Chapter 28 part 1
Hindi naging maganda ang naging sitwasyon na hinaharap ni Ataparag nung mag punta ito sa isa sa mga bayan na kasalukuyang nilulusob ng black scorpion.
Hindi nya inaasahan na makaharap ang tatlong prime hube kasama na dito ang pinuno ng black scorpion na si harbelio na kilala bilang Mud beast.
Isa itong alpha at nasa ika sampu sa Black list criminal ng Eskapa. Ibigsabihin ay kadalasan na isang sandata ng diyos kagaya ni Sei ang humuhuli at pinapaiwasan ang ibang myembro ng eskapa na may antas na columbus na umaksyon laban sa mga ito.
Pinamunuan nya ang Black scorpion na may layuning sumakop ng mga bansa at mangibabaw sa lahat upang katakutan ang kanilang lahi.
Sa kanilang laban ay nahuli si Ataparag ng mga luwad ni Harbelio at nagawang pisatin nung mabalot nito ang dalaga.
Pagkatapos durugin ay unti unting nagbabalik sa lupa ang putik at tuluyang nasira ang bilog na hugis nito.
Sa pagkakataon na iyon nakita nila ang nakahandusay na katawan na nagmula sa loob ng bilog na luwad.
" Huh? Mabilis sya."
Isang lasog lasog na katawan ng halimaw ang nakahiga sa lupa ang nakita nila at hindi katawan ni Ataparag kaya naman naging alisto ang mga ito sa paligid nila.
Ilang segundo lang ang lumipas ay lumitaw sa gilid ni Harbelio si Ataparag at naka amba ng pag sipa.
Ganlyunpaman nagawang maramdaman ni Harbelio ang atake nya at bago pa tumama ang sipa ni Ataparag sa mukha nito ay humarang na ang luwad para protektahan ito.
"Ano?"
Nagulat si Ataparag sa pag salag nito na parang pader at agad na tumalon palayo upang bumwelo muli.
Sa paglapag ng kanyang paa sa lupa ay agad nitong binunot ang patalim nito sa crest nya sa bewang at bumulusok ulit palusob.
Kahit na kumikilos ito ng mabilis ay nagagawa ng luwad na umiikot sa paligid ni Harbelio na salagin ang mga atake ni Ataparag na tila ba may sarili itong buhay.
Nagpatuloy ang pag salag ng mga ito sa bawat atake ng dalaga habang si Harbelio ay nakatayo lang at kalmado na tila ba hindi nababahala sa ginagawang pag lusob ng dalaga.
Hindi magawang mahiwa ng patalim ni Ataparag ang luwad at nabatid nya na bale wala ang ginagawa nyang pag atake kaya naman muli syang tumalon palayo at nagpakawala ng awra na gumawa ng malakas na pwersa ng hangin.
Kasabay ng pagtama ng hangin kay Harbelio ay ang pagdikit ng mga insekto ni Ataparag sa katawan nito.
Sa pagkakataon na iyon nagkaroon ng pagkakataon si Ataparag na maka atake ng hindi nito napapansin.
Nagsimulang humigop ng enerhiya sa katawan ni Harbelio ang mga insekto at unti unting lumalaki habang nakadikit sa kanya.
" Explode ."
Sumabog ang mga insekto nito sa katawan ni Harbelio at sa tindi ng pagsabog na ginawa nito ay gumawa ito ng napakalakas na pwersang nagpatalsik sa mga bagay bagay palayo.
Isang minuto din natahimik ang lugar hanggang sa unti unting naglalaho ang makapal na usok sa paligid at lumitaw ang naging pinsala ng pagsabog.
Nabigla si Ataparag ng makita ang wasak na katawan ni harbelio sa gitna ng butas, nanatili itong nakatayo at patuloy nagpapakita ng napakalakas na awra.
" Anong nangyayari? Hindi ko marinig ang tibok ng puso nya pero nararamdaman ko parin ang napakalakas na presensya nya?" Bulong ni ataparag sa isip nya.
Ilang sandali pa habang nakatayo ang hati na katawan ni Haberlio ay unti unting sumasanib sa kanya ang mga luwad sa paligid nya at dito ay nagkokorte itong bahagi ng katawan nya.
Ilang sandali pa ay unti unting nabuo ang katawan nya at nagbabalik sa normal nitong anyo na buo at walang kagalos galos.
