" Mali ka, narinig ng reyna ang iyong mga sinabi at sa tingin ko tutulungan ka nya kung may makita syang patunay sa sinasabi mo." Sambit nya saakin
Dito ay nabangit nya na unang beses nyang nakitang magdalawang isip si sei sa magiging hatol nya kaya naman dahil hindi nya hinatulan si suwi ay malaki ang tyansa na umaasa parin sya.
" Kung gusto mo talagang iligtas ang kaibigan mong soul eater ay kailangan mong sumali sa Eskapa."
Hindi ko alam ang isasagot ko pero may punto naman sya dahil kinulong lang si Suwi sa black cage at ang kailangan ko lang gawin ay patunayan ang sinasabi kong hindi sya mapanganib.
Kung makikita ni sei na hindi talaga kayang kumain ni Suwi ng kaluluwa ay maniniwala sya saakin at pakakawalan ito.
" Sana nga tama ka." Sambit ko habang nagbubuntong hininga
" Syempre naman tama ako, ako pa ba?" Pagmamayabang nito.
Napangiwi na lang ako dahil sa pagyayabang nya sa kabila ng mga kapalpakan na ginawa nya at mga bagay na hindi pinag isipan.
Nakakainlab ang itsura nya habang nagyayabang dahil napakalambing ng boses nya habang binibida ang sarili.
Pero gayumpaman umaasa ako sa sinabi nya at kailangan kong maniwala upang maligtas ko si Suwi.
Ilang sandali pa ay pinag ayos nya na ako ng sarili at ipinaghanda upang maaga kaming magpunta sa base upang ipasa ang listahan ng mga aplikante.
Part 2 of episode 13