Nagulat si Ataparag sa nakita at nabatid na hindi biro ang tinataglay na kapangyarihan ng kaharap nya dahil narin sa napakataas ng level ng mud magic na gamit nito.
Gayumpaman ay hindi sya natakot dito at muling ginamit ang kanyang patalim upang lusobin si haberlio ng derekta.
" Fatal strike!"
Bumulusok ito palusob ngunit muling kumilos ang mga luwad upang gumawa ng harang at protektahan si harbelio.
Gayumpaman dahil sa tindi ng pag atake ni Ataparag ay nabutas ang pader na luwad at nagawa nyang makalusot dito.
Sa sobrang bilis ng pag atake nito ay wala ng nagawa si harbelio upang dumepensa pa. Tumusok ang patalim ni Ataparag sa puso ni Harbelio at gumawa ito ng malakas na pwersa na halos nagpatangay sa mga bagay palayo sa paligid nila.
" Ayos nagawa ko." Bulong nito sa isip.
Sandaling tumahimik ang lugar sa hindi pagkilos ni harbelio. Sa pagkakataon na iyon ay bigla syang ngumisi kay Ataparag na tila ba minamaliit lang ito.
Kasabay ng pag ngisi nito ay ang pagpapakawala nito ng itim na awra upang iparamdam kay ataparag ang kanyang taglay na kapangyarihan.
" Aaminin ko nabigla ako sa kung paano mo nagawang mabasag ang kalasag ng mga putik ko."
Laging gulat ni Ataparag na nagagawang magsalita ni Harbelio ng normal at tila walang talab sa kanya ang pagkakasaksak sa puso nito.
Nabatid ni Ataparag na hindi ito tinablan ng atake nya at sinubukan na bunutin ang kanyang patalim. Mabilis naman nyang nahila ito at tumalon palayo.
" Paanong buhay pa sya kahit na sinaksak ko na ang puso nya?" ..
Habang nag iisip ay nakita nito na unti unting nagsasara ang sugat sa dibdib ni harbelio na parang clay ang katawan.
" Hindi gagana saakin ang ano mang derektang pag atake dahil hangat nababalot ako ng mga luwad at nakatayo sa teritoryo ko ay imortal ang katawan na ito."
Nanatiling nakatayo si harbelio at tila ba minamata lang si ataparag habang tinitignan ito ng nakangisi.
" Hindi ko alam kung ano ka pero nakakaramdam ako ng presensya ng halimaw sayo gayumpaman kung titignan kong mabuti ay nasa katawan ka ng tao."
" Sa pananamit mo isa kang mataas na opisyal ng eskapa pero ngayon palang sinasabi ko na sayo na hindi ka mananalo sa labang ito." Sambit ni Harbelio.
Hindi nagpatinag si Ataparag sa sinabi nito at itinaas ang mga kamay. Kasabay naman nito ay ang paghigop ng singsing nya sa coat na suot nito.
Naisip ni Ataparag na magiging mahirap sa kanya ang laban lalo na wala sa tatlong halimaw na kalaban nya ang tinatablan ng kanyang pampasabog.
Batid nya rin na hindi imortal ang katawan nya hindi kagaya ng mga halimaw na nasa harapan nya ngunit gayumpaman hindi ito natatakot sa mga ito at handang humarap dito hangang kamatayan.
" Wala akong kalaban laban kung sabay sabay ko silang lalabanang tatlo pero hindi ko rin naman pwedeng iwan ang mga bihag dito at tumakas na lang." Bulong nito sa isip.
Kahit na alanganin ay ang kapakanan parin ng mga bihag ang nasa isip ni Ataparag. Muli itong kumuha sa ng patalim na inilabas ng crest nya sa bewang.
" Wala akong oras makipaglaro sa isang tuta ng eskapa kaya naman kailangan kitang iligpit kaagad " sambit ni Harbelio
Bago pa magsimulang umatake si Harbelio at hindi na nag aksaya pa ng oras si Ataparag at ibinato ang tatlong tatalim deretso kay harbelio.
" Fatal strike !"
Agad naman itong sinalag ng mga luwad pero kagaya ng naunang nangyari ay binutas lang ng mga patalim ang luwad.
Agad naman na sinalag ng naglalakihang braso ni Harbelio ang tatlong patalim at tumarak dito.
" Sinabi ko na walang epekto saakin ang atak-."
Bago pa makatapos sa pagsasalita si harbelio ay bigla nyang napansin ang mga insektong nagsisimulang lumaki sa braso nya at ilang saglit pa ay sumabog ang mga ito dahilan para maglaho ang mga braso nito.
Nabigla si Harbelio sa nangyari at napalakad paatras at habang napapalakad paatras ay sumalubong si Ataparag sa harap nya hawak ang kanyang patalim.
Sa sobrang bilis ay hindi nagawang makagalaw ng luwad nya upang harangan at pigilan pa si ataparag na makalapit.
" Hindi kayang magreact ng mabilis ang luwad ko dahil sa bilis ng galaw nya at dahil na rin siguro sa pagsabog kanina." Bulong ni Harbelio sa isip.
Sa sandaling iyon ay nagawang mahiwa ni Ataparag ang leeg ni Harbelio at gumulong ito sa lupa.
Nagawa naman makalapag ni Ataparag ng maayos sa lupa at dali daling humarap kay harbelio habang pinapaikot ang hawak na patalim sa kamay nya
Panatag sya na nagawa nyang mapatay ang halimaw dahil alam nya na kahit na halimaw ang mga ito ay may kahinaan parin sila at isa na rito ang pag pugot sa ulo ng mga ito.
Pero nagulat sya ng unti unting nagiging luwad ang kabuoan ng katawan ni Harbelio at maging ang ulo nito na gumulong sa lupa ay naging putik at kinain ng lupa.
" Isang uri ng mud magic ? Pero paano sya naka pag cast ng spell sa napaka bilis na oras?"
Habang nag iisip ay hindi nya napansin na naging malambot na lupa ang kanyang tinatapakan.
Nag angatan ang luwad sa tinatapakan nyang lupa at nag anyong higanteng kamao na syang dumakma sa katawan ni Ataparag.
" Hindi."
Sa pagkakataon na iyon ay ibinalibag sya ng higanteng kamay sa lupa na halos nag pabaon sa katawan nito.
Kasabay naman nito ay ang pag litaw ulit ng napakalaking kamay na gawa rin sa luwad na sya namang sumuntok kay ataparag.
Nagpatuloy ang pagsapak ng mga higanteng kamao hangang sa tuluyang bumakat sa lupa ang katawan ni Ataparag.
Alam ni Ataparag na hindi tatagal ang katawan nya na tangapin lang ang mga atakeng iyon kaya naman pinilit nya na gumalaw at maglabas ng mga insekto.
Sa paglabas nito ay mabilis itong nakahigop ng enerhiya mula kay Ataparag at dumikit sa mga luwad na hugis kamao.
Dito ay isa isang sumabog ang mga ito na sumira sa mga kamao at winasak ng pira piraso. Muli naman nabalot ng usok ang paligid nila dahil na rin sa pag sabog ng mga ito.
Ilang sandali pa ay naiipon sa isang lugar ang mga luwad at unti unting kumorte. Dito ay nagbalik sa dating katawan nito si harbelio na walang kagalos galos sa katawan.
" Nagugulat ako sa pinapakita mo kaso kahit anong gawin mo ay hindi mo kayang paslangin ang katawan ko."
Unti unting tumatayo si Ataparag sa gitna ng butas at bakas ang mga pinsala sa katawan lalo na sa kanang braso na napilay at hawak hawak nya.
" Tinaasan ko na ang proteksyon ko sa katawan pero grabe parin ang natamo kong pinsala." Bulong ni Ataparag.
Nababalot ng enerhiya ang katawan Ataparag para palakasin at pamanhidin ang kanyang katawan sa pinsala nya kaya naman hindi ito nakakaramdam ng kirot at sakit.
Batid nya na malakas ang kalaban nya pero gayumpaman nag iisip parin ito ng mga posible paraan para makita ang kahinaan nito.
Ang mud magic ay nangangailangan ng oras para mag cast ng spell at malakas sa enerhiya hindi kagaya ng isang natural na abilidad at kapangyarihan kaya alam nya na may limitasyon parin ito.
Muli syang kumuha ng mga patalim at binalot ito ng enerhiya at sa pagkakataon na ito ay pinalutang nya ang sampung patalim nya sa paligid nya.
Napangisi naman si Harbelio ng makita si Ataparag na maghahanda na umatake muli at muling ipinaalala na walang pupuntahan ang ginagawa nitong pag atake gamit ang mga sandata.
Inihalimbawa nya ang laban na nagaganap ay sa pagitan ng isang leon at inilarawan naman nya si Ataparag bilang isang nakakairitang garapata sa kanyang katawan na kanyang titirisin.
Hi guy ghhhhj be cc fhh
Hindi umimik si Ataparag sa sinabing panlalait ni Harbelio at matapang lang nakatingin dito.
Kasabay nito ang pag angat nya ng mga kamay na kumontrol sa mga patalim na nakapalibot sa kanya.
Muli naman nagpakawala ng napakatinding awra si Harbelio upang ipakita kay ataparag ang deperensya ng kanilang mga lakas.
" Wag mong sabihin muli mo nanaman akong aatakehin gamit ang mga walang kwentang bagay na yan? "
Hindi umimik si Ataparag at dahil doon ay nakaramdam ng pag kairita si Harbelio dahil tila binabale wala nito ang sinasabi nya.
Bumuntong hininga si Ataparag at ikinalma ang sarili upang magsalita at ipakilala ang sarili.
" Ako si Heneral Ataparag ng Galica at tapat na alagad ni Reyna Sei hindi ako nangangako ng kahit ano ngunit kung pakakawalan mo ang mga mamamayan ng bansa ko hahayaan ko kayong umalis sa lugar na ito." Sambit ni Ataparag.
Hindi makapaniwala si Harbelio sa kanyang naririnig sa dalaga na tila binibigyan sya ng pagpipilian na umalis ng payapa sa gitna ng kanyang kalamangan sa sitwasyon ng laban.
" Napakamapangahas mo hindi mo ba alam kung sino ang nasa harap mo?"
" Ang pinuno ng Black scorpion na si mud beast na si Harbelio at nakita na kita sa listahan ng black list ng eskapa dahil sa pagpaslang sa mga opisyal ng pwersa militar ng grupo kaya naman kilalang kilala kita."
" Base sa nakita konv kakayahan mo na gawing putik ang katawan mo ay nagagawa mong bale walain lang ang mga atake ko."
"hindi rin biro ang tinataglay mong enerhiya kaya alam ko na may mas higit ka pang kayang ipakita sa laban na ito."
Kalmado at walang bakas na takot sa mukha ni Ataparag habang nagsasalita ito kaya naman pinuri ito ni harbelio dahil sa katapangan nito na humarap mag isa sa isang prime hube.
Ipinaalala nya marahil nagtataglay ng magandang abilidad ng crimson eye si Ataparag ngunit pinag malaki nya na walang kahit ano ang kayang pumatay sa katawan nya hangat may lupa sa paligid nya dahil isa itong natural na abilidad na hindi nangangailangan ng magic circle.
" Nababatid ko kung gaano ka kalakas at sa tingin ko hindi ko kayang patayin ang katawan mo."
" Hahahah kahit na alam mo na hindi ka mananalo ay matapang ka parin magsalita sa harapan ko."
Napayuko si Ataparag at pumikit habang sinasabi na mali ang inaakala ni Harbelio sa sinabi nya at nilinaw na totoo na hindi nya kayang patayin ang katawan nito ngunit kaya nyang talunin si harbelio sa laban nila.
" Ano? Sinasabi mo bang kaya mo akong matalo ? "
" Hindi lang ikaw kundi ang lahat ng iyong mga tauhan ay wawasakin ko, magagawa ko at gagawin ko ito sa oras na hindi nyo pakawalan ang mga mamamayan ng bansa ko ."
Natahimik ang paligid at walang umiimik sa dalawa hangang sa lumipas ang sampung segundo ay biglang tumawa ng malakas si Harbelio at tinatawag na baliw si Ataparag.
Ipinaalam nya kay Ataparag na ito ang unang nilalang na nagmaliit sa kanya sa gitna ng pagpapakita ng kapangyarihan ni Harbelio gamit ang pag papalabas ng itim na enerhiya at pagpapakita ng kanyang abilidad.
" Bilib ako sa tapang mo wala akong nakikitang takot sa mga mata mo kaya naman interesado ako sa sinasabi mo, sige ipakita mo na kaya mo akong matalo."
Nagpakawala ng matinding awra si Harbelio na syang gumagawa ng malakas na hangin sa paligid.
Dahil doon nag alisan ang mga tauhan nya at dumistansya dahil alam nila na may gagawin si harbelio sa mga sandaling iyon na maaari nilang ikapahamak.
Napansin naman ni Ataparag ang pag alis ng mga halimaw at magsimulang maghanda para sa inaasahang pag atake ni Harbelio.
Nag umapaw ang enerhiya ni Harbelio na tila isang buhawi sa paligid nya habang nag liliwanag ang mga itim na kuryente na dumadaloy sa katawan nya.
" Garden of Mud spike "
Yumanig ang kalupaan kasabay ng paglitaw ng isang napakalaking magic circle ang pumalibot sa kalupaan at unti unting naging putik ang kanilang tinatapakan.
Kasabay ng pagsuntok sa lupa ni Harbelio ay ang pag angat ng lupa na nag hugis patusok.
Naglabasan sa lupa ang libo libong mud spike na may taas na sampu hangang dalawampung metro at kahit na nakakakilos ng mabilis si Ataparag ay hindi nya nagawang makatakas dahil sa lambot ng lupa na tinatapakan nya.
" Hindi maaari."
Tinamaan sya ng isa sa mga spkie dahilan para mapatalsik paitaas at habang nasa ere naman ay may lumabas na spike sa katawan ng isang dambuhalang spike patungo ulit kay ataparag.
Nagpatuliy ang paulit ulit na pagtama ng mga mud spike sa dalaga at napatalsik ngunit bago pa ito bumagsak sa lupa ay muling lumitaw muli ang isa pang spike at pinatalsik ulit ito paitaas.
Gustuhin man ilagan ni Ataparag ang mga spike ay hindi nya makontrol ang pagtalsik nya sa ere.
" Anong nangyayari? "
Nagawang maka iwas ni Ataparag sa huling pag atake ng spike sa kanya at sumampa dito para tumakbo ngunit biglang lumambot ang lupa na tinatakbuhan nya at naglabas ulit ng isa pang mud spike.
" Nalalaman nya ang bawat ikikilos ko para bang buhay ang mga luwad nya."
Pinilit na tumalon palayo ni Ataparag para lang iwasan ang mud spike ngunit hindi nya napansin ang parating sa kanyang likod.
Dito sumalubong mula sa ere si Harbelio at naka akma ng pag atake. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay walang nagawa si Ataparag kundi tangapin ang dagok ni Harbelio.
Sa sobrang lakas namam ng pagdagok ay nawasak ang isang spike na pinagbagsakan ni Ataparag.
Hindi naman nag aksaya ng oras si Harbelio at muling lumusob kay Ataparag habang nakabakat sa lupa.
Batid ni Ataparag na hindi nya maaaring basta tangapin ang mga atake nito kaya naman pinilit nyang tumayo at nagmadaling tumalon palayo.
Nagawa nyang makaiwas sa napakalakas na pag atake na iyon ni Harbelio na halos humati sa kalupaan sa dalawa ngunit na tangay parin sya ng malakas na hangin dahil sa impact ng magtama sa lupa ni Harbelio.
Gumulong gulong sa lupa si Ataparag at tumama sa isang puno bago be tuloyan mapahiga.
Dito ay agad syang umupo at napasuka ng dugo dahil sa pinsalang natangap.
Maging sya ay hindi makapaniwala na mapipinsalaan sya ng matindi kahit na napakataas na ng kanyang enerhiyang pang depensa sa katawan.
" Talagang napakalakas ng atake nya, kung hindi ko naitaas ng double ang proteksyon ng katawan ko kanina malamang nabali na lahat ng mga buto ko sa likod."
Habang magpapahinga ay bigla namang tinangay ng malakas na hangin ang usok sa paligid dahil sa matinding awra na pinakawalan ni Harbelio.
Sa pagkakataon na iyon umakyat sa butas si Harbelio na gawa ng kanyang pag atake at naglakad papunta sa dereksyon ni Ataparag.
Patuloy itong magpapakawala ng itim na awra at bawat pag tapak nya pasulong sa lupa ay ang pag labas ng napakaraming mga spike sa paligid nya.
" Anong problema? Akala ko ba tatalunin mo ako?"
" Kung ayan lang ang ipapakita mo sa laban na ito ay mabuti pa tapusin ko na ang laban nating ito." Nakangiting sambit nito habang minamata si Ataparag
Part 1 ep 